NATUTUNGHAYAN na this week ang back story ni Barang, ang kinaaaliwan at minamahal na character sa Huwag Kang Mangamba na mahusay na ginagampanan ng premyadong aktres na si Sylvia Sanchez.
Isa ito talaga sa inaabangan namin, na for sure, maraming masasagot at mabubunyag tungkol sa kanyang pagkatao na sinusubaybayan ng manonood sa Kapamilya channels, A2Z at TV5.
Samantala, hindi ini-expect ni Sylvia na edad niyang 50 ay makukuha siya bilang endorser ng Bench Plus at kasama pa ang anak niyang si Gela Atayde, na ngayon ay nagkalat na ang mga billboards kaya labis niya itong ikinagagalak.
Kasi naman, kung kailan pa siya nagka-edad at nadagdagan ng timbang ay nakakuha siya ng endorsement sa Bench na may tagline na ‘Celebrate Every Body.’
Dati pinapangarap lang niya na magka-billboard sa EDSA at mga national highways, at natupad nga ‘yun. Una na rito nang kunin siya ni Ms. Rhea Anicoche-Tan na maging Face of Beautederm na tinadtad din ng naglalakihang billboards, na sa taong ito ay nagsi-celebrate ng 12th anniversary.
Samantala, happy rin siya na nominated sa PMPC’s 34th Star Awards for TV bilang Best Drama Actress para serye na Pamilya Ko, na naputol sa ere noong March 2020 at sayang na hindi na nga naibalik, kaya maraming nabitin sa serye.
After more than a year, nakasama naman siya sa star studded cast ng Huwag Kang Mangamba pinagbibidahan ng Gold Squad na sina Andrea Brillantes, Francine Diaz, Kyle Echarri at Seth Fedelin.
At kahapon, nakatutuwang malaman na ang pinalabas ay ang ika-100 episode ng HKM, patunay lang na matagumpay at tinatangkilik ang inspirational drama series ng Dreamscape Entertainment.
Mukhang mahaba-haba pa ang tatakbuhin ng naturang inspirational drama series ng ABS-CBN.
***
SI Rihanna, na kilala rin bilang Robyn Fenty, na ang ‘wealthiest female musician in the world.’
Ang nagpsikat ng ‘Umbrella’ at ‘Diamonds’ ay kasama na sa list ng exclusive rank ng billionaires ayon sa Forbes na may estimated net worth na $1.7 billion.
Kaya tinalbugan niya ang mga sikat na female singers at pumangalawa na siya kay Oprah Winfrey (with net worth na $2.7 billion) as the richest female entertainer.
Dahil ito sa ni-launch niya cosmetics company na Fenty Beauty noong 2017, na nagbigay sa kanya ng estimated $1.4 billion,na 50% ang kanyang pag-aari.
Ang estimated $270 million, ay mula naman sa kinita niya bilang chart-topping musician and actress na kung saan may 101 million followers on Instagram and 102.5 million on Twitter.
Noong 2018, sa first full calendar year, ng beauty line ay kumita agad ito ng higit sa $550 million, ayon sa LVMH (ang French luxury goods conglomerate na pinatatakbo ni Bernard Arnault, na second-richest person sa mundo), at tinalo ang iba pang celebrity-founded brands nina Kylie Jenner (Kylie Cosmetics), Kim Kardashian West (KKW Beauty) at Jessica Alba (Honest Co).
Second naman sa Barbados-born singer/actress si Madonna sa list ng richest female musician in the world na may estimated net worth na $850 million.
Pasok din sa list ng Forbes sina Dolly Parton ($610M), Gloria Estefan ($500M), Celine Dion ($410M), Shaina Twain ($450M), Victoria Beckham ($430M), Beyonce Knowles ($418M), Barbra Streisand ($407M) at Jennifer Lopez ($400M).
(ROHN ROMULO)