• November 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 20th, 2021

BIANCA, hinihintay na ng viewers kung paano makikipagbangayan kina ALICE at ANDREA

Posted on: August 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

HINIHINTAY na ng mga viewers ng Legal Wives ang pangatlong wife ni Ismael Makadatu (Dennis Trillo), si Farrah, played by Kapuso young actress Bianca Umali. 

 

 

Maraming expectations ang mga viewers kay Bianca dahil isa siyang mahusay na actress, and she will play the youngest among the three wives of Ishmael.  Ang first wife ay si Alice Dixson at si Andrea Torres ang second wife.

 

 

Hindi malilimutan ni Bianca na sinorpresa siya ng GMA, matapos niyang mag-renew ng exclusive contract sa kanila, na siya ang isa sa gaganap na asawa ni Dennis sa Legal Wives, at hindi raw siya nagtanong bakit siya, pero natuwa pa dahil muli siyang gaganap ng role ng isang Muslim tulad nang una niyang cultural drama na Sahaya. 

 

 

Nang mabasa na raw lamang niya ang script saka niya nalamang ibang-iba ang character na gagampanan niya kaysa sa Sahaya. Para sa kanya ay mas na-challenge siya sa bagong role na gagampanan.

 

 

Nagsimula na ang paglabas ng character ni Farrah sa serye, paano kaya niya pakikibagayan ang dalawang naunang asawa ni Ismael?

 

 

Napapanood ito gabi-gabi at 8:50pm pagkatapos ng The World Between Us sa GMA-7.

 

 

***

 

 

NAGTAKA ang mga regular viewers ng Wowowin: Tutok To Win, nang after ilang araw na nag-live si Willie Revillame ng show sa Clark International Airport sa Pampanga, ay bigla silang nag-replay ng mga previous episodes ng show, nang sumunod na tatlong araw.

 

 

At last Wednesday, August 18, ay bigla na silang live muli, pero hindi na sa Clark, kundi sa kanyang beach resort na sa Barangay Palangan, Puerto Galera, Oriental Mindoro.

 

 

Inihanda pala muna ni Willie ang paglipat nila ng venue dahil hindi sila papayagang mag-show sa Quezon City dahil nasa Enhanced Community Quarantine ito ngayon.

 

 

Nakipag-usap muna siya sa Mayor ng Puerto Galera, para maipagpatuloy doon ang show at makapagbigay sila ng saya, live, sa mga manonood nito araw-araw. Kasama ni Willie ang mga cameraman, technical staff, dancers, bagong staff ng show at si Direktor Randy Santiago.

 

 

Nagpatupad din si Willie sa kanyang beach resort ng physical distancing, pagsusuot ng face mask at face shield, para sa kaligtasan ng lahat.  Nagpasalamat si Willie sa IATF, Department of Health, Department of Interior and Local Government at kay Puerto Galera Mayor Rocky Ilagan, sa pagtulong sa kanya.

 

 

Patuloy nang napapanood nang live ang Wowowin from 5:00 – 6:30PM, Mondays to Fridays.

 

 

***

 

 

LOVELESS since 2018, pero secret muna at ayaw pang ibulgar ni Kapuso hunk actor Derrick Monasterio kung sino ang babaeng kinakausap niya at nasa ‘getting-to-know stage’ pa lamang ang kanilang relasyon.

 

 

     “Usap-usap lang, Good night, good night, paalaala lang ‘wag kang magpapa-gutom,’ ganyan!  Ang baduy eh pero ganun naman talaga, ‘pag may care ka sa tao, “eat your lunch,” mga ganoon!

 

 

Mauuwi ba sila sa seryosong relasyon, hindi pa raw niya masabi, kaya nasa dating at getting-to-know stage nga muna sila para malaman nila kung pwedeng maging sila.

 

 

“Kailangang makilala mo muna siya, you have to know her flaws, likes, interests, dislikes ninyo about each other.”

 

 

Busy ngayon sa dalawang shows si Derrick, catcher host siya ng Catch Me Out Philippines with program host Jose Manalo every Saturday, 8:30 PM sa GMA-7 at every night sa GMA Telebabad na Legal Wives.

(NORA V. CALDERON)

Casimero muling kinantiyawan si Donaire

Posted on: August 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Hindi naman tinantanan ni Casimero na kantiyawan ang kapwa Pinoy boxer na si Nonito Donaire Jr.

 

 

Sinabi nito na dapat mahiya si Donaire dahil ang nambugbog sa kaniya noon na si Guillermo Rigondeaux ay kaniyang tinalo.

 

 

Kaniya sana ito ng papatulugin kung hindi lang panay takbo ito sa boxing ring.

 

 

Magugunitang natalo si Donaire sa kamay ng Cuban boxer noong 2013 habang tinalo ni Casimero si Rigondeaux nitong Linggo lamang.

KASAMA NG SENIOR CITIZEN KUNG MAGPAPABAKUNA, PINAYAGAN NA

Posted on: August 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PINAYAGAN na ng gobyerno na magdala ng kasama ang mga senior citizen at may commorbidity na magpupunta sa vaccination sites  o tinawag na Plus 1 strategy.

 

 

Sinabi ni Health Usec Maria Rosario Vergeire na layon nitong mahikayat ang mga nakatatanda na magpabakuna na maging ang kasama nila sa bahay.

 

 

Paliwanag ni Vergeire, maaring kasambahay, kamag-anak o kasama sa bahay ang maaaring isama ng mga senior citizens .

 

 

Sa mga A3 o may comorbidity Plus 1, upang mapatunayan ng pangangailangan ng kasama na magtungo sa bakunahan, kailangan lamangahdala nh medical certificate.

 

 

Kabilang sa mga tinukoy na pasok sa programa ang mga A3 na may cancer, sumasailalim sa chemotherapy, sumailalim sa organ transplant o mahina ang katawan.

 

 

Sa ilalim ng A2 Plus 1 at A3 Plus 1, babakunahan na rin  ang mga kasama ng mga nakatatanda at mga kuwalipikadong may comorbidity .

 

 

Ito ay para mas mahikayat ang mga A2 at A3 ay maturukan laban sa Covid 19

 

 

Bagamat sinabi ni Vergeire na sinusunod na ito ngayon ng ilang lokal na pamahalaan, sa loob aniya ng linggong ito lalabas ang resolusyon ukol sa pormal na pagpapatupad ng programa. (GENE ADSUARA)

Pacquiao may inhandang ‘surpresa’ kay Ugas sa kanilang fight day

Posted on: August 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

May malaking sorpresa si boxing champion Manny Pacquiao sa laban nito kay Yordenis Ugas sa araw ng linggo.

 

 

Ayon kay Joey Concepcion ng Team Pacquiao, kakaibang Pacquiao ang makikita sa laban kontra Ugas kung ikukumpara sa laban dati kay Broner at Thurman.

 

Magkakaroon aniya ng pagbabago sa footwork ni Pacquiao, na ikabibigla raw ng publiko.

 

 

Ito ay dahil pinatutukan ni head coach Buboy Fernandez at consultant Freddie Roach kay Pacquiao ang speed at footwork ng Cuban boxer.

Kalagayan ng healthcare workers, ikinababahala ng mga Obispo

Posted on: August 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nababahala na ang mga Obispo ng Simbahang Katolika sa kalagayan ng mga medical health worker na isinasantabi ng pamahalaan ang financial benefits.

 

 

Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, dapat lamang na ipagpasalamat at pahalagahan ang pagsasakripisyo ng mga healthcare workers sapagkat sila ang tumutulong at naghahatid ng lunas laban sa umiiral na pandemyang lubos nang nagpapahirap sa marami.

 

 

“Our healthcare workers are our helping and healing hands. Let us be grateful for their selfless services and saving sacrifices. Let us appreciate how with their time and talents they care for us, comfort us and cure us,” bahagi ng pahayag ni Bishop Santos sa panayam ng Radio Veritas.

 

 

Ipinagdarasal ni Bishop Santos ang katatagan at kaligtasan ng mga health worker o mga medical frontliners na nahaharap sa banta ng COVID-19 at pinagkakaitan ng nararapat na benepisyo.

 

 

“We pray that God will keep them strong, safe and spare from any harm as they serve us with love and responsibility. Our good Lord may deliver them from sickness, cover them with His graces and provide them with their necessary needs,” dalangin ni Bishop Santos.

 

 

Nagpaabot din ng panalangin si Legaspi Bishop Joel Baylon, para sa katatagan at kaligtasan ng mga healthcare workers habang ginagampanan ang mga tungkulin ngayong pandemya.

 

 

Hinihiling ng Obispo na nawa ang mga medical frontliners ay patuloy lamang na magtiwala sa pagmamahal at paggabay ng Diyos lalo na sa mga pagkakataong sila’y pinanghihinaan na ng loob at nawawalan na ng pag-asa.

 

 

“I offer fervent prayers for their well-being and protection, as well as words of encouragement that they may not lose hope when they feel weak and discouraged, but instead, gather strength from our loving God who never abandons us. In Him alone are we saved,” pahayag ni Bishop Baylon sa Radio Veritas.

 

 

Itinuturing naman ni San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, chairperson ng Church People Workers Solidarity na isang “criminal negligence” ang ibinunyag ng Commission on Audit na 67.3-bilyong pisong  “unused at misused COVID-19 funds.

 

 

Ayon sa Obispo, kung ginamit sa tama at mga naaangkop na programa ang ponding ipinagkaloob sa Department of Health ay maaari sanang makapaglitas ng mas maraming buhay mula sa malawakang krisis pangkalusugan na dulot ng COVID-19.

 

 

Bukod dito, malaki sana ang maitutulong ng mga hindi nagamit na pondo ng kagawaran upang matugunan ang economic conditions o pangangailangan ng maraming medical frontliners na pangunahing tumutugon sa epekto ng COVID-19 pandemic sa kalusugan at upang mailigtas ang mga mamamayang Pilipino mula sa sakit.

 

 

Binigyang-pansin naman ni Puerto Princesa Palawan Bishop Socrates Mesiona, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Mission ang mahirap na kalagayan ng mga medical frontliners.

 

 

Sinabi ni Bishop Mesiona na hindi matatawaran ang paghihirap at sakripisyo ng mga health workers sa kanilang hanapbuhay upang mapaglingkuran ang mga higit na nangangailangan ng atensyong medical na binabalewala lamang ng gobyerno.

 

 

Inihayag ng Obispo na dahil overwork na ay nanghihina na rin ang katawan ng mga medical frontliners kung kaya’t ang mga ito ay nahahawaan na rin ng COVID-19.

 

 

Iginiit ng Obispo na sa sitwasyong ito ng mga medical frontliners ay dapat lamang na pagtuunan ito ng pansin ng pamahalaan upang sila’y mabigyan ng karampatang benepisyo at suporta kapalit ng kanilang sakripisyo.

 

 

Kaugnay nito, hinihikayat naman ni Bishop Mesiona ang bawat isa na ipanalangin ang mga medical frontliners upang gabayan ng Panginoon sa kanilang misyon na gamutin ang mga mayroong malubhang karamdaman at gawaran ang mga ito ng ligtas at malakas na pangangatawan laban sa panganib na mahawaan ng nakamamatay na virus.

 

 

Naglabas naman ng saloobin si Jesuit Priest Fr. Marlito Ocon hinggil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus disease at mahirap na kalagayan ng mga health workers sa bansa.

 

 

Ayon kay Fr. Ocon, head chaplain ng University of the Philippines – Philippine General Hospital Chaplaincy, tila walang planong bumaba ang kaso ng virus sa bansa at patuloy na nagdudulot ng pangamba sa lipunan.

 

 

Sinabi rin ng pari na napapagod na ang mga medical frontliner na gamutin ang mga pasyenteng mayroong virus, kung kaya’t maging ang mga ito ay dinadapuan na rin ng karamdaman.

 

 

“Eto na nga mga kapatid. Paakyat [nang] paakyat parang walang planong bumaba. Health workers ay napapagod at maraming nahahawa,”ayon kay Fr. Ocon

 

 

Inihayag ni Fr. Ocon na tanging sa Diyos na lamang kumakapit ang mga medical frontliners dahil hindi pa rin natutupad ng pamahalaan ang ipinangakong benepisyo kapalit ng sakripisyong kanilang iniaalay para mabigyang-lunas ang mga higit na apektado ng virus.

 

 

“Hanggang kailan kaya ang ating pagdurusa? Ipinangakong benepisyo hindi naman natamasa. Siya na lang ang bahala,” saad ni Fr. Ocon.

 

 

Nakasaad sa Bayanihan Law na ang SRA ay ang benepisyong matatanggap ng bawat medical frontliners kada buwan na nagkakahalaga ng P5,000. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Mister timbog sa P47K shabu sa Valenzuela

Posted on: August 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

ISANG mister na sangkot umano sa pagtutulak ng illegal na droga ang nasakote sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela city, kahapon ng madaling araw.

 

 

Kinilalan ni PLT Joel Madregalejo, hepe ng Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang naarestong suspek na si Rogelio Rivera alyas “Doro”, 47 ng 3034 Urrutia St., Brgy. Gen T. de Leon.

 

 

Sa ulat ni PSSg Ana Liza Antonio, may hawak kaso, kay Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria Jr, dakong alas-12:45 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PLT Madregalejo ng buy-bust operation sa Urrutia Street kung saan nagawang makipagtransaksyon ni PCpl Franciz Cuaresma na nagpanggap na poseur-buyer sa suspek ng P500 halaga ng droga.

 

 

Matapos tanggapin ng suspek ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang inaresto ng mga operatiba.

 

 

Narekober sa suspek ang humigit-kumulang sa 7 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P47,600, buy-bust money, P300 cash, coin purse at cellphone.

 

 

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Richard Mesa)

6 dagdag na benepisyo sa health workers isinulong

Posted on: August 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Makakakuha ang frontline health workers ng anim na dagdag na benepisyo tuwing may public health emergency, kapag naisabatas ang panukalang isinumite ni Sen. Kiko Pa­ngilinan.

 

 

Layon ng “Health Wor­kers Protection During Public Health Emergencies Act” ni Pangilinan na pagtibayin ang dagdag na benepisyo para sa public at private health care workers na may direktang contact sa mga taong may sakit tuwing may public health emergencies.

 

 

Layon ng panukala na magbigay ng buwanang Special Risk Allowance sa kabuuan ng State of National Emergency at Active Hazard Duty Pay na hiwalay sa hazard pay na ibinibigay sa ilalim ng Republic Act No. 7305 o the Magna Carta of Public Health Workers.

 

Ang Active Hazard Duty Pay ay katumbas ng 25 porsiyento ng arawang sahod ng healthcare worker batay sa bilang ng araw na sila’y nagreport sa trabaho.

 

 

Kabilang sa iba pang benepisyo ay ang libreng gastusin sa pagpapagamot kapag nahawa o nagtamo ng pinsalang may kinalaman sa trabaho ang health worker, bayad sa mga mahahawa habang naka-duty; libreng life insurance, transportation at pagkain; at supply ng Personal Protective Equipments at libreng at regular na health testing.

 

 

Ang kompensasyon kapag nagkasakit ay mula P15,000 kapag mild o mo­derate ang karamdaman, P100,000 kapag malala o kritikal at P1 milyon kapag pumanaw ang health worker.

Dahil sa kawalan ng trabaho at problema sa pamilya, kelot nagpakamatay

Posted on: August 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

ISANG 33-anyos na lalaki ang nagpasyang magpakamatay sa pamamagitan ng pagbaril sa kanyang sarili dahil umano sa depresyon dala ng kawalan ng trabaho at problema sa pamilya sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.

 

 

Kinilala ni Malabon Police Sub-Station 3 commander P/Maj. Carlos Cosme ang biktima na si Charie Odtuhan ng No. 9 Camia St. Brgy. Maysilo.

 

 

Sa report ni homicide investigator P/SSgt. Jeric Tindugan kay Malabon police chief P/Col. Albert Barot, dakong alas-3 ng hapon nang makalanghap ng mabahong amoy ang byudang ina ng biktima na si Candelaria Odtuhan, 62, traffic enforcer mula sa kuwarto ng anak.

 

 

Nang buksan ng ina ang kuwarto, laking gulat nito nang makita ang anak na naliligo sa sariling dugo at nasa tabi nito ang isang baril na naging dahilan humingi siya ng tulong sa SS-3.

 

 

Ayon kay Maj. Cosme, narekober sa tabi ng biktima ang isang caliber .38 revolver, isang basyo ng bala at isang fired bullet.

 

 

Sa imbestigasyon ni SSgt. Tindugan, dumaranas umano ang biktima ng depresyon dala ng kawalan ng trabaho at problema sa pamilya.

 

 

Nag- execute naman ang kanyang ina ng isang waiver na naniniwala siyang walang naganap na foul play sa pagkamatay ng kanyang anak. (Richard Mesa)

Grand Prix sa Japan kinansela dahil sa COVID-19

Posted on: August 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Muling kinansela ang Japanese Grand Prix dahil sa banta ng COVID-19.

 

 

Ito na ang pangalawang magkasunod na taon na kinansela ang nasbing karera.

 

Gaganapin sana ito sa Suzuka sa darating Oktubre 10.

 

 

Ayon sa Forumula One organizares na mismo ang gobyerno ang nagdesisyon na kanselahin ang nasabing laro dahil sa patuloy ang kanilang ginagawang paglaban sa COVID-19.

 

 

Nauna ng hindi na itinuloy ang Grand Prix sa Australia, China, Canada at Singapore.

Pilipinas, nakatugon na sa requirement ng WHO hinggil sa bilang ng mga health workers na fully vaccinated na

Posted on: August 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

TINATAYANG 90% na ng mga health workers ang nakatanggap na ng kumpletong bakuna.

 

Sinabi ni Chief Implementer at vaccine czar Carlito Galvez Jr.na nakatugon na aniya ang pamahalaan sa itinatakda ng WHO na porsiyento ng mga medical workers na dapat nang nakatanggap ng bakuna.

 

May 93% na aniya ang fully vaccinated na nasa A1 group na kumakatawan sa may  1,539,679 na healthcare workers.

 

“Sa ngayon po ay mayroon na po tayong 1,539,679 na healthcare workers or 93 percent na fully vaccinated.

 

Sa ngayon mayroon na tayong mga 3.6 million na fully vaccinated na ng A2. Nakikita natin na may agwat ang first dose at saka second dose dahil dito  — dito natin ikinount (count) ang Johnson & Johnson na one single dose,” ayon kay Galvez.

 

Sa kabilang dako, umaangat na rin  ang A2 at  A3 group o ang grupo ng mga senior at mga may commorbidities.

 

May 3.6 million na ani Galvez ang fully vaccinated na mga A2 o Senior habang nasa 66 percent na ang bakunado sa A3 group at nasa 1.1 million ng fully vaccinated ang nasa hanay ng A5 o poor community.

 

“At ngayon umaangat na rin ‘yung ating priority group A2 and A3. Sa ngayon mayroon na tayong mga 3.6 million na fully vaccinated na ng A2 ngayon mayroon na tayong mga 3.6 million na fully vaccinated na ng A2. Nakikita natin na may agwat ang first dose at saka second dose dahil dito  — dito natin ikinount (count) ang Johnson & Johnson na one single dose,” aniya.

 

“And then dito rin po sa A3 ganito rin po na mas mataas po ang fully vaccinated dahil dito rin po natin ikinount (count) ‘yung ano, ‘yung Johnson & Johnson. So mayroon na po tayong 4.7 or 66 percent. At tumataas na rin po ang ating bilang sa ating A5, ‘yung ating mga poor communities, mayroon na po tayong 1.1 million. At ito na po ang tina-target natin naman sa Moderna, ‘yung bigay po ng COVAX,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)