• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 18th, 2021

Mga panukala at rekomendasyon ng NEDA, posibleng pagbigyan ni PDu30

Posted on: February 18th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PARA maisalba ang mga Filipino sa pagkagutom at paghihirap ay posibleng pagbigyan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang naging panukala ng National Economic Development Authority (NEDA) na isailalim sa Modified General Community Quarantine ang buong bansa simula Marso 1.

 

Sa public address ng Chief Executive, Lunes ng gabi ay inirekomenda kasi rin ni Acting NEDA Director General Karl Chua sa Chief Executive na palawigin na ang public transportation kung saan gawin ng 70 percent ang 50 percent na vehicle’s capacity, na unti-unting gawing 5 taon hanggang 70 taon mula sa 15 taon hanggang 65 ang eda na papayagang lumabas ng bahay at ituloy na pilot face-to-face classes.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na dahil mas matimbang na aniya ang paghihirap dahil sa non-covid related activities at dahil napatunayan naman ng mga filipino sa isang survey na OCTA research na 93% ang sumusunod sa pagsusuot ng mask ng mga Filipino ay ipinapakita lamang na panahon na para isalba ang mga Filipino mula sa pagkagutom at sa pagkahirap.

 

Giit ni Sec. Roque, ito aniya ay mga dahilan na maaaring pagbasehan ng Pangulo at hindi lamang dahil sa Covid-19.

 

Sa pagkahanda aniya ay nandiyan ang 93% na pagsusuot ng mask na nagpapakita na ang mga Filipino ay dininig naman ang panawagan ng Pangulo na pag-ingatan ang buhay para makapag-hanapbuhay.

 

Sa kabilang dako, sinabi ni Sec. Roque na kasama siya sa mga miyembro ng Inter-Agency Task Force (IATF) na bumoto na irekumenda kay Pangulog Duterte na lalo pang buksan ang ekonomiya ng bansa.

 

Aniya, mayroong pag-aaral ang NEDA na nagpapakita na kung titimbangin aniya ang numero ng mga nagkakasakit sa covid na 550,860; active cases aniya na 27,588 at iyon aniyang mga namatay na dahil sa Covid na 11,570 ay mas matimbang aniya ngayon iyong mga Filipino na nagugutom na nasa 23.7 milyon. Bukod dito, pati na rin aniya iyong karagdagan naghihirap ng mga Filipino na 4.5 milyon, ‘iyon aniyang mga karagdagang nawalan ng trabaho na 2.7 milyon ay factor din ng maaaring maging desisyon ng Pangulo. (Daris Jose)

Silip sa dating PBA coach

Posted on: February 18th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NATATANDAAN pa po ninyo si Bill Bayno?

 

 

Siya po ang kontrobersiyal na naging coach sa Philippine Basketball Association (PBA) sa Talk ‘N Text Phone Phone Pals (Talk ‘N Text Tropang Giga na ngayon) noong 2001-2002.

 

 

Kontrobersiyal ang pananatili niya sa ‘Pinas dahil kinalaban siya at ang TNT ng Basketball Coaches Association of the Philippines (BCAP) para mapigilan pag-upo niya sa team.

 

 

Na napagigsing nga dahil maigting ang kampanya noon ng samahan para sa mga dayuhan na mag-coach sa pambansang propesyonal na liga, para hindi maagawan ng trabaho ang mga lokal.

 

 

Binatikos din ni Bayno ang PBA na inakusahan niya bilang San Miguel Corporation (SMC) league kung saan pinagmulta siya ng rekord na P.2M nang noo’y komisyoner, namayapa nang si Emilio ‘Jun’ Bernardino, Jr.

 

 

Parang kalian lang ano po?

 

 

Noong nakaraang Lunes, Pebrero 8, lumitaw siya sa social media nang bumaba na sa kanyang puwesto angbilang Indiana Pacers assistant coach sa National Basketball Association (NBA) dahil sa isyu ng problema sa kaisipan.

 

 

Bago ang pagbibitiw ng 58-anyos na tubong Goshen, New York, hindi siya nagpakita sa koponan sapul pa noong Enero 25 matapos ang dalawang linggong bakasyon.

 

 

“He’s been through a lot in the last 18 months, including the death of his mother. He’s a social guy, so the isolation hasn’t helped. I hope he gets the helps he need,” pahayag ni Scott Agness na pinaskil sa HoopsHype.

 

 

Hirit naman ni Adrian Wojnarowski ng ESPN: “Bayno has privately described a need to step away from the pressures and workload of the NBA grind amid the pandemic, especially in the aftermath of several personal losses, including the loss of both his parents.”

 

 

Namatay ang nanay ng cage bench strategist sa kanser noong Abril 2020, habang ang tatay naman noong 2019.

 

 

Inabot po ng Opensa Depensa ang mamang ito nang naka-beat pa ako noon sa PBA. Palangiti at maayos siyang kausap.

 

 

Dalangin ko po ang pagbabalik sigla mo Bayno.

 

 

***

 

 

Belated Happy Valentines Day  po sa lahat. (REC)

DOFIL, mangangailangan ng P1.19b pisong pondo –DBM

Posted on: February 18th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MANGANGAILANGAN ng P1.19 bilyong piso para pondohan ang panukalang Department of Overseas Filipinos (DOFIL).

 

Ito ang inihayag ni Director Emelita Menghamal ng Department of Budget and Management (DBM) Systems and Productivity Improvement Bureau matapos ang isinagawang deliberasyon DOFIL sa Senate Committee on Labor na pinamunuan ni Senator Joel Villanueva bilang chairman ng komite.

 

“The estimated budget for 2021 [for DOFIL] is P1.19 billion which is a minimum requirement for newly created department,” ayon kay Menghamal.

 

“This [amount] covers its operational cost but does not include budget for the implementation of its programs, activities and projects needed to meet its target outcomes in accordance with its mandate,” dagdag na pahayag nito.

 

Bago pa magbigay ng pagtataya si Menghama ay sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na ang pamahaalan ay maaaring maglaan ng P15-billion budget para sa DOFIL para sa unang taon nito kung saan ang budget ay huhugutin mula sa iba’t ibang tanggapan na kasalukuyang naasa ilalim ng Department of Foreign Affairs (DFA) o ng Department of Labor and Employment (DOLE).

 

Ang P15 billion budget ay hahatiin sa :

P12 million mula sa Office of the Undersecretary for Migrant Workers Affairs (OUMWA);

P1 billion mula sa Assistance to Nationals ng DFA;

P200 million mula sa Legal Assistance Fund;

P152 million ng Commission on Filipino Overseas;

P31.528 million mula sa International Labor Affairs Bureau;

P1.375 billion mula sa Philippine Overseas Labor Office;

P4.219 billion mula sa National Reintegration for OFWs;

P169 million mula sa Social Welfare Attaches Office/International Social Services Office

P507 million mula sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA); and

P7.39 billion mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA)

 

Sinabi ni Nograles na sa ilalim ng panukalang batas na sinertippikahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte bilang urgent, ang DOFIL ay mayroon ding POEA at OWWA bilang attached agencies.

 

Sa kasalukuyan, ang OWWA at POEA ay attached agencies ng DOLE.

 

“At least, for its first year, wala nang dagdag na budget kasi iyong budget implications sa next budget cycle na,” ayon kay Nograles.

 

“Kaya six months po ang nakalagay na transition period [sa measure]. That is why we want it passed now. If Congress passes it into law this month, and the President signs it in March, towards the end of 2021, doon na natin makikita ang budget implication, pero very minimal siguro,” dagdag na pahayag ni Nograles. (Daris Jose)

GARDO, pansin din ang malamyang paghanap ng gobyerno sa Covid-19; pabor sa muling pagbubukas ng mga sinehan

Posted on: February 18th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

WE are sure na hindi lang kaming dalawa ni Gardo Versoza ang nakapapansin sa malamyang pagharap ng gobyernong Duterte sa problema ng Covid-19 virus.

 

 

Sa presscon ng Ayuda Babes, kung saan gumaganap si Gardo bilang isang beki, tinanong ang dating sexy actor mula sa Seko Films kung ano ang masasabi niya sa naudlot na plano na pagbubukas ng mga sinehan.

 

 

Ayon kay Gardo, pabor siyang buksan muli ang mga sinehan pero dapat may malinaw na guidelines na nakalatag at may health protocols na dapat sundin.

 

 

Hindi raw niya maintindihan kung seryoso ba talaga ang gobyerno sa pagharap sa Covid-19 problem dahil tila hindi naman malinaw ang plano nito how to address the problem properly.

 

 

Pati ang usapin tungkol sa paggamit ng vaccine at kung sino ang unang makakagamit nito ay hindi rin malinaw ang plano.

 

 

Mag-iisang taon na tayong pinahihirapan ng Covid-19 pero there seems to be no light at the end of the tunnel, kung pagbabasehan ang response ng gobyerno sa problema.

 

 

Kaya naman very timely ang pagpapalabas ng comedy film na Ayuda Babes under the direction of Joven Tan dahil maghahanap ka talaga ng pwedeng makaaliw sa iyo sa oras ng krisis.

 

 

Ang kuwento ng Ayuda Babes ay kung paano hinarap ng mga beki sa movie ang krisis na dulot ng Covid-19. Paano sila naka-cope sa hirap na idinulot nito sa kanilang mga buhay.

 

 

Itong Ayuda Babes ang unang movie na nag-shoot after the lifting the restrictions posed by Covid-19. Sabi ni Gardo, naging maayos naman ang shooting ng movie dahil sumunod ang cast at production team ni direk Joven sa safety protocols na ipinatutupad ng gobyerno that time.

 

 

“Nung malaman nga ng ibang tao na nagso-shoot na kami, naisip nila na pwede naman pala gumawa ng pelikula o mag-taping ng teleserye basta sumunod ka lang sa mga patakaran na inilabas ng Inter-Agency Task Force,” sabi ni Gardo.

 

 

Tulad ng kanyang co-stars, ito raw ang pinakamalaking ayuda na kanyang natanggap sa panahon ng pandemya.

 

 

“Maraming tao ang walang trabaho tapos may isang producer na sumugal na gumawa ng pelikula sa panahon ng pandemya. I mean, ibang klase yung makapagbigay ka ng trabaho sa mga tao at the time na hindi mo tiyak how long will the pandemic last at kung ano ang magiging long-term effect nito sa mga tao,” pahayag pa ni Gardo.

 

 

“Happy vibes lang ang hatid ng Ayuda Babes. Pampasaya sa panahon na maraming tao ang malungkot at depressed dahil sa pandemya. I am sure mage-enjoy tayong lahat sa movie.”

 

 

***

 

 

MATAPOS ilunsad ang kanyang career bilang singer, acting naman ang sinubukan ni Christi Fider sa Ayuda Babes.

 

 

“Gusto ko talaga mag-artista kaya lang mas nauna dumating ang offer to record a song composed by direk Joven. Kaya naman laking tuwa ko when I was offered a role sa Ayuda Babes,” wika ni Christi.

 

 

Super enjoy naman si Christi sa shoot dahil masaya kasama ang kanyang mga co-stars na panay mahuhusay in their respective roles.

 

 

“Masarap din katrabaho si Direk Joven kasi very cool lang siya sa set. Chill lang kami sa shoot,” sabi pa ng dalaga.

 

 

Actually, mas feel daw ni Christi ang acting over singing kaya if ever daw may bagong movie offer na dumating ay tatanggapin niya ito basta maganda ang script at bagay sa kanya ang role. (RICKY CALDERON)

CLAUDINE, paborito pa ring banggitin hanggang ngayon si RICO; patihimikin na sana ang namayapang aktor

Posted on: February 18th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SANA ay patahimikin na ni Claudine Barretto ang mahigit 19 na taon nang namayapang actor na si Rico Yan.  

 

 

Hanggang ngayon, tila paborito pa rin itong banggitin ni Claudine.

 

 

Sa naging interview niya sa YouTube channel ng kanyang best friend na si Janelle Jamer, si Rico pa rin ang isa sa pinag-usapan. Na kesyo nalulungkot pa rin siya at nagre-regret na hindi ito nakasama sa huling sandali.

 

 

Ano nga kaya ang nararamdaman ng pamilya Yan sa patuloy na pagbabanggit-banggit ni Claudine rito.  Enough na siguro. Kung totoo ngang nami-miss mo naman ang isang tao, pwede naman na alalahanin niya sa sarili na lang.

 

 

Valentine’s Day, si Rico pa rin ang bukambibig.

 

 

***

 

 

NAGHIHINALA ang ilan na naka-lock in shooting na ngayon ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards para sa pelikulang pagsasamahan nila ni Bea Alonzo, ang adaptation ng Korean film na A Moment to Remember.

 

 

Na-move ang shooting date nila at ang balita namin ay sa March na ito masisimulan. Wala si Alden sa Eat Bulaga dahil kinailangan din ng ilang araw na pahinga.

 

 

Walang dapat ipag-alala dahil regular ang swab testing ni Alden kaya sure na negatibo pa rin ito sa COVID-19.  Posibleng anyday from now ay mapanood na itong muli sa longest-running noontime show.

 

 

Hindi maikakaila na si Alden ang isa sa busiest star ngayon. Bukod sa All-Out Sundays, nag-resume na rin siya sa Centerstage at in-terms of endorsements, halos lahat yata ng endorsements din niya ay for renewal.

 

 

At sisimulan na rin ang movie nila ni Bea by next month at posibleng 3rd quarter ng taon naman sisimulan ni Alden ang gagawing teleserye sa GMA-7.

 

 

All-out ang blessing kay Alden dahil all-out din naman siyang mag-share ng mga blessing lalo na sa mga tinutulungan niyang hindi na niya talaga gustong pinapa-media pa.

 

 

***

 

 

CLOSE talaga si Julia Montes sa mag-asawa Dimples Romana at Boyet Ahmee o sa pamilya nila.

 

 

Bihirang mga pagkakataon na makausap o magpaunlak ng interview si Julia, pero game na game ito na nag-lie detector test bilang unang guest ng You Tube vlog ng mister ni Dimples.

 

 

Yun nga lang, palaging “lie” ang lumalabas sa mga sagot ni Julia kaya nagtatawanan sila at sinasabing ‘wag daw maniniwala basta sa mga laruan. At ‘wag din daw itong gagamitin dahil pwedeng makasira ng relasyon.

 

 

Sa tanong ng Mister ni Dimples na “Manila Boy o Probinsyano?” kay Julia, tila hindi na nag-isip na sinagot at pinili ni Julia na  “Probinsyano!”  Siyempre, tawanan sila pareho na hindi na kailangan pang dagdagan o ipaliwanag ang tanong at sagot.  Umaapela si Julia at Boyet dahil lie pa rin ang resulta ng lie detector test, e, nagsasabi na nga raw ito ng totoo.

 

 

Alam naman ng lahat na sa ngayon, kapag sinabing probinsyano ay si Coco Martin talaga ang maiisip. At hindi man direkta pa rin umaamin ang dalawa, ang tanong e, “kailangan pa nga ba?”

 

 

Binasa naming ang mga comments at halos lahat ay kinikilig. Masaya na raw ang “CocoJuls” heart nila. Sabi ng isang comment, “Unti-unti na siyang umaamin.”

 

 

Pero may mga comments din na naringgan daw nilang nag-comment si Dimples sa background at tinawag nitong “Mommy” si Julia.  Sey raw ni Dimples, “Challenge yun mommy.”

 

 

Kung wala pa ring direktang pag-amin sa relasyong Coco at Julia, wala rin pag-amin o pagtanggi kung may anak na nga sila.  (ROSE GARCIA)

Panukalang pag-amyenda sa Contractor’s License Law, pasado na

Posted on: February 18th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nagkakaisang ipinasa ng Kamara sa huling pagbasa ang House Bill 7808 o ang “Contractors’ License Law“.

 

 

Sa botong 200, pasado na sa plenaryo ang panukala, na pangunahing iniakda ni Pampanga Rep. Aurelio Gonzales Jr., at naglalayong isulong ang kaunlaran sa pagnenegosyo ng pangongontrata, sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng kakayahan sa konstruksyon sa mga pampubliko at pribadong sektor at pagpapataw ng mas mabigat na parusa sa mga lumalabag sa batas.

 

 

Dahil dito, ang mga kontraktor na napatunayang may sala, na tinutukoy sa panukala ay pagmumultahin ng halagang P100,000. 00 0.1% ng halaga ng proyekto, alinman ang mas mataas.

 

 

Bukod pa sa hatol, hindi sila maaaring makakuha ng lisensya sa pangongontrata sa loob ng hindi bababa sa isang taon.

 

 

Kapag ito ay naisabatas na, bibigyan ng kapangyarihan ang Philippine Contractors Accreditation Board na mangolekta o magpatupad ng mga kabayaran at multa, upang mapaunlad ang kanilang mga operasyon. (ARA ROMERO)

HEALTH PROTOCOL SA FIBA, WALA PA

Posted on: February 18th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

WALA  pa umanong nakikitang protocol ang Department of Health (DOH) para  maging katulad ng PBA bubble ang set up ng International Basketball Federation (FIBA) qualifiers.

 

 

Sinabi ni  Health Usec Maria Rosario Vergeire sa virtual media forum, kailangan pa itong pag-usapan kasama ng ilang ahensya.

 

 

Ayon pa kay Vergeire, dati na aniyang nakapag-isyu ng joint administrative order ang DOH  at Philippine Sports Commission (PSC) upang masiguro na naipapatupad ang health protocol  habang dahan-dahan na binubuksan ang ilang sector ng lipunan.

 

 

“Antayin lang natin and this is an  IATF decision to make kapag papayagan yan” , ayon pa kay Vergeire.

 

 

“Ang sa atin lamang lagi yung joint adminmistrative order with sports commission , meron tayo  nilagay diyan na safeguards para sa health  protocol  na kailangan ipatupad”. dagdag pa ni Vergeire.

 

 

Ang Pilipinas ang napili  muling mag-host ng FIBA qualifiers ngayong taon.  (GENE ADSUARA)

Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, naghanda ng vaccination plan para sa mga Bulakenyo

Posted on: February 18th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

LUNGSOD NG MALOLOS – Bago ang pagdating ng unang pangkat ng COVID-19 vaccines, ibinahagi ni Gob. Daniel R. Fernando ang pangkalahatang vaccination plan ng Lalawigan ng Bulacan sa isang virtual press briefing sa pamamagitan ng Zoom application sa pangunguna ni Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque, Jr. noong Huwebes.

 

 

Sa kanyang presentasyon sa pagpupulong, sinabi ni Fernando na nagsagawa ang Pamahalaang Panlalawigan ng microplanning sa local government units (LGU) at provincial level para sa paglalaan ng bakuna at upang magkaroon ng mas epektibo at mas mahusay na implementasyon ng plano sa pagbabakuna kung saan ang mga frontliner at health worker mula sa mga pribado at pampublikong pasilidad sa Bulacan ang prayoridad na makatatanggap ng bakuna kasama ang mga barangay health emergency response team (BHERT); mga senior citizenindigent population; at uniformed personnel.

 

 

Samantala, may kabuuang 833 frontliners at health workers mula sa Bulacan Medical Center (BMC) ang unang grupo na mababakunahan.

 

 

Bukod pa dito, nakatalaga na rin ang mga vaccination team kung saan ang The Pavillion sa Hiyas ng Bulacan Convention Center ang siyang magsisilbing main vaccination center sa lalawigan.

 

 

Tinalakay rin ni Fernando ang vaccine risk communication plan na naglalayong magbigay kaalaman at hikayatin ang mga tao tungkol sa pagbabakuna at tulungan silang maunawaan ang benepisyong maidudulot nito.

 

 

“Patuloy din ang pagsasagawa ng mga communication campaigns at pamimigay ng IECs tungkol sa mga vaccines at hopefully, mapataas natin ang bilang ng mga taong magpapabakuna dahil sa totoo lang po, marami pong mga katanungan ang ating mga kababayan at kinakailangan natin sila mabigyan ng impormasyon tungkol diyan; at malalim pong impormasyon ang kailangan nating ihanda para dito. Lalo na po yung mga napapabalita na tungkol sa nangyari sa Pfizer,” anang gobernador.

 

 

Nakiusap rin siya para sa suporta ng pamahalaang nasyunal na tulungan ang lalawigan na magkaroon ng sapat na bilang ng mga bakuna para sa mga Bulakenyo.

 

 

“Ako po, kasama ang mga LGU ng lalawigan ay umaasa na ang DOH o ang national government ang siyang magbibigay sa amin ng mas malaking bahagi ng aming mga kakailanganing vaccines. Napakalaking bagay po na ang national government ay susuporta sa Lalawigan ng Bulacan upang mas mapalawak ang aming implementasyon,” aniya.

 

 

Nakatakdang magsagawa ng simulation exercise ang Pamahalaang Panlalawigan sa darating na Biyernes upang masubok ang kahandaan ng lalawigan sa oras na dumating na ang mga bakuna.

 

 

Magmumula ang mga bakuna sa mga drugmaker na Pfizer-BioNtech at AstraZeneca sa ilalim ng isang kasunduan kasama ang COVID-19 Vaccines Global Access (COVAX) Facility. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Yap nawiwiling mag- golf

Posted on: February 18th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Hindi na lang sa pagdribol at pag-shoot naghahasa sa kasalukuyan si Philippine Basketball Association (PBA) star James Carlos Yap Sr. kundi sa pagsipat at pagpalo o paggo-golf.

 

 

Pinaskil sa Instagram account nitong Sabado ng 38 taong-gulang, 6-2 ang taas at mula sa Escalante City, ang pamatay niyang porma sa golf.

 

 

Sinasamantala ng Rain or Shine guard/forward ang panahon habang nakabakasyon pa ang professional lcahe eague na Abril 9 pa magbubukas ang 46th season 2021 Philippine , pagkaraan ng 36th Draft 2021 sa Marso 14.

 

 

Nakaabot ng quarterfinals ang Elasto Painters sa 45th PBA PH Cup 2020 kung saan ang Barangay Ginebra San Miguel ang nagkampeon sa  import-less conference kung sa pagtaob sa Talk ‘N Text sa limang laro.

 

 

Nais ni Yan ang maaangas na laro pa at giyahan ang RoS sa titulo bago tuluyang magretiro na sa kanyang karera. (REC)

Marcos camp nagmatigas vs electoral protest decision: ‘Only the 2nd cause of action

Posted on: February 18th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nagmatigas ang kampo ni dating Sen. Bongbong Marcos na tanggapin ang desisyon ng Supreme Court na nagbasura sa kanyang electoral protest laban kay Vice President Leni Robredo.

 

 

Ayon kay Atty. Vic Rodriguez, abogado ni Marcos, hindi pa tuluyang ibinabasura ng Korte Suprema, na umuupo bilang Presidential Electoral Tribunal (PET), ang protesta ng natalong kandidato.

 

 

“Based on the official pronouncement made by the Presidential Electoral Tribunal today, the court unanimously voted to dismiss our second cause of action which is the manual recount and judicial revision,” ani Rodriguez.

 

 

Sa ilalim ng second cause of action ni Marcos, nagkaroon ng recount ng mga balota sa napili niyang tatlong pilot provinces na Camarines Sur, Iloilo, at Negros Oriental.

 

 

Nakasaad sa Rule 65 ng PET na maaari nilang maging basehan ng pagbasura sa protesta ang resulta ng initial recount.

 

 

Lumabas sa ginawang recount na nadagdagan pa ng higit 15,000 boto ang agwat ng lamang ni Robredo kay Marcos.

 

 

Sa kabila nito, hindi agad nag-desisyon ang PET na ibasura ang electoral protest at hinigan ng komento ang dalawang panig sa report, pati sa ikatlong cause of action ni Marcos.

 

 

Sa ilalim ng third cause of action ng natalong kandidato, ire-review sana ang election records ng Lanao del Sur, Basilan, at Maguindanao.

 

 

Gusto kasing patunayan ni Marcos na nagkaroon ng dayaan sa tatlong probinsya.

 

 

“However, as to the issue on how to proceed with our third cause of action which is the annulment of votes in Mindanao, the Tribunal has yet to decide on the matter,” dagdag ni Rodriguez.

 

 

Sa isang press conference kanina, sinabi ni Supreme Court spokesperson Atty. Brian Hosaka na kaya ibinasura ang protesta ni Marcos ay dahil bigo ito sa kanyang ikalawang cause of action.

 

 

“Having failed in 3 pilot provinces of Camarines Sur, Iloilo and Negros Oriental, Marcos cannot seek 3rd cause cause of action of annulment in Lanao Del Sur, Maguindanao and Basilan.”  (Daris Jose)