• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 8th, 2021

KC, nagpasalamat sa GMA Network sa paglabas ng article sa kanyang jewelry business; posibleng makapag-guest sa ibang shows

Posted on: February 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAGPASALAMAT si KC Concepcion sa GMA Network matapos lumabas sa isang article nila ang tungkol sa pagiging solo entrepreneur ng actress sa kanyang jewelry business, na siya lamang mag-isa ang gumagawa ng mahirap na trabaho. 

 

 

In this way nagawa raw niyang tulungan ang ibang taong nangangailangan.

 

 

Sa Instagram post ni KC: “Thank you @gmanetwork and Ms. Cara Emmeline Garcia @avecmoijewelry and our fellow jewelry lovers who purchased our pieces, were indeed able to provide immediate relief to survivors of the most recent typhoons.”

 

 

Kamakailan ay nag-guest din si KC sa Amazing Earth, infotainment program ni Dingdong Dantes sa GMA, na pinost din niya ang clip nito sa kanyang IG account, kaya maraming nagsasabi na maaari raw bumalik muli sa GMA si KC para mag-guest sa iba pang programa roon.

 

 

Miss na rin ng mga fans ni KC ang actress na matagal nang hindi napapanood sa TV.

 

 

***

 

 

MALUNGKOT si Kapuso actress Lovi Poe na miss na miss na ang kanyang boyfriend na si Montgomery Blencowe from the US.

 

 

Sabi nga balik-sila muli sa LDR (long distance relationship).

 

 

Lovi spent the holidays in the US with Montgomery and his family from UK na bumisita rin sa kanya. Pero after Christmas bumalik na rin agad si Lovi sa bansa para tapusin ang lock-in taping ng bago niyang romantic-comedy series na Owe My Love, kaya ngayon ay miss na miss na ni Lovi ang boyfriend.

 

 

“Being in a long-distance relationship can be tough, lalo ngayong it’s hard to travel because of the pandemic,” sabi ni Lovi.

 

 

“Kaya with the distance, mas lalo naming nami-miss ang isa’t isa and he makes an extra effort to make me feel special kahit we’re so far away from each other.”

 

 

Medyo nalilibang si Lovi dahil sa pagti-taping, ng Owe My Love na mas light kaysa sa mga nauna niyang serye na masyadong dramatic.

 

 

Magiging birthday presentation niya ang serye dahil magsi-celebrate siya ng birthday sa February 11 at magiging post-Valentine offering naman ito ng GMA Telebabad sa February 15, after ng Love of My Life.

 

 

Producer nito ang GMA Public Affairs.

 

 

***

 

 

 

TIYAK na magugustuhan ng mga K-drama adiks ang bagong handog ng GMA Heart of Asia ngayong February, ang The Romantic Doctor 2.

 

 

Ngayong Monday, February 8 na magsisimulang mapanood ang medical K-drama na puno ng aral tungkol sa love, friendship at laban para sa propesyon at prinsipyo sa multi-awarded Korean series na The Romantic Doctor 2 sa GMA Network.

 

 

Tampok sa serye ang panibagong journey ng mahusay na surgeon na si Dr Daniel Boo (Han Suk-kyu) na mas kilala sa tawag na Master Kim. Dahil nangangailangan ang pinagtatrabahuhan niyang ospital sa Doldam Hospital ng general surgeon, nagtungo siya sa Geosan University Hospital sa Seoul para mag-recruit.

 

 

Nakilala niya roon sina Dr. Wesley Seo (Ahn Hyo-seop) at ang cardiac surgeon na si Dr. Emily Cha (Lee Sung-kyung).  May pagkukulang man sila, napili pa rin ni Master Kim ang dalawa para magtrabaho sa kanilang hospital.

 

 

Mapapanood ang The Romantic Doctor 2 sa GMA Telebabad, pagkatapos ng My Korean Jagiya. (NORA V. CALDERON)

SHARON, nagbiro na handa nang kunin ni Lord ‘pag nakilala si KEANU REEVES; naglambing kina MANNY at JINKEE

Posted on: February 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAALIW kami sa IG post ni Megastar Sharon Cuneta na kung saan pinasalamatan niya si Sen. Manny Pacquiao sa binigay nito sa inaanak na si Miguel na masayang-masaya.

 

 

Caption niya, My son Miguel is over the moon right now! His godfather/Ninong Sen. Manny Pacquiao sent him his promised autographed boxing glove!!! Thanks so much, Pare and Mareng Jinkee!!!

 

 

Pero may hirit si Mega na, Ako pare at mare pag nag-isip kayo ever ng ano ba puede I-gift sakin, puede makilala ko lang si Keanu Reeves tapos handa na ako kunin ni Lord! Hahahaha!.      

 

Thanks so much for making my son so happy! We love you!!!@jinkeepacquiao.”

 

 

Kaya naman nag-react ang followers ni Sharon.

 

 

Sey nila, ang cute mo ma!! Lakas ng tama mo po kay keanu reeves.”

 

 

nakuuu! KEANU wag kang magpapakita sa mama namin ha pakiusap! haha sorry mama i love u po.”

 

 

I saw him so many times in Celebrity tour houses in Los Angeles , he’s a good looking guy, when we saw him he just waved.”

 

 

Last December, inamin ni Sharon na muntikan na siyang gumastos ng higit na P3.3 million ($70,000) para sa sikat na Hollywood actor, dahil isa siya sa nag-bid sa auction ng charitable organization na matagal nang sinuportahan ng hinahangaang aktor. Pero natalo siya at nawala ang chance na ma-meet ng personal si Keannu.

 

 

Samantala, nag-post din si throwback photo ni Sharon bilang pagsuporta kay Frankie Pangilinan na patuloy na binabatikos, may caption ito na, Love and light, our dearest, most precious, beautiful and talented daughter, KAKIE! Your music is awesome!!! We and millions of people out there love you so much.”

 

 

Dagdag post pa ni Mega, Not engaging! Unlike other people we do not fight dirty.

 

 

May nag-react naman na isang basher at comment nito na, “not engaging” yet you still comments on your own post  Ano ba talaga??? Pinefeed mo lang din mga bashers ng anak mo, ninyo rather. Just accept the fact na di kagalingan anak mo. I get it, you’re a mom, you want to boost your daughter’s confidence pero it will also help her if honest ka sa kanya, maybe then she will learn to accept criticism.”

 

 

Na sinagot naman ng followers ni Mega na, hala sya!galit na galit gustong manakit? kalma di ka nila inaano!

 

 

wag ka na umasang papansinin ka ni Mega. Masyadong mababa ang level mo. Stop spreading bad vibes!(ROHN ROMULO)

Fernando, nilinaw ang usapin sa NFEx

Posted on: February 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

LUNGSOD NG MALOLOS– “Saan man at kailanman, wala sa pagkatao ni Daniel Fernando ang magbebenta ng karapatan ng kaniyang kalalawigan, lalo na nang maliliit at walang tinig sa lipunan.”

 

 

Ito ang binitawang pahayag ni Gobernador Daniel R. Fernando sa ginanap na Joint Forum with Selected Legislators and Executives of the Provincial Government of Bulacan na naglalayon na maliwanagan ang mga lingkod-publiko sa usapin patungkol sa proyektong North Food Exchange (NFEx).

 

 

Ginanap ang pulong matapos talakayin ni Bise Gob. Wilhelmino M. Sy-Alvarado sa kanyang personal at kolektibong pribilehiyong pahayag ang nabigong nasyunal na proyekto na nagkakahalaga ng ilang milyon, na tila nagtuturo sa hindi pinangalanang indibidwal na diumano ay ang responsable dito.

 

 

“Kung papakinggan po ang nasabing talumpati, tila may pinariringgan na hindi naman pinangalanan at may isinasangkot na hindi rin tiniyak kung sino. Medyo nagbubunga ito ng kalituhan,” dagdag ni Fernando.

 

 

“Ang tungkulin ko sa usaping ito ay ginawa ko mula pa sa simula, at patuloy kong itataguyod ang hustisya habang ito ay may nalalabing puwang, gaano man kaliit. Nais ko ring ipahatid sa lahat, wala akong sisinuhin kapag ang kapakanan ng lalawigan ang nasasangkot,” anang gobernador.

 

 

Aniya, maaaring muling pabuksan ang kaso ng Presiding Officer ng Sangguniang Panlalawigan.

 

 

“Kapag lumabas na ang desisyon ng mataas na hukuman in its very final decision, at kung sa pakiramdam ng bawat isa ay hindi nanaig ang hustisya, bilang Sanggunian, may karapatan po kayo na bisitahing muli ang usaping ito,” ani Fernando.

 

 

Ayon sa makatotohanang pagsasalaysay ni dating bokal at ngayon ay Konsehal Abgd. Enrique Dela Cruz, Jr. na hinango mula sa mga dokumento mula sa Korte noong 2013, naglabas ang Sangguniang Panlalawigan na noo’y pinamumunuan ni Fernando ng isang resolusyon na nagbibigay pahintulot sa noo’y gobernador Alvarado na magsampa ng kaso laban sa Southeast Asia Commodities and Food Exchange Inc (SACFEI).

 

 

“Sa maliwanag pong salaysay, hindi nagkulang ang SP sa pangunguna ni Daniel R. Fernando bilang Vice Governor dahil inaksyunan naman po natin. Nagbigay po tayo ng resolusyon upang maisampa ang naturang kaso,” paglilinaw ni Dela Cruz.

 

 

Upang tapusin ang kanyang talumpati, nanawagan si Fernando sa lahat na iwasan ang paggamit ng mga ganitong isyu para sa pulitikal na interes.

 

 

“Matapos ang pagpupulong na ito, ako ay umaasa na matitigil na ang maling alegasyon at insinuasyon laban sa inyong lingkod,” pagtatapos ni Fernando.

 

 

Kasama rin sa joint forum sina mga Bokal Allan Andan, Romina Fermin, Bernardo Ople, Jr., Erlene Dela Cruz, Ramon Posadas, Romeo Castro, Jr., Emelita Viceo, Enrique Delos Santos, Jr., Alex Castro, Allan Ray Baluyut, at Ramilito Capistrano; Provincial Administrator Antonette Constantino; Chief of Staff Atty. Jayric Amil; Provincial Legal Officer Atty. Gabriel Silvera; Consultant Atty. Rustico De Belen; dating mga Bokal Felix Ople at Rino Castro; at Atty. Joey Inocencio.

 

 

Matatandaan na ang NFEx ay idinisenyo na maging processing, storage, at trading center ng mga produktong pang-agrikultura mula sa mga lalawigan sa hilaga ng Metro Manila. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Ads February 8, 2021

Posted on: February 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Perez pinasalamatan Terrafirma

Posted on: February 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAGPAABOT ng pasasalamat si Philippine Basketball Association (PBA) stalwart Christian Jaymar ‘CJ’ Perez para sa Terrafirma na pinaglaruan niya ng dalawang taon bago pinagpalit ng Dyip sa San Miguel Beer.

 

 

Inaprubahan nitong Martes ni pro league commissioner Wilfrido ‘Willie’ Marcial ang pag-swap ng 2018 top pick pick overall,  2019 Rookie of the Year at two-time scoring champion mula sasakyan patungong Beermen.

 

 

Naging kahalili ng 27taong-gulang, 6-2 ang taas na guard/forward sina ang anim na manlalarong sina Russel Escoto, Joshua Angelo ‘Gelo’ Alolino, Matthew Allen ‘Matt’ Ganuelas-Rosser, SMB 2020 first-round pick, at 2022 first-rounder choice.

 

 

“My professional career started with you. I couldn’t be more thankful for the last two years. The friendship I made with everyone – utility, coaching staff and definitely my teammates. Thank you coach John (Cardel) and boss Bobby (Gov. Demosthenes Rosales) for believing in me. I appreciate your trust!” paskil ni Perez sa kanyang Instagram post nitong Biyernes. (REC)

2 drug suspects arestado sa Valenzuela buy bust

Posted on: February 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Arestado ang dalawang hinihinalang sangkot sa ilegal na droga habang narescue naman ang isang 16-anyos na dalagitang estudyante sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.

 

 

Kinilala ni Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega ang naarestong mga suspek na si Danilyn Ileto, alyas “Ayhie”, 31, at Marvin Manalotoc, 30, kapwa ng 5226 Demitillo Brgy. Gen. T De Leon.

 

 

Dakong alas-2 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Joel Madregalejo sa ilalim ng pangangasiwa ni PLT Robin Santos sa pamumuno ni P/Col. Ortega ng buy bust operation sa bahay ng mga suspek.

 

 

Nagawang makabili sa mga suspek ng P500 halaga ng shabu ng isa sa mga operatiba na nagpanggap na buyer.

 

 

Nang tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng isang sachet ng shabu ay agad silang dinamba ng mga operatiba habang narescue naman ang dalagitang estudyante.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 3 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P20,400 ang halaga, buy bust money, 3 cellphones at P470 cash.

 

 

Mahaharap ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensice Dangerous Drug Act of 2002 habang tinurn-over naman sa pangangalaga ng DSWD ang menor-de-edad. (Richard Mesa)

Bakuna sa COVID-19 na galing US at Europa, nakakuha ng pinakamataas na confidence rate

Posted on: February 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

TINATAYANG 75% ang nagsasabing kumpiyansa sila sa bakunang manggagaling sa United States at Europa.

 

Ito ang naging pahayag ni dating DOH secretary at health expert na si Dra. Esperanza Cabral batay na rin sa survey na isinagawa ng UST COVAX Research Group.

 

Batay sa inilahad ni Esperanza na survey, lumalabas na wala pa sa 40% ang tiwala naman para sa vaccine sa COVID na magmumula sa Russia.

 

Ito ani Cabral ay pumapatak lamang sa 38.6 percent.

 

Malinaw naman na nasa huling posisyon ang China sa usapin ng tiwala sa bakunang manggagaling dito na hindi pa umabot ng 20% gayung itoy nasa 17.7 percent lamang.

 

“Kung ang pag-uusapan naman ay ang kumpiyansa nila sa bakuna, ay mayroong epekto ang pinanggalingan ng bakuna. Dito sa survey ng UST COVAX Research Group ay makikita na pinakamalaki ang kumpiyansa sa mga bakuna na galing sa Amerika at sa Europa. 75% mahigit ay nagsasabi na mayroon silang kumpiyansa kung ang bakuna ay manggagaling sa United States at sa Europa. Wala pang 40% ang may kumpiyansa kung manggagaling sa Russia ang bakuna at wala pang 20% ang may kumpiyansa sa bakuna na galing sa China. So, ito ang mga problema na sinusuong natin. Napakaganda,” ayon kay Cabral. (Daris Jose)

San Miguel Beer liyamado sa 46th PBA Philippine Cup 2021 – Cone

Posted on: February 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SINIWALAT kamakalawa ni Earl Timothy ‘Tim’ Cone na tuloy na ang pagbabalik-laro para sa Barangay Ginebra San Miguel ni Gregory William ‘Greg’ Slaughter sa 46th Philippine Basketball Association (PBA) 2021 Philippine Cup.

 

 

Gayunman, hinirit ng BGSM coach, na ang San Miguel Beer ang patok sa pagbabalik mula sa injuries nina six-time MVP June Mar Fajardo (kanang hita) at Terrence Romeo (kanang balikat) sa all-Pinoy conference sa darating na Abril 9.

 

 

Ayon sa kanya, lalo’ng pumuwersa pagkuha ng Beermen kay Christian Jaymar ‘CJ’ Perez mula sa Terrafirma sa six-player trade sa Dyip na naglagay ng dalawang bata sa nagkakaedad na core ni coach Leovino ‘Leo’ Austria.

 

 

“With San Miguel’s aging core – although that core is still incredibly strong – there was an obvious need to acquire youth. Now with Perez and Romeo, they have two guards that can help finish June Mar’s prolific career,” biulalas 63-year-old, two-time grand slam bench strategist.

 

 

Pinangwakas niyang samibit:  “They will pose  great challenges now and down the road. They continue to be the team to beat.”

 

 

Nasisiyahan rin ang tubong Oregon sapaglagda ng bagong kontrata ng nagbalik mula sa bakasyon noong isang taon na si Slaughter sa brigading alak. Napalakas rin aniya ang team sa pangkalahatan, lalo na sa gitna para sa pagtatanggol sa koronang nakamit noong Disyembre.

 

 

Nalagot ang anim na pananalasa ng Beermen sa import-less conference dahil nang sipain sa quarterfinals ng Meralco. (REC)

 

Mga atleta masasama sa unang matuturukan kung may sobra

Posted on: February 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

BINUNYAG ni vaccine czar Carlito Galvez Jr., na mababakunahan ang 31st Southeast Asian Games-bound national athletes kung may mga sosobrang iniksiyon lang laban sa COVID-19 kapag dumating ang unang batch sa 2021 first quarter.

 

 

Sang-ayon sa opisyal nitong Huwebes, mauunang tuturukan ang mga frontline health worker, mga senior citizen at may mga sakit base sa napagkaisahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Disease (EID).

 

 

“May ample time for them (national athletes) to have the vaccination. Titingnan po namin sa IATF, just in case we have excess sa vaccines puwede po nating pagbigyan,” hirit pa Galvez.

 

 

Ginawa niya ang pahayag bilang tugon sa kahilingan nina Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William Ramirez at Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham Tolentino, na maisama sa mga unahing bakunahan ang mga pambansang manlalaro.

 

 

Nakatakdang magdepensa ng pangkalahatang kampeonato ang ‘Pinas sa 31st SEA Games 2021 sa Hanoi, Vietnam sa parating na Nobyembre 21-Disyembre

P904 milyon kemikal at gamit sa paggawa ng shabu winasak sa Valenzuela

Posted on: February 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Tinatayang nasa P904 milyong halaga ng kemikal at sangkap sa paggawa ng shabu ang winasak ng mga tauhan Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Barangay Punturin, Valenzuela city.

 

 

Pinangunahan Valenzuela Mayor Rex Gatchalin at PDEA Director General Wilkins Villanueva ang pagwasak ng laboratory equipment, controlled precursors and essential chemicals (CPECs) na gamit sa paggawa sa iligal na droga.

 

 

Ayon kay Villanueva, ito ang pinakamalaking halaga ng CPECs at laboratory apparatuses na winasak ng PDEA sa kasaysayan ng bansa.

 

 

Nangako naman si Mayor Rex na magiging matatag ang pagtutulungan ng Valenzuela City at PDEA para sa patuloy na mga inobasyon ng ahensya sa drug law enforcement, kung saan ang lokal na pamahalaan ang katuwang sa pagpapatupad ng laban sa droga sa mga barangay at lokal na industriya. (Richard Mesa)