PARANG magkapatid na pala ang turingan nina Kapuso Primetime Queen Marian Rivera at Kapuso actress Glaiza de Castro, simula pa noong unang magkasama sila sa GMA epic serye na Amaya in 2011.
Gumanap silang magkapatid sa serye kaya ang tawagan nila noon ay ‘Bai’ na ibig sabihin ay ‘sister’ at hanggang sa ngayon ay iyon pa rin ang tawagan nila kapag nagkikita sila.
Ang Amaya ay nasundan pa ng Tweets for my Sweet at Temptation of Wife na sisters din sila pero masamang kapatid ang turing ni Glaiza kay Marian sa story. Pero ang totoo ay parang kapatid na talaga ang turingan nila.
Kaya naulit ang tawagan nilang iyon nang bumati si Glaiza kina Marian at Dingdong Dantes noong “DongYan Funcon! Event ng GMA Pinoy TV.
Inamin naman iyon ni Marian, “siguro isa sa mga naging thankful ako is naging kaibigan ko talaga si Glaiza kasi isa ‘yan sa kahit hindi kami magkita o mag-text ng mahabang panahon, kapag nagkita kami muli, parang kakakita lang namin. At tama siya, gusto naming muling magkasama sa trabaho.”
Maganda siguro na kung matutuloy ang serye ng DongYan na gusto nila ay comedy, ay kontrabida nila si Glaiza.
***
NGAYONG isa nang Kapuso si Xian Lim, possible bang sumunod din sa kanya ang girlfriend at ka-love team niyang si Kim Chiu?
“Why not? Desisyon iyon ni Kim. Suportado niya ang paglipat ko sa GMA kaya susuportahan ko rin siya kung sakaling magdesisyon siya,” sagot ni Xian.
Pero malabo yata dahil pumirma pala ng contract si Kim sa ABS-CBN last December, 2020.
Sa ngayon ay naka-quarantine na si Xian at ang cast ng Love. Die. Repeat. Kasama rito ni Xian sina Jennylyn Mercado, Myrtle Sarrosa at iba pa.
Sa virtual mediacon ng serye, nagpasalamat si Xian sa GMA: “It feels wonderdul to be a part of the project, and I am grateful to the network. First page pa lamang ng pagbasa ko sa script, gustung-gusto ko na and I’m excited to work with Jennylyn Mercado, na gaganap kaming husband and wife.
“Gustung-gusto ko ang genre ng time loop. The material is really fun and exciting for everyone to watch. May mga dati ko nang naka-work na ibang members ng cast, but I’m excited to work with other Kapuso stars.”
***
PURING-PURI ni Direk Easy Ferrer ang first time niyang pagtatrabaho sa GMA Network.
“Bagong mundo talaga working with GMA people. They’re very kind, una sa lahat, magiliw silang kausap, ka-brainstorm and very welcoming and warm. Very systematic din sila when it comes to workflow. Malinaw ang mga bagay-bagay.
“The actors are what I’m most excited about,” dagdag pa ni Direk Easy.
“Matagal ko nang gusto sila makatrabaho, kasi alam ko na very talented din sila. Nakaka-excite, lalo na sina Ken Chan at Sanya Lopez, mga bida ng first episode na ‘That Thin Line Between’.
“The bagets are also very dedicated, seryoso sa ginagawa nila, inquisitive, at mabilis makakuha ng instruction, lalo na si Sofia Pablo, first time ko lang siya na-meet, namangha ako how intelligent she is.”
Si Direk Easy rin ang director ng second episode na Raya Sirena isang cute mermaid story with Sofia and Allen Ansay.
Ang first episode ay mapapanood na sa September 11 at 8:30PM, sila ang papalit sa Catch Me Out, Philippines na last episode na ngayong Saturday, September 4, sa GMA-7, after Magpakailanman.
(NORA V. CALDERON)