NAGSALITA na rin ang Kapuso actress na si Lindsay de Vera tungkol sa kumalat na buntis issue at ang nakabuntis daw sa kanya ay ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes.
Nagsalita ang 21-year old na aktres sa online talkshow ni Jobert Sucaldito noong January 25.
Sey ni Lindsay: “I want to clarify my name as well as Kuya Dingdong’s name that we don’t have that kind of relationship. Wala po kaming gano’ng relasyon.
“Never po ako naging girlfriend or anything ni Kuya Dong and I respect Kuya Dong as a person and as an actor and as a husband and, siyempre, I also respect ‘yung wife. Hindi po totoo ‘yung fake news.
“Never akong binuntis ni Kuya Dong and never kaming nagka-relationship. I respect Kuya Dong very much as a person, as a husband, and as an actor.”
Nagkaroon din ng pagkakataon si Lindsay na makausap si Dingdong at nahiya ito sa kumalat na buntis issue.
“I don’t want na ma-issue pa sila and they are a very sweet couple, and they are a beautiful family. Since we all knew the truth, at first, tumawa lang din po kami… at least sa sarili namin, sa sarili ko, alam ko kung ano ang totoo at ano ‘yung hindi.”
Kaka-celebrate lang ni Lindsay ng kanyang 21st birthday noong January 26.
Unang nakatrabaho ni Lindsay si Dingdong sa 2015 series na Pari ‘Koy. Nasundan ito ng Alyas Robin Hood. Lumabad din si Lindsay sa mga GMA teleserye na The Better Woman, Encantadia, Poor Senorita, My Love From The Star, at Victor Magtanggol.
Kaya biglang namahinga sa showbiz si Lindsay dahil bumalik daw ito sa pag-aaral niya. Sa Pangasinan sila nakatira ng kanyang pamilya.
***
MAHAL na mahal ni Isabelle Daza ang kanyang yaya kaya sa pag-publish niya ng self-authored children’s book, ang title nito ay “Yaya Luning.”
Si Yaya Luning ang nag-alaga kay Belle noong bata pa ito hanggang sa naging teenager siya. Kahit na may asawa na si Belle, kasama pa rin niya si Yaya Luning, hindi bilang yaya kundi bilang parte na ng kanilang pamilya.
Sa isang family portrait nila sa bahay, kasama si Yaya Luning dahil di na raw ito iba sa kanila.
Kaya tama lang daw na i-dedicate ni Belle ang children’s book niya kay Yaya Luning.
“So I wrote a children’s book which is basically an autobiography of my life. I wanted to come from the point of view of someone who grew up with a yaya. @YayaLuning is part of our family.
“It explains the dynamic of having a yaya in a family unit. She does not replace the role of the mother. I know a lot of moms feel guilt or shame when the child chooses the yaya / nanny over them sometimes.
“Instead my book aims to convey that a yaya has a special place in a child’s heart, one that does not compete with a parent.
“This book aims to give dignity to the yayas out there who selflessly dedicate their lives caring for their ‘alagas’ / other children and also remind parents that yayas need some love and care as well,” post ni Belle sa Instagram. (RUEL J. MENDOZA)