• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 1st, 2021

Malakanyang, hinikayat ang Kongreso na gumawa ng national quarantine law

Posted on: June 1st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NANANALIG ang Malakanyang na gagawa ng hakbang ang Kongreso para gumawa ng batas na may kinalaman sa pagbalangkas ng National Quarantine Law.

 

Layon nito na magkaroon ng malinaw na batas lalo na sa kung anong kaparusahan ang dapat ipataw laban sa mga lalabag sa ipinatutupad na health at quarantine protocol.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na sa ibang mga bansa ay may ipinaiiral ng malinaw na panuntunan tungkol dito na kung saan ay itinatakda ang mabigat na parusa sa mga violators.

 

Sa ngayon, ang pamahalaan ay mayroon lamang na mga ordinansa at specific provisions ng Revised Penal Code na pwede namang gamiting batayan sa pagpapatupad ng aksiyon laban sa mga lumalabag.

 

“Well, the guest themselves would be liable. Because they are committing the breach of health protocols, which in turn would be a violation of an existing ordinances! The owners of course will also be complicit, would also be liable on the basis of conspiracy because he allowed the offenses to happen.”

 

“So, it’s just to stress that although we still have to come up with the national law on quarantine, we do have existing ordinances and we do have specific provisions of the Revised Penal Code which will be sufficient,” ayon kay Sec. Roque.

 

Maaari na rin aniya ang reckless imprudence na ipataw sa mga pasaway na may katapat na parusang kulong pero mas maiging magkaruon ayon kay Roque ng national law on quarantine na nasa hurisdiksiyon na ng Kongreso.

 

“Now, am I happy with the reckless imprudence, well I think there should be a higher penalty to be imposed on individuals who will be responsible for super-spreader events. Because as you know, kapag ang kaso ay reckless imprudence, there is hardly any imprisonment and which is subject to, in fact, settlement.  So I would like to see or prefer to see that Congress specifically enact a national quarantine law similar to what other countries have that would spell out stiffer penalties for those in breach of quarantine protocols,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)

MAINE, wish na matapos na ang pandemya para muling makapag-travel

Posted on: June 1st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAGTATANONG ang netizens, bakit daw ang sipag ngayong magtrabaho nPhenomenal Star Maine Mendoza. 

 

 

Kung dati ay okey na sa kanya na araw-araw lamang siyang napapanood sa noontime show na Eat Bulaga at sa Daddy’s Gurl tuwing Saturday, ngayon ay tuloy pa rin siya sa dalawang shows at nadagdag nga lamang ang dalawang shows sa TV5 at Cignal TV.

 

 

Bale three days lamang kasi ang work ni Maine sa EB, three days na live, Thursday to Saturday at after ng live, nagti-tape sila para sa ipalalabas ng Mondays to Wednesdays.  Kaya ang free days naman niya ang ginagamit niya para sa pagti-taping ng bago niyang shows.

 

 

Actually, matagal na ito dapat nagawa ni Maine pero hindi pa naayos ang taping schedules niya dahil may nauna nang ginawa sa TV5 na show si Paolo Ballesteros na siya niyang co-host sa new show nilang PoPinoy. Nagkaroon na ng mediacon ang show at mapapanood na ang primer sa June 6 at ang pilot episode nila ay sa June 13, 7PM.

 

 

Isa namang travel show ang tini-tape din ni Maine for Cignal TV, na bukod sa pumupunta siya sa magagandang lugar, pinakikita rin niya ang mga masasarap na pagkain sa lugar na iyon.

 

 

Bukod sa dalawang shows, sunud-sunod din ang shoot ni Maine ng mga new endorsements niya, at ang pinaka-latest, siya ang napiling Brand Ambassador and 51Talk Guest Teacher. Ang 51Talk ay gamit ng mga online English teachers.

 

 

Sa sunud-sunod na trabaho ni Maine, ano ang gusto niyang kapalit?  Ang wish daw niya ay matapos na ang pandemic na pinagdaraanan nating lahat ngayon at magbalik na tayo sa normal.

 

 

Ano ang una niyang gagawin?

 

 

“Gusto kong mag-travel!”

 

 

Every year kasi ay nagta-travel ang buong pamilya ni Maine especially kung Holiday Seasons, pero in 2019 hindi sila nakapagbakasyon at last year, hindi rin sila nakaalis dahil nga sa pandemic.

 

 

***

 

 

MAY warning si Kapuso actress Jasmine Curtis-Smith sa mga tulad niyang bumili ng isang studio unit na pagkatapos naman ay hindi niya tinirahan.  Pero bago siya bumalik sa work para sa upcoming GMA series na The World Between Us nila nina Alden Richards at Tom Rodriguez, binisita niya ang unit niya at shocked siya na may tumira na rito at malaki ang mga nasira sa mga gamit niya.

 

 

Hindi na siya makapagreklamo, dahil wala raw siyang alam sa property handling at bago na ang management ng property, kaya ipinalinis at pina-disinfect na lamang niya ang unit niya.

 

 

Naisip din daw niyang magiging useful ang place niya kung may overseas family na bibisita sa kanya, tulad ng Mama niya na mahilig sa lugar na malapit sa shops and cafes.

 

 

Sa ngayon gagamitin na raw lamang muna niya itong quarantine nest/mini studio for work, lalo pa at may bago nga siyang series na ginagawa.

 

 

***

 

 

MUKHANG nakaka-adjust na si Ruby Rodriguez sa bago niyang work sa Philippine Consulate General Office in Los Angeles, California.

 

 

Nami-miss pa rin ni Ruby ang mga Dabarkads niya sa Eat Bulaga at nag-post siya sa kanyang Instagram kasama ang new friend colleague niya na tinawag niyang ‘Wally’ dahil wala rin siyang buhok.

 

 

“Bukas mayroon din kaming ‘Jose’ kaya papicture din ako.”

 

 

Pero totoo bang kinuha na si Ruby ng Viva Artist Agency, kaya kailangan na rin niyang bumalik sa Pilipinas?

(NORA V. CALDERON)

Pagbati bumuhos sa panalo ni Donaire

Posted on: June 1st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nanguna si Filipino boxing champion Manny Pacquiao sa bumati kay Nonito Donaire matapos ang panalo nito kay Nordine Oubaali ng France para makuha ang WBC Bantamweight belt.

 

 

Sinabi ng fighting senator na bagay pa rin ang tawag kay Donaire bilang Filipino Flash dahil sa pagiging oldest WBC bantamweight champion.

 

 

Tulad din niya ay naging oldest boxer na makakuha ng WBA welterweight champion noong Hulyo 2019 ng talunin si Keith Thurman sa edad 40.

 

 

Ilan sa mga boksingero na nagpaabot ng kanilang pagbati ay sina Canelo Alvarez, dating world champion Andre Ward at Timothy Bradley.

 

 

Sinabi naman ni Donaire na ang edad ay numero lamang dahil maraming may mga may edad na ang nangunguna sa iba’t-ibang larangan.

 

 

Magugunitang pinabagsak ni Donaire ang kaniyang kalaban sa loob ng ikaapat na round.

JOHN LLOYD, muling mapapanood sa GMA bilang special guest ni WILLIE; planong sitcom makakasama si ANDREA

Posted on: June 1st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

LAST week, kinumpirma nga ni Willie Revillame na muling mapapanood si John Lloyd Cruz sa GMA-7.

 

 

Magsasama ang dalawa sa 6-6 Shopee Super Mega Fiesta at mapapanood ito sa Kapuso Network sa Linggo, June 6, 2 pm. na magaganap sa Smart Araneta Coliseum.

 

 

Si Willie mismo ang personal na nakipag-usap kay John Lloyd para sa special guesting nito, nang magkasama-sama sila nina direk Bobot Mortiz sa Puerto Galera at pumirma ng kontrata si Lloydie sa Wil Production ni Kuya Wil na blocktimer producer ng show.

 

 

Ito rin ang second time na mapapanood sa GMA-7. Nakapag-guest na pala si JLC sa “Sumalangit Nawa” episode ng Kakabakaba Adventureshorror anthology show ng GMA-7 noong 2004 na tumagal hanggang 2005.

 

 

Sa naganap na contract signing nabanggit ni Willie na, “Tonight is history. More to come. Welcome to your new family, my production.”

 

 

Bukod nga sa posibilidad na mag-guest si JLC sa ‘Tutok To Win’ ng Wowowin. Ang ‘real deal’ talaga ay ang pagsasama nina John Llyod at Willie sa isang sitcom na siyempre, mapapanood sa Kapuso Network.

 

 

Dalawang dekada na pala ang nakalilipas nang huling nakapasama sa isang sitcom si Willie.  Matatandaan na naging mainstay siya sa Richard Loves Lucy ng mag-asawang Richard Gomez at Lucy Torres na napanood sa ABS-CBN mula November 22, 1998 hanggang March 25, 2001.

 

 

At bilang respeto sa home network ni John Lloyd, kinausap ni Willie si ABS-CBN President and CEO Carlo Katigbak tungkol sa proyekto na gagawin nila sa GMA-7.

 

 

Pinayagan naman si John Lloyd na magtrabaho sa production ni Kuya Wil na kung saan magpa-partner sila sa isang project sa tulong ni Miss Annette Gozon-Valdes.

 

 

Rebelasyon pa ng blocktimer producer na sa pinaplano nilang sitcom, si Andrea Torres ang magiging love interest ni John Lloyd.

 

 

Kapag natuloy ang planong pagtatambal, tiyak na magiging talk of the town ito, si Andrea, ang ex-girlfriend ni Derek Ramsay na fiancé ngayon ni Ellen Adarna, na ex-girlfriend at ina ng anak ni John Lloyd.

 

 

Sa part naman ni Kuya Wil, ito na nga ang pagbabalik-sitcom niya kaya muli siyang mapapasabak sa pag-arte na isinantabi muna siya ng mahigit dalawampung taon dahil naging abala niya sa pagho-host ng game shows at maging sa pagtulong mga mahihirap at nangangailangan na mga kababayan, lalo nang nagsimula ang pandemya noong nakaraang taon.

 

 

Reaction naman ng netizens sa pagbabalik ni John Lloyd sa GMA at sa upcoming sitcom with Willie and Andrea:

“Aabangan ko to. Forever a fan.”

“What a comeback. Seriously, Sure ka na ba lloydie? Haha sa ganyang materyal talaga hahaha.”

“Maja seryoso ganito ka magmanage? Lol”

“Bad for his talent though… Shopee talaga? Di man lang one-off drama episode?”

“Abangan ang movie/sitcom sa GMA.”

“Comedy daw with Andrea Torres at Willie ang balita ko.”

“Palitan lang ng partner ‘no kung si Andrea talaga. Hehe.”

“Hindi ba parang pananadya na kung kay Andrea itambal si JL?”

“Welcome back, JLC!”

“So anong mangyayari sa Popoy at Basha movie, part 3? Di na yun matutuloy?”

“Sabi ni Direk Olive dati na tuloy kasi sina Bea at JLC ang personal na tumutulong para buo-in ang characters nila.”

“Why not, Viva na din naman si Bea. Hehe.”

“Ipinagpaalam daw ni Willie si Lloydie kay Carlo Katigbak of ABS. OK naman sila ganun din yung mga Gozons sa GMA.”

“Happy Mega Fiesta!! Hahahaha nakakatawa na ewan na comeback yan hahahah.”

“Watt? Bakit sya may pa comeback via shoppe pero si kris aquino wala man lang guesting sa GMA via shoppe after nya ma pataas ang sales ng shoppe.”

“Shopee at kay Kuya Wil talaga? Sabagay beggars can’t be chosers. Mukhang lunok lunok ng pride at hiya na lang, pera pa din yan.”

“Bongga kaya madikit sa shopee at lazada now.”

“Between you and jlc, ikaw yata ang mas beggar dae. Si lee min ho nga nag endorse ng lazada na mas big star.”

“This is exciting… Si andrea ang leading Lady niya…”

“Nice one Maja Management…come back is to “pretend to like what you are doing for the money” – he is an actor! come back nya infomercial sus money talaga.”

“sa show lng yan ni willie, sino bang pwedeng i-partner sa kanya sa GMA na ka-level nya ang acting and stellar status. movie lng sya lalabas muna, not GMA shows.”

“Wala na nganga na talaga abs cbn.. iniwan na nya.. Lol.”

“Oh C’mon it is not ABS loss. Hahahaha ABS always always has the brand new, good, money maker actor/actress. Even without JLC, ABS still made the 2x highest record breaking movies. JLC can move to wherever he wants.”

“From box office king and teleserye king to shopee.

(ROHN ROMULO)

57 kindness station, binuksan ng Diocese of Novaliches

Posted on: June 1st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Umaabot na sa 57 sa mga parokya sa Diocese ng Novaliches ang nagbukas ng mga Kindness station o community pantries. 

 

 

Ayon kay Novaliches Bishop Roberto Gaa, ang bilang ay 70 porsiyento ng kabuuang parokya sa diyosesis.

 

 

“Ito ang milagro ng community pantry sa daming gustong tumulong at nirerecognize kasi nila na marami ang nangangailangan. So, nagkasalubong ang maraming gustong tumulong dahil ito ang time na bumalik tayo sa ECQ at maraming temporarily ay hindi makapasok sa trabaho,” ayon kay Bishop Gaa sa programang Pastoral visit on-the-air sa Radyo Veritas.

 

 

Dagdag pa ng obispo, bukod sa mga parokya may kaparehong bilang din ng mga pamayanan sa Novaliches ang nagsagawa ng mga community pantry para magbigay ng tulong sa kanilang kaowa

 

 

“Mayroong urgent need na kailangang punan na napunan ng community pantry. Yung pangangailangan na ‘yon at maraming tumugon whether organized o un-organize,” dagdag pa ng obispo.

 

 

Sa muling pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine noong Marso sa NCR-Plus Bubble, muling nanawagan ang Caritas Philippines-ang social arm ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa bawat diyosesis sa buong bansa na ang paigtingin at muling pagbubukas ng kindness station upang magbigay ng tulong sa mamamayan dahil sa krisis na dulot ng pandemya.

 

 

Ang ECQ ay ang pinakamahigpit na community quarantine kung saan tanging mga essential workers lamang ang pinahihintulutang makapasok sa trabaho.

Mga bagets, mabibigyan ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccines

Posted on: June 1st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ng Malakanyang na mabibigyan ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccines ang mga teenager o mga bagets sa oras na maging available na ang suplay.

 

Ang pahayag na ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque ay matapos na ihayag ng Philippine Food and Drug Administration (FDA) na nakatakdang i- modify o baguhin ang emergency use authorization (EUA) na ipalalabas sa Pfizer-BioNTech para payagan na mabakunahan ang 12 hanggang 15 taong gulang kasunod ng positive evaluation mula sa FDA team.

 

“Well, inaasahan po natin na kapag dumating iyong ating mga biniling Pfizer ay pupuwede naming makonsidera rin ang ating mga kabataan,” ayon kay Sec. Roque.

 

“Dahil sa ngayon ang only one authorized by the FDA is Pfizer, eh inaasahan po natin na kahit papaano, kapag dumating na iyong biniling Pfizer mag-a-allocate tayo para sa mga kabataan,” dagdag na pahaag nito.

 

Nauna rito, sinabi ni Vaccine czar Carlito Galvez Jr. na bumii ang Pilipinas ng 40 million doses ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccines, subalit ang delivery nito ay hindi pa madetermina kung kailan.

 

Sinabi naman ni Health Secretary Francisco Duque III na ang mga bagets o teenager ay hindi maaaring ikunsidera sa vaccination program dahil ang mga nakabinbing suplay ay para sa frontliners, essential workers at general population.

 

Base sa pagsusuri ng Philippine FDA, ang Pfizer-BioNTech ay mayroong efficacy rate na 95% sa study population at 92% sa buong races o lahi.

 

“These rates are the highest among the COVID-19 vaccine brands issued emergency use authorization (EUA) by the Philippine Food and Drug Administration which include Pfizer-BioNTech AstraZeneca, Sinovac, Janssen, Moderna, Covaxin and Sputnik V,” ayon sa ulat. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Pres. Duterte ipinagdasal ang bansa sa nararanasan COVID-19 crisis

Posted on: June 1st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdarasal para sa paggaling ng bansa laban sa COVID-19.

 

 

Sa kaniyang mensahe sa interfaith prayer meeting na inorganisa ng Office of the Presidential Adviser for Religiuos Affairs (OPARA) at ilang religious groups nanawagan ang pangulo sa mga Filipino na magdasal para gumaling.

 

 

Nanawagan ito sa MayKapal na pagalingin ang bansa laban sa COVID-19.

 

 

Ipinagdasal din nito ang mga medical frontiliners sa at mga essential workers na nagtulong-tulong laban sa pandemiya.

Bong Go, puwedeng tumakbo sa pagka-Pangulo sa 2022 national election- Panelo

Posted on: June 1st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KUMBINSIDO si Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na puwedeng tumakbo sa pagka-pangulo sa 2022 national elections si Sen. Christopher “Bong” Go.

 

Sa isang virtual conference ng Anvil Business Group ay sinabi ni Panelo bukod kay Go ay maaari ring tumakbo bilang pangulo si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

 

Ito naman ay depende sa sigaw at panawagan ng publiko.

 

Para sa kanyang personal na opinyon, si Sara ang tamang kandidato kasunod ng kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte.

 

Ani Panelo, welcome naman sa gobyerno ang mga lumalabas naman na mga pangalan na tatakbo sa 2022 elections dahil kahit sino ay maaaring tumakbo sa kahit anong pwesto.

 

Samantala, matatandaang makailang ulit namang sinabi ni Go na wala siyang planong tumakbo sa pagka-pangulo sa 2022. Kahit kailan ay hindi niya inaambisyon ang nasabing posisyon.

 

Masaya na siya na nabigyan siya ng pagkakataon na magserbisyo sa kapwa niya Pilipino.

 

Binigay na rin sa kanya ng Panginoon ang maging senador kaya ibabalik aniya nya sa tao ang serbisyong para sa mga ito.

 

“Pangako ko sa mga tao na kahit saang sulok ng Pilipinas, basta kaya lang ng oras at katawan ko, pupuntahan ko kayo para mapakinggan ang inyong hinaing at mabigyan ng pansin ang inyong mga pangangailangan,” ayon kay Go.

 

Sinabi pa niya na ayaw na niyang pag-usapan ang politika dahil mas gusto niyang unahin ang pagseserbisyo.

 

Mas gusto pa niya na maging campaign manager sa kung sinuman ang makakapagpatuloy ng pagbabago na inumpisahan ni Pangulong Duterte.

 

“Pero kung tatanungin ninyo ako tungkol sa 2022 elections, I am willing to volunteer as campaign manager,” ani Go. (Daris Jose)

M. Night Shyamalan’s Upcoming Thriller Film ‘Old’ Releases A Mysterious Trailer

Posted on: June 1st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

A new mysterious trailer has been released for M. Night Shyamalan’s upcoming thriller film, Old.  

 

 

M.Night Shyamalan has been on a bit of a roll in the last year few years, turning around his reputation for the better with projects like Splitand The Visit.

 

 

Now it looks like he could have another critical and commercial success on his hands with his newest film Old, which has a terrifying concept at the heart of it.

 

 

As you can glimpse from this newly-released trailer, visiting a certain secluded beach causes people to age rapidly, eventually leading to their deaths and their bodies decomposing.

 

 

As well as the scary premise of becoming old and dying within a few hours, the film also leans into the psychological horror of parents seeing their children become teenagers in the blink of an eye, as well as the paranoia that sets in when faced with such a situation and not knowing who to trust.

 

 

The trailer also cleverly deals with a question you might otherwise have had going into the film: why don’t the people just go back the way they came? Because people are blacking out when they try to leave.

 

 

There are also some strange symbols hinting at what’s going on and how our protagonists might escape. Will it lead to a Shyamalan trademark twist?

 

 

Watch the new trailer below: https://www.youtube.com/watch?v=A4U2pMRV9_k

 

 

Old stars Gael García Bernal, Vicky Krieps, Alex Wolff, Ken Leung, Thomasin McKenzie and Nikki Amuka-Bird. It is set for release in US theaters on July 23.      For more information, visit the Old movie’s website and follow its social media pages on FacebookTwitter, and Instagram.

(ROHN ROMULO)

50K tauhan ng PNP, BFP idineploy

Posted on: June 1st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Mahigit sa 50,000 tauhan ng Philippine National Police (PNP) at Bureau of Fire Protection (BFP) ang idineploy ng pamahalaan para matiyak ang maayos na daloy ng national COVID-19 vaccine rollout sa bansa.

 

 

Kasunod na rin ito nang inaasahang pagbabakuna ng pamahalaan ngayong Hunyo ng may 35.5 milyong manggagawa na nasa ilalim ng A4 category.

 

 

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, nasa 35,415 police personnel ang tutulong sa pagbibiyahe ng mga bakuna sa buong bansa, habang 13,840 naman ang tutulong sa pagtiyak na mapapanatili ang health protocols, at magkakaloob ng seguridad sa inoculation activities.

 

 

Samantala, nasa 2,390 personnel at 356 emergency medical service units mula sa BFP ang ide-deploy sa 1,150 warehouse at mga vaccination sites.

 

 

Nagpuwesto na rin ang BFP ng 733 fire trucks at 59 ambulansiya para sa pangangailangan sa transportasyon sa pagbabakuna.

 

 

“Mass vaccination will be a big challenge to the government but with the help of our uniformed personnel, we aim to get as many of our countrymen and women vaccinated as efficiently and as soon as possible. This is the only way for us to put an end to this pandemic,” anang DILG Secretary.

 

 

Sinabi pa ng kalihim na ang mga uniformed personnel na may medical backgrounds ay itatalaga rin sa medical tasks sa mga vaccination sites sa buong bansa. Kasabay nito, iniulat ng DILG na nasa 14,082 police medical workers na ang nakatanggap ng kanilang unang dose ng COVID-19 jabs, at 8,416 dito ang fully vaccinated na o nakatanggap na rin ng second dose.

 

 

Sa BFP naman, nasa 6,298 personnel na ang tumanggap ng unang dose habang 2,298 sa kanila ang nakatanggap na rin ng second dose. (Daris Jose)