TULOY na tuloy ang kauna-unahang pagganap ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera-Dantes para sa Tanghalang Ateneo sa makabagong pagsasadula ng ‘Oedipus Rex’.
Personal ngang nag-imbita si Marian sa kanyang milyung-milyon followers sa virtual play na titulong password: 03d1pu5_R3x.
Post niya sa kanyang IG account:
“Ako si Marian Rivera-Dantes, gaganap sa papel na Kreon.
“Inihahandog ng Tanghalang Ateneo sa kanilang ika-42 na taon, Pagbabanyuhay: Bagong Anyo ng Buhay, at ng RolePlayers, Inc at Loyola Film Circle.
“password: 03d1pu5_r3x.
“Halaw at Direksyon ni RONAN B. CAPINDING ng Saling-Filipino ni ROLANDO S. TINIO ng dula ni SOPHOCLES.
“Esklusibong ipapalabas ng ticket2me ang password: 03d1pu5_r3x sa Pebrero 22, 25, at 27.
“Mapanonood ito nang may Ingles na subtitles (kung ibig mo). Maaaring bumili ng tiket mula rito: https://ticket2me.net/e/33027
“Para sa iba pang detalye o mga katanungan, makipag-ugnayan kay Kristelle Angelyne Ventura (0966-307-5975).
“Saksihan ang kuwento ni Edipo ngayong Pebrero.”
Nilagay din ni Marian ang step by step na pagbili ng tickets para sa Password: 03d1pu5_R3x:
1. Go to ticket2me.net. Sign in (if you have an account) or sign-up (and create an account) if you don’t have yet.
2. Look for the event page of password: 03d1pu5_R3x then click it (or type in https://ticket2me.net/e/33027).
3. Once on the event page, click Buy Ticket. Select the date you want to watch (February 22, 25, or 27). Please take note that these events are in Philippine Standard Time (GMT +08:00)
4. Continue to pay for the tickets once you have finalized your order. You may pay via Credit Card, Paypal, GCash, Bank Transfer. The payment instructions may appear onscreen or is sent to your registered email (used to sign-up for ticket2me) depending on the chosen payment method.
5. After the successful payment, tickets and unique links to watch the production are sent to your registered email.
6. On the day of the scheduled event, copy and paste the unique link on your browser. This will be password protected. Passwords will be sent out by the organizers to your registered email.
7. Enjoy your viewing! The production will be available for 24 hours, starting 10:00 AM (Philippine Standard Time) of the chosen show date. (Example: Feb 22 10:00AM – Feb 23 10:00AM).
Napakalaking challenge ito para sa kay Marian, lalo na in terms of acting, kaya nagtalo-talo na naman ang netizens kung maayos niya itong maitatawid dahil kakaiba ang teatro.
Kaya ganun na lang ang kanyang kaba at paghahanda dahil alam niya na maraming mga mata ang nakatuon sa kanya ngayon sa pagtanggap niya upang gumanap na Vice President Kreon.
Suportado naman siya ng kanyang asawa na si Dingdong Dantes na isa sa nag-encourage sa kanya na tanggapin ang napakalaking oportunidad na siguradong tatatak sa kanyang showbiz career.
Goodluck Marian, break a leg!
***
NI-REVEAL na rin sa 24 Oras this week ang iba pang Kapuso actors na makakasama sa Voltes V: Legacy.
Ang dalawang mahusay na aktor ay magiging kakampi ng Voltes V team na binubuo nina Miguel Tanfelix (Steve Armstrong), Ysabel Ortega (Jamie Robinson), Radson Flores (Mark Gordon), Matt Lozano (Big Bert Armstrong) at Raphael Landicho (Little Jon Armstrong).
Tuwang-tuwa nga si Gabby Eigenmann na nag-wish na sana ay makasama sa biggest project nga GMA Network for 2021, dahil siya lang naman ang gaganap bilang si Commander Robinson na leader ng Earth Defense Force.
Siya ang ama ng nag-iisang babae sa Voltes V team na si Jamie Robinson at ang co-designer ng Voltes V.
Inalala naman ni Gabby na pinapanood talaga niya nu’ng bata pa siya.
Dagdag pa niya, “I used to collect cards, ‘yung mga playing cards, bumibili talaga ako sa tindahan niyan para lang ma-collect pati ‘yung mga stickers.”
Ang mahusay din character actor tulad ni Gabby na si Neil Ryan Sese naman ang gaganap sa karakter ni Dr. Hook, isa sa mga scientist na involved sa Earth Defense Force.
Si Dr. Hook ang nasa likod ng “Spin Fly Technique” ni Voltes V.
Aminadong solid fan din si Ryan ng Voltes V na tuwing hapon daw ay pinapanood nila na magpipinsan. Malaking hamon daw sa kanya ang naturang pagganap sa role lalo na ng, “nalaman-laman ko pa na nu’ng unang ginawa ‘to, ‘yung cartoons dito sa Pilipinas nu’ng 1978, si Mr. Joonee Gamboa pala ‘yung nag-voice over doon sa Dr. Hook so, siyempre, isa pa sa iniidolo ko ‘yon so dagdag pressure pa.”
Nadagdagan din ang puwersa nina Prince Zardoz at Zandra (Martin del Rosario at Liezel Lopez) dahil pinakilala na rin sina Zuhl (Epy Quizon) at Draco (Carlo Gonzalez).
Next week, marami pang makikilala na nakapasok sa Voltes V: Legacy na mula sa direksyon ni Mark Reyes, na malapit nang magsimula ang kanilang lock-in taping. (ROHN ROMULO)