• November 9, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 1st, 2021

LAHAT NG REKOMENDASYON, IKOKONSIDERA NG DOH

Posted on: October 1st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

IKOKONSIDERA lahat ng Department of Health (DOH) ang mga rekomendasyon ng dating mga health secretaries, medical experts at nang Philippine Medical Association hinggil sa panawagan na ibaba na ng restriction sa Metro Manila.

 

 

 

Pero sinabi ni Health Usec Maria Rosario Vergeire, na kailangan ding maintindihan din ng ating mga kababayan at nang mga eksperto na meron pamantayan na sinusunod.

 

 

Bahagi aniya nito ang pilot implimentation at vaccine coverage pero hindi lang pagbabakuna ang tinitignan kung magluluwag o di kaya ay mas maghihigpit.

 

 

 

Tinitignan din aniya ang health system capacity at trend ng mga kaso .

 

 

“Mostly ngayon nagpa-pilot tayo and shifting our policy, we look at the response of the local government units if they were able to cope or strengthening the PDITR response…lahat yan kinokonsidera pero kailangan tignan pa rin ang bisa ng bakuna natin” ani Vergeire. GENE ADSUARA

Ads October 1, 2021

Posted on: October 1st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

3-week extension ng voters’ registration masyadong maiksi – solon

Posted on: October 1st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Masyadong maiksi ang tatlong linggo na extension ng Comelec para sa voters registration, ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman.

 

 

Kung ang Section 8 ng Republic Act No. 8189 o Voters’ Registration Act kasi ang pagbabasehan, sinabi ni Lagman na hanggang January 8, 2022 pa maaring tumanggap ang poll body ng mga magpaparehistro para makaboto sa halalan sa susunod na taon.

 

 

Nakasaaad aniya sa naturang batas na ipinagbabawal lamang ang voters registration 120 days bago ang regular election at 90 days naman bago ang special election.

 

 

Ipinapaalala ni Lagman sa Comelec na ang batas na ito ay pinagtibay ng Korte Suprema noong December 2009, nang ipinag-utos sa korte suprema ang reopening ng voters registation para sa May 2010 polls.

 

 

Ganito rin ang nangyari sa desisyon ng Korte Suprema sa Kabataan party-list vs Comelec case noong December 2015.

 

 

Kung hindi papalawigin ng Comelec hanggang Enero 2022 ang voters registration para sa halalan sa susunod na taon, sinabi ni Lagman na 10 linggo ang mawawala para sa prosesong ito, na magreresulta sa disenfranchisement ng 10 million voters.

 

 

Kamakailan lang inaprubahan ng Comelec ang extension ng voters registration mula Oktubre 11 hanggang 30 ng taong kasalukuyan.

BEAUTY, pinatunayan na tama ang pagtanggap ng GMA-7 sa kanyang paglipat; bumagay rin kay KELVIN

Posted on: October 1st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

DALAWANG teleserye na ng GMA Network ang nalalapit nang magtapos. 

 

 

Ang GMA Afternoon Prime drama na Nagbabagang Luha na nasa last three weeks na lamang, pero ang mga netizens, gustung-gusto nang malaman kung paano mapapatunayan ni Alex (Rayver Cruz) ang mga kasalanang ginawa sa kanya ng obsessed sister-in-law niyang si Cielo (Claire Castro) para paniwalaan siya ng asawang si Maita (Glaiza de Castro) na nagsasabi siya nang totoo.

 

 

Napapanood ang serye Mondays to Saturdays at 2:30PM.

 

 

Nasa last two weeks na lamang ang monthly teleserye na Stories from the Heart: Loving Miss Bridgette, na tinanggap ng mga netizens ang pairing ng bagong Kapuso actress Beauty Gonzalez at ng young Kapuso actor na si Kelvin Miranda.

 

 

Pinatunayan daw ni Beauty na tama ang GMA na tanggapin ang paglipat niya sa network, dahil isa siya talagang mahusay na actress.  Si Kelvin naman ay cute at malakas ang appeal.

 

 

Iba raw ang onscreen chemistry nila, at sana hindi ito ang una at huli nilang pagtatambal.

 

 

Napapanood ang serye after ng Nagbabagang Luha.

 

 

***

 

 

NAGBALIK muli ang award-winning and legendary writer na si Ricky Lee sa GMA Network.

 

 

Kasama niya ang kanyang talented ensemble of creative and production teams. Magiging Creative Consultant si Ricky ng network, na magpo-provide siya ng basic and advance workshops sa mga bago at dati nang writers ng Kapuso Network, at will conduct script appreciation workshops for cast members, creative at production people, ng programs na ibibigay sa kanya.

 

 

Dati nang ginawa ni Ricky sa network ang mga telesines and movies tulad ng Jose Rizal, Muro-Ami, at Death Row ng GMA Films.

 

Excited na rin si Ricky na magsimulang magtrabaho.

 

 

“It would be nice to work with Dingdong Dantes, Marian Rivera, Jennylyn Mercado, and Alden Richards.  Nakatrabaho ko na before si Dennis Trillo, pero gusto ko pa rin siya muling makatrabaho, at nandyan na rin si Bea Alonzo.”

 

 

Kung sakaling payagan siyang gumawa ng TV adaptation ng movie, gusto niyang i-remake ang Salome at si Bianca Umali ang napipili niyang gumanap.

 

 

“I saw her in Legal Wives and I thought she was very good.”

 

 

***

 

 

SIMULA na muli ang number one musical competition program ng GMA Network, ang The Clash na nasa fourth season na, bukas, October 2.

 

 

Panel Judges pa rin sina Asia’s Nigthingale Lani Misalucha, Asia’s Romantic Baladeer Christian Bautista and Comedy Queen Ai Ai delas Alas.

 

 

Last October 2020, halos patapos na ang The Clash 3 nang dapuan ng bacterial meningitis si Lani at husband niyang si Noli Misalucha at isa sa result ng sakit nila ay ang possible hearing loss, hindi balanced ang kanilang pandinig.  Pero nanatili ang pananalig nina Lani sa Diyos.

 

 

“You cannot blame anyone and you cannot even ask God why all of these are happening.  May mga dahilan at rason kung bakit namin ito nararanasan.

 

 

Just rely on God’s purpose for you… use it as something that would make you stronger.”

 

 

Nagpapasalamat sina Lani na hanggang ngayon ay nagpapatuloy pa rin sila sa pang-araw-araw na pamumuhay at nakalalakad pa rin sila.

 

 

“We are grateful every single day of our lives, because we still have the strength to walk and have this opportunity to work.”

 

 

Ang The Clash 4 ay hosted pa rin nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz at Journey hosts naman sina Ken Chan at Rita Daniela, every Saturday 7:15PM at every Sunday, 7:40PM sa GMA-7.

 

(NORA V. CALDERON)

Ilang Pinoy boxers, malaki ang tyansang sumikat sa pagreretiro ni Pacquiao

Posted on: October 1st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Pinawi ni dating 2-division world boxing champion Gerry Penalosa ang pangamba ng ilan na baka maputol na ang Pilipinas sa mapa ng boxing dahil sa pagreretiro ni Pinoy ring icon Sen. Manny Pacquiao.

 

 

Ayon kay Penalosa sa panayam ng Bombo Radyo, mas madali nang sumikat ngayon ang mga Filipino boxers dahil sa nalikhang popularidad ng fighting senator.

 

 

Marami na rin umanong bagong boksingero ang gumagawa ng pangalan sa ibang bansa, kagaya na lamang nina Jerwin Ancajas, John Riel Casimero at marami pang iba.

 

 

Nangako rin daw si Pacquiao na tutulungan nito ang mga bagong sibol na boksingero.

HOLDAPAN SA CHINA BANK CASE SOLVED NA

Posted on: October 1st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MAITUTURING nang “case solve” na ang naganap na holdapan sa loob ng isang sangay ng ChinaBank sa Paco, Maynila kamakailan ayon sa pulisya.

 

Ipinrisinta  nina MPD Director Brig.General Leo Francisco ang suspek na sina Larry Carel, 32, truck driver, residente ng Phase 2 Pkg.3 Blk 70 Lot 23 Bagong Silang  at Ryan Sale,28, ng 28 Palanza St., Brgy.Doña Imelda , Quezon City.

 

Ayon sa pulisya, nahuli ang dalawa sa follow up operations ng MPD alas-2:30 ng hapon noong Setyemb 27,2021 sa Caltex Gasoline Station sa Angelina Cananay Avenue, Parañaque City.

 

Ayon kay Francisco, natunton ang mga suspek sa pamamagitan ng isinagawang backtracking ng mga CCTV kung saan nakita ang van ng Transportify Mitsubishi L300 van na pag-aari ng Belgrado Trucking na may plakang NCW 2751.

 

Ang dalawa ay nahuli sa follow up operations ng MPD alas-2:30 ng hapon noong Setyemb 27,2021 sa Caltex Gasoline Station sa Angelina Cananay Avenue, Parañaque City.

 

Natunton ang mga suspek sa pamamagitan ng CCTV kung saan nakita ang van ng Transportify Mitsubishi L300 van na pag-aari ng Belgrado Trucking na may plakang NCW 2751.

 

Ang nasabing van ay nakaparada  sa Paz Guazon kanto ng Mendiola Sts. Manila ilang oras bago ang panghoholdap sa bangko.

 

Matapos ang panghoholdap ay kaswal lang na naglakad ang pangunahing suspek at sumakay sa motorsiklo  saka nagtungo sa kinaroroonan ng van.

 

Pagsapit sa lugar ipinasok ang nakulimbat na pera na nagkakahalaga ng P690,000 at ang motorsiklo ay isinakay din sa loob ng van.

 

Mariin namang itinanggi ng mga  suspek ang insidente at sinasabing wala silang kinalaman sa panghoholdap

 

Sa ngayon patuloy pang hinahanap ng pulisya ang pangunahing suspek na nagpanggap na mag-oopen ng bank account bago nagdeklara ng holdap.

 

Ayon kay MPD Spokesperson Capt.Philipp Ines, tukoy na rin ang pagkakilanlan nito ngunit hindi pa maaring banggitin ang kanyang pangalan dahil sa patuloy follow up operation. GENE ADSUARA

Golden State Warriors natuwa sa pagbabalik na sa practice ni Klay Thompson

Posted on: October 1st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nagbubunyi ngayon Golden State Warriors matapos na makita sa kanilang training camp ang pagbabalik na ni NBA superstar Klay Thompson.

 

 

Inabot din ng mahigit sa dalawang taon na hindi nakapaglaro si Thompson sa NBA.

 

 

Sumailalim kasi ito sa pagpapagamot matapos magtamo ng pagkapunit ng ACL sa kanyang kaliwang paa sa Finals ng Game 6 noon pang June 2019.

 

 

Si Thompson ang itinuturing na isa sa pinakamatinding shooter sa liga.

 

 

Natuwa naman si Warriors coach Steve Kerr sa nakita sa team practice na mistulang hindi pa rin daw kumukupas ang pamatay na mga three-point shots ni Thompson.

 

 

Sa kabila nito, ilang buwan pa ang aantayin bago tuluyang makalaro si Klay sa koponan kung saan sa October 19 na magbubukas ang bagong season ng NBA.

 

 

Nabanggit na rin ni Thompson na nasa 80 porsyento pa lamang siya at puspusan pa rin ang rehabilitasyon sa kanya

PUWERSA NG MPD, HANDA NA SA COC FILING

Posted on: October 1st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KASADO na ang puwersa ng Manila Police District (MPD) para sa filing ng certificate of candidacy na magsisimula bukas Oct.1.

 

 

Halos 400 pulis ang naka-standby para ideploy sa walong araw na filing ng COC ayon kay MPD Director Brog.Gen.Leo Francisco.

 

 

Ayon naman kay Police Capt. Philipp Ines, ang tagapagsalita ng MPD, kailangang matiyak ang seguridad at kaligtasan, sa panahon ng COC filing, na magiging kaiba ito dahil may banta ng COVID-19.

 

 

Nakipag-ugnayan na rin aniya ang MPD sa Pasay City Police para sa pagbabantay sa paligid ng Sofitel Philippine Plaza Manila na lugar ng paghahain ng COCs ng mga aspiring candidate sa pagkapresidente, bise presidente at senador.

 

 

Nakapagsagawa na rin aniya ng ocular inspection ang MPD sa mga lugar na kanilang posibleng pwestuhan at bantayan.

 

 

Bukod sa paligid ng Sofitel, tututukan din ng MPD ang iba pang field office ng Comelec kung saan maghahain ng COC ang mga lokal na kandidato.

Utang ng PH pumalo na sa record-high P11.6-T – BTr

Posted on: October 1st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Pumalo na sa record-high P11.642 trillion ang utang ng Pilipinas hanggang noong katapusan ng Agosto 2021, base sa datos na inilabas ng Bureau of Treasury (BTr).

 

 

Ayon sa ahensya, hanggang noong katapusan ng Agosto, ang outstanding debt ng pamahalaan ay tumaas ng 0.28 o P32.05 billion mula sa P11.61 trillion na naitala noon lamang katapusan ng Hulyo, 2021.

 

 

Ang year-on-year debt balance naman ay tumaas ng 21.1 percent mula sa P9.615 trillion hanggang noong katapusan ng Agosto ng nakalipas na taon.

 

 

Samantala, ang year-to-date total outstanding debt ay umakyat ng P1.847 trillion o katumbas ng 18.9 percent.

 

 

Sinabi ng BTr na ang paglaki ng utang ng pamahalaan ay dahil sa “domestic debt issuance” bilang bahagi ng financing ng pamahalaan.

 

 

Sa total debt stock, 29.4 percent ang nanggaling sa ibang mga bansa habang 70.6 percent naman ang inutang dito mismo sa loob ng Pilipinas.

Sikat na online seller na si MADAM INUTZ, certified recording artist na; trending ang music video ng ‘Inutil’

Posted on: October 1st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

ISA na ngang ganap na recording artist ang social media sensation na si Daisy Lopez a.k.a. Madam Inutz dahil ini-release na ang kanyang debut single na Inutil” na nilikha ni Ryan Soto.

 

 

Ang kilalang social media influencer, former Mr. Gay World titlist, businessman at philanthropist na si Wilbert Tolentino ang nagsilbing tulay at gumabay kay Madam Inutz para maisakatuparan ito.

 

 

Aminado si Madam Inutz na mula sa kanyang pag-uukay-ukay, sa tulong ni Wilbert ay ‘di pa rin makapaniwala na certified recording artist na siya ngayon, kaya ganun na lang kanyang pasasalamat

 

 

“Sa dinami-dami ng mga mas bata sa akin na nangangarap maging isang recording artist at may sariling music video, ako pa ang napili ng tadhana.

 

 

Sa tulong ito ng aking one and only manager na si Sir Wilbert,” masayang wika ni Madam Inutz.

 

 

Napabilib talaga niya si Wilbert o Kuya Wil at pahayag nito, “Meron siyang unique na raspy voice. Bagay sa kanya ang mga novelty, rap, hiphop, rock, lalung-lalo ang mga tunog-kalye. Bagay sa kanya ang mga estilo nina Sampaguita, Aegis o Up Dharma Down.

 

 

Dagdag pa ni Kuya Wil, “Mabilis niyang natutunan ang mga melody ng kanta at kaya niyang baguhin ang atake, ayon sa kanyang style. Sobrang professional at walang reklamo sa oras, kahit inabot nang madaling-araw sa pag-shoot ng music video.

 

 

Ayon naman kay Madam Inutz, pinaghandaan niya ang araw ng recording at talagang ipinahinga niya ang kanyang boses para lumabas na maganda.

 

 

“Ilang araw din akong hindi uminom ng malamig na tubig at binawasan ang pagsigaw sa online selling para makondisyon ang boses ko. Dahil ang kanta ay may kaunting pagsigaw at kailangan ng energy,” kuwento pa ng sikat na online seller.

 

 

Ang kantang “Inutil ay introduction daw ng buhay ni Madam Inutz ayon kay Wilbert, kung sino ba ito at kung paano nagsimula.

 

 

After ng ilabas ang debut single at trending na music video, marami pang plano si Sir Wil para sa kanyang bagong alaga.

 

 

“Dahil masunurin si Madam Inutz at hindi naging pasaway, nakikinig siya sa mga advices at instructions para sa ikabubuti ng lahat, sa loob man o labas ng showbiz… gusto kong maging Brand Ambassador ng mga online sellers si Daisy Lopez a.k.a. Madam Inutz.

 

 

“Gusto ko siyang maging negosyante at turuan ng entrepreneurship para umusbong ang kanyang online business. Bukod sa pagiging recording artist, siyempre gusto ko rin na siya’y maging expose sa showbiz at ma-experience ang pag-aartista.

 

 

“Higit sa lahat, maging successful si Madam Inutz at sikat na vlogger!”

 

 

Available na ang “Inutil sa Spotify, Apple Music, Amazon Music, Deezer, Tidal, Vevo, Tiktok, Youtube Music, Beatport, Instagram, Snapchat, Twitch, Shazam, iTunes, Facebook, iTunesRadio, etc.

 

 

Para sa Inquiries & Product endorsement – tumawag lang sa 09175INUTIL/ 09175468845 or Email sa DLINUTIL@GMAIL.COM

 

 

***

 

 

MUKHANG tuloy na tuloy na ang paglabas ni Maja Salvador sa Kapuso Network.

 

 

Dahil ngayong October, balitang magiging certified Dabarkads na siya dahil part na siya ng longest-running noontime show na Eat…Bulaga!

 

 

Pinakita nga na social media accounts ng EB ang magiging segment na papasukan ni Maja, ito ang ‘Maximum Sayawan’ na bagay na bagay sa kanya, na pasok pa sa kanyang initials.

 

 

Sa tsikahan nga nina Ryan Agoncillo at Jose Manalo, na ngayong 2021, bibigyan ng kakaibang twist o timpla ang mga classic dance na ‘di matitinag at sinasayaw pa rin, kaya ganun na sila ka-excited sa pagpasok ng bagong Dabarkad.

 

 

Say ni Ryan, “isa sa pinaka-MAhusay na aktres at isa sa pinaka-Mahusay sa sayawan sa industriya ngayon.”

 

 

“Ibang klase yan, parang todong-todo na ‘to.  Ibig mo bang sabihin, MApapahanga ka, MApapanganga ka rin galing,” sagot naman ni Jose, na kung nag-agree naman si Ryan.

 

 

Dagdag pa ni Ryan, “MAtutulala kayo, kaya Dabarkads, abangan n’yo yun sinasabi namin, MAbabaliw kayong lahat dahil hindi n’yo ini-expect na MAgbu-Bulaga ‘yan!”

 

 

At sa napipintong pagpasok ni Maja sa EB, hindi naman naiwasan ng netizens na intrigahin ito dahil magkakatapat sila ni Kim Chiu na nasa It’s Showtime, at pumalit sa kanya sa ASAP bilang Queen of the Dancefloor.

 

 

Reaction naman ng netizens:

 

 

“Next level ng career for maja!! Alam mo iba level ng kasikatan pag Nag-EB ka, paano si kim sa kabila? Mas lalong makukumpara, sabagay pareho lang naman ng level sa pagka-sabaw.”

 

 

“Makakasabay kaya xa sa JoWaPaoMENG?”

 

 

“Allergic ako sa network war, sobrang napaka cheap. Sayang naman pinambili nyo ng tv kung iisang channel lang ang panonoorin nyo.”

 

 

“Mapapahanga at matutulala??? Naman! We all know this is not true.”

 

 

“Good for Maja. Marami pa rin kumukuha sa kanya kahit wala na siya sa Dos. Iba talaga pag talented. Work is work.”

 

 

“Eto talaga yung mas legit na tawaging ‘Queen of the Dance Floor’.”

 

 

“Agree! Nagtataka nga ko bat yan ang title ni Kim eh ang tigas ng katawan sa true lng.”

 

 

“Kahit ayaw ko ng network wars keneme, im kinda interested na makita maghosting si Maja.”

 

 

“Excited ako dito at sa magiging interaction niya sa mga hosts ng EB lalo na kina Jose. Feeling ko makakasabay siya kasi may sense of humor din si Maja.”

 

 

“Well sana nga makasabay sya. Kasi kung hindi, lalamunin sya ng buhay ng mga dabarkads.”

 

 

“Lahat naman ng nagiging EB dabarkads sa isang segment lang muna kapag bago. Then unti-unti isasali ka na sa ibang segment.”

 

 

“Bagay sya sa dabarkads. she deserves this break!”

 

 

“Legit Queen of the Dance Floor. Hindi yung di naman magaling sumayaw *Kim*Chiu* tapos Queen of the Dancefloor daw ng ASAP.”

 

 

“Mas graceful si MAJA. Yung isa, idinadaan lang sa bihis at burloloy.”

 

 

“Sobrang sayang si Maja sa Pinoy Pop ba yun? ng TV5. Jusko pinagtatawanan na lang namin yung groups. Yung mukha ni Mitoy, asim na asim sa performance nila hahaha.”

 

 

Sa APT Entertainment pa lang daw nakipag-negotiate ang Crown Management ni Maja, kaya doon lang siya sa lalabas sa EB at hindi pa sa mga Kapuso shows but who knows… sabi nga, bilog ang mundo, kaya patuloy ang pag-ikot nito.

 

 

Samantala, sa nagsasabing flop ang Niña Niño sa TV5, hindi totoo ‘yun dahil mataas ang ratings at next month ay papasok pa si Piolo Pascual bilang Mayor ng Sta. Inez.

 

 

Sobrang happy nga ni Maja at ganun ang nagpasasalamat dahil natupad na ang pangarap niya.

 

 

Caption niya sa IG post niya, “Ito naaaaa! @piolo_pascual
      “Pangarap ko lang to! Salamat Papa P!!! Next Movie naman please. #NiñaNiñoSaTV5.”

(ROHN ROMULO)