• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 8th, 2021

Barbosa tiwalang makakapasa sa Olympic Qualifying Tournament

Posted on: February 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KUMPIYANSA!

 

 

Iyan ang saloobin ni 30th Southeast Asian Games Philippines 2019 men’s taekwondo 54-kilogram gold medalist Kurt Barbosa sa susuunging Olympic Qualifying Tournament (OQT) sa Amman, Jordan sa papasok na buwan.

 

 

Nakabilang ang 21 anyos, isinilang sa Bangued, Abra, pambato ng National University at 2018 University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Most Valuable Player-Rookie of the Year, sa limang pinili ng Philippine Taekwondo Association (PTA) para sa three-month bubble training sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.

 

 

Kasabayan niya OQT ‘Calambubble’ training sina Pauline Louise Lopez, Kirstie Elaine Alora, Arven Alcantara at Samuel Thomas Morrison. Pero apat lang ang ipapadala ng PTA sa OQT sa Marso.

 

 

“Sa pagsisikap po naming lahat, tiala akong may papasa amin sa Jordan OQT,” aniya nitong isang araw. (REC)

‘Parang Kayo, Pero Hindi’, Vivamax’s First Original Series

Posted on: February 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

VIVAMAX, the country’s one-stop entertainment hub for every Filipino, is starting 2021 with a bang as it presents its first Vivamax Original Series, PARANG KAYO PERO HINDI, starring Marco Gumabao, Kylie Verzosa and Xian Lim.

 

 

It is directed by RC Delos Reyes, director of Love the Way U Lie and Alter Me.    

 

      

Based on the bestselling book by Noreen Capili a.k.a. Noringai who is also the writer for the series, PARANG KAYO PERO HINDI is the story of Joaquin (Xian Lim) and Daphne (Kylie Verzosa) who start hanging out with each other after a series of encounters in Pangasinan. They feel a connection between them, but not really ready to commit, the two decided to just go with the flow and see where their “friendship” will take them. It was all fun and convenient until Joaquin falls seriously in love with Daphne. But Daphne rejects Joaquin, saying she doesn’t want to ruin whatever it is that they have. And things get more complicated as Daphne’s ex-boyfriend Robi (Marco Gumabao) comes back to her, asking for another chance to fix things between them. Questions and uncertainties surround Joaquin and Daphne as they try to define their relationship and decide on their true feelings.

 

 

Joining the main cast for this first Vivamax Original Series are Phoebe Walker, Danita Paner, Francine Garcia, Gino Roque, Guji Lorenzana, CJ Jaravata and Ms. Yayo Aguila who plays the role of Joaquin’s mother. VIVA is also introducing fresh faces in the series with the addition of Krissha Viaje, Stacey Gabriel and Thayfa Yousef.

 

 

Shot in different locations and beaches in Alaminos and Bolinao, Pangasinan, the series gives off a cool, local vibe and sets the perfect mood for each scene.

 

 

Also setting the mood and the feels in the series are its official soundtracks by different artists and band. The series will feature songs like ‘Ulap’ by Rob Deniel; ‘Nag-iisang Muli’ by Cup of Joe; ‘Glances’ by Sabu; ‘Umibig Muli’ by Janine Teñoso, and ‘Parang Kayo Pero Hindi’ by Marion Aunor.

 

 

VIVAMAX’s first original series PARANG KAYO PERO HINDI streams on February 12 on VIVAMAX. VIVAMAX is now available for download in the Philippines through Google Play Store. For just P149 a month, WATCH ALL YOU CAN! Access the biggest library of Pinoy content – movies, TV series, documentaries, music specials, Vivamax Originals and exclusive content.

 

 

Download the VIVAMAX app now, register and subscribe. You can pay through GCash, credit card or to the nearest EC Pay outlets. You can also stream at www.vivamax.net. (ROHN ROMULO)

Panukalang amyenda sa data privacy act, pasado sa Komite

Posted on: February 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Inaprubahan ng House Committee on  Information and Communications Technology ang substitute bill sa House Bills 1188 at 5612, na naglalayong amyendahan ang Republic Act 10173 o ang “Data Privacy Act of 2012.”

 

 

Layon ng panukala na tugunan ang hamon sa data privacy, usapin sa cross-border data processing sa bansa at paunlarin ang proteksyon ng mga indibiduwal na personal na impormasyon sa sistema ng impormasyon at komunikasyon sa pamahalaan at pribadong sector.

 

 

Ito ay sa pamamagitan ng mas mabigat na mga probisyon, na magbibigay ng katuwiran sa lahat ng umiiral na patakaran at alituntunin, kabilang na ang pagtatatag ng mas epektibo at sapat na iskema sa data privacy.

 

 

Tinalakay ni Privacy Policy Office OIC-Director Atty. Ivy Grace Villasoto ng National Privacy Commission, ang nakatakdang usapin na tinalakay at inaprubahan ng technical working group sa substitute bill.

 

 

Sinabi ni Villasoto na inamyendahan ng TWG ang mga probisyon sa usapin ng pagpaparusa upang ang pagpapataw ng kaparusahan sa mga lumalabag ay iiwanan sa diskresyon ng kinauukulang hukuman.

 

 

Idinagdag niya na ang pamantayan sa nasa batas na proseso ng mga personal na impormasyon, na nakasaad sa panukala ay 1) pahintulot mula sa data subject, 2) kinakailangan sa layuning medikal, 3) kinakailangan sa pampublikong kapakanan sa mga pampublikong kalusugan at makataong kagipitan, at iba pa. Samantala, binuo ng Komite ang isang technical working group (TWG) upang palawigin ang pagtalakay at pahusayin ang mga probisyon ng HB 299, na naglalayong magpatupad ng mga polisiya para mapahusay ang epektibo at malinaw na paraan sa pamamahagi, at pagtatalaga, gayundin ang pamamahala ng mga radio frequency spectrums.

 

 

Samantala, inaprubahan ng House Committee on Trade nd Industry ang substitute bill na magpapalakas sa “Consumer Act of the Philippines.”

 

 

Ilan sa mga probisyon ng RA 7394 na isinabatas noong 1992, ay luma na at hindi na nakakatulong sa mga konsyumer.

 

 

Binuo rin ng komite ang isang technical working group (TWG) upang pagsamahin ang HB 8062 at HB 1597 na naglalayong amyendahan ang RA 8293 o ang “Intellectual Property Code of the Philippines.” (ARA ROMERO)

NAGSULPUTANG PEKENG COVID VACCINE, BABANTAYAN NG NBI

Posted on: February 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAGSASAGAWA ng monitoring ang  National Bureau of Investigation (NBI) para mabantayan ang pagpuslit ng mga nagsulputang  pekeng  Covid-19 vaccines sa bansa.

 

Kaugnay nito, sinimulan na rin ng NBI ang imbestigasyon sa importation, selling at distribution ng Covid-19 vaccine na hindi dumaan sa tamang proseso at hindi aprubado ng food and Drugs Administration (FDA).

 

Una nang inatasan ni DOJ Secretary Menardo Guevarra ang NBI na magsagawa ng imbestigasyon hinggil sa ulat ng mga  pekeng mga gamot na nakakapsok sa bansa kasama na rito ang bakuna kontra Covid-19.

 

Matatandaang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na nabakunahan na ang ilang miyemro ng sundalo partikular ang Presidential Security Group (PSG) .

 

Sinasabing ang bakuna na donasyon mula sa China ang sinasabing itinutok sa mga sundalo at iba pang personalidad kung saan wala itong rehistro o hindi dumaan sa FDA at wala rin itong emergency use authorization.

 

Kabilang ang mga sundalo sa priority list ng gobyerno na makakatanggap ng bakuna sa sandalling dumating na ito sa bansa. (GENE ADSUARA)

Lim, iba pa 5 magti-training sa Turkey mula Peb. 23-Mayo 15

Posted on: February 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

LALABAS ang national karate team ng Philippines Sports Commission (PSC)-Olympic training bubble sa Inspire Sports Academy sa Calamba City, Laguna sa paglipad sa Istanbul, Turkey sa Pebrero 22 upang doon ipagpatuloy ang kampo para sa Olympic Qualifying Tournament (OFT) sa Paris, France sa Hulyo 11-13.

 

 

Napag-alaman ng pahayagang ito kahapon kay Karate Pilipinas Sports Federation Inc. (KSPFI) president Richard ‘Ricky’ Lim, na inurong ang Portugal Premier League sa Marso 12-14 buhat sa Peb. 14 sanhi nang pagsirit ng Coronavirus Diosease 2019 kaya sa Istanbul muna lalapag ang mga karatista.

 

 

Nasa Calambubble buhat pa noong Enero 15 sina Philippine 2019 Southeast Asian Games women’s kumite +61-kilogram champion Jaimie Christine Lim, Sharif Afif, Alvin Bagtican at Ivan Agustin.

 

 

Susunod na lang sa kanila sa Turkey camp na aabutin ng Mayo 15 sina Fil-Am Joane Orbon na manggagaling sa Estados Unidos, at Fil-Japanese Junna Tsukii na nasa Japan.

 

 

Kung pumasa sa OQT, susulong sila sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na na iniatras ng Hulyo 23-Agosto 8 sanhi rin ng pandemya. (REC)

Blu Girls dapat nang maghanda para sa 2022 Asiad – Altomonte

Posted on: February 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAKATAKDA na sa Setyembre 10-25, 2022 ang 19th Asian Games sa Hangzhou City, Zhejiang Province, China.

 

 

Kaya gusto na ng dating national women’s softball team skipper, catcher at bagong nombrang secretary general ng Amateur Softball Association of the Philippines (ASA-Phil) na pabalikin na sa pag-eensayo ang Philippine Blu Girls.

 

 

“The national team does not have a major tournament because softball is not included in the Hanoi 2021 SEA Games, so the team will focus instead for next year’s major tournament which is the Asian Games,” esplika kahapon ng 27-anyos at nasa Blu Girls noong 2013-19 na si Francesca ‘Cheska’ Altomonte.

 

 

Pinangwakas na wika pa ng miyembro ng PH clouters na naka-gold medal sa 30th Southeast Asian Games Philippines 2019 bago nagretiro, na kailangang simulant na aniya na ang training ngayong taon sa kabila na mabigat pa rin ang hatid ng Coronavirus Disease 2019. (REC)

5 milyong Pinoy jobless noong 2020

Posted on: February 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Tinatayang 5 milyong Pilipino ang nawalan ng kanilang hanapbuhay noong 2020 sa kasagsagan ng lockdown dulot ng COVID-19.

 

 

Pero mas mababa ito kumpara sa datos ng Social Weather Stations (SWS) na nagsabing nasa 12.7 milyong Pinoy na ang nawalan ng trabaho sa ikaapat na quarter ng 2020.

 

 

“Ang record namin as of December, umaabot lamang po ng mga around a little less than 5 million,” ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello.

 

 

Tinatayang 5 milyong Pilipino ang nawalan ng kanilang hanapbuhay noong 2020 sa kasagsagan ng lockdown dulot ng COVID-19.

 

 

Pero mas mababa ito kumpara sa datos ng Social Weather Stations (SWS) na nagsabing nasa 12.7 milyong Pinoy na ang nawalan ng trabaho sa ikaapat na quarter ng 2020.

 

 

“Ang record namin as of December, umaabot lamang po ng mga around a little less than 5 million,” ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello.

 

 

Upang matulungan ang mga kumpanya sa pagpapasahod sa mga tauhan sa pamamagitan ng subsidiya ng hanggang 30 porsyento ng suweldo, humingi ang DOLE sa pamahalaan ng P40-bilyong pondo ngunit hindi naaprubahan. Umaasa pa rin naman ang DOLE na maisasama ito kung magkakaroon ng Bayanihan 3.

RITA, ‘di nagustuhan ang comment na ‘over acting’ at napag-iiwanan kaya natawag na ‘demonyo’ ang basher

Posted on: February 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

ISANG netizen na may IG account na @arte.basics ang nagsabing napag-iiwanan daw si Rita Avila pagdating sa aktingan ng mga co-stars niya na sina Jodi Sta. Maria, Iza Calzado at Maricel Soriano.

 

 

      Sinagot naman ito ni Rita nang, “oh I am sorry naman kung d ka naayusan sa acting ko.”

 

 

Nagpaliwanag naman ang nag-comment na fan daw siya ng serye at sobrang nakatutok daw sila sa online at napansin lang daw nila.

 

 

Sey ulit ni Rita, “Sorry to hear na ako ang napag iwanan sa acting. I have done my best but it didn’t pass your standards.”

 

 

Hindi naman nagustuhan ni Rita ang nag-comment na over acting siya. Kahit nagpaliwanag ang nag-comment na na-misunderstood lang daw siya ng actress.

 

 

“Insulto yan sa mga directors ng ASIAA at sa management na nag-approve ng performance ko. Hirap na hirap na kaming lahat sa trabaho and that is what you will say?”                      

 

    At saka niya binalikan muli ang nag-comment na napag-iiwanan siya sa acting.

 

 

Aniya, sa dami na ng na high blood, kinakabahan na nga ako. Parusa sa mga artistang kontrabida ang role. Pero kakaiba itong si @arte.basics, iba ang galit sa akin. Tinapakan ako. Minaliit.  Well, I cannot please everybody. But to make 99% angry at Belen is already a triumph.”

 

 

Yun lang, hindi pa rito nagtapos. Nag-video pa si Rita kunsaan ay galit na galit siya dahil pati raw relasyon nilang mag-asawa ay sinisira na ng naturang netizen.

 

 

Hanggang sa ang tawag na ni Rita rito ay “demonyo.”

 

 

***

 

 

NAGDULOT ng kilig ang pinost na work-out video ni Matteo Gudicelli.  

 

 

Hindi makikita sa video na pinost sa Instagram ni Matteo ang misis na si Sarah Geronimo, pero dinig na dinig ang boses nito.

 

 

Hindi boses na kumakanta si Sarah sa background. Pero, daig pa nito ang gym or workout coach ni Matteo sa pagpuna ng pagwu-workout ng asawa at nagde-demand pa kung wala raw bang push-up na gagawin si Matteo.

 

Sabi ni Sarah, “Nagmamadali ka naman kasi Love, e.  Bakit walang push-up Love? Wala bang push-up ‘yan?”

 

 

Nang mag-push-up nga si Matteo, si Sarah pa ang nagbilang dito. Kaya hirit ni Matteo, “Ang strict ng trainor ko.”

 

 

Siyempre ang daming kinilig at sa caption nga ni Matteo sa kanyang IG video post, “Gentlemen, the best workout coach is your wife.”  At saka nito sinundan ng emoji na 100.

 

 

***

 

 

PAREHONG nag-celebrate na ng pa-advance Valentine’s Day nila sa kanilang respective partners ang mga bida ng bagong serye ng GMA Public Affairs, ang Owe My Love na sina Lovi Poe at Benjamin Alves.

 

 

Si Benjamin, after raw ng first leg ng taping nila, nagpunta sila ng Boracay ng girlfriend na si Chelsea Robato. Si Lovi naman, lumipad pa ito papuntang Los Angeles para makasama ang boyfriend na si Montgomery Blencowe.

 

 

      Matagal silang hindi nagkasama dahil sa lockdown, so obviously, sinulit na nilang lahat ang okasyon nang magkasama.

 

 

Naka-lock-in taping silang lahat ngayon hanggang March pa sa Owe My Love kaya sa mismong Valentine’s Day, virtual celebration na lang silang dalawa sa kanilang mga boyfriend/girlfriend.

 

Daig sila ni Ai Ai delas Alas dahil kasama niya ang mister na si Gerald Sibayan. Ang mister na rin niya ang nagsisilbing driver at nagluluto para sa kanila.

 

 

Sa February 15 sa GMA Telebabad na magsisimulang mapanood ang Owe My Love. (ROSE GARCIA)

Senado iimbestigahan ang vehicle inspection system ng LTO

Posted on: February 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Magsasagawa ng isang imbestigasyon ang committee on public services ng Senado tungkol sa operasyon ng Private Motor Vehicle Inspection Centers (PMVICs) dahil sa sumbong ng mga motorista na nagbabayad sila ng doble sa kanilang vehicles registration fees.

 

Si Senator Grace Poe ang naghain ng isang resolution na siyang umuupo bilang chairman ng panel kung saan gusto niyang mag-usisa tungkol sa pagpapatupad ng Department Order 2018-019 ng Department of Transportation (DOTr), Mememorandum Circular No. 2018-2158 ng Land Transportation Office (LTO) at ibang pa na issuances tungkol dito.

 

“The intention behind the law is noble, but the fees following its implementation cannot come at a worse time in the middle of a pandemic where people are barely getting by and now have to add another item in their list of expenses,” wika ni Poe.

 

Noong 2018, ang LTO ay nag issue ng memorandum circular na nagbibigay ng karapatan sa mga PMVICs na magkolekta ng inspection fee na nagkakahalaga ng P1,800 mula sa motor vehicles na may timbang na 4,500 kilograms o mas mababa pa dito. Subalit kung hindi pumasa ang sasakyan ay kailangan na sumailalim ito sa mga repairs at muling ibabalik sa PMVIC kung saan ang motorista ay magbabayad ng karagdagang P900 para sa reinspection para mabigyan sila ng clearance.

 

Ang mga motorcycles at tricycles ay magbabayad naman ng P600 sa inspection at P300 para sa reinspection.

 

Samantala, ang pagpapatupad ng implementasyon ng Motor Vehicle Inspection System (MVIS) program ng LTO upang masiguro ang roadworthiness ng sasakyan at ng mapigilan ang mga road accidents ay pinahinto na 12 taon na ang nakalilipas. Ang binabayaran lamang ng mga motorista noon ay P500 para s emission testing fee.

 

Ayon naman sa LTO, ang ginagawang inspection procedure ngayon ay mas maaasahan dahil gumagamit ito ng mas makabagong technology upang matingnan ang sasakyan sa loob at labas. Subalit marami ang nagrereklamong motorista.

 

“Its hard to ignore the accounts from motorists who have experienced glitches in the PMVIC test results that incurred additional costs on their part for reinspection. The unreliability of the test results is problematic and burdensome, to say at least,” dagdag ni Poe.

 

Isa pa na problema ay ang kakulangan ng interconnectivity sa pagitan ng IT system na ginagamit ng PMVICs at ng LTO.

 

Tungkol naman sa pagpapatupad ng implementasyon ng controversial na Child Safety in Motor Vehicles Act (Republic Act 11229), tinalakay sa Senado na kailangan na magkaron ng fine-tuning ang implementing rules and regulations (IRR) lalo na ngayon na may health crisis dahil sa pandemic.

 

Kamailan lamang ay sumulat si Samar Rep. at chair ng House transportation committee Edgar Mary Sarmiento kay Secretary Tugade na magkaron muna ng paghahanda kasama na dito ang pagkakaron ng malawakang education at information campaign bago pa magkaron ng implementasyon ng nasabing batas.

 

“I support the initiative of the chair to have the implementation suspended but I also hope that the opportunity to review the IRR be taken while implementation is delayed. It seems that there are IRR provisions that go beyond the scope and authority of RA 11229 and also add to the confusion and apprehension about the law,” wika naman ni Rep Ruffy Biazon. (LASACMAR)

Malakanyang, isinapubliko ang priority population groups

Posted on: February 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

ISINAPUBLIKO ng Malakanyang ang priority population groups para sa inihahandang pagbabakuna laban sa Covid -19 ngayong buwan.

 

In-adopt ng Interim National Immunization Technical Advisory Group (INITAG) ang mga sumusunod na priority population groups para sa gagawing pagbabakuna.

 

Ito ay ang mga sumusunod:

A1: Frontline workers sa mga health facilities kapwa national and local, private and public, health professionals and non-professionals like students, nursing aides, janitors, barangay health workers, etc.
A2: Senior citizens aged 60 years old and above
A3: Persons with comorbidities not otherwise included in the preceding categories
A4: Frontline personnel in essential sectors including uniformed personnel and those in working sectors identified by the IATF as essential during ECQ
A5: Indigent population not otherwise included in the preceding categories
B1: Teachers, Social Workers
B2: Other Government Workers
B3: Other essential workers
B4: Socio-demographic groups at significantly higher risk other than senior citizens and indigenous people
B5: Overseas Filipino Workers
B6: Other Remaining Workforce
C: Rest of the Filipino population not otherwise included in the above groups

 

Binigyang diin ng INITAG na ang anumang tiyak na inclusion at exclusion criteria ng bawat bakuna, na makikita sa kani-kanilang Emergency Use Authorization of the Food and Drug Administration, o rekomendasyon mula sa Health Technology Assessment Council ay kailangan ikunsidera.

 

Sa pagpili ng lugar para sa sub-prioritization, ibabase ito sa “(1) COVID-19 burden of disease (these are the current active cases, attack rate per 100,000 population in the past 4 weeks, and population density); and (2) vaccination site and/or Local Government Unit readiness, particularly, its supply chain capability.”

 

Hinggil naman sa alokasyon ng first tranche ng Pfizer BioNTech vaccine para sa healthcare workers, ito ay allocation framework gaya ng sumusunod: “a) all the COVID-19 dedicated hospitals, b) COVID-19 referral hospitals, c) DOH-owned hospitals, d) LGU hospitals, e) hospitals for uniformed services/personnel, and f) private hospitals. ” (Daris Jose)