• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 5th, 2021

2 WANTED SA MURDER, TIMBOG NG MARITIME POLICE

Posted on: June 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAGWAKAS na ang pagtatago sa batas ng dalawang lalaking wanted sa kasong murder matapos masakote ng mga tauhan ng Maritime police sa magkahiwalay na operation kontra wanted person sa Navotas at Quezon cities.

 

 

Kinilala ni Northern NCR Maritime Police (MARPSTA) head P/Major Randy Ludovice ang naarestong suspek na si Noe Alaquiao alyas “Utoy”, 29, mangingisda ng Blk 29 Lot 8 Squatter Area, Palengke St. Brgy. NBBN.

 

 

Ayon sa ulat, nakatanggap ang mga tauhan ng MARPSTA ng impormasyon na nakita ang suspek sa Navotas Fish Port Complex (NFPC) kaya’t agad bumuo ng team ang mga tauhan ng MARPSTA sa pangunguna ni PCPT Luisito Balatico sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Major Ludovice, kasama ang Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Navotas Police sa pangunguna ni PSMS Normito Tapon.

 

 

Dakong alas-9:30 ng gabi nang magsagawa ng operation ang pinagsamang mga tauhan ng MARPSTA at WSS sa Palengke St., NFPC na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Hon. Zaldy B Docena ng RTC Branch 170 ng Malabon city dahil sa kasong Murder na walang inirekomendang piyansa.

 

 

Samantala, natimbog din ng pinagsamang team ng MARPSTA, WSS ng Navotas Police at Special Operation Unit 3 sa hiwalay na operation dakong alas-6:30 ng gabi sa Riversside St., Unit 3, Brgy. Commonwealth, Quezon city si Alger Cervantes alyas “Tricks”, 25, electrician.

 

 

Si Cervantes ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Madonna Echiverri, Presiding Judge, RTC Branch 80 ng Quezon City para sa paglabag sa Article 248 (Murder) na walang inirekomendang piyansa. (Richard Mesa)

Sinovac, kahanay na ng Pfizer, AstraZeneca at iba pang Covid-19 vaccines

Posted on: June 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

LABIS na ikinatuwa ni National Task Force o NTF against Covid-19 consultant Dr. Ted Herbosa ang ulat na kasama na rin ang Sinovac sa Emergency Use Listing ng World Health Organization (WHO).

 

Sa Laging Handa briefing public briefing ay sinabi ni Herbosa na, malaking bagay na kabilang ang SInovac sa EUL ng WHO na syang pinakamarami ngayon sa bansa.

 

Aniya, nangangahulugan ito na kahanay na ng Pfizer, AstraZeneca, Moderna, J&J at ng Sinopharm ang Sinovac Covid-19 vaccine.

 

Sinabi pa ni Herbosa, dalawang malalaking bagay ang magiging advantage nito sa Pilipinas.

 

Una na ang mga vaccine hesitant aniya na namimili ng bakuna base sa bansang pinagmulan nito ay sigurado na unti-unti nang mawawala.

 

Aniya pa, marami nang reports ngayon sa iba’t ibang bansa na nagsasabing “very effective” ang Sinovac matapos na bumaba ang kanilang death toll at new virus cases.

 

Habang pangalawa naman ay malaki ang tulong ng pagkakasama ng Sinovac sa Eul ng WHO dahil tataas ang tiwala ng multilateral partners ng bansa na kaagapay ng Pilipinas sa pag-aangkat ng mga Covid-19 vaccines. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

KRIS, pinasaya nang husto si JOSH sa bonggang birthday gift nila ni BIMBY

Posted on: June 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAG-POST si Queen of All Media Kris Aquino ng heartfelt message para sa kanyang panganay na si Joshua Aquino na nag-celebrate ng 26th birthday kahapon, June 4.

 

 

Sa kanyang IG at Facebook post na kung saan ibinahagi rin niya ang isang video sa outreach program bilang selebrasyon na kung saan namigay siya ng 800 grocery packs sa mga taga-Tarlac.

 

 

Caption ni Kris, “June 4, 1995, i was so NOT READY to be a mama… in many ways kuya josh helped me grow up. He was just 3 years old when it became just the 2 of us… because never kong tinago sa inyo that he is a special child, that he’s in the autism spectrum, oftentimes na bully sya lalo na pag may pulitikang involved, BUT di hamak mas marami ang nagtanggol at nakaramdam ng pureness ng puso nya at ng kanyang genuine na generosity at ang hindi nya pagpili sa kakaibiganin at bibigyan ng respeto – for kuya kung mabait ka at nagpakita ng kabutihan higit dun ang lambing at pagmamahal na isusukli nya.

 

 

“I have often said life isn’t perfect BUT it does have many wonderful moments. Hindi possible for kuya josh, bimb, and me to share our blessings had you not given me the trust and support you have. Nakabalik ako sa trabaho, and i’d like to consider that my true career started because you accepted me with all my flaws & strengths 4 months after i gave birth to my panganay. Lahat ng meron kaming mag nanay, nanggaling sa trabaho ko na sinuportahan ninyo. Habang kakayanin, patuloy namin ibabalik sa inyo yung blessings that you gave the 3 Aquinos.

 

 

“Happy birthday, Kuya Josh, we love you.”

 

 

Dagdag pa ni Kris, “Special thanks to @niceprintphoto for this video and @charissetinionp. @phildada for being our point person in Tarlac. @darylyap805 & his @puregold Pampanga team. Jasper Tan & #Unipak for the special “kris” price. My inaanak @mabellada for the coordination, and cuz @boss1020 & @jcbuendia_ for going all the way. Gov Susan Yap and sa mga Tarlaqueños na mahal na mahal ni kuya josh, yes, as he said he’s living there forever.

 

 

“Buti pa ang Tarlac at si Kuya- may FOREVER! #lovelovelove.”

 

 

Sa naturang video, kitang-kita nga ang saya ni Josh sa bongang-bongga na sopresang regalo nina Kris at Bimby, na isang golf cart na agad naman sinakyan at minaneho ni Kuya Josh, kasabay sa kanyang pasasalamat sa ina at kapatid.

 

 

Bahagi naman ng letter ni Kris, “Thank you sa Tarlac, sa second district especially, kasi binigay nyo kay Kuya Joshang ang tunay na kapayapaan at ang lugar kung saan siya pinaka-maligaya.

 

 

“Bilang Mama niya, basta happy ang panganay ko, at nasa lugar na maganda para sa health niya, walang magiging mas happy pa.”

(ROHN ROMULO)

Kung si JOHN LLOYD ay may sitcom: BEA, inaabangan ng netizens kung lilipat na ba sa Kapuso Network

Posted on: June 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SURE na kaya ang pagiging Kapuso talent ni John Lloyd Cruz?

 

 

Special guest si JLC ni Willie Revillame para sa 6.6 Mid-Year Sale TV Special! ng Shopee at may tsismis na may gagawin din itong TV sitcom kung saan makakatambal nito si Andrea Torres, ang ex-GF ni Derek Ramsay (na bf naman ngayon ni Ellen Adarna, na ex-GF ni Lloydie).

 

 

Pumirma na nga ng management contract si Lloydie sa Crown Artists Management, Inc., owned by actress Maja Salvador at ng bf niyang si Rambo Nunez.

 

 

Siyempre inaabangan ng madla kung pipirma ba ng network contract si JLC sa GMA network, ang rival ng ABS-CBN, kung saan nagsimula si Lloydie ng kanyang acting career.

 

 

Malaking artista si JLC sa ABS-CBN at kahit pa he was inactive for several years, tiyak na nariyan pa rin ang kanyang mga fans waiting for his comeback.

 

 

Big deal siyempre kung lilipat nga si Lloydie sa GMA since he is considered a major star sa Kapamilya network. He is a certified box-office star at top-rater din ang kanyang mga TV shows.

 

 

Pero for now ang tangi lang nating magagawa ay maghintay kung ano ang magiging desisyon ni John Lloyd at ng Crown Artistz Management, Inc.

 

 

***

 

 

ISA rin sa inaabangan ay kung lilipat din ba sa Kapuso network ang this generation’s movie queen na si Bea Alonzo.

 

 

Wala rin kasi existing contract sa Kapamilya network si Bea kaya free as a bird na siyang pumirma sa Kapuso network kung nais niya.

 

 

Maganda naman kung lilipat siya dahil madadagdagan ang roster of actresses sa GMA 7.

 

 

Iba pa rin ang kinang ng star ni Bea kumpara sa ibang Kapuso talents like Heart Evangelista, Carla Abellana at Lovi Poe.

 

 

Kung magiging Kapuso talent si Bea, hindi na mahirap painitin ang unang pagtatambal nila ni Alden Richards na co-prod ng Viva Films at APT Entertainment.

 

 

Maganda rin na makatrabaho ni Bea ang top leading men ng Kapuso like Dennis Trillo, Dingdong Dantes, at Tom Rodriguez.

 

 

At kung matutuloy ang paglipat ni John Lloyd Cruz sa GMA 7, pwede na rin silang gumawa ng reunion project ni Bea.

 

 

***

 

 

NAGPAALAM na sa seryeng FPJ’s Ang Probinsyano ang award-winning actress na si Shamaine Buencamino.

 

 

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi ni Shamaine ang kanyang pasasalamat sa Dreamscape Entertainment at sa ABS-CBN dahil sa oportunidad na maging bahagi ng cast ng FPJ’s Ang Probinsyano for five years.

 

 

Ayon kay Shamaine, itong FPJAP ang longest running show niya on TV at very grateful siya dahil naging bahagi siya ng top-rating show.

 

 

In fairness sa FPJAP, hindi iniwan ng audience kahit nawalan ng prangkisa ang ABS-CBN. Patuloy pa rin ang pagtangkilik ng audience sa show sa mga online platforms nito at cable channels.

 

 

Nagpasalamat din si Shamaine sa mga director, staff, crew at cast ng FPJAP. “It was a privilege to work with all of you. This team really works hard to deliver the best that we can,” pahayag pa ng aktres.

 

 

Siyempre pinasalamatan din niya ang mga viewers ng FPJAP na hanggang sa ngayon ay patuloy na sumusubaybay sa programa kahit sa online channels lang ito napapanood.

(RICKY CALDERON)

Dottie sumalo sa ika-54

Posted on: June 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

HUMILERA si Dottie Ardina sa tatlo sa ika-54 na puwesto na may $715 (P34K) bawat isa, habang si Clarissmon ‘Clariss’ Guce sa Amerikanang si Gigi Stoll para sa 57T na may $669 (P32K) each sa kahahambalos lang na 16th Symetra Tour 2021 sixth leg, $175K 13th Symetra Classic sa River Run Country Club sa Davidson, North Carolina.

 

 

Nagsumite mga round na 70-75-55 pa-six-over par 222 ang Pinay shotmaker mula sa Canlubang, Laguna na si  Ardina, samantalang nagsumite ng 72-75-76 (223) ang PH-born, US-based pero Pinoy flag pa rin ang kinakatawan na si Guce.

 

 

Bumida sa 54-hole, 3-day golfest si Casey Danielson ng United States sa paglusot sa playoffs laban kay Fatima Fernandez Cano ng Spain makaraang magsosyo sa regulation play sa 210 at kopoin ang $26,250 cash prize. (REC)

2 patay sa engkwentro sa SLEX Calamba, Laguna

Posted on: June 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Dalawa ang patay sa nangyaring engkwentro bandang alas-4:17 ng  hapon, Hunyo 3 sa pagitan ng mga otoridad at dalawang umano’y notorious robbery/kidnapping personalities sa may bahagi ng Silangan Exit, SLEX, Calamba, Laguna.

 

 

Nakatanggap kasi ng report ang Regional Intelligence Division- Anti-Carnapping Unit (RID-ANCAR) ng PNP Calabarzon na isang Chinese ang dinukot ng grupo sa Asiana Paranaque City gamit ang isang Toyota Hi-ace color white.

 

 

Dahil dito agad nagsagawa ng patrol ang RID-ANCAR sa may Southern part ng NCR kung saan naispatan ang nasabing Toyota hi-ace patungong SLEX.

 

 

Nang makarating sa Cabuyao exit, natunugan ng mga suspeks ang presensiya ng RID-ANCAR nagpaputok ang mga suspek habang hinahabol sila ng mga operatiba.

 

 

Narekober ang bulto bultong pera, ID at chapa ng isang pulis, dalawang caliber .45 pistol sa van ng mga napatay na suspek na mga miyembro ng kilabot na robbery kidnap for ransom group.

 

 

Nagdulot din ng mabigat na daloy ng trapiko mula sa Sta Rosa, Laguna hanggang Silangan exit southbound.

 

 

Tadtad ng bala ng baril ang puting van kung saan sakay ang mga suspeks.

 

 

Habang sinusulat ang balitang ito, hindi pa malinaw kung na-rescue ang dinukot na Chinese. (Gene Adsuara)

Ravena paramdam na tuloy sa B.League

Posted on: June 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

UNANG bumulaga ang pasabog ng Shiga Lakestars napapirma na si Philippine Basketball Association star Kiefer Isaac Ravena ng NLEX bilang Asian Quota player o import sa 6th Japan B.League 2021-22 nitong Miyerkoles ng hapon.

 

 

Ilang oras ang nakalipas, nilabas ng statement ang North Luzon Expressway na naggigiit na kailangang sumunod sa UPC o Uniformed Players Contract ang 27-year-old, six-footer Ilonggo point guard ng Road Warriors.

 

 

Hinirit pa na ang posisyon ng team ay  alinsunod lang sa UPC at polisiya ng pro league. Pero si Ravena tila nagparamdam na tuloy na ang pagsama sa batang utol na si Ferdinand ‘Thirdy’ Ravena III sa land of the Rising Sun.

 

 

Huwebes ng hapon, todo pasasalamat na siya sa NLEX management at ilang matatas opisyal na naging bahagi ng kanyang career sa PBA at sa Gilas Pilipinas o national men’s team.

 

 

“In light of Wednesday announcement, I would like to thank my team, Shiga Lakestars, for this once-in-a-lifetime opportunity. Thank you for the trust and belief that a Filipino can perform and play in such a prestigious league. Domo arigatou gozaimasu,” pahayag ng basketbolista.

 

 

Kung titimbangin ang post ni Ravena, pinayagan na siya ng big bosses ng koponan sa pangunguna ni owner Manuel V. Pangilinan.

 

 

Nagpasalamat na rin siya kina Metro Pacific Investment Corp. chief Rod Franco, team executive Ronald Dulatre, si coach/team manager Joseller ‘Yeng’ Guiao at mga kakampi. (REC)

Balik-tanaw para kay Anthony Villanueva

Posted on: June 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

HAYAAN po ninyong itampok ko ang ilang mga kababayan nating Olympian ngayon at sa susunod na araw dahil sa Olympic year naman.

 

 

Para sa araw na ito silipin po natin si Anthony Villanueva.

 

 

Siya po ang unang atletang nakapagbigay sa ating bansa ng silver medal sa men’s boxing mula sa 18th Summer Olympic Games 1964 sa Tokyo, Japan.

 

 

Pinagdedemolis ng pambato ng ‘Pinas na ipinanganak noong Marso 18, 1945 at yumao noong Mayo 13, 2014 sa edad na 69 sa Cabuyao, Laguna, ang mga karibal na Italyano 3-2 sa Round-of-32,  Tunisian 4–1 sa Last 16, Pole via Referee Stopped Contest sa quarters, at Amerikano 4-1 sa semis.

 

 

Kaya lang, kontrobersiyal na nabigo ang 5-foot-5 at nag-aral sa Far Eastern University na kababayan natin sa men’s featherweight (-57-kilogram) finals kay Stanislav Stepashkin ng Soviet Union 2-3.

 

 

Supling si Anthony ni Jose ‘Celly’ Villanueva, na isa ring Olympic boxer na bantamweight bronze medalist sa 1932 Los Angeles Summer Games.

 

 

Umakyat ng professional ang nakababatang Villanueva noong 1965 at nagtala ng 1-3-1 (win-loss-no contest) bago nagretiro kaagad.

 

 

Pinasok din niya ang pagiging aktor at nakalimang pelikula, nag-boxing coach sa ‘Pinas, security guard, cook at private boxing gym coach sa Amerika simula noong 1976.

 

 

Nagbalik-bayan siya taong 1988 at tumulong sa national team sa Seoul Olympics, muling nag-Estados Unidos at balik uli ng ‘Pinas para sa kabutihan na.

 

 

Siya’y na-stroke, inatake sa puso nang ilang ulit at namatay.

‘The Conjuring’ unveils final trailer of ‘The Devil Made Me Do It’

Posted on: June 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

THE true case that proved the Devil was real. 

 

 

Warner Bros. Pictures unveils the final trailer of “The Conjuring: The Devil Made Me Do It,” based on the shocking true story of demonic possession, from the case files of Ed and Lorraine Warren.

 

 

Check it out below and watch “The Conjuring: The Devil Made Me Do It” in Philippine cinemas soon:

“The Conjuring: The Devil Made Me Do It” reveals a chilling story of terror, murder and unknown evil that shocked even experienced real-life paranormal investigators Ed and Lorraine Warren.  One of the most sensational cases from their files, it starts with a fight for the soul of a young boy, then takes them beyond anything they’d ever seen before, to mark the first time in U.S. history that a murder suspect would claim demonic possession as a defense.

 

 

Vera Farmiga and Patrick Wilson return to star as Lorraine and Ed Warren, under the direction of Michael Chaves (“The Curse of La Llorona”).  The film also stars Ruairi O’Connor (Starz’ “The Spanish Princess”), Sarah Catherine Hook (Hulu’s “Monsterland”) and Julian Hilliard (the series “Penny Dreadful: City of Angels” and “The Haunting of Hill House”).

 

 

“The Conjuring: The Devil Made Me Do It” was produced by James Wan and Peter Safran, who have collaborated on all the “Conjuring” Universe films.  Chaves directed from a screenplay by David Leslie Johnson-McGoldrick (“The Conjuring 2,” “Aquaman”), story by James Wan & David Leslie Johnson-McGoldrick, based on characters created by Chad Hayes & Carey W. Hayes.  Serving as executive producers were Richard Brener, Dave Neustadter, Victoria Palmeri, Michael Clear, Judson Scott and Michelle Morrissey.

 

 

“The Conjuring: The Devil Made Me Do It” is the seventh film in the “Conjuring” Universe, the largest horror franchise in history, which has grossed more than $1.8 billion worldwide.  It includes the first two “Conjuring” films, as well as “Annabelle” and “Annabelle: Creation,” “The Nun,” and “Annabelle Comes Home.”

 

 

New Line Cinema presents An Atomic Monster/Peter Safran Production, “The Conjuring: The Devil Made Me Do It.”  It will be distributed in the Philippines by Warner Bros. Pictures.  Join the conversation online and use the hashtag #TheConjuring

(ROHN ROMULO)