• November 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for December 10th, 2020

1 day a week policy, puwedeng ipatupad ng mga lokal na pamahalaan para mabigyang pagkakataon na makalabas ng bahay ang mga Senior Citizen

Posted on: December 10th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

IPINAUBAYA  na  ng Malakanyang sa Local Government Units (LGUs) ang  pagpapasya o discretion  kung pagbibigyan ang panawagan ng Senior Citizen’s partylist na ikunsidera ang mental at emotional health ng mga Senior Citizen.

 

Bukod pa sa bigyan ang mga ito ng exemption sa implementasyon ng age restriction ng mga hindi pinapayagang makalabas ng bahay.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry roque, hinahayaan na ng executive branch ang mga LGU na magdesisyon sa usaping ito lalo’t mayroon na aniyang nabuong guidelines ukol dito ang Inter-Agency Task Force (IATF).

 

Subalit,  sinabi ni Sec. Roque na maaari namang gayahin o i-adopt ng bawat LGUs sa bansa ang ipinatutupad ng ilang lokal na pamahalaan na pagbibigay pahintulot sa mga senior citizen na makalabas ng isang araw sa loob ng isang linggo.

 

Kumbinsido si Sec. Roque na ang ganitong  uri ng patakaran ay maaaring gawin ng bawat LGU para sa kapakanan at kalusugan ng lahat ng senior citizen  sa bansa. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Boxing at weightlifting tinapyasan sa Olympics

Posted on: December 10th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

BINAWASAN ng bilang ang dalawang sport – boxing at weightlifting – para sa 33rd Summer Olympic Games 2024 sa Paris, France.

 

Nangangahulugan ang drastikong hakbang ng International Olympic Committee (IOC) ang pagliit ng bilang sa 329 gold medals na lang ang mga paglalaban sa quadrennial sportsfest.

 

Mas mababa na ito ng 10 medalyang ginto sa 32nd Summer Olympic Games 2020 na ni-reset lang sa Hulyo 2021 dahil sa Coronavirus Disease 2019 pandemic.

 

Bale apat na gold ang binaklas sa weightlifting, indikasyon sa pagkabanas ng IOC sa may kasalukuyang gulo na International Weightlifting Federation (IWF) sa bawal na droga at korapsyon. Lalabas na 120 lifters (athlete at officials) na lang ang makakapunta sa Paris.

 

Wala na sa kalahati ito sa mga bumahagi sa 31st Summer Olympic Games 2016 sa Rio de Janeiro, Brazil kung saan nakamit ng ating kalahi na si Hidilyn Diaz ang silver medal.

 

Namemeligro ring tuluyang makalos ito sa kalendaryo ng tuwing apat na taong pinakamalaking paligsahan sa mundo dahil na rin sa malalang nabanggit na problema.

 

Apektado rin ang boxing dahil sa malaking bilang ang malalagas sa athlete quota na 10,500 sa 2024 Games. Lampas sa 600 katao ang mawawala hambing sa mga sasali sa Tokyo Olympics.

 

Dahil sa korapsyon at dayaan sa mga labanan ang kinaiinis din ng IOC sa International Boxing Association (AIBA) kaya sinuspinde ito noon pang isang taon. Isinaalang-alang na lang ang kapakanan ng mga boksingero kaya may boxing pa rin sa Tokyo at Paris.

 

Sana umayos na ang IWF at AIBA para hindi naman tuluyang mabura ang weightlifting at boxing sa mga parating pang Olympics.

De Los Santos hakot ng 3 golds

Posted on: December 10th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

“It’s raining golds” ang bumungad para kay World No. 1 Orencio James De Los Santos sa araw ng Martes nang kumana ito ng tatlong sunud-sunod na gintong medalya sa hiwa-hiwalay na torneo.

 

Tunay na humanga sa galing ng Pinoy karateka ang mga hurado matapos nitong ilatag ang kanyang world-class performance sa E-Karate Games 2020 third edition, second Euro Grand Prix E-Tournament 2020, at Rome International ENDAS Karate Cup.

 

Hindi nakaporma sa tikas ni De Los Santos si Silvio Cerone-Biagioni ng South Africa sa gold-medal match, 25.5-23.6, para makuha ang ginto sa E-Karate Games 2020 third edition.

 

Tuloy ang mainit na ratsada ng Cebu City pride sa second Euro Grand Prix E-Tournament 2020 matapos patumbahin si Domont Matias Moreno ng Switzerland, 25.3-23.6, tungo sa gold-medal performance.

 

Magarbong tinuldukan ni De Los Santos ang three-tournament rampage nito sa Rome International ENDAS Karate Cup kung saan iginupo ng Pinoy karateka si Alfredo Bustamante ng Amerika, 25.1-24.

 

Umabot na sa 29 gintong ang nalilikom ni De Los Santos sa online tournaments upang kapitan ng husto ang unang puwesto sa world rankings.

 

Hindi matinag si De Los Santos sa No. 1 spot tangan ang 13,745 puntos habang nasa malayong ikalawang posisyon si E­duardo Garcia ng Portugal (8,890) at ikatlo naman si Moreno (6,990).

Mga bata bawal din sumama sa Simbang Gabi – MMDA

Posted on: December 10th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Mahigpit ding pagbabawalan na dumalo sa Simbang Gabi o Misa de Gallo ang mga kabataan sa Metro Manila dahil sa nagpapatuloy na banta ng coronavirus disease.

 

Napagkasunduan ng 17 alkalde ng Maynila na huwag payagan ang mga kabataan na may edad 17 pababa na lumabas ng kanilang mga bahay kung hindi naman importante ang kanilang lakad.

 

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Jojo Garcia, bawal ding dumalo sa Simbang Gabi ang mga kabataan kahit pa inadjust na ang curfew upang bigyang daan ng mas maagang oras ang pagsasagawa ng Simbang Gabi.

 

Dagdag pa ni Garcia na maaaring magsimula ang Simbang Gabi ng 12:00 ng madaling araw hanggang alas-3:00 ng umaga.

 

Dahil na rin sa coronavirus pandemic, mas paiigtingin pa ang umiiral na health protocols tulad ng physical distancing at pagsusuot ng face masks para sa mga dadalo ng Simbang Gabi.

Kapuso actress Rich Asuncion, masaya at kuntento sa buhay sa Australia

Posted on: December 10th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Happy at kuntento na ang Kapuso actress na si Rich Asuncion sa buhay sa Australia kasama ang mister na si Benjamin Mudie at anak na si Bela Brie.

 

Kahit malayo sa pamilya niya sa Bohol, parati naman daw sila nagbi-video call. Kelan lang nga ay nag-celebrate ng 2nd birthday si Bela noong December 4 at nagkaroon sila ng virtual children’s party.

 

“Bela Brie, I feel emotional how you slowly grow into your own independent self and how you are not just my little baby girl anymore. I am mighty proud though because I see a fearless, fun-loving spirit in you. I love your little kisses and cuddles. They’re the best! You are the best thing that ever happened to me! Happy 2nd birthday anak,” post ni Rich sa Instagram.

 

Dahil Australian citizen si Benjamin, nalipat niya sa Australia sina Rich at Bela bago magka-pandemic.

 

Kinasal sa Hong Kong sina Rich at Benjamin noong 2018.

 

 

*****

 

Sa TikTok account ni Sofia Pablo sumikat ang videos nila ng StarStruck Season 7 First Prince Allen Ansay. Ang tawag sa kanila ay Team Jolly.

 

Kabilang ang Kapuso teen star sa Most Popular Celebrities on Tiktok Philippines. May 5.1 million followers si Sofia on TikTok.

 

Dahil sa magandang chemistry nila, tinatanong sila ng kanilang mga followers kung sila na ba?

 

Natawa lang si Sofia dahil 14 years old lang daw siya at hindi pa siya puwedeng magkaroon ng boyfriend.

 

Si Allen naman just turned 17 years old last November 23.

 

“Close friends lang po kami talaga ni Allen. Maganda po kasi ang team-up namin sa social media kaya siguro kinatutuwaan kami.

 

“Kaya tuluy-tuloy lang po kami na nagva-vlog at TikTok para sa mga sumusuporta sa Team Jolly. Next year po, mas marami kaming gagawin pa na videos.”

 

Simple lang daw ang Christmas wish ni Sofia. Yung matapos na ang pandemic para makapagtrabaho na ulit siya.

 

“I wish po for this pandemic to end. Sana po makabalik na agad sa work after my birthday next year. Miss na miss ko na po mag-work.”

 

*****

 

Ang Oscar-nominated breakout star ng 2007 comedy-drama na Juno ay umamin na sa pagiging transgender.

 

Si Ellen Page, na kilala na ngayon as Elliot Page ay inamin via social media na siya ay transgender and non-binary.

 

“I feel lucky to be writing this. To be here. To have arrived at this place in my life. I feel overwhelming gratitude for the incredible people who have supported me along this journey. I can’t begin to express how remarkable it feels to finally love who I am enough to pursue my authentic self.

 

“I’ve been endlessly inspired by so many in the trans community. Thank you for your courage, your generosity and ceaselessly working to make this world a more inclusive and compassionate place. I will offer whatever support I can and continue to strive for a more loving and equal society.

 

“I love that I am trans. And I love that I am queer. And the more I hold myself close and fully embrace who I am, the more I dream, the more my heart grows and the more I thrive. To all the trans people who deal with harassment, self-loathing, abuse, and the threat of violence every day: I see you, I love you, and I will do everything I can to change this world for the better.”

 

Taong 2014 ng umamin si Page na siya ay gay. Kasal siya sa dancer-choreographer na si Emma Portner.

 

Bukod sa Juno, lumabas din si Page sa mga pelikulang X-Men: The Last Stand, X-Men: Days of Future Past, Inception, Whip It, To Rome With Love, and Flatliners. Kasama rin siya sa Netflix series The Umbrella Academy. (RUEL J. MENDOZA)

Ads December 10, 2020

Posted on: December 10th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Sa pagkakasama sa drug list ni Los Banos Mayor Caesar Perez: PDu30, nagpaliwanag

Posted on: December 10th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

HAYAGANG nagpaliwanag si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pagkakasama ng napaslang na si Los Banos Mayor Caesar Perez sa drug list ng gobyerno.

 

Sa public address ng Pangulo, Lunes ng gabi ay sinabi nito na produkto ng intelligence report ng mga nasa drug enforcement, pulis at militar ang naging pagkakabilang ni Perez, 66 taong gulang sa listahan ng mga government officials na umanoy sangkot sa iligal na droga.

 

Giit ng Punong Ehekutibo, hindi  sa kanya ang listahan kung saan kasama ang pangalan ng binaril na alkalde na npon ay dating vice governor ng Laguna nang nadawit sa nasabing iligal na aktibidad.

 

” Iyang listahan na ‘yan hindi akin ‘yan. It’s a collation, lahat-lahat na ‘yan sa intelligence report sa mga drug enforcement at sa intelligence ng military, police. It’s a combination. Now, that list of mine which I read — because really everybody almost in the provinces,” anito.

 

Kaya ang mensahe ng Pangulo sa pamilya ni Perez ay kanyang ikinalulungkot ang nangyari sa Los Banos Mayor.

 

“Now, for those na ano… Itong — sagutin ko itong pamilya ni — kasi nanawagan sila sa ano. Iyong mga anak ni Perez.

First of all, I’m sorry that your father died the way it happened,” ayon sa Pangulo.

 

Ang  Alkalde ay pinagbabaril nitong nakaraang Huwebes sa mismong compound ng town hall bandang alas 8:45 ng gabi. (DARIS JOSE)

P2-M HALAGA NG MARIJUNA HULI NG QCPD MULA SA DALAWANG TULAK

Posted on: December 10th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

HULI ng Quezon City police District (QCPD) Station -4 Novaliches  ang dalawang lalaki sa isang buy-bust operation sa Barangay Bag-bag Novaliches Q.C.

 

Kinilala nina QCPD Chief B.Gen. Danilo Macerin at Lt.Col Richard Ang, ang mga suspek na sina Daryl Collera, 24 taong gulang at Murray Comot, 29 taong gulang.

 

Narekober  mula sa dalawa ang 20 nakapaketeng marijuana na balot ng packaging tape na tumitimbang ng 20 kilo nat may street value na aabot sa P2.4-M  isang unit ng cellphone at buy-bust money. Bago ang naturang operasyon ay naka bili na ng halagang P200,000 na marijuana ang isang under cover agent ng QCPD, at nang mag psoitibo ito ay ikinasa na ang naturang buy-bust ops.

 

Kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kakaharapin ng dalawang suspek. (RONALDO QUINIO)

P70-B inilaan para sa pagbili ng COVID-19 vaccines

Posted on: December 10th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Inaprubahan na ng House at Senate contingent sa bicameral conference committee ang reconciled version ng P4.5-trillion proposed 2021 national budget.

 

Target ng dalawang kapulungan ng Kongreso na ratipikahan sa plenaryo mamayang hapon ang bicam report sa panukalang pondo para sa susunod na taon.

 

Pinangunahan nina House Committee on Appropriations Committee chairman Eric Yap at Senate Finance Committee chairman Sonny Angara ang approval sa final version ng GAB.

 

Bukod kina Yap at Angara, physically present din sa pulong na ginanap sa isang hotel sa Makati City sina Senators Sherwin Gatchalian at Pia Cayetano, pati rin sina Representatives Bernadette Dy at Mikee Romero; habang virtually present naman ang iba pang mga miyembro ng bicam panel.

 

Sa ilalim ng reconciled version ng GAB, sinabi nina Yap at Angara na P70 billion ang alokasyon para sa pagbili ng COVID-19 vaccines

 

Bahagyang mababa ito kumpara sa P83 billion na inilalaan ng Senado para sa COVID-19 vaccines base sa kanilang bersyon ng GAB, habang mas mataas naman kumpara sa P8 billion appropriation ng Kamara.

 

Aabot naman sa P23 billion ang realigned na pondo para sa mga biktima ng Bagyong Ulysses at Rolly.

 

Nanantili namang intact ang P19 billion na pondo ng kontrobersyal na National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

 

Sa P4.5-trillion proposed 2021 national budget, ang sektor ng edukasyon ang makakatanggap ng pinakamalaking pondo sa halagang P708,181,173,000; sinundan ito ng DPWH (P694.822 billion); DILG (P247.506 billion); DND (P205.471 billion); at DSWD (P176.659 billion).

 

Ang Department of Health na siyang nangunguna sa COVID-19 response ng pamahalaan ay may P134.941 billion; sinundan naman ito ng DOTr (P87.455 billion); DA (P68.622 billion); Judiciary (P44.108 billion); at DOLE (36.606 billion).

 

Nauna nang sinabi ni Yap na target nilang maipadala ang 2021 budget bill sa Malacañang para mapirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa darating na Disyembre 18 o Disyembre 21. (ARA ROMERO)

Paglilinis sa mga illegal parking sa Malabon, pinaigting

Posted on: December 10th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Mahigit 20 na mga sasakyan, kabilang ang mga trailer truck na illegal na nakaparada sa mga pangunahing kalsada sa Malabon City ang pinaghuhuli ng mga awtoridad sa isinagawang road clearing Opereation.

 

Ito’y matapos ipag-utos ni Malabon police chief P/Col. Angela Rejano sa lahat ng kanyang sub-station na paigtingin ang road clearing operation kasunod ng mga reklamo hinggil sa illegal parking ng ilang mga sasakyan sa mga pangunahing kalsada sa lungsod.

 

Partikular na binanggit ni Col. Rejano ang pangunahing kalsada sa Barangay Longos at Tonsuya kaya’t sa koordinasyon sa mga miyembro ng Malabon City Public Safety and Traffic Management Office (PSTMO) at MMDA, ikinasa ng mga tauhan ng Police Sub-Station (PSS)-5 sa pangunguna ni P/Capt. Carlos Cosme ang paglilinis sa mga kalsada ng Lapu-Lapu Avenue, P. Aquino Avenue at Gozon Compound sa naturang mga barangays dakong 8:30 ng umaga.

 

Ayon kay Capt. Cosme, higit 20 na mga sasakyan, kabilang ang private, utility vehicles at trailer trucks na illegal na nakaparada sa mga pangunahin at secondary roads ang kanilang nahuli.

 

Sinabi pa ni Capt. Cosme na ang mga saksakyan, kabilang ang mga trailer trucks na ilegal na nakaparada ay dinala sa kanilang impounding area habang ang mga may-ari at drivers ng iba pang mga sasakyan na nagtangkang alisin ang kanilang sasakyan na illegal na nakaparada ay inisyuhan ng citation tickets.

 

Ang utos na ibinigay ni Col. Rejano sa kanyang lahat na Sub-Station commander na linisin ang lahat ng pangunahin at secondary roads ay may kaugnayan sa direktiba ng DILG sa pagbabalik ng clearing operation. (Richard Mesa)