• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for December 30th, 2020

SEKYU TODAS SA DALAWANG KABARO

Posted on: December 30th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Rehas na bakal ang kinasadlakan ng dalawang security guard matapos barilin at mapatay ang 21-anyos na security guard na mula sa ibang agency kasunod ng isang kaguluhan sa Malabon city, kamakalawa ng gabi.

 

Dead-on-the-spot sanhi ng tama ng bala sa katawan si Yasser Ampuan ng Prostegein Security Agency at residente ng North Fairfiew, Quezon city.

 

Nadakip naman ng rumespondeng mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 3 ang mga suspek na kinilalang si Edward Pahila, 42 at Rey Anthony Sabanal, 38, kapwa ng Giross Security Agency.

 

Ayon kina police homicide investigator P/SSgt. Ernie Baroy, nasa kanilang puwesto ang mga suspek sa 7210 BNM Dulong Bautista St. Brgy. Panghulo nang dumating ang biktima, kasama ang tatlo pang security guards alas-7:39 ng gabi at sinabi sa mga suspek na ang kanilang security agency ay magtatalaga ng isang duty guard malapit sa kanilang post.

 

Isang kaguluhan ang sumunod hanggang sa magpaputok ng warning shot ang mga suspek bago itinutok ang kanilang baril sa biktima at binaril ito sa katawan na nagresulta ng kanyang kamatayan.

 

Napag-alaman ng mga imbestigador na ang lugar na binabantayan ng mga suspek ay nahaharap sa alitan sa lupa sa pagitan ng dalawang partido na parehong inaangkin na pagmamay-ari nila ang lupa. (Richard Mesa)

 

Ads December 30, 2020

Posted on: December 30th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Luke 2:11

Posted on: December 30th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

A Savior has been born for you.

UFC fighter Vitor Belfort hinamon si Jake Paul

Posted on: December 30th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Hinamon ni dating UFC light heavyweight champion Vitor Belfort si YouTube sensation Jake Paul.

 

Sa kaniyang social media, nagpost ito ng video ng paghamon niya kay Paul.

 

Dagdag pa ng Brazilian mixed martial arts legend na dapat siya ang ang harapin ng American star.

 

Kasalakuyang nakapirma ang 43-anyos na si Belfort sa ONE Championship at huling laban nito ay ng matalo siya kay Lyoto Machida sa UFC 224 noong Mayo 2018.

 

Magugunitang pinatulog ni Paul si dating NBA player Nate Robinson sa paghaharap nila noong nakaraang buwan.

PH COVID-19 cases pumalo na sa 471,526; nadagdagan ng 886: DOH

Posted on: December 30th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Pumalo na sa 471,526 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas, ayon sa Department of Health (DOH).

 

Sa ikatlong sunod na araw, nag-ulat ang ahensya ng mababa sa 1,000 bagong kaso ng coronavirus. Ngayong Martes, nag-report ang DOH ng 886 new cases.

 

“9 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Data Repository System (CDRS) on December 28, 2020.”

 

Una nang sinabi ng ahensya na may nakikita silang decreasing trend sa COVID-19 cases hanggang sa unang linggo ng Enero dahil nabawasan ang bilang ng mga taong nagpapa-test.

 

“We are still continuing to see a decrease in cases over the holiday season (December 24 to January 4). This is due to the decreased number of patients being tested as many people want to celebrate the holidays at home,” ayon sa DOH nitong Lunes.

 

Ilang laboratoryo rin daw ang pansamantalang nagtigil ng operasyon noong Christmas weekend.

 

Ang Davao City ang nangunguna sa mga lugar na may pinakamataas na numero ng mga bagong kaso na nasa 61, sumunod ang Pampanga (58), Bulacan at Quezon City na parehong may 45 new cases, at Cavite na may 37.

 

Nasa 23,348 pa ang mga active cases o nagpapagaling.

 

Umaabot na sa 439,016 naman na ang gumaling matapos madagdagan ng 253 new recoveries ngayong araw. Samantala, ang talaan ng mga namatay nadagdagan din ng 38, kaya ang total deaths ay 9,162 na.

 

“10 duplicates that were removed from the total case count. Of these, 9 recovered cases have been removed.”

Ravena, San-En taob uli

Posted on: December 30th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Ito ang sinapit ni Ferdinand ‘Thirdy’ Ravena III nang mapulbos ng 32-puntos ng Akita Northern Happinets ang San-En NeoPoenix, 85-53,  sa 5th Japan B. League 2020-21 elims nitong Linggo.

 

Bumida para sa Akita si Noboru Hasegawa na  may 16 points mula sa pinamalas na 4-of-6 shooting buhat sa 3-point shot upang pabagsakin ng dalawang beses ang San-En NeoPhoenix sa three-game slide nito sa liga.

 

Karampot lang ang kontribusyon ng Pinoy cager na naglalarong Asian import sa tig-5 points at assists, at 3 rebounds lang. (REC)

6 sangkot sa droga, nalambat sa Navotas buy-bust

Posted on: December 30th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Anim na hinihinalang drug personalities, kabilang ang 15-anyos na binatilyo ang nalambat ng pulisya sa magkahiwalay na buy bust operation sa Navotas city.

 

Ayon kay Navotas police chief Col. Rolando Balasabas, dakong 4:45 ng madaling araw nang magsagawa ng buy bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Genere Sanchez sa Market 3, Brgy. NBBN na nagresulta sa pagkakaaresto kay Regie Lacsa, 33, Ruby Albetia, 51, at Orlando Ramirez, 42 matapos bentahan ng P300 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

 

Nakumpiska sa kanila ang aabot sa 9 gramo ng shabu na tinatayang nasa P61,200 ang halaga, marked money at P300 bills.

 

Nauna rito, alas-9:50 ng gabi nang masakote din ng mga operatiba ng SDEU sa buy-bust operation sa Leongson St. Brgy. San Roque si Aljon Ignacio, 30, at nakuha sa suspek ang aabot sa 1.70 gramo ng shabu na tinatayang nasa P11,560 ang halaga, buy bust money at P300 cash.

 

Bandang alas-7:50 naman ng gabi nang madakma din ng mga operatiba ng SDEU ang 15-anyos na binatilyo at si Leonardo Adriano, 35, matapos bentahan ng P300 halaga ng shabu ang isang undercover police na nagpanggap na buyer sa buy bust operation sa Tawiran 5, Brgy. San Roque.

 

Narekober sa mga suspek ang aabot sa 5.5 gramo ng shabu na tinatayang nasa P37,400 ang halaga, marked money at P300 bills. (Richard Mesa)

Hinamon ng mga Kongresista ang PACC na samahan ng ebidensiya ang ‘grossly unfair’ na alegasyon

Posted on: December 30th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Mariing itinanggi at kinondena ng mga mambabatas ang pagkakalagay ng kanilang pangalan sa listahan ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na isinumite kay Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa mga kongresista na umano’y sangkot sa katiwalian.

 

Hinamon din ng mga kongresista ang pacc na samahan ng ebidensiya ang ‘grossly unfair’ na alegasyon na korupsyon laban sa kanila kaugnay sa mga infrastructure projects sa kanilang mga distrito.

 

Bukod sa pagtanggi ni Occidental Mindoro Rep. Josephine Sato sa alegasyon, naniniwala ito na ang alegasyon ay para guluhin ang lokal na pulitika sa probinsiya.

 

Naniniwala rin ito na ang akusasyon ay nagmula sa kayang mga “political detractors.”

 

Handa rin anyia siyang sumailalim sa imbestigasyon ng alinmang ahensiya.

 

Ikinagulat din ni Bataan Rep. Geraldine Roman ang pagkakabanggit ng kanyang pangalan sa listahan pero nagbigay naman ng kaunting

kapanatagan ang paglilinaw ng pangulo na hindi beripikado ang natanggap niyang impormasyon,

 

“Public service has never been a money-making venture for me or my family whose good name is highly esteemed in Bataan…. I am open to any investigation to establish the truth on this matter and I am sure that my honor will be vindicated. My conscience is clear,” pahayag ni Roman.

 

Maging si dating Ifugao representative Teddy Baguilat Jr. ay itinanggi ag akusasyon at iginiit na hindi siya sangkot sa anumang imbestiigasyon o kaso ng korupsyon.

 

Pahayag naman ni Northern Samar Rep. Paul Daza na “baseless and malicious,” ang naturang alegasyon na pinaniniwalaang nagmula sa reklamo na isinampa ng kanyang mga kalaban sa pulitika.

 

Handa rin aniya niyang harapin ang anumang imbestigasyon sa akusasyon para malinis ang kanyang pangalan.

 

Gayundin, itinanggi din nina Deputy Speaker Henry Oaminal, ACT-CIS Partylist Rep. Eric Yap ang alegasyon at Quezon Rep. Helen Tan na nagpahayag na ang alegasyon ay hindi lamang nakakapanirang-puri kundi

 

“prejudicial” din dahil wala namang ebidensiya ang mga ito.

 

“The inclusion of my name in the report released by the PACC, despite the lack of evidence, is not only malicious but also prejudicial, especially that the issue involves alleged corruption and conspiracy with DPWH,” ani Tan. (ARA ROMERO)

Gobyerno, walang ginastos kahit na isang kusing na mula sa pondo ng pamahalaan

Posted on: December 30th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

IGINIIT ng Malakanyang na walang ginamit na kahit na singkong pondo ng pamahalaan sa pagpapabakuna laban sa COVID-19 ng mga miyembro ng Presidential Security Group (PSG). 

 

Malinaw ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque na walang nilabag ang pamahalaan ukol sa “prioritization for COVID-19 vaccination”.

 

Sa ulat, umamin si PSG BGEN Jesus P Durante III PA na nagpabakuna na sila laban sa COVID- 19 hindi para sa kanilang personal agenda kundi bahagi ng kanilang misyon na protektahan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

 

Sa kalatas na ipinalabas ni Durante, nakasaad dito na ang PSG ay pangunahing unit ng AFP na ang mandato ay protektahan ang pinakamataas na lider ng bansa.

 

Sa kasalukuyan aniyang pandemya, kailangang tiyakin ng PSG na hindi sila banta sa kalusugan at kaligtasan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

 

Aniya, ang PSG ang nangasiwa sa COVID-19 vaccine sa mga personnel nito na nagsisilbi bilang close-in security operations ng Pangulo.

 

Bago pa ito ay si Pangulong Duterte mismo ang nagsiwalat na may ilang miyembro ng military ang naturukan ng bakuna mula Sinopharm kahit hindi pa aprubado ng Food and Drug Administration ang kahit na anumang COVID-19 vaccine sa bansa.

 

Sinabi ni Sec. Roque na hindi niya alam kung paano nakapaso sa bansa ang naturang bakuna.

 

“Hindi ko po alam kung pa’no ‘yan nakalusot,” diing pahayag ni Sec. Roque.