Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
MAAARING makatanggap ang Pilipinas ng 30 milyong doses ng India-manufactured coronavirus vaccine mula sa American firm Novavax sa second quarter o third quarter ng taon sa oras na malagdaan na ang kasunduan.
Sinabi ni Ambassador Shambhu Kumaran na ang usapan sa pagitan ng Indian officials at ni Philippine vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. para sa supply ng Novavax vaccines ay isinasagawa na.
“The discussions are essentially underway for 30 million doses and I believe that the Philippine side is interested in a larger number and that detail is being currently negotiated,” ani Kumaran.
Aniya, ang negosasyon para sa Novavax vaccine ay “pretty much a done deal.”
“We’re very hopeful that this vaccine can reach early in the third quarter or in the late second quarter of this year. It will provide the backbone for the Philippines’ vaccination effort in the second half of this year,” dagdag na pahayag nito.
Maliban sa Novavax doses, pag-uusapan din ng Pilipinas at India ang 8 milyong doses ng Covaxin na dinivelop ng Indian firm Bharat Biotech.
“The advantage of Bharat is that we could potentially start supplies in late April or in May so that will be a useful supplement to some of the vaccine supplies that are coming into the Philippines,” ani Humaran.
“The third pipeline is, potentially, which is still to be determined because there are licensing issues to be addressed, AstraZeneca sourced from Serum Institute also,” pahayag pa nito.
Ang Serum Institute of India ay ang pangunahing manufacturer ng AstraZeneca vaccines. (Daris Jose)
Inaasahan umanong malalaman na sa mga susunod na araw ang detalye ng pinaplantsang bakbakan sa pagitan nina American welterweight contender Mikey Garcia at Pinoy ring icon Sen. Manny Pacquiao.
Ayon kay Garcia, posibleng ilabas na raw sa mga susunod na araw ang petsa at lokasyon ng magiging laban nila ng Fighting Senator.
Pero sinabi ni Garcia, posibleng mangyari raw ang boxing match sa buwan ng Mayo.
Paglalahad pa ng 33-year-old boxer, matagal na raw niluluto ang laban ngunit mas luminaw lamang ang mga detalye noong nakalipas na taon.
Una rito, sinabi ni Pacquiao na malaki umano ang tsansa na si Garcia ang makakatunggali nito sa kanyang comeback fight.
Pero inilahad ni Pacquiao na posible pa itong magbago lalo pa’t hindi pa rin daw tapos ang diskusyon naman sa kampo ni pound-for-pound king Terence Crawford.
NGAYON lang daw nararanasan ni Mark Herras na mapuyat dahil sa pag-alaga ng anak nila ni Nicole Donesa na si Baby Corky.
Night shift nga raw ang hawak ni Mark sa pag-alaga sa baby niya. Buong araw daw kasi na si Nicole ang tumitingin kay Baby Corky, kaya pagdating ng gabi hanggang madaling araw, ang aktor na ang bahala.
Inamin ni Mark na noong una ay takot siyang magpalit ng lampin ng baby. Ngayon ay kaya na niya kahit inaantok pa siya.
“Medyo takot pa ako kasi may pusod pa si Corky. Pero parang kailangan kong ma-overcome ‘yung takot na ‘yun siyempre kailangan ko ma-experience ‘yung pagpapalit ng diaper ng anak ko siyempre habang bata. Habang nagda-diaper pa siya; kasi sobrang bilis ng panahon ngayon.
“We need to be patient talaga; ‘yung pagkakaroon ng mahabang pasensya. Yung pagod, ‘yung puyat, kasama po talaga ‘yun sa process. Kasama ‘yun sa pagiging ama.”
Naging bonding moment daw nila Baby Corky ang madaling-araw na pag-alaga niya rito.
“Excited ako kapag buo na ‘yung buong structure niya. Kumbaga matibay na, like ‘yung leeg niya, hindi pa naman kailangan totally nakakalakad pero alam mo ‘yung time na puwede na kami sumayaw na kahit konting galaw galaw.”
***
DELETED na ang pinost na photo ni Solenn Heussaff kunsaan nakaupo siya sa silya at nasa likod niya ang kanyang painting na na puro halaman at kinunan siya sa isang slum area.
Maraming netizens ang nag-react sa photo na ito ni Solenn at tinawag siyang nang-e-exploit ng poverty ng Pinoy.
May ibang nag-comment na ang mga mayayaman na tulad ni Solenn ay ginagamit ang poverty para sa pansarili nilang interes. Sana raw ay tumulong na lang sila kesa sa ginagamit ang kahirapan sa kanilang art exhibit.
Pagkatapos na i-delete ni Solenn ang photo, nag-apologize ito sa mga inakala’y insensitive siya. Ang painting daw niya ay nagsisimbolo ng pag-asa para sa marami.
“Yung mga comments naman, a lot of them are very relevant and really eye-opener para sa akin, so I saw their side. So, yun, I wanted to apologize to everyone.
“But my whole purpose was to show na life was so abundant before, until we started doing everything that we’re doing. There is still a way for us to reach that if we start today. That was the painting and the photo,” pahayag ni Solenn.
Dagdag pa ni Solenn na hindi raw niya ine-exploit ang kahirapan ng bansa.
“Alam ko naman na I’m privileged, but hindi ibig sabihin na bobo ako o hindi ko alam kung ano yung mangyayari. So, it’s not because I’m privileged that I can’t care about the people I see every day.
“Naiintindihan ko naman. I tried to explain myself to some people, but I saw na naging out of hand at some point, so I just decided to delete it.”
Alam daw ni Solenn na may pagkukulang siya sa ginawa niyang pag-post sa social media. Hindi raw niya na-explain ang idea niya kaya nabigyan ng ibang interpretation ang post niya.
“My whole point when I posted that photo, may idea ako sa utak ko. I didn’t see any other opinions so that was my mistake.
“But my point was to show it in the middle of the urban jungle where we’re all familiar with, we shot in the street in Las Piñas, a regular street. I guess people saw it in a different way and I wasn’t able to explain myself properly.”
***
NAIS na raw ng boyfriend ni Britney Spears na si Sam Asghari na magkaroon na sila ng sarili nilang anak.
Sey ng 27-year-old fitness trainer: “My priorities in life are to remain humble and understand where I came from and where I’m going. I want to take my career to the next step when it comes to acting. I want to take my relationship to the next step, as well. I don’t mind becoming a father. I want to be a young dad.”
Nainggit daw kasi si Sam noong i-post ni Britney sa Instagram ang dalawang teenage sons nito na sina Sean Preston (15) and Jayden James (14).
Nasa kanyang early twenties ang singer noong magkasunod niyang ipagbuntis ang mga anak niya.
“I haven’t posted pictures of them for some time cause they’re at the age where they want to express their own identities and I totally get it …. But I went out of my way to make this cool and guess what …. They’re finally letting me post it !!! Now I don’t feel left out anymore and I’m gonna go celebrate …. Oh s–t I guess cool moms don’t do that … Ok I’ll just read a book instead!” sey ni Britney.
Since 2016 pa may relasyon sina Britney and Sam after nilang gawin ang music video na “Slumber Party”. (RUEL J. MENDOZA)
KAILANGAN na kumpleto ang gamit ng Philippine National Police (PNP) sa kanilang mga operasyon.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, na sa buwan ng Abril ngayong taon ay makagagamit na ang PNP ng body cams sa kanilang operasyon.
Layon nito na pahupain ang pangamba ng publiko kapag may mga taong napapatay sa police raids.
“The body cams are there already. Training is ongoing and we expect these body cams to be used by April to erase doubts that the public may have on what really happens during police operations and when somebody dies in those operations,” ayon kay Sec. Roque.
“Kasi ‘yang body cam po ay physical evidence at hindi po magsisinungaling ang physical evidence,” dagdag na pahayag nito.
Ang pagtiyak na ito ni Sec. Roque ay sa gitna ng patuloy na isinasagawang imbestigasyon ng Justice Department sa pagkamatay ng 9 na aktibista sa Calabarzon Region sa isinagawang police operations noong nakaraang linggo.
Ang police operations ay isinagawa para isilbi ang search warrants para sa explosives at iba pang nakamamatay na armas.
Samantala, umapela naman Malakanyang sa European Union (EU) delegation sa bansa na bigyan ng tsansa ang pamahalaan na imbestigahan ang nangyaring pagpatay sa 9 na aktibista sa Calabarzon region noong Linggo.
Sa ulat, sinabi ng EU na gumamit ng “excessive force” ang kapulisan at sundalo laban sa mga 9 na aktibista at ang di umano’y iregularidad sa law enforcement operations ay nagdulot ng malaking alalahanin.
“I ask the EU to please give the Philippines a chance to discharge its obligation to investigate, punish and prosecute those who may have breached our domestic laws,” ani Sec. Roque.
“We are undertaking and discharging the state obligation to investigate prosecute and punish,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)
Hinimok ng League of Provinces of the Philippines (LPP) ang Inter-Agency Task Force na obligahin ang mga biyahero na sumailalim sa COVI-19 testing sa entry point ng mga lalawigan.
Ayon kay LPP President at Marinduque Gov. Presbitero Velasco Jr., hihilingin daw nila sa IATF na payagan sila na magsagawa ng alinman sa PCR test, saliva test o antigen test upang madetermina kung positibo sa virus ang mga magtutungo sa kanilang mga lokalidad.
Sakali namang antigen test ang gagamitin ng isang LGU at magpositibo rito ang isang indibidwal, sinabi ni Velasco na agad nila itong ika-quarantine at isasailalim sa confirmatory swab test.
Noong Marso 1 nang bawiin ng pamahalaan ang travel authority na inisyu ng PNP at ocal health certificate requirements para sa domestic travel.
Nababahala din daw si Velasco na maraming mga indibidwal ang asymptomatic o walang sintomas ng COVID-19.
Iginiit din ng opisyal na mahirap daw malaman kung carrier ng virus ang isang indibidwal kung susundin ang IATF Resolution 101. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
Nakapag-ulat ang Department of Health (DOH) ng 3,749 bagong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) ngayong Huwebes, bagay na nag-aakyat sa kabuuang local infections sa 607,048.
Batay sa mga bagong nakalap na datos ng Kagawaran ng Kalusugan, narito ang bagong mga pasok na datos para araw na ito:
Anong bago ngayong araw?
Target ng gobyerno na mabakunahan ang nasa 50 milyong Filipino ngayong taon, ayon kay Secretary Vince Dizon.
Sinabi ni Dizon na upang maisakatuparan ang pagbabakuna sa 50 milyong Pinoy, kailangang maturukan ang nasa 250,000 hanggang 300,000 kada araw.
“We have a goal of inoculating of about 50 million Filipinos this year. To achieve that target we need to, for the remainder of the year, especially when the bulk of the vaccine comes in, give roughly about 250,000 to 300,000 per day,” ani Dizon.
Sinabi rin ni Dizon na inaasahang darating ang maraming bakuna laban sa COVID-19 ngayong taon.
Nauna rito, nagsimula na ang pagbibigay ng bakuna sa mga medical frontliners noong nakaraang linggo matapos dumating sa bansa ang donasyon ng China na gawa ng Sinovac.
Nasa 1.1 milyon doses ng bakuna laban sa COVID-19 ang dumating na sa bansa kung saan 600,000 doses ay gawa ng Sinovac at nasa 500,000 doses ang mula sa AstraZeneca.
Kinumpirma rin ni Dizon sa Laging Handa public briefing na bukod sa 600,000 doses na Sinovac vaccine, mayroon pang parating na 400,000 dagdag na bakuna.
SIMULA noong March 11 ay pansamantalang isinara ang main office ng Commission on Elections (Comelec) sa Intramuros, Maynila dahil sa mga nagpositibong mga kawani nito sa COVID-19.
Bukod sa main office, sarado rin ang opisana ng Regional Election Director of National Capital Region (NCR), Region IV-A at Region IV-B hanggang Marso 24, 2021.
Ito ay bilang bahagi na rin ng pag-iingat para maiwasan ang pagkalat ng virus lalo pa’t may nangyari umanong hawaan sa mga empleyado.
Bagama’t sarado ang nasabing opisina, tuloy pa rin naman ang transaksyon sa pamamagitan ng kanilang Facebook at Twitter accounts.
Para sa anumang mga katanungan ay maaaring sa nasabing mga social media accounts na lamang ng Comelec bumisita tuwing regular working hours.
Sinabi naman ni Comelec Spokesperson James Jimenez na tuloy din ang paghahanda ng Comelec sa plebesito sa Palawan maging ang paghahanda sa 2022 National and Local Elections.
“We wish to assure the public, however, that work remains unhampered. Preparations for the Palawan Plebiscite as well as the 2022 National and Local Elections are underway and will continue to be undertaken by the officials and employees responsible,” sinabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez. (GENE ADSUARA)