• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 19th, 2021

Posibleng paghihigpit sa pagpapauwi sa mga probinsiya ngayong papalapit na Holy Week

Posted on: March 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAKAANTABAY ang Malakanyang kung magkakaroon ng paghihigpit sa magiging pagbiyahe o pag- uwi ng marami sa ibat-ibang mga lalawigan para sa nalalapit na Mahal na Araw.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, sa ngayon ay wala pa siyang maisasagot kung paano ang magiging set up sa magiging pag-uwi ng mga kababayan nating nais na maitawid ang Kuwaresma sa kani- kanilang mga probinsiya.

 

Aniya, isang collegial body ang Inter-agency Task Force (IATF) na kailangang magkasundo sa isang desisyon para sa isang usapin gaya halimbawa ng magiging pag- uwi ng mga kababayan natin ngayong holy week.

 

“Hindi ko po masasagot iyan dahil ang IATF po ay isang collegial decision at kinakailangang pagkasunduan pa iyan, dito sa darating na huling linggo ng Marso,” ang pahayag ni Sec.Roque.

 

Magkagayon man, naniniwala naman si Sec. Roque na dahil sa walang trabaho sa nalalapit na pista opisyal ay magkakaroon ng less mobility ang mga tao.

 

Giit ni Sec. Roque, kailangan ito para mapabagal ang pagkalat ng COVID-19.

 

“Pero siyempre po lahat po tayo looking forward to Holy Week, kasi sa Holy Week naman talaga walang trabaho, so parang magkakaroon po talaga tayo ng less mobility. At iyan po ang kinakailangan natin ngayon para mapabagal ang pagkalat ng COVID-19,” ang pahayag ni Sec. Roque. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

SHARON, na-in love sa malambing na aspin kaya pinahanap para ampunin; ‘Pawi’, natagpuan na

Posted on: March 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MATAPOS na i-post ni Megastar Sharon Cuneta ang video ng isang aspin na naglalambing sa kanya sa Instagram account ay pinost din niya ang larawan ng aso.   

 

Pinahanap niya ito sa Olangapo sa isang saradong beach resort na kung saan doon sila nag-shooting ng Revirginized kasama si Marco Gumabao.

 

“Sana talaga inuwi ko na siya.  Nakapasweet. May sakit sa balat at halos sumara na mga mata sa muta. Baka may makakilala sa inyo sa Olangapo.   

 

“Malambing ang asong ito sa akin di ko makalimutan. Sana makita sya,” post ni Sharon.

 

At ilang araw nga ang nakalipas ay may magandang balita si Sharon tungkol sa aspin na pinangalanan niyang Pawi.

 

In the middle of a very scary, uncertain time in my life where the life of a confidante/mother-figure/loyal friend and long-time make-up artist whom I have loved for three decades seems to be on the brink…when I didn’t get to sleep a wink at all last night and am just having my first bite of food for the whole day, which I spent lying in bed and in darkness…God sent a ray of sunshine…a suddenly full heart…joy in the midst of pain and fear…SOMEONE FOUND THE DOG I FELL IN LOVE WITH IN OLONGAPO!!!,” masayang post ni Sharon.

 

 

Sa pagpapatuloy ng mahaba niyang post, Thank you from the bottom of my heart, Jervy Castillo of The Homeless Dog Shelter in Subic! They found you, my doggie that was meant to be mine! I could never stop thinking about you and now I cannot wait to hold you and love you the way you have always deserved to be! When you walked up to me and I patted your head, then you rubbed your face so very gently and lovingly on my leg, you seemed like you wanted me to take you home with me. And now, after the great Vets there are done treating you, you are coming HOME to me! They say you are about 8 years old…just like my Ari…Oh what life must have made you go through! You are safe now, baby boy. Mama’s here now and I will love you…I will make the rest of your years happy and you will NEVER have to search or beg for food again or a place to sleep where you would feel safe…never have to panic to seek shelter from the rain and other elements…You will become a PRINCE and be loved like you’ve never been loved before! I love you. I fell in love with you the moment we met and I should have brought you home right then. But all will be well now. All IS well now! I cannot wait to see you again and this time hold you and love you!             

 

 

In-explain din ni Mega kung bakit Pawi ang napili niyang name ng malambing na aspin.

 

And do you know what your name will be? You will be PAWI!!! Because I met you where Pawi @gumabaomarco and I were filming! You are special. Your age doesn’t matter to me. My love for you does. You’ll be home soon, Pawi boy! Hang in there! The good doctors will take good care of you. And then…you’ll see just how much Mama will love you! Praise God. Thank You Jesus! #pawiboy #elprincipedelareina #pawidelamega #proudaspin #belovedaspin #principepawi @ralig @nsyshows @angelsyang @jingmontano.”                            

 

Tuwang-tuwa naman ang netizens na ginawang ito ni Sharon, at excited na sila sa muling pagkikita ng kanyang Pawi boy.   Ilang sa naging reaction nila:

 

“God bless you for giving this dog a home. Marami sa atin gusto lang yung mga imported breed of dogs when aspins are even more affectionate and easy to take care of.”

 

“Yes! Adopt, don’t shop!”

 

“I can’t wait to see how Pawi looks like after his treatment.”

 

“Sana ivlog ni Sharon ang muli nilang pagkikita ng Aspin na si Pawi.”

 

“I love this! Thanks Mega for saving this dog and giving him a home 🙂 Kung mayaman lang ako nagpagawa na ko shelter for dogs.”

 

“In all of your post, this is when you got my respect and love. Thank you Sharon for giving him a forever HOME. I LOVE DOGS they are super loyal and sweet.”

 

“Thanks Shawie for adopting the dog! This post is so heartwarming! I’m excited to see him in your arms!”

 

“Ka swerte naman this dog. Love.”

 

“Pawi is an angel sent to cheer Mega up.”

 

“God bless your heart, Sharon.”

 

“Deadma ako kay Sharon before, but because of this, I’m now a fan.” (ROHN ROMULO)

Diaz delikado sa ika-4 na Summer Olympic Games

Posted on: March 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAMEMELIGRONG mabulilyaso ang magiging rekord na ikaapat na sunod na 32nd Summer Olympic Games ni Hidilyn Diaz at ang napipintong wakasan ang tagtuyot sa gold medal ng ‘Pinas sapul noong 1924 sa Paris, France.

 

 

Hindi ito kasalanan ng 2016 Rio de Janeiro Olympics women’s weightlifting silver medalist, kundi  sa pasaway na International Weightlifting Federation (IWF) na balot ng korapsyon sa pananaw ng International Olympic Committee (IOC).

 

 

Sumingaw nitong Huwebes mula sa weightlifting manager for Tokyo 2020 na itinulak ng IWF board sa panganib ang kinabukasan ng sport sa pagsasagawa nang matagal nang naurong na halalan sa Oktubre, na labis kinabanas ng IOC.

 

 

Idinagdag pa ni IWF technical committee  administrator & senior member  Reiko Chinen na hindi sang-ayon ang IOC sa hakbang ng board.

 

 

Giniit na minsan ng Olympic body na plantsahin na muna ang konstitusyon ng organisasyon saka mag-eleksiyon ng mga bagong opisyal ang pederasyon.

 

 

Nakatakda ang quadrennial sportsfest na inurong lang ng Coronavirus Disease 2019 sa parating na Hulyo 23-Agosto 8 sa Tokyo, Japan. (REC)

Tatlong cabinet secretaries, naka- quarantine rin ngayon

Posted on: March 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

TINATAYANG may tatlong cabinet secretary ang naka- quarantine ngayon.

 

Ito’y maliban kay Presidential Spokesperson Harry Roque na nagpositibo sa Covid -19.

 

Ang tatlong cabinet secretary ayon kay Sec. Roque ay sina  NTF Deputy Chief Implementer testing czar Sec. Vince Dizon. Si Dizon  ay nakahulubilo ni Sec. Roque dahil magkasama sila sa isang event sa Ilocos Norte nitong nakalipas na Biyernes.

 

Ani Sec. Roque, sinabihan na niya ang iba pang mga indibidwal na kaniyang nakasama mula nitong march 11 hanggang march 14 para sila makapag self isolate o quarantine na rin.

 

Sinabi pa nito na kasama niya at nakasalamuha  niya sa mga panahong ito ay si ilocos norte governor matthew joseph marcos manotoc.

 

Bukod kay Dizon, naka- quarantine din ngayon si NTF chief implementer Carlito Galvez jr. dahil galing ito sa abroad o sa India kung saan siya nagsara ng 30 milyong doses ng Novavax.

 

Kasama sa protocol na kapag glling sa ibang bansa at bumalik dito sa pilipinas ay obligadong sumailalim sa quarantine protocols.

 

Habang ang pangatlo namang cabinet secretary na naka-quarantine ay si Defense Secretary Delfin Lorenzana, dahil na exposed din ito sa nagpositibo sa Covid -19.

 

Dahil dito, sa public address ni Pangulong Rodrigo Roa Dutere, Lunes ng gabi ay tanging si Health Secretary Francisco Duque III lamang ang cabinet secretary na nakaharap nang face to face ng Chief Executive dahil sina Sec. Roque, Galvez at Lorenzana ay naka zoom sa ginanap na pulong.  (Daris Jose)

Yee, Davao binulaga ang San Juan sa Game 1 OT

Posted on: March 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KUMANAW si ex-pro Mark Yee ng all-around game nang gulantangin ng Davao Occidental Tigers-Cocolife ang defending champion San Juan Knights Go For Gold sa overtime, 77-75, para sa 1-0 lead  sa pinagpatuloy na 3rd Maharlika Pilipinas Basketball League Lakan Cup 2019-20 National Finals best of five series sa Subic Bay Gym Miyerkoles ng gabi.

 

 

Nagtulos ng tatlong freethrow ang 39 na taong-gulang, 6-3 na forward at isinilang sa Sagay City ng 15 points, 8 rebounds, 4 steals at 3 assists upang ibalikwas ang Tigers mula sa 11 puntos na pagkakabaon sa regulasyon at makaungos pa sa kahindik-hindik na limang minutong extra-period.

 

 

“This just shows the character of our team. We don’t give up. Siyempre playing with San Juan, it’s different, we kind of like payback,” lahad ni Davao coach Donald Isidro Dulay, patungkol sa pagkabulilyaso sa national title sa ikalawang taon ng liga nang masingitan ng dumayo pang Knights sa Davao sa winner-take-all Game Five.

 

 

Naka-15 markers din si Emman Calo para sa Tigers na patok sa Game 2 sa Huwebes sa nabanggit pa ring bubble playing venue sa Zambales.

 

 

Si Michael Ayonayon ang nagpilit buhatin ang Knights sa tinagpas na 27 pts.

 

Ang iskor:

 

Davao Occidental Tigers Go For Gold  77 – Yee 15, Calo 15, Custodio 12, Mocon 9, Robles 9, Balagtas 6, Terso 5, Saldua 2, Ludovice 2, Gaco 2, Albo 0.

 

San Juan Knights Cocolife 75 – Ayonayon 27, Wilson 15, Clarito 9, Rodriguez 9, Isit 4, Tajonera 3, Gabawan 2, Estrella 2, Pelayo 2, Reyes 2, Wamar 0, Aquino  0.

 

Quarters: 15-15, 30-30, 43-49, 68-68, 77-75. (REC)

MARIS, pinagdududahan ng netizens kung may relasyon na sila ni RICO

Posted on: March 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KAARAWAN ni Rico Blanco noong Miyerkules, pero more than his birthday, ang naging pagbati ni Maris Racal sa kanya ang napag-usapan.

 

 

Ang tanong ng netizen na ikinagulat ng halos lahat, “sila ba?”

 

 

Nag-post si Maris sa kanyang Instagram account ng picture ni Rico at ang ikalawang post niya, habang tinutugtugan siya nito ng gitara at nag-duet silang dalawa.

 

 

May nakapansin na bakit wala na raw “kuya” sa tawag ni Maris kay Rico.

 

 

Sa caption niya kasi, “Hi rico. Happy birthday.”

 

 

Isang simpleng “heart” symbol ang reply ni Maja Salvador at marami ang napa-kuwestiyon kung ang dalawa raw ba. Si Alex Gonzaga naman, nag-reply nang, “Ay iba.”

 

 

At katulad din ng napansin nang nanood ng duet video nila,  ang director na si Antoinette Jadaone ay nag-comment nang, “Akala ko may kiss sa dulo ihhhh.”

 

 

At mas lalong napaisip at napatanong ang netizens kung sila nga bang talaga sa naging reply ni Rico sa IG post na yun ni Maris nang, “hahaha love you!!!”

 

 

Kinukuwestiyon ng ibang netizens ang age difference nila, pero meron din naman na nagsasabing hindi na isyu ang age gap ngayon.

 

 

***

 

 

AT least, kahit nagsisimula pa lang sa kanyang singing career, nagpapaka-honest at buong ningning na inamin ng The Clash 3 winner na si Jessica Villarubin na isa rin sa pangarap niyang natupad nang manalo siya ay ang pagpapa-enhance.

 

 

Hindi niya itinago o inilihim na nagpa-enhance siya after raw niyang manalo. Dati pa raw, talagang gusto na niya na magpa-enhance. Bata pa lang daw, binu-bully na siya at sinasabihan ng pangit.

 

 

Minsan feeling din niya, nagiging hadlang yun kapag nag-o-audition daw siya kahit na napaka-bongga ng talent niya bilang isang singer.

 

 

Dati raw, mababa ang confidence niya pero since nagpa-enhanched siya, kahit paano ay na-develop ang confidence niya.

 

 

Masaya rin siya dahil may bago na siyang single at masasabing kanya na, ang “Ako Naman.” Isa rin sa pangarap niya ay makapag-concert at sina Lani Misalucha at Julie Anne San Jose ang pangarap niyang makasama. (ROSE GARCIA)

Nabakunahang health worker namatay dahil sa COVID-19–DOH, FDA

Posted on: March 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nilinaw ng Department of Health at Food and Drug Administration na hindi COVID-19 vaccine ang nasa likod ng pagkamatay ng isang healthcare worker na napabalitang nabakunahan laban sa sakit.

 

 

Nitong araw inamin ng mga ahensya na noong March 15, isang healthcare worker, na naturukan ng COVID-19 vaccine, ang binawian ng buhay.

 

 

“On 15 March 2021, a death was reported in an individual who had received the COVID-19 vaccine and subsequently tested positive for COVID 19.”

 

 

Pero matapos daw imbestigahan ng regional at national Adverse Events Following Immunization Committees (AEFI), natukoy na impeksyon sa COVID-19 ang dahilan ng pagkamatay ng nasabing healthcare worker at hindi ang itinurok na bakuna.

 

 

Ginamit umano ng mga komite sa pag-iimbestiga ang 2019 AEFI casuality assessment methodology ng World Health Organization.

 

 

“In response, the regional and national AEFI committees were activated to conduct a thorough investigation of the case. Upon completion of the investigation following the 2019 WHO AEFI causality assessment methodology, the NAEFIC and RAEFIC concluded that the cause of the death was caused by COVID-19 itself, not by the COVID-19 vaccine.”

 

 

Binigyang diin naman ng DOH at FDA na walang kakayahan ang mga bakuna na hawaan ng COVID-19 ang mga babakunahang indibidwal.

 

 

Gayundin na mas matimbang pa rin ang mga ebidensya na may benepisyo ang bakuna kumpara sa posibleng banta nito sa babakunahan.

 

 

“COVID-19 vaccines cannot cause COVID-19… evidence continues to show that the benefit of vaccination outweighs the risk of severe disease and death caused by COVID-19.”

 

 

Wala nang ibinigay na impormasyon ang Health department tungkol sa kasarian, at edad ng namatay na healthcare worker, at brand ng bakuna.

 

 

Hinimok naman ng DOH at FDA ang iba pang healthcare workers na magpabakuna lalo na’t patuloy na tumataas ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

 

 

“The DOH and FDA emphasize that vaccines are only one part of the solution in bringing the COVID-19 pandemic to an end. Even with vaccines, people must continue with the important prevention measures already in place: wearing masks, maintaining physical distancing, washing hands frequently, and avoiding crowded places and settings.” (Daris Jose)

De Luna nagkampeon sa Florida sidepocket 9-ball

Posted on: March 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MAY ilang ilang araw  pa lang ang nakararaan nang mamayagpag sa Sunshine State Pro Am Tour 2021 Stop 2 si Jeffrey de Luna.

 

 

Sinundan niya agad ng isa pang korona ang kanyang ulunan sa paghahari naman sa The Sidepocket Open 9 Ball Championship #23 Mardi Grass sa Brewlands sa North Lakeland, Florida.

 

 

Walang talo sa isang araw na tumbukan na nilahukan ng 128 bilyarista ilang araw pa lang ang nakalilipas ang 37-anyos na Pinoy cue artist.

 

 

Kilala rin sa mga palayaw niyang ‘The Bull’ at ‘Jeff Bata’, ito ang ikalawang sunod niyang tagumpay sa Estados Unidos sa taong ito sa pagrenda sa 1-2-3 puwestong pagsakop ng mga Pinoy sa torneo.

 

 

Dianig niya sa pinale si Warren Kiamco na galing sa loser’s bracket. Tinalo na rin niya sa eliminations ang kapwa dating national player.

 

 

Pumangatlo si Zoren James Aranas. (REC)

Gumabao huwarang atleta

Posted on: March 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

HINDI lang magagaling ang ating mga mga elite at national athlete, kasama siyempre ang mga volleybelle.

 

 

Matitinik sila sa playing court, pati rin pagdating sa pagtulong sa mga kapwang nangangailangan ng pagkalinga.

 

 

Isang taon na nitong Marso 15 nang mag-lockdown ang ‘Pinas.

 

 

Nagsulputan ang mga manlalaro para sa mga frontliner at sa maraming komunidad labis na naapektuhan ng Coronavirus Disease 2019 na ngayo’y pandemya pa rin.

 

 

Isa sa mga kumilos sa pagmamalasakit sa kapwa si Premier Volleyball League (PVL) star at beauty queen Michele Therese Gumabao ng Creamline.

 

 

Naglunsad ang 28-anyos na dalaga at naninirahan sa Quezon City, ng ‘Your P200 fundraising drive’.

 

 

Ang hakbang niya ay nagresulta para makapaghandog ng relief packs, toiletry bags, face masks, alcohol, face shield at iba pang kagamitan para sa mga barangay, Nagkaroon din siya feeding programs sa mga mahihirap na mamamayan.

 

 

Hindi nakahampas ng bola buong isang taon si Gumabao at mga kasamahang balibolista, pero hataw naman sa pagtulong.

 

 

Nakita ng Opensa Depensa ang kanyang sakrispisyo, oras at hirap makaayuida lang sa ating mga naghihikahos sa buhay.

 

 

Kaya saludo ang pitak na ito sa iyo Michele Therese. Nawa’y lumawak pa ang tribo mo!

 

 

At siyempre good luck na rin sa magiging kampanya mo at ng Cool Smashers sa PVL Open Conference sa darating na huling linggo ng Mayo. (REC)

NBI, posibleng pumasok na rin sa imbestigasyon sa umano’y ‘tongpats system’ sa DA – DoJ

Posted on: March 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nakahanda raw ang Department of Justice (DoJ) na imbestigahan ang kontrobersiya sa “tongpats sytem” sa Department of Agriculture (DA).

 

 

Sinabi ni Justice Sec. Menardo Guevarra, sa ngayon ay kinakailangan lamang na makakuha sila ng mga impormasyon hinggil sa sinasabing tongpats o suhulan sa DA partikular sa meat importation.

 

 

Tinitiyak ng kalihim na sa sandaling makita niyang may sapat na basehan para sa malalimang imbestigasyon ay agad niya itong ire-refer sa National Bureau of Investigation (NBI) at sa Task Force Against Corruption.

 

 

Ang naturang alegasyon ng tongpats sa imported pork ay pinaiimbestigahan na ni DA Sec. William Dar.

 

 

Pero sa ayon sa Pork Producers Federation of the Philippines, mas makabubuti kung ang DOJ o ang NBI ay manghimasok at magsiyasat sa sinasabing problema sa DA.

 

 

Umaasa rin ang mga magbababoy na matutulungan sila ni Sec. Guevarra hinggil sa kanilang problema sa DA na imbes na pumapanig sa kanila ay nagpapahirap pa raw sa mga magsasaka na apektado na nga ng smuggling, African Swine Fever at sobra-sobrang importasyon. (Daris Jose)