• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 13th, 2021

Jesus; John 19:27

Posted on: February 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Your mother.

Catantan tumagpas ng 3 panalo sa Ohio fencing

Posted on: February 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NILADLAD  kaagad ni Pennsylvania State University Nittany Lion athletic scholar Samantha Kyle Catantan ang bangis ng isang Pinay nang tumagpas ng tatlong panalo sa Ohio State Invitational linggong nagdaan sa Columbus,USA.

 

 

Unang nakaeskrimahan ng PSU men’s at women’s fencing teams sa torneo ang mga koponan ng Notre Dame, Duke at North Carolina.

 

 

At sa report  PSU na nasilip ng People’s BALITA, gumapas ng 3-0 rekord ang 19 na taong gulang na fencer mula sa Tondo, Maynila nang umiskor ng ng 7-2 win-loss record Nittany Lion sa women’s foil event ng torneo.

 

 

Unang homegrown  na kinuha ng US National Collegaite Athletic Association (NCAA), nakadale ng ng gold medal si Catantan  sa individual foil ng 2019 Asian Under-23 Championship sa Thailand at sa sabi ring torneo sa women’s team foil naman noong 2018 sa Pasig, Metro Manila.

 

 

May naespada rin siyang dalawang bronze medal sa nasabing mga event sa PH 2019 Southeast Asian Games.

 

 

Si Catantan din ang instrumentoi ng University of the East Junior Warriors na nakasiyam na sunod na kampeon sa girls division  ng 82nd University Athletic Association of the Philippines (UAAP) high school fencing 2019-20. (REC)

17 VIETNAMESE NATIONAL, NASABAT SA AIRPORT

Posted on: February 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PINAGBAWALAN ng Bureau of Immigration (BI) ang pitong Vitenamese national na pumasok sa bansa dahil sa panlilinlang sa tunay na dahilan ng kanilang biyahe.

 

 

 

Sa report ni BI Port Operations Division Chief Atty. Candy Tan, ang pitong Vietnamese national ay hinarang sa magkakahiwalay na okasyon sa NAIA Terminal 2 matapos lumipad mula Saigon at Singapore.

 

 

 

“We intercepted the first batch of three passengers on February 9, and denied their entry to the country,” ayon kay Tan.  “However, we were surprised to find that another four arrived the following day,” dagdag pa nito.

 

 

 

Sinabi ni Tan na ayon sa grupo, sinabi nila na inendorso sila ng isang IT at business solutions company pero nag tinanong nila kung paano sila konektado ssa nasbing kumpanya dito na sila magkakaiba ng sagot at inaming sa airport na lang sila nagkita-kita.

 

 

 

“When asked, they had no knowledge of IT or the workings of their alleged company.  They were unable to establish their purpose of travel, hence they were excluded and boarded on the next available flight back to their port of origin,” ayon kay  Tan. (GENE ADSUARA)

Lee maangas ang workout, sasabay pa rin sa mga bata

Posted on: February 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PAMBIHIRA  magpakondisyon sa ngayon si Philippine Basketball Association (PBA) star Paul John Dalistan Lee ng Magnolia Hotshots Pambansang Manok.

 

 

Pinagpepreparahan ng 31-anyos, 6-0 ang taas na Angas ng Tondo ang 46th PBA 2021 Philippine  Cup na balak umpisahan sa darating na Abril 9 makaraan ang Online 36th PBA Draft 2021 sa Marso 14.

 

 

Ipinahayag  sa isang sports portal ng basketbolista, na diskarte niya upang makasabay pa rin sa maraming mga batang papasok sa pros.

 

 

Maraming guards ang 97 aspiranteng maging bagitong makapaglaro para sa unang propesyonal na liga ng basketbol sa Asia.

 

 

Dinokumento  ilang araw pa lang ang ang walang tigil na workout ng combo guard sa tulong ni Nicolo Chua ng Simple Grind sa pagpapaskil sa kanyang Instagram account.

 

 

“Don’t be the same. Be better,” bulala ni Lee sa isang litrato sa caption. “Eat, train, sleep, repeat.”

 

 

Tumama sa pro league star ding si Lewis Alfred ‘LA’ Tenorio ng Barangay Ginebra San Miguel ang tinumbok ni Lee.

 

 

Anang Tinyente, malinaw aniya nasapawan siya.

 

 

“Dahil sa ginagawa mo parang gusto ko nang mag-retire, eh, grabe ka pakundisyon pre!” komento ni Tenorio kay Lee. Sister company ang kanilang mga team nap ag-aari ni Rmn S Ang o ng San Miguel Corporation.

 

 

Hinagalpakan na lang ng tawa ni Lee, pinahagingan ang dahilan ng matinding workout.

 

 

“Naghahanda lang ako maraming bata na papasok,” anang Lee-thal Weapon kay Tenorio. “Para tumagal pa tayo, kuya.”

 

 

Pareho nang nagkakaedad ang dalawa pero sumasabay pa rin naman sa mga mas nakababatang karibal sa 10 iba pang team sa liga.

 

 

Ipagdiriwang ni Lee ang ika-32 kaarawan sa Araw ng mga Puso (Pebrero 14), samantalang ang ang PBA Ironman ay 36 anyos na.

 

 

Tama iyang diskarte mo Paul.

 

 

Advance happy birthday na rin.

 

 

***

 

 

Belated happy birthday to Mr. Efren S. Eustaquio Sr. of Barangay San Carlos, Binangonan, Rizal.  (Tatay ‘Ef’) turns 80 years old last Friday, February 12. May you have more birthdays to come po! (REC)

1st batch sana ng COVID-19 vaccines, maaantala ang pagdating sa bansa – Dizon

Posted on: February 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Inianunsyo ng National Task Force na maaantala umano ang pagdating ng unang batch ng COVID-19 vaccines mula sa Pfizer at AstraZeneca.

 

 

Inaasahang ngayong linggo sana darating ang 117,000 doses ng bakuna at magagamit na Pebrero 15.

 

 

Sinabi ni National Task Force deputy chief implementer Vince Dizon, nagkaroon ng delay sa pagproseso sa delivery ng mga bakuna kaya posibleng sa susunod na linggo o ikatlong linggo ng buwan darating sa bansa.

 

 

Una rito, kinumpirma ng Malacañang na darating na sa bansa ang Sinovac vaccines mula China sa Pebrero 23 ngayong taon.

 

 

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, 600 libong doses ng Sinovac ang inaasahang darating, 100 libo rito ay donasyon ng China sa Department of National Defense (DND) para sa mga sundalo.

 

 

Sa ngayon ay hindi pa naaprubahan ng Food and Drug Administration ang aplikasyon ng Sinovac para sa emergency use authorization (EUA) dahil kasalukuyan pa rin itong pinag-aaralan ng vaccine expert panel.

 

 

Gayunman, inihayag ni Sec. Roque na mayroon nang katulad na sitwasyon ang Sinovac sa Indonesia, kung saan nauna itong dumating sa kanilang bansa kahit wala pang EUA.

 

 

Kaya ang ginawa umano rito ay hinintay muna nilang mailabas ng regulatory body roon ang EUA na inabot ng isang buwan bago ginamit ang bakuna.

Planong pagbili ng Pinas ng bakuna laban sa ASF, naantala

Posted on: February 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAANTALA ang planong pagbili ng Pilipinas ng bakuna laban sa anti-African Swine Flu (ASF).

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque Jr. na ito ang updates sa balak ng pamahalaan na pagbili ng bakuna laban sa ASF.

 

Nauna rito, tinanong kasi ni Bulacan Governor Daniel Fernando ang bagay na ito kay Sec. Roque lalo pa’t ang suplay ng baboy ay mahirap aniyang makuha hanggang sa may pagakataoon na walang makuha.

 

“Kasama po ‘yan (anti-ASF vaccine) sa whole of nation approach, naantala lang po ang deployment ng ASF vaccine kasi mataas po ang demand at mas inuna po iyong COVID-19 [vaccines],” ayon kay Sec. Roque.

 

Sa kabilang dako, sinabi ni Sec. Roque na naglaan na ang pamahalaan ng sapat na hakbangin para tugunan ang problema sa ASF habang nakabinbin ang deployment ng ASF vaccines.

 

“Meanwhile po, magbibigay po tayo ng insurance sa mga magbababoy para hindi po sila tuluyang malugi at magkaroon sila ng kumpiyansa na magsimula ulit pagkatapos nila masalanta ng ASF,” aniya pa rin.

 

Samantala, batay naman sa record ng Department of Agriculture, dahil sa ASF, may 4 na milyong baboy na ang namatay sa gitna ng COVID-19 pandemic.

 

At ang resulta, nahaharap ang National Capital Region sa matinding pagdurusa sa suplay ng baboy at manok na nagresulta naman ng paiba-ibang pagtaas ng presyo nito. (Daris Jose)

DoH, siniguro na hindi magkakaroon ng anumang aberya sa pagbiyahe ng bakuna

Posted on: February 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ng Department of Health (DoH) na hindi magkakaroon ng aberya sa pagbyahe ng Covid-19 vaccine patungo sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) mula sa pagdating nito sa paliparan.

 

Sa Laging Handa briefing, sinabi ni DOH Director Ariel Valencia na mayoon na kasi aniyang mga inilatag na contingency plan ang gobyerno ukol sa kung papaano iha-handle Ang bakuna na inaasahang darating na sa bansa sa mga susunod na araw.

 

Sa katunayan ani Valenia ay sumailalim na sa special training ang mga cold chain managers, supply officer at ang mga pharmacist para sa tamang paghawak at pag-aalaga ng bakuna.

 

Bukod dito ay nagsagawa na rin ng simulation o exercises ang mga kinauukulan kung saan nakita dito na kung maaari lamang ay wala talagang masyadong movement mula sa pagbababa ng vaccines hanggang sa mailagay ito sa freezer van.

 

Habang ang mga security group naman ani Valencia na pangungunahan ng PNP at MMDA, ang magbibigay katiyakan na magiging ligtas at hindi maaabala ang pagbyahe ng freezer van mga patungo sa RITM at iba’t ibang ospital. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Lolo tigbak sa mixer truck

Posted on: February 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Todas ang isang 64-anyos na lolo matapos mahagip ng mabilis ang takbo na mixer truck sa Caloocan city, kamakalawa ng hapon.

 

 

Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Samuel Mina, binawian ng buhay habang ginagamot sa Jose Reyes Medical Center sanhi ng tinamong pinsala sa ulo ang katawan ang biktimang si Joey Maguire ng 101Josefina St. 3rd Avenue.

 

 

Nadakip naman ng rumespondeng mga pulis ang driver ng Howo Mixer Truck na may plakang (NDE-6931) na kinilalang si Mark Noel Galero, 24 ng Brgy. Minuyan, Norsagaray, Bulacan.

 

 

Lumabas sa imbestigasyon ni P/Cpl. Joemar Panigbatban, dakong 5 ng hapon, tumatawid ang biktima sa kahabaan ng Rizal Avenue Ext. corner 3rd Avenue, Brgy. 119 nang mahagip ito ng rumaragasang mixer truck na minamaneho ni Galero.

 

 

Sa lakas ng impact, bumagsak ang biktima sa simento kaya’t magtamo ito ng mga pinsala sa ulo at katawan na naging dahilan upang mabilis na isinugod sa naturang pagamutan.

 

 

Kasong reckless imprudence resulting in homicide ang isinampa ng pulisya kontra kay Galero sa Caloocan City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)

Pacquaio vs Garcia pinaplantsa

Posted on: February 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SA matunog na upakan nina eight-division world men’s boxing champion Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao at World Boxing Council (WBC) interim lightweight champion Ryan Garcia nitong mga nagdaang linggo, ibinunyag naman nitong Biyernes ni MP Promotions President Sean Gibbons ang pagsisimulan ng usapan negosasyon ang dalawang kampo.

 

 

“They are ongoing and hopefully things will workout,” bigkas ng opisyal sa BoxingScene.com patungkol sa napipintong paghahamok ng dalawang boksingero.

 

 

Huli pang nakipagbuntalan si Pacman, 42, noong 2019 kontra kay Keith Thurman ng USA kung saansinungkit niya ang World Boxing Association (WBA) super welterweight title galing sa Amerikano. Kababayan n I Thurman si Garcia, 22.

 

 

Sa katagalang pag-akyat sa ruwedang parisukat, hibuad ng WBA ang korona sa Pambansang Kamao nitong Enero 29 lang. (REC)

Ads February 13, 2021

Posted on: February 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments