• November 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September 4th, 2021

BANGKAY NG LALAKI LUMUTANG SA ILOG SA NAVOTAS

Posted on: September 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

BANGKAY na nang matagpuan ang isang lalaking hindi na nakauwi sa kanilang bahay matapos magsabi sa kanyang pamilya na mangingisda lamang siya sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Ayon kay Navotas police chief P/Col. Dexter Ollaging, kinilala ang biktima bilang si certain Jaymark Panganiban, nasa 25-30 ang edad at nakatira sa Judge Roldan St. Brgy. San Roque.

 

 

Dakong alas-7:20 ng gabi nang matagpuan nakalutang ang bangkay ng biktima sa Dike Pondohan Dulong Tangos, Brgy. Tangos North.

 

 

Pinagtulungan i-ahon ng rumespondeng mga tauhan ng Navotas City Rescue Team at mga barangay opisyal ang katawan ng biktima.

 

 

Ayon sa pulisya, huling nakitang buhay ang biktima ng ilang residente ng Dulong Tangos bago magtanghali habang nangingisda sa Dike Pondohan.

 

 

Dinala ang bangkay ng biktima sa Northern Police District (NPD) Crime Laboratory para sa autopsy examination upang matukoy kung anu ang ikinamatay nito. (Richard Mesa)

Pagbibitiw ni Duque iginiit

Posted on: September 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Lumusob noong Miyerkoles ng umaga ang daan-daang healthcare workers na kaanib ng Alliance of Health Workers at Filipino Nurses United (FNU) sa harap ng head office ng Department of Health (DOH) sa Rizal Avenue, Maynila at nanawagan sa pagbibitiw ni Secretary Francisco Duque III.

 

 

Pasado 10:00 ng umaga, unang nagtipun-tipon ang mga health workers sa harapan ng Philippine General Hospital (PGH) bago nagmartsa patungo sa tanggapan ng DOH.

 

 

Lumahok dito ang mga healthcare workers buhat sa Jose R. Reyes Memorial Medical Center (JRRMMC), National Kidney and Transplant Institute (NKTI), Philippine Ge­neral Hospital, Research Institute for Tropical Medicine at Tondo Medical Center.  Umabot sa humigit kumulang 200 ang mga nagprotesta makaraang samahan  sila ng iba’t ibang militanteng grupo.

 

 

Nagsagawa muna ng programa ang mga health workers na sinundan ng noise barrage bago tuluyang tinapos ang kanilang protesta.  Panawagan ng mga demonstrador ang agarang pagbibitiw ni Duque dahil sa kabiguan na maibigay ang mga benepisyo nila kaugnay ng pandemya.

 

 

Ayon kay Cristy Donguines, presidente ng JRRMMC employees union, sa ngalan ng delicadeza ang panawagang pagbaba sa puwesto ni Duque.

 

 

Samantala, sinabi ni Filipino Nurses United (FNU)  convenor Eleanor Nolasco na tuluy-tuloy ang isasagawa nilang kilos protesta laban sa DOH dahil hanggang sa ngayon ay marami pa ang hindi nakakatanggap ng pangakong ‘special risk allowance (SRA).

 

 

Bukod dito, hinihingi rin ng mga health workers ang kanilang meals, accomodation and transportation (MAT) allowance, at active hazard pay.

 

 

Sinabi naman ng DOH na naipamahagi na sa iba’t ibang rehiyon ang may P311 milyon benepisyo para sa mahigit 20,000 health workers. (Daris Jose)

Dwayne Johnson and Ryan Reynolds team-up to catch Gal Gadot’s art thief in Netflix’s upcoming ‘Red Notice’

Posted on: September 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

THE first trailer for Netflix’s Red Notice has arrived teasing the streamer’s epic and explosive November blockbuster.

 

 

Starring Gal Gadot, Ryan Reynolds, Chris Diamantopoulos, and Dwayne Johnson, the film will follow Johnson’s FBI agent who is adept at tracking high-profile criminals.

 

 

In his sights are Reynolds’ con artist and Gadot’s art thief, both of whom are considered the world’s greatest in their respective fields. Little else is known about the film, save for the fact that the three characters must team-up for some sort of mission that will see them go on a globe-trotting adventure.

 

 

Netflix has already had quite the year for its original movies. In May, the streamer released Zack Snyder’s Army of the Dead, the first original blockbuster from the director outside of the DCEU since Sucker Punch. Netflix also released the high-profile Fear Street trilogy over the summer, a grand experiment that saw the streamer release all three films in the series over three weeks in July.

 

 

With producer Hiram Garcia touting Red Notice as Netflix’s biggest film yet, though, the streamer is gearing up for a massive fall movie season and the first trailer teasing the highly anticipated film is finally here.

 

 

Netflix released the Red Notice trailer and it finally gives more insight into the film’s story, introducing Johnson’s FBI agent John Hartley who is tracking two of the world’s most wanted criminals, Reynold’s Nolan and Gadot’s Sarah.

 

 

The clip begins with Johnson’s character catching up to Reynold’s conman which leads them to team-up to catch Gadot’s art thief character. Of course, things don’t go as planned and all three are wrapped up in a much bigger adventure than they couldn’t have predicted.

 

 

Check out the full clip below: https://www.youtube.com/watch?v=3oUwf3HNPyo

 

 

Red Notice is just one of the many major films set to hit Netflix in the back half of 2021. In addition to the blockbuster, the streamer will release awards season contenders like Don’t Look Up starring Jennifer Lawrence and Leonardo DiCaprio and Jane Campion’s The Power of the Dog starring Benedict Cumberbatch and Kristen Dunst. Still, it seems like Red Notice may truly be the biggest blockbuster the streamer has released yet.

 

 

From previews of the fight sequences between Reynolds, Gadot, and Johnson, who are all experienced in these types of scenes, to the expansive locations (including one wintry fortress where Johnson’s character makes an explosive escape), Red Notice looks set to blow expectations out of the water.

 

 

It certainly helps that three of Hollywood’s hottest stars are at the center of the film. Both Reynolds and Johnson released two of the summer’s biggest movies with Free Guy and Jungle Cruise, while Gadot is still the DCEU’s reigning Wonder Woman.

 

 

With Red Notice bringing them all together, it’s sure to be a major hit for the streamer, written and directed by Rawson Marshall Thurber, will drop on Netflix November 12.

(source: screenrant.com)

(ROHN ROMULO)

SHARON, posible na isa sa surprise guest star para sa 6th anniversary ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’, LORNA at ROSANNA, nagkabati na dahil sa serye

Posted on: September 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

EXCITED ang mga fans ni Megastar Sharon Cuneta sa chika na baka isa ang megastar sa surprise guest star for the 6th anniversary ng long-running action-serye na FPJ’s Ang Probinsyano.

 

 

Kalat na kalat sa social media ang chika na may isang big star na lalabas sa FPJAP at ang hula ng mga fans ni Sharon ay ang megastar ito.

 

 

Gaano kaya katotoo ang tsismis na ito?

 

 

Nasa FPJAP kasi ang ilan sa mga friends ni Sharon namely Rowell Santiago, Lorna Tolentino, at Rossana Roces, pati si John Arcilla na leading man niya sa horror film na Kuwaresma.

 

 

We checked Sharon’s IG account pero wala siyang post tungkol sa possible guest appearance niya sa FPJAP. Pero if ever matutuloy ito, it’s going to be a milestone sa history ng FPJAP.

 

 

Bihirang mag-guest si Sharon sa isang teleserye. The closest she did to a teleserye ay ‘yung lumabas siya sa Maalaala Mo Kaya, kung saan una siyang dinirek ni Chito Rono.

 

 

Nakaabang na ang mga fans ni Shawie sa confirmation tungkol sa chikang ito. Pero so far ay wala pa kaming nababasa na anumang balita na pwedeng mag-confirm na true nga ang chikang ito.

 

 

***

 

 

MAGANDANG balita rin ‘yung nagkabati na sina Lorna Tolentino at Rossana Roces matapos ang matagal nilang tampuhan years ago.

 

 

Damay sa tampuhan iyon ang yumaong action star na si Rudy Fernandez who was linked to Osang kaya nagkaroon ng lamat ang kanilang friendship.

 

 

Pero kasabihan na time heals all wound kaya noong nagkita sina Osang at LT sa set ng FPJ’s Ang Probinsyano ay humingi ng tawad si Osang kay LT, na tinanggap naman nito.

 

 

Sabi pa ni LT na matagal na niyang pinatawad si Osang.

 

 

Hindi napigilan ni Osang ang maiyak.

 

 

Maging si Coco Martin ay natuwa nang malaman na nagkabati na ang dalawa.

 

 

***

 

 

FOR the second time ay napanood namin ang Gameboys The Movie sa farewell screening nito.

 

 

Akala namin it won’t have the same effect on us kasi na-watch namin ito pero naiyak pa rin kami. And it was even better on second viewing.

 

 

After the screening ay may chikahan with the cast kung saan nagpasalamat sila sa mga fans nila all over the world na nanood and made the series and the movie a big hit.

 

 

Nagpasalamat din sila sa mga press people, bloggers, vloggers and iba ang sumuporta sa kanila to make the series and the movie known to everyone.

 

 

May patikim din ang The IdeaFirst Company dahil ipinakita nilang trailer ng Season 2 ng Gameboys The Series, na first time din lang nakita ng cast namely Kokoy de Santos, Elijah Canlas, Adrianna So, Kyle Velino, Miggy Jimenez, at Kych Minemoto.

 

 

Binalikan ng cast ang masaya alaala ng kanilang taping and how they miss each other since bihira na silang magkita.

 

 

Wala pang announcement kung kailan bubuksan ang Season 2 ng Gameboys The Series kaya abang-abang na ang uli tayong mga supporters ng phenomenal BL series.

(RICKY CALDERON)

Ads September 4, 2021

Posted on: September 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

JOVIT, nais pa ring makuha ang anak mula sa ex-girlfriend na nadadawit ngayon sa scam

Posted on: September 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

ANO ba yan? Uso na ba ngayon ang mag-delete ng post at followers sa social media?

 


     Pagkatapos umamin sa kanilang relasyon, nagulat ang netizen sa biglang pag-unfollow ni Kiko Estrada sa Instagram account ni Heaven Peralejo.

 

Hindi lang si Heaven, kundi lahat ng pina-follow ni Kiko ay deleted na.

 

Pati na ang kanyang mga pinost na photos at videos, kasama na roon ang sa kanila ni Heaven, ay deleted na mula sa kanyang IG account.

 

Sa IG account naman ni Heaven, pina-follow pa rin niya si Kiko at nandoon pa rin ang mga litrato nila.
Marami tuloy ang nagtaka kung ano na naman ba ang nangyayari kay Kiko? Noong August 31 lamang ay nag-post ito ng romantic moments nila ni Heaven dahil nag-celebrate sila ng kanilang third monthsary bilang magsyota.

 

 

Ganito rin daw ang ginawa niya noon sa ex-girlfriend na si Devon Seron na in-unfollow niya at dinelete ang lahat ng photos na magkasama sila sa IG.

 

***

 

NAIS palang makuha ng Pilipinas Got Talent 2010 winner na si Jovit Baldivino ang kanyang anak mula sa ex-girlfriend nito.

 

Sa Facebook, pinost ni Jovit na gusto na nitong makuha ang anak mula kay Shara Chavez. May karapatan daw siya sa kanyang anak na ngayon ay 5-year old na.

 

     “Ang sa akin lang po eh ’yung makuha ko ang anak ko sa kanya at ilayo sa masama, kasi matagal na n’ya itinatago sa akin s’yempre bilang isang ama may karapatan din naman ako sa anak ko. ’Yung pamilya ko nga nalulungkot ’pag hindi nakita ang pamangkin at apo,” sey ni Jovit.

 

Dagdag pa niya na gusto niyang makita kung gaano na kalaki ang kanyang anak at kung naaalala pa ba siya nito.  Matagal na raw kasi siyang walang communication sa ina ng kanyang anak na ngayon ay nadadawit diumano sa isang scam.

 

 

“Marami pong nagtatanong sa akin kung nasa’n daw si Mrs. Shara Jane Chavez Cruz. Mawalang-galang na po matagal at wala na po akong connection sa kanya. Hindi ko nga po alam kung nasaan s’ya, kahit nga po anak ko hindi na n’ya pakita sa akin matagal na panahon na, at kung ano man pong lumabas na issue o pang-i-scam n’ya.

 

 

Hindi na po bago ’yun. Hehehe. Wala po ako pakialam d’yan. Problema n’ya ’yan, at siguro naman po alam n’yo na ang tunay na pagkatao n’ya.”

 


     Hiniwalayan ni Shara si Jovit dahil sa pambabae raw nito noon. Dinepensahan naman ni Jovit ang kanyang sarili.

 

     “Masaya na po ako ngayon, at masaya na din kasi nabigyang linaw na lahat. ’Yung matagal na panahong nanahimik ako sa bintang at kasalanan na hindi ko naman ginawa, pinagpasa-Diyos ko na lang lahat, kasi s’ya naman talaga nakakaalam nang lahat.”

 


     ***

 

ANG British actor na si Daniel Craig ang tinanghal na highest paid actor in the world pagkatapos nitong pumirma ng isang lucrative deal with Netflix.

 

Sa kanyang kontrata with the streaming giant, gagawa siya ng two sequels ng pelikulang Knives Out kunsaan babayaran siya ng $100 million.

 

Na-overtake na ni Craig ang wrestler-turned-actor na si Dwayne ‘The Rock’ Johnson, na binayaran ng $50 million dollars para sa pelikulang Red One.

 


     Ang ikatlong highest paid actors ay sina Will Smith at Denzel Washington na parehong binayaran ng tig-$40 million para sa pelikula nilang The Little Things.

 


     Nasa ikaapat na puwesto ay si Leonardo DiCaprio with $30 million for the Netflix film, Don’t Look Up.

(RUEL J. MENDOZA)

COVID-19 sa Pinas higit 2 milyon na!

Posted on: September 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Sumampa na sa hi­git dalawang milyon ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas makaraang madagdagan kahapon ng bagong 14,216 kaso base sa re­sulta ng mga pagsusuri ng mga testing laboratories na ipinadala sa Department of Health (DOH).

 

 

Sa Case Bulletin No. 536, umakyat na sa 2,003,955 katao ang tinamaan ng COVID-19 magmula nang maitala ang unang kaso noong Marso 2020.

 

 

Nakapagtala ng 26.4% positive rate sa 51,473 indibiduwal na isinalang sa COVID-19 tests nitong Agosto 30.

 

 

Nasa 18,754 pasyen­te naman ang gumaling kahapon para tumaas ang kabuuang recoveries sa 1,829,473 na katumbas ng 91.3% ng total case count.

 

 

Umabot sa 86 pasyen­te ang nasawi kaya ang death toll ay nasa 33,533 na 1.67% ng total case.

 

 

Naitala naman ang  mga aktibong kaso sa 140,949 na 7.0% ng total cases.

 

 

Sa mga aktibong kaso, 96.1% nito ay mga mild cases, 1.1% ang asymptomatic, 0.6% ang kritikal, 1.2% ang severe at 1.03% ang moderate cases.

 

 

Sa buong bansa, nakapagtala ng utilization rate na 73% sa ICU beds, 66% sa isolation beds, 71% sa ward beds at 55% sa ventilators.

Pinay Paralympic bronze medalist Josephine Medina pumanaw na, 51

Posted on: September 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Pumanaw na si Filipino Paralympic Games bronze medalist Josephine Medina sa edad 51.

 

 

Nakuha niya ang bronze medal sa table tennis competition noong 2016 Rio Paralympics.

 

 

Siya ang pangalawang Filipino na nakakuha ng medalya sa paralympic na ang una ay si Adeline Dumapong noong 2000 Sydney.

 

 

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang Philippine Table Tennis Federation Inc at ang Philippine Sports Commission.

 

 

Isinilang si Medina noong Marso 20, 1970 kung saan nagwagi ito ng apat na gold medals sa 2008 ASEAN Para Games at gold medal naman sa 2017 ASEAN Para Games.

 

 

Nagkamit naman siya ng silver medal sa 2010 at 2018 Asian Para Games.

 

 

Walong buwan pa lamang siya ay dinapuan na siya ng polio.

Pacquiao kailangan pa ang 3 linggo bago ganap makarekober ang kanyang mata

Posted on: September 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Aabutin pa ng tatlong linggo bago makarekober ang isang mata ni eight Division World Champion Manny Pacquiap matapos nagkaroon ng retina matapos ang laban kay Yordenis Ugas.

 

 

Sinabi din nito na nakarekober na subalit naramdaman pa rin ang sakit kayat kailangang ipikit ang mga mata.

 

 

Kinumpirma din nito na tatlong araw na nahirapang bumuka ang mata kayat inanalayan na lamang ng asawa nitong si Jinkee sa pagkain.

 

 

Habang nasa quarantine ginagawa umano ito ang kanyang obligasyon bilang mambabatas sa pamamagitan sa zoom.

 

 

Binigyan linaw din nito ang pamulikat ng dalawang binti matapos inamin na sumobra ang training dahil nagsagawa pa ng strength bago ang araw ng laban.

 

 

Dahil dito hindi na nagamit ang kanyang combination at hindi na nagamit ang kanyang footworks at humina pa ang kanyang kilos.

Gilas maghahanda sa resbak ng SoKor

Posted on: September 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Paghahandaan ng Gilas Pilipinas ang pagresbak ng South Korea sa 2023 FIBA World Cup Qualifiers na nakatakdang magsi­mula sa Nobyembre.

 

 

Dalawang beses tinalo ng Pilipinas ang South Korea sa final window ng FIBA Asia Cup Qualifiers na ginanap sa Clark, Pampanga.

 

 

Una ang 81-78 panalo ng Pinoy squad laban sa Koreans sa kanilang u­nang paghaharap noong Hunyo 16 kasunod ang 82-77 pananaig noon namang Hunyo 20.

 

 

Kaya naman alam ng Gilas Pilipinas na babawi ang South Korea sa oras na muling magkrus ang dalawang mortal na magkaribal sa asian basketball tournament.

 

 

Excited na si naturalized player Angelo Kouame na muling makasagupa ang South Korea na itinut­uring nitong isang matinding challenge para sa kanila.

 

 

“It’s a good challenge (playing with South Korea),” ani Kouame.

 

 

Base sa ginanap na draw para sa FIBA World Cup Qualifiers, nasa Group A ang Pilipinas kasama ang South Korea, New Zealand at India.

 

 

Magsisimula ang first window sa Nobyembre kung saan ipatutupad ang home-and-away format.

 

 

Kaya naman bago sumabak sa laban, target ni Samahang Basketbol ng Pilipinas program director Tab Baldwin na hasain na ang kanyang tropa.

 

 

Sa Oktubre, inaasa­hang muling papasok ang Gilas Pilipinas sa bubble training.

 

 

Sasabak din ang tropa sa ilang pocket tournaments at tune-up games.

 

 

“What we need to do right now is to identify the possible tournaments we can join. There might be out-of-the-country gigs too. This is to strengthen our team and continuously improve heading into 2023,” ani Baldwin.