• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 9th, 2021

Ayuda sa Metro Manila sisimulan na – DILG

Posted on: August 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Posible umanong nasimulan na noong Biyernes ang distribusyon ng cash aid para sa mga residente sa Metro Manila na maaapektuhan ng enhanced community qua­rantine (ECQ) na ipatutupad ng pamahalaan sa rehiyon upang mapigilan ang pagkalat pa ng COVID-19, partikular na ang Delta variant nito.

 

 

“Siguro pagpatak ng ating ECQ pilitin nating masimulan na yan,” ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año.

 

 

Una nang sinabi ng Malacañang na aabot sa 13 milyong katao sa National Capital Region (NCR) ang mapapasailalim sa ECQ na ipatutupad simula Agosto 6 hanggang 20.

 

 

Aabot anila sa 10.7 milyong residente ang makakakuha ng tig-P1,000 bawat isa na cash assistance o maximum na apat na miyembro para sa bawat pamilya o P4,000.

 

 

Sinabi ni Año na aabot sa P11.2 bilyong halaga ng ayuda ang ilalaan bilang tulong pinansiyal sa mga mamamayan. (Gene Adsuara)

KRIS, natuloy na rin ang paglabas sa GMA Network bilang co-host ni WILLIE

Posted on: August 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

GUMAWA ng pakikipag-usap si TV-host producer na si Willie Revillame, sa namamahala ng Clark International Airport sa Pampanga at sa Inter-Agency Task Force, para doon mag-show nang live,  ang kanyang Wowowin: Tutok To Win daily, 5:30 – 6:30 PM, habang naka-ECQ ang Metro Manila/NCR.

 

 

Kahapon, Sunday, August 8, doon din ginanap nang live ang 8.8 Mega Flash Sale TV Special ng isang shopping app, at natuloy na rin ang paglabas ni Kris Aquino sa GMA Network, dahil sila ni Willie ang nag-host ng show at napanood nang live sa GMA-7.

 

 

Kasamang nag-perform nina Willie at Kris ang mga Kapuso stars na sina Glaiza de Castro, Andrea Torres, Bianca Umali, Victor Anastacio at iba pa.

 

 

***

 

 

THANKFUL si Kapuso actress Glaiza de Castro, na tinututukan at umaani na ng papuri sa mga viewers ang bago nilang GMA Afternoon prime series, ang Nagbabagang Luha, with Rayver Cruz, Claire Castro at director-actress Gina Alajar.

 

 

Kaya namang dahil tapos na  tapos na ang lock-in taping nila, may time na siya ngayon na asikasuhin ang nalalapit nilang kasal ng Irish fiancé  niyang si David Rainey. 

 

 

Pero hindi pa naman daw ngayon iyon magaganap dahil nga patuloy pa rin ang pagdami ng Covid-19 at ng bagong Delta variant cases sa bansa.

 

 

     “Pinaplano na lamang namin ni David na dito sa bansa gawin ang wedding,” kuwento ni Glaiza.

 

 

“I have a big family at hindi ko sila kayang dalhin sa Ireland, sina David sampu lamang sila.  Gusto ko rin namang makita nila ang ating bansa and experience our culture.  Gusto naming gawin ito sa isang beach dito sa atin.”

 

 

Kaya malamang na sa kanilang beach sa Baler, Quezon magaganap ang wedding nila ni David.  Bago nagsimula ng lock-in taping si Glaiza ng Nagbabagang Luha, more than a month din siyang nag-stay sa Ireland with David and his parents during the Holiday seasons.

 

 

Doon na rin naganap ang engagement nila, bago bumalik si Glaiza dito sa bansa. Wait na lang natin ang mga susunod pang paghahanda ni Glaiza para sa kanilang wedding ni David.

 

 

Ang Nagbabagang Luha ay napapanood Mondays to Saturdays after Eat Bulaga sa GMA-7.

 

 

***

 

 

MAY mga hindi nakagusto sa new look ni Kapuso actor Ruru Madrid, para sa role niya sa upcoming primetime series niyang Lolong. 

 

 

Para raw kasing bumagsak ang katawan ni Ruru na kailangang gawin ni Ruru ang leaner physique niya ngayong nagsimula na sila ng lock-in taping ng serye.

 

 

“Si Lolong (Ruru) po kasi nagtatrabaho sa bukuhan, sa niyugan, kaya umaakyat siya lagi sa puno, nangingisda rin siya doon sa lugar nila, hindi naman siya nagdi-gym,” kuwento ni Ruru.

 

 

“That’s why I changed my diet, binago ko rin yung pagwu-workout ko.  Iba po kasi kung nagpapaganda ka nang katawan sa pamamagitan ng tamang workouts.”

 

 

Makakasama rin ni Ruru sa cast sina Christopher de Leon, Jean Garcia, Bembol Roco, Malou de Guzman, Rochelle Pangilinan, Ian de Leon, Mikoy Morales, Paul Salas, DJ Durano, Marco Alcaraz, Maui Taylor at sina Priscilla Almeda at Leandro Baldemor.    Dalawa ang leading ladies ni Ruru, sina Shaira Diaz at Arra San Agustin.

 

 

***

 

 

BALIK-GMA ang pagpapalabas ng Pacquiao vs. Spence Jr.: Generational Showdown on August 22.

 

 

After two years, muling lalaban si boxing champ and Senator Manny ‘Pacman’ Paquiao laban kay American boxer Errol Spence Jr. for the welterweight titles on Sunday, August 22.

 

 

Mapapanood ang showdown, via satellite on GMA-7, mula sa Las Vegas, Nevada, at mapapakinggan ito sa AM station Super Radyo DZBB 594 and in all Super Radyo stations nationwide at 9:00AM.

(NORA CALDERON)

Lyceum kampeon sa NCAA online chess

Posted on: August 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nasungkit ng Lyceum of the Philippine University ang korona sa NCAA Season 96 seniors’ online chess tournament.

 

 

Pinayuko ni Neymark Digno ng Lyceum si Carl Jaediranne Ancheta ng Arellano University sa championship round upang matamis na angkinin ang titulo.

 

 

Nagkasya lamang sa pilak si Ancheta.

 

 

Nakahirit ng tiket sa finals si Digno nang gapiin nito si University of Perpetual Help System Dalta bet Carl Zirex Sato sa semifinals.

 

 

Umabante naman sa gold-medal match si Ancheta nang igupo nito si Adrian Othniel Yulo ng College of Saint Benilde sa hiwalay na semis game.

 

 

Ito ang kauna-unahang titulo ng Lyceum sa chess tournament sa liga.

 

 

Nauna nang ginanap sa season na ito ang poomsae, speedkicking at volleyball skills challenge.

Shang-Chi Character Posters Offer a Closer Look at the New MCU’s Heroes & Villains

Posted on: August 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NEW posters showcasing the various heroes and villains of Marvel Studios’ Shang-Chi and the Legend of the Ten Rings have been released.

 

 

The film is set to introduce a new pool of characters to the MCU, with Shang-Chi representing the first Asian superhero in the franchise. Shang-Chi will see Simu Liu in the eponymous role of a master of martial arts who is drawn back into the secretive Ten Rings organization that he thought he had left behind, led by his father Wenwu (Tony Leung).

 

 

Alongside new faces, the film will also feature Benedict Wong‘s Wong from Doctor Strange and Tim Roth‘s Abomination from The Incredible Hulk.

 

 

Shang-Chi was initially set for release on February 12th of this year, the first day of Lunar New Year, but filming in Sydney was brought to a halt for several months as a result of the pandemic. Liu has previously stated that he was concerned over whether or not the film would finish production, but things were able to finally get back on track and it is now set to release on September 3rd.

 

 

Black Widowwhich was also released on Disney+ via premier access, Shang-Chi is set to have an exclusively theatrical release; however, considering the low levels of theater attendance at the moment, it remains to be seen if Disney will change their release plans.

 

 

Marvel shared six character posters on Shang-Chi‘s official Twitter account highlighting the various heroes and villains of the film. Each poster provides a close-up look at one of the film’s primary characters in various poses ready to fight.

 

 

The posters feature Liu’s Shang-Chi, Awkwafina‘s Katy, Leung’s Wenwu, and Michelle Yeoh‘s Jiang Nan. Also depicted are Meng’er Zhang‘s Xialing and Death Dealer played by Jade Xu, who previously played a Widow in Black Widow.

(ROHN ROMULO)

Football star Lionel Messi aalis na Barcelona FC

Posted on: August 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nakatakdang umalis na sa Barcelona Football Club si six-time Ballon d’O winner Lionel Messi.

 

 

Ayon sa nasabing koponan na nagkaroon sila ng problemang pinansiyal para sa renewal ng kontrata ng football star.

 

 

Dahil dito ay libre ang Argentina forward na makipagnegosasyon sa ibang mga koponan.

 

 

Isa sa top scorer si Messi na mayroong 672 goals ang kaniyang nagawa sa 778 laro.

P-Noy may sariling commemorative stamp

Posted on: August 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Ginawan na ng commemorative stamps ng Philippine Postal Corporation (PHLPost) ang namayapang dating Pangulong Benigno Aquino III.

 

 

Sinabi ni PHLPost chairman Norman Fulgencio na ang postage ay sumisimbolo ng pagkakaisa, respeto, pagmamahal sa bansa at pag-aalala sa isa’t-isa anumang lahi o paniniwala.

 

 

Dagdag pa nito na noong pumanaw ang dating pangulo ay isinantabi ang pulitika at buong bansa ay nagdalamhati.

 

 

Ang nasabing munting selyo ay magpapaalala sa pagmamahal at pagmamalasakit ni President Aquino sa bayan.

 

 

Mabibili ang commemorative stamp sa halagang P480 kada sheet.

 

 

Naging representative naman ng Aquino family si Malabon Mayor Lenlen Oreta na itinuturing paboritong pinsan ng pangulo dahil hindi nakadalo ang mga kapatid ng pangulo bunsod ng COVID-19 protocols.

ICU ng PGH puno na sa mga batang may COVID-19

Posted on: August 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nasa ‘full capacity’ na kahapon ang COVID-19 intensive care units  ng Philippine General Hospital (PGH) sa mga batang tinatamaan ng COVID-19.

 

 

Sinabi ni PGH spokesman Dr. Jonas del Rosario na mas dumarami ngayon ang mga batang isinusugod sa pagamutan na isang ring COVID-19 referral center, makaraan ang pagdating sa bansa ng mas mapanganib na Delta variant.

 

 

Kahapon, nakapagtala ang PGH ng 150 COVID-19 patients, bata at matanda, na siyang pinakamataas nila sa loob ng dalawang buwan.

 

 

Sa kasalukuyan, hindi pa kabilang ang mga bata sa ‘vaccination program’ ng pamahalaan kaya nanawagan si Del Rosario sa mga magulang at guardians na higpitan ang paglabas ng mga bata dahil hindi rin sila ligtas na mahawa ng virus.

 

 

Una nang inihayag ng Department of Health (DOH) na plano nilang itaas ang target nilang populasyon na mabakunahan mula sa 70 milyon tungo sa 80 milyon.

 

 

Dahil dito, sinabi ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje, na inaasahan na makakasama na sa naturang bilang ang mga Pinoy na may edad 18-taong gulang at pababa. (Gene Adsuara)

Supply ng oxygen sa Metro Manila sapat

Posted on: August 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Sapat pa umano ang oxygen supply sa Metro manila sa kabila ng pagdami ng kaso ng COVID-19 na pinaniniwalaang dahil na sa Delta variant.

 

 

“Kahit itong huling ECQ (enhanced community quarantine) marami namang dumating na oxygen tanks hanggang ngayong araw na ito hindi naman tayo nagkakaroon ng shortage pagda­ting sa tangke dito sa NCR,” ayon ito  kay Adrien Alon-Alon, may-ari ng Caremart Medical Supplies sa isang panayam sa DZMM.

 

 

Idinagdag pa nito na bagama’t mataas ang pangangailangan dahil na rin sa COVID surge sa rehiyon ay hindi pa rin sila nagtataas ng presyo.

 

 

Kasabay naman nito na hiniling niya sa may kahalintulad niyang negosyo na huwag samantalahin ang sitwasyon para itaas ang presyo.

 

 

Gumagawa na rin sila ng paraan para  matiyak na hindi magkakaroon ng kakulangan sa cylinders ng oxygen. (Daris Jose)

PSC tiwalang bubuhos ang suporta sa Pinoy athletes

Posted on: August 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Umaasa si Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Charles Maxey na bubuhos ang suportang pinansiyal para sa sports program ng mga atleta.

 

 

Maningning ang kampanya ng Team Philippines sa Tokyo Olympics kung saan sigurado na ang Pilipinas na makapag-uuwi ng apat na medalya tampok ang gold-medal performance ni Hidilyn Diaz.

 

 

Kaya naman tiwala si Maxey na tutugon ang kongreso sa mga pinansiyal na problema ng ahensiya.

 

 

Tinuldukan ni Diaz ang halos 10 dekadang pagkauhaw ng Pilipinas sa gintong medalya nang magreyna ito sa women’s 55 kg. sa weightlifting.

 

 

Naka-pilak naman sa women’s featherweight si Nesthy Petencio habang may tanso si Eumir Marcial sa men’s middleweight class.

 

 

Pasok naman sa finals si Carlo Paalam sa men’s flyweight matapos kubrahin ang unanimous decision win kay Japanese Ryomi Tanaka kahapon sa semifinals.

 

 

“Naiintindihan natin ang Kongreso pagdating sa budget, pero sa ipinakita ng ating mga atleta sa Olympics, at during the 2019 SEA Games were we won the overall championship, we’re hoping madagdagan kami ng budget,” pahayag ni Maxey sa TOPS ‘Usapang Sports’ via zoom.

 

 

May P250 milyong natanggap ang PSC sa National Appropriation Act habang nakakakuha ito ng karagdagang pondo mula sa PAGCOR.

 

 

Isa si Tokyo Olympian Cris Nieverez sa mga lubos ang pasasalamat sa suporta ng PSC sa kanilang programa.

 

 

Bagama’t sapat ang nutritionist at pychologist mula sa PSC, nais ni Nievarez na madagdagan pa ito ng personal gym instructor upang matutukan ang kanilang fitness.