• November 8, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 12th, 2021

Spence umatras na sa laban nila ni Pacquiao dahil sa injury sa mata

Posted on: August 12th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Hindi matutuloy pa ang pagharap ni Manny Pacquiao kay Errol Spence Jr.

 

Ito ay matapos na magtamo ng eye injury ang undefeated American boxer.

 

 

Ayon sa World Boxing Association, natamo ni Spence ang torn retina sa kaniyang kaliwang mata habang ito ay nasa training para sa laban sana ng dalawa sa darating na Agosto 22.

 

 

Nagdesisyon na rin ang WBA na ipalit si welterweight champion Yordenis Ugas laban kay fighting senator.

 

 

Si Ugas ay nakatakdang idepensa nito ang kaniyang titulo sa undercard ng dalawa.

 

Sinabi ni Spence na labis siyang nanghihinayang dahil hindi niya makakalaban si Pacquiao.

 

 

Sabik na aniya ito sa laban subalit nakita ng doktor ang injury sa mata kaya minarapat na isailalim ito sa operasyon.

 

 

Nadiskubre lamang ang nasabing injury sa pre-fight medical examination ng Nevada State Atlethic Commission sa Las Vegas.

 

 

Dahil dito ay umuwi na ang boksingero sa Las Vegas para sa operasyon.

KRIS, pinasalamatan at binati ang ‘special someone’ sa kaaarawan nito; pahulaan kung sino ang tinutukoy sa IG post

Posted on: August 12th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PALAISIPAN at pahulaan na naman kung sino ang ‘special someone’ na tinutukoy ni Kris Aquino na IG post niya na kung saan may mensahe na: Thank you for coming into my life… Happy Birthday!

 

 

May caption ito na, “i thought long and hard whether to upload this, because i know what kind of speculation i’ll be starting… BUT he really did come when my grief was unbearable; he continues to give me unselfish support & comfort; he’s been around for all my ups and downs, health woes, and tears- plus bimb likes him… most of all he makes me feel taken care of, secure, and SAFE.

 

 

“So he is deserving of this birthday greeting that all of you are now seeing (care bears na kung anong iisipin ninyo) BECAUSE for me he is #special.”

 

 

Natuwa naman ang celebrity friends and followers ni Kris sa kanyang post, at isa nga rito si Angel Locsin na napa-Ayyyyyy na lang.

 

 

Maging ang nali-link sa kanya na si Atty. Gideon V. Pena ay nag-react ng, “I’m happy when you are happy.” Say naman ng netizens, sana raw ay sila na lang ni Kris.

 

 

May nag-Google naman kung sinu-sino ang nagbi-birthday ng August, lumabas na may newscaster, politician, at basketball player.

 

 

Oh well, abangan na lang natin sa mga susunod na araw kung mabubunyag ang special someone na ito ni Kris.

 

 

***

 

 

GRABE ang paghahanda ng avid fans at fanbases ni Jeon Jungkook, ang kilala rin bilang ‘Golden Maknae’ ng BTS, na magsi-celebrate na ng kanyang 25th birthday sa September 1.

 

 

In-announce na ng fans ni Jungkook mula sa Japan kilala na ‘JKnekkkoya’ ang kanilang project na I-illuminate ang 234-meter (768 ft) tall na Fukuoka Tower para I-commemorate 25th Birthday ni Jungkok.

 

 

Magaganap #HappyJungkokDay mula 7:45 hanggang 7:55 nang gabi, na mapapanood ng live para masaksihan ang Illumination ng Fukuoka Tower, ang most iconic, tallest building and the tallest seaside tower sa Japan.

 

 

Hindi naman magpapatalo ang biggest Chinese fanbase ni JK na famous sa kanilang generosity pagdating sa kakaibang pasabog sa pagsi-celebrate ng birthday ng sikat na BTS member taon-taon.

 

 

Sa bonggang celebration this year, si JK ang first artist in the world na magkakaroon ng themed cruise parade with custom-made illumination show.

 

 

Siya rin ang first artist na magkaka-onboard exhibition and birthday cafe habang nagta-travel sa Han River, na hindi biro ang gagastusin ng Chinese ARMY.

 

 

Ganun din sa in-organize nila na maglalagay kay JK as World First Individual na tatanggap ng ‘Immersive 360 Digital Exhibition & Virtual Reality Exhibition’ na gaganapin Manhattan, New York.

 

 

At dahil sa event na ito, china Bar naman ang magiging World’s First Artist Fanbase na mag-o-offer ng VR Fan experience.

 

 

Nakapag-set din ng record ang Chinese fanbase ng donasyon na umabot sa 6M RMB ($926,000) sa shortest time sa history ng K-pop Fanbase.

 

 

Isa nga ang birthday ni Jungkook sa special events ng BTS na inaabangan every year ng BTS’s Army dahil sa series of projects ng kanilang mga fanbases, na mas grandioso ngayong 2021.

(ROHN ROMULO)

Chinese coach gagawing consultant ni Diaz

Posted on: August 12th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Kung hindi makukum­binsi ni Olympic Games gold medalist Hidilyn Diaz si Gao Kaiwen na bumalik bilang head coach ay kukunin na lamang niya ang Chinese bilang consultant.

 

 

Sinabi ni Diaz kahapon sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum webcast na planado na ang lahat sakaling piliin ng 64-anyos na si Gao ang kanyang pamilya sa China.

 

 

Kung mangyayari ito ay si strength and conditioning coach Julius Naranjo, ang boyfriend ni Diaz, ang papalit kay Gao bilang head coach.

 

 

“Nag-usap na kami ng Team HD,” ani Diaz. “Si Coach Gao baka gagawin naming consultant tapos si coach Julius ang head coach tapos hahanap kami ng assistant coach na tutulong sa amin pagdating sa laro,”

 

 

Si Gao ang tumulong sa 30-anyos na tubong Zamboanga City para makamit ang kauna-unahang Olympic gold ng Pinas nang magwagi sa women’s 55-kilograms division ng Tokyo Games weightlifting competition.

 

 

Iginiya ni Gao si Diaz sa gold medal finish noong 2018 Asian Games sa Jakarta, Indonesia at noong 2019 Philippine Southeast Asian Games.

 

 

Sa pagbabalik sa bansa ng Team HD noong Hulyo 28 ay sinabi ni Gao kina Diaz at Naranjo na gusto na niyang umuwi sa kanyang pamilya sa China.

 

 

“Naiintindihan ko siya kasi matagal-tagal na siyang hindi nakakauwi sa kanila,” wika ni Diaz.

 

 

Magtatapos ang kontrata ni Gao sa Phi­lippine Sports Commission (PSC) sa Disyembre, ngunit hiniling na niyang tapusin ito ngayong buwan at hindi na sisingilin ang monthly salary na $2,500.

RIDER ARESTADO SA SHABU SA VALENZUELA

Posted on: August 12th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

BAGSAK sa kulungan ang isang rider matapos makuhanan ng shabu makaraang masita ng mga pulis sa quarantine control point dahil walang suot na helmet habang nagmamaneho ng motorsiklo sa Valenzuela city, kamakalawa ng gabi.

 

 

Nahaharap sa kasong paglabag sa Sec. 11 under Article II of RA 9165 at Art. 151 of RPC ang suspek na kinilalang si John Nino Bautista, 41 ng 6 Valeriano St. Brgy. Balangkas.

 

 

Sa report ni PCpl Glenn De Chavez, may hawak ng kaso kay Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria Jr, habang ipinapatupad ni PSMs Roberto Santillan ang Enhance Community Quarantine sa quarantine control point sa Kabesang Imo, corner Macopa St. Balangkas, dakong alas-9:30 ng gabi nang parahin niya ang suspek dahil walang suot na helmet at hindi tama ang pagsuot ng face mask habang sakay ng isang motorsiklo.

 

 

Nang hanapan ni PSMs Santillan ng quarantine pass o kahit anung dokumento na nagpapahintulot sa kanya na maari siyang lumabas ng bahay ay walang naipakita ang suspek at sa halip ay tinangka nitong tumakas.

 

 

Gayunman, agad siyang nahawakan ni PSMs Santillan saka inaresto at nang kapkapan ay narekober sa suspek ang apat na plastic sachets na naglalaman ng humigi’t-kumulang sa 1 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price P6,800, at cellphone. (Richard Mesa)

Gobyerno, may ginagawa nang paghahanda para matiyak na hindi makapapasok sa bansa ang bagong variant

Posted on: August 12th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ng Malakanyang na may ginagawa nang paghahanda ang pamahalaan para masigurong hindi makapapasok sa bansa ang napaulat na bagong variant ng COVID-19 na Lambda variant na una ng natukoy sa Peru.

 

“Alam mo, lilinawin ko pa ho. Kahit ano pang variant ‘yan, kapareho po ang ating katugunan. Unang-una, iyong ating border control, pinagbabawalan natin iyong mga manggagaling sa mga lugar na matataas itong mga mas nakakahawang mga variants. Pangalawa, iyong PDITR natin. Hindi po substitute talaga ang kahit ano sa PDITR, iyong mask, hugas, iwas, iyong ating detection, isolation and treatment. Wala po talagang substitute diyan sa PDITR na iyan,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

 

” At pangatlo iyong pinapalawak pa natin lalo ang numero ng mga nababakunahan. It’s really a race against the new variants, pero nakikita naman po natin eh mayroon po tayong mga headways pagdating sa pagbabakuna,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

 

Sa ulat, mayroon na namang bagong variant na banta sa Pilipinas ito ay ang Lambda variant na inihahalintulad sa Delta variant.

 

Ito ang inihayag ni infectious disease expert Dr. Rontgene Solante. kaya’t kailangang makapagsagawa ng mga pamamaraan na huwag makapasok sa bansa.

 

Sinabi ni Solante na bagama’t hindi pa natutukoy sa Pilipinas, kumakalat na ang Lambda variant na unang natukoy sa Peru, sa iba’t ibang bansa.

 

Sa ngayon ay nana­natili pa rin itong isang ‘variant of interest’ ngunit may potensyal na maging ‘variant of concern’ tulad ng Delta, Alpha, Beta, at Gamma.

 

Nauna rito, lumitaw sa mga laboratory experiments na ang mutations ng Lambda ay maaari ring labanan ang antibodies na pinoprodyus ng mga bakuna.

 

Ngunit hindi naman magiging ganap na walang silbi ang COVID-19 vaccines laban sa Lambda. Maaari umanong mabawasan ang bisa nito ngunit hindi naman tuluyang mawawala ang proteksyon. (Daris Jose)

Mga atleta na sumabak sa Tokyo Olympics may karagdagang tulong pinansyal mula sa pangulo

Posted on: August 12th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Binigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng mga cash incentives ang lahat ng mga atletang Filipino na sumabak sa katatapos na Tokyo Olympics 2020.

 

 

Ayon sa pangulo na mayroong tig-P2-milyon ang mga boksingerong sina Carlo Paalam at Nesthy Petecio na nagkamit ng silver medal habang P1-M naman si bronze medalist boxer Eumir Marcial at P200,000 naman si Irish Magno.

 

 

Ang ibang mga atleta ay mayroong tig P200-K na pondong manggagling sa office of the President.

 

 

Inanunsiyo nito ang nasabing karagdagang pabuya sa ginawang virtual na pagpupulong sa mga nakauwing atleta nitong Lunes .

 

 

Ang nasabing halaga aniya ay bukod pa sa itinakda ng batas.

Mayor ISKO, walang sagot sa mga paninira sa kanya ni President DUTERTE kahit obvious na siya ang pinatatamaan

Posted on: August 12th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

WALANG sagot si Manila Mayor Isko Moreno sa paninira sa kanya ni Presidente Rodrigo Duterte.

 

 

Kahit na hindi pinangalanan, obvious naman si Mayor Isko pinatatamaan ng occupant ng Malacanang na tinanggalan niya ng power na mag-distribute ng ayuda. Instead ay ipinasa niya sa DILG at DSWD ang function na ito.

 

 

Disorganized daw kasi ang ginagawa ng mayor kung paano pinatatakbo ang kanyang bayan.

 

 

Hindi sumagot si Mayor Isko pero nag-post siya ng larawan niya kung saan nabigyan siya ng award dahil sa maayos niyang pagpapatupad ng bakuna at distribution ng ayuda sa mga senior citizens.

 

 

Ang isa pang foul na ginawa ni Digong ay gamitin ang pagiging dating actor ni Isko para siraan ito. Tinawag pa niya itong call boy.

 

 

Mabango kasi ang pangalan ni Isko dahil sa ginagawa niyang improvements sa Maynila kaya insecure ang occupant ng Malacanang.

 

 

Wala naman masama kung nagpaseksi man si Isko before dahil bahagi ito ng kanyang trabaho bilang actor. At least, he was able to improve himself. Naipakita niya ang kanyang capability bilang isang public servant.

 

 

Kapuri-puri ang ginagawa ni Isko para maisayos ang Manila, na matagal din naman napabayaan through the years.

 

 

Nag-aral din si Isko sa mga sikat na unibersidad tulad ng Oxford at Harvard para mas lumawak pa ang kanyang kaalaman sa public administration.

 

 

Under attack si Isko kasi tumataas ito sa ratings. Saka pinuna niya kasi ang hindi maayos na paraan ng Duterte administration para tugunan ang pandemya. Kaya target siya ng vile tongue ng foul-mouthed president.

 

 

Pero kasabihan nga, mahal ng tao ang inaapi. Kaya mas lalong magiging mabango si Isko sa mga tao because he is being unjustly maligned and debased.

 

 

Saka mali ‘yung gamitin ni Digong ang posisyon niya bilang president para manira nang hindi niya kakampi.

 

 

Basta ang sagot lang Yorme Isko sa bashing na ito ay gawin nang maayos ang kanyang trabaho. Ito ang mabisang pangontra sa paninira sa kanya na walang basehan.

 

 

***

 

 

BUSY si Myko Manago in promoting his newest single titled “Kung Pwede Lang Sana” under RJA Productions.

 

 

The song was composed by Noriel Calderon and can be downloaded sa streaming platforms.

 

 

Tumutulong din si Myko sa kanilang maliit na business. Gumagawa rin siya ng content para sa mga social media platforms.

 

 

Adjusted na si Myko sa buhay natin under lockdown. “What I like is maraming platforms na naglalabasan to go on live or mag-showcase ng talent and promote artists online.”

 

 

Dahil sa lockdown, maraming events and gigs si Mykp that were cancelled.

 

 

“Pero everyone has to move forward and I guess ang best na pwedeng magawa ngayon is mag-adopt sa kung ano ang nangyayari sa mundo o sa paligid para hindi tayo maapektuhan physically and emotionally,” wika ng singer.

 

 

Sobrang saya ni Myjo sa kanyang bagong single kasi first time niyang kumanta ng ganitong klase ng genre. First time din niya na may nakatrabaho na upcoming composer.

 

 

“And yung whole process ng pag promote ko nitong song, is I can say na, masaya kasi ang dami kong natututunang bagong way para mag promote and at the same time, makita ko yung mga taong nakakarinig nung kanta at nagagandahan sila. for me, I can say na successful ang song,” pahayag ng binata.

 

 

Thankful and happy si Myko na nagustuhan ng composer ‘yung style na ginawa niya to interpret “Kung Pwede Lang Sana.” Happy rin siya sa magandang feedback sa kanta.

 

 

“It is a love song para sa taong Hopia or hoping sa pag-ibig. The story behind the song is my isang guy na nag-open up sa kanyang best friend na may nararamdaman siya sa isang girl. But unfortunately, may mahal ng iba yung girl. Malas lang nung girl kasi sinasaktan siya at hindi pinapahalagahan ng mahal niya. Kaya ang nasabi ng guy, “kung pwede lang sana maging ako na lamang siya. Hindi ka na sana luluha kahit kailan man.”

(RICKY CALDERON)

CATRIONA, tinigil na ang pagtanggap ng new applicants dahil ‘exploitation issue’; JESSICA, nag-back out sa Nas Academy

Posted on: August 12th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

TINIGIL na ni Miss Universe 2018 Catriona Gray ang pagtanggap ng new applicants para sa Catriona Gray Academy ng Nas Academy pagkatapos na magkaroon ng exploitation issue sa tattoo artist na si Whang-Od.

 

 

Ayon sa official statement: “Cornerstone Entertainment, Catriona Gray and Nas Academy have agreed to stop accepting new applicants for the Catriona Gray Academy until the issue of ‘Whang-Od’ has been fully resolved. Cornerstone will continue to monitor the progress of this incident.”

 

 

Tinigil na rin ng Nas Academy ang operations nito sa Pilipinas pagkatapos na ireklamo ng grand niece ni Whang-Od na si Grace Palicas ang pag-manipulate ng naturang Nas Academy sa kanilang lola.

 

 

Iniimbestigahan na ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) – Cordillera Administrative Region (CAR) ang ginawang exploitation ng Nas Academy.

 

 

Dahil sa insidenteng ito, nawalan nang higit sa 370,000 Facebook followers ang Nas Daily ni Nuseir Yassin. Mula sa dating 20.98 million followers noong August 4, bumaba ito sa 20.59 million.

 

 

Nagsalita naman si Cacao Project founder Louise Mabula tungkol sa umano’y karanasan niya sa kontrobersiyal na vlogger.

 

 

Tinawag niya itong walang galing and “didn’t care about making change or shedding light on real issues—he only wanted content, a good, easy story to tell that would get him more Filipino view.”

 

 

Nag-backout na rin si Jessica Soho sa pagturo sa Nas Academy.

 

 

Heto ang official statement ng KMJS: “In light of recent events, and after our team’s series of communications with Nas Academy, we decided and mutually agreed not to pursue the Jessica Soho course, Nas Academy has informed us that they are working with the NCIP. We hope for the resolution of all issues raised.”

 

 

***

 

 

MAGIGING lolo na ang former Guwapings member na si Eric Fructuoso sa edad na 44.

 

 

Sa isang video na pinost ni Eric via Instagram, nagbigay ng payo sa kanyang panganay tungkol sa pagiging isang asawa at ama.

 

 

“Ikakasal ka na. Magkaka-baby ka na. Heto ha! based on experience lang, ha? Hindi ko sinasabing sundin mo, hindi ko sinasabing gayahin mo ako. Pero marami akong pagkakamaling ginawa, especially sa mommy mo, sa mga sumunod na… Ito ang payo ko sa ‘yo. Alagaan mo ‘yung asawa mo. Papakinggan mo siya, susundin mo siya. 

 

 

“Huwag kang magpapadala sa temptation dahil, anak, sinasabi ko sa ‘yo, hanggang sa edad ko ngayon, tinatrabaho ako ng babae lagi. Hindi ko na-experience manligaw, anak, pero lagi akong tinatrabaho. Kaya alam mo ‘yon, minsan nauuto ako, nadadale. Wala, eh… marupok ako. Naniniwala pa ako. Kapag sinabing ‘I love you,’ ako naman ‘I love you rin.’

 

 

“So, ibig sabihin, be true to your wife. Love her, love her like there’s no tomorrow, and enjoy-in mo lang. Huwag kang magpapaniwala sa ibang babae, ha?” 

 

 

Si Eric ang unang nagkaroon ng anak sa grupo nila noon nina Jomari Yllana at Mark Anthony Fernandez. 

 

 

Sumali naman noon si Frederick sa Starstruck Season 6 sa GMA noong 16-years old ito. Ka-batch niya ang winners na sina Migo Adecer at Klea Pineda. Ngayon ay 21-years old na siya at magiging padre de pamilya na.

 

 

Bumawi si Eric sa kanyang panganay sa mga pagkukulang niya rito. Noong nakaraang taon, magkasama sila noong magkaroon ng lockdown at mas nakilala nila ang isa’t isa bilang father and son.

 

 

Ngayon ay kasama na ni Eric si Frederick sa kanyang mga negosyo na Gwapings Moto, na isang motorcycle shop at ang restaurant na Gwapigs sa Naic, Cavite.

 

 

***

 

 

TINULUNGAN ng Modern Family star na si Julie Bowen ang isang babaeng nahimatay habang nasa isang hiking trail ito.

 

 

Ang babae ay nagngangalang Minnie John at kasama nito ang kanyang pamilya na mag-hiking sa Arcghes National Park sa Utah.

 

 

Noong makarating na raw sa tuktok ng inaakyat nitong hiking trail, bigla raw nahilo dahil sa dehydration si Minnie at nawalan na ito ng malay. Bumagsak daw siya tumama sa isang bato ang kanyang ilong.

 

 

Huli raw niyang maalala ay dalawang babae ang tumulong sa kanya para mabigyan siya ng first aid.

 

 

Ang dalawang babaeng iyon ay ang aktres na si Julie Bowen at ang sister nitong si Annie na isang doktor at agad nitong pinatigil ang pagdurugo ng ilong ni Minnie at pinainom siya ng tubig at pinakain ng pretzels para magkaroon ito ng energy.

 

 

Sila na rin daw ang kumontak sa mister at anak ni Minnie para sabihing naaksidente ito sa hiking trail.

 

 

Nagpasalamat si Minnie kay Julie at Annie sa kanyang Facebook account:

“All I remember is sitting there with my head in my hands secure on the rock. Next thing I hear someone with a familiar voice kept asking me questions.  I wondered if i might be watching tv.  My eyes were closed and they said I will be fine and they were cleaning my face and bandaging me up. I heard that familiar voice  saying I am going to be ok, a doctor is cleaning me up.  As my eyes started to focus more, she smiled and took her hair tie off and shook her hair for me to figure out.  Her sister the doctor asked me to guess and I told her I just hit my head, I can’t remember.  She said smiling ‘Modern Family’ and I said of course!  I told her she was so beautiful.  She introduced me to her sister Annie, the doctor, and she is of course Julie Bowen!  They explained to me that the guide who was with the them, saw me fall forward splat on my face. My glasses broke my fall flat down, hitting my head on the flat rock breaking my skin on various areas near my nose. They had everything to clean up my wounds and set me up.  As I was hearing them giving directions to many people to keep going up, everything was quick mode. They used my phone in my purse to call Brandon.  It was a 20 minute trek to them.  Some ran ahead to find them.  Such wonderful men and women, selflessly giving of themselves!  God bless them!”  

(RUEL J. MENDOZA)

11.2 milyong Filipino, fully vaccinated na- Galvez

Posted on: August 12th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PUMALO na sa 11.2 milyong Filipino ang bilang ng fully vaccinated “as of August 8,” limang buwan matapos na simulan ng pamahalaan ang vaccination program noong Marso 2021.

 

“Almost 13 million have taken their first dose while 11.2 million Filipinos are now fully vaccinated, representing 15.88% of the targeted eligible population… and also 10.13% of the total Philippine population,” ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr. sa isang panayam matapos na dumating sa bansa ang 326,400 doses ng Moderna vaccines.

 

Ang target na eligible population ay iyong nasa age group na 18 taong gulang pataas.

 

Isiniwalat din ni Galvez na nakapagturok na ang Pilipinas ng 24,174,821 doses ng iba’t ibang bakuna sa buong bansa.

 

Nito lamang Agosto 5, nakapagbakuna ang bansa ng 710,482 COVID-19 vaccine doses, na itinuturing na “record-high single-day vaccination output” sa Pilipinas.

 

Kahapon, araw ng linggo naman ay nakapagtala ang Pilipinas ng 1,658,916 ng COVID-19 cases kabilang na ang “77,516 active cases, 1,552,278 recoveries at 29,122 deaths.”  (Daris Jose)

PDu30, kumpiyansa na maipapanalo ng ASEAN ang laban nito sa Covid- 19

Posted on: August 12th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KUMPIYANSA si Pangulong Rodrigo Duterte na maipapanalo ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang laban nito sa Covid-19 sa kabila ng mga hamon na kinahaharap nito.

 

Sa 54th founding anniversary na ginunita ng ASEAN, sinabi ng Pangulo na hindi na estranghero sa mga ASEAN member states ang hirap ng panahon at pagkakataon dahil mahigpit ang kanilang pagkakaisa.

 

“Notwithstanding the difficulties we face as the Covid-19 pandemic enters its second year, I am confident that ASEAN will prevail as it has done so many times in the past,” ayon sa Pangulo.

 

Wala aniya siyang pagdududa na malalampasan ng mga ASEAN member states ang problema na kinahaharap nito ngayon.

 

“ASEAN will continue to rise to present challenges and lead the region with renewed sense of purpose and an even firmer commitment to the ideals of peace, freedom, and prosperity,” dagdag na pahayag ng Punong Ehekutibo.

 

Binigyang diin nito ang kahalagahan ng “working hand in hand” upang makamit ang kanilang iisang layunin.

 

“As we celebrate our collective achievements and reflect on how far we have come as one community, may we always remember and value how much stronger we are together than on our own,” ani Pangulong Duterte.

 

Kinilala naman ng Punong Ehekutibo ang ASEAN bilang Southeast Asia’s “preeminent regional organization” at “one of the world’s most successful institutions.”

 

“The creation of ASEAN in 1967, in a period of great power rivalry and tensions, was indeed a bold, visionary step towards enduring peace and shared prosperity for the region,” anito.

 

Aniya pa, malayo na ang tinahak ng ASEAN simula nang likhain ito noong 1967.

 

“With more than five decades of community building, ASEAN has gone from strength to strength as the friendship and cooperation among its members deepened,” ayon sa Chief Executive.

 

Inilarawan naman niya ang ASEAN bilang isang “indispensable institution” parasa “promotion and preservation” ng kapayapaan at seguridad sa Asia-Pacific region.

 

Tinukoy nito ang “considerable market and dynamic workforce, ang ASEAN ay isa ring “important economic hub” na nag-aambag sa global growth at development.

 

Samantala, kinabibilangan ng mga bansang Brunei Darussalam, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Singapore, Thailand, Vietnam, at ng Pilipinas, ang ASEAN ay itinatag noong Agosto 8, 1967 na may Bangkok Declaration na tinintahan.

 

Ito’y tumutukoy bilang ASEAN Declaration sa pamamagitan ng limang founding members gaya ng Indonesia, Malaysia, Singapore, Thailand, at Pilipinas. (Daris Jose)