PAMILYAR na ang Thai Superstar na si Mario Maurer sa bansa dahil nakagawa na siya ng movie.
Kaya sanay na rin ito sa entertainment press at muling humarap sa Zoom launch kahapon ng TNT’s “Kilig Saya” campaign.
Bukod kay Mario, may dalawa pang popular ding Thai actors na sina Nonkul Chanon (Bad Genius) at Gulf Kanawut (TharnType: The Series) ang napiling maging TNT’s newest ambassadors along with Popstar Royalty Sarah Geronimo and Sue Ramirez.
Nakaaaliw ang tatlong Thai heartthrobs dahil game na game nilang sinagot ang mga tanong ng showbiz press at naki-join pa sa iba’t ibang challenges and games tulad ng Jowa or Tropa.
Sa Jowa or Tropa game, kabilang sa mga Pinoy actresses na ipinakita sa tatlo ay sina Liza Soberano at Bea Alonzo.
Sagot ni Mario about Liza ay “Jowa.” When asked kung na-meet ba niya in person ang aktres noong nandito sya sa Pinas, ayon sa Thai Superstar ay hindi raw. Jowa rin ang sagot ni Gulf habang “tropa” naman si Nonkul.
Nang ipakita ang larawan ni Bea Alonzo, “tropa” ang sagot ni Mario. Nang tanungin ni DJ Chacha kung bakit, sagot ng aktor, “I need a guide to, you know, guide me in the Philippines.”
Tinanong din sila kung ano ang maibibigay nilang love advice kay Bea since kabe-break lang nito sa boyfriend. “I’m sure she’s a strong girl so, I hope she continues to have a good life and be happy,” sabi ni Mario.
Ayon naman kay Nonkul, matagal na raw siyang walang karelasyon kaya wala raw siya sa posisyon na magbigay ng love advice.
Isa pang cute na tanong kay Mario ay kung ano ang suot nito pag natutulog. Ayon sa Thai heartthrob ay boxer shorts. When asked kung na-try na niya na walang suot, yes daw naman pero malamig daw masyado and he can’t handle it.
Sa isang banda, bilang TNT’s newest ambassadors, the trio headlined TNT’s “Kilig Saya” campaign in a 3-minute music video sang by Sarah . The campaign also co-starred with Sue. The commercial was launched via livestream at the first ever ‘TNTCON2021.’
“TNT’s passion is to bring the youth together through fun and happiness. We recognize their remarkable spirit and perseverance to overcome all odds, wo we’re very excited to showcase how they find joy even in the hardest of circumstances in our newest campaign featuring the Thai superstars they admire,” lahad ni Miriam Z. Choa, FVP and Head of Prepaid Marketing at Smart.
***
HINDI rin nagpahuli si Kris Bernal noong Mother’s Day at the same time, dahil nga malapit na ang kanyang birthday sa May 17, nagkaroon din ng sariling pa-community pantry si Kris.
Tinawag niya itong “Inay Pantry” dahil ang mga naging beneficiary ay mga nanay during Mother’s Day. Katulong din ni Kris ang kanyang fiancée na bukod sa nag-donate rin ng mga items, taga-buhat din sa mga pinamigay niya.
Mukhang dahil sa hindi magandang pangyayari sa birthday community pantry ni Angel Locsin, na-warn na si Kris at sa halip na pipilahan ang pantry niya, ang ginawa niya ay siya na mismo ang nag-delivery ng mga pinamigay niya sa bahay-bahay.
Bahagi ng post ni Kris sa ginawang Inay Pantry, “This is an initiative together with my friend, Kuya Manny, in celebration of our birthdays. We’ve been busy delivering goods from one point to another but I missed taking videos since I don’t have much time to document it. Plus, I was on my own with no one to assist me or take photos/videos!
“We were able to brighten up and bring smiles through this simple gesture. I actually really wanted to join but I needed to stay behind the scene so we can ensure that things will run smoothly.”
(ROSE GARCIA)