• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 6th, 2021

LIBRENG DRIVE-THRU AT WALK-IN COVID-19 SEROLOGY TESTING SA MAYNILA, BALIK OPERASYON NA

Posted on: January 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MULING binuksan sa publiko ang lahat ng libreng drive-thru at walk-in COVID-19 serology testing centers sa Lungsod ng Maynila ngayong araw, ika-4 ng Enero, matapos pansamantalang isara ng mga ito nitong nakaraang Kapaskuhan. 

 

 

Sa abiso ng Manila Health Department (MHD), muling bubuksan sa residente at hindi residente ng Maynila ang Drive-Thru Testing Center sa Quirino Grandstand gayunfin ang mga Walk-in Testing Centers sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center, Ospital ng Tondo, Justice Jose Abad Santos General Hospital, Ospital ng Sampaloc at Ospital ng Maynila.

 

 

Magbibigay ng libreng serbisyo ang mga nasabing COVID-19 serology testing centers mula Lunes hanggang Biyernes sa ganap na ika-8 ng umaga hanggang ika-5 ng hapon. (GENE ADSUARA)

PSG, handang mamatay para kay PDu30-Sec. Roque

Posted on: January 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

HANDANG mamatay ang Presidential Security Group (PSG) para protektahan ang seguridad ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ito ang mensaheng nais ipabatid ng Malakanyang sa paggamit ng PSG nang smuggled at hindi FDA approved na COVID-19 vaccine.

“Alam ninyo po ang PSG bagama’t iyan po ay—ang mga tauhan niyan ay galing sa lahat ng sangay ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas, malinaw po ang kanyang misyon ‘no – ito po ay to protect the President of the Republic of the Philippines and his immediate family,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

Aniya, nagkaroon ng desisyon ang PSG na sa panahon ng pandemya eh isa sa malaking banta sa kalusugan ng Pangulo ay kung mahahawa siya ng mga taong nakapaligid sa kanya at ito nga aniya ay ang PSG.

“So nagdesisyon sila maski wala pa pong authorization na magpabakuna. In other words po, dahil handa naman silang mamatay para sa Presidente eh pumayag na rin sila na magpasaksak dahil sa kanilang pagnanais na huwag sanang mahawaan ang ating Presidente,” ani Sec. Roque.

“Ang mensahe po nila ay malinaw: magpapakamatay po sila sa Presidente, para sa Presidente para bigyan siya ng proteksiyon,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

Samantala, ang sambayanang Pilipino naman aniya at si Pangulong Duterte ay nagbibigay-pugay sa katapatan ng PSG sa kanilang misyon na protektahan ang Pangulo. (Daris Jose)

SWAB TEST MUNA BAGO BUMALIK SA TRABAHO

Posted on: January 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Sumailalim muna sa swab testing para sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ang mga empleyado ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas bago bumalik sa kanilang trabaho.

 

 

“Experts said there is a possibility of a dramatic increase of COVID cases after the holidays. We deemed it prudent to have our employees tested for their own safety and the safety of those they come in contact with while working,” ani Mayor Toby Tiangco.

 

 

Lahat ng empleyado, kabilang ang mga opisyal ng lungsod ay naka-iskedyul para sa testing simula kahapon January 4-8.

 

 

Hindi sila kailangang dalhin sa quarantine o isolation kung hindi sila na tagged bilang close contacts ng COVID patients o hindi nagpapakita ng anumang symptoms ng sakit.

 

 

Noong June, ang mga nagtatrabaho sa Navotas city hall ay sumailalim din sa COVID-19 test.

 

 

Naglunsad din ito ng malaking community testing mula ng ipatupad  ang city-wide lockdown noong July 16.

 

 

Bukod dito, nanawagan ang lungsod sa mga kompanya at informal workers na naka-base sa Navotas na sumailalim sa libreng COVID testing ng lungsod. (Richard Mesa)

Yorme Isko, walang planong tumakbo sa pagkapangulo sa 2022 election

Posted on: January 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nilinaw ni Manila Mayor Isko Moreno na wala siyang plano na tumakbo sa pagkapangulo sa halalan na gaganapin sa 2022.

 

 

Aminado raw si Moreno na masaya siya dahil nakasama ang kaniyang pangalan sa isa sa mga presidential bets sa 2022 batay sa inilabas na listahan ng Pulse Asia survey.

 

 

Labis ang pasasalamat ng alkalde sa mga sumagot ng naturang survey ngunit mas kailangan pa rin daw na mag-focus ang bawat isa sa realidad na nahaharap pa rin sa health crisis ang buong mundo.

 

 

Gayundin ang panawagan niya sa mga pangalan na nakasama sa nasabing listahan.

 

 

Nabatid kasi sa sruiver na 12 porsyento ng 2,400 respondents ang nagsabi na iboboto nila si Moreno kung sakali na mapagdesisyunan nitong tumakbo sa pagka-presidente.

 

 

Ayon sa alkalde, mas mahalaga sa mga panahon ngayon ang kung ano ang mga gagawing hakbang para labanan ang pandemya na dala ng coronavirus disease.

 

 

Mas maigi rin aniya kung mas pagtutuunan na lamang ng pansin ang plano ukol sa pamamahagi ng bakuna na inaasahang sisimulan sa first quarter ng kasalukuyang taon. (GENE ADSUARA)

MANILA LGU, PINAGHAHANDAAN NA ANG PAGBIBIGAY NG LIBRENG BAKUNA KONTRA COVID-19 SA MGA MANILENYO

Posted on: January 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAKAPAGPALISTA na sa “online pre-registration” ang mga Manilenyong intresadong mabakunahan kontra COVID-19 sa “on-line registration” matapos itong ilunsad ng lokal na pamahalaan ng Maynila.

 

 

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, inilunsad ng pamahalaang lokal sa pamamagitan ng Manila Health Department ang online registration na www.manilacovid19vaccine.com upang maging maayos at mapaghandaan nila ang dami ng nais magpabakuna kontra Covid-19.

 

 

Aniya, sa oras na maaprubahan ng national government agency ang gagamiting bakuna ay handa na ang lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila sa isasagawa nilang operasyon upang mabakunahan ng libre ang mga Manilenyo.

 

 

“Ito yung pamamaraan ng syudad na pagiging maagap na inihahanda na natin kasi modesty aside, the City of Manila reserved already P200M since July and we’ve been talking to multinational pharmaceutical pharmacies even though they are in phase 2 at that time, at yan nagtagumpay yan kasi nagkaroon ng movement,” ani Domagoso.

 

 

“Having said that, we will try to reach as many as possible because the first order that we are trying to eye in our own little way is 400,000 dosage that will serve 200,000 Manileños,” dagdag pa ng Alkalde.

 

 

Ayon pa kay Domagoso, wala rin problema kung buong pamilya ang nais magpabakuna dahil pipilitin nilang kayanin na magkaroon ng pondo para mabakunahan ang lahat ng residente ng lungsod ng Maynila.

 

 

Aniya, kung kukulangin ang hawak na pondo na P250 million, handa silang maglaan ng P1 billion para makabili at mabigyan ang lahat ng nasabing bakuna.

 

 

Tiniyak naman ni Domagoso na ang bibilhing COVID-19 vaccine ng lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila ay aprubado ng Food and Drug Authority (FDA) dahil hindi aniya nito kukunsintihin at hindi nito papayagan ang iligal na pagbabakuna laban sa nasabing sakit.

 

 

“Bawal na bawal yan. Walang Presidente, walang Mayor, walang senador na magsasabi hindi pwedeng mag FDA, hindi po, may batas po. Kaya yang mga tolongges na yan pati ilang senador na nagsasabi na hindi kailangan ng FDA eh kailangan po, huwag natin hikayatin yung mga ilegal,” giit ni Domagoso. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

5 SANGKOT SA DROGA TIKLO SA P.7 MILYON SHABU AT BARIL

Posted on: January 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

ARESTADO ang limang drug personalities, kabilang ang isang Grab driver matapos makumpiskahan ng higit sa P.7 milyon halaga ng shabu at baril sa magkahiwalay na buy-bust operation ng mga pulis sa Caloocan at Malabon cities.

 

 

Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr., dakong 3:40 kahapon ng madaling araw nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Deo Cabildo kotra kay Arvin Amion alyas Daga, 25 sa kanyang bahay sa Phase 6, Brgy. 178, Camarin Road.

 

 

Nang tanggapin ni Amion ang P7,500 marked money mula sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang medium plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba.

 

 

Nasamsam sa suspek ang humigit-kumulang sa 55 gramo ng shabu na tinatayang nasa P374,000.00 ang halaga at buy-bust money na binubuo ng isang tunay na P500 bill at pitong piraso ng P1,000 boodle money.

 

 

Nauna rito, alas-2:45 ng madaling araw nang matimbog din ng mga operatiba ng Malabon Police SDEU sa pangunguna ni P/Capt. John David Chua sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Angela Rejano sa buy-bust operation sa Sta Rita St. Sto Rosario Village Brgy. Baritan, Malabon city si Eduardo Sanchez, 47, (pusher/listed), Nicolo Felongco, 36, (pusher/listed), grab driver, Leo Ponce, 42, at Marlon Sarmiento, 37, (user/listed).

 

 

Nakuha sa mga suspek ang humigit-kumulang sa 55 gramo ng shabu na tinatayang nasa P374,000.00 ang halaga, isang cal. 45 psitol na may magazine na kargado ng 3 bala at marked money na binubuo ng isang tunay na P500 bill at 16 piraso ng P500 boodle money. (Richard Mesa)

Toni, todo-depensa sa na-evict na PBB housemate na si Russu

Posted on: January 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

LAST Sunday, January 3, ang ikalawang na-evict sa “Pinoy Big Brother: Connect” ang housemate na si Russu Laurente, ang batang boksingero mula sa General Santos City.

 

Nangyari nga ang eviction matapos na aminin ni Russu kay Kuya na sumang-ayon siya noon sa issue ng ABS-CBN shutdown at humingi ng tawad sa lahat ng mga Kapamilyang naapektuhan ng pagpapasara sa network.

 

Dumepensa naman ang isa sa mga host ng reality show, ang TV host-actress na si Toni Gonzaga sa mga bashers ng nang natsuging housemate sa pamamagitan ng kanyang IG post kasama ang larawan ng kuha sa harap ng Bahay Ni Kuya.

 

“Back to work this 2021. For our 2nd eviction night housemate Russu was evicted because of a mistake he did that eventually made him realize the damage it has done, panimula niya.            “People are very quick to judge him, call him names and crucify him on social media because of it without realizing that at 19 years old, he doesn’t know the gravity of words spoken.

 

 

“He has learned his lesson and this will help him grow and mature in life. And now that he knows better. We will do better.                     

 

“May this also serve as a reminder for us to not define or label a person by the mistakes they’ve committed but from how they rise up, rebuild and become a better person they are really supposed to be.                   

 

“I hugged the boy after the show and he kept apologizing. Forgiveness is a gift everyone deserves. #sundayrealization2021,” sabi pa ni Toni.

 

Inamin naman ni Russu kay Big Brother na isa siya sa mga nagsabing dapat nang ipasara ang ABS-CBN noong kasagsagan ng pagdinig ng Kongreso sa franchise renewal ng network.

 

 

Sa naging pahayag ng binata, “Alam ko po Kuya na nasaktan po kayo na minsan po isa rin ako sa mga sumang-ayon sa pagpapasara ng iyong tahanan nong mga panahong hindi ko pa alam ‘yung mga nangyayari, ‘yung mga totoong nangyayari po sa mga nakikita ko po kuya.                   

 

“I’m sorry po kuya kung nasaktan ko po kayo at ‘yung pamilya po ng ABS-CBN.”                         

 

Bukod nga kay Russu, umamin at nag-apologize din si Crismar Menchavez sa pagsuporta nila sa shutdown ng ABS-CBN noong nakaraan taon.   “Humingi po talaga ako ng tawad kuya kasi alam ko once in my life, parang I don’t care na maikling time lang ‘yun na nag-agree ako, but I did agree, sa thought ko na nag-yes ako sa thought ko, kahit hindi ko siya pinost or everything but I agreed to the shutdown and I am ashamed of it and I’m sorry po talaga, Kuya,” sabi ni Crismar.

 

 

Kaya naman gusto ng mga galit na galit na bashers na siya naman ang susunod na ma-evict, matapos ma-save last week.

 

May usap-usapan din na may ikatlo pang nakapasok sa Bahay ni Kuya, na sumuporta din sa pagpapasara ng Kapamilya network. (ROHN ROMULO)

Mga dalangin ko po sa Bagong Taon

Posted on: January 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

BAGONG taong 2021 na po noong Biyernes, Enero 1.

 

 

Katulad po nang nakagawian na ng OD buhat noong  1997 dito sa People’s BALITA Sports page, may mga dalangin po ako sa ating Dakilang Lumikha para sa Philippine sports, lalo na sa ilang mga atleta.

 

 

Narito po ang ilan:

 

Weightlifter Hidilyn Diaz – Mag-qualify uli at makopo na ang gold medal sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na ni-reset lang sa Hulyo 2021 sanhi ng pandemya. Ito na ang pang-apat at huli na niyang quadrennial sportsfest makaraang mag-silver sa 2016 Rio de de Janeiro Olympics.

 

 

Gymnast Carlos Edriel Yulo – Makagintong medalya rin sa 2020Tokyo Games dahil sa Malaki na ang gastos na sa kanya ng Philippine Sports Commission (PSC) at pag-aasikaso ng Gymnastics Association of the Philippines (GAP) sa tatlong taong pagti-training sa Japan.

 

 

Boxers Eumir Felix Marcial at Irish Magno – Umay na ang mga Pinoy at ang Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) sa silver at bronze medals sa mga nakaraang Olimpiks, kaya dasal kong gold na ang masuntok ninyo.

 

 

Pole vaulter Ernest John Obiena – Manalo ng gold buhat sa Tokyo Games lalo’t napatunayan na kayang tumalo ng mga astig ding karibal patunay ng mga tagumpay sa Southeast Asian Games, Asian Championships, Summer University Games at iba pa.

 

 

Marathoner Mary Joy Tabal – Makapasa sa Olympic qualifying women’s marathon para sa ikalawa niyang Olympics. At suntok man sa buwan, sana ay makamedlya na maaaring graceful exit na sa national team ng pinakamagaling na lady marathoner natin sa may 52 taong kasaysayan ng event sa bansa.

 

 

Karateka Jamie Christine Lim – Makahabol din sa papalapit na Olympics sa pag-qualify sa isang torneo sa Paris, France sa taong ito.

 

 

Bakuna laban sa Coronavirus Disease 2019 – At higit sa lahat, makatuklas na ng iniksiyon laban sa pandemya para makabalik na sa normal lahat kasama po siyempre ang sports

Ads January 6, 2021

Posted on: January 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Sotto, Ignite sa Pebrero ‘binyag’

Posted on: January 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

‘MABIBINYAGAN’ na sa Pebrero 8 sa 2021 NBA G League Bubble si Kai Zachary Sotto at ang koponan niyang Ignite selection.

 

Kabilang ang 18-year-old, 7-foot-2  Pinoy cage phenom sa team nina fellow National Basketball Association prospects Fil-American Jalen Green, Congolese Jonathan Kuminga, Indian Princepal Singh at American Daishen Nix.

 

Makakalaban ng Ignite sa liga ang Ague Caliente (Clippers), Austin Spurs, Canton Charge (Cavaliers), Delaware Blue Coats (76ers), Erie BayHawks Pelicans (Wizards), Fort Wayne Mad Ants (Pacers), Greensboro Swarm (Hornets);

 

Iowa Wolves (Timberwolves), Lakeland Magic (Magic), Long Island Nets (Nets), Memphis Hustle (Grizzlies), Oklahoma City Blue (Thunder), Raptors 905 (Raptors), Rio Grande Valley Vipers (Rockets), Salt Lake City Stars (Jazz),  Santa Cruz Warriors (Warriors) at Westchester Knicks (Knicks).

 

Pero may 11 G League teams ang umatras sa takot sa Covid-19. (REC)