• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 8th, 2021

Ika-2 autopsy isinagawa kay Dacera habang Sinas nanindigang may ‘rape’

Posted on: January 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Habang tinutukoy pa ang tunay na dahilan sa kontrobersyal na pagkamatay na 23-anyos na flight attendant sa Makati City nitong Bagong Taon, naisagawa na ang ikalawang pagsusuri ng mga dalubhasa sa mga labi ni Christine Dacera.

 

 

Ito ang ibinahagi ni Dr. Marichi Ramos, kaibigan ng pamilya Dacera, sa mga reporters nitong Huwebes bago dalhin ang katawan ng biktima pabalik ng General Santos City sa pamamagitan ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 2.

 

 

Sa kabila nito, “confidential” pa rin naman daw ang resulta ng panibagong autopsy habang kumukuha sila ng mga panibagong testigo para sa imbestigasyon ang Philippine National Police.

 

 

“The family has decided to leave it up to the PNP to do further investigation. Although we have a lot of witnesses that’s coming forward, and alam naman namin right from the very start there were a lot of irregularities and inconsistencies. So we leave it up to the PNP to be able to assess kung ano talaga ang nangyari,” ani Ramos.

 

 

Una nang pinanindigan ni PNP chief Police Gen. Debold Sinas na pinagsamantalahan muna si Dacera bago tuluyang bawian ng buhay matapos maki-party kasama ang mga kaibigan sa isang hotel sa Makati City.

 

 

Gayunpaman, “ruptured aortic aneurysm” naman ang itinuturong dahilan ng ospital sa pagkamatay, ayon kay Makati City police chief Col. Harold Depositar — dahilan para pagdudahan ng ilan ang retorikang may rape na nangyari, lalo na’t ilan sa mga kasama ni Dacera ay sinasabing bakla.

 

 

Dahil sa kulang-kulang pa ang resulta ng imbestigasyon, iniutos na tuloy ng prosekusyon ang pagpapalaya sa tatlong unang naarestong suspek na sina John Pascual Dela Serna III, Rommel Daluro Galido at John Paul Reyes Halili, sa kabila ng proklamasyon ni Sinas na “case solved” na ito.

 

 

“[T]here is a need to conduct preliminary investigation of the case,” ayon kay Prosecutor General Benedicto Malcontento, Miyerkules.

 

 

Aminado rin si National Capital Region Police Office (NCRPO) hief Brigadier General Vicente Danao Jr. ngayong araw na hilaw pa at kulang ang mga ebidensyang magdidiin sa tatlo. Kaugnay nito, magpapatuloy daw ang kanilang imbestigasyon.

 

 

Hangga’t hindi pa nasasagot ang marami sa katanungan hinggil sa pagkamatay ni Dacera, magsasagawa muna ng dalawang araw na burol ang mga naulila hanggang sa malibing.

 

 

Nakatakda nangayon ang isang preliminary investigation sa ika-13 ng Enero.

 

 

‘Innocent until proven guilty’

 

 

Nakikiramay man sa kinasapitan ng babae, ipinaalala naman ng Marawi civic leader at dating senatorial candidate na si Samira Gutoc na dapoat pa ring bigyan ng pagkakataon ang 11 akusado mula sa agarang panghuhusga habang hindi pa kumpleto ang mga ebidensya.

 

 

“Bagama’t nagdurugo ang ating mga puso sa pagkawala ni Christine Dacera, kailangan po nating alalahanin na ang ‘innocent until proven guilty’ ay para sa lahat,” ani Gutoc, habang idinidiin ang kahalagahan ng due process.

 

 

“Justice for Christine cannot come from injustice to others.” (ARA ROMERO)

Quiapo church at PNP nagkasundo na ipasara ang simbahan kung ‘di masunod ang quarantine protocols

Posted on: January 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nagkasundo ang PNP at ang mga opisyal ng Quiapo church na ipasara ang simbahan at isuspinde ang misa sa pagdiriwang ng kapistahan ng Poong Nazareno sa January 9, 2021 kapag nilabag ng mga deboto ang ang quarantine protocol dahil pa rin sa COVID-19 pandemic.

 

 

Suspendido ngayong taon ang Traslacion dahil sa banta pa rin ng COVID.

 

 

Ayon kay PNP chief P/Gen. Debold Sinas, bagama’t kanselado ang ilang aktibidad para sa taong ito partikular na ang prusisyon ng Itim na Nazareno bilang pag-iingat sa COVID 19, sinabi ni Sinas na tinututukan nila ang dagsa ng mga magsisimba sa mismong araw ng Traslacion.

 

 

Istrikto aniya nilang ipinatutupad ang physical distancing sa loob at labas ng simbahan.

 

 

“We are looking on worst case scenario na yung tao sisiksik sa loob kasi makita mo naman kapag pumunta ka ng Quiapo meron mga nilalagay na mga designated areas saan ang labasan at pasukan at yung seating capacity, so far sinusunod naman,” wika ni Sinas.

 

 

Ayon naman kay Joint Task Force Covid Shield commander Lt Gen. Cesar Hawthorne Binag, may mga gagawing localized mass sa ibang simbahan at simultaneous ito sa Quiapo church sa araw ng Pista ng Itim na Nazareno.

 

 

Ang mga nasabing simbahan ay ang San Sebastian Basilica, Sta Cruz church at ang Nazarene Catholic School Gymnasium.

 

 

Sinabi ni Binag, ang nabanggit na apat na lugar kung saan maaaring magmisa ang mga deboto.

 

 

Magsisimula ang misa ng alas-4:00 ng madaling araw.

 

 

Siniguro ni Binag, in place na ang security measures para sa pista ng Itim na Nazareno.

Barbie, tanggap na tanggap na bagong girlfriend ni Diego

Posted on: January 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PABOR at kinikilig si Teresa Loyzaga sa bagong pag-ibig ng kanyang anak na si Diego Loyzaga.

 

 

Nagpakita ng kanyang suporta si Teresa sa pag-comment sa post ni Diego kunsaan kasama nito ang bagong girlfriend na si Barbie Imperial.

 

 

“Happy looks so good on both of you! Hija @msbarbieimperial and my son @diegoloyzaga love each other, respect each other, protect each other, speak kind words to each other. Be happy. You both deserve it.”

 

 

Nag-reply naman si Barbie ng: “Thank you po tita!”

 

 

Ever since ay laging suportado ni Teresa ang mga babaeng minamahal ni Diego. Never din nagsalita si Teresa ng hindi maganda sa mga naging ex-girlfriends ni Diego.

 

 

***

 

 

MARAMI ang excited sa nalalapit na paglabas ng bagong Kapuso star na si Richard Yap sa comedy anthology na Dear Uge Presents ngayong Linggo (January 10).

 

 

Kahit na kakapirma pa lang ni Richard sa Kapuso Network noong December 16, sumabak na agad ang aktor sa taping para sa kanyang first ever Kapuso project. Makakatambal dito ni Richard si Eugene Domingo.

 

 

Sa Instagram ay pinasilip ni Eugene ang ilan sa kanilang kaabang-abang na eksena ni Richard: “Our very first fresh episode for 2021 with Richard Yap! Abangan this Sunday sa #DearUgePresents Jing, ang Bato!”

 

 

Bukod sa Dear Uge ay bibisitahin din ni Richard ang The Boobay and Tekla Show na bahagi ng kanyang plano na sumubok ng ibang genre bukod sa heavy drama kung saan siya nakilala.

 

 

***

 

 

MAGDI-DIVORCE na sina Kanye West at Kim Kardashian-West.

 

 

According to Page Six, the couple’s divorce is imminent. Kim hired divorce attorney to the stars, Laura Wasser.

 

 

“They are keeping it low-key but they are done. Kim has hired Laura Wasser and they are in settlement talks.”

 

 

Matagal nang hindi sinusuot ni Kim ang kanyang wedding ring at noong nakaraang holidays, sa kanyang

$14 million Wyoming ranch nag-stay si Kanye dahil ayaw niyang makasama ang pamilya ni Kim.

 

 

The source adds that while Kim has done much in the past “to protect and help Kanye deal with his mental health struggles,” the divorce is happening because Kim is totally done with Kanye.

 

 

Si Kanye naman ay matagal nang uncomfortable and irritated sa pamilya ni Kim. Tinawag niyang unbearable ang reality show nila.

 

 

Ang malaking pag-aawayan sa divorce settlement ay ang family home sa Calabasas, California. May halaga ito na $60 million.

 

 

Kim and Kanye were married in 2014 in a ceremony in Italy. They have four children: daughter North, 7, son Saint, 5, daughter Chicago, 3 and son Psalm, 19 months.

 

 

Ito ang third divorce ni Kim. Una siyang kinasal kay Damon Thomas noong 2000 at nag-divorce sila in 2004. Noong 2011 ay kinasal siya basketball player na si Kris Humphries at nag-divorce sila in 2013.

 

 

As of June 2020, Kim Kardashian’s net worth is $900 million. Kanye West is worth $1.3 billion. (RUEL J. MENDOZA)

Sen. Bong, aware sa ‘di pagri-renew ni Janine sa GMA-7

Posted on: January 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

AWARE si Senator Bong Revilla na sa hindi pagre-renew ng GMA-7 sa kontrata ni Janine Gutierrez, may ilang ispekulasyon na kesyo mas pinaboran ng GMA si Senator Bong over Janine.

 

Na ang puno’t-dulo ay nang mag-comment si Janine sa kanyang Twitter account nang “Oh God” sa anunsiyo ng GMA na comeback show ni Sen. Bong ang Agimat ng Agila.

 


      Naitanong namin ito sa Senador at sabi nga niya, “Meron akong narinig na ganun, pero sabi ko nga, bakit ako na naman? Unfair naman sa akin yun. Huwag naman.”

 

Wala raw siyang isyu kay Janine. At forgiving person naman daw siya kaya lahat ay napatawad na niya.

 

“Pinatawad ko na yung mga tao na hindi rin naman kasi nila alam ang puno’t-dulo niyan. Kung ano man ang naririnig nila, yun lang ang nakakarating sa kanila but eventually, hindi man sila maliwanagan ngayon, maliliwanagan din sila and I understand them.”

 


      Pero sabi nga niya, hindi lang daw sa kanya at hindi lang din dahil artista, katulad niyang senior sa nga batang artista ngayon, dapat matuto rin na rumespeto sa nakatatanda.

 

Sa ngayon, excited at proud na ito sa comeback niya sa telebisyon, ang Agimat ng Agila kunsaan, makakatambal niya sina Sheryl Cruz at Sanya Lopez.

 

Once-a-week serye ito na ang quality raw ng pagkakagawa ay sa pelikula na.

 

***

 

ANG daming mga netizens, kabilang na ang mga celebrities na nagre-react sa nangyari sa PAL Flight attendant na si Christine Dacera, taga-General Santos City.

 

Wala pa rin linaw ang dahilan ng kamatayan nito sa isang hotel sa Makati noong New Year.

 

Sa autopsy, lumabas na aneurysm ang ikinamatay. Pero ayon sa mga pulis, (gang) rape ang dahilan. At 11 ang sinasabing suspect.

 

Nag-react sina Jennylyn Mercado nang may magsabi na sa tono ng pananalita nito, sinasabi na nitong rape nga ang cause.

 

 

Pero sey niya, “No. Ang daming kulang na impormasyon na lumabas. We all want the whole truth and justice for Christine.

 


      This tweet is about those people na ang reaction kaagad ay victim blaming irregardless kung kaninong kaso. 2021 na, may ganyan pa din mag-isip. Mali.”

 


      Sabi naman ni Jasmine Curtis-Smith, “These people who are supposed to make us feel safe and protected have been causing us way too much fear, anger, outrage and DISAPPOINTMENT. There is so much heaviness in everyone’s hearts because loved ones are lost along the way and then disrespected even when they’ve passed on.

 


      “How do they sleep at night? How do they face their families when they go home? What is going on in their heads?

 

“May truth prevail. May souls departed rest in peace and be given respect. May the families be given their rights to the truth and the comfort they need.

 


“Lahat sila ay biktima ng baluktot na systema… Haay.”

 


      Palaisipan naman sa amin ang tweet ni Klea Pineda na, “Delete niyo na posts niyo about sa issue dali magaling kayo diyan e.”

 


      Parang may pinaghuhugutan. (ROSE GARCIA)

Produktong paputok, ibebenta na lang sa LGUs at pulis

Posted on: January 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SA HALIP na tuluyang ipagbawal ang paputok ngayong taon ay napag-isip ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na payagan na ang mga nagbebenta ng paputok sa bayan ng Bocaue sa Bulacan na ibenta ang kanilang produkto sa local government units at pulis para mapanatili ang kanilang negosyo.

 

 

Sa public address ng Pangulo, ay sinabi nito na nagbago ang kanyang isip na tuluyang ipatupad ang total firecracker ban ngayong 2021.

 

 

“ Ngayon, ganito na lang, so as not to deprive the Bocaue residents of their livelihood, I will only allow — kung maaabutan pa ako ng Pasko ulit — I’ll only allow firecrackers and everything to be done by government. And it would be the mayor himself and the chief of police who should do this. Iyang fireworks sa community para makita ng mga tao with all the safe distances, lahat na, social distancing doon sa pulbura, sa putukan,” ayon sa Pangulo.

 

 

“And it would — behooves on the mayor to see to it that everything or everybody and everything is in place and everybody is safe. Diyan lang ako papayag, only government,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Giit ng Pangulo na tanging ang community firecracker displays na gagawin ng local authorities ang papayagan sa susunod na holiday season Na maiwasan ang fireworks- na inuugnay sa pagkaasugat at pagkamatay.

 

 

“I leave it to the mayor and the chief of police to see to it that the presentation of the firecrackers shall be on New Year only and at the supervision of the mayor and the control of the chief of police. Siya lang,” diing pahayag ng Pangulo.

 

 

Ngayon, ‘yung mga taga-Bocaue, kung makapagbili kayo nang marami doon sa iba’t ibang probinsiya at siyudad and everybody would be interested really because that is what the community wants, a boisterous and, you know, ‘yung gusto nang putuk-putukan, I will only allow it when it is done by government. Iyon na lang ang ano ko. Mag-ano tayo, mag-compromise tayo,” aniya pa rin.

 

 

Sinabi pa ng Pangulo na hindi niya pipilitin ang mga siyudad na ayaw nang magpaputok.

 

 

“But for those really who cannot help it either because they want to make their constituents happy and the mayor itself is predisposed to noise and a boisterous welcome new year, eh ‘di ‘yan na lang ang gawin ninyo. Wala na magpabili sa private ano. Gobyerno na lang at gobyerno lang ang puwedeng magpaputok. That is my… Para hindi kayo mawalaan ng hanapbuhay. You don’t lose the business. And so enjoy also the New Year by ‘yung nakikita mo ‘yung produkto mo pumuputok pero everybody is put on notice that it must be safe. So ang mayor lang pati ang chief of police ang puwede,” lahad ng Pangulo.

 

 

“So continue with this paputok. Gusto nila tapos na rin. So let us respect that decision of the mayor. Sila ‘yung hari diyan sa local government eh. So iyon ang ano ko, that is my cents. And kayong mga taga-Bocaue, kontakin (contact) na ninyo ‘yung lahat ng mga local governments ngayon. Kayo ang mag-supply. But in the transport of itong mga fireworks, eh pulbura ‘yan, again, you have to go to the police. You have to honor kung anong sabihin ng pulis na in the matter of transporting the… Sa Bocaue ‘yan eh. Or you can do it in other cities, i-transfer na lang ninyo ‘yung ano ninyo. Or you can go to maybe to the place where the mayor would allow it and establish your whatever a factory ninyo basta malayo lang sa…”

 

 

“It all depends actually on the mayor. ‘Pag ang ano — anong gusto ng mayor sa siyudad niya, ‘pag sinabi niyang ayaw niya, as long it is legal and lawful, ‘pag sinabi ng mayor ayaw niya, talagang iyan ang masusunod. ‘Pag sinabi na niya sa chief of police na, “Iyan gawin mo, ayaw ko nang mag-inuman, ayaw ko ‘yung gambling na ano hantak-hantak diyan.” ‘Pag sinabi ng mayor, the chief of police is duty-bound to do it because siya ang mayor ang may control sa law and order sa lugar niya. So, it depends actually kung mayor ninyo medyo patamlay-tamlay, so kung ano naman strikto, eh di mas mabuti, kaunti na lang ang sakit ng ulo,” aniya pa rin. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

 

Esteban sabik nang makipag-eskrimahan

Posted on: January 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAGBALIKTANAW muna sa ilan niyang mga litrato bago pa mag-Coronavirus Disease 2019 ang fencing star nasi Maxine Isabel Esteban.

 

 

Sa Twitter niya nitong isang araw, ilang mga imahe ang ipinaskil ng 30th Southeast Asian Games PH 2019 bronze medalist bilang throwback sa mga sandali na nakikipag-eskrimahan pa siya.

 

 

“Pictures that speak a thousand words.  I miss fencing and everything that comes with it. Can’t help but relive this moment again and again. See you next next season, I guess? #OneBigFight #Always.” tweet ng 20-anyos na eskrimador ng kasapi ng national team.

 

 

Walang laban sa abroad o dito, kasama sa collgieate, sumaklolo ang fencer sa mga frontliner at ilang komunidad na naapektuhan ng pandemiya ang Ateneo Queen Eagle sa mga nakaraang buwan.

 

 

Lumikom din ng pondo upang mamudmod ng Android tablets sa mga estudyante sa online learning sa ilan ding lugar sa bansa.(REC)

Binalaan ang mga mambabatas kapag iginiit ang contempt powers sa PSG

Posted on: January 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ipag-uutos niya sa Presidential Security Group na itikom ang bibig at manatiling tahimik sa usapin ng inoculation o pagbabakuna sa ilang miyembro nito ng unregistered COVID-19 vaccines kapag ipinatawag ang mga opisyal nito sa Senate inquiry.

 

Nagpahayag kasi ang ilang senador na ipatatawag nila si PSG commander Brigadier General Jesus Durante III sa Senado para magbigay-linaw sa paggamit ng unauthorized vaccines.

 

“If that is the case then I would ask the PSG to just shut up. Do not answer. Invoke the right against self-incrimination at wala kayong makukuha and do not force my soldiers to testify against their will. Wag ninyong i-contempt contempt na i-detain ninyo. I do not think that it will be good for you and for me it would not be healthy for everybody ,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang public address, Lunes ng gabi.

 

Nagbabala rin ang Pangulo ng krisis sa pagitan ng Ehekutibo at Lehislaturang sangay ng pamahalaan kapag nagpilit ang mga mambabatas na gamitin ang kanilang contempt powers sa PSG.

 

“Don’t threaten with contempt, pag ginawa ninyo yan there will be a little crisis. I am prepared to defend my soldiers. I will not allow them for all of their good intentions to be brutalized in a hearing. I think I will now tell Durante: Do not obey the summons. I am ordering you to stay put in the barracks,” aniya pa rin.

 

Sa kabilang dako, itinanggi ni Pangulong Duterte na may alam siya sa nangyaring inisyatiba ng PSG na bakunahan ang mga miyembro ng kanyang close-in security detail.

 

Gayunman, nasa kanyang kapangyarihan aniya kung nais niyang paturukan ng covid 19 vaccine ang buong Armed Forces kahit hindi rehistrado ang bakuna sa Food and Drug Administration.

 

“If I say that I allow them, I will allow them. But I did not because they had it on their own. Pero kung gusto kong sabihin for emergency purposes, you give the vaccines, wala nang istorya yan, wala nang i-cover-cover. What would stop me from saying na sige pa injection kayo lahat, the Armed Forces?” ang pahayag ng Pangulo.

 

Muling inulit ng Chief Executive na kailangan ng protesyon laban sa covid-19 ng kanyang mga security detail para magampanan ang kanilang tungkulin.

 

Matatandaang, mismong si Pangulong Duterte ang nagbunyag nito lamang holidays na may ilang sundalo na ang nabigyan ng bakuna laban sa covid -19 na dinevelop ng China’s Sinopharm group.

 

“Sabihin ko sa iyo, marami na ang nagpa-injection dito sa Sinopharm… Halos lahat ng sundalo natusukan na,” ang pahayag ni Pangulong Duterte sa kanyang public address noong Disyembre 26.

 

Samantala, sinabi ng Punong Ehekutibo na ang bakuna ay ginagamit na sa United Arab Emirates kung saan ang brand name nito ay Milkmaid.

 

“I said wala akong tinanong kay Durante. It’s their own volition,” aniya pa rin.

 

Isang araw matapos na ibuking ni Pangulong Duterte na nabakunahan na ang ilang sundalo ng COVID-19, ay inamin naman ni Durante na ang kanyang mga tauhan ang naturukan ng bakuna laban sa covid 19 sa kabila ng kakulangan ng authorization mula sa Food and Drug Administration.

 

“You can say all the rules in this world, and there will always be an exception. Kagaya ninyo, hindi kayo maaresto while in session kaya wag niyong pilitin na magkaroon tayo ng ruckus dito,” ang babala naman ni Panguulong Duterte sa mga mambabatas.

 

Pinabulaanan din ng Pangulo na naturukan na siya ng bakuna laban sa covid 19 sabay sabing “I did not have it, I refuse to. Pero sila dahil sa trabaho nila, hindi sila makalapit sakin so ang close-in security ko, wala.”

 

Sa kabila naman ng kinikilala ng Pangulo ang hiwalay na kapangyarihan ng Ehekutibo at Lehislatura, binalaan ng Pangulo ang mga mambabatas na nagbabalak na imbestigahan ang nangyaring pagbabakuna sa PSG.

 

“I respect the separation of powers… The only reason that you can really investigate is in aid of legislation. So what is there in legislation that you can make that has something to do with vaccine?” giit ng Pangulo.

 

“I hope that we understand each other. I am not the grandstanding type, but do not, I said, force me to do something which is not good. Kung gusto ninyo ng gulo, sige.” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)

Pacquiao vs McGregor: Matinding bugbugan

Posted on: January 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

TINATAYA nina veteran martial arts practioners Manuel Monsour del Rosario III at Alvin Aguilar na magiging hitik sa aksiyon ang bangasan nina Sen. Emmanuel Pacquiao at Ultimate Fighting Championship (UFC) superstar Conor Anthony McGregor sa taong ito sa Dubai, United Arab Emirates.

 

 

Nag-1988 Seoul Olympian at Philippine Taekwondo Association (PTA) secretary general sa kasalukuyan, sa palagay ni Del Rosario, mapapasabak nang husto ang magdedepensa ng World Boxing Association (WBA) super welterweight champion na Pinoy ring icon sa two-division Ultimate Fighting Championship UFC king at Irish mixed martial artist-boxer.

 

 

“Senator always delivers an exciting fight every time he steps in the ring. McGregor is a UFC champion and also a good striker so I think it will be an exciting fight,” wika nitong Lunes ni Del Rosario, dinugtong na na masisiyahan sigurado ang mga Pinoy sa bakbakan.

 

 

Ayon naman sa Wrestling Association of the Philippines (WAP) president na si Aguilar, at siyang founder ng Universal Reality Combat Championships (URCC), na radar ng 42-anyos na si Pacquiao ,na ang laban ay ‘di lang para sa kanya kundi sa mga Pinoy sa lahat ng panig ng daigdig. (REC)

PAL muling binuksan ang passenger flights papunta Saudi Arabia

Posted on: January 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Muling binuksan ng Philippine Airlines ang kanilang passengers flights papuntang Saudi Arabia matapos ang dalawang linggong pagkahinto ng serbisyo nito.

 

Noong nakaraang Jan. 4 ay nagsimulang kumuha ng mga pasahero sa kanilang flights ang PAL matapos na alisin ng pamahalaan ng Saudi Arabia ang kanilang temporary suspension ng mga international flights.

 

Ang passenger flights mula Manila papuntang Riyadh at Dammam ay nahinto mula Dec. 21 hanggang Jan. 3, subalit ang mga passenger flights na galing sa Saudi Arabia ay nanatiling operational ng nasabing panahon.

 

“From Dec. 21, 2020 to Jan. 3, we operated cargo flights. The return to Manila carried passengers,” ayon kay PAL spokesperson Cielo Villaluna.

 

Pinahayag ng pamahalaan ng Saudi Arabia ang muling pagbubukas ng kanilang international flights matapos ang suspension noong nakaraang Dec. 21, 2020 upang maiwasan ang pagkalat ng bagong COVID-19 strain.

 

Sinabi ng PAL na pagdating ng mga pasahero sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA), lahat ng hindi Saudi citizens na may edad ng mula walong (8) at pataas  ay kinakailangan na magbigay ng negative RT-PCR test result mula sa mga accredited laboratory ng kanilang bansang pinanggalingan.

 

Ang nasabing resulta ay dapat ginawa sa loob ng 72 na oras bago ang departure papuntang Saudi Arabia.

 

Dagdag pa ng PAL na dapat ang mga pasahero ay magkaron ng 7-day home quarantine simula sa pagdating nila sa KSA.

 

“As for the non-Saudi citizens who had been in any country identified as having the new COVID variant strain, they must spend no less than 14 days in another country (such as the Philippines) before entering KSA,” sabi ni Villaluna.

 

Ang mga Saudi nationals at ang may mga humanitarian at urgent cases ay exempted sa nasabing requirement, subalit kinakailangan pa rin nilang sumailalim sa 14-day home quarantine sa kanilang pagdating sa KSA.

 

Mayroon daily flights ang PAL mula Manila at vice versa at may passenger flights sa pagitan ng Manila at Dammam tuwing Lunes, Martes, Huwebes, Biyernes, at Sabado.

 

Sa kasalukuyan, ang PAL ay hindi tumatangap ng foreign na pasahero mula Hong Kong, Japan, Singapore, Canada at US sa ilalim ng pinatutupad na restrictions.

 

Nagkansela rin ang PAL ng kanilang flights mula/papuntang London hanggang katapusan ng Feb dahil sa mahigpit na restrictions ng pamahalaan ng United Kingdlom. (LASACMAR)

Pagpapalaya sa 3 suspek sa Dacera rape-slay case bahagi ng due process – PNP

Posted on: January 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Bahagi ng due process ang pagpapalaya sa tatlong suspeks sa Dacera rape-slay case. Ito ang binigyang-diin ni PNP Spokesperson BGen. Ildbirandi Usana .

 

 

Gayunpaman, siniguro ni Usana magpapatuloy ang imbestigasyon ng PNP CIDG sa kaso ni Christine Dacera sa kabila ng naging resolusyon ng Makati court na palayain ang mga suspeks dahil sa kakulangan ng sapat na ebidensiya.

 

 

Siniguro ni Usana mananaig pa rin ang rule of law.

 

 

“Ok lang po. It does happen at one time or another po. Part po siya ng due process. The rule of law still prevails po. Our investigation will just continue their work on the case in just a normal fashion”, mensahe ni Usana.

 

 

Sa panig naman ni PNP Chief Gen. Debold Sinas, nagsasagawa na ngayon ng tracking operations ang CIDG laban sa mga at large na suspeks na nakita sa CCTV footage.

 

 

Siniguro din ni Sinas sa pamilya Dacera na hindi nila bibitawan ang kaso hangga’t walang napapanagot.

 

 

Tukoy na rin ng mga otoridad sa ngayon ang lahat ng mga personalidad na nakita sa hotel room ni Christine, batay sa mga nakuhang CCTV footages.

 

 

Samantala, nanindigan ang tatlong pinalayang suspeks sa Dacera rape-slay case na inosente sila at mahal na mahal nila ang kaibigang si Christine Dacera at hindi nila kayang gahasain ang kaibigan.

 

 

Ito ang pahayag ng tatlo matapos pinalaya ng korte dahil sa kakulangan ng ebidensiya.

 

 

Ayon sa tatlo sila ay nagdadalamhati sa pagkamatay ng kaibigan, hiling ng mga ito na sana malinawagan ang ina ni Christine sa nangyari at wala silang kasalanan.

 

 

Pasado alas-7:00 kagabi ng pinalaya sila ng Makati City Police Station batay sa utos ng korte at ngayon naka uwi na sila sa kani kanilang pamilya.

 

 

Sa kabilang dako, inilipat kagabi sa Mortuary Chapel sa loob ng Camp Crame ang labi ni Christine Dacera para sa final viewing ng kanyang mga kaibigan bago pa ito iuuwi ngayong araw sa kaniyang hometown sa General Santos City.

 

 

Kagabi dumalaw ang mga ka trabaho nito na pawang mga flight attendant din ng Philippine Air Lines (PAL). ( ARA ROMERO)