• November 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 5th, 2021

PH Carlo Paalam sigurado na ang bronze medal matapos manalo by points vs Uzbek fighter

Posted on: August 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Sigurado na ang bronze medal para sa Pinoy boxer na si Carlo Paalam matapos na manalo via points kontra sa 2016 Rio Olympics defending champion Shakhobidin Zoirov ng Uzbekistan.

 

 

Dahil dito pasok na sa semifinals si Paalam sa men’s flyweight class (48-52kg).

 

 

Noong una sa first round ay medyo nahirapan pa si Paalam na makapuntos dahil sa masyadong magalaw sa ring si Zoirov.

 

 

Pero makalipas ang ilang segundo nakakuha rin ng magandang timing si Paalam para maipasok ang solidong mga suntok.

 

 

Maganda rin ang counterpunching ni Paalam kaya nakumbinsi ang lahat na limang mga judges at ibinigay sa kanya ang Round 1.

 

 

Sa Round 2 nagkaroon ng accidental headbutt ang dalawa kaya dumugo ng bahagya sa kani-kanilang mga noo.

 

 

Dito na itinigil ng ring doctor ang laban.

 

 

Dahil sa hindi natapos ang matchup idinaan sa puntos sa pamamagitan ng scorecard kung saan maging sa Round 2 ay abanse pa rin sa mga judges ang Pilipinas.

 

 

Itinigil ng referee (1:40 mark) ang laban pabor kay Paalam sa pamamagitan ng “win by points” 4-0.

 

 

Sa ngayon tatlong mga boksingero na ang sigurado na may medalya.

 

 

Ito na ang record breaking feat ng Philippine boxing team sa kasaysayan nang paglahok ng bansa sa Olimpiyada.

 

 

Samantala, hindi naman napigilan ni Paalam na maiyak sa saya matapos ianunsiyo ang kanyang panalo kung saan napaluhod pa ito lalo na at big upset ang kanyang naitala laban sa world’s number one boxer.

 

 

Sa Huwebes ang next fight ni Paalam laban sa Japanese boxer na si Ryomel Tanaka, dakong ala-1:30 ng hapon (PH time).

Ads August 5, 2021

Posted on: August 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KASO NG COVID SA PGH, TUMATAAS

Posted on: August 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PATULOY  ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Philippine General Hospital mula nitong nakaraang linggo.

 

Ayon ito kay PGH Spokesperson Dr Jonas del Rosario, kung saan hanggang kahapon, Linggo ay umabot sa  143 ang  COVID-19  pasyente na naadmit mula sa 250 beds.

 

‘ Ang naitala po namin kahapon , ito po yung biggest so far 143  na considering natapos na yung surge  nung March pero  ito na po parang paakyat po siya, actually 2 days ago 125 lang eh…[tas] kahapon 143 na, so talagang consistent po na talagang umaakyat ang ating admissions.’

 

Sinabi ni del Rosario na sa loob ng sampung araw ay patuloy ang pagtaas ng admission.

 

Ayon pa sa tagapagsalita ng PGH, na karamihan sa mga healthcare workers ay fully vaccinated na ay mild at moderate at na-admit rin sa ospital .

 

Pinapalagay  aniya na ang mga kaso ay  Delta variants.

 

‘Para di mahawa  ang healthcare workers at makahawa  sila, tinaasan po ang level ng personal protective equipment para  mas protektado sila.’ pahayag ni del Rosario. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Nanguna sa Top 15 Headshot Challenge ng ‘MUP 2021’: KISSES, kinabog sina MAUREEN at iba pang beteranang kontesera

Posted on: August 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KINABOG ni Kirsten Danielle ‘Kisses’ Delavin sina Maureen Wroblewitz at iba pang kontesera dahil siya ang nanguna sa Top 15 Headshot Challenge ng Miss Universe Philippines 2021, kaya ganun na lang ang pasasalamat niya sa mga bumoto at sumuporta.

 

 

Pumangalawa sa kanya si Rousanne Marie Bernos at pangatlo naman si Maureen. Ang iba pang pasok sa Top 15: 4) Steffi Rose Aberaturi; 5) Maria Corazon Abalon; 6) Katrina Dimaranan; 7) Leren Mae Bautista; 8) Gianne Asuncion; 9) Noelyn Campos; 10) Kamille Quinola; 11) Cheri Angel Flejoles; 12) Angela de Grano; 13) Jedidah Korinihona; 14) Mirjan Hipolito; and 15) Isabelle Delos Santos.

 

 

Pasok na sila sa 75 candidates na mag-a-advance sa competition, na kung saan pipiliin ang Top 30 official candidates sa prestigious national beauty pageant na gaganapin sa September 25.

 

 

Pero kahit na nangunguna sa botohan at maraming sumusuporta sa kanyang paglaban sa MUP, marami pa ring bashers na ‘di pa rin tanggap ang pagkakasama ni Kisses sa candidates na kitang-kita na ang pagbabago at palaban na para maging beauty queen.

 

 

Meron din namang netizens na nagtatanggol sa kanya sa mga bitter at walang magawang bashers.

 

 

Ilang sa naging comment nila:

 

“Mas lalo yatang bumaba ang standards ng Ms.U. Kakabaduy.”

“She’s absolutely gorgeous

“Good for you Miss Congeniality :)”

“Never say die tong si Kisses ah.. lahat na lang ba Kisses?”

“Juskomio lahat na lang pinasukan ni ineng. Parang wala pa ring maaninag na pag-asa.”

“Matalino sya may ibubuga sa q&a pero hindi pang Miss Universe ang face nya. Pwede siguro sya sa Miss Earth.”

 

“Hahaha Pwedi rin sya bakla sa reina hispano amerikah.”

“Am not surprise kung kasali siya sa top headshot challenge eh marami siyang fans. Sana magaling ang performance niya come coronation night at di lang puro hype.”

“Prang walang kabuhay-buhay na contestant yan. Lamya-lamya kya nyan.”

“Ganda ni ate girl! Go Kisses!”

“Would love to see the pageant proper. It would be interesting to see how these influencers stack up against pageant veterans like Steffi, Katrina, and Leren.”

“Juicekolored, ano nang nangyari sa Phil pagentry. Naging pangfiesta.”

“Kalungkot ung mga comments. She’s young, and she can be whatever she want to be or atleast try. Ineenjoy lang nya buhay and youth nya bakit andaming nega? The fact that she’s a finalist means qualified sya, bakit may mga nagsasabing di sya dapat anjan? Baka nga height requirement lang di na pumasa mostly ng bashers face value pa kaya? Be happy po sa achievement ng iba.”

“Cause she’s a public figure and she’s been showing her self a lot kaya my doubt na mga tao if kaya nya. Unlike other celebs na inabangan talaga. Wala din naman kasi syang advocacies puro pa celebrity lang.”

“Pinaasa tuloy ng mga faney na mananalo siya LOL. Wag nang i-push. Minsan may mga bagay na hindi talaga for you. At isa ‘to sa mga yon, K. Not bashing, sa true lang :)”

“wla talent kaya binitawan ng abs, wala rn appeal. sori pero Next pls.”

“Like Pia Wurtzbach?”

“Eh nadaan sa paramihan ng boto kaya nanalo, hindi dahil maganda head shot nya. Ano ba yan?”

“Juice colored. Baba ng standards talaga ng voters.”

“Wag muna pansinin mga basher mo Kisses mga chararat kasi yan sila ikaw maganda na matalino pa hahahah.”

“Asahan na natin na kung based sa votes, talagang si Kisses ang mangunguna.”
“Assuming na makakaabot sya sa finals, doon na sya malamang mangamote dahil di uubra mga tards nya doon.”

“Ayusin din ang pagsasalita parang kay sipon palagi.”

“Ganda niya! Fierce.”

“she’s too short to become a beauty queen. wag ipilit.”

“Bat kayo ganyan? Porket ba maliit siya?”

“#2 for me!!! Morena Filipina.”

“Not a fan of her pero malay nyo naman diba. Q&A din labanan dyan sa Miss U. Gudlak kasi puro latinas na pinapanalo nila.”

“Lol. Advance ka masyado baks. Hindi naman sya nanalo pa sa title.”

“Hindi pa naman sya ang nanalo, ang dami na hate comments. maraming beauty queens na hindi din katangkaran. Wait nalang natin kung makalusot sya hanggang finals, then dun tayo manghusga kung ano ang maging performance nya sa stage. Sa ngayon, nag base lang tayo kung paano sya nakikita dati sa tv.”

“She’s pretty but her beauty is not for Miss Universe imho.”

“Go kisses.”

“Pak! Ganda ni Kisses! Go lang girl!”

Well, malaking challenge talaga ito kay Kisses na patunayan sa mga bashers niya na deserving siya na makapasok sa official candidates ng MUP 2021.

(ROHN ROMULO)

 

Libre pasahe sa MRT-3, LRT-2 at PNR sa bakunadong APOR sa Aug. 3-20

Posted on: August 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Magkakaloob ang pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3), Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) at Philippine National Railways (PNR) ng libreng pasahe para sa mga Authorized Persons Outside Residence (APOR) na bakunado na simula ngayong araw, Agosto 3 hanggang Agosto 20.

 

 

Ito ay batay na rin sa kautusan mismo ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade.

 

 

Aniya, maaaring maka-avail ng libreng pasahe sa naturang rail lines ang isang APOR kahit nakakaisang dose pa lamang ito ng COVID-19 vaccine.

 

 

Upang maka-avail ng libreng pasahe, kinakaila­ngan lamang aniya na iprisinta ng mga APOR ang kanilang vaccination cards bilang patunay na sila ay nakatanggap na ng bakuna.

 

 

Samantala, magkakaloob naman ang Philippine Ports Authority (PPA), Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at Manila International Airport Authority (MIAA) ng libreng kape, tubig at snacks para sa mga vaccinated persons na naghihintay ng kanilang biyahe sa mga pantalan at paliparan. (Gene Adsuara)

KYLIE, ramdam ang labis na paghanga at kung gaano kamahal si JAKE

Posted on: August 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

IBA ang paghanga ni Kylie Verzosa sa boyfriend na si Jake Cuenca.

 

 

Ramdam na ramdam namin ito sa naging IG Live interview niya with G3 San Diego.  At bukod sa paghanga sa boyfriend bilang isang actor, ramdam din kung gaano ito kamahal ng beauty queen turned actress.

 

 

Sey ni Kylie, “Without Jake in my life, I can’t be this kind of actress that I am now.  Ang laki ng influence niya sa akin, sa buhay ko, especially in my craft.

 

 

“The way he’s so passionate with his acting, ah okay, ‘yun pala ang kailangan kong ma-achieve. Okay, ganito pala ang level na kailangan ko to reach this kind of craft or professionalism.”

 

 

Diretsahan sinabi ni Kylie na inilalagay niya raw sa pedestal ang boyfriend pagdating talaga sa pag-arte.

 

 

“Sobrang nai-inspire ako sa kanya. Idol ko siya,” sey pa niya patungkol kay Jake.

 

 

During pandemic, nakagawa rin sila ng project ni Jake for iWantTV, ang Love Lockdown at dito raw niya mas lalong na-appreciate pa ang boyfriend na hindi lang niya co-actor, director kundi acting coach pa raw niya.

 

 

Sa isang banda, kung paniniwalaan namin ang isang taong malapit kay Jake na na-witnessed na rin ang mga past relationships ng actor, masasabi niya raw na mukhang iba talaga ngayon ang relasyon nito kay Kylie. Tipong match daw talaga ang dalawa at malaki ang posibilidad na sila ang magkakatuluyan.

 

 

Iba rin si Kylie nang sabihin nito na tila kilig na kilig pa rin na ngayong pandemic, kung may maganda man daw nangyari, ito ay ang pagkakataon talaga na nagkasama sila ng matagal ni Jake.

 

 

Dati raw kasi, nagkakasalungat ang mga schedules nila after nilang gawin ang Los Bastardos kunsaan, nagsimula rin ang relasyon nilang dalawa.

 

 

***

 

 

MATAPOS ang teasers na lumabas recently ay pormal na ngang ibinahagi ni Asia’s Pop Diva Julie Anne San Jose ang detalye para sa kanyang proyekto na LIMITLESS, A Musical Trilogy.

 

Sa kanyang post, sinabi pa ni Julie na one-of-a-kind project na maituturing ang nasabing musical trilogy.

 

 

“I’ve never done this before and it’s something intimate and personal. I’m proud to say that this is a one-of-a-kind project. GMA Synergy, my team, and I tried to keep it a secret for quite a while, and now I want to share a piece of my heart in this journey with you.”

 


     Matatandaang bumiyahe si Julie pa-Mindanao recently. Ito pala ay para sa LIMITLESS. Pero hindi lang daw Mindanao ang ie-explore ni Julie kundi pati ang mga naggagandahang lugar sa Visayas at Luzon.

 

Last Friday nga ay inilabas na rin ang video para sa LIMITLESS na ibinahagi rin ni Julie sa kanyang Instagram account.

 

 

Say pa ni Julie, “Unti-unti, napapakilala na namin ang proyektong ito. Isang paglalakbay sa pagkakakilanlan. And with every step, I learn more about myself. Walk with me.”

 


     At kahit pa pandemic, talaga namang sunud-sunod ang mga proyekto ni Julie ngayong taon!

 

Ang LIMITLESS, A Musical Trilogy ay produced ng GMA Synergy.

 

 

***

 

 

BUTI na lang at bago pa mag-ECQ sa Metro Manila ang ika-41st birthday ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes.

 

 

     Kaya nakapagdaos pa rin ito ng isang intimate family birthday party.  Na kung makikita naman sa mga Instagram post, lalo na ng kanyang misis na si Marian Rivera ay talagang ang immediate family lang ni Dingdong ang present sa bahay nila.

 

 

Kumpara sa mga past birthdays nito na talagang present ang mga kaibigan ni Dingdong sa iba’t-ibang grupo niya, kasama na rin siyempre ang talagang pag-iingat ng mag-asawa against COVID-19 at ngayon nga, may Delta variant pa.

 

 

At makikita naman sa mga pictures na ipinost na lang nila kung gaano si Marian ang punong-abala sa birthday ng kanyang mister at kitang-kita rin na mas lalo pang naging sweet ang dalawa ngayong halos 24/7 talaga silang magkasama with Zia and Sixto nitong pandemic.

(ROSE GARCIA)

DOLE NAGHAHANAP NG PONDO SA 2 LINGGONG QUARANTINE

Posted on: August 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAGHAHANAP na ang Department of Labor and Employment (DOLE)  ng pondo upang matulungan ang mga manggagawang apektado ng  dalawang linggong Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa  Metro Manila.

 

 

Sinabi ni Labor Usec. Benjo Santos Bemavidez sa Laging Handa briefing na hindi pa natutukoy ng ahensya kung gagamitin nito ang available na  badyet o humingi ng karagdagang pondo mula sa  Department of Budget and Management.

 

 

Ang DOLE ay nauna nang namahagi ng tulong pinansyal sa mga manggagawang  naapektuhan ng pandemya

 

 

Ipatutupad ang pinahigpit na restrictions simula August 6 hanggang 20 kung saan maraming mga manggagawa ang maaring hindi makapasok sa trabaho.

 

Ang National Capital Region  ay isasailalim kasi sa enhanced community quarantine sa loob ng dalawang linggo .

 

 

Layon ng ECQ na mapigilan ang lalo pang pagtaas ng kaso ng COVID-19 na pinalalala ng Delta variant. GENE ADSUARA

Video nina GRETCHEN at ATONG sa isang sabungan, nag-viral sa social media

Posted on: August 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAG-VIRAL sa social media sa isang video kunsaan nakitang magkasama sina Gretchen Barretto at Atong Ang sa isang sabungan.

 

 

Nai-share ng 5,000 times ang naturang video noong ma-post ito sa Facebook.

 

 

Sa naturang video na nakunan noong nakaraang July 30 sa event na 12-Stag Derby (4 Stag Prelim), si La Greta ang may-ari ng pangsabong na manok na ang pangalan ay “Lady Tiger”. Makikita naman daw sa video si Ang na bitbit ang manok ni Gretchen.

 

 

Nilagyan ng caption na “relationship goals” ang nag-post ng video nila Gretchen at Atong sa Facebook.

 

 

Naging kontrobersyal ang diumanong professional relationship nina Gretchen at Atong. Naging mainit na topic ang dalawa noong magkaroon ng alitan sa pagitan ni Gretchen at ng kapatid na si Marjorie Barretto noong October 2019 sa burol ng kanilang yumaong ama na si Miguel “Mike” Barretto.

 

 

Binunyag pa ni Marjorie noon na boyfriend ng pamangkin nilang si Nicole si Atong for five years bago raw itong inahas ni Gretchen. Pinabulaanan naman ni Atong ang sinabing ito ni Marjorie at sinabi niyang empleyado lang niya ni Nicole.

 

 

Ilang beses nang pinaliwanag nina Gretchen sa media na magkasosyo sa ilang mga negosyo si Atong at ng long-time partner niyang si Tonyboy Cojuangco, kabilang na ang pag-operate ng sabungan at ng isang casino. Kaya iyon daw ang dahilan kung bakit sila parating nakikitang magkasama.

 

 

Nag-viral din noon ang “sleeping”: photo ni Gretchen kunsaan magka-holding hands pa sila ni Atong habang tulog sila sa business class section ng eroplanong sinakyan nila from San Francisco, California.

 

 

Huling nakitang magkasama sina Gretchen at Atong ay noong November 2020 nang kuwestiyunin ang pagbisita nila sa, Iloilo para makipagpulong sa sabong operators at may nagawa silang paglabag sa health protocols.

 

 

***

 

 

NAHIYA si Beauty Gonzalez sa pag-stalk niya sa social media accounts ng Kapuso actor na si Kelvin Miranda.

 

 

Magkasama sina Beauty at Kelvin sa episode ng Stories From The Heart na ‘Loving Miss Bridgette’ at kasalukuyang nasa lock-in taping na ang buong cast.

 

 

Ayon kay Beauty, nag-research daw siya tungkol kay Kelvin dahil sa story conference on Zoom pa lang daw niya nakilala noon ang aktor. Kaya pumunta ito sa mga social media accounts nito at pinanood niya ang pinagbidahan nitong teleserye na The Lost Recipe. Pinanood din niya ang isang pelikula ni Kelvin sa Netflix na Dead Kids.

 

 

“Chineck ko na ‘yung Instagram niya, I watched a movie of him na nasa Netflix, pinanood ko na siya. I did a bit of my assignment, my homework. Kasi siyempre it’s my homework also to know my co-actor,” sey ni Beauty.

 

 

Nalaman din ni Beauty na tsine-check din pala ni Kelvin ang mga social media account niya.

 

 

Sey ni Kelvin: “Sobrang hinahangaan ko kasi siya eh. Kasi sa mga actress sobrang natural niya, technically bagay sa screen ‘yung mga ginagawa niya, very effective.

 

 

Iniisip ko kung paano ko mapapantayan ‘yun. Tsine-check niya rin pala ako, tapos pinakita ko sa kanya.”

 

 

Natatawang reaction ni Beauty, “Meron palang gano’n. Oh my gosh! Nakakahiya!”

 

 

***

 

 

PUMANAW na ang award-winning writer and professor na si Domingo Landicho sa edad 81.

 

 

Isa sa nakilalang nobela ni Landicho ay ang Bulaklak Ng Maynila na nananalo ng Carlos Palanca Memorial Awards Grand Prize at ginawang pelikula ng Viva Films noong 1999 kunsaan nanalo ng grand slam best actress si Elizabeth Oropesa.

 

 

Sa Facebook binalita ng pamilya ni Landicho ang pagpanaw nito noong nakaraang July 29.

 

 

“We thank all those who have been a part of his life. We ask for prayers for the repose of Domeng’s soul,” post ng misis ni Landicho na si Edna May Obien-Landicho.

 

 

Nagbigay din ng tribute ang The University of the Philippines Institute of Creative Writing, kunsaan resident si Landicho: “Mang Domeng, from everyone here at the UP ICW, thank you. May you rest in peace.”

 

 

Maraming sinulat na plays si Landicho para sa Philippine Educational Theater Association (PETA). Tumanggap siya ng parangal mula sa CCP Balagtas Awards, Catholic Mass Media Awards, and Institute of National Language Awards.

 

 

Sinubukan ding mag-artista noon ni Landicho. Napasama siya sa ilang Filipino actors na nakasama sa kinunang Hollywood film sa Pilipinas na The Year Of Living Dangerously in 1982. Bida rito sina Mel Gibson at Sigourney Weaver. 

(RUEL J. MENDOZA)

Pinay boxer na si Nesthy Petecio, binati ni Go

Posted on: August 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

“Mabuhay ka, Nesthy! Isa kang lodi!”

 

Binati ni Senador Bong Go ang pinay boxer na si Nesthy Petecio sa pagkapanalo ng Tokyo Olympics silver medal sa Women’s Featherweight boxing.

 

“Congratulations to Nesthy Petecio for winning the Tokyo Olympics silver medal in Women’s Featherweight boxing! Yours is a historic win for being the first Filipina to win an Olympic medal in boxing since we joined the Olympics almost a century ago,” ayon kay Go.

 

Sinabi pa ni Go na malaki ang paghanga niya sa ipinakitang gilas at tapang nito sa loob ng boxing ring.

 

“Bilang isang kapwa mo Dabawenyo at chair ng Senate Sports Committee, malaki ang paghanga ko sa ipinakita mong gilas at tapang sa loob ng boxing ring,” aniya pa rin.

 

“With your unrelenting spirit, determination and competitiveness, you are one of the beacons that keep inspiring our people, especially our youth, amid trying times,” dagdag na pahayag ni Go. (Daris Jose)

PDu30, inaprubahan ang pondo para sa ayuda para sa 80% ng populasyon sa NCR

Posted on: August 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

IBINALITA ni Senador Bong Go na inaprubahan na noong Lunes ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pondo para sa financial assistance na ipapamahagi sa mga kwalipikadong indibidwal sa National Capital Region (NCR) na inilagay sa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) mula Agosto 6 hanggang 20, 2021.

 

Nagkakahalaga aniya ito ng P1,000 kada kuwalipikadong indibiduwal na may maximum na P4,000 kada household.

 

Sinabi ni Go na sa pamamagitan ng ayudang ito ay matutulungan ng pamahalaan ang mga mahihirap na mamamayang Filipino na maitawid ang kanilang pamilya habang apektado ang kanilang kabuhayan dahil sa ECQ, lalo na ang mga daily wage earners at mga “isang kahig, isang tuka”.

 

Mahigit 13 milyon aniya ang populasyon sa NCR at 80% nito o mahigit 10.8 milyong indibidwal ang mabibigyan ng ayuda ayon sa DBM, NEDA, at iba pang mga ahensya.

 

“Dahil direktang ida-download ang mga pondo sa mga LGUs sa NCR, ang apela ko naman sa mga lokal na pamunuan ay siguraduhing maibibigay kaagad ang ayuda sa mga tamang benepisyaryo sa isang maayos, mabilis at ligtas na paraan na walang katiwalian,” ayon kay Go.

 

“Nagpapasalamat ako kay Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtugon sa ating apela na magbigay ng ayuda sa mga pinakamahihirap na maaapektuhan ng ECQ sa NCR simula Agosto 6 hanggang 20,” dagdag na pahayag nito.

 

Sa kabilang dako, sinabi ni Go na magpapatupad ng ECQ sa NCR upang maagapan ang problema at maiwasan ang lalong pagkalat ng sakit.

 

“Kumbaga, nais nating patayin ang sunog bago ito maging “out of control”. Pero kasabay nito ay kailangan din nating maagapan ang hirap at maiwasan ang gutom sa ating mga komunidad,” ani Go.

 

At gaya aniya ng kanyang mga nasabi noon, magtiwala lamang ang lahat sa gobyerno dahil lahat naman ng hakbang nito ay ang pangunahing isinasaalang-alang ay ang buhay at kapakanan ng bawat Pilipino. (Daris Jose)