• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 31st, 2021

Pacquiao nasa PH na kasunod ng laban vs Ugas; naka-quarantine na sa isang hotel sa Pasay

Posted on: August 31st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Dumiretso sa Conrad hotel sa Pasay City na si Sen. Manny Pacquiao kasama ang kanyang pamilya para sa kanilang 10-day quarantine matapos na dumating na sa bansa kaninang madaling araw.

 

 

Alas-3:23 ng umaga lumapag sa Ninoy Aquino International Airport mula Los Anges ang PAL 103 lulan sina Pacquiao, na kakagaling lamang sa laban kamakailan kontra Cuban boxer Yordenis Ugas.

 

 

Sinalubong si Pacquiao ng mahigit 100 na mga supporters nito mula sa iba’t ibang grupo bitbit ang kanikanilang tarpaulin kung saan nakasulat ang kanilang pagsaludo sa Pambansang Kamao.

 

 

Ayon kay Bernard Peralta, staff ni Sen. Pacquiao, pitong kwarto ang kinuha sa Conrad hotel para sa buong pamilya ng Pambansang Kamao at ilan sa mga staff nito.

 

 

Ang iba naman sa mga kasamahan ni Pacquiao ay mananatili sa magkakahiwalay na hotel.

HEART, negative sa COVID-19 pero dumaraan naman sa matinding anxiety na epekto ng quarantine

Posted on: August 31st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NASA bansa na si Heart Evangelista at bilang pagsunod sa protocol, kailangan nitong mag-quarantine ng sampung araw. 

 

 

Wala raw siyang COVID-19 pero, dumadaan daw si Heart sa matinding anxiety dahil hindi raw talaga niya kinakaya ‘yung nakakulong lang siya sa isang lugar at mag-isa ng matagal. Isa rin daw ito sa dahilan kung bakit hindi siya nakakapag-travel na siya lang.

 

 

Sabi ni Heart sa kanyang IG stories, “Those asking… I’m in quarantine cause I came from L.A.  I don’t have covid just feel like I’m drowning and suffocated when I’m in closed spaces for a long time. 

 

 

 `“My anxiety is very bad. I am actually crippled by it most of the time. That’s why I can’t travel myself.”

 

 

Kahit na makikita ang kanyang IG na madalas ang post niya ng mga random things, inamin ni Heart na maghapon daw siyang umiiyak.

 

 

“Maybe one time I’ll talk more about it just trying my best to relax… even if I’ve been crying the whole day.”

 

 

Kasalukuyan ngang naka-quarantine si Heart ngayon sa Marriott Hotel at babalik na rin siya sa second lock-in taping naman nila ng I Left My Heart in Sorsogon.

 

 

***

 

 

MULING humarap sa entertainment press ang Chairwoman ng FDCP (Film Development Council of the Philippines) na si Liza Diño at ibang officers.

 

 

Magkakaroon ng film month sa buwan ng September na tinatawag rin na ‘Sine Isla 2021 Projects’ na may 12 pelikula na ipalalabas online pa rin. Pero ang maganda, inaayos na raw ng FDCP ang posibilidad ng pagpapalabas muli ng mga movies sa mga sinehan.

 

 

Ayon kay Chair Liza, “Well, we’re hoping by September, we will have the decision. Kasi, lahat ng recommendations na binigay sa amin ng IATF, inaasikaso na namin as we speak.  

 

 

     “And once we secure these, haharap ulit kami sa IATF to present, ‘yung kanilang hinihinging requirements and hopefully by then, once we get that, good to go, e.”

 

 

Pero hindi pa rin pwedeng i-ignore ni Chair Liza ang unpredictable situation sa bansa pagdating sa COVID-19.

 

 

Sabi nga niya, “While the goal is November, unpredictable naman kasi ang nangyayari. Naka-antabay kami riyan pero ang importante is planning. Kahit ma-delay ang actual screening, as long as we can announce.”

 

 

     “Kahit sarado pa, nagpi-prepare tayo.”

 

 

***

 

 

SA part 2 ng YouTube vlog ni KC Concepcion kunsaan, randomly ay may mga tanong na ibinabato sa kanya ang kapatid na si Samantha Concepcion, tinanong nito si KC kung may insecurities daw ba ito.

 

 

“Of course, I do,” pag-amin naman ni KC.

 

 

    “I don’t think anybody can really say they don’t. So I think, every girls always has something about how they look. There’s always something about yourself that you think you don’t really like.”

 

 

At ini-specify ng ani KC na isa raw sa insecurity niya ay ang kanyang height. Pero, ang bongga dahil mayaman naman siya at talagang kaya niyang bumili ng mga bonggang shoes, so hindi raw totoo sa kanya ang kasabihang “money can’t buy happiness” pagdating sa sapatos.

 

 

Nakabibili raw siya ng 6 inches ang heels at solve na ang pagiging insecure niya sa kanyang height.

 

 

“So I wished a lot of the time that I wished I was taller. But I learned to buy height. So basically I just buy height!”

 

 

Sa isang banda, inamin din ni KC sa kapatid na si Samantha nang tanungin siya kung sino ang kanyang 1st non-celebrity crush. Hindi ito pinangalanan ni KC, pero napaisip kami, aware kaya ang guy na ito na siya pala ang unang crush ni KC?     Isang Korean-American daw ang una niyang crush na hindi celebrity.

 

 

     “He was Korean-American and he was the president of the Student Council and the captain of the  swim team,” sey ni KC.

(ROSE GARCIA)

Camila Cabello & James Corden Stop Traffic With Cinderella Flash Mob

Posted on: August 31st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

CAMILA Cabello and James Corden stopped Hollywood traffic with a flash mob to promote the upcoming film, Cinderella.

 

 

Sony first announced the development of the Cinderella film in 2019, but amid Covid-19 concerns, the studio canceled the film’s theatrical release and sold the film to Amazon. Now, it is scheduled for release on Amazon Prime on September 3rd, 2021.

 

 

Cinderella will be a musical adaption of the classic fairy tale and will star Cabello, Corden, Billy Porter, Idina Menzel, and Minnie Driver. While the film is based on the classic story, it will be a somewhat modernized take on it.

 

 

Amazon’s trailer illustrated that Cinderella starts off similar to the tale fans are familiar with – an orphaned girl who is tormented by her wicked stepmother and stepsisters, goes to the ball and meets her love interest, Prince Robert. However, the film will take a different approach in that Cinderella doesn’t run away with her Prince but instead pursues her own dream of being a dressmaker.

 

 

As shown by Film Updates, in promotion for Cinderella, Cabello, Corden, Menzel, and Porter took to the streets of Hollywood with a fun flash mob. The actors were decked out in their characters’ costumes, with Corden even donning a full mouse suit for the skit. The cast covered Jennifer Lopez’s “Let’s Get Loud” and danced up to the windows of surprised onlookers.

 

 

Check out the flash mob below: James Corden, Camila Cabello, Billy Porter and Idina Menzel stopped traffic in LA for a flash mob with a cover of Jennifer Lopez’s “Let’s Get Loud” to promote #CinderellaMovie pic.twitter.com/dxm8LIKVvi

 

 

The flash mob is likely promotion for Cinderella, with Corden having filmed similar skits for his talk show. The crew went all out with Porter donning his Fab G costume, Cabello singing, and Corden thrusting his hips towards the window of an onlooker. Reactions to the mob were mixed on social media; while some got on board with the festive attitude, others were much more critical.

 

 

Users were quick to roast Corden for his costume and dance, while others pointed out the inconsideration of interrupting commuters with the mob and the noticeable absence of masks and social distancing among the mob participants. While the skit may be fun to watch from a distance, it likely wasn’t appreciated by individuals who were simply trying to get to work in a city that is already traffic-clogged enough without flash mobs.

 

 

Overall, while a Cinderella-themed flash mob is certainly entertaining, the cast might have missed their mark just a bit based on social media reactions. However, it is refreshing to see the cast’s excitement and commitment towards the film.

 

 

Set to release in just a few days, the live-action Cinderella film could be quite monumental. It will certainly boast more diversity than the classic tale and a message that is more empowering for women and girls. As illustrated by the cast’s participation in the mob, it is a film with ideals that the cast can get behind. However, promotional tactics should always be done in consideration for others.

 

 

Blocking traffic and coming up to vehicles’ windows without a mask may not be the best way to alert individuals to Amazon’s upcoming Cinderella.

(source: screenrant.com)

 

(ROHN ROMULO)

Olympian Carlo Paalam dinalaw ang kasamahang amateur boxers sa CdeO

Posted on: August 31st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Naglaan ng isang simpleng pagtitipon si 2020 Tokyo Olympics silver medalist Carlo Paalam sa mga boksingero ng Cagayan de Oro City Amateur Boxing Team kung saan siya nagmula.

 

 

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na muling nakasama ni Paalam ang kanyang mga kapwa boksingero matapos nagwagi sa Tokyo Olympics.

 

 

Ikinuwento ni Paalam ang kanyang mapait na nakaraan at karanasan sa buhay kung saan kumukuha lamang ng basura upang makayanan lamang ang pang-araw-araw na pagkain ng kanyang pamilya.

 

 

Dagdag nito, hindi madali ang kanyang buhay ngunit nagbago ang lahat nang umabot siya sa edad na siyam matapos na ma-recruit ni coach Elmer Pamisa sa amateur boxing program.

 

 

Kaya naman, pinayuhan ni Paalam ang mga kapwa boksingero na walang imposibleng makamit ang kanilang mga pangarap at mithiin sa buhay kung magkaroon lamang ng sipag, pagsisikap at disiplina sa sarili.

 

 

Ang tagumpay ni Paalam sa Olympics ay tagumpay din para sa koponan ng amateur ng Cagayan de Oro at nagsilbing inspirasyon sa iba pang mga boksingero.

ER ng private hospitals higit 100% puno na

Posted on: August 31st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Lagpas na sa 100% ang kapasidad sa operasyon ng maraming pribadong pagamutan ngayon sa iba’t ibang panig ng bansa dahil sa nararanasang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.

 

 

Sinabi ni Philippine College of Physicians (PCP) president Dr. Maricar Limpin na may ilang ospital pa nga ang nasa 130%-150% na ang operasyon ng mga emergency rooms.

 

 

“Hindi na kami mas­yadong nagulat. Ang ospital ngayon puno na [ang] emergency room. Hindi lang 100%. Mahigit sa 100%,” ayon kay Limpin.

 

 

Dahil dito, nagkakaroon na rin ng kakapusan ang mga pagamutan sa mga medical supplies partikular na sa ‘mechanical ventilators’ para sa mga pasyente na hirap nang huminga.

 

 

Sa Cebu City, dahil sa kakapusan ng ventilators ay napipilitan ang mga mangagamot na pumili ng pasyente na gagamitan nito. Mas pinipili na umano ngayon kung sino ang mas may mataas na tsansa na makaligtas.

 

 

Dahil dito, pinayuhan ni Limpin ang mga pas­yente na nakaka­ramdan ng mga sintomas na magtungo muna sa pinakamalapit na health center o anumang health facility para matignan ng health workers at mabigyan ng agarang atensyong medikal.

 

 

Marami umano kasi sa mga nakararanas ng sintomas ay ayaw agad magpa-check-up at hinihintay pa na lumala ang kundisyon saka magpapasugod sa pagamutan.

 

 

Samantala, inihayag naman ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na mapupuno na rin ang mga isolation centers sa Metro Manila. Sa kanilang datos, nasa 65.68% nang okupado ang mga CO­VID-19 beds.

 

 

Nasa 2,503 higaan na ang okupado at nasa 1,308 na lamang ang natitirang bakante sa 30 isolation facilities sa NCR. (Daris Jose)

DENNIS, tuloy na ang pag-attend sa Venice International Film Festival para na movie na official Philippine entry

Posted on: August 31st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

ITALY bound na si Kapuso Drama actor Dennis Trillo since tapos na tapos na ang primetime series niyang Legal Wives, kaya walang problema.

 

 

Tuloy na ang pag-attend niya ng Venice International Film Festival, na official Philippine entry doon ang movie niyang On The Job: The Missing 8 directed by Erik Matti.

 

 

Mami-miss nga lamang ni Dennis ang anak na si Calix at ang girlfriend na si Jennylyn Mercado. Kahit gusto niyang isama si Jennylyn sa Venice, hindi pwede dahil magsisimula nang mag-lock-in taping ang actress ng bago nitong serye sa GMA Network ng Love. Die. Repeat.

 

 

Si Jennylyn ang unang actress na makakatambal ng bagong Kapuso actor na si Xian Lim, after nitong mag-sign ng contract sa network last Friday, August 27.

 

 

Meanwhile, simula ngayong gabi, August 30, bago na ang schedule ng GMA Telebabad.  Mauuna nang mapanood ang Legal Wives nila nina Alice Dixson, Andrea Torres at Bianca Umali.

 

 

Kasunod ang Endless Love nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, na susundan  ng  pilot episode ng K-Drama series, ang  The Penthouse 2.

 

 

***

 

NAKABALIK na si Kapuso actress Heart Evangelista after a few days niya sa Los Angeles, California, with a friend.

 

 

Bumisita siya sa office ng Vogue Magazine at may kinausap siya para sa isang project na gagawin niya, pero wala pang final silang usapan.  Pero dusa kay Heart ang pagbalik niya sa bansa na naka-quarantine siya for 10 days sa Marriott Hotel in Pasay City bilang pagsunod sa  health protocols sa mga bumabalik mula sa ibang bansa.

 

 

Sa kanyang Instagram post, sinabi niyang wala siyang Covid-19 tulad nang akala ng iba, nag-develop daw lamang ang anxiety niya nang mag-isa na lamang siya sa room niya sa hotel.

 

 

Iyon daw lagi ikinatatakot niya kaya hindi siya makapag-travel na mag-isa, ayaw niya ng walang kasama.

 

 

     “Those asking… I’m in quarantine since I came from LA.  I don’t have covid just feel like I’m drowning and suffocated when I’m in closed spaces for a long time.  I’ve been crying all the whole day.”

 

 

Sa pagbalik ni Heart sa lock-in taping nila ng I Left My Heart in Sorsogon, ng GMA-7,  siguro naman ay malilibre na siya sa quarantine.  Pero ganito ang dinaranas ng mga artistang may mga ginagawang serye ngayon, kaya ang iba ay mas gusto ang diretsong taping, dahil kapag nag-break sila ng ilang araw, pagbalik nila ay dadaan muna sila sa process ayon sa IATF, kukuha muna sila ng anti-gen test, kapag negative, papasok na sila sa quarantine ng ilang araw.

 

 

Bago sila tuluyang pumasok sa lock-in taping, may swab test muna sila at kapag negative, saka pa lamang sila pwedeng magtrabaho.

 

 

Ilang araw pa kaya ang taping ng serye nila nina Richard Yap, Paolo Contis, Kyline Alcantara at Mavy Legaspi sa direksyon ni Don Michael Perez?

 

 

***

 

 

NAG-SIGN muli ng exclusive contract si Mikael Daez sa GMA Network, na nasa 11th year na siya as a Kapuso.

 

 

Hindi raw muna sila tuloy ng wife niyang si Megan Young na mag-stay na sa Subic, Zambales dahil may pumasok silang bagong project, as host ng new singing competition ng GMA Network, ang Sing for the Heart at mas madali sa kanila na nasa Manila lalo na kung may pandemic pa rin tayo.

(NORA V. CALDERON)

Kai ensayo agad sa Australia

Posted on: August 31st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Todo kayod na si Kai Sotto kasama ang A­delaide 36ers para paghandaan ang pagsabak ng tropa sa National Basketball League (NBL) Australia na magsisimula sa Nobyembre 18.

 

 

Ilang larawan ang nagsulputan sa social media kung saan nakasalamuha na ni Sotto ang ilang staff ng 36ers.

 

 

Simula nang dumating ito sa Australia, sumailalim muna sa ilang linggong quarantine protocol si Sotto bago tuluyang makasama ang kanyang tropa.

 

 

Kaya naman agad na sumalang sa training ang 7-foot-3 Gilas Pilipinas standout para pagpagin ang pangangalawang nito sa ilang linggong qua­rantine.

 

 

Bago tumulak sa Australia, nagkaroon ng pagkakataon si Sotto na ma­kabonding ang kanyang pamilya at ilang kamag-anak sa Maynila.

 

 

Nagawa pa nitong makapag-relax sa Boracay upang sulitin ang ilang linggong bakasyon bago sumabak sa matinding training camp sa Adelaide.

 

 

Maagang nagtungo si Sotto sa Australia upang makabuo ng solidong chemistry sa kanyang mga teammates.

 

 

Kasama ni Sotto sa 36ers ang kapwa baguhang sina Emmanuel Malou, Dusty Hannahs at Todd Withers at mga beteranong sina Daniel Johnson, Isaac Humphries, Mitch McCarron, Mojave King, Sunday Dech at Tad Dufelmeier.

 

 

Daraan ang 36ers sa ilang pre-season tuneup games at tournaments bago simulan ang kampanya sa NBL Australia.

Suspensiyon ng payment claims ng mga ospital, ipinagpaliban ng PhilHealth

Posted on: August 31st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Ipinagpaliban muna ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang implementasyon ng isang circular na pansamantalang nagsususpinde sa claims payments ng mga pagamutan.

 

 

Ito’y habang nagkakaroon pa ng dayalogo sa pagitan ng state insurer at ng mga naturang pagamutan.

 

 

Nauna rito, nabatid na inisyu ng PhilHealth ang Circular No. 2021-0013 na nagtatakda ng mga guidelines sa Temporary Suspension of Payment of Claims (TSPC) bilang preventive measure laban sa mga healthcare providers na iniimbestigahan nila.

 

 

Umani naman ng mga negatibong kumento mula sa grupo ng mga ospital ang nasabing circular at ibinunyag na may utang pa nga sa kanila ang ahensya ng aabot sa P86 bilyong piso sa claim payments.

 

 

Gayunman, sinabi ni PhilHealth spokesperson Shirley Domingo na sinuspinde muna ng state insurer ang circular dahil makikipag-usap muna sila kay Health Undersecretary Leopoldo Vega at sa mga pagamutan hinggil sa mga umano’y delayed hospital payments. (Daris Jose)

JANNO, may naka-relasyon na tomboy at may nagyaya na makipag-threesome; Direk DARRYL, na-intimidate sa tatlong stars

Posted on: August 31st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

AMINADO ang singer/comedian at TV host na si Janno Gibbs na may kakaibang nerbiyos ang naramdaman nang i-offer sa kanyang ng Viva Films ang 69+1, ang kakaibang sex-comedy film na never pa niyang nagawa sa buong movie career.

 

 

Kahit nga hindi siya ang original choice sa gumanap na Apol na isang photographer, siya ang napiling maging bida at dalawa pa ang kanyang leading lady na sina Maui Taylor at Rose Van Ginkel, na walang kiyeme pagdating sa hubaran at daring scenes, na gaganap na lesbian couple.

 

 

Si Janno nga napili nilang lalaking para sa isang polyamorous setup sa loob ng isang taon, na first time pa lang na seryosong tatalakayin sa isang movie na sexy-comedy nga ang tema ayon kay Direk Darryl Yap.

 

 

“Kinabahan ako kasi aside from the entire theme, yung mga scenes marami rito hindi ko pa nagagawa sa iba kong movies,” say ni Janno sa nakaraang virtual presscon ng 69+1 para sa Vivamax.

 

 

Ipinagpaalam naman daw sa kanyang pamilya na may gagawin siyang movie na may pagka-naugthy dahil nagwo-worry rin si Direk Darryl sa magiging pagtanggap ng family niya.

 

 

Kaya advice din sa mga anak na wag na lang itong panoorin kahit na may pagka-liberated naman ang kanilang pamilya pag nagsimula nang mag-stream sa September 3.

 

 

Dahil sa lesbian couple ang makakasama niya sa movie, naisiwalat ni Janno na nagka-experience na siya before na isang tomboy.

 

 

“Yes, binata pa ako nito. Iba kasi ako yung first niya eh, so before me, lesbian talaga siya. So ako yung first experience niya and then ngayon nababalitaan ko lesbian ulit siya.

 

 

Dagdag pa niya, “Kasi naging kami hindi ko alam na lesbian siya eh. Saka ko na lang nalaman later on.
Naitanong din kay Janno kung may nagyaya na sa kanya noon na subukan ang threesome tulad ng ginawa niya sa movie kasama sina Maui at Rose.

 

 

At dapat ba itong gawin ng isang couple to spice up their romance?

 

 

“Nu’ng bata ako merong nagyaya. Hindi natuloy. Pero kung dapat ba gawin that’s the choice of the couple na. Nasa sa inyo na yun kung talagang gusto niyo to spice things up,” sagot niya.

 

 

Sa tanong kung anu-ano ang mga challenges na hinarap niya habang ginagawa nila ang tiyak na pag-uusapang 69+1, “One was yung sensual scenes namin tatlo together and yung shower scene.

 

 

“Aside from that, challenge was to show a different Janno Gibbs. Medyo toned down ng konti from Pakboys. I had to balance comedy with a serious note,” kuwento pa ni Janno.

 

 

May revealation na naman si Direk Darryl, na na-starstruck siya sa mga stars na naididirek niya, dahil sa labis niyang paghanga at isa nga rito si Megastar Sharon Cuneta, di talaga niya maitago ang pagiging ‘fan boy’ niya.

 

 

Pag-amin ni Direk Darryl, “Dalawa  beses pa lang ako parang na-ano…

 

 

     “Ay hindi, tatlo na pala.  Sa tatlong artista pa lang ako, na tinitingnan ko from a far.  Number one is Sharon Cuneta, tinitingnan ko siya from a far, bago ko siya lapitan.

 

 

     “Number two si Janno Gibbs, ‘yun kapatid ko kasi, gustung-gusto si Janno, maka-SOP siya, maka-ASAP ako eh.  Gustung-gusto ko niya lahat ng kanta ni Janno, from ‘Fallin’ because of the song, manonood siya ng ‘Full House.

 

 

     “Tapos alam din ni Janno, na yung kanta nila ni Jaya, and wedding song ng kapatid ko.  From a far, magaling lang talaga akong magtago ng pagka-fan boy, hindi ko talaga napigilan na pakantahin si Janno para sa kapatid ko.

 

 

     “Yung pangatlo, kay Mr. Joel Torre, ‘yun ginagawa namin ang ‘Barumbadings’.  I was really act to the nerve on how a huge actor he is.

 

 

     “So, sa tatlong pa lang ako medyo na-intimidate, tapos silang tatlo, hindi masyadong makibo at mausap at first.”

 

 

Meron daw siyang dream project pero hindi pa nabubuo sa isip niya ang dream cast, ayaw naman niyang madaliin dahil nasa-9 pa lang siyang movie, kahit ang Viva Films na ang nagsasabi, para raw mapaghandaan nang husto.

 

 

Sabi pa niya, “wala naman ‘yun sa artista, palagi kong sinasabi ‘yun. Lahat ng artista, malalaki, nagsisimula o beterano, sa akin, nakadepende ‘yun sa role na ibibigay.

 

 

     “Ang galing naman nila ay nasa role, wala naman sa pangalan, ‘yun lang naman ang sa akin. 

 

 

     “Kaya may dream movie is yet to come and dream cast, I have to realized it first.”

 

 

Anyway, apapanood na ang 69+1 simula sa September 3 sa Vivamax.

(ROHN ROMULO)

Senador Koko Pimentel, walang bilang sa partido

Posted on: August 31st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NANANATILING chairman ng ruling Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban) si Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

 

Kaagad na nagpalabas ng kalatas si PDP-Laban secretary-general Melvin Matibag matapos na iboto ng paksyon na pinangungunahan ni Senador Manny Pacquiao si elected Senator Aquilino “Koko” Pimentel III bilang party chair, sinasabing para palitan si Pangulong Duterte.

 

Inilarawan naman ni Matibag ang bagong development na ito na isang “comedy”, sabay sabing si Pimentel, na ang namayapang ama na i Aquilino Jr. PDP-Laban founder, ay hindi kumakatawan sa partido.

 

“It’s a comedy. Sen. Koko Pimentel has no position in the PDP Laban. He is irrelevant and he does not represent the party. His group are pretenders and are attention seekers,” ani Matibag.

 

Iginiit nito na si Pangulong DUterte pa rin ang nananatiling chairman ng ruling party.

 

“President Rodrigo Roa Duterte is the PDP Laban party chairman. He remains to be so and will continue to be so,” dagdag na pahayag nito.

 

Sinabi naman ni PDP-Laban executive director Ron Munsayac na ang “original” PDP-Laban ay naghalal ng bagong party officials sa isang national council, Linggo ng tanghali.

 

Sa isang text message, si dating Eastern Samar governor Lutgardo Barbo ang nahalal naman bilang vice-chair.

 

Buwan ng Hulyo ng taong kasalukuyan, pinatalsik ng grupo ni Secretary Alfonso Cusi si Pacquiao bilang PDP-Laban president at pinalitan ito ng Department of Energy chief.

 

Nagpahayag kasi si Pacquiao na may korapsyon sa administrasyon dahilan para hamunin siya ng Pangulo na maglabas ng solidong pruweba na magpapatunay sa kanyang alegasyon.

 

Sinabi pa ng Pangulo na hindi makapaghintay si Pacquiao na pangalanan bilang presidential bet ng partido. (Daris Jose)