• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 11th, 2021

ANNE, balik-Pinas na at aabangan ang muling pagho-host sa ‘It’s Showtime’

Posted on: February 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

BALIK Pilipinas na pala ang pamilya nina Anne Curtis at Erwann Heusaff kasama ang kanilang baby girl na si Dahlia.

 

 

Mahigit isang taon din sila sa Melbourne, Australia kunsaan ay nanganak si Anne at nag-stay sila hanggang 11 months old si Dahlia.  Siyempre, nag-extend talaga ang stay nila sa Australia dahil sa pag-surge ng COVID-19.

 

 

Pero good for them dahil mas medyo normal ang buhay sa Australia at mas naagagapan ng gobyerno ron kaya tulad sa Melbourne, ilang buwan na rin sila na zero cases.

 

 

Obviously, dito na magse-celebrate si Dahlia ng kanyang first birthday. Sa maliit na Instagram video ni Erwann, nasabi nito sa caption ang naging proseso nila ng pag-uwi.

 

 

Aniya, “Melbourne to Manila and 6 days hotel quarantine done. 8 days of home isolation to go.”  Nakita rin sa video ang pag-undergo nila ng swab test.

 

 

Ngayong nasa Manila na si Anne, nangangahulugan din ba ito na balik It’s Showtime na rin siya?

 

 

***

 

 

KITANG-KITA naman sa aura ni Marian Rivera nang makausap namin sa pamamagitan ng zoom mediacon bilang sa ikalawang taon ay endorser pa rin ng Walter Mart na hindi ito na-bother man lang at sey nga niya, tinawanan lang nila ng mister na si Dingdong Dantes ang isyung nakabuntis ito.

 

 

Kesyo nabuntis nga raw ni Dingdong ang Kapuso star na si Lindsay de Vera. “Wala nga e.  Dedma lang ako,” natatawang sagot niya.

 

 

“Sabi ko, alam niyo, nag-aasaran lang kaming dalawa. Sabi nga niya, nakita mo ba yung chismis sa akin? Sabi ko, oo, nakakatawa. 

 

 

“Tawang-tawa talaga ko tapos niloko ko siya, sabi ko, ano ba ‘yan, ang daming buntis-buntis. Sabi ko, beke nemen, baka ako ang susunod diyan. Tapos tawa siya ng tawa.”

 

 

Sabi namin kay Marian, mukhang matatag na talaga sila ni Dingdong at wala ng isyu o pang-iintriga pa na pwedeng makasira o magpabuwag sa kanila.

 

 

“Well, siyempre, ayaw naming isipin ‘yan. Pero siyempre sa ngayon, kung ano ang meron sa amin ni Dong ay pinagpapasalamat namin at pinagtitibay namin lalo na at may dalawa kaming anak.

 

 

     “Malay mo, yung mga chismis-chismis na yan, e, magkatotoo,” sey na lang niya.

 

 

Pero alam daw kasi nila ni Dingdong ang pinasok nila nang magpakasal sila at sumumpa sila na sa hirap o ginhawa, magkasama sila. (ROSE GARCIA)

LALAKI, INARESTO SA PANGONGOTONG SA LABAS NG NBI COMPOUND

Posted on: February 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

INARESTO ng  National Bureau of Investigation-Special Action Unit (NBI-SAU) ang isang lalaki sa pangongotong sa isang aplikante na kumukuha ng NBI  clearance sa loob ng NBI Headquarters sa Manila.

 

 

Kinilala ni  NBI Officer-in-Charge (OIC)-Director Eric B. Distor ang suspek na si Mark Endaya Cabal.

 

 

Ang pagkakaaresto kay Cabal ay bunsod sa reklamo ng isang complainant kung saan nakilala umano niya ang suspek sa labas ng NBI compound  na nakasuot ng polo shirt ng NBI kung saan inisip nito na empleyado ito ng ahensiya at nagtanong sa kanya kung paano kumuha ng NBI clearance.

 

 

Nag-alok ng tulong ang suspek at nakalipas ng ilang sandali ay binalikan niya ang complainant at sinabing meron itong naka-pending na warrant of arrest sa kasong droga at aarestuhin ito kung hindi makakapagbigay ng halagang P100K.

 

 

Kinabukasan, bumalik ang complainant at ibinibigay ang halagang P40K pero hindi nakuntento ang suspek at tinakot ito na maaari siyang ikulong  o patayin dahil sa pagkakasangkot sa illegal na droga.

 

 

Nangako ang complainant na ibibigay nito ang kakulungan makaraang ang ilang linggo.

 

 

Humingi ng tulong ang biktima sa kaibigan kung saan pinayuhan ito na magsampa ng reklamo laban sa suspek dahilan upang magsagawa ng entrapment operation ang NBI laban kay Cabal

 

 

Nitong Febryuary 3, isinagawa ang entrapment operation na nagresulra sa pagkakaaresto sa suspek at nakuhanan pa ito ng shabu. Nabatid pa sa records na marami na ring reklamo ng Robbery Extortion ang suspek. (GENE ADSUARA)

Ads February 11, 2021

Posted on: February 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Jesus; John 13:34

Posted on: February 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Love one another.

Nazario sampa sa propesyonal

Posted on: February 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

UMANGAT ang coaching career ni De La Salle University Green Archers coach Gian Nazario dahil sa ginanap na balasahan ng isang team sa Philippine Basketball Association (PBA) nang italaga silang isa sa dalawang bagong assistant coach ng Terrafirma nito lang isang araw.

 

 

Isinama siya sa bagong nirolyong coaching staff sa ilalim ni coach Johnedel Cardel.

 

 

Ang isa pang kasama ay si ex-professional player star Ronald Tubid na huling nagsuot ng uniporme ng San Miguel Beer.

 

 

Kapalitan nina Tubid at Nazario sina Hubert Delos Santos at Arthur Dela Cruz.

 

 

Nagsilbi rin si Nazario na bench tactician ng La Salle Green Archers sa 82nd University Athletic Asociation of the Philippines (UAAP) 2019-2020.

 

 

Bagama’t may raket man sa pambansang liga, mananatili pa rin siyang assistant coach ng Taft-based dribblers kasama ang humalili sa kanyang coach na si Frederick ‘Derrick’ Pumaren. (REC)

PRIVATE MOTOR VEHICLE INSPECTION SYSTEM (PMVIS) at CHILD RESTRAIN SYSTEM – para ba talaga sa kaligtasan o para lang sa bulsa ng iilan?

Posted on: February 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Bubusisiin ng Kongreso and dalawang kontrobersyal na hakbang na para raw sa kaligtasan ng mga motorista. Salamat at napakinggan ng ating mga mambabatas ang panawagan na suspindihin ang implementasyon ng Child Restraint System (CRS) at Private Motor Vehicle Inspection System (PMVIS). Nanawagan din ang Pangulo mismo na huwag muna ipatupad ang Child Safety in motor vehicles Act na nilagdaan niya noon.  Ang dahilan hindi napapanahon ang mga ito ngayong may pandemya dahil nga dagdag gastos pa ito para sa tao.

 

 

Kasi nga naman, wala na bang ibang paraan para masiguro ang kaligtasan ng mga motorista at pasahero kundi ang pag-gastusin sila?

 

 

Una, ang issue ng Child Restraint System – Meron na raw sa ibang bansa kaya dapat magkaroon na rin dito. Pero talaga bang child restraint system LANG ANG PINAKAEPEKTIBONG PARAAN para masiguro ang kaligtasan ng mga bata? Wala na bang ibang paraan? Naniniwala ang Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) na KAHIT WALANG CHILD RESTRAINT SYSTEM NA LIBU-LIBO ANG HALAGA AY MAARING MAGING LIGTAS ANG BYAHE NG MGA BATA. NEGOSYO LAMANG YAN SA NGALAN NG KALIGTASAN!

 

 

300 percent kaagad ang tinaas ng benta ng mga car seats para sa CRS sa mga sa unang araw pa lang ng pagpahayag ng implementasyon ng pag CRS.  Pero di ba at may seat belt at child lock naman sa mga sasakyan? Di ba’t pwede naman na may bantay ang mga bata sa loob ng sasakyan? Maraming paraan ng hindi na kailangan pagkagastusan.

 

 

Ngayon kung gusto ng magulang ang Child Restraint System ay walang problema na bumili siya. Pero para isabatas ang pagbili nito ay ibang usapan na.

 

 

Paano sa public transport?  Sabi ng isang opisyal – pag sasakay ng taxi at may kasamang bata magdala ng sariling CRS. Eh paano kung tatlo anak mo mabubuhat mo pa ba ang tatlong CRS? At sa mga school service na puro bata ang sakay. Ilang CRS ang bibilhin ng school service provider? Sa tricycle? Sa jeep? Sa bus? MALAKING NEGOSYO NGA ITO SA NGALAN NG KALIGTASAN.

 

 

Sa issue naman ng PMVIS centers – Bakit kinakailangan ipasa sa mga negosyanteng pulitiko ang pag inspect ng mga sasakyan? Mas mahal ang singil dahil kailangang bawiin ang puhunan. Hindi ba kaya ng LTO ang trabahong ito? Di ba at may P800 million pesos na inilaan ang Road Board para ipaayos ang mga Public Motor Vehicle Inspection system ng LTO? Bakit nagbago ang isip ng LTO? Dahil kamo sa korapsyon – at dahil hindi nyo kaya sugpuin ang korapsyon sa mga inspections ay ipapasa nyo sa pribadong negosyante at gagastos ng malaki ang mga motorista?

 

 

Kung talagang ang nais ng mga nagsulong ng MVIS ay roadworthiness ng mga sasakyan, ito ang hamon ng LCSP – Gamitin ang P800 million pesos para i-upgrade ang public MVIS para mas mababa ang singil sa inspeksyon at hayaan ang mga motorista na pumili kung saan sila magpapa-inspect ng sasakyan. Kung sa PRIVATE MVIS na mataas sumingil o sa PUBLIC MVIS para ang mga jeepney driver, tricycle drivers, motorcycle riders at mga TNVS drivers ay may pagpipilian sa inspeksyon.

 

 

Parang sa paaralan lang – may public at may private, ang tao ang pipili base sa kakayahan nilang magbayad. Hindi tulad ng gusto ng DOTr ngayon  na sa mga PMVIS lang gusto idaan ang mga vehicle inspection.

 

 

Sana may mambabatas na magsulong ng Public MVIS at pag may mga tumutol – alam na.

 

 

Alam na natin na ayaw lang nila na may kakumpetensya ang mga alagang PMVIS. (ATTY. ARIEL INTON)

Senior high students mauuna sa face-to-face classes

Posted on: February 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Posible na mauna ang mga senior high school (SHS) students na makapag-face-to-face classes sakaling payagan na ito ulit ng gobyerno.

 

 

Ayon kay Education Undersecretary Diosdado San Antonio, sa ngayon ay patuloy na ang paghahanda ng ahensiya para sa dry run ng limited face-to-face classes habang hinihintay ang pagpayag ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) hinggil dito.

 

 

Sinabi pa ni San Antonio na naniniwala sila na ang mga senior high school learners, lalo na sa technical vocational track (tech-voc), ay maaaring maging prayoridad na mapabalik sa paaralan.

 

 

“Hindi rin sila kaila­ngang sabay-sabay na magpuntahan sa school, staggered din iyan para mas kakaunti ang bata na nasa paaralan,” pahayag ni San Antonio.

 

 

Noong Enero sana magdaraos  ng dry run para sa limited face-to-face classes sa ilang paaralan sa bansa.

 

 

Gayunman, pinatigil ito ni Pang. Rodrigo Duterte dahil sa banta ng bagong UK variant ng COVID-19 na mas nakakahawa.

Maliksi pumirmi sa Meralco

Posted on: February 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MAGPAPATULOY para sa Meralco ang pagseserbisyo ni veteran swingman Allein Maliksi para sa darating 46th Philippine Basketball Association (PBA) 2021 Philippine Cup sa umpisa sa Abril 9.

 

 

Nabatid kamakalawa kay veteran players agent Danny Espiritu, na lumagda ng bagong kontrata ang four-time PBA champion at incoming 10-year pro veteran kasama ang nagbalik team workout na Bolts sa Meralco gym sa Ortigas, Pasig.

 

 

Pang-anim na ang 33-anyos, 6-4 ang taas at tubong Makati sa mga pinapirma ng team kasunod nina Reynel Frances Hugnatan, Siverino ‘Nono’y Baclao Jr., Reymar Jose, Raymon Jamer Jamito, at Michael Canete.

 

 

Isa sa may mahusay na nilaro sa 45th PBA Philippine Cup 2020 sa Angeles, Pampanga bubble si Maliksi kung saan makasaysayang pumalaot ang kuryente sa semifnals sa unang pagkakataon.  May average ang journeyman na 10.4 points at 4.1 rebounds. (REC)

HEALTH WORKER, RIDER, NABANGGA, KRITIKAL

Posted on: February 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KRITIKAL ang isang health care worker at rider nito matapos mabangga ng isang tractor head sa San Andres Bukid, Maynila.

 

 

 

Sa ulat ng Manila Traffic Enforcement Unit, kinilala ang magka-angkas na biktima na sina Francisco Curay Lacanilao, 50 at Virginia Sanchez Lacanilao, 54, health worker at taga  Sitio Butas Bagumbayan, Caloocan City.

 

 

 

Hawak naman ng pulisya ang driver ng tractor head na si  Danny Pueyo Cabilitasan, 43, ng 115 Northbay Boulevard, Navotas City .

 

 

 

Minamaneho umano nito ang trak na may plakang NUY 936 nang mangyari ang insidente sa kahabaan ng Osmena Hi-way malapit sa kanto ng  Pres. Quirino  Avenue habang sakay naman ng Honda Click ang mga biktima.

 

 

 

Kapwa umano binabagtas ng rider at trak ang Northbound lane ng Osmena  Hi-way nang pagsapit sa  bahagi ng nasabing lugar nang iwasan ng rider ang plastic barrier.

 

 

 

Dito na aksidenteng dumulas ang minamanehong motorsiklo sa kalsada dahilan naman para makaladkad ng kanang bahagi ng gulong ng  container tractor head .

 

 

 

Agad naman dinala sa Philippine General Hospital o PGH ang mga biktima habang  inihahanda ang kasong reckless imprudence resulting  in damage to property with serious  physical injuries. (GENE ADSUARA) 

Obiena nagtatak ng PH record

Posted on: February 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

TULOY ang pag-angat ng tikas ni national athlete Ernest John ‘EJ’ Obiena sa pagsasanay at paghahanda para sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na iniurong lang sa parating na July 23-August 8.

 

 

Patotoo ang magarang umpisa niya sa taong 2021 sa pagtatala ng bagong national indoor pole vault record maski pumanlima lang sa kadaraos na Karlsruhe Indoor Meeting sa Germany.

 

 

Tagumpay niyang nilundag at nakatawid ang bar sa taas na 5.62 meteres na tumaklob sa sarili niyang PH  mark na 5.43m na naestablisa noong Pebrero 4, 2017 sa 18th International Pole Vault Meeting sa Potsdam, Germany din.

 

 

“It is a good start in building momentum for the Summer Games this July,” reaksiyon nitong isang araw ni Philippine Athletics Track and Field Association (Patafa) president Philip Ella Juico. (REC)