• January 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 25th, 2021

Ads January 25, 2021

Posted on: January 25th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Movie nina ALDEN at BEA, magso-shoot na at balitang nahihirapan na maghanap ng location

Posted on: January 25th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

BUSY at back to work na muli si Asia’s Multimedia Star Alden Richards, matapos mai-showing sa GMA-7, ang very successful at nag-trending na number 1 sa Twitter ang  Alden’s Reality, A TV Special. 

 

Last Thursday,  January 21, absent si Alden sa noontime show nilang Eat Bulaga, dahil may digital shoot siya ng nag-renew niyang wine commercial.

 

Ngayon ay naghahanda na rin si Alden sa pagbabalik ng reality kiddie singing competition ng GMA Network na Centerstage na hinahanap nila ang mananalong Bida Kid. Si Alden ang host nito with Kapuso comedian Betong Sumaya at mga judges naman sina Soul Diva Aicelle Santos-Zambrano, musical director Maestro Mel Villena at Concert Queen Pops Fernandez.

 

Ayon sa teaser ng programa, nakatakdang ibalik ang Centerstage next month sa GMA-7.  Hindi pa nila sinabi kung ilang weeks na lamang mapapanood ang show bago ang grand finals nito.

 

 

Samantala, sa February rin daw ang simula ng shooting ng new team up nina Alden at Bea Alonzo ng A Moment to Remember na co-production venture ng Viva Films at GMA Pictures.

 

 

Totoo kayang nahihirapan silang maghanap ng location para sa lock-in shooting nila ng movie na ididirek ni Ruel Nuval?

 

***

 

AS we go to press, wala pa kaming detalye ng kasal nina Kapuso actor Rocco Nacino at fiancée niyang si Melissa Gohing. 

 

Ito lamang ang Instagram post ni Rocco, 2hours ago last January 22.  “Yes… we… did.. 21-2-21 (January 21, 2021) Meet my wife, Mrs. Melissa Gohing-Nacino.”

 

Ipinakita nina Rocco at Melissa ang kanilang suot na wedding ring, naka-wedding gown si Melissa at mukhang white uniform ng Philippine Navy ang suot ni Rocco dahil isa siyang Philippine Navy Reservist.

 

So, congratulations and best wishes to the newlyweds, Rocco and Melissa!

 

***

 

KUNG masasabing biglaan ang wedding nina Rocco Nacino at Melissa Gohing, ang dating katambal ni Rocco at aktres na si Kris Bernal ay naghahanda na ng kanilang kasal ni Chef Perry Choi, kahit sabi niya ay next year pa ang wedding nila.

 

Nag-post na si Kris sa paghahanda nila sa kasal.

 

“Wedding Suppliers Checklist.  Since you are part of my life and you are part of my journey, I’ll share with you one of my most anticipated lifetime event preparations: My wedding with Perry.  Here’s the very first day of our meetingwith our events coordinator, @kathrynkimtorres @kimtorresevents. Please recommend suppliers for us! Thank you.”

 

Dapat ay ngayong 2021 magpapakasal sina Kris at Perry, habang ipinatatayo na nila ang bago nilang bahay, pero dahil sa umiiral na pandemic, hindi muna nila itinuloy, dahil sabi nga ni Kris, mahirap dahil sa health protocols na dapat sundin.

 

Sa ngayon ay wala pa rin namang exact date ang wedding nina Kris at Perry, pero tuloy ang construction ng bago nilang bahay. (NORA V. CALDERON)

LRT Line 1 Cavite Extension higit sa 50 percent ng kumpleto

Posted on: January 25th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Ipinahayag ng Department of Transportation (DOTr) na ang first phase ng Light Rail Transit Line 1 (LRT1) Cavite extension ay higit ng 50 percent na kumpleto.

 

“The LRT 1 Cavite Extension is now more than halfway to completion of the partial operability section until Sucat station, as we report an overall progress rate of 51.61% as of December 31,” wika ng DOTr.

 

Ang mga activities na ginagawa na ngayon sa proyekto ay ang bored piling, pier/portal column works at foundation works.

 

Kasama sa mabilis na pagtatayo ay ang pagpapalawak ng dating depot station sa Baclaran at ang pagtatayo rin ng bagong building para sa satellite depot sa Zapote station.

 

Inaasahang magkakaron ng initial na operability sa darating na katapusan ng taong 2021.

 

Ayon naman kay LRMC spokesperson Jacqueline Gorospe na ang kanilang kumpanya at DOTr ay kinakailangan magkasundo at magkatugma ang mga time lines sa mga activities sa ginagawang construction.

 

“They are well all aware of the possible adjustments given the pandemic works,” saad ni Gorospe.

 

Ang P69.4 billion LRT 1 Cavite expansion project ay isang public-private partnership (PPP) venture na pinayagan ng National Economic Development Authority (NEDA) noong November 2013 na may layunin na magdagdag ng 11.7-kilometer Baclaran-Bacoor, Cavite segment mula sa dating 18.1 kilometer train line.

 

Ang unang phase ng extension ay may pitong (7)-kilometro na kahabaan na may limang (5) stations sa pagitan ng Redemptorist Church sa Baclaran at Dr. Santos sa Paranaque. Samantalang ang tatlo (3) stations ay matatapos pa sa 2022.

 

Ang LRMC consortium na binubuo ng Metro Pacific Investments Corp.’s Metro Pacific Light Rail Corp., Ayala Corp.’s AC Infrastructure Holdings Corp., at Macquarie Infrastructure Holdings (Philippines) PTE Ltd. ay siyang nanalo ng kontrata para sa pagtatayo ng LRT-Cavite extension project.

 

Magkakaron ng walong stations ito – Redemptorist, NAIA Avenue, Asia World, Ninoy Aquino at Dr. Santos sa Paranaque, Las Pinas at Zapote sa Las Pinas City at Niog sa Bacoor.

 

Kapag natapos ng tuluyan ang LRT 1 Cavite extension, inaasahan ng DOTr na magkakaron ng 800,000 na pasahero mula sa dating 500,000 na pasahero.

 

Ang travel time mula Bacoor hanggang Central Station sa Taft, Manila ay mababawasan ng 1 oras at 45 na minuto at 10 minuto naman papuntang Roosevelt station sa Quezon City kahit na rush hours.  (LASACMAR)

Navotas naghahanda na sa implementasyon ng COVID-19 vaccination

Posted on: January 25th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Naghahanda na ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa implementasyon ng kanilang COVID-19 vaccination para sa mga residente nito.

 

 

Sa naganap na meeting na pinangunahan ni Mayor Toby Tiangco, kasama ang City Health Department at mga department head, nasa 267,000 ang kasalukuyang populasyon sa Navotas at nasa 103,000 ang edad 18 pataas na target mabakunahan.

 

 

“Hindi po sabay-sabay ang pagdating ng bakuna kaya kailangan meron po tayong priority list. Pinakauna ay ang ating mga public at private medical frontliners dahil sila po ang may pinakamataas na tsansa ng exposure sa COVID-19. Importante po na proteksyunan natin ang mga nag-aalaga sa atin”, ani Tiangco.

 

 

Ang mga nasa priority list ay mga frontline health workers, indigent senior citizens, iba pang senior citizens, indigent population, mga uniformed personnel, mga guro at school health workers, lahat ng government workers, Essential workers sa agrikultura, food industry, transportasyon at turismo, mga nakakulong, PWD, mga residenteng nakatira sa matataong lugar, Overseas Filipino Workers (OFWs), iba pang manggagawa, mga mag-aaral at iba pa.

 

 

Paalala ni Tiangco, mahalaga na magpalista sa COVID-19 vaccination program para maging handa sa pagdating ng bakuna ngunit, hindi aniya nangangahulugan na mababakunahan kaagad dahil susundin ang priority list sa pagbabakuna, ayon sa polisiya ng DOH.

 

 

Sinabi pa niya, kahit malayo sa priority, ang importante ay magpalista agad, dahil kung wala sa listahan, lalong wala tsansang masama sa mga mababakunahan.

 

 

Sa mga hindi pa nakapag-register, kumpletuhin lamang po ang form na ito: https://bit.ly/3qm2SYD. Sa mga walang gadget o internet connection, hintayin lamang ang anunsyo kung paano makakapag-register. (Richard Mesa)

DOF nababahala sa epekto nang pagsuspinde sa premium hike ng PhilHealth

Posted on: January 25th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nagbabala ang Department of Finance (DOF) sa magiging epekto sa PhilHealth nang suspensyon sa nakatakdang pagtaas nang premium rate ng kanilang mga contributors

 

 

Sa pagdinig ng House Committee on Health kahapon, sinabi ni Deputy Treasurer Sharon P. Almanza ng Bureau of Treasury na ayon sa DOF na malaki ang epekto ng suspensyon sa fiscal space ng PhilHealth.

 

 

Maari aniyang makaapekto ito sa payout nang mga benefit packages ng PhilHealth sa kanilang mga benepisyaryo ngayong taon.

 

 

Kahapon, inaprubahan ng komite ang House Bill 8316 ni Speaker Lord Allan Velasco na gumagawad ng kapangyarihan kay Pangulong Rodrigo Duterte para suspendihin ang premium hike ng PhilHealth sa panahon ng national emergency, kapag kakailanganin nang pagkakataon.

 

 

Base sa Section 10 ng Universal Healthcare Law, ngayong 2021 iaakyat sa 3.5 percent ang monthly contribution sa PhilHealth mula sa 3 percent rate.

 

 

Ayon kay Marikina Rep. Stella Quimbo, hindi dapat maapektuhan ang benefit payout ng PhilHealth gayong mayroon pa naman itong P169-billion na reserve fund, na maaring gamitin para ma-offset ang hindi makokolektang halaga mula sa nakatakdang contribution hike. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

MGA DIPLOMATS, ASAWA AT ANAK NA PINOYS, PINAPAYAGAN NG MAKAPASOK

Posted on: January 25th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PINAPAYAGAN na ng Bureau of Immigration (BI) ang mga Diplomats, kanilang asawa at anak na Pinoys batay sa natanggap nilang  resolusyon mula sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF).

 

Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na sa natanggap nilang resolusyon No. 95  mula sa IATF na pinapayagan nila ang pagpasok ng mga accredited na foreign diplomats,mga personnel na may accredited na international organizations kabilang ang World Health Organization (WHO), United Nations (UN)at mga dayuhang dignitaries na may travel  history sa loob ng 14 araw mula sa 35 bansa na may travel restrictions dahil sa Covid 19.

 

“Arriving foreign diplomats and personnel of accredited international organizations will be referred to the airport’s one stop shop for the usual testing and quarantine protocols,” ayon kay Morente.

 

Dagdag pa ng BI na sa mga  nangagaling sa mga bansa para sa medical at emergency cases kabilang  ang kanilang medical escorts  ay papayagan na makapasok ng bansa pero kailangan pa nilang sumailalim sa testing at quarantine protocols na naayon sa Dpartment of Health.

 

Kabilang din sa mga pinapayagan ay kanilang mga asawa at minor na anak na mga Filipinos  pero yaong mga paparating na asawa at mga minor na anak na Filipinos na kasama nilang bibiyehe ay kinakailangang mag-apply  ng kanilang entry visa bago bumiyahe sa Pilipinas.

 

“Spouse and minor children of Filipinos traveling with them who are not in possession of valid entry visas issued by our foreign posts abroad will not be allowed entry,” ayon kay  Morente.

 

Klinaro pa ni Morente na ang mga dual citizens na may Philippine at foreign citizenship ay papayagang pumasok kung may ipapakitang Philippine passport o ang kanilang certificate of citizenship.

 

Ayon sa BI ang Certifiate of Citizenship ay ang Identification Certificate o ang certificate of reacquisition/retention of Philippine Citizenship sa ilalim ng RA 9225. (GENE ADSUARA)

ASEAN ‘looking forward’ nang makipagtrabaho sa Biden administration

Posted on: January 25th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Handa nang makipag-trabaho ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa administrasyon ng bagong upo na si US President Joe Biden.

 

 

Sa isang press release, sinabi ng chairman ng ASEAN Foreign Ministers’ Retreat, na umaasa silang mapapalakas sa ilalim ng bagong administrasyon ang ugnayan ng kanilang hanay at Estados Unidos.

 

 

“In view of the recent inauguration of the President of the United States, Joseph R. Biden Jr. and Vice President Kamala Harris, we look forward to working with the new administration to further strengthen the strategic partnership between ASEAN and the United States (US) for the region’s peace, security, stability and prosperity.”

 

 

Kabilang sa nais palakasin ng ASEAN foreign ministers ay ang stratehiya ng rehiyon at Amerika para sa ekonomiya at COVID-19 pandemic.

 

 

“We further looked forward to our cooperation in promoting and strengthening multilateralism and international cooperation, to accelerate global economic recovery and to mitigate the COVID-19 pandemic.”

 

 

Ikinagalak ng ASEAN foreign ministers ang patuloy umanong katapatan ng Amerika na suportahan ang rehiyon nang naaayon sa prinsipyo ng ASEAN Outlook on the Indo-Pacific.

 

 

Handa na raw ang mga opisyal ng ASEAN na makasama sa meeting ang mga opisyal ng Biden administration.

 

 

Ang bansang Brunei Darussalam ang umuupong chairman ng ASEAN para sa taong 2021.

Sen. Go naghain ng panukalang batas sa pagpapaliban ng PhilHealth contribution hike

Posted on: January 25th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Inihain na ni Sen. Bong Go, chair ng Senate Committee on Health ang Senate Bill No. 2000 na naglalayong bigyang otoridad si Pangulong Rodrigo Duterte na suspendihin ang scheduled increase sa premium contribution rates ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

 

 

Sinabi ni Sen. Go, kailangang mag-pokus muna kung paano matulungan ang mga kababayang nangangailangan dahil sa COVID-19 pandemic.

 

 

Ayon kay Sen. Go, lalo sa ngayong nasa health emergency ang bansa, nawawalan ng kakayahan ang mga Pilipinong magbigay ng dagdag na kontribusyon dahil sa krisis.

 

 

Kaugnay nito, hinikayat ng senador ang national government na balikatin o tustusan muna ang kinakailangang pondo para maipatupad ang Health Care Law habang karamihan sa mga Pilipino ay bumabangon pa sa matinding epekto nog COVID-19 pandemic sa kanilang kabuhayan at buong ekonomiya ng bansa.

 

 

“Huwag na natin munang dagdagan ang pasakit ng taumbayan. Kung kaya naman, ang gobyerno muna ang sumalo sa kailangang pondo ng PhilHealth para maimplementa ng maayos ang Universal Health Care Law,” ani Sen. Go.

Online PSC National Sports Summit tuloy sa Miyerkoles

Posted on: January 25th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

TULOY  ang pagdaraos ng Philippine Sports Commission (PSC) National Sports Summit sa isang tatlong-bahagi na programa na may serye na lingguhang sesyon sa online simula sa Miyerkoles, Enero 27.

 

 

“We wanted to push through with this because we know it will be useful to know where we are now from where we were almost three decades ago. It will help see the road ahead of us and navigate it better,” lahad ni PSC Chairman “Butch” Ramirez sa Opensa Depensa.

 

 

Tinukoy ng opisyal ang 1st National Sports Summit 1992, kung saan 38 resolusyon ang binalangkas para sa isang mas malinaw na direksiyon at mahusay na programa sa pambansang palakasan o palaro para sa mga Pinoy.

 

 

Tema para edisyong ito ng government sports agency ang Sports Conversations, na sasaklaw sa may 25 paksa tungkol sa industriya.

 

 

Ibinahagi pa ni Ramirez na “ang datos na makakalap mula sa mga sesyon na ito ang pag-aaralan at mapoproseso, na magiging pundasyon ng isang bagong hanay ng mga resolusyon na inaasahan na magiging kapaki-pakinabang para sa hinaharap sa mga pinuno sa sports, mambabatas, at opisyal na nag-aambag sa pagpapabuti ng sports at mga atleta.

 

 

Natutuwa ang pitak na ito na kahit maty pandemya’y tinuloy pa rin ng Komisyon ng Palaro sa Pilipinas O PSC ang makabuluhang proyekto nila.

 

 

Kaya isang palakpak po mula sa OD. Mabuhay kayo riyan sa PSC. (REC)

Psalm 33:5

Posted on: January 25th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

The earth is full of God’s unfailing love.