Pinahayag ng mga opisyales ng Department of Transportation (DOTr) na maraming malalaking proyekto ang matatapos o di kaya ay magkakaron ng partial na operasyon bago matapos ang termino ni President Duterte sa 2022.
Ang mga nasabing proyekto ay ang LRT 2 East (Masinag) Extension, MRT 3 Rehabilitation, Common Station, LRT 1 Cavite Extension, MRT 7, PNR Clark Phase 1, Mindanao Rail, at key facilities ng Metro Manila Subway.
Mayron ng 43 percent overall completion progress ang PNR Clark Phase 1 na naitala noong January 2021. Ang partial na operasyon ng mga pasilidad ay sa huling quarter ng taon samantalang ang buong operasyon ay nakatakda sa 2024.
Sa rehabilitation naman ng MRT 3, tinatayang ang buong proyekto ay matatapos sa December 2021. Ang mga rail replacements ay natapos noong December 2020 na mas nauna pa sa target na schedule nito.
Samantalang ang partial the operasyon ng LRT 1 Cavite Extension Phase 1 ay magsisimula sa fourth quarter ng taon. Ang proyektong ito ay ang magdudugtong sa LRT 1 galing Baclaran sa Paranaque papuntang Bacoor, Cavite.
Magkakaron naman ng inagurasyon sa April 2021 para sa pagbubukas ng partial na operasyon ng LRT 2 East (Masinag) Extension. Noong January 2021 ay may naitalang 96.49 percent na completion ang nasabing proyekto.
Magkakaron naman ng partial na operasyon ang Mindanao Railway Project Phase 1, ang Tagum-Davao-Digos segment sa March 2022.
Ang MRT 7 ay magkakaron ng partial na operasyon sa darating na December 2021 at full na operasyon sa December 2022.
“With all these railway projects, the government will lessen the annual direct economic cost of congestion in Metro Manila which stands at P1.277 trillion as of 2017,” saad ni DOTR undersecretary Batan.
Sa kabilang dako, para naman matugunan ang mga healthy at safety protocols sa mga pangunahing transportasyon lalo na sa mga railway systems upang maiwasan ang pagkalat ng COVID 19, muling pinaalalahan ng DOTr ang mga pasahero na sumunod sa 7 commandments tulad ng paggamit ng face masks, face shields, palagiang paghuhugas ng mga kamay, COVID 19 testing, contact tracing, at quarantine ng mga naapektuhan ng COVID 19.
Ayon kay Batan ay talagang binigyan nila ng todong pansin at tugon ang sektor ng transportasyon sa rail sapagkat sa lahat ng klase ng transportasyon ito ay ang may pinakamataas ng kapasidad na magsakay ng mg tao at magbigay ng ligtas, kaaya-aya, maginhawa, mabilis at komportableng paglalakbay kaya nagtrabaho ang DOTr sa utos ni Secretary Tugade at President Duterte na gawin ito ng hindi lamang doble kundi gawing pang quadruple at kahit na 24/7 pa upang matapos lamang ang mga nasabing proyekto. Ang mga nasabing proyekto ay bahagi ng Build, Build, Build na programa ng pamahalaan. (LASACMAR)