• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 10th, 2021

Malakanyang, pinalagan ang sinabi ni Senador Lacson hinggil sa drug war ng pamahalaan

Posted on: March 10th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PINALAGAN ng Malakanyang ang pahayag ni Senador Panfilo Lacson na failure ang drug war ng administrasyong Duterte .

 

Ipinamukha ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa senador ang malaking tagumpay ng kampanya ng gobyerno laban sa ilegal na droga at ito ay kayang patunayan ng datos.

 

Sa katunayan ay kalahati na ng mga barangay sa buong bansa ay drug free na kaya’t para kay Sec. Roque ay hindi ito maituturing na failure o isang kabiguan.

 

Aniya pa, mayroon pang isang taon at ilang buwan ang administrasyon para maabot ang 100% drug-free nation.

 

“Well, ang posisyon po natin diyan, mahigit kalahati na po ng ating mga barangays ay drug-free, so sa akin po hindi po iyan failure,” ani Sec. Roue.

 

“Iyan ay malaking tagumpay. Of course, ang ninanais natin 100% drug-free pero mayroon pa naman tayong isang taon at ilan pang buwan para makamit iyang ganiyang objective,” dagdag na pahayag nito.

 

Nauna nang sinabi ni Senador Lacson na hindi na dapat pang magkuwari ang pamahalaan na bigo ito sa kampanya kontra illegal drugs gayung naririyan pa din aniya ang ipinagbabawal na gamot at hindi pa rin nawawala. (Daris Jose)

Djokovic nahigitan na si Federer sa may pinakamatagal na pagiging numero 1

Posted on: March 10th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nahigitan na ni Novak Djokovic ang record na hawak ni Roger Federer sa may pinakamaraming linngo na nanatili sa unang puwesto sa world ranking.

 

 

Umaabot na kasi sa 311 linggo na nananatili sa unang puwesto ang Serbian tennis star.

 

 

Nalagpasan na nito ang 310 na linggo na hawak ng Swiss tennis star.

 

 

Bago nito na naabot ang unang puwesto ay nahigitan niya sa puwesto si Rafael Nadal.

 

 

Sinabi ng 33-anyos na si Djokovic na pangarap na talaga niya noong bata pa na manguna sa ranking ng tennis sa buong mundo.

 

 

Unang naging numero uno sa ranking ay noong 2011 na siyang tinagurian bilang best player in tennis history.

 

 

Matapos ang panalo sa Australian Open noong Pebrero ay mayroon ng kabuuang 18 grand slam titles ito.

Team LeBron dinurog ang Team Durant

Posted on: March 10th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Tumipa si Milwaukee Bucks star forward Giannis Anteto­kounmpo ng perpektong 16-of-16 fieldgoal shoo­ting patungo sa kanyang game-high 35 points para pamunuan ang 170-150 pagdomina ng Team L­eBron sa Team Durant sa ika-70 NBA All-Star Game kahapon dito sa halos bakanteng State Farm.

 

 

“It’s fun. I was happy, my teammates had fun, and just being around great players, they’re just easy to play with,” ani Anteto­kounmpo na hinirang na NBA All-Star Game Most Valuable Player.

 

 

Nagdagdag si Portland Trail Blazers scorer Damian Lillard ng 32 markers at may 28 points si Golden State Warriors guard Stephen Curry tampok ang kanyang walong three-pointers.

 

 

May 4 points naman si LeBron James ng Los Angeles Lakers para sa kanyang sariling koponan.

 

 

Pinamunuan ni NBA leading scorer Bradley Beal ng Washington Wizards ang Team Durant sa kanyang 26 points.

 

 

Hindi naglaro si Kevin Durant ng Brooklyn Nets dahil sa kanyang hamstring injury.

 

 

Samantala, ang pinakahuling money ball shot ni Golden State Warriors star Curry ang nagbi­gay sa kanya ng ikalawang three-point title.

 

 

Inungusan ni Curry si Utah Jazz guard Mike Conley, 28-27, sa final round ng Three-Point Shootout para angkinin ang ikalawa niyang korona matapos noong 2015.

 

 

Nag-donate ang Team LeBron ng higit sa $1 mil­yon sa Thurgood Marshall College Fund habang nag­bigay ang Team Durant ng $500,000 sa United Negro College Fund.

Pinas, hindi na kayang bumalik sa “stricter quarantine levels” – Sec. Roque

Posted on: March 10th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

HINDI na kayang bumalik ng Pilipinas sa “stricter quarantine levels” sa kabila ng pagtaas ng COVID-19 cases.

 

Sa Metro Manila, nakapagtala ito ng 1,025 new daily cases sa nakalipas na 7 araw, tumaas ng 42% mula sa nakalipas na linggo at 130% kumpara sa nakalipas na 2 linggo, ayon sa OCTA Research group.

 

Ang impeksyon ay mabilis na kumakalat kumpara noong “July-August surge,” ng nakalipas na taon, nang ang national capital region (NCR) ay isinailalim sa enhanced community quarantine (ECQ), itinuturing na third strictest ng 4 lockdown levels.

 

At nang tanungin si Sec. Roque kung ang Metro Manila ay ibabalik sa ECQ, ang naging sagot ni Sec. Roque ay “For the month of March, I don’t think it is called for.”

 

“About 65 percent of isolation beds and 75 percent of ward beds are available, ” ani Sec. Roque.

 

“Sabihin na nating dumami ang kaso pero nakikita naman natin, handa tayong gamutin iyong mga seryosong magkakasakit, na 2 to 3 percent ng mga magkakasakit,” aniya pa rin.

 

Sa ulat, ipinag-utos sa mga lokal na pamahalaan na palakasin ang contact-tracing, facility-based quarantine at localized lockdowns sa mga lugar na may case clustering.

 

“Sa totoo lang po, hindi na po natin kaya na mag-lock down ng ating ekonomiya. Napakadami na pong nagugutom. So ang ating panawagan: Pangalagaan po natin ang ating mga sarili para tayo po ay makapag-hanapbuhay,” ang pahayag ni Sec. Roque.

 

 

Sa mag-iisang taon na quarantine sa bansa ay napatigil nito ang pagkalat ng COVID-19, naging dahilan naman para labis na mahirapan ang mga negosyante at milyong filipino ang nawalan ng trabaho.

 

“Tingin ko, this surge is actually due to a drop in compliance which we can fix, and also, an increase in the mobility. Dyan natin kailangan ibalanse,” ang pahayag naman ni dating Health secretary Manuel Dayrit.

 

“Minimum health standards plus accelerated vaccination, I think, is the way to go,” aniya pa rin.

Oribiana nilinaw ang papel nina Garcia, Gavina sa RoS

Posted on: March 10th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KLINARO ng Rain or Shine management na si coach Chris Gavina ang tatawag ng plays at magsasabi ng instructions para sa Elasto Painters sa 46th PBA Philippine Cup 2021 simula sa April 9, habang si dating mentor Carlos ‘Caloy’ Garcia ay parte ng national men’s basketball training team program.

 

 

Ipinahayag Lunes ni ROS Alternate Governor Edison Oribiana, na si Gavina ang mangangalaga sa “micro” management samantalang si Garcia na ginawang active consultant, ang bahala sa “macro” management lalo’t gugugululin ang kanyang oras sa training at actual competition ng PH team.

 

 

Pinaghahandaan ng Pinoy quintet sa taong ito ang Olympic Qualifying Tournament sa Serbia sa June 29-July 4, 30th Asia Cup Qualifiers sa Clark, Pampanga sa June 14-20, 30th Asia Cup proper sa August 16-28 sa Jakarta, 31st SEA Games sa Hanoi sa November  21-December 2, 19th Asian Games 2022 sa Zhejiang,  at 19th World Cup 2023 sa ‘Pinas, Japan at Indonesia.

 

 

“It means he will have less time to personally supervise the training and development of his mother team and with the unpredictable schedule of the tournaments there will be conflicts even with actual games of the PBA. We can’t tell him to just politely beg off because we are also an ardent supporter of our National Team ever since,” litanya ni Oribiana.

 

 

Hinirit pa niya na pinagpasyahan ang designasyon ni Garcia nina co-team owner Raymond Yu at Terry Que. (REC)

‘Time-out’ ng health workers ‘di napapanahon – DOH

Posted on: March 10th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Hindi pa napapanahon para huminging muli ng ‘time-out’ ang mga healthcare wor­kers sa bansa dahil makakaya pa naman umano ang sitwasyon sa kabila ng muling pagtaas ng bilang ng dinadapuan ng COVID-19.

 

 

Iginiit ni Health Undersecretary at Spokesperson Maria Rosario Vergeire na nasa “manageable level” pa rin ang sitwasyon sa mga ospital kahit na tumaas ang admisyon ng mga pasyente.

 

 

“When we went around nakita natin dumadami po talaga ang mga tao sa ER (emergency room), ang may mga sintomas ng COVID. Pero to say that the system is overwhelmed? No,” paliwanag ni Vergeire.

 

 

Sa kanilang pag-iikot, marami sa mga ospital ay nasa 50 porsyento pa ang avai­lable na COVID-beds para sa mga bagong pasyente.

 

 

Kung darating naman umano ang punto na kakailanganin muli na magpahinga ang mga healthcare workers para hindi naman sila ang magkasakit o bumigay ay irerekomenda naman ito ng DOH sa pamahalaan.

 

 

Sa kasalukuyan, wala pa umanong ebidensya na ang mga new variants ang dahilan ng pagsirit sa mga bagong kaso ng COVID-19. Tanging nakikita nila ngayon ay ang pagpapabaya ng publiko sa ‘safety protocols’ kaya tumaas ang bilang ng mga kaso.  (Gene Adsuara)

Fajardo alalay lang sa pagbabalik-PBA

Posted on: March 10th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

HINAY-HINAY lang muna ang kilos sa kanyang pagbabalik ni June Mar Fajardo sa 46th PBA Philippine Cup 2021 na magbubukas sa Abril 9 dahil sa minor operation sa infection ng fractured tibia kamakailan.

 

 

Ito ang ibinunyag nitong isang araw lang ng matagal ng mentor ng six-time PBA MVP na si Atty. Baldomero Estenzo.

 

 

“He’s still on rehab which was slowed down by the pandemic. The doctor, however, assures he can start practicing with the team by April,” sabi ng abogado. “Minor surgery lang naman to remove some screws.” (REC)

Rookie NBA card ni Bryant naibenta sa halos $2-M

Posted on: March 10th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Naibenta sa halagang $1.79-M o mahaigit P86-M sa isang auction ang basketball card ni NBA star Kobe Bryant.

 

 

Ang flawless Kobe Bryant rookie card ay ikinokonsidera bilang “one of the rarest in existence”.

 

 

Ayon sa Goldin Auctions, nabili ito ng hindi na nagpakilalang buyer.

 

 

Ang Topps trading card ay isa sa dalawa lamagn sa buong mundo na itinuturing na “black label pristine condition”.

 

 

Ito rin ang pinakamahal na Kobe Bryant card na naibenta.

 

 

Magugunitang nasawi noong 2020 ang Los Angeles Lakers star ng bumagsak ang helicopter na sinakyan nito kasama ang anak na si Gianna at pitong iba pa.

29k Mga Pinoy, nabakunahan na laban sa Covid-19

Posted on: March 10th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

TINATAYANG mahigit na sa 29,000 Filipino ang nabakunahan laban sa COVID-19 simula nang sumipa ang inoculation program ng pamahalaan noong Marso 1.

 

Tinukoy ang Department of Health data, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na may 29,266 indibidwal na ang nakatanggap ng first dose ng bakuna “as of March 7.”

 

Nakapagpadala na ang pamahalaan ng 383,980 doses ng bakuna na dinevelop ng Chinese firm Sinovac at British-Swedish pharmaceutical company AstraZeneca sa iba’t ibang ospital at medical facilities sa iba’t ibang lugar sa bansa.

 

Inaprubahan naman ng Food and Drug Administration (FDA) ang emergency use authorization (EUA) para sa tatlong bakuna gaya ng Pfizer-BioNTech, AstraZeneza at Sinovac.

 

Ang tatlong bakuna ay kailangan na magbigay ng dalawang doses.

 

Sa ngayon, ang Pilipinas ay mayroong 1.1 million doses ng COVID-19 vaccines — 600,000 doses ng Sinovac vaccine na dinonate ng China at 525,600 doses ng AstraZeneca mula COVAX facility.

 

Milyon-milyong doses mula sa ilang vaccine suppliers ang inaasahan na darating sa bansa sa mga darating na buwan.

 

Layon ng Pilipinas na mabakunahan ang 70 milyong Filipino ngayong taon. (Daris Jose)

CHRIS EVANS, planong bumisita sa Pilipinas pag maayos at ligtas na

Posted on: March 10th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PAGKATAPOS na maging bagong celebrity endorser ng Smart Communication, nasa plano na raw ng Marvel Cinematic Universe actor na si Chris Evans ang bumisita sa Pilipinas kapag maayos at ligtas na ang bumiyahe.

 

 

Kelan lang daw nalaman ng aktor na maraming magagandang pasyalan sa Pilipinas.

 

 

“What do I know about the Philippines? Well, I’ve heard great beaches, I’ve heard that today. Great food, great people, every time there’s an Asian territory it’s always hard to leave because it’s welcoming, aesthetically beautiful.

 

 

“I can’t wait to get out there. I can’t wait to visit, I’ve heard so many wonderful things and this partnership makes me more excited to come and say hi.”

 

 

In regards sa social media, hindi raw big fan si Chris ng maraming social media apps dahil gusto niyang mag-ingat.

 

 

Kung matatandaan last year, kumalat via social media ang photo ng kanyang pagkalalake by accident. Dapat ay video ang ipo-post niya sa Instagram, pero mali ang napindot niya sa kanyang gallery.

 

 

“I’m not a big fan of social media apps in general and I’m only on Twitter and Instagram. I mean, what are the other ones? Facebook, I’m not on Facebook but I do know there’s a Facebook page for me but I had nothing to do with it.

 

 

“I mean, I’m new to Instagram. I suppose I use Twitter the most. It’s tough to choose a favorite because they all make me just a little sad.”

 

 

***

 

 

HINDI lang charm at galing sa acting ang ini-offer ni Paul Salas sa The Lost Recipe, kundi pati na rin ang talent niya sa pagkanta.

 

 

Si Paul ang umawit ng “Tama Ba o May Tama Na,” na kabilang sa OST ng nasabing fantasy-romance series. Ang single ay produced ng Playlist Originals at available na for download sa iba’t ibang digital platforms worldwide.

 

 

Tila saktong-sakto ang kanta sa mga nangyayari ngayon sa trending series ng GMA Public Affairs dahil palakas na nang palakas ang nararamdaman ng karakter ni Paul as Frank para kay Chef Apple (Mikee Quintos). May pag-asa nga ba siya sa kanyang ‘match’?

 

 

Huwag nang pigilan ang kilig at manuod ng The Lost Recipe, gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras simulcast sa GTV!

 

 

***

 

 

HINDI raw mapigilan minsan ni Benjamin Alves na maalala ang kanyang yumaong ama tuwing kaeksena niya si Leo Martinez sa teleserye na Owe My Love.

 

 

Marami raw kasing hindi nasabi at nagawa si Benjamin sa kanyang ama bago ito pumanaw noong 2018.

 

 

Kaya dinadaan na lang daw ito ng aktor sa mga eksena niya with Leo na gumaganap na lolo niya sa teleserye.

 

 

“I hope you hear the things I never got to say to you through my relationship with Lolo Badong (Leo Martinez). I hope you see how much I wanted to say I love you but never could. I wish I could’ve taken better care of you the way Migs does to his Lolo. Still, I hope you are happy with me as your son,” post ni Benjamin via Facebook.

 

 

Kaya lahat daw ng mga linya ni Benjamin bilang si Doc Migs sa Owe My Love ay sinasapuso niya. Natutuwa naman ang aktor dahil marami raw televiewers ng teleserye ang nakaka-relate sa lolo-apo relationship nila Doc Migs at Lolo Badong.  (RUEL J. MENDOZA)