• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 20th, 2021

Benepisyo ng infrastructure projects ng Duterte Administration- PCOO

Posted on: January 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

RAMDAM na ang benepisyo ng Build, Build Build project ng Duterte Administration sa pagluwag ngayon ng Edsa.

Sinabi ni Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar na nagbunga na ang
infrastructure projects ng pamahalaan.

Aniya, kapansin- pansing mas mabilis na pagbiyahe sa Edsa kasunod ng pagbubukas ng NLEX- SLEX Skyway kamakailan na na- obserbahan din ng mga motorista.

“Nakikita natin ngayon ang kahalagahan ng infrastructure projects sa decongestion ng EDSA, pati na rin sa paghahanda laban sa mga natural disasters natin. Kaya nga isa sa mga pangunahing pinagtutuunan ng pansin ng pamahalaan ay ang Build Build Build at kita ang benepisyo nito sa EDSA decongestion,” ayon kay Sec. Andanar.

Bukod pa sa nagbigay din ng mas maraming trabaho at tiyak na makaka- ambag din sa paglago ng ekonomiya ang nararamdaman nang epekto ng EDSA decongestion.

At sa bawat tulay at daang ginawa aniya sa ilalim ng Build, build, build ay may napagkalooban ng trabaho at lubhang nakapag- pasigla sa ekonomiya ng bansa. (Daris Jose)

2 KULONG SA P360K HIGH GRADE MARIJUANA

Posted on: January 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

ARESTADO ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos makuhanan ng higit sa P.3 milyon halaga ng high grade marijuana sa buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan city.

 

Kinilala ni Northern Police District (NPD) Director PBGen. Eliseo Cruz ang naarestong mga suspek na si Mark Lester Corpuz, 32 ng Banaba St. Pangarap Village, Caloocan at Norman Keith Frago, 28 ng Batangas city.

 

Ayon kay BGen. Cruz, dakong 6 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa pangunguna ni P/Maj. Ramon Aquiatan Jr. sa Parking Lot ng Victory Mall sa Brgy. 72, ng lungsod.

 

Isang undercover pulis na nagpanggap na buyer ang nagawang makapagtransaksiyon sa mga suspek ng P30,000 halaga ng high grade marijuana (Kush).

 

Nang tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng high grade marijuana ay agad silang sinunggaban ng mga operatiba.

 

Nasamsam sa mga suspek ang nasa 180 gramo ng high grade marijuana (Kush) na tinatayang nasa P360,000.00 ang halaga, marked money, digital weighing scale, 2 cellphones, at isang kulay titanium gray na Honda City (MMA 69).

 

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Perez mas maaga ng 1 linggo sa mga kasama

Posted on: January 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MAYROONG dalawang tsansa na makapag-32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na inurong sa Hulyo 2021 si Christian Jaymar ‘CJ’ Perez sa pagiging myembro ng national 3×3 at 5-on-5 national men’s basketball teams.

 

Kaya naman todo ang 2019 Philippine Basketball Association (PBA) Rookie Draft na si Perez na magpakondisyon para sa natatanging posibilidad na karangalang katawanin ang Gilas Pilipinas at Chooks-To-Go 3×3 squad.

 

Sa Enero 22 pa dapat ang pasok ng Gilas second batch sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna para sa bubble training camp pa-30th International Basketball Federation (FIBA) Asia Cup 2021 Qualifier third window sa Clark Freeport sa Pebrero 15-23, pero nauna na roon nang mas maaga ng isang lingo ang Terrafirma Dyip star.

 

Kabilang din si Perez sa 3×3 nina Moala Tautuaa, at rookie draft applicants  Alvin Pasaol at Joshua Munzon na kakasa sa FIBA 3×3 Olympic Qualifying Tournament  2021 sa darating na Mayo 26-30 sa Graz, Austria.

 

Nilakbay ni Perez, 27 ang Pangasinan pa-Laguna upang sumali sa training pool nitong Biyernes, Enero 15. Pagdating ng alas-3:00 nang hapon, agad nagpa-RT-PCR test bago pumasok sa makabagong pasilidad ng National University ng pamilyang Sy. (REC)

Peoples Empowerment Act, inaprubahan sa huling pagbasa

Posted on: January 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Inaprubahan sa huling pagbasa ang mga mahahalagang panukala kabilang na ang  House Bill 7950 o ang “People’s Empowerment Act.” 

 

Sa botong 217-0, at anim na abstensyon, layon ng panukala na itatag ang sistema ng pakikipagsosyo sa pagitan ng mga lokal na pamahalaan at mga civil society organizations (CSOs) sa pamamagitan ng pagtatatag ng People’s Council sa bawat local government unit (LGU).

 

Ang People’s Council ay kabibilangan ng mga akreditadong CSOs, na makikibahagi sa pagbuo, implementasyon at susuri sa mga aktibidad ng pamahalaan.

 

Magpapanukala rin ng lehislasyon ang People’s Council, gayundin ang paglahok at pagboto nito sa antas ng Komite ng lokal na sanggunian.

 

Aprubado rin sa huling pagbasa ang HB 8140 o ang “Media Workers Act”; HB 8057 o ang “Magna Carta of Filipino Seafarers”; HB 8164 o ang “Philippine Veterans Bank Act”; HB 7460, na nagdedeklara sa Davao bilang “Chocolate and Cacao Production Capital of the Philippines”; at ang HB 2378, na nagdedeklara sa Lungsod ng San Jose del Monte, Bulacan bilang “Human Resource Capital.”   (ARA ROMERO)

Lady Gaga at Jennifer Lopez, special guests sa inauguration nina US Pres. Joe Biden at Vice Pres. Kamala Harris

Posted on: January 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SINA Lady Gaga at Jennifer Lopez ang dalawa sa magiging panauhin sa inauguration ng bagong US President Joe Biden at US Vice President Kamala Harris ngayong January 20.

 

Magaganap ang sworn in nila Biden at Harris sa West Front ng US Capitol.

 

Si Lady Gaga ang aawit ng national anthem samantalang si J.Lo ay mag-perform ng isang musical number.

 

Star-studded ang naturang event with Tom Hanks na magiging host ng 90-minute primetime TV special celebrating Biden’s inauguration. Ibang performers ay sina Justin Timberlake, Jon Bon Jovi, Demi Lovato at Ant Clemons.

 

Four years ago, umiwas ang maraming celebrities sa inauguration ni President Donald Trump. Ngayon ay nagbu-volunteer pa ang iba na mag-perform sa inauguration ni Biden.

 

“When Democrats win you get the more standard celebrities. With Republicans you tend to get country music stars and race-car drivers,” ayon sa isang White House source.

 

Pero limited daw ang audience sa naturang inauguration due to the pandemic. Naging mahigpit din ang security dahil sa nangyaring riot sa Capitol.

 

Magiging virtual naman ang traditional quadrennial ball after the inauguration. Pero star-studded pa rin ito with Jason Alexander, David Arquette, Matt Bomer, Christopher Jackson, Ted Danson, Lea DeLaria, Keegan Michael-Key, Chrissy Metz, Mandy Patinkin and many others attending the event virtually mula sa kanilang mga tahanan. Ide-deliver ang handa ng ball sa kanilang address.

 

***

 

LAST Monday, January 18 nagsimula nang ipalabas ang fresh episodes ng GMA Primetime drama series na Love of My Life pagkatapos ng tatlong linggong recap.

 

Matatapos na ang lock-in taping ng buong cast at kabilang ang veteran actress na si Coney Reyes sa mami-miss ang naging samahan nila sa teleserye.

 

Sey ni Ms. Coney, hindi niya nakakalimutan ang pagganap niya bilang Isabella Gonzales.

 

“I miss the camaraderie we had on the set and the unselfish sharing of food, makeup tips, kwentos, and the laughter. 

 

“Kakaiba ang bonding naming lahat dito sa show na ito lalo na dahil sa pag-iingat namin at pag-aalala para sa bawat isa. 

 

“Of course, I will also miss playing the role of the strong-willed but loving, caring, generous Isabella Gonzales.”

 

***

 

NAG-CELEBRATE sina Meryll Soriano at Joem Bascon ng 1st month ng kanilang baby noong nakaraang January 17.

 

Pinost ni Meryll sa Instagram ang photo ng kanilang baby katabi ang cake nito at may caption na “Hep, Hep… Hurray!”

 

Kasama rin ang pamilya ni Joem sa naturang celebration. Sa isa pang IG post, karga ng ina ni Joem ang apo nito at nandoon din ang ama at dalawang kapatid ni Joem.

 

“Family is everything,” caption ni Meryll sa naturang post.

 

New Year’s Day 2021 nang i-reveal ni Meryll na sinilang niya ang baby nila ni Joem. January 2020 nang magkabalikan sila after nilang mag-break noong 2009. (RUEL J. MENDOZA)

JOLINA, na-scam ng cactus seller sa FB Marketplace

Posted on: January 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PINOST ni Jolina Magdangal sa kanyang IG account na na-scam siya ng isang cactus seller at mabuti na lang may nagbigay  kaya wish granted pa rin.

 

Sabi ni Jolina, “Golden Barrel”, isa sa wish list ko na mga cactus at ngayon ay granted na. To @thepeapot Maraming maraming salamat sa pagiging generous sa akin. Panatag ang loob ko pag sayo nanggagaling ang mga plants ko dahil alam kong naalagaan mo na bago mo ibenta o ibigay.

 

“Iba ang appreciation ko ngayon sa pagkakabigay sakin nito dahil last sunday, na SCAM ako ng isang seller ng mga cactus sa FB Marketplace, sa kagustuhan ko makabili ng Golden Barrel, may isang seller na nagbebenta ng sobrang mura. Bumili tuloy ako sa kanya ng 3 gb at 7 pang kakaibang cactus. Ang ayos kausap, english speaking pa. Mode of payment ay gcash. Hapon ang huling text nya ay padeliver na ang mga order ko. At yun na ang huling text nya, nagmemessage ako nung gabi hanggang monday after lunch. Wala na.. pinapatay na ang tawag sa gcash number na binigay nya. Minessage pa sya ni mark sa Fb Marketplace para kunyari mag order at sumasagot! Pero sa akin ay wala na. At nung sinabihan ni Mark na asan na mga order ng asawa ko.. hindi na sinagot si Mark, at di na namin sya masearch.

 

“SCAM. First time nangyari sakin. Ganito pala feeling.

 

“Kung sino ka man “Samantha” (yun ang gcash name nya, hindi ko alam kung yun talaga name nya), maawa ka naman sa mga taong ninanakawan mo ng pinaghihirapang pera. Alam kong mahirap ang buhay ngayon pero hindi yan ang paraan para kumita ka. Maaaring after nito ay magpalit ka na ng account pero malamang itutuloy mo parin yang panloloko mo. Ang Diyos ay nakikita ang lahat lahat. At pinagdasal na kita sa kanya.

 

“Ingat tayong lahat.
“Thank you sa pag basa ng lahat ng ito, kung umabot ka dito.”

 

 

Last week, nag-post ang asawa ni Mark Escueta ng, “Just sharing, got this picture in google. Isa ito sa wish cactus ko.. “The Golden Barrel”. Malaki sya and gandang ganda talaga ako sa kanya. Yellow ang color ng spikes nya. Nagkakaroon sya ng flower and slightly mabango.”

 

 

Reaction naman ng netizens na maka-karma din ang nang-scam kay Jolina. May nag-share din na maraming talagang scammers sa FB Marketplace, kaya mabuting sa ibang online flatforms na lang mag-order.  Mas okey din ang COD, kesa magbayad agad, para may protection sa mga scammers.

 

 

Anyway, ang gaganda nga ng cactus collection ni Jolina tulad ng ‘Tamarind Cactus’ na gusto na niyang magkaroon ng bulaklak.

 

 

Pero sa sa pinaka-favorite niya ngayon ang ‘Boobsie Cactus’.

 

 

Caption niya, “Dahil ako ay isang Beastfeeding advocate, nainlove ako sa cactus na ito. This is me.

 

“Meet my new and one of my most favorite cacti.. Myrtillocactus Geometrizans Fukurokuryuzinboku also known as “Booby or Boobsie Cactus or Titty Cactus”. Considered sya as rare cactus. A Japanese cultivar.

 

“Pwede syang lumaki hanggang 4.5 meters high and 10cm wide in diameter. Madali lang sila alagaan. Didiligan lang sila pag completely dry na ang soil.

 

#HalamanNanay #Cactus #BoobsieCactus #RareCactus.” (ROHN ROMULO)

Ads January 20, 2021

Posted on: January 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

‘The world is on the brink of a catastrophic moral failure’ – WHO

Posted on: January 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nagbabala ang World Health Organization (WHO) na nahaharap ngayon ang mundo sa kabiguan kung hindi maisagawa ang pantay-pantay na pamamahagi ng COVID-19 vaccines.

 

Ginawa ni Dr. Tedros Adhanom Ghebreyesus, director-general ng World Health Organization (WHO) ang babala kasabay ng WHO executive board session.

 

Ayon kay Dr. Tedros sa ngayon nasa 39 million vaccine doses na ang naipamahagi sa 49 na mga mayayamang mga bansa, samantalang kakarampot na 25 doses pa lamang ang naiturok sa mahihirap na bansa.

 

Tinukoy pa ng namumuno ng WHO na kung ipagpapatuloy ng mayayamang bansa ang sistema na “sila muna,” magdudulot lamang ito ng lalong pagtaas ng presyo ng bakuna, magkakaroon ng hoarding at tatagal pa lalo ang laban sa deadly virus.

 

“I need to be blunt: the world is on the brink of a catastrophic moral failure – and the price of this failure will be paid with lives and livelihoods in the world’s poorest countries,” ani Dr. Tedros. “The situation is compounded by the fact that most manufacturers have prioritized regulatory approval in rich countries where the profits are highest, rather than submitting full dossiers to WHO.”

 

Kasabay nito nanawagan si Ghebreyesus sa lahat ng mga bansa na magsama-sama na sa unang 100 araw ngayong taon ay maisagawa na ang pagbabakuna sa mga health workers at sa mga matatanda.

 

Nagpaalala rin ito sa mga bansa na meron ng umiiral na bilateral contracts at may control sa supply ng mga vaccines na maging bukas sa pinasukang kasunduan sa ilalim ng COVAX ng WHO.

 

“The recent emergence of rapidly-spreading variants makes the rapid and equitable rollout of vaccines all the more important. But we now face the real danger that even as vaccines bring hope to some, they become another brick in the wall of inequality between the world’s haves and have-nots. It’s right that all governments want to prioritize vaccinating their own health workers and older people first. But it’s not right that younger, healthier adults in rich countries are vaccinated before health workers and older people in poorer countries.”

Caperal ipinagmalaki nina Caguioa, Devance

Posted on: January 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

HINDI naitago nina Mark Anthony Caguioa at Joe Calvin Devance ang pagsaludo kay Prince Renmer Caperal.

 

Ito’y nang anihin nang huli ang kanyang ang kanyang pagtitiyaga sa pangatlong taon sa Barangay Ginebra San Miguel, nang tanghaling Most Improved Player ng pandemic-shortened 45th Philippine Basketball Association (PBA) 2020 Philippine Cup sa Virtual Special Awards Night nitong Linggo.

 

Inalpasan ng Gin Kings big man sa karangalan ang frontliner ng Phoenix Super LPG na si Justin Chua sa nilikom na 2,447 votes (303 stats, 144 media, 2000 Commissioner’s Office) laban sa 2,096 ng Fuel Master na runaway winner sa media votes (2000), mula sa players ang kabuuan.

 

Dinaig din ng 27-anyos at may taas na 6-7 player ng Gin Kings sa MIP ang teammate ni Chua na si Jason Perkins at sina Raul Soyud bg North Luzon Expressway, Reynel Hugnatan ng Meralco at Javee Mocon ng Rain or Shine.

 

Naging ikatlong may dugong Never Say Die si Caperal na MIP awardee sa pagsunod  kina Dante Gonzalgo (1989) at Reynaldo Cuenco (199) nang Anejo Rum 65ers pa ang dala ng crowd favorite professional team.

 

“So proud of this guy. Congrats Prince you really deserve it,” shoutout sa Twitter ni Caguioa. “Keep working hard.”

 

“I’m really proud of my boy @caperalprince ! It is your time to play big for this Ginebra team brotha!” hirit naman ng isa pang beterano ni coach Earl Timothy Cone na si Devance.

 

Support cast lang noon si Caperal pero nang maglaho noong Enero 2020 si Gregory William Slaughter, siya ang naging pambara ng alak sa paint.

 

May average si Caperal na 9.64 points, 4.0 rebounds at 1.0 assist sa Pampanga bubble noong Oktubre-Disyembre. Grabe iniangat buhat sa 1.2 markers at 1.5 boards per game lang  44th season 2019-20.

 

Congrats, Prince keep it up! (REC)

Jesus; Matthew 7:7

Posted on: January 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Ask, and it will be given to you.