• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 10th, 2021

IMBENTOR ng SEATBELT DAPAT TULARAN sa PANAHON ng PANDEMYA ILIGTAS MUNA ANG PILIPINO BAGA MAGNEGOSYO

Posted on: April 10th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Sa ngayong panahon ng pandemya, may makukuha tayong aral kay Nils Bohlin ang imbentor ng V type 3 point safety seatbelt lalo na at nakalulungkot na may mga taong negosyo at politika ang inuuna kaysa sagipin ang buhay ng kapwa.  Si Bohlin ay isang inhinyero ng Volvo na isang car manufacturer. Naimbento niya ang seat belt noong 1959.  Ang seatbelt ay naging sagot sa paghahanap ni Bohlin ng solusyon dahil marami ang namamatay sa mga car crashes noon. Naging matagumpay ang imbensyon ni Bohlin at ng Volvo. Kung tutuusin dahil imbensyon niya ay pwede niya i-patent ito at tanging volvo cars lang ang may seatbelt. Napakalaking business advantage sana nun laban sa mga ka kumpetensyan ng Volvo. Pero hindi swapang sa karangalan at salapi si Bohlin at sabi nga niya – “This invention is too significant not to share”. Binuksan nila ang patent ng seatbelt kahit sa mga ka-kumpetensya sa automobile industry. “The seatbelt had more value to save lives than to profit from it.” Mas mahalaga na makasagip ng buhay kaysa sa kita o negosyo.  At dahil nga kay Bohlin ay marami ang naligtas sa mga car crashes at naging importanteng bahagi ang seatbelt sa mga sasakyan magmula noon.  Sa panahon ngayon ay magandang ehemplo si Bohlin at ang seatbelt na kanyang inimbento – na kailangan ay ma-isang tabi ang negosyo at pulitika. Buhay muna!

 

 

Halimbawa, may mga reports na sa ilang ospital ay tinatanong sa pamilya ng nasawi kung OK ba sa kanila na ilagay na cause of death ay Covid19. Bakit? Dahil ba mas kikita sila dito.  May mga gamot na sinasabing mabisa panlaban sa Covid 19 pero dahil lang sa kalaban sa negosyo o sa pulitika ang nag-offer nito bilang lunas ay kaagad sinisiraan at kaagad tinatanggihan.

 

 

Ganun din ang vaccines na imbes ang lunas ang nakikita ay maari daw may mga side effects ito na nakamamatay.  Ang iba naman diskarte ay tatakutin ang mga tao at sasabihing itong produkto namin ang lunas dyan. Tuloy nalilito ang tao kung ano ba ang totoong lunas. Baka naman lahat ng ito ay lunas pero dahil sa kalaban sa negosyo o sa politika ay kailangan siraan. Paano naman kung talagang makakatulong ang mga ito. Sayang naman. Kaya mahalaga rin na ang mga sinasabing medical experts at ang mga nasa gobyerno na nakakapag garantisado ng lunas ay walang vested interest at pinagkakatiwalaan ng tao.  Matuto tayo kay Nils Bohlin at ang kanyang seatbelt invention.  Dahil kung hindi ay kawawa ang tao dahil hindi matatapos ang pandemyang ito hanggat pinagkakakitaan imbes na sinusugpo at nilulunasan. (ATTY. ARIEL ENRILE-INTON)

Quarantine classification ng NCR Plus, pagpupulungan bukas ng IATF

Posted on: April 10th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAKATAKDANG magpulong ngayong araw ng Biyernes, Marso 10 ang Inter-Agency Task Force para pag-usapan kung palalawigin pa ba ang Enhanced Community Quarantine o hindi na.

 

Magtatapos na kasi sa Abril 11 ang one week extension ng ECQ.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, isa ang quarantine classification sa nabuong dapat na mapag- usapan kasunod ng isinagawang pulong ng mga miyembro ng gabinete kagabi.

 

Aniya, sa pulong bukas malalaman kung maaari na bang magluwag ng bahagya ang NCR plus o kung dapat pa rin bang ipairal ang kasalukuyang quarantine protocol na ECQ.

 

Samantala, inaaasahan namang malaki ang magiging papel ng estado ng health care utilization rate sa gagawing pagpapasiya ng IATF na siya ring naging isa sa mga batayan sa pagpapatupad ng ECQ at ginawa pang pagpapalawig nito ng isa pang linggo. (Daris Jose)

PH vaccination hindi maapektuhan ng paghinto sa pagbabakuna ng AstraZeneca: DOH

Posted on: April 10th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Naniniwala ang Department of Health (DOH) na hindi maapektuhan ng paghinto sa pagbabakuna ng AstraZeneca ang vaccination program ng Pilipinas laban sa COVID-19.

 

 

“I don’t think so,” ani Health Usec. Maria Rosario Vergeire nang tanungin sa isang media forum.

 

 

Nitong Huwebes nang ipahinto ng DOH at Food and Drug Administration (FDA) ang pagtuturok ng AstraZeneca vaccines sa mga edad 59-anyos pababa.

 

 

Ito’y kasunod ng mga ulat na may ilang nabakunahan sa Europe ang nakaranas ng pamumuo ng dugo at mababang platelet count.

 

 

Gayunpaman sinabi ng European Medicines Agency na ligtas pa rin ang AstraZeneca vaccines, at “very rare adverse effect” lang ang mga insidente.

 

 

“Sa ngayon naman wala naman talaga tayong natagpuan na nagkaroon ng ganitong klaseng event matapos bakunahan.”

 

 

“We just want to be very cautious, gusto lang natin pangalagaan yung safety ng ating mga kababayan kaya natin babalikan ang pag-evaluate ng mga ganitong evidences.”

 

 

Ayon naman kay FDA director general Eric Domingo, magandang pagkakataon ang suspensyon lalo na’t kakaubos lang ng 525,600 doses ng bansa sa nasabing bakuna.

 

 

Paliwanag ng opisyal, susulitin nila ang panahon na naka-suspinde ang pagbabakuna para makabuo ng bagong guidelines.

 

 

Sa ngayon kasi hindi pa dumadating ang bagong batch ng British-Swedish vaccines na mula sa COVAX Facility ng World Health Organization.

 

 

“Yung ating pagsusuri kung ano yung magiging paghahanda for the next batch ay gagawin natin next week.”

 

 

“Yung WHO actually nag-email na ng mga data. Yung NAEFIC kinausap ko na rin kahapon, at yung vaccine expert panel ay hiningan ko na ng recommendation so that we can put all of these together… para pagdating ng next batch ready na tayo.”

Pagpahintulot ng DFA na gamitin ang Sinovax vaccine sa Senior citizen, suportado ng PGH chaplain

Posted on: April 10th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Sang-ayon si Jesuit Priest Rev. Fr. Marlito Ocon, head chaplain ng Philippine General Hospital sa desisyon ng Food and Drug Administration na pahintulutan na ang mga Senior Citizens na makatanggap ng Sinovac vaccine laban sa coronavirus disease.

 

 

Ito’y bunsod ng kakulangan ng supply ng AstraZeneca vaccine na mas epektibo ng 85 porsyento, kumpara sa Sinovac vaccine na epektibo lamang ng 50-poryento sa mga may edad 65 pataas.

 

 

Ayon kay Fr. Ocon, malaking bagay at mas makabubuti ito para sa mga nakatatanda kasabay ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa na nagdudulot ng labis na pangamba sa mga tao.

 

 

“As long as aprubado naman ng mga health experts, kahit sabihin mong hindi siya kasing effective ng ibang brand, para sa akin maigi na rin yung mayroon ka talaga ding depensa kaysa wala,” bahagi ng pahayag ni Fr. Ocon sa panayam ng Radio Veritas.

 

 

Paliwanag ng Department of Health na bago bakunahan ang mga senior citizens ay isasailalim muna ang mga ito sa pagsusuri upang matiyak na maaari silang makatanggap ng COVID-19 vaccine.

 

 

Samantala, hinihimok naman ng pari ang publiko na alisin na rin ang pangamba hinggil sa Sinovac vaccine bagamat ito’y likha mula sa China.

 

 

Sa halip, ayon kay Fr. Ocon ay magtiwala lamang sa magiging positibong epekto nito sa katawan ng tao na makatutulong sa pag-iwas at patuloy na paglaganap ng virus.

 

 

“Alam naman natin kung saan nanggaling ‘yung takot at pagdududa ng mga tao dahil ‘yung bakuna ay galing sa China. Pero sa panahon ngayon, siguro kailangan na rin nating magtiwala sa mga taong gumawa ng pagsusuri at pananaliksik tungkol sa bakuna,” ayon kay Fr. Ocon.

 

 

Ipinayo ng pari na patuloy lamang sundin ang minimum health protocols tulad ng pagsusuot ng facemask at face shield maging ang paggamit ng alcohol upang makaiwas na mahawaan ng virus.

 

 

Gayundin ang pananalangin sa Panginoon na nawa’y ipag-adya ang lahat sa panganib at tuluyan nang malunasan ang pandemyang lubos nang nagpapahirap sa marami.

Herd immunity sa Metro Manila, kayang makuha kapag umabot na sa 5 milyon ang nabakunahan

Posted on: April 10th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KAILANGANG umabot sa limang milyong mga bakunadong taga- Metro Manila para makuha ang inaasam – asam na herd immunity sa NCR.

 

Ayon kay Vaccine czar Secretary Carlito Galvez na base sa kanilang pag- uusap nina MMDA Chairman Benhur Abalos ay nakikita nilang magkakaroon na ng containment sa NCR kapag naabot ang 5 million individual vaccination.

 

Granular vaccination ani Galvez ang kanilang gagawing pag- atake rito na kung saan ay kanilang uunahin ay ang mga most affected o mga lugar na may mataas na kaso.

 

” Ang nakikita ko, iyong kapag once na dumating na iyong AstraZeneca na majority nasa NCR, alam po natin iyon 2.6 million po iyon na ano po natin. And basically, kapag once dumating po iyon sa atin ay i-dedicate po iyon ng mga private sector dito po sa Metro Manila, kasi marami pong nag-order kasi karamihan po ng nag-order dito sa Metro Manila at noong nag-usap po kami ng MMDA Chairman Benhur Abalos at saka po kay GM Jojo Garcia, ang sabi nila sa estimate nila kapag nakuha po iyong 5 million sa Metro Manila, nakita natin na medyo maganda po ang magiging result nito sa ating containment,” litanya ni Sec. Roque.

 

“Kasi nakita nila iyong dito sa Metro Manila iyong mga iba naman hindi gaanong affected iyong most affected lang ang pupuntahan natin,” dagdag na pahayag nito.

 

Aniya, sa 17 siyudad sa Metro Manila ay iba – iba naman ang kakailanganing dami ng dapat na mabakunahan ng isang lunsod.

 

Mayroon ani Galvez na ang kakailanganin lang ay 20% habang ang iba’y 50% ang kailangan at ang iba nama’y 70%.

 

“So basically kung, for example, sa 17 cities iyan, so titingnan natin na iyong mga iba ay 20% lang ang kailangan, iyong iba ay 50%, iyong iba 70%. So mayroong tinatawag tayong granular vaccination program.

 

 

So they estimated na kapag once nakuha natin iyong five million sa Metro Manila, parang nakikita natin iyong mga affected area, sakop na po natin,” lahad nito.

 

At sa harap ng minamadali ng roll out vaccination, inihayag ni Galvez na irerekomenda nila sa mismong araw ng Labor day ay masimulan na din ang pagtuturok sa mga economic frontliners.

 

Ito ayon sa Kalihim ang mga laborers na aniya’y matatawag din namang vulnerable.

 

“Ang ginagawa po natin last Monday, last, last week nag-present po tayo kay Mayor, si Mr. President na talagang ang ginawa natin ngayon, sa ngayon ay nagko-combine na po tayo ng A1 to A3.

 

And we are recommending na by May considering na ito iyong tinatawag na Labor Day we can open up iyong tinatawag natin mga economic frontliners, iyong mga laborers natin, iyong mga tinatawag nating vulnerable laborers. So tamang-tama by May we are recommending to NITAG, darating na rin iyong mga order ng ating mga private sector na coincidence sa celebration ng Labor Day ay isasama na rin po natin iyong A4 at saka A5,” ayon kay Galvez. (Daris Jose)

5K contact tracers para sa NCR Plus kukunin ng DOLE

Posted on: April 10th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Kukuha ng karagdagang 5,000 contact tracers ang Department of Labor and Employment (DOLE) para sa National Capital Region Plus na magseserbisyo sa loob ng 90 araw o tatlong buwan.

 

 

Ayon kay Bureau of Workers With Special Concerns Director Atty. Ma. Karina Perida-Trayvilla ng DOLE, dapat sana ay 12,000 contact tracers ang kukunin na magta-trabaho sa loob ng 30 araw pero ang nais ng mga local government units ay patagalin ito sa 90 araw kaya nasa 5,000 na lamang ang kanilang makukuha.

 

 

Sabi ni Trayvilla, mas mabuting ang mga residente ng isang LGU ang kuning contact tracers na hahanap ng mga nakasalamuha ng isang may COVID-19.

 

 

Magiging “conduit” lang aniya ang Public Employmeny Service Office kung saan maaaring magpasa ng requirements ang mga nais maging contact tracers.

 

 

Magiging online naman aniya ang tranings ng mga kukuning contact tracers sa online classroom ng Department of Interior and Local Government.

Bello kay Duterte: Ibaba na ang quarantine status, mga manggagawa hirap na

Posted on: April 10th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Pinangangambahan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang muling pagdami pa ang mga mawawalan ng trabaho dahil sa pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) sa ilang bahagi ng bansa.

 

 

Inihayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III na noong unang linggo ng ECQ ay mahigit 8,300 manggagawa ang naapektuhan ang trabaho sa NCR plus bubble.

 

 

Dahil naman sa pagpapalawig sa ECQ sa mga naturang lugar ay maaring madagdagan pa ang mga mawawawalan ng trabaho.

 

 

Aniya, imumungkahi nila kay Pangulong Rodrigo Duterte na kung maari ay babaan na ang quarantine status pero kung ano ang desisyon ng pangulo ay ito pa rin ang masusunod.

 

 

Ayon sa kanya, sa mga nawalan ng trabaho ay kailangang maibigay ng kanilang employer ang kanilang separation pay gayundin ang kanilang hindi nagamit na leave credits.

 

 

Sa ngayon ay nagbibigay na ang DOLE ng P5,000 na cash assistance sa mga nawalan ng trabaho.

 

 

Samantala, umabot na sa kalahating milyon na mga OFWs ang napauwi ng ahensya sa bansa at mayroon pang 20,000 ang inaasahang uuwi.

Balitang nakaranas ng mild heart attack si Pangulong Duterte, fake news -PCOO

Posted on: April 10th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

FAKE NEWS ang sigaw ni Presidential Communications Operation Office (PCOO) Secretary Martin Andanar sa kumalat na balitang dumaan sa mild heart attack si Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

 

Sa post ni Sec. Andanar sa kanyang Facebook account ay ipinakita nito ang isang screen shot ng nagpakilalang Maharlika.TV na nagsabing …. “Breaking News: Sources say Duterte suffers Mild Heart Attack.”

 

Inilagay naman ni Sec. Andanar ang malaking “fake news” sa harap mismo ng nasabing screen shot bilang caption upang pabulaanan ang nasabing pekeng balita.

 

Kapansin-pansin naman na hindi na makita ang nabanggit na post ng Maharlika.tv na kung saan ay iniugnay nito ang balitang heart attack ni Pangulong Duterte sa pagpapaliban ng kanyang public address sana kagabi ng Chief Executive at nitong nagdaang Lunes. (Daris Jose)

SAAN NAPUNTA ANG PONDO NG DOH, INISA-ISA

Posted on: April 10th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SINIGURO  ng Department of Health (DOH) na ang bawat sentimo ng mga pinag-uusapang pondo pati na  rin ang lahat ng iba pang mga public funds na inilaaan sa kagawaran ay “accounted” lahat at magagamit para sa publiko.

 

Tugon ito ng DOH sa panawagan na magbigay ang Kagawaran ng “breakdown”  kung paano ginasta ang P9 bilyong pondo  para sa konstruksyon ng health infrastructure sa ilalim ng Bayanihan I at II.

 

Binigyan diin ng DOH na ang nasabing pondo  ay ginamit para sa konstruksyon ng temporary medical isolation at quarantine facilities, field hospitals, dormitories, at ang pagpapalawak ng kapasidad ng hospital ng gobyerno sa pamamagitan ng pagkuha o pagbili ng iba’t ibang medical equipment.

 

Sa P4.4 bilyon na inilaan s ailalim ng Bayanihan I, P 4.36 bilyon ang nagamit hanggang December 31, 2020 para makakuha ng medical equipment tulad ng mechanical ventilators, biological safety cabinets, laminar flow hoods, at  biomedical microcentrifuges at iba pang medical equipment essential para sa pagtitiyak na na maalagaan ng mga ospital ang mga COVID-19 patients.

 

Samantala,ang inilaan naman na P4.5 bilyong sa ilalim ng Bayanihan II, ginamit naman ang P3.88 bilyon  nagamit hanggang  December 31 ,2020 para konstruskyon ng temporary medical isolation at  quarantine facilities, field hospitals, dormitories para sa frontliners at  expansion ng  government capacity sa buong bansa

 

Ang natitira namang P617 milyon at P 308 milyon ay nagamit  para s apagkuha ng mga mahahalagang kagamitan na nauugnay sa COVID-19 tulad ng mga mechanical ventilators, portable x-ray machines, hemodialysis machines, high flow nasal cannula oxygen machines, at iba pang kagamitan na kinakailangan para sa pagtaas ng mga testing capacities ng mga laboratory.

 

Sinabi rin ng DOH na magbinbigay ito ng buong ulat sa paggasta sa mga tanggapan ng senador ns humihiling para s anasabing datos.

 

Binigyan diin ng DOH na ito ay palaging nakatuon na mapanatili ang lubos na integridad at transparency bilang pagtupad ng mandato nito na magtatag at mapanatli ang isang ang madaling maabot na health system na nagbibigay ng kalidad ng mga serbisyong pagkalusogan sa bawat Pilipino.

 

Binigyang diin pa ng DOH na ngayon ay hindi ang oras upang maghiwa-hiwalay sa pagtugon ng pandemyang ito at nanawagan para sa pagkakaisa mula sa iba pang gobyerno at publiko habang ang bansa ay nahaharap sa pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19. (GENE ADSUARA)

DAYUHAN NA HINDI MAKAPASOK NG BANSA MAAARING HUMINGI NG EXEMPTION SA NTF

Posted on: April 10th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KLINARO ng Bureau of Immigration (BI) na ang isang dayuhan na hindi makapasok sa bansa dahil sa umiiral na travel restrictions ay maaring humingi ng exemption  mula sa National Covid Task Force Against Covid-19 (NTF) kung  emergency o humanitarian reasons.

 

 

 

Sa pahayag ni BI Commissioner Jaime Morente, klinaro nito na ang entry exemption na inisyu ng ibang ahensiya bago ipatupad ang travel ban ay hindi maaring gamitin upang makapasok ng bansa sa ipinapatupad na heightened travel ban na nagsimula noong March 22  hanggang April 21.

 

 

 

“The IATF resolution clearly states that only the NTF chair or his authorized representative may approve requests to allow the entry of foreigners on emergency, humanitarian and analogous cases,” ayon sa BI Chief.

 

 

 

Binigyan diin pa ni Morente na ang isang dayuhan ay pinapayagan na pumanta dito ng NTF kung mayroon itong balidong visa sa sakong araw ng kanyang pagbiyehe.

 

 

 

Klinaro it ng  ng BI Chief kasunod sa ulat na maraming dayuhan na walang NTF-issued entry exemptions ay hindi pinayagang [pumasok sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) pero sinuguro nito na ang travel restriction ay pansamantala lamang kasunod ng bagong pagtaas ng kaso ng Covid 19.

 

 

 

“We hope that after this spike, the number of cases continue to downtrend, so we may be able to revive the international travel and tourism sector,” ayon kay Morente. (GENE ADSUARA)