• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 19th, 2021

Pananakot sa mga ospital, itinanggi ng DOH

Posted on: April 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Pinabulaanan ng Department of Health (DOH) na kanilang tinatakot ang mga pribadong ospital na ayaw magdagdag ng kapasidad sa gitna nang pagtaas ng bilang ng may COVID-19.

 

 

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, walang nagaganap na pananakot sa kanilang panig bagaman at nasa batas ang pagtataas ng kapasidad kung may pangangailangan.

 

 

Sabi pa ni Vergeire na dapat mag-expand ang mga pribadong ospital ng hanggang 30% mula sa orihinal na bed capacity para sa mga pasyenteng may COVID.

 

 

Ipinatutupad lamang aniya ng DOH kung ano ang nakasaad sa batas.

 

 

Pero naintindihan din aniya ng DOH ang mga ospital na kailangan ng mga bagong healthcare workers kaya tumutulong din sila sa pagbibigay ng mga kama.  (Daris Jose)

Ilang mga pagamutan nag-alok ng home care para sa mga COVID-19 positive

Posted on: April 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

May mga listahan na ang Department of Health ng mga pagamutan na magbibigay ng home care at telemedicines services para sa mga suspected, probable, mild at asymptomatic na pasyente para hindi na sila magpunta pa sa mga pagamutan.

 

 

Ang nasabing hakbang ay dahil sa kawalan na ng mga kuwarto ng mga pagamutan dahil sa dami ng mga pasyente na dinapuan ng COVID-19.

 

Kabilang sa mga serbisyo ng karamihang mga pagamutan ay ang home infection control, daily monitoring sa pamamagitan ng video call, virtual monitoring at health assessment ng mga doktor at nurses.

 

 

Mayroon ding mga home services ng swab test mula sa iba’t ibang packages.

VP Robredo naka-quarantine, close-in bodyguard nagka-COVID-19

Posted on: April 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Kusang nag-quarantine si Vice President Leni Robredo matapos ma-expose sa kanyang close-in security detail na nagpositibo sa COVID-19.

 

 

Sa Facebook post ni Robredo, sinabi nito na handa na sana siyang umuwi sa Bicol nang makatanggap ng tawag mula sa contact tracer na positibo ang kanyang close-in security.

 

 

“I was all set to go. But just a few minutes ago, I received a contact tracing call informing me that my close-in security has tested positive [for COVID-19],” pahayag ni Robredo.

 

 

Anya, halos araw-araw ay kasama niya ang kanyang close-in security kahit sa loob ng sasakyan, sa elevator at sa opisina.

 

 

Ayon kay Robredo, susunod siya sa health protocols at sasailalim din sa RT-PCR o swab test.

 

 

Matatandaan na no­ong nakaraang taon, nag-quarantine na rin si Robredo matapos ma-expose sa taong nagpositibo sa COVID-19.

 

 

Una nang naglunsad ang tanggapan ni Robredo ng mobile Swab Cab na nagkakaloob ng libreng antigen COVID tests sa mga lugar na may mataas na kaso ng virus. (Daris Jose)

HOME SERVICE VACCINATION PARA SA MGA ‘BEDRIDDEN’ NA MANILENYO, ISASAGAWA

Posted on: April 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MAGSASAGAWA ang pamahalaang lungsod ng Maynila ng home service vaccination para sa mga “bedridden” na Manilenyo upang sila ay mabakunahan kontra COVID-19.

 

Kasunod ng paglulunsad ng “home service vaccination” , sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na sa pamamagitan nito ay mabibigyan din ng bakuna  ang mga may karamdaman at walang kakayanang magtungo sa itatalagang vaccination sites ng lokal na pamahalaang lungsod.

 

Payo ng alkalde,  ipalista lamang sa nakakasakop na barangay ang pangalan at tinitirhan ng isang bedridden patient na nais magpabakuna upang mapuntahan ito ng kawani ng Manila Health Department (MHD) at maturukan ng covid vaccine.

 

Pinayuhan din ng alkalde ang mga bedridden patients na magpakonsulta muna sa kanilang doktor  bagao magpatala para sa vaccination lalo na ang may kinakaharap na comorbidity.

 

 

Samantala, batay sa pinakahuling datos ng MHD umabot na sa 72,141 frontline workers (A1), senior citizens (A2), at individuals with comorbidities (A3) ang nabakunahan na kontra COVID-19 sa Lungsod ng Maynila.

 

Patuloy naman ang isinasagawang bakunahan kontra COVID-19 ngayong araw kung saan kabilang sa babakunahan ang A1.1-A1.7 group, A2 group, at A3 group. Narito ang listahan ng vaccination sites para sa mga tatanggap ng kanilang first dose: District 1 – Emilio Jacinto Elementary School; District 4 – Ramon Magsaysay High School; at District 5 – Justo Lukban Elementary School

 

Makatatanggap na rin umano ng second dose ng bakuna ang medical frontliners mula sa A1.1-A1.7 group na nakakuha ng kanilang first dose noong March 2 hanggang March 18 kung saan ginaganap ang second dose vaccination sa Palacio de Maynila, Roxas Boulevard ngayong araw.

 

Patuloy naman ang paghihikayat ni Yorme Isko sa mga indibidwal na kabilang sa priority sectors na magpabakuna lalo na’t limitado pa ang bilang ng COVID-19 vaccines na dumarating sa bansa. Aniya, lahat ng interesadong magpabakuna kontra COVID-19 ay maaaring mag-register sa www.manilacovid19vaccine.ph

 

Paalala ng alkalde,  sumunod pa rin sa mga health safety protocols  at minimum public health standards  partikular ang pagsusuot ng  face mask at face shield at ang pag-oobserba ng physical distancing pagdating sa vaccination sites. (GENE ADSUARA)

Umaatras sa bakuna ‘di pipiliting magpaturok – DOH

Posted on: April 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Tiniyak ng Department of Health na hindi nila pinipilit ang mga taong umaatras sa bakuna laban sa COVID-19 sa mismong araw na sila ay tuturukan.

 

 

Ginawa ni Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang pagtiyak matapos murahin at tawaging hambog ni Pangu­long Rodrigo Duterte ang mga ayaw magpabakuna.

 

 

Ayon kay Vergeire, mayroon talagang mga tao na ayaw magpaturok sa mismong araw kung kailan sila babakunahan.

 

 

Sinabi ni Vergeire na tinatawag nila ang mga ito na “deferrals”.

 

 

“So mayroon hong iba’t ibang klaseng deferrals, ang isa diyan ito pong refusing ‘no, refusing on the day of vaccination itself,” ani Vergeire.

 

 

Hindi aniya pinipilit ang mga deferrals dahil boluntaryo naman ang pagpapabakuna.

 

 

Sa kabila nito, kinakausap pa rin aniya ng mga counselors ang mga tumatanggi sa bakuna at pinagpapaliwanagan upang makumbinsing magpaturok.

 

 

Matatandaan na nagpahayag ng pagkairita si Duterte sa mga ayaw magpabakuna na posibleng aniyang maging dahilan nang pagkahawa ng iba sa COVID-19. (Daris Jose)

Ads April 19, 2021

Posted on: April 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Ryan Reynolds and Samuel L. Jackson, Back in Action In ‘The Hitman’s Wife’s Bodyguard’

Posted on: April 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

THE upcoming action-comedy sequel The Hitman’s Wife’s Bodyguard starring Ryan Reynolds and Samuel L. Jackson, has just received its first trailer.

 

 

Aside from to the return of Reynolds and Jackson, as Michael Bryce and Darius Kincaid, respectively, also reprising their roles from The Hitman’s Bodyguard are Salma Hayek as Jackson’s wife Sonia, and Richard E. Grant as Mr. Seifert. Joining this series for the first time are Frank GrilloAntonio Banderas and Morgan Freeman.

 

 

In the film, the world’s most lethal odd couple – bodyguard Michael Bryce and hitman Darius Kincaid – are back on another life- threatening mission. Still unlicensed and under scrutiny, Bryce is forced into action by Darius’s even more volatile wife, the infamous international con artist Sonia Kincaid. As Bryce is driven over the edge by his two most dangerous protectees, the trio get in over their heads in a global plot and soon find that they are all that stand between Europe and a vengeful and powerful madman (Antonio Banderas). Joining in the fun and deadly mayhem is Morgan Freeman as…well, you’ll have to see.

 

 

Check out the first trailer below: https://www.youtube.com/watch?v=xJF4jXNIEIo

 

 

Prior to the trailer release, the sequel to the 2017 film The Hitman’s Bodyguard had its release date moved up to the beginning of this summer. The planned follow-up has been in the works for a while now after the first film made over $176 million worldwide, with plans for a sequel being announced the following year, and Patrick Hughes once again returning to direct.

 

 

The Hitman’s Wife’s Bodyguard was originally scheduled for an August 28, 2020 release, but was pushed back almost an entire year to August 20, 2021 due to the COVID-19 pandemic.

 

 

The Hitman’s Wife’s Bodyguard comes to theaters on June 16.  (ROHN ROMULO)

ALEX, pusunin lang pero hindi pa sila magkaka-baby ni Mikee

Posted on: April 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SA pamamagitan ng kanyang IG post, muling nilinaw ni Alex Gonzaga na hindi pa sila magkaka-baby ni Mikee Morado.

 

 

Kitang-kita nga sa kanyang photos na hindi pa nga siya buntis,This post is to show and inform you guys na I’m back to work and no po di pa ako buntis pusunin lang talaga ko. Swipe to see. Lastly i dig this shirt ‘coz im AG and i love @jagjeans76

 

 

May isa namang follower ang nag-react at sinabi nito na, “Hindi dapat tinatanong ang babae kung buntis sya or kelan magbubuntis kasi very insensitive yun so I hope tigilan na si Alex or any girls in asking if buntis sila. We never know ano struggle ng ibang babae to conceive babies. Ang iba nakukunan pa. Ang iba kahit capable mag alaga ng bata di pa nabibiyayaan.

 

 

“2021 na may ganyan pa ding mindset na porket kasal kelangan buntis agad. Let the couple enjoy their married life. Hindi porket public figures sila pati ba naman yan kelangan itanong paulit ulit. In God’s perfect time ibibigay sa kanila ni Lord ang blessing na magka baby. When that happens, wait na lang if ishare nila sa public. No need na pangunahan. Mind your own life mas okay.”

 

 

Reaction pa ng ibang netizens:

 

“PERIOD NA WALA NG RUMORS HAHAHAHHAHAHA.”

“And kung sakalin buntis ka man. Aba mas masaya yun!”

“Just enjoy your married life..in God’s perfect time, magkakaroon din kayo ng little mikee or little alex…”

“Bakit ba issue yun? Ano naman kung buntis si Alex G normal lang naman kasi may asawa na siya.”

“Wala naman masama kung buntis ka or ma issue Ka na buntis, you don’t need to explain may asawa ka naman kasal ka Naman.. so ano aman ngaun?”

“Sooo what kng buntis? I dont understand whats the big deal.”

“There’s nothing wrong YOU being pregnant. You’re married and you have husband.”

“Eh ano naman ngayon kung mabubuntis, may asawa naman yung tao. Eh iba nga dyan wlang jowa bigla2 nabubuntis.”

“Hi Cath even you are buntis that will be a blessing besides you are married already. Enjoy the ride on your new life horizon stay safe your follower and subscriber here at UAE.”

“Just enjoy your married life yon kayo munang dalwa ni Mikee kc nsa period of adjustment pa kayo as husband and wife ♥ ”

“Ano naman kung buntis ka di baaaa? You’re married naman.. di naman kabet lol papansin mga tao.”

“And what if naman po if you’re pregnant? Huhu I mean why would you feel the need to validate/justify po? We’d be happy naman if ever hehe and I feel you po sa pusunin.”

“Inaabangan po NAMIN Kung kelan k magkaka baby.. siguro super cute un kasi parehas kaung gwapa ni konsi. Ingat po kau always. Parehas po tau taga taytay at solid fans po ninyo. Palagi ako nakaabang sa mga vlog mo po subscriber n din po ako.”

“when kaya magkakaron ng seve @mikee_mo ayh! natag AHHAHAH”

@cathygonzaga sabe kuya mikee scam daw po yung magkakalumpuhan kayo hahaha, kaya pano ka mabubuntis agad.”

 

 

Marami rin pumuri kay Alex sa pagiging fresh at ‘yun iba naman ay gandang-ganda sa kanya.

 

 

May netizen pa na nagsabi na sa kakapanood daw ng vlog ni Alex ay napapanaginipan na niya ito at yun iba ay tuwang-tuwa dahil nakakawala raw ng stress lalo na ngayong may pandemya.

 

 

May isa pang nagbiro na, “Akala ko si @ivanaalawi ang hot din kasi.” (ROHN ROMULO)

DERRICK, naghintay ng magandang timing at nanggulat sa underwear pictorial

Posted on: April 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NOON pa hiling ng mga beki na gawing endorser ng Bench Body underwear si Derrick Monasterio dahil sayang daw yung ganda ng katawan nito kung ang ini-endorse niya ay t-shirt, jacket at jeans.

 

 

Naunahan pa raw si Derrick nina Paul Salas at Gil Cuerva na mag-underwear sa pictorial eh mas maganda raw ang katawan niya.

 

 

Naghintay lang daw ng magandang timing si Derrick at ginulat niya ang mga beki sa lumabas na pictorial shoot niya kunsaan suot niya ay puti at dark gray na underwear.

 

 

Kaya pala noong magkaroon ng lockdown last year ay nag-focus si Derrick sa pagpapalaki ng katawan. Nagpagawa pa ito ng sariling gym sa bahay para tuluy-tuloy ang workout niya kahit sarado ang mga gym.

 

 

Post ni Derrick sa Instagram: “Best part of being a @benchbodyph model is having UNLIMITED UNDERWEAR! 

 

 

Seriously though been wearing them since I was in highschool and It’s an honor to represent this brand.”

 

 

***

 

 

CERTIFIED content creator na talaga ang Kapuso teen actor na si Will Ashley.

 

 

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi niyang natanggap na niya ang Silver Play Button mula sa YouTube dahil higit 100,000 na ang subscribers ng kanyang channel.

 

 

Inumpisahan ni Will ang pagba-vlog noong August 2019 at simula noon ay lagi nang inaabangan ng viewers ang mga video niya lalo na tuwing kasama niya ang co-stars sa nagdaang top-rating GMA Afternoon Prime show na Prima Donnas.

 

 

***

 

 

TULUYAN nang naghiwalay sina Alex Rodriguez at Jennifer Lopez.

 

 

Last Wednesday ay kinumpirma na ito ni Alex sa pamamagitan nang pag-post ng mga photos nila ni Jennifer sa kanyang IG Story.

 

 

Tribute daw ito ni Alex sa four-year relationship nila ni Jennifer. Kasama rin sa photos ang kanilang mga anak na naging close na sa isa’t isa.

 

 

Kinumpirma naman ng rep ni Jennifer ang paghihiwalay nila sa “Extra.”

 

 

Ayon sa joint statement: “We have realized we are better as friends and look forward to remaining so. We will continue to work together and support each other on our shared businesses and projects. We wish the best for each other and one another’s children. Out of respect for them, the only other comment we have is to say is thank you to everyone who has sent kind words and support.”

 

 

Sa latest post ni Jennifer, hindi na niya suot ang engagement ring na bigay ni Alex.

 

 

Noong unang pumutok ang balitang hiwalay na sila last March, mabilis na pinabulaanan ito ni Alex at sinabing inaayos nila ang kanilang relasyon.      Pumunta pa si Alex sa Dominican Republic kunsaan nagsu-shoot ng movie si Jennifer para patuloy ang pag-uusap nila. Pero nauwi rin sa totohanang breakup after a few weeks.

 

 

Ayon sa isang source: “Both Jennifer and Alex are incredible and two very busy people with big public lives. They will continue working in all of their business ventures together. They’ve always encouraged each other to dream big and go bigger — they’ve built something really unique together and the success of their business partnerships/goals are important to them.”  (RUEL J. MENDOZA)

5 lumabag sa curfew sa Caloocan, nahulihan ng shabu

Posted on: April 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Kulong ang limang indibidwal kabilang ang dalawang ginang na nahuli dahil sa paglabag sa curfew matapos makuhanan ng shabu sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan city.

 

 

Dakong 1:50 ng madaling araw, nagsasagawa ng “Oplan-Galugad” sa Warayan Street, Minamonte Heights, Barangay 180 ang mga pulis nang mamataan nila sina Marco Nazul, 52, construction worker at Allan Sibug, 57, tricycle driver na lumabag sa curfew.

 

 

Nang mapansin ng dalawa ang mga pulis ay tinangkang tumakas ng mga ito subalit, kaagad silang naaresto nina P/Cpl, Daddie Antonio Jr at Pat. Ivan Jay Estanislao na kabilang sa grupong pinamumunuan ni P/Capt. Jansen Ohrelle Tiglao.

 

 

Inatasan ng mga pulis ang dalawa na ilabas ang laman ng kanilang bulsa at nakuha sa kanila ang tig-isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tinatayang aabot sa P5,032,00 lahat ang halaga.

 

 

Alas-11:20 ng gabi nang respondehan ng mga tauhan ni Bagong Barrio Sub-Station head PLT Julius Villafuerte, kasama ang 2nd MFC RMFB NCRPO ang natanggap na SMS sa pamamagitan ng NCRPO Compliance Monitoring System na may Ref# R210409-1442 sa Progreso St. Brgy. 151, Bagong Barrio.

 

 

Pagdating sa lugar, naispatan ng mga pulis sina Mary Grace Cañete, 37, Ma. Lany Morales, 54, at Cecilio Mabongga, 58, na gumagala na malinaw na paglabag sa city ordinance No. 0889 subalit, nang lapitan nila para alamin ang kanilang pagkakilanlan ay nagtakbuhan ang mga ito.

 

 

Hinabol sila ng mga pulis at nang makorner ay inatasan ang tatlo na ilabas ang laman ng kanilang mga bulsa at nakuha kay Cañete ang isang plastic sachet ng hinihinalang shabu, dalawang plastic sachets naman ng shabu ang nakumpiska kay Morales at isang plastic sachet ang narekober kay Mabongga na tinatayang aabot lahat sa P9,724 ang halaga. (Richard Mesa)