• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 13th, 2021

Cojuangco, Romasanta at Barrios pararangalan ng PSA

Posted on: March 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Tatlong mahuhusay na sports personalities ang gagawaran ng Lifetime Achievement Award sa SMC-PSA (Philippine Sportswriters Association) virtual Awards Night sa Marso 27.

 

 

Ito ay sina dating San Miguel Corp. Chairman/CEO Eduardo ‘Danding’ Cojuangco, Gintong Alay Project Director Joey Romasanta at dating PBA Commissioner Renauld ‘Sonny’ Barrios.

 

 

Bibigyan ng parangal sina Cojuangco, Romasanta at Barrios dahil sa kanilang kontribusyon sa pagpapalawak ng sports sa bansa.

 

 

Makakasama ng tatlong kilalang personalidad si Athlete of the Year choice Yuka Saso sa listahan ng mga awardees sa PSA virtual awards.

 

 

Nauna nang ginawaran ng Lifetime Achievement Award sina pool legend Efren ‘Bata’ Reyes, Caloy Loyzaga, Virgilio ‘Baby’ Dalupan, Florencio Campomanes, Mauricio Martelino, Francisco Elizalde, Carlos Padilla, Filomeno ‘Boy Codiñera, at ang 1973 Philippine men’s basketball team.

 

 

Binibigyang-parangal ng PSA ang mga atleta at personalidad na nagning­ning sa kani-kanyang sports sa nakalipas na taon.

Tripol-dobol ni Ayonayon nagpatalsik sa Skycrapers

Posted on: March 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

BUMIDA sina MiCHAEL Ayonayon at dating Philippine Basketball Association (PBA) John Wilson sa paghatid sa defending champion San Juan Knights sa national finals sa pagpapabagsak sa may limang player lang na Makati Super Crunch Skycrapers, 131-54, sa balik ng 3rd Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Lakan Cup 2019-20 North Division Finals nitong Miyerkoles ng gabi sa Subic Bay Convention Center sa Zambales.

 

 

Nagbaon si Ayonayon ng triple-double sa likod ng 10 points, 10 rebounds  at 11 assists sa pag-angas sa Knights na pugutan ang kalaban na binoykot ng anim na manlalaro dahil sa sahod mula sa pangasiwaan ng koponan na dinahilan ang Covid-19.

 

 

Hindi lumaro sina ex-pro Rudy Lingganay, Jeckster Apinan, Joseph Sedurifa, Jeckster at Juneric ‘Jong’ Baloria. Pati sina Cedric Ablaza at Joshua Torralba.

 

 

May game-high 22 markers, 6 boards at 4 dimes si Wilson samantalang sumaklolo pa si homegrown talent Jhonard Clarito ng 20 pts., 13 rebs. at 4 asts. Lumamang ura-urada ang San Juan ng 15-0 at hindi na nilingon ang ang katunggali. Dumistansya pa ng hanggang 78 puntos sa labanan.

 

 

Aantayin na lang ng Knights ang magwawagi sa sa ihahayag pang petsang pagtutuos sa South Division finale do-or-die Game 3 din ng Basilan Steel at Davao Occidental Tigers.

 

 

Nagpositibo sa pandemya ang dalawang Basilan cager at puwersadong nag- one week quarantine ang team kaya kinansela ang laban noon ding Marso 11. (REC)

Pinoy boxers biyaheng Thailand na

Posted on: March 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Tutulak na patungong Thailand ang national boxing team upang doon ipagpatuloy ang paghahanda nito para sa iba’t ibang international tournaments.

 

 

Nangunguna sa listahan si Tokyo Olympics qualifier Irish Magno gayundin sina world champion Nesthy Petecio at Carlo Paalam na parehong naghahangad na makahirit ng tiket sa Olympics.

 

 

Diretso sa Bangkok ang Pinoy boxers kung saan sasailalim ito sa quarantine period bago muling tumulak patungong Ko Samui Island na magsisilbing training venue ng tropa.

 

 

Magsasanay ang Pinoy pugs sa Thailand hanggang sa Abril 10.

 

 

Kabilang sa pinaghahandaan ng national team ang Asian Boxing Confederation sa Mayo 21 hanggang 30 sa New Delhi, India.

 

 

Bahagi ito ng preparas­yon para sa Tokyo Olympics.

 

 

Maliban sa Tokyo Olympics, naghahanda rin ang Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) para sa Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

 

 

Nagpasalamat si ABAP president Ricky Vargas sa pamunuan ng Thailand Boxing sa pagtanggap sa Pinoy boxers na sumailalim sa training camp.

PDu30, pinangunahan ang pormal na pagpapasinaya sa development projects sa Dumaguete Airport

Posted on: March 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PINANGUNAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pormal na inagurasyon ng development projects sa Dumaguete Airport.

 

Sa naging talumpati ng Pangulo sa isinagawang pagpapasinaya ng Development Projects sa Dumaguete (Sibulan) Airport sa Brgy. Boloc-Boloc, Sibulan, Negros Oriental ay sinabi nito na ang P252 million rehabilitation projects na pinasinayaan ngayon ay kinabibilangan ng “expansion of the existing passenger terminal and administrative buildings, asphalt overlay of the railways as well as shoulder grade correction, and construction of additional taxiways to allow the airport to accommodate heavier aircraft and increase its passenger volume capacity.”

 

Sa kabilang dako, pinuri naman ng Pangulo ang Department of Transprotation, Civil Aviation Authority of the Philippines at ang lahat ng naging kaagapay ng pamahalaan na nagbigay ng kontribusyon upang makumpleto ng proyekto sa kabila ng biglaang lockdown dahil sa pandemic.

 

“I hope this project would inspire us further to provide better services and opportunities for our people and harness the potential of trade and tourism as the catalyst for economic recovery particularly in the provinces,” ayon sa Pangulo.

 

Tiniyak naman ng Chief Executive sa publiko na mananatiling committed ang pamahalaan para tapusin ang lahat ng infrastructure projects sa tamang oras kung maaari sa ilalim ng kanyang pamumuno na may “least inconvenience” sa publiko at mahigpit na pagsunod sa katapatan at integridad.

 

“Corruption has no place here,” diing pahayag ng Pangulo.

 

At habang ginagawa aniya ng pamahalaan ang lahat ng makakaya nito para buhayin ang eonomiya ng bansa at bigyan ng magandang oportunidad ang mamamayan para makabangon at magkaroon ng maayos na pamumuhay ay umapela ang Punong Ehekutibo sa lahat na patuloy na i-obserba ang itinakdang health at safety protocols maging sa loob ng tahanan o sa pampublikong lugar lalo na sa transportasyon.

 

“It is only when everyone’s cooperation. that a nation can effectively contain the spread of Covid-19 and triumph against pandemic,” ang pahayag ng Pangulo.

 

“In solidarity, let us take further strides towards a better, more dynamic and prosperous nation for everybody,” dagdag na pahayag ni Pangulong Duterte. (Daris Jose)

PNP Chief Debold Sinas nagpositibo sa COVID-19

Posted on: March 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na nagpositibo sa Covid-19 virus si PNP Chief Gen. Debold Sinas.

 

 

Sa isang sulat na inilabas mula kay NP Chief, kaniyang kinumpirma na nagpositibo siya sa virus batay sa RT-PCR swab test na inilabas ng PNP Health Service kaninang umaga, March 11,2021.

 

 

Sa unang tatlong swab test ni Sinas nuong March 3, March 6 at March 9 ay negatibo ang resulta.

 

 

Pero swab test niya nitong March 11 ay nagpositibo na siya sa virus.

 

 

Pero sinabi ni Sinas siya ay asymptomatic, posibleng na infect siya ng virus sa loob ng 24-48 hours.

 

 

Sasailalim sa quarantine ngayong gabi si Sinas at duon siya didiretcho sa Kiangan Treatment Facilities sa loob ng Camp Crame.

 

 

Inanunsiyo din ni Sinas na si The deputy chief for Administration Lt Gen. Guillermo Eleazar ang magiging OIC Chief PNP habang siya ay naka quarantine.

 

 

Sa kabilang dako, ayon naman kay PNP Spoksperson BGen. Ildibrandi Usana maayos ang kalagayan ni PNP chief ngayon.

 

 

” He is Ok po. No cause for worry po. Prayers na lang po muna para kay Chief,” mensahe ni Usana.

Netflix, promises a Nicholas Sparks-meets-High School Musical vibe with ‘A Week Away’

Posted on: March 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

THE upcoming Netflix musical is a faith-based feature film set in a Christian summer camp.

 

 

Netflix promises a ‘Nicholas Sparks-meets-High School Musical’ vibe with A Week Away.

 

 

If you’re looking for an uplifting, inspiring film to watch with the entire family, this upcoming Netflix original might be for you.

 

 

In the film, a troubled teen attends a Christian summer camp to avoid juvenile detention. There, he discovers love with a campmate and opens his heart.

 

Watch the trailer here: https://www.youtube.com/watch?v=dpLaoYw8xug

 

 

A Week Away stars Kevin Quinn as Will and Bailee Madison as Avery. The film also features reimagined songs from Christian artists King & Country, Amy Grant, and Michael W. Smith. The musical is directed by Roman White.            W

 

atch the sneak peek of one of the musical numbers from A Week Away, entitled ‘Place In This World’ below: https://www.youtube.com/watch?v=OtD7W2vdGrE

 

Netflix original film A Week Away available on Netflix this March 26, 2021. (ROHN ROMULO)

DA mangangailangan ng P27.1-B para sa mga programa vs ASF, pagpaparami ng baboy sa Phl

Posted on: March 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Aabot sa P27.1 billion ang kakailanganin na pera ng Department of Agriculture (DA) para sa kanilang mga programa kontra African swine fever at sa pagpaparami ulit ng bilang ng baboy sa bansa sa loob ng tatlong taon.

 

 

Sa joint hearing ng House Committees on Agriculture and Food at Trade and Industry, sinabi ng DA Usec. Willie Medrano na gagamitin ang P27.1 billion mula 2021 hanggang 2023.

 

 

Sa ilalim ng 2021 General Appropriations Act (GAA), sinabi ni Medrano na P2.6 billion ang alokasyon para sa calibrated repopulation at intensified production, swine breeder multiplier farms, insurance premium, at biosecurity at surveillance program.

 

 

Subalit kulang aniya ang halagang ito at kailangan nila ng P4.297 billion bilang karagdagang pondo.

 

 

Para sa taong 2022, sinabi ni Medrano na P11.340 billion ang kakailanganin nilang pondo, at P9.390 billion naman para sa 2023.

 

 

Ayon kay Medrano, target ng DA na pagsapit ng 2023 ay magkaroon ng 10.5 million finishers mula sa 115,800 farmer beneficiaries ng kanilang mga programa.

 

 

Hangad nilang matanggal sa quarantine ang 90 percent ng 2,100 ASF-affected barangays gamit ang kanilang sentinel approach, at mapalakas din ang production at protection ng mga ikinukonsiderang Green Zones.

 

 

Bukod dito, layon din aniya nilang umabot sa 15.6 million finishers ang masasakop ng insurance mula 2021 hanggang 2023.

Malakanyang, umapela sa EU na imbestigahan ang nangyaring pagpatay sa 9 na aktibista

Posted on: March 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

UMAPELA ang Malakanyang sa European Union (EU) delegation sa bansa na bigyan ng tsansa ang pamahalaan na imbestigahan ang nangyaring pagpatay sa 9 na aktibista sa Calabarzon region noong Linggo.

 

Sa ulat, sinabi ng EU na gumamit ng “excessive force” ang kapulisan at sundalo laban sa mga 9 na aktibista at ang di umano’y iregularidad sa law enforcement operations ay nagdulot ng malaking alalahanin.

 

“I ask the EU to please give the Philippines a chance to discharge its obligation to investigate, punish and prosecute those who may have breached our domestic laws,” ang pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

 

“We are undertaking and discharging the state obligation to investigate prosecute and punish,” dagdag na pahayag nito.

 

Samantala, nagulat naman ang United Nations human rights office (OHCHR), sa pagkasawi ng siyam na aktibista sa Calabarzon matapos ang operasyon doon ng pulisya at militar.

 

Sa isang press briefing sa Geneva, Switzerland kamakailan ay sinabi rin ni OHCHR spokesperson Ravina Shamdasani na nakatanggap siya ng impormasyon na bandang 3:15 ng umaga, Linggo, 8 lalaki at 1 babae ang pinaslang sa Batangas, Cavite, Laguna at Rizal habang sinisilbi ng otoridad ang search warrants na inisyu ng dalawang korte sa Maynila.

 

Nababahala aniya sila na ang insidente ay nagpapahiwatig ng papatinding karahasan sa mga tagapagtanggol ng karapatang-pantao.

 

“We are appalled by the apparently arbitrary killing of nine activists in simultaneous police-military operations in Batangas, Cavite, Laguna and Rizal provinces surrounding Metro Manila in the Philippines in the early hours of Sunday morning,” ani Shamdasani, sa ulat ng UN News.

 

“We are deeply worried that these latest killings indicate an escalation in violence, intimidation, harassment and ‘red-tagging’ of human rights defenders,” dagdag niya, habang binabanggit na may mga insidente na kung saan ang mga human rights advocate ay nire-red-tag.

 

Pinunto rin ng OHCHR na nagresulta rin sa pagkamatay ang pagsisilbi ng search warrant sa gabi, kabilang ang 9 Tumandok na sinilbihan ng search warrant sa Panay. (Daris Jose)

Netizens, na-disappoint sa birthday greetings ni GERALD kay JULIA dahil ‘di man lang nag-effort

Posted on: March 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SOBRANG disappointed ang netizens sa birthday greetings ni Gerald Anderson sa girlfriend na si Julia Barretto na pinost sa kayang IG account.

 

 

Simpleng ‘Happy birthday’ lang kasunod ang heart emoticon at hashstag na #youareablessing.

 

 

Na malayong-malayo sa birthday greetings ni Julia kay Gerald na may effort at maraming kinilig sa post niya na, “Everyday I celebrate you, but today I am extra grateful. Happy birthday my love, I am SO PROUD OF YOU.”

 

 

Opinyon ng netizens, bakit daw hindi man lang nag-effort si Gerald na mag-compose ng sweet birthday greetings na tipong makalaglag panty, since bago pa sila naging out sa public sa kanilang itinagong relasyon.

 

 

Hindi yun simple greetings lang na parang galing sa tito o tatay ni Julia at di man lang nagsabi ng ‘I love you!’.

 

 

Ilan nga sa naging reaction ng netizens na yun iba naman ay nanglait talaga at may nagtangol din naman sa post ni Gerald:

 

 

“alam mo yung nageexpexct ka na kung ano yung post ni gurl mas pa ang post nang guy but oppppsss what a post!

“alam mo girl wla nmn sa haba caption yan e kong mahal nya yong tao hndi na kailngan mg drama pa sa social media , in short everyday nya pinaparamdam off cam, Di tulad ng iba dyan panay flex akala mo sweet yon pla nanglamig na.”

“Dapat may “I AM SO PROUD OF YOU” din.”

“hirap siya sa sariling caption.”
“Short and simple but we know Ge. And thank you for appreciating your BLESSING.”

“Obviously si Julia lang ang in love sa relationship na yan.

“wahahahahaha trot s totoo lng tau whahahaha mukhang babae p nghbol s knya whahahaha hahahahha nkktw.”

“Lagyan mo naman ng I love you. Siya nga proud sayo eh! Aynakooo!”

“Hindi man lang nagsabi ng I love you.”

“Syempre nag-uusap naman sila in private! For sure, he’s told her she’s loved and cared for.”

“Nyahahahhaha after ng big reveal(kahit alam n nman ng lahat), dapat daw bigger bday greetings daw. Lol”

“walang kagana gana ang post ah.””

“Gerald is known for plagiarism other people’s caption, quote, and photo. Which in this, hndi nya ginawa.”

“Hirap ata si Gerald makaform ng sentences.”

“Baka walang mahanap na pag gagayahan ng caption kaya happy birthday na lng.”

“Ako nga never naman ako nag popost ng message sa asawa ko sa social media. No need na. Pwede ko naman sabihin sa personal. Yung mga taong post ng post sa social media ay sila yung hindi secure sa relasyon nila.”

“Katuwa yun message parang galing sa amin para sa anak.”

“di natin masisi tatay figure kasi hahaaaahha blessing.”

“Grabe mga bashers. Ayaw tantanan. Hayaan nyo nalang.”

“GRABE BASHERS MARUNONG PA SA BOYFRIEND KUNG ANO SASABIHIN SA GIRLFRIEND. KAPAG MAHABA ANG GREETINGS I’M SURE ME.MASASABI PA RIN TSUPI MGA AKALA MO SILA ANG BINATI NG HAPPY BIRTHDAY
“LOVE LOVE LOVE LANG BEAUTIFUL COUPLE GERALD AND JULIA
“MAMATAY SA INGGIT BASHERS!!!!”

“daming pakialamero. parang may ambag sa relationship nung dalawa.”

“Dong, magpaturo ka sa boyfriend ni Pia Wurtzbach paano magsulat ng caption na makalaglag salawal.”

“Sobrang generic naman kasi. Kahit sa PA nya pwede gamitin ang exact caption.”

“Kapag sweet dami tira kapag plain lang galit pa din sila???? Whahahahaga! Wala na talaga ginawang tama si Gerald. OA na kayo grabeh. Maawa na kayo ke budoy.”

“dami talaga sobra makasawsaw e. i am sure they both know how dear they are to each other, no validations needed. yung pag amin ay more than enough. wag na kayo feeling entitled.”  (ROHN ROMULO)

‘Abe-Nida’, passion project ni Direk LOUIE; hinintay na maging available si ALLEN at dream din makatrabaho si KATRINA

Posted on: March 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

BALIK sa pagpoprodyus ang BG Productions International matapos manahimik dahil sa pandemya.

 

 

Ang comeback movie ng kompamyang pag-aari ni Madame Baby Go ay ang Louie Ignacio art film titled Abe-Nida, na bida sina Allen Dizon at Katrina Halili.

 

 

Ayon kay Direk Louie, passion project niya itong Abe-Nida at talagang hinintay niya ang availability ni Allen dahil ang award-winning actor ang gusto niya to play Abe sa project niya.

 

 

Eight years old na raw ang passion project niyang ito, ayon pa kay Direk Louie pero hindi niya ito magawa kasi masyadong naging busy si Allen sa ibang projects. Wala naman daw siyang ibang choice for the role kundi ang Kapampangan actor.

 

 

“Magaling na actor si Allen pero I want to challenge him more dahil isang mentally-challenge sculptor ang role nito sa Abe-Nida. Bagay kay Allen ang role and excited na ako kung paano niya gagampanan ang papel ni Abe,” wika pa Direk Louie.

 

 

Dream din ni Direk Louie na makatrabaho si Katrina Halili sa pelikula dahil unang kita pa lang niya rito sa StarStruck season 1 ay naniniwala na siya na may potential ito bilang aktres.

 

 

Si Direk Louie ang sumulat ng kwento ng Abe-Nida pero ang sumulat ng script ay si Ralston Jover, ang award-winning writer-director of several indie movies na prinodyus ng BG Films International.

 

 

Ayon pa kay Direk Louie, inspired by a true story ang kwento ng Abe-Nida. Tungkol ito sa matinding pagmamahal ng isang sculptor sa kanyang asawa at kung ano ang naging epekto sa kanya matapos siyang iwan nito.

 

 

“Maganda talaga ang kwento and inspired ako na gawin ito,” sabi pa ni Direk Louie.

 

 

Bukod kina Allen at Katrina, kasama rin sa movie ang mga award-winning directors na sina Ms. Laurice Guillen at Joel Lamangan (na nagwagi ng Gawad Urian para sa School Service, na project din ni Direk Louie). Tampok din sa movie ang nagbabalik-pelikula na sina Leandro Baldemor at Ina Alegre.

 

 

Very thankful sina Direk Louie sa dalawang premyadong director dahil pumayag silang mag-artista sa pelikula niya.

 

 

Si Laurice ang gaganap na tiya ni Allen samantalang si Joel naman ay gaganap na pari.

 

 

Lock in ang shooting ng Abe-Nida at nakatakda ang first shooting day nila sa April 12.

 

 

***

 

 

PWEDENG-PWEDE na idagdag ni Iza Calzado sa kanyang memorable TV screen portrayals ang papel niya bilang Ellice sa pinag-uusapang Kapamilya serye na Ang Sa Iyo Ay Akin.

 

 

    “Ellice would do everything for her child (played by Kira Balinger).Her family is what is important to her. I would like to thank Kira for allowing me to be a mother to her on the set. Is this a preparation for motherhood but I must say it is a wonderful experience to have portrayed Ellice,” kwento ni Iza sa farewell presscon ng teleserye.

 

 

Sabi pa ni Iza, sa maraming naganap sa kwento, ang tamang desisyon ang sinunod ni Ellice para sa kanyang anak.

 

 

Pinapurihan din ni Iza ang buong production team ng Ang Sa Iyo Ay Akin dahil nakagawa sila ng isang highly-entertaining show despite the challenge of the pandemic. Binuo ng production ang isang bonggang palabas na bumihag sa puso ng mga manonood.

 

 

“I am amazed that people from all over the world find ways to watch the show matapos na mawalan ng franchise ang ABS-CBN. Hindi bumitiw ang tao sa panonood. Kaya naman very thankful ako na kahit sa huling dalawang linggo ng program ay mapapanood kami sa TV5,” wika ng award-winning actress.

 

 

Winika pa ni Iza na hindi daw dapat palampasin ang natitirang episodes for the finale week dahil mas marami pang matitinding rebelasyon ang mabubunyag.

 

 

Nagpaslamat din si Iza sa ABS-CBN management for continuing the show despite the difficulty brought by the pandemic.

 

 

“We had to adjust because of the pandemic but little did we know that we are going to have a good run because of the support given to us by the audience,” sabi pa ng aktres.

 

 

Don’t miss the heart-pounding last two weeks of the hit series which airs nightly at 8:40 PM on A2Z channel and TV5.   (RICKY CALDERON)