• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 15th, 2021

Lim kinabog ang karatista ng Turkey sa isang praktis

Posted on: April 15th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Mukhang maganda ang tinatahak ni 32nd Summer Olympic Games 2020 karate hopeful Jamie Christine Lim at mga kasama sa national team na naghahanda para Olympic Qualifying Tournament sa Paris, France sa darating na Hunyo 11-13.

 

 

Base ito sa latest Instagram post ng 2019 Philippine Southeast Asian Games women’s kumite +61-kilogram gold medalist at Karate Pilipinas Sports Federation, Inc. star nito lang isang araw habang nasa Europe para Turkey training camp bubble ang Nationals.

 

 

Makikitang kinabog ng PH squad ang mga miyembro ng Turkey karate squad . Ang iba pang kasapi ng PH team bukod kay Lim ay sina Joane Orbon, Ivan Agustin, Shariff Afif, Alwyn Batican at Jason Macaalay.

 

 

Kaya kumpiyansa si KPSFI president Richard Lim na may magku-qaulify na karatistang Pinoy sa quadrennial sportsfest sa Tokyo, Japan na iniurong lang ng Covid-19 sa parating na Hulyo 23-Agosto 8. (REC)

Pinas inaasahan na ang 194k doses ng Moderna ngayong Marso

Posted on: April 15th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

INAASAHAN ng Pilipinas na matatanggap na nito ang 194,000 doses ng Moderna’s COVID-19 vaccines sa buwan ng Mayo.

 

 

“It is expected to arrive, 194,000, most likely this coming May,” ayon kay , vaccine czar Carlito Galvez Jr.

 

 

Bahala na aniya ang National Immunization Technical Advisory Group kung anong priority group ang makatatanggap ng nasabing bakuna.

 

 

“The private sector agrees they will follow the WHO SAGE [World Health Organization-Strategic Advisory Group of Experts] and also the DOH [Department of Health], NITAG prioritization,” ang pahayag ni Galvez.

 

 

Ang pamahalaan at ang pribadong sektor ay nagsiguro na ng 20 million doses ng Moderna’s COVID-19 vaccines.

 

 

Sa ilalim ng kanilang tripartite agreement, ang Philippine government ay nagsiguro na ng 13 million doses ng Moderna vaccines habang ang private sector naman ay um- order na ng 7 milyong doses para sa kanilang mga manggagawa.

 

 

Samantala, sinabi naman ng Food and Drug Administration na ang Moderna ay nakatakdang magsumite ng kanilang aplikasyon para sa emergency use authorization para sa kanilang COVID-19 vaccine ngayong linggo. (Daris Jose)

SHARON, puring-puri si Direk DARRYL at ni-reveal na isa pang movie na pagsasamahan

Posted on: April 15th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

LAST week, masayang pinasilip ni Megastar Sharon Cuneta sa kanyang Youtube channel (Sharon Cuneta Show) ang part 1 ng behind-the-scenes ng latest movie niya sa Viva Films ang Revirginized.

 

 

May caption ito ng,So excited for my new movie #Revirginized​ to come out this May on VivaMax! Here’s a little peek on our behind-the-scenes during shooting with Direk Darryl Yap. Enjoy watching, everyone! I love you all, God bless you and keep you all safe.”

 

 

Tumatak nga sa kanyang followers ang binitiwang linya habang pinakikilala ang kanyang honey sa movie na si Marco Gumabao, This is my new leading man, kaya yung mga leading man ko noon ang tatanda niyo na.”

 

 

Ang laki naman ang paghanga ni Sharon sa kanyang direktor na si Darryl Yap, sabi niya, “he’s very young and is very genius.

 

 

Inamin naman ng direktor sa past interview niya na number one sa ‘bucket list’ niya ay maidirek si Sharon at nakalagay yun sa kanyang facebook account, kaya ganun na lang tuwa niya na early this year nang matanggap niya ang magandang balita mula sa Viva Films.

 

 

Kuwento naman ni Direk Darryl nang tanungin niya si Sharon kung ano ang mai-expect ng Sharonians sa Revirginized na hindi pa niya nagagawa sa past movie niya, “sabi nga you have to expect the unexpected.”

 

 

Kakaibang experience kay Sharon ang pagbabalik-Viva niya dahil new generation ang katrabaho niya, kaya bagong-bago ito para sa kanya, na kung saan si Direk Darryl lahat ang bahala sa kabuuan ng pelikula.

 

 

First time niya na makagawa ng movie na ilang days ay tapos na. Ang shortest movie niya raw ang Crying Ladies na tumagal naman ng nineteen shooting days.

 

 

Ayon kay Sharon, iikot ang story ng Revirginized around one weekend, “the transformation of this sad woman’s life, so I’ll stop there because ang daming surprises. But it’s nice, it’s a coming-of-age movie in many different contexts. So, I’m very excited, parang it’s time naman, I think I’ve earned the right after four decades to experiment and do movies that are not really kind of movies that my audience is used to seeing me in.

 

 

“So when it’s like that you take a chance usually it’s worth it. Atleast pag-retire ko, nagawa ko na ang gusto ko.”

 

 

Ni-reveal din ni Mega na marami pa siyang gagawin this year, na kung saan sakto naman sa celebration ng Viva Films ng 40th Anniversary sa November.

 

 

“Remember this laugh, remember this moment, today si March 5, 2021, because right at this moment I can’t tell you what is inside my head and what’s making heart jump.

 

 

     “But you’ll know in a very short time, I hope it won’t have to come from me but you will know, so… pray for me.”

 

 

Meron nga siyang teleserye sa VivaMax at ABS-CBN.  Another movie with Direk Darryl at naibalita na rin ang muli nilang pagsasama nina Direk Erik Matti.

 

 

Kaya masayang-masaya ang mga Sharonians dahil maraming kaabang-abang na projects ang Megastar at mauuna na nga ang Revirginized na ipalalabas na sa Mayo, na posibleng itapat sa Mother’s Day. (ROHN ROMULO)

Pinay tennis star Alex Eala umangat ang WTA ranking

Posted on: April 15th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Umangat ang Women’s Tennis Association (WTA) rankings ni Filipina tennis ace player Alex Eala.

 

 

Mula kasi sa dating 715 ay nasa 662 na ito.

 

 

Inilabas ang nasabing ranking isang linggo ng sumabak ang 15-anyos na si Eala ng magkakasunod na laban sa W60 Bellinzona.

 

 

Ito na ang pangalawang beses na mayroong mataas na pagtaas na ranking ni Eala na ang una ay noong Pebrero na umangat sa 763 mula sa 903.

3 KOREAN NATIONAL NA SINDIKATO NG ONLINE, NAARESTO NG BI

Posted on: April 15th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAARESTO ng Bureau of Immigration (BI) ang tatlong South Koreans na puganteng most wanted at binansagang mga leader ng sindikato na nag-ooperate sa online at nambiktima ng marami nilang kababayan.

 

 

Kinilala ni BI Commissioner Jaime Morente ang mga suspek na sina Jung Myunghun, 38, umano’y Top Leader ng sindikato; Yu Daewoong, 38, at Kang Wesung, 36, na kabilang din sa mga Leader ng sindikato na naaresto sa isinagawang operasyon ng BI’s fugitive search unit (FSU) sa pakikipagtulungan ng Criminal Investigation and Detection Group Major Crimes Investigation Unit (CIDG-MCIU) sa Paranaque at Pantabangan, Nueva Ecija.

 

 

Itinuring ni Morente ang tatlo na hiogh profile na mga pugante na matagal ng pinghahanap ng mga awtoridad sa Korea at ng Interpol.

 

 

Sinabi ni BI FSU Chief Bobby Raquepo na humingi ng tulong ang mga awtoridad ng Korea sa BI para mahanap at maaresto ang tatlo.

 

 

Base sa record, simula July 2014, pinasok ng mga suspek ang online scam sa pamagitan ng paga-upload at pag-advertise ng mga second hand na mga produkto at humikayat ng kanilang mga nagging biktima, gayunman, wala naman ang nasabing mga produkto na umabot sa 10 billion won, o US$9 million ang nakuha nila sa kanilang mga biktima.

 

 

“They will be deported to face the cases against them in Korea, and their names shall likewise remain in our blacklist, which effectively bans their re-entry in the country,” ayon sa BI Chief. (GENE ADSUARA)

Pinoy karateka Delos Santos humakot na ng 50 golds mula sa iba’t ibang kompetisyon

Posted on: April 15th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Mayroon ng 50 gold medals mula sa iba’t ibang kompetisyon si Philippine karateka James delos Santos.

 

 

Pinakahuling panalo nito ay sa Katana International League #3.

 

 

Tinalo nito ang mga pambato ng Switzerland, France, Norway at US.

 

 

Noong Oktubre 2020 ay nakamit na nito ang number 1 status matapos na makakuha ng 24,485 points mula sa iba’t ibang online competitions.

Pamilya ni Board Member ANGELICA, patuloy na nakikipaglaban matapos mag-positive sa COVID-19

Posted on: April 15th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAKIKIPAGLABAN ngayon ang pamilya ni Laguna 3rd district provincial board member Angelica Jones sa sakit na COVID-19.

 

 

Pinost ni Angelica sa Facebook na nagkahawaan sa bahay nila kaya pati ang kanyang ina at ang kapatid ay nag-positive sa COVID-19.

 

 

Naka-confine sila ngayon sa San Pablo City District Hospital.

 

 

“Me, my mom and Angelo are Positive of COVID-19. Humihingi kami po ng inyong patuloy na dasal malampasan namin itong pagsubok. Please pray for my mom, Beth Jones, nasa ICU po sya. She has pneumonia and Covid 19.Please, really need your prayers. I have asthma, pneumonia, and COVID.. nananalig ako sa Panginoon sana di niya kami pababayaan. In Jesus name.. God will heal me and my family.

 

 

Nahirapan din daw silang makahanap ng ospital na tatanggap sa kanila.

 

 

“Three days before po ako i-confine…. nauna i-confine ang aking ina mula lumabas ang result na positibo sa COVID. Kahit saan puno ang mga hospital ng COVID patients. Three days kami nag isolate ni Angelo sa house. Sobrang hirap ako sa paghinga akala ko katapusan ko na.    “Di ko po alam na may pneumonia at asthma ako nagpositibo sa Covid. Araw araw po ako nakikiusap at nagdadasal sa Panginoon na iligtas kami. I thank the district hospital of San Pablo City. Ginawan po ng paraan para kaming mag ina at ni Angelo magkaroon ng room at iniaalagaan kami ng mga doctor at nurse hanggang ngayon. Sana ay gumaling. Hinihiling ko po dalangin sa aking ina hanggang ngayon ay nasa ICU pa.”

 

 

***

 

 

NAGBABALIK sa showbiz ang ‘90s beauty queen-actress na si Michelle Aldana.

 

 

Gaganap si Michelle bilang mother ni Gabbi Garcia sa GTV series na Love You Stranger.

 

 

Nakilala si Michelle noong manalo ito bilang Miss Asia Pacific in 1993. Kinontrata ng Viva Films si Michelle at lumabas ito sa mga pelikulang Ikaw Ang Miis Universe Ng Buhay Ko, Segurista, Ang Pinakamagandang Hayop Sa Balat Ng Lupa, Hindi Pa Tapos Ang Laban, Hawak Ko Buhay Mo, Ang Tipo Kong Lalake, Marami Ka Pang Kakaining Bigas, Mauna Ka Susunod Ako, Wala Nang Iiibigin Pang Iba at Extranghero.

 

 

Iniwan ni Michelle ang showbiz noong 1998 at tumira sa Germany. Kinasal siya kina Christoph Heinermann (2001) at Edward Burke (2014). Sa South Africa na siya naka-base ngayon.

 

 

Na-excite nga raw si Michelle na muling umarte after 22 years. Iba raw kasi yung nakakapagsalita siya ulit in Tagalog.

 

 

***

 

 

MANHID na nga ba ang puso ni Katrina Halili?

 

 

Ito raw ang mararamdaman ng aktres dahil hindi na raw siya kinikilig sa mga lalake.

 

 

Kung noon daw ay mabilis kiligin si Katrina, lalo na kapag may crush siya. Ngayon daw ay parang wala na yung kilig sa katawan niya.

 

 

“Ang hirap naman. Wala talaga akong kilig sa kanila. Wala na akong maalala. Burado na sila,” tawa ni Katrina.

 

 

Huli raw kinilig si Katrina ay noong may pursigidong manliligaw siya na nakilala niya sa Boracay. Pero ang tagal na raw yon at hindi na raw bumalik ang feeling na iyon sa katawan niya.

 

 

“Siguro nanawa na rin ako kasi nung bagets pa ako lagi akong kinikilig at marami akong crush noon. Ngayon okay na ako kasama ang anak kong si Katie. Yakap at halik ng anak ko ang kailangan ko at hindi sa kung sinong lalake,” diin pa niya.  (RUEL J. MENDOZA)

400k manggagawa sa turismo, nakatanggap ng tulong mula sa DOLE

Posted on: April 15th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Inaprubahan ng Department of Labor and Employment ang aplikasyon ng aabot sa 400,000 manggagawa sa sektor ng turismo upang mabigyan ng tig-lilimang libong piso (P5,000) na tulong pinansyal mula sa COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP).

 

 

Hanggang Abril 11, umabot na sa 370,434 manggagawa mula sa 14,301 na establisimentong panturismo, organisasyon at asosasyon sa buong bansa, at 13,123 na nag aplay nang personal, ang benepisyaryo ng naturang programa ng DOLE.

 

 

Sa nasabing tulong, P1.2 bilyong piso rito ang naipadala sa pamamagitan ng mga payment center habang ang natitirang P719.2 milyon ay nakatakda nang ipamahagi.

 

 

Sa isang virtual ceremony nitong Lunes, pinangunahan nina Labor Secretary Silvestre Bello III at Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat ang awarding ng tulong para sa mga napiling benepisyaryo mula sa National Capital Region, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal.

 

 

Hinikayat ni Bello ang mga manggagawa sa sektor ng turismo na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya lalo’t higit ang mga naapektuhan ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila, kabilang ang mga lalawigan  ng Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal na mag-aplay para sa tulong pinansyal na magkatuwang na ipinatutupad ng DOLE at DOT.

 

 

Samantala, sinabi ni DOLE Assistant Secretary Dominique Rubia-Tutay na sa unang linggo ng pagpapatupad ng ECQ ay nakapamahagi na ng tulong ang kagawaran sa 8,000 manggagawa sa sektor ng turismo, sa ilalim ng programang CAMP.

 

 

“Hindi tayo magsasawang tumulong sa kabila ng mga hadlang na dala ng pandemya. Sa mga susunod na buwan, kasabay ng pagbuhay sa ekonomiya, umaasa tayong manunumbalik sa dati nitong sigla ang sektor ng turismo sa bansa,” wika ni Bello, kasabay ng pagtitiyak nitong patuloy na tutulong ang DOLE at DOT sa mga manggagawa sa sektor ng turismo.

 

 

Kabilang sa mga benepisyaryo ay ang Philippine Association for Licensed Massage Therapists Inc., World Photo Journeys Travel and Tours, 1 Aviation Ground Handling Services Corporation, Hotel Kimberly Manila, Okada Manila Hotel, Great Sights Travel and Tours Corporation, Hop Inn Ermita, Link-World Travel and Tours, Canadian Travel and Tour Corporation, at PLDOZE Travel and Tours sa National Capital Region.

 

 

Sa Central Luzon, ang mga benepisyaryo ay nagmula sa Baliuag Buntal Handicrafts Manufacturing, Hilot Kamay One Guiguinteño, San Francisco TODA, Sta. Ana Bulakan TODA, Sto. Rosario Tibig TODA, Zesto Tricycle Operations and Drivers Association Inc., Triple Junction Subdivision TODA, Marilao Poblacion 2 Tricycle Operators and Drivers Association, at sa Gitda-08 Daungan TODA.

 

 

Habang ang mga benepisyaryo ng CAMP sa CALABARZON ay mula sa Bag of Beans Café and Restaurant, Inc.; Lantic Carmona Estates, Cedar, Manila Jockey TODA; Public Utility Jeepney Association of Carmona, Inc.; Maduya-PNCC-Golden Mile Tricycle Operators and Drivers Association Inc.; Carmona Public Market Calabuso TODA, Tour Guide and Recreation Association, Inc.; Samahang Nagkakaisa para sa Kaunlaran ng Myseoul Tiangge; Samahan ng Manininda, Mananahi at mga Tauhan sa Bagpi Taytay; Taytay’s Fashion Group; Antipolo Group Inc.; United Boatmen Association; Maria Makiling Frontliners Association Inc.; Costales Nature Farms, Inc.; Bukal Local Guide Association at Lumban Embroidery Association Multipurpose Cooperative.

 

 

Upang makapag-aplay para sa tulong, ang mga establisimyento, asosasyon, organisasyon, at indibidwal ay dapat na magsumite ng mga documentary requirement sa DOT Regional Office para sa inisyal na pagsusuri. Pagkatapos ng beripikasyon, bibigyang direktiba ng mga DOT Regional Office ang mga aplikante upang isumite ang kanilang aplikasyon at kaukulang dokumento online https://reports.dole.gov.ph/.

Parak tigbak sa cargo truck

Posted on: April 15th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nasawi ang isang bagitong pulis matapos aksidenteng salpukin ng isang cargo truck ang likuran bahagi ng kanyang motorsiklo sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi.

 

 

 

Binawian ng buhay habang ginagamot sa North Caloocan Doctors Hospital sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan ang biktimang si Pat. Kevin Pinlac, 27, nakatalaga sa Northern Police District (NPD) District Mobile Force Battalion (DMFB) at residente ng 1522 C Zone 32, Sulu St. Brgy. 323 Sta Cruz, Manila.

 

 

 

Nahaharap naman sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide and Damage to Property ang driver ng Izusu Cargo Truck na may plakang (WLD276) na si Ricky Baracena, 44 ng Poblacion, Norzagaray, Bulacan.

 

 

 

Lumabas sa isinagawang imbestigasyon ni Caloocan police traffic investigator P/Cpl. Allan Saluta, Jr., dakong 8:45 ng gabi, kapwa tinatahak ng naturang mga sasakyan ang kahabaan ng Quirino Highway patungo sa Fairview, Quezon city kung saan nauna ang motorsiklo sa cargo truck.

 

 

 

Pagsapit sa Ascoville, Malaria Brgy. 185, Caloocan City ay bigla na lamang umanong huminto ang biktima na naging dahilan upang mawalan ng control ang driver ng cargo truck at bumangga sa likurang bahagi ng motorsiklo.

 

 

 

Sa lakas ng impact, nagtamo ng pinsala sa ulo ang biktima na mabilis isinugod sa naturang pagamutan ng rumespondeng Sinukuan Rescue habang sumuko naman sa pulisys si Baracena. (Richard Mesa)

TRB: P264 provisional toll sa Skyway 3

Posted on: April 15th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Inilabas ng Toll Regulatory Board (TRB), ang ahensiya sa ilalim ng Department of Transportation (DOTr), ang provisional toll rates para sa 18-kilometer na Skyway Stage 3 project sa ilalim ng San Miguel Corp. (SMC).

 

 

Kung deretso mula sa Buendia sa Makati hanggang South Luzon Expressway (SLEX), ang pinayagan provisional toll rate ay P264.

 

 

Habang mula naman sa Phase 1 – Buendia hanggang Sta. Mesa ay P105; Phase 2 – Ramon Magsaysay hanggang Balintawak ang toll rate ay P129.

 

 

Ayon kay TRB spokesman Julius Corpus ang nasabing pinayagang provisional toll rates ay maaari pa na magbago depende sa mga bagong pangyayari sa darating na mga susunod na araw.

 

 

Sinabi rin ni Corpus na hindi kaagad-agad na maipapatupad at masisimulan ang pagkokolekta ng mga nasabing toll rates hanggang hindi pa sila nabibigyan ng abiso mula sa TRB.

 

 

“It does not necessarily mean that they have been given the approval on the rates that they can automatically collect. These may be the initial provisional rates that they may be authorized to collect once they are given notice to start collection. Until then, they still cannot collect,” wika ni Corpus.

 

 

Ang nasabing pinayagan provisional rates ay mas mababa ng konti sa hiniling ng SMC na rates.

 

 

Saad din ni Corpus na marami pa na proseso ang pagdadaanan para sa approval ng rates. Gagawa pa ng resolution ang TRB kung saan ito ay kinakailangan na ilathala sa payagan ng general circulation ng isang beses kada linggo sa loob ng tatlong (3) magkakasunod na linggo. Kinakailangan din na magbigay sila ng surety bond.

 

 

Hiwalay pa rin ang mga requirements na kailangan gawin upang ang SMC ay mabigyan ng awtoridad upang makapag kolekta ng toll rates.

 

 

Samantala, wika ni SMC president Ramon Ang na lumalaki na ang kanilang pagkalugi dahil sa naaantalang toll collection na dapat sana ay sinimulan noong February pagkatapos na ang SMC ay magbigay ng libreng access sa loob ng isang buwan.

 

 

“Basically, TRB is insisting that Skyway 3 cannot start full operations and collect toll until all ramps are 100 percent complete. Our supplemental toll operation agreement states that we can start collecting at 95 percent completion – we are now 97 complete,” saad ni Ang.

 

 

Dagdag pa niya na kailangan nila ng sapat na pondo para sa daily maintenance ng kalsada at tamang long-term upkeep upang matiyak na ito ay ligtas at mahusay para sa mga motorista.

 

 

Dahil tumataas na ang pagkalugi gawa ng pagaantala ng TRB na simulan na ang toll collection, ang pinakamadaling paraan ay tuluyang ng gawin ang lahat ng ramps upang magkaron ng 100 percent completion subalit ito ay mangangahulugan na ang Skyway 3 ay kailangan munang saraduhan.

 

 

Tinatantiya na gagastos ng P10 billion kada taon ang SMC para lamang sa operasyon ng Skyway 3 subalit ang inaasahang makukuhang revenue ay P4 billion lamang kada taon na mas mababa base sa kanilang inihain na toll rates at existing na 60,000 na dami ng sasakyan kada araw.

 

 

Ang inihain na mungkahi ng SMC para sa Skyway toll rates noon pa man ay mula P110 hanggang P274. (LASACMAR)