• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 8th, 2021

VP Robrero, tuloy na sa pagtakbo bilang pangulo

Posted on: October 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Tuloy na ang pagtakbo ni Vice President Leni Robredo bilang pangulo sa 2022 elections.

 

 

Sa kanyang talumpati sa Office of the Vice President (OVP) sa Quezon City, tinanggap nito ang hamon ng pagtakbo niya sa pinakamataas na posisyon sa gobyerno.

 

 

“Inihahain ko ang aking sarili bilang kandidato sa pagkapangulo sa halalan ng 2022,” wika ni VP Leni.

 

 

Una nang inindorso ng 1Sambayan si Robredo, ngunit hindi niya agad tinanggap dahil sa ilang konsiderasyon.

 

 

“Ngayon, sasabak tayo sa mas malaking laban. Panata ko ngayon: Ibubuhos ko nang buong-buo ang aking lakas, hindi lang hanggang sa halalan kundi hanggang sa mga natitirang araw ko, para ipaglaban ang Pilipinas ng ating mga pangarap,” dagdag pa ni Robredo. “Ibubuhos ko ang buong buo kong lakas. Hindi pwedeng pumikit na lang at umasang pagdilat natin nagbago na ang mundo. Kailangang piliin nating humakbang. Heto ako ngayon humahakbang.”

 

 

Matatandaang ika-30 ng Setyembre nang iendorso siya ng opposition coalition na 1Sambayan para maging kanilang pangulo.

 

 

Gayunpaman, wala pa silang inilalabas na katambal niya para sa pagkabise presidente at listahan ng senatoriables, bagay na idadaan pa ng 1Sambayan sa mga konsultasyon kasama si Robredo.

 

 

“Malinaw sa lahat ang hamon na kinakaharap natin. Nakita na nating lahat ang pagsisinungaling at panggigipit na kayang gawin ng iba para maabot ang mga layunin nila,” dagdag pa ng ikalawang pangulo.

 

 

“Nasa kanila ang pera, makinarya, isang buong istrukturang kayang magpalaganap ng anuymang kwentong kaya nilang palabasin. Pero hindi kayang tabungan ng kahit na anong ingay ang katotohanan.”

 

 

Dagdag pa ni Robredo, na kilalang kritiko ng madugong drug war at red-tagging sa mga bumabatikos sa administrasyon, “walang maaasahang pagbabago” kung parehong uri ng pamamahala ang magwawagi sa susunod na taon.

 

 

Pursigido si Robredo, asawa ng pumanaw na dating Interior Secretary Jesse Robredo, na ituloy ang pagkandidato kahit na nasa ikaanim na pwestosa pagkapangulo sa huling survey ng Pulse Asia nitong Setyembre.

 

 

“Tatalunin natin ang luma at bulok na klase ng pulitika. Ibabalik natin sa kamay ng karaniwang Pilipino ang kakayahang magdala ng pagbabago,” wika pa niya.

 

 

“Ramdam na ramdam ko ang tiwalang kaloob niyo sa akin. Sinasabi ko ngayon: buong-buo rin ang tiwala ko sa inyo.”

 

 

Inaasahang ngayong araw, Huwebes ay  ihahain ng bise presidente ang kaniyang certificate of candidacy (CoC) sa Sofitel, Pasay City. (Daris Jose)

DE CASTRO, NANUMPA SA AKSIYON DEMOKRATIKO

Posted on: October 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NANUMPA na rin bilang miyembro ng Aksyon Demokratiko ang dating pangalawang pangulo ng bansa at announcer Noli de Castro.

 

 

 

Pinangunahan naman ang oath taking ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na tumatakbo naman bilang presidente sa 2022 elections.

 

 

 

Nakatakdang maghain ng kanyang kandidatura sa Harbor Garden Tent Sofitel si Castro.

 

 

 

Siya ay magbabalik pulitika kung sana tatakbo ito bilang senador .

 

 

 

Ayon kay de Castro, naniniwala ito sa magagandang ginawa sa lungsod .

 

 

 

Naniniwala rin ito na mas malaki ang kanyang maitutulong  sa mamamayang Filipino sakaling makabalik siya sa Senado kaysa sa pagiging brodkaster nito pamamagitan ng maipapasa nitong mga batas na kapakipakinabang sa mga tao.

 

 

Una nang nagpaalam sa kanyang programa si De Castro upang muling bumalik sa mundo ng politika. GENE ADSUARA

MAJA, pinupuri sa ‘Arisaka’ at mukhang makakalaban nina SHARON at KIM sa pagka-Best Actress

Posted on: October 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PINUPURI nga ng netizens ang official poster ng Arisaka na pinagbibidahan ni Maja Salvador na magwo-world premiere at magko-compete sa 34th Tokyo International Film Festival (TIFF)

 

 

Inilabas na rin ni Direk Mikhail Red official trailer at makikita si Maja na isang policewoman na trying to escape and survive habang hinahabol ng mga kapwa-pulis headed by Mon Confiado.

 

 

At sa muling pagli-lead ni Maja sa Arisaka posibleng makasungkit uli siya ng Best Actress tulad noong 2011 sa Gawad Urian at Film Academy of the Philippines dahil sa mahusay niyang pagganapa sa Thelma.

 

 

Samantala, tuwang-tuwa naman ang netizens dahil sunud-sunod ang blessings na dumarating kay Maja na araw-araw na napapanood sa Nina Nino sa TV5 (na kung saan hinirang siyang National Winner for Best Actress sa Asian Academy Creative Awards 2021) at sa Eat… Bulaga! sa GMA-7 at ilang sa mga komento nila:

 

“Mukhang sinuswerte ang Maja ah? Daming ganap!”

 

“Like the poster! Lahhveeet!”

 

“Another BEST ACTRESS for Maja.”

 

“Lakas maka Hollywood. Ganda.”

 

“Ang ganda deglamorized sya pero matindi pa rin ang dating. Ayon sa broadsheet may gagawin din syang drama sa GMA pang pŕimetime.”

 

“’Arisaka’ pala is a Japanese military rifle used until WW2.”
“Pinanood ko trailer. Badass ni Maja! Will definitely watch this.”

 

“Wow. parang quality movie ito. papanuorin ko ‘to!”

 

“Truly a thespian unlike ung iba jan na overhyped at hamonada. Yan ang tatak Johnny Manahan!”

 

“Love it! The QUEEN truly deserves all the blessings!”

 

“Mukhang may makakalaban na sina Sharon Cuneta at Kim Molina for Best Actress next year ah!”

 

***

 

 

SA sina Nadine Lustre, Curtismith, Ben&Ben at DJ Nix Damn P at DJ Marvelous sa isang gabi ng musika at kasiyahan para sa mental health handog ng KonsultaMD.

 

 

Ang libreng concert ay mapapanood ng live sa Oktubre 9, 5:30pm sa KonsultaMD official Facebook page.

 

 

Ang concert na ito ang pinaka-highlight ng isang buwang kampanya ng KonsultaMD na tinawag na “Be Kind To Your Mind.” Nais ng KonsultaMD na mas marami pang mga Pilipino ang makaalam ng kahalagahan ng kalusugan ng isip lalo na sa kasalukuyang panahon.

 

 

Malayo na rin ang narating ng Pilipinas pagdating sa pagpapalaganap ng impormasyon sa mental health pero marami pa ring kailangang gawin para magkaroon ng maayos na pamantayan ng mental health services ang bansa, ayon kay Cholo Tagaysay, CEO ng KonsultaMD.

 

 

Ang mga celebrities na sina Nadine Lustre at Ben&Ben ay matagal na ring nagtataguyod ng mental health at wellness gamit ang kanilang sariling mga plataporma para hikayatin ang mga tao na alagaan ang kanilang sarili at makatulong sa iba.

 

 

Noong nakaraang Setyembre 12, nagkaisa ang KonsultaMD at dating beauty queen na si Kylie Versoza para sa event na pinangalanang “Mental Health Matters” na inilunsad ang Be Kind To Your Mind campaign bilang suporta sa World Suicide Prevention Day. Nagkaroon pa ng iba’t-ibang mga aktibidad gaya ng libreng yoga classes, meditation, at sound healing.

 

 

Maliban doon, nagkaroon din ng mga usapan kung paano haharapin ang new normal, paano mapapanatiling masigla ang mga relasyon sa panahon ng pandemya, at kung paano hihingi ng tulong kung kinakailangan.

 

 

Ang mga Globe at TM customers ay maaaring makakuha din ng libreng isang buwan health plan mula sa KonsultaMD hanggang Oktubre 31. Kailangan lang i-download ang KonsultaMD app at gamitin ang voucher code na BEKINDTOYOURMIND para magamit ang promo.

 

 

Ang KonsultaMD ay isang 24/7 telehealth service provider na pinamamahalaan ng mga lisensyadong doktor na nagbibigay ng medikal na payo tungkol sa pangunahing pangangalagang pangkalusugan. Ito ay isa sa mga kumpanya sa ilalim ng 917Ventures, ang pinakamalaking corporate venture builder ng bansa.

 

 

Para sa karagdagang impormasyong tungkol sa KonsultaMD, bisitahin ang https://konsulta.md.

(ROHN ROMULO)

59 schools na napili sa face-to-face classes tinukoy na ng DepEd

Posted on: October 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Pormal nang inanunsiyo ngayon ng Department of Education (DepEd) ang inisyal na pagpili sa 59 na pampublikong mga paaralan sa bansa para sa gagawing face-to-face classes.

 

 

Ang naturang bilang ay mula sa 638 na nominadong mga paaralan matapos makapasa sa granular risk assessment ng Department of Health (DOH).

 

 

Paliwanag ng DepEd, maingat na tinukoy ng DOH Epidemiology Bureau ang mga kinilalang paaralan na kabilang sa minimal or low risk, batay sa Alert Levels ng mga probinsya/highly urbanized cities (HUC)/ independent component cities (ICC) at risk category ng munisipalidad at siyudad.

 

 

Base sa nakapaloob sa DepEd-DOH Joint Memorandum Circular on the Pilot Implementation of Face-to-Face Classes, nasa proseso na raw ng pagbibigay ng karagdagang proteksyon para sa paghahanda ng mga paaralan sasali sa pilot phase.

 

 

Kabilang sa gagawin ng DepEd ay ang pangangasiwa sa site inspection at simulasyon para sa pagtiyak ng pagkakaroon ng school implementation and contingency plan, hygiene at sanitation materials, handwashing facilities, at standard classrooms, at iba pa.

 

 

Samantala, magbibigay ang DOH ng isang rolling assessment tuwing Lunes upang madagdagan ang bilang ng mga kalahok na paaralan hanggang sa umabot sa 120.

 

 

Ang pilot implementation ng face-to-face classes ay ipatutupad sa loob ng dalawang buwan.

 

 

Sinasabing target ang pagsisimula nito sa November 15, 2021.

 

 

Narito ang unang mga eskwelahan na napili ng DepEd para sa face-to- face classes.

 

 

Sa Luzon:

 

Asid Elementary School – City of Masbate, Masbate
Sinalongan Elementary School – City of Masbate, Masbate
Gutusan Elementary School – City of Masbate, Masbate
Mary B. Perpetua National High School – Milagros, Masbate

 

 

Sa Visayas:

 

Laserna Integrated School – Nabas, Aklan
Igsoro Elementary School – Bugasong, Antique
Mayabay Elementary School – Barbaza, Antique
Busay National High School – Moalboal, Cebu
Basak Elementary School – Samboan, Cebu
Mahanlud Elementary School – Malabuyoc, Cebu
Cabagdalan Elementary School – Balamban, Cebu
Combado Elementary School – City of Bogo, Cebu
Slocon Elementary School – City of Bogo, Cebu
Odlot National High School – City of Bogo, Cebu
Don Potenciano Catarata Memorial National High School – City of Bogo, Cebu
Bartolome Planar Memorial National High School – City of Bogo, Cebu
Luyongbaybay Elementary School – Bantayan, Cebu
Cañang-Marcelo Luna National High School – Oslob, Cebu
Pilar National High School – Pilar, Cebu

 

 

Sa Mindanao:

 

Siay Central Elementary Schoo – Siay, Zamboanga Sibugay
Sibuguey Elementary School – Siay, Zamboanga Sibugay
Siloh Elementary School – Siay, Zamboanga Sibugay
Manga National High School – Pagadian City, Zamboanga del Sur
Manga Elementary School – Pagadian City, Zamboanga del Sur
Lala National High School – Pagadian City, Zamboanga del Sur
Lala Elementary School – Pagadian City, Zamboanga del Sur
Lenienza Elementary School – Pagadian City, Zamboanga del Sur
Cadalagan Elementary School – Zamboanga City, Zamboanga del Sur
Tolosa National High School – Zamboanga City, Zamboanga del Sur
Sinunuk Elementary School – Zamboanga City, Zamboanga del Sur
Sibulao National High School – Zamboanga City, Zamboanga del Sur
Manalipa Integrated School – Zamboanga City, Zamboanga del Sur
Pasilmanta Elementary School – Zamboanga City, Zamboanga del Sur
Tumalutab Elementary School – Zamboanga City, Zamboanga del Sur
Landang Gua Elementary School – Zamboanga City, Zamboanga del Sur
ABNHS-Landang Gua Annex – Zamboanga City, Zamboanga del Sur
Panganak Elementary School – Zamboanga City, Zamboanga del Sur
Blancia Elementary School – Molave, Zamboanga del Sur
Sominot National High School – Sominot (Don Mariano Marcos), Zamboanga del Sur
Parasan National High School – Molave, Zamboanga del Sur
Tabina, Elementary School – Tabina, Zamboanga del Sur
Kumalarang National High School – Kumalarang, Zamboanga del Sur
Guipos National High School – Guipos, Zamboanga del Sur
San Vicente Elementary School – Payao, Zamboanga Sibugay
Dalama Central Elementary School – Baroy, Lanao del Norte
Babalaya Elementary School – Bacolod, Lanao del Norte
Napo Elementary School – Linamon, Lanao del Norte
Masibay Integrated School – Nunungan, Lanao del Norte
Tambacon Integrated School – Magsaysay, Lanao del Norte
Marcela T. Mabanta National High School – Kauswagan, Lanao del Norte
Pag-asa Integrated School – Alabel, Sarangani
James L. Chiongbian National High School – Kiamba, Sarangani
Colon National High School – Maasim, Sarangani
Maguling National High School – Maitum, Sarangani
Daan Suyan Nationl Integrated School – Malapatan, Sarangani
Baliton Elementary School – Malungon, Sarangani
Lamlifew IP Integrated School – Malungon, Sarangani
Paco National High School – City of Kidapawan, North Cotabato
Bato Elementary School – Makilala, North Cotabato

 

 

“Habang tinitignan natin ang implementasyon ng aktuwal na pilot run ngayong taon, inaasahan natin ang suporta ng lahat sa dahan-dahan na pagbabalik ng mga pisikal na klase hanggang sa mga susunod pang pagkakataon. Ang ating katapatan sa sama-samang responsibilidad para mabigyan ng proteksyon ang lahat ay ang susi sa ating ligtas na pagbabalik-eskuwela,” bahagi ng statement ng DepEd. (Daris Jose)

Vendor itinumba sa loob ng palengke sa Malabon

Posted on: October 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

TODAS ang isang vendor matapos barilin ng dalawang hindi kilalang mga suspek sa kanyang stall sa loob ng palengke sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.

 

 

Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong tama ng bala sa ulo ang biktimang si Michael De Ocampo, 48 at residente ng No. 31 S. Pascual St., Brgy. San Agustin.

 

 

Ipinag-utos naman ni Malabon police chief Col. Albert Barot sa kanyang mga tauhan ang masusing imbestigasyon para sa posibleng pagkakilanlan at pagkakaaresto sa mga suspek.

 

 

Sa imbestigasyon nina PSSg Ernie Baroy at PSSg Diego Ngippol, dakong alas-3:09 ng gabi, abala ang biktima sa paghahanda ng kanyang mga panindang manok sa (Mike and Tin Stall) Fish and Meat Section sa loob ng Malabon City Public Market sa Brgy. Tañong.

 

 

Bigla na lamang dumating ang mga suspek na kasuot ng puting t-shirt, short pants, itim na sombrero at face mask habang ang isa ay nakasuot ng itim na jacket, pulang t-shirt at asul na jogging pants saka binaril sa ulo ang biktima bago nagsitakas sa hindi matukoy na direksyon.

 

 

Kaagad namang nagsagawa ng follow-up operation ang mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 6 sa pamumuno ni PLT Rommel Adrias subalit, nabigo silang maaresto ang mga suspek.

 

 

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang motibo sa insidente. (Richard Mesa)

HONEY LACUNA AT YUL SERVO, NAGHAIN NG COC BILANG MAYOR AT VICE MAYOR SA MANILA

Posted on: October 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAGHAIN na ng kandidatura si Manila Vice Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan ng kanyang certificate of candidacy (COC) para sa pagka-Alkalde ng lungsod ng Maynila sa darating na 2022 election. 

 

 

Kasama ni Lacuna ang kanyang running mate na si 3rd District Congressman Yul Servo Nieto sa paghahain ng kanilang kandidatura sa comelec kung saan kapwa sila tatakbo sa ilalim ng lokal na partidong Asenso Manileño matapos ianunsiyo ang kanilang mga kasamahan sa Konseho at sa Kongreso.

 

 

Ayon kay Lacuna, inspirasyon nito ang kanyang ama na si dating Vice Mayor Danny Lacuna upang pasukin nito ang mundo ng politika.

 

 

Si Lacuna ang kauna-unahang babaeng Majority Floor Leader at Vice Mayor sa lungsod ng Maynila. Nagsilbi din siyang director ng Manila Department of Social Welfare mula 2013 hanggang 2015 at nakatatlong termino ito bilang GB Konsehal sa Distrito 4 mula 2004 hanggang 2013.

 

 

Tiniyak naman ni Lacuna sa mga Manilenyo na sa sandaling siya ang magwagi bilang susunod na alkalde   ay ipagpapatuloy niya ang mga nasimulang pagbabago at programa ni Moreno sa Maynila. Pinasalamatan din nito si Moreno dahil hindi umano siya binalewala nito at hinayaan na makilahok sa mga mahahalagang proyekto ng lungsod.

 

 

Kasama rito ang social amelioration program na lungsod na nagbibigay ng monthly allowances sa mga senior citizens, solo parents, estudyante at persons with disability.

 

 

“Mga batang  Maynila, samahan po ninyo ako. Gumawa po tayo ng kasaysayan sa Lungsod ng Maynila. Bigyan natin ang kapitolyo ng ating bansa ng pinuno na may puso ng isang ina, pagmamalasakit ng isang doktora, kayang -kaya ko nang kayong pamunuan at paglingkuran” pahayag pa ni Lacuna.

 

 

Samantala, handa na rin umano si Nieto na harapin at tupdin ang responsibilidad ng ikalawang pinakamataas na pwesto sa lokal na pamahalaan matapos nitong pasukin ang pulitika taon 2007.

(GENE ADSUARA )

Ads October 8, 2021

Posted on: October 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

DESIREE, pinahanga si BOOM sa pinagdaang hirap sa pagbubuntis sa kanilang baby boy

Posted on: October 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SINILANG na ni Desiree del Valle ang baby boy nila ng mister na si Boom Labrusca noong nakaraang October 4.

 

      “As we welcome our bundle of Joy! Alexander Sebastian Dunham Labrusca. Thank you Lord for our son,” caption ni Desiree sa post niya sa Instagram.

 

Proud daddy and husband si Boom at pinahanga raw siya ni Desiree sa pagdaan nitong pagbubuntis sa kanilang baby boy.

 

 

Post ni Boom: “To my wife, for carrying our baby, for being strong and for being an amazing wife, good job, mommy. Maaring nandoon tayo sa kanilang tabi ngunit kailanman ay ‘di natin malalaman ang tunay na hirap ng pagdadalang tao. Team work makes the dream work. I love you so much.”

 


      Kinasal sina Boom at Desiree noong January 2018. Una silang nagkaroon ng relasyon noong magkasama sila sa teleserye na Aryana ng ABS-CBN noong 2012.

 

Panganay ni Boom ang aktor na si Tony Labrusca na anak niya sa dating karelasyon na si Angel Jones.

 


      ***

 

PINAGSISIHAN daw ni Buboy Villar na hindi niya niligawan noon si Kiray Celis.

 

Ilang beses na raw silang nagkasama ni Kiray sa iba’t ibang shows. Ang pinakahuli ay ang Owe My Love sa GMA-7. Pero hindi raw niya nagawang pormahan si Kiray noon.

 

      “Sa totoo lang, si Kiray matagal ko nang katrabaho talaga ‘yan, as in noong nasa kabilang network pa ako. Baby na baby pa lang ako, Kiray na ‘yan, kumbaga idol na ‘yan.          

 

Mataas ang respeto ko sa babae na ‘yan. Kaya sinasabi ko na puwedeng ma-in-love nga rin ako kay Kiray eh, kung tutuusin. Legit!

 


      “Puwede ka talagang ma-in-love kay Kiray lalo na kapag hindi mo kasi siya kilala, ‘yung iba maiinis sa kanya eh, kasi ‘Bakit ganyan ka magsalita?’ tapos sobrang prangka. Pero maganda ‘yung taong ganu’n, kasi alam mong hindi plastic sa ‘yo,” diin pa ni Buboy.

 

May boyfriend na si Kiray at masaya si Buboy para sa kanilang relasyon.

 

      “Meron na siyang boyfriend eh. Okay na ‘yung magkatrabaho kami. I mean, sinusuportahan ko siya, sinusuportahan niya ako. Andito ako bilang kaibigan, Promise!”

 


      ***

 

SI Ed Sheeran ang panibagong Mega Mentor para sa Season 21 ng The Voice.

 

Makakasama ng British singer ang kapwa coaches niya na sina Kelly Clarkson, Ariana Grande, John Legend at Blake Shelton. Si Sheeran ang magme-mentor ng mga artist na nakalagpas na ng Battle Rounds para ihanda sila sa ‘Knockouts’ na eere sa October. 25.

 

Ang paglabas ni Sheeran sa The Voice ay sasabay sa release ng kanyang fourth full-length album titled = (Equals) sa October 29.

 

Sey ng Sheeran, “= (Equals) is a really personal record and one that means a lot to me. My life changed greatly over the past few years — I got married, became a father, experienced loss, and I reflect on these topics over the course of the album. I see it as my coming-of-age record, and I can’t wait to share this next chapter with you.”

 


      Kinasal ang 30-year old four-time Grammy winner kay Cherry Seaborn at meron na silang daughter named Lyra Antarctica. Two of = (Equals)’s tracks, titled “Sandman” and “Leave Your Life,” will tackle fatherhood, while “The Joker and the Queen,” “First Times” and “2step” will focus on love.

(RUEL J. MENDOZA)

Kung si ROBIN ay tatakbong Senador: WILLIE, hinihintay na ng kanyang fans kung magpa-file din ng COC

Posted on: October 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MUKHANG mapupuno ng showbiz personalities ang mga kakandidato sa coming national elections sa May, 2022. 

 

 

Sunud-sunod na ang mga nagpa-file ng kani-kanilang Certificate of Candidacy at marami pa ang naghihintay sa mga susunod pang magpa-file na hanggang ngayong Friday na lamang, October 8, kaya expected nang magiging parang fiesta ang huling araw ng filing.

 

 

Isa nga sa nag-file na ng kanyang candidacy si Robin Padilla, na nagdesisyon na ring tuluyan nang pasukin ang pulitika at tumakbong Senador sa PDP-Laban Cusi faction.

 

 

Kasama rin ni Robin na nanumpa ang kuya Rommel Padilla niya na tatakbo namang Congressman sa 1st District ng hometown nila sa Nueva Ecija.

 

 

Natagalan sa pagpa-file ng COC si Robin dahil hindi niya alam kung ano ang pipiliin niya, ang maging senador, governor ng Camarines Norte or mayor sa Jose Panganiban, Camarines Norte.

 

 

Humingi si Robin ng guidance at nagdasal siya kay Allah kung alin ang pipiliin niya.  Matatandaan na isinama  ni President Rodrigo Duterte sa list ng senatorial candidates nila sa PDP-Laban si Robin, Willie Revillame at Raffy Tulfo. 

 

 

Si Willie ay hinihintay ng mga fans niya sa Wowowin kung magpa-file na siya ngayong Friday ng kanyang COC.

 

 

***

 

 

HAPPY ang aura ni Kapuso young actress Bianca Umali, dahil open book naman ang relasyon nila ni Ruru Madrid.

 

 

Kaya nagtaka ang netizens na bakit siya nag-release ng isang heartbreak single titled “Itigil Mo Na,” under GMA Music, after niyang ma-nominate sa 34th Awit Awards for ‘Best Performance for a New Female Recording Artist’ and ‘Best Engineered Recording,’ para sa debut track niyang “Kahit Kailan.”

 

 

Ang “Itigil Mo Na” ay tungkol sa isang girl na na-in love sa isang boy na may iba namang babaeng gusto, sinulat ito ng award-winning writer-director-singer-songwriter na si Njel de Mesa.

 

 

Kaya naman ayon kay Bianca, nagustuhan niya ang song at may advice siya sa mga girls who are experiencing heartaches.

 

 

“The message of the song is that nagkakaroon talaga ng mga pagkakataon na sobra-sobra na tayong magmahal, to the point na hindi na natin kayang i-let-go ang taong mahal natin, kahit nahihirapan at ang sakit-sakit na. 

 

 

Kung may mga heartaches kayong pinagdaraanan, okay lang ‘yan, normal lang ‘yan. Huwag nating labanan o takbuhan ang hirap at sakit. Kung mapaglabanan at matiis natin, ito ang huhubog sa atin na mas mabuti, mas matibay at mas matapang na tao.  Worth it lahat ng sakit, trust me.”

 

 

Isa si Bianca sa cast ng GMA Primetime series na Legal Wives, at maihahawig ang song niya sa character niya as Farrah, the third wife of Ismael (Dennis Trillo), makaya ba niya ang heartaches na nararamdaman niya dahil sa dalawa pang legal wives ni Ismael na sina Alice Dixson at Andrea Torres?

 

 

Nasa last five weeks na lamang ang serye na napapanood gabi-gabi after 24 Oras.

 

 

***

 

 

TIYAK na excited na ang mga fans ng GMA Afternoon Prime series na Prima Donnas dahil nagsimula na sila ng lock-in taping ng season two ng series.

 

 

Abangan kung sinu-sino ang mga bagong characters na papasok sa serye.

 

 

For the followers naman ng First Yaya, tuloy na rin ang season two nila. Balitang magku-quarantine na sila sa first week ng November, at tuloy na ang lock-in taping nila  hanggang sa Christmas break na.

(NORA V. CALDERON)

3 huli sa aktong sumisinghot ng shabu sa Valenzuela

Posted on: October 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

REHAS na bakal ang kinasadlakan ng tatlong hinihinalang drug personalities matapos maaktuhan ng mga pulis na sumisinghot umano ng shabu sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.

 

 

Kinilala ni PLT Joel Madregalejo, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela Police ang naarestong mga suspek na sina Jayson Abucot, 41, construction worker, Jonathan Pusing, alyas “Atan”, 36, pedicab driver, at Josie Santos, 21, pawang ng Pinalagad Brgy., Malinta.

 

 

Sa report ni PSMS Fortunato Candido kay Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria Jr, dakong alas-4 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PLT Madregalejo ng validation sa Area 1 Pinalagad, Brgy., Malinta, matapos ang natanggap na ulat mula sa isang concerned citizen hinggil sa nagaganap umanong illegal drug activities sa lugar.

 

 

Dito, naaktuhan ng mga operatiba ang mga suspek na sumisinghot umano ng shabu sa loob ng isang walang numerong bahay na naging dahilan upang sretuhin ang mga ito.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang tinatayang nasa 3 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P20,400, isang unseald transparent plastic sachet, cellphone at ilang drug paraphernalia.

 

 

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Richard Mesa)