• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 12th, 2021

ARA, nadismaya na sa panahon ng pandemya ay may mga taong nais manloko

Posted on: April 12th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

GRABE na talaga ang panahon ngayon, gagawin talaga ang lahat para lang makapanglamang o makapangloko ng kapwa.

 

 

Sa post ni Ara Mina sa kanyang IG account last week, muntik na ngang mabiktima ang mga staff sa negosyo niyang Hazelberry Cafe na kung saan may isang poser na nag-message sa apat na branches nila at nagpanggap na siya na tinatanong kung ilan ang pumasok at dadaan daw siya.

 

 

Kaya naman nag-post si Ara ng kanyang pagkadismaya sa mga taong nagbabalak ng hindi maganda.

 

 

Sa ganitong panahon ng pandemic, hindi ko lubos maisip kung bakit may nakakagawa pa ng ganitong panloloko.
     “Someone or maybe some people are attempting na lokohin at pagnakawan ang mga branches ng #Hazelberry by sending messages like these at nagpapanggap na ako. Ang galing ng mga taong ito!


     “Pero kung gagamitin nila ang galing at talino nila sa kabutihan at hindi sa kasamaan, mas magkakaron pa tayo ng pag-asang makabangon from this crisis.


     “Maliit na negosyante lang po kami, na nagsusumikap na maghanapbuhay kahit na hirap na hirap na tayo sa sitwasyon.


     “Salamat na lang sa Diyos at alisto ang mga staff namin and they know what to do sa mga kaduda-dudang pagkakataon.


     “Haaay, I want to end this lightly, pero hindi mababaw ang ganitong klaseng panloloko.


     “Anyway, sa mga kapwa ko business owners, beware of ploys such as this. Be safe, not only against the virus. @hazelberryofficial #BeSafeEveryone #MayGodBlessYou.”

 

Nag-react naman ang ilang celebrity friends na nagpakita ng suporta at ‘yun iba ay nagalit din.

 

 

Comment ni Maricar Reyes Poon, “I feel u. Nakakaawa na nakakagalit ang mga ganyan.”

 

Say naman ni Say Alonzo, “Grabe @therealaramina !!! Tinext talaga lahat!”

 

“Omg. Grabe yan Ara,” post ni Christine Bersola-Babao.

 

Reaksyon naman ni Teresa Loyzaga, “God Bless you sis @therealaramina !!! Sa dami ng mga tinutulungan mo, balak ka pang lokohin! May God bless you more!!! Ingat and ingat everyone!!! ”

 

Sabi naman ni Candy Pangilinan, “Omg! Ingat. Meron din tumawag sa mama ko yesterday asking to transfer 40k sa gcash niya at na-aksidente daw kapatid ko. Grabe talaga.” (ROHN ROMULO)

Vaccine expert panel, inirekomendang magamit ang Sinovac vaccine sa senior citizens

Posted on: April 12th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Naghain na ng rekomendasyon ang vaccine expert panel (VEP) para magamit na rin ng senior citizens ang COVID-19 vaccine na gawa ng Chinese company na Sinovac.

 

 

Ito ay kasunod ng ulat na ubos na ang paunang 525,600 doses ng AstraZeneca vaccines na ibinigay ng COVAX Facility ng World Health Organization (WHO).

 

 

“May kino-consolidate na lang na mga datos si DG (Eric) Domingo, and I think he will eventually announce it,” ani Dr. Nina Gloriani, head ng VEP.

 

 

“Nasa pandemya tayo ngayon at hindi tayo pwedeng mag-delay dahil yung bakunang hinihintay natin hindi pa dumadating. Kung ano yung meron tayo, sana ay magamit natin.”

 

 

Sa ilalim ng iginawad na emergency use authorization ng Food and Drug Administration (FD), limitado muna sa mga may edad 18 hanggang 59-years old; at may controlled comorbidity ang paggamit ng bakunang CoronaVac.

 

 

Maliit daw kasi ang porsyente ng senior citizens na tumanggap ng Chinese vaccine nang magsagawa ng clincial trials sa Brazil.

 

 

“Nung na-collate nila yung data, they were only able to enroll like 360 (individuals) that are more than 60 years old. So nung na-compute nila yung 60 years old na 360 lang out of 8,000 hindi siya enough to make a conclusion na mayroong efficacy yung bakuna sa 60-years old,” ani Dr. Rontgene Solante, miyembro ng VEP.

 

 

Sa kabila nito, natukoy naman daw ng expert panel na maganda ang “safety profile” ng CoronaVac kahit maliit ang porsyente ng senior citizens na pinag-aralan sa bakuna.

 

 

“If we’re talking about the senior citizens, maganda yung kanyang safety profile… ang naging issue noon ay yung efficacy na medyo mababa kasi kulang yung taong nag-participate sa trial. Pero ang maganda sa datos ay nakaka-protekta siya sa mga matatanda na hindi sila nagka-severe COVID.”

 

 

Ayon kay Dr. Gloriani, na umaming tumanggap na bakuna ng Sinovac, karaniwang mild na side effects lang ang nakita mula sa mga matatandang ginamitan ng Chinese vaccine.

 

 

“Yung first dose ay pain lang sa left side (ng arm). Yung second dose may pain at mabigat pero ganon don, mga after 2-3 hours nawala na rin. Other than that wala na kong naramdaman.”

 

 

“I heard from my other colleagues na ka-edad ko, yung iba nagka-flu like symptoms. Pero ganon din within 1-2 days nagre-resolve din.”

 

 

Binigyang diin ng dalubhasa na normal ang side effect kapag nakakatanggap ng bakuna ang isang tao.

 

 

“Ibig sabihin noon nakikita ng ating katawan na may foreign bodies sa atin at yung ating immune response ay nagsisimula ng mag-akto. Actually mas maganda na mayroon nararamdaman, huwag lang severe or magtatagal.”

 

 

Ilang bansa na raw ang nagtuturok ng Sinovac vaccine sa populasyon ng kanilang mga senior citizen tulad ng China, Hong Kong, Indonesia, at Turkey.

 

 

Sa ilalim ng vaccine prioritization framework ng pamahalaan, ikalawa ang senior citizens sa mga makakatanggap ng COVID-19 vaccines.

 

 

Ilang lungsod na ang naglunsad kamakailan ng vaccination para sa mga senior citizens. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Gobyerno, nakatuon ang pansin sa COVID-19 vaccination drive sa high-risk areas gaya ng NCR

Posted on: April 12th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAKATUON ang pansin ng pamahalaan sa COVID-19 vaccination drive sa high-risk areas gaya ng National Capital Region (NCR) at mga karatig-lalawigan.

 

Sinabi ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. na inirekomenda ng mga eksperto ang nasabing estratehiya para pigilan ang pagkalat ng coronavirus at matamo ang herd immunity sa NCR, Regions 3 at 4A, Cebu, at Davao at maging sa Regions 6 at 9.

 

“We will be able to cover the affected areas once we reach 5 million vaccinations in Metro Manila,” ayon kay Galvez.

 

Ang Frontline personnel sa essential sectors, uniformed personnel at indigent population ay nakatakdang bakunahan simula sa buwan ng Mayo.

 

Mahigit 800,000 Filipino naman ang nakatanggap na ng COVID-19 vaccine simula nang sumipa ang mass immunization program noong Marso 1.

 

Layunin ng pamahalaan na magsagawa ng one million vaccinations kada linggo sa buwan ng Mayo at dalawa hanggang tatlong milyon naman kada linggo para sa buwan ng Hunyo at Hulyo.

 

Habang ang bansa aniya ay nananatiling mayroong low vaccine supply, sinabi ni Galvez na marami naman ang inaasahan na delivery sa second half ng taon.

 

Layon ng bansa na makatanggap ng 20 million doses kada buwan mula Agosto hanggang Disyembre. (Daris Jose)

Sec. Roque, tumanggi na timbangin ang legalidad ng inisyatiba ni Cong. Mike Defensor

Posted on: April 12th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

TUMANGGI si Presidential Spokesperson Harry Roque na timbangin ang legalidad ng inisyatiba ni Anakalusugan party-list Representative Michael Defensor na mamahagi ng Ivermectin sa mga residente ng Quezon City na isang paraan para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 infection.

 

Ang Ivermectin, na isang anti-parasitic drug na sinasabing mabisang gamot kontra COVID-19, ay hindi pa aprubado o rehistrado ng Food and Drug Administration (FDA) para gamiting gamot ng tao.

 

Sa kasalukuyan, limitado lamang ang permit nito para gamutin ang parasitic ailment ng mga hayop.

 

At sa tanong naman hinggil sa legalidad ng naging aksyon ni Defensor ay sinabi ni Sec.Roque na “I will not give legal advice on something that I am not engaged with professionally. It is the mandate of the FDA to give an approval if a drug is effective.”

 

“Hindi po siya nagbebenta. Ipinamamahagi po niya pero depende rin to if this could reach  [the level of] distribution. I don’t want to give a legal opinion if I do not have all the facts,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

 

Sa kanyang Facebook post, kinumpirma ni AnaKalusugan party-list Rep. Mike Defensor na mamimigay siya ng libreng Ivermectin sa mga residente ng Quezon City.

 

Una nang sinabi ni Defensor na uminom siya ng Ivermectin nang magpositibo siya sa COVID at nakatulong umano ito sa paggaling niya kung kaya’t isa siya sa humihiling sa FDA na pahintulutan ang paggamit nito.

 

Ayon kay Defensor, libre niyang ipamimigay ang Ivermectin at prayoridad ang mga senior citizen at mga sakitin.

 

“Sagot ni Cong. Mike Defensor ang IVERMECTIN niyo habang wala pa ang bakuna,” nakasaad sa Facebook post ng kongresista na sinundan ng, “Uunahin muna ang mga may sakit, ang mga senior citizens habang limitado pa ang suplay ng IVERMECTIN.”

 

Sa hiwalay ng pahayag, nilinaw ni Defensor na kailangan may kasama pa ring prescription partikular kung paano ito inumin at dami batay sa timbang at sa may COVID kailangan may susunding protocol.

 

Samantala, sinabi ni Sec. Roque na ang aplikasyon para sa “compassionate use” ng ivermectin ay naisampa na sa FDA.

 

Wala pang desisyon ang FDA sa bagay na ito.

 

Sinabi naman ni FDA Director General Eric Domingo na ang compassionate use permit ay pumapayag lamang sa legal administration ng nasabing gamot sa bansa subalit hindi naman katumbas ng paggarantiya ng FDA sa “safety and efficacy” ng nasabing gamot. (Daris Jose)

IBP sa IATF: Mga abogado isama rin sa priority groups sa vaccine

Posted on: April 12th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Humihirit din ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) na isama na rin na mauuna sa pagbabakuna ang mga abogado sa sa bansa.

 

 

Sa sulat ni Atty Domingo Cayosa kay vaccine czar Carlito Galvez, ipinaliwanag nito kung bakit matatawag din na legal frontliners ang mga abogado.

 

 

Aniya, ang mga officers of the court ay tumutulong hindi lamang sa pagpapalaganap sa mga batas na may kinalaman sa pandemaya kundi essential din sila sa pag-usad ng hustisya sa bansa.

 

 

Kung tutuusin aniya, maituturing din na mga “spreaders” ang physcial contact ng mga abogado at kliyente nito, tulad din sa mga korte.

 

 

marami na rin daw mga practising lawyers, prosecutors at judges ang pumanaw na dahil din sa deadly virus.

 

 

Kasabay nito nakiusap si Atty Cayosa sa IATF na sana ilagay na rin sa priority population group na A4 ang mga abogado para sa vaccination program.

 

Pinas, nakatakdang tumanggap ng 2 milyong doses ng bakunang Sinovac at Gamaleya ngayong Abril

Posted on: April 12th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. na nakatakdang tumanggap ang Pilipinas ng 2 milyong doses ng bakunang Sinovac na gawa ng China at Gamaleya Research Institute ng Russia ngayong buwan.

 

Sa 2 milyong doses, 1.5 milyon ang ide-deliver ng Sinovac habang ang 500,000 naman ay manggagaling mula sa Gamaleya.

 

Hinggil naman sa karagdagang donasyon ng AstraZeneca vaccine doses sa ilalim ng COVAX Facility, sinabi ni Galvez na gumagamit sila ng diplomatic channels upang matiyak na matatanggap ng bansa ang nasabing bakuna.

 

Ani Galvez, ang AstraZeneca shots ay maaaring dumating sa bansa sa huling bahagi ng buwan ng Abril.

 

Ang impormasyong ito ay mula kay World Health Organization country representative Rabindra Abeyasinghe.

 

“Because of the global vaccine shortage, there will be a delay. The agreed quantity which was 920,000 vaccine doses will come but because of the shortage, what we have been informed is that we may need to expect the reduced quantity which may come over [in] the next few weeks,” ayon kay Abeyasinghe.

 

“But eventually as production peaks up, we will deliver on the 20% of vaccines to cover 20% of the population. So this is the agreement that COVAX has with the Philippine government and we are still committed to do that.” dagdag na pahayag nito.

 

Samantala, mahigit sa 800,000 Filipino na ang naturukan ng COVID-19 vaccine simula nang magsimula ang mass immunization program noong Marso 1, ayon sa government data. (Daris Jose)

Pinay tennis star Alex Eala wagi kontra French opponent

Posted on: April 12th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Binigo ni Pinay tennis ace player Alex Eala si Margot Yerolymos ng France sa opening game ng W60 Bellinzona.

 

 

Nakuha ang 15-anyos na si Eala ang score na 7-6(6), 6-2 sa laro na ginanap sa Switzerland. Kasabay din nito ay nag-uwi ito ng $60,000.

 

 

Maguguntiang umakyat ang WTA ranking ni Eala sa 715 nitong nakaraang Lunes. Susunod naman na makakaharap nito si Laura-Loana Paar ng Romania.

Saso muling pumuwesto sa ika-50, binulsa P489K

Posted on: April 12th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

RESPETADONG winakasan ni Yuka Saso ang kampanya sa binirang one-under par 71  pa-even 288 sapat sa seven-way tie para sa 50th place uli at premyong $10,081 (₱489K) sa 72nd Ladies Professional Golf Association (LPGA) Tour 2021 fifth leg – $3.1M 39th Ana Inspiration 2021 sa  Dinah Shore Tournament Course ng Mission Hills Country Club sa Rancho Mirage, California nitong Abril 2-5 lang.

 

 

Kagayang puwesto ito ng 19 na taong-gulang na Pinay-Haponese ang sa tinapos niya sa 53rd Japan LPGA Tour 2020-21 17th leg ¥100M 12th T-Point Eneos 2021 sa Kagoshima na rito’y nabiyayaan siya ng  ¥400K (₱175K) noong Marso 19-21.

 

 

Dumale sa US major crown sa buwena-mano niyang panalo sa dalawang palo sa paliga ang produkto ng University of California-Los Angeles na si Patty Tavanakit, 21, ng Thailand, sa 68-270 na may $465K (₱22.5M).

 

 

Ineklipsehan niya ang tournament-tying single-round record 62 at tourney-mark 29 sa front nine ni  Lydia Ko ng punong abalang bansa na may 72-hole tole 272 at magkasya para sa $287,716 (₱14M). Tersera ang apat na golfer na may 277 at $151,615 (₱7.3M).

 

 

Nganga sa gantimpala ang nalagak sa siyam na magkakasosyo sa ika-87 posisyon ang isa pang pambato ng ‘Pinas na si Bianca Isabel Pagdanganan na sumablay ng tatlong palo para ma-cut makalipas ang second round. (REC)

Ads April 12, 2021

Posted on: April 12th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Clarkson desididong lumaro sa 2023 FIBA World cup

Posted on: April 12th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Desidido si Filipino-American NBA star Jordan Clarkson ng Utah Jazz na makapaglaro bilang local player kasama ang Gilas Pilipinas sa presithiyosong 2023 FIBA World Cup.

 

 

Mismong si Clarkson na ang nagkumpirma na buo ang puso nitong ma­ging bahagi ng Gilas Pilipinas sa naturang world meet na itataguyod ng Pilipinas kasama ang co-hosts na Japan at Indonesia.

 

 

“Clarkson plans to return to Gilas Pilipinas in 2023, he said, when the team takes part in Olympic qualifying competitions, including the World Cup, which the Philippines is co-hosting,” ani Scott Cacciola sa kanyang artikulo sa New York Times.

 

 

Hindi ito ang unang pagkakataon na magi­ging bahagi si Clarkson ng national team. Nakapaglaro na ito noong 2018 Asian Games sa Jakarta, Indonesia bilang local player.

 

 

Subalit iba ang regulasyon sa Asian Games at FIBA.

 

 

Sa Asian Games na minamanduhan ng Olympic Council of Asia, sapat na ang Philippine passport para maging bahagi ng national team.

 

 

Sa kabilang banda, requirement ng FIBA na magkaroon ng Philippine passport ang isang player sa edad na 16-anyos para maituring na isang local player.

 

 

Naglabas ng patunay na may Philippine passport si Clarkson na nakuha nito bago pa ito mag-16. Subalit ayon sa ilang ulat, kinukuwestiyon ito ng FIBA dahil wala itong tatak na tanda na nagamit ang passport.

 

 

Dahil dito, itinuturing na naturalized player si Clarkson base sa FIBA ruling.

 

 

Kaya naman patuloy ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sa pagsulong na makapaglaro si Clarkson bilang local player.

 

 

Tanging isang natura­lized player lamang ang maaaring isama sa national team base sa patakaran ng FIBA.