SA digital mediacon ng Ang Manananggal Na Nahahati Ang Puso na hatid ng Viva Films, natanong ang blockbuster director na si Direk Darryl Yap kung ano ang masasabi niya sa bagong tambalan nina Marco Gallo at Aubrey Caraan.
Nag-e-edit na raw siyang next movie niya na Sarap Mong Patayin, kaya wala na sa wisyo niya ang pelikulang magsisimulang mag-streaming sa October 1 sa Vivamax.
Kuwento niya, “Tumawag si Boss Vic (del Rosario), few days a ago, para I-congratulate ako, acting piece daw ito for Marco, hindi nila akalain na ganun pala kagaling umarte si Marco. “Revealation naman dito si Aubrey, hopefully na fans, the people and especially the press, will get to notice, yun galing nilang umarte. That’s the discovery I made.”
Sabi pa ng kontrobersyal na direktor sa latest movie niya na kinunan sa nakabibighaning isla ng Siquijor na kung saan naka-experience siya nang nakakikilabot na pangyayari. “This is the best that I have done so far. Siguro, yung best ko, basura pa rin sa iilan. Or siguro, yung best ko, basic or mediocre para rin sa nakararami.
“Pero this project is very close to my heart. Ito yung masasabi kong unang film ko na direktor na direktor talaga ako. Kasi sa ‘Revirginized,’ fan na fan ako du’n ni Ms. Sharon Cuneta.”
Since originally for James Reid and Nadine Lustre ang Ang Manananggal Na Nahahati Ang Puso, may ginawa ba siyang changes or adjustments para mag-fit ang characters kina Aubrey at Marco.
“Ang sa akin lang doon noong hindi natuloy sina James, I need a Filipina looking girl and Filipino with a foreign blood.
“So, kung mapapansin n’yo doon lang din naman lumapag, sakto naman kay Marco at kay Aubrey, not because I wanted someone to look like James or Nadine.
“But because the story needs a barrio lass which is the character of Giniper and a half-Filipino foreigner, because ‘yun po ang kuwento, na galing siya sa ibang bansa.
“Ang in-adjust ko lang po doon, ‘yun isa, originally galing ng UK, heto naman ‘yun character galing sa Italy, because of Marco.”
At kung natuloy sana si James, kakayanin kaya nito ang ‘butt exposure’ o may iba siyang ipagagawa?
“I can’t answer if James will do it,” sagot ni Direk Darryl.
“Pero that’s the beauty when you get to cast a non-superstars. They are more courageous and open to the things that the script requires.
“And they are not bound by sponsor clauses. Kasi pag meron ka nang maraming commercials, medyo kumplikado na ang kontrata.
“Siguro, nagpapasalamat din ako at ang mga fans ni Marco dahil natuloy ang pelikulang ito at sa kanya nag-land. At natuloy ang script ko na kailangang ipakita ang difference ng very conservative Siquijodnon girl and a liberated Italian half-Pinoy Giuseppe.”
Sa mga nag-aakusa naman na nakiki-ride on sila sa JaDine.
Tugon naman ni Direk Darryl, “And just to set the record clear, I myself, kaya ako nasasabihan na mayabang because I’m always straight to the point. We don’t need any fandom to actually promote a movie.”
Sapat na raw ang milyun-milyong followers ng viral Youtubers na Beks Batallion na binubuo nina Chad Kinis, MC Calaquian at Lassy Marquez bukod pa sa kanyang six million followers ng VinCentiments sa FB ay YouTube at ipinagmamalaki nga ang ipinakitang kahusayan nina Marco at Aubrey.
Kasama rin sa movie sina Teresa Loyzaga, Gina Pareno at Johnny Revilla.
Streaming online sa VIVAMAX Philippines, Hong Kong, Malaysia, Singapore, Japan, Middle East at Europe.
Maaaring mag-stream ng Vivamax sa web.vivamax.net. Mag-download na rin ng app at mag-subscribe via Google Play Store, App Store at Huawei AppGallery.
Watch all you can na sa halagang P149 kada buwan o P399 para sa tatlong buwan para sulit na sulit. Meron pang hot price na P29 lamang at may 3-day access na sa Vivamax.
Pwede mo na rin i-cast ang mga shows sa inyong Smart TV sa pamamagitan ng Google Chromecast or Apple TV para mas enjoy ang panonood. Pwede kang magbayad gamit ang GCash, Globe, Smart, Visa/Mastercard, PayMaya o PayPal account na naka-link sa iyong Google or Apple account.
Maaari ding mag-subscribe sa www.vivamax.net,
At sakto sa streaming ng Ang Manananggal Na Nahahati Ang Puso sa October 1, mapapanood na rin ang Vivamax sa Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia at New Zealand.
(ROHN ROMULO)