• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July, 2021

97 bagong Delta variant, natukoy

Posted on: July 31st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Umakyat na sa 216 ang kabuuang kaso ng Delta variant ng COVID-19 sa Pilipinas makaraang nasa 97 bagong kaso ang natuklasan ng Department of Health (DOH) sa pinakabagong ‘whole genome sequencing’.

 

 

Sa 97 bagong kaso, 88 ang mga lokal na kaso, anim ang mga Returning Overseas Filipinos (ROF), at tatlo ang kasalukuyang bineberepika pa.

 

 

Sa mga ROFs, dalawa ay mga tripulante ng MT Clyde at Barge Claudia na nakadaong sa Albay at apat ang mga crew naman ng MV Vega na kararating lang mula sa Indonesia.

 

 

Nasa 94 ang nakare­kober na habang tatlo ang nasawi. Patuloy na nakikipag-ugnayan ang DOH sa mga lokal na pamahalaan para makakuha ng karagdagang mga impormasyon tulad ng kung sino ang mga nakasa-lamuha at ang kanilang ‘vaccination status’.

 

 

Samantala, nakapagtala naman ng 83 bagong kaso ng Alpha variant; 127 bagong kaso ng Beta variant; at 22 kaso ng P.3 variant. (Daris Jose)

Agarang pagbabakuna sa lahat ng pulis sa QC iniutos ng mayor

Posted on: July 31st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Ipinag-utos ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang agarang pagbabakuna sa 536 police personnel ng Quezon City Police District (QCPD) matapos magpositibo sa COVID-19 virus ang nasa 82 personnel ng Station 3 at kasalukuyang admitted sa HOPE facilities ng siyudad.

 

 

Napag-alaman na 54 sa 82 na mga pulis na nagpositibo sa COVID-19 ay residente ng siyudad.

 

 

Batay naman sa datos, 57 sa mga ito ay fully vaccinated, dalawa ang ang naka first dose at 23 ang hindi pa nababakunahan.

 

 

Ayon kay Mayor Belmonte, batay sa datos, 82 sa mga infected officers mula sa Station 3 Police Community Precincts 1 and 2, 74 dito uniformed personnel, apat civilian employees, at apat na police aides.

 

 

Habang ang natitirang 102 police officers at non-uniformed personnel ng Station 3 ay isasailalim din sa re-swabbing matapos ang isang linggo bilang precautionary measures.

 

42 sa mga ito ang tinukoy na naging close contacts ng mga nag positibo na mga police officers at kasalukuyang isolated sa Camp Karingal habang hinihintay na sumailalim sa swabbed test.

 

 

Habang ang 60 na iba pa ay hindi na exposed ay magpapatuloy sa kanilang duty.

 

 

Ayon kay QCPD Deputy Director for Administration Col. Ferdinand Navarro hindi maaaring umalis at umuwi ang mga nasabing personnel hangga’t hindi lumalabas ang kanilang swab test results.

 

 

Binigyang-diin ni Navarro, kanila itong paraan para masiguro na hindi na kakalat ang virus.

 

 

Sa kabilang dako, ayon naman kay PNP chief Gen. Guillermo Eleazar na ongoing sa ngayon ang focused testing sa QCPD para matukoy at ma-isolate para mabigyang na kaukulang medical assistance ang mga infected ng virus.

 

 

Inihayag naman ni Mayor Belmonte na ang city government ang siyang magbibigay ng pagkain sa loob ng 10 araw sa 220 na mga indibidwal na nakakulong sa Station 3 dahil hindi pinapayagan ang bisita sa istasyon.

 

 

Isasailalim din sa contact tracing ang mga inmates.

 

 

Nagsagawa na rin ng disinfection at decontamination ang QC Disaster Risk Reduction and Management Office sa tatlong police stations. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

PDU30, walang alam na ang mga sinibak na immigration personnel na sangkot sa “pastillas scheme” ay hindi naalis sa puwesto kundi nananatili pa sa kanilang duty

Posted on: July 31st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

WALANG alam si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ang mga Immigration personnel na sinibak nito sa puwesto dahil sa korapsyon ay nananatili pa rin sa government service.

 

Sinabi ni Pangulong Duterte sa kanyang State of the Nation Address (SONA) araw ng Lunes, na sinibak niya ang 43 Immigration personnel na sangkot sa tinatawag na “pastillas” scheme na di umano’y pinayagan ang Chinese citizens sa bansa kapalit ng pera.

 

Subalit, kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra na ang personnel na sinibak ng Pangulo ay hindi naman naalis sa puwesto dahil kaagad namang nakabalik sa kanilang duty.

 

“Siguro po, obvious ang sagot, hindi po siguro alam ni Presidente, hindi pa sila nasisisante. Ang alam lang niya, nasuspende,” ayon kay Sec. Roque.

 

“Pero siguro po, ang epekto ng kaniyang mga binitawang salita, iyan po ay mandato sa DOJ, sa CID, gawin ninyo ang lahat para masisante iyan sa lalong mabilis na panahon. Hindi po katanggap-tanggap iyong ginawa nilang pastillas scheme; kinakailangan po talaga sibakin sila,” dagdag na pahayag nito.

 

Sa ilalim ng “pastillas” scheme, papasok ang mga tsinoy sa Pilipinas bilang turista at sa kalaunan ay magta-trabaho sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) hubs, babayaran ang immigration personnel at ang Chinese at Filipino travel agencies na P10,000 na grease money, na nakabalot sa papel at naka-rolyo na para “pastillas” delicacy.

 

“I have ‘yung ‘pastillas’ [scam] sa ano, sa airport. There were 43 personnel involved. I fired them all. Talagang pinaalis ko sa gobyerno,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang tatlong oras na panghuling SONA. (Daris Jose)

House-to-house COVID vaccination, OK sa Metro M’la mayors ‘pag natuloy ECQ – Olivarez

Posted on: July 31st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Gagawing house-to-house ang COVID-19 (Coronavirus Disease 2019) vaccination sa Metro Manila sakali mang matuloy ang 14-day enhanced community quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR).

 

 

Ayon sa Metro Manila Council (MMC) chairman at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, handa silang ipatupad ang ECQ kung ito ang magiging desisyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.

 

 

Ang hinihingi lamang aniya nila sa ngayon ay mabigyan sila ng karagdagang supply ng COVID-19 vaccines para kapag natuloy ang ECQ sa Metro Manila ay makakapag-ikot sila sa mga bahay-bahay at hindi makaligtaan ang pagpabakuna.

 

 

Kailangan din aniya nila ng suporta mula sa national government para ma-augment ang kanilang pondo sakali mang magpatupad ng mas striktong restrictions.

 

 

Nauna nang sinabi ng Malacanang na hindi pa sila sigurado kung mayroon pang pondo ang pamahalaan para ibigay bilang monetary assistance kapag ilalagay ang Metro Manila sa ECQ.

A2 group o grupo ng mga Senior, nananatiling pinakamababang hanay na nagpapaturok ng bakuna laban sa COVID-19

Posted on: July 31st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PATULOY ang panawagan ng paamahalaan sa mga senior citizens o mga lolo’t lola na magpabakuna na.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, na ang mga lolo’t lola ang pinakadelikado sa pinangangambahang Delta variant na mas mabilis ang transmission kaysa sa nauna nang COVID 19.

 

“So success po tayo sa ating mga health frontliners. So ang medyo talaga pong mababang nagpapabakuna ay ang mga seniors. Naku, lolo/lola, kayo po ang pinakadelikado dito sa Delta variant, sana po ay magpabakuna na po kayo,” ayon kay Sec. Roque.

 

Tiniyak naman ni Sec. Roque na nananatili namang may special lane para sa mga seniors sa harap ng nagpapatuloy na prayoridad na ipinagkaloob ng pamahalaan para sa kanila para mabakunahan.

 

Sa kabilang dako, sinabi ni Sec. Roque na tagumpay naman ang vaccination sa hanay ng mga nasa A1 group o sa panig ng mga health workers.

 

Tinatayang, nasa 90% na aniyang mga nasa medical workers ang nababakunahan na sa mga susunod na araw ay makukuha na ang 100%.

 

“So mayroon pong partial compliance at siguro po, kung tatagal pa ay hindi po malayo na talagang io-open na natin iyan for all ‘no, pero hindi pa po sa ngayon dahil mayroon pa tayong obligasyon po, lalo na doon sa mga donated na mga bakuna natin, na ipa-prioritize pa rin natin ang A1, A2 at A3. Ang A1 po ay halos tapos na tayo, 90% na po tayo diyan,” anito. (Daris Jose)

JOHN LLOYD, inamin wala sa plano at ‘di pa handa nang dumating si ELIAS MODESTO

Posted on: July 31st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

ANG multi-awarded, box-office actor na si John Lloyd Cruz ang naging special guest ni Karen Davila sa kanyang kauna-unahang podcast.

 

 

Diretsahan tinanong si John Lloyd, ano ang ikina-pagod niya?

 

 

“I guess I got tired of fighting for the content that I want to see like on more commercial platforms.

 

 

“Kasi, I feel like we owe it to our audiences, ‘yung we make sure na hindi namin kayo parang pauulit-ulitin. As nagma-mature kami or we’re growing as performers, siyempre you wanna take your audience with you, ‘di ba?”

 

 

Pwede rin nga raw sigurong na-burnout siya. Pero ngayon daw, kaya rin nagdesisyon siyang bumalik, gusto raw niyang ipagpatuloy ang dialogue sa content na sinasabi niya.  At na-realize niya rin na wala rin mangyayari kung mamumundok lang siya.

 

 

Inamin din ni John Lloyd na hindi niya plinano ang pagiging tatay. Na hindi pa siya handang maging ama nang dumating sa buhay niya ang anak na si Elias Modesto.

 

 

     “Tingin ko, isang bagay siya na akala mo ready ka because you wanted it, well, I’m don’t. Kasi nga, we like to believe that we’re in control. We like that idea na it’s my plan. Plinano ko ‘yan.

 

 

“It took me a while bago ko natanggap na akala ko ginusto ko, akala ko plinano ko, but in reality, especially ngayon after ng tatlong taon, iba e, hindi.”

 

 

     Sey niya rin, “And it’s humbling, kasi, talaga, plinano mo? Paano mo na-plano ‘yung gano’ng bagay? It’s beyond word. Being a father and specially noong lumabas siya, there’s no way na merong tao na na-plano ‘yung gano’n. Gano’ng ka-weird at ka-radical na bagay. 

 

 

     “That’s a life, buhay ang lumabas because of your responsibility.”

 

 

Hindi naman daw siya natakot sa responsibilidad ng pagiging ama. At para raw sa actor, ang anak daw niya ang pinaka-“fascinating thing” sa buhay niya ngayon.

 

 

     “I’m learning from him, I’m learning about him. Ang galing, e.”

 

 

     ***

 

 

EXPECTED naman na siguro na among the Kapuso stars, si Sanya Lopez ay siguradong ire-renew ang network contract ng GMA-7.

 

 

Masaya nga si Sanya na muli siyang pumirma ng kontrata bilang isang Kapuso. At sa ginanap na online mediacon niya, sinabi nitong kahit na ang daming nagsasabi na siya na ang isa sa important star ng Kapuso network ngayon, hindi niya raw ‘yun iniisip at gusto niya, same pa rin siya kung ano siya dati dahil ayaw niya raw na ikalaki ng ulo niya.

 

 

Nang tanungin ito kung ano ang masasabi niya nga na kabilang na siya sa mga A list star ng network o biggest star, sey niya, “Parang hindi pa po. Ang dami ko pa pong kailangang gawin. Parang ibang level na po ‘yun.”

 

 

Nag-react din si Sanya sa sinasabing siya ang next Marian Rivera ng GMA at gusto silang makita ng mga fan na magkasama sa isang serye.

 

 

    “Yun pong sinasabi na next Marian Rivera, napakarami pong ginawa ni Ate Yan Yan, Ms. Marian Rivera para sumunod po sa kanya. Ang dami ko pa pong kailangang patunayan bago po masabi ‘yun at makapunta at makasunod sa yapak ni Ms. Marian Rivera.

 

 

     “Sobrang galing po ni Ms. Marian, siya lang po talaga, reyna po talaga.”

 

 

At excited daw siya kung makakasama nga niya ito sa isang project.

 

 

     “Sobrang excited po ako kung makakasama ko siya sa isang project. Gustong-gusto ko rin po ‘yun at pangarap ko rin po na makasama si ate Yan.”

 

 

     At dahil nga ang First Yaya ang talagang nagpasikat kay Sanya, wish daw niya na sana, ang susunod niyang serye ay romcom pa rin.

(ROSE GARCIA)

CINDY, clueless pa rin kung paano nadawit sa hiwalayan nina KYLIE at ALJUR

Posted on: July 31st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAGBABALIK ang tambalan nina Coco Martin at Julia Montes sa FPJ’s Ang Probinsyano.

 

 

Si Julia ang magiging bagong leading lady ni Coco sa widely-followed na action series na nasa ikaanim na taon ngayon.

 

 

Reunion ito nina Coco at Julia na matagal din naman hindi nagkasama sa isang teleserye.

 

 

Magandang prelude ang balik-tambalan nina Coco at Julia sa FPJ’s Ang Probinsyano para sa ginagawa nilang pelikula na dinidirek ng Cannes awardee na si Brillante Mendoza.

 

 

Tiyak na matutuwa ang mga Coco-Julia fans na nananabik na mapanood ang dalawa sa isang bagong TV series. Nagkasama rin sila sa series na Walang Hanggan at Ikaw Lamang sa ABS-CBN.

 

 

 

***

 

 

CLUELESS pa rin si Cindy Miranda kung paano nadawit ang pangalan niya sa hiwalayan nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica.

 

 

Wala naman daw siyang kinalaman sa issue dahil bago pa raw nila gawin ni Aljur ang Nerisa ay may problema na sa relasyon ang dating mag-asawa.

 

 

Baka nagkataon lang daw na nasabay sa promo ng Nerisa ang pagsasalita ni Robin Padilla tungkol sa hiwalayan blues nina Kylie at Aljur.

 

 

Feeling niya ay nagamit ang hiwalayan na issue sa promo ng launching film kahit na hindi naman dapat. Tanggap naman ni Cindy na ang mga ganitong issue ay pwedeng mapag-usapan in promoting a movie.

 

 

Very thanklful si Cindy sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya ng Viva Entertainment na hinog na siya para bigyan ng launching film.

 

 

Niyakap naman niya ito wholeheartedly dahil dream niya talaga na mag-artista. Nauna nga lang siyang nabigyan ng break na maging beauty queen.

 

 

Kaya naman kahit na marami siyang mahihirap na eksena sa Nerisa ay hindi niya ininda. Alam naman daw niya ang lahat ng ito ay para sa ikagaganda ng pelikula.

 

 

Nagpapasamat din siya kay Direk Law Fajardo dahil inalalayan siya sa kanyang mga eksena. Very patient daw si Direk Law sa kanya para mailabas niya ang emosyon na needed sa mga mahihirap na eksena.

 

 

Thankful din siya kay Aljur dahil marami raw itong naituro sa kanya, acting-wise, dahil mas beterano naman ito sa kanya.

 

 

Isa pang nagustuhan niya kay Aljur ay ang pagiging masayahin nito. Kung may pinagdadaanan man daw ito during the filming of the movie ay hindi naman ito naramdaman ni Cindy.

 

 

Very professional naman daw si Aljur sa trabaho at nag-enjoy siya working with him.

 

 

Doon naman sa nagsasabing “bastos” ang trailer ng Nerisa, sana raw ay panoorin muna nila ang movie bago ito sabihin na bastos.

 

 

Maganda raw ang kwento ng pelikula, na isinulat ng award-winning writer na si Ricky Lee.

 

 

Bihira raw dumating ang pagkakataon na ang isang baguhan ay mabibigyan ng launching film na gawa ni Ricky Lee.

 

 

Ready for viewing na via streaming sa Vivamax ang Nerisa.

 (RICKY CALDERON)

Mga nakakumpleto na nang bakuna sa Metro Manila, nasa trenta porsiyento -Malakanyang

Posted on: July 31st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PUMALO na sa 30% ang fully vaccinated sa Metro Manila.

 

Kaya positibo ang Malakanyang na malapit ng maabot ang containment sa National Capital Region (NCR).

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, 20% na lamang ay maaabot na ang containment sa Kalakhang Maynila na isa aniyang malaking bagay upang magbalik buhay na.

 

“At iyong sinasabi nga pong hard lockdown siguro po isang exception diyan iyong mga bakunado dahil mag-iingat pa rin po – mask, hugas, iwas. Pero, kung sila po ay mayroon ng bakuna, mayroon na talagang protection. So, tingin ko po talaga itong bakuna talaga ang susi sa ating pabalik doon sa ating pagbabalik-buhay,” anito.

 

Samantala, batay sa tala ng gobyerno ay nasa 7, 2 77, 312 na ang nakatanggap na nang kumpletong bakuna sa buong bansa.

 

Tinatayang, nasa mahigit 11 milyon naman ang kailangan pang sumalang sa 2nd dose upang tuluyan ng makamit ang full protection. (Daris Jose)

Obiena lumakas ang tsansa sa Olympic gold

Posted on: July 31st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Maaaring lumakas ang pag-asa ni Pinoy pole vaulter Ernest John Obiena para sa ikalawang Olympic gold medal ng Pilipinas sa Tokyo, Japan.

 

 

Nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) sina American two-time world champion Sam Kendricks at German Chiaraviglio ng Argentina na nagtanggal sa kanila sa kompetisyon.

 

 

“We are saddened to confirm that Sam Kendricks tested positive for Covid-19 and will not compete in the Olympic Games Tokyo 2020,” pahayag kahapon ng US Olympic and Paralympic Committee (USOPC) sa isang statement sa Twitter.

 

 

Si Kendricks ang kasalukuyang World No. 2 pole vaulter na lumundag ng gold medal sa nakaraang dalawang World Cham­pionships at may hawak na American record na 6.06 metro.

 

 

Maliban kay Kendricks, makakasukatan din ni Obiena sa Tokyo Games sina Swedish world record holder Armand Duplantis at 2016 Rio de Janeiro Olympics gold medalist Thiago Braz ng Brazil.

Will Smith Plays Venus & Serena Williams’ Father in ‘King Richard’, Drops Trailer

Posted on: July 31st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

WILL Smith is King Richard, the new film based on the inspiring true story of the coach/mentor/father that brought the world Venus & Serena Williams.

 

 

Check out King Richard’s first official trailer below and watch the film in Philippine cinemas soon. https://www.youtube.com/watch?v=Rhi8G-Hvi30

 

 

Based on the true story that will inspire the world, Warner Bros. Pictures’ King Richard follows the journey of Richard Williams, an undeterred father instrumental in raising two of the most extraordinarily gifted athletes of all time, who will end up changing the sport of tennis forever.  Two-time Oscar nominee Will Smith (“Ali,” “The Pursuit of Happyness,” “Bad Boys for Life”) stars as Richard, under the direction of Reinaldo Marcus Green (“Monsters and Men”).

 

 

Driven by a clear vision of their future and using unconventional methods, Richard has a plan that will take Venus and Serena Williams from the streets of Compton, California to the global stage as legendary icons.  The profoundly moving film shows the power of family, perseverance and unwavering belief as a means to achieve the impossible and impact the world.

 

 

Aunjanue Ellis (“If Beale Street Could Talk,” TV’s “Quantico”) plays the girls’ mom, Oracene “Brandi” Williams, Saniyya Sidney (“Hidden Figures,” “Fences”) stars as Venus Williams, Demi Singleton (TV’s “Godfather of Harlem”) stars as Serena Williams, with Tony Goldwyn (the “Divergent” series, TV’s “Scandal”) as coach Paul Cohen and Jon Bernthal (“Ford v Ferrari”) as coach Rick Macci.  The ensemble also includes Andy Bean (“IT Chapter Two”), Kevin Dunn (the “Transformers” films, HBO’s “Veep”) and Craig Tate (“Greyhound”).

 

 

Green directed King Richard from a screenplay written by Zach Baylin.  The producers were Tim White and Trevor White under their Star Thrower Entertainment banner, and Will Smith under his Westbrook banner.  Isha Price, Serena Williams, Venus Williams, James Lassiter, Jada Pinkett Smith, Adam Merims, Lynn Harris, Allan Mandelbaum, Jon Mone and Peter Dodd served as the executive producers.

 

 

The behind-the-scenes creative team includes Oscar-winning director of photography Robert Elswit (“There Will Be Blood”), production designers Wynn Thomas (“Da 5 Bloods,” “Hidden Figures”) and William Arnold (“The Hate U Give”), Oscar-nominated editor Pamela Martin (“The Fighter”), and two-time Oscar-nominated costume designer Sharen Davis (“Dreamgirls,” “Ray”).  The music is by Oscar-nominated composer Kris Bowers (“Space Jam: A New Legacy,” “A Concerto is a Conversation”).

 

 

A Warner Bros. Pictures Presentation, A Star Thrower Entertainment Production, A Westbrook Production, A Keepin’ It Reel Production, King Richard is slated for theatrical release in Philippine cinemas soon.

 

 

Join the conversation online and use the hashtag #KingRichard

(ROHN ROMULO)