• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 14th, 2021

PISO na PROVISIONAL INCREASE ng PASAHE sa HALIP na TATLONG-PISO

Posted on: October 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Balak mag-petition sa LTFRB ang ilang jeepney transport groups para sa provisional increase na P3 – tatlong-piso – sa minimum fare dahil sa napakamahal na presyo ng diesel ngayon. 

 

 

Sa dating P9. pesos ay magiging P12. pesos ang singil ng minimum fare. 

 

 

Dama natin ang hinaing ng mga operators at drivers sa panahon ngayon na marami sa kanila ay namamalimos na sa lansangan dahil hindi sila nakapamasada ng mahabang panahon dahil sa kasalukuyang pandemya. At noong ibinalik ang pasada ay bawas ang kanilang pasahero dahil kailangan sumunod sa health protocols ng mga tao at para mapanatili ang social distancing sa public transport. 

 

 

Pero sa tingin ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ay masyado pong mataas ang hinihinging dagdag tatlong-piso para sa mga ordinaryong mananakay na marami sa kanila ay nawalan din ng trabaho at naghihikayos din sa buhay.  

 

 

Magkakaroon ng pandinig ang LTFRB pagkatapos maghain ng petisyon ang mga jeepney groups.   At sa LCSP ay hiling namin na piso na lang muna ang idagdag sa halip na tatlong-piso.  Ang P9. pesos ay magiging P10. piso na minimum fare.    

 

 

Bagamat hindi kalakihan ang pagtaas ay mababalanse natin ang pangangailangan ng mga transport groups at ang kakayahan ng mga pasahero. 

 

 

Kailangan pa rin ituloy ang tulong ng pamahalaan sa mga driver at operators at isang-tabi muna ang mga polisiyang pahirap sa kanila sa panahon ng pandemya. Ito po ang posisyon ng LCSP. 

 

 

Piso, hindi tatlong-piso. (Atty. Ariel Enrile-Inton)

Ads October 14, 2021

Posted on: October 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KIT, walang problema sa nudity pero ‘di naman gagawa ng ‘soft porn’

Posted on: October 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

HINDI issue kay Kit Thompson ang nudity.

 

 

Basta gusto raw ang isang project, kahit na ano ang requirement ng role, he will do it.

 

 

“Nudity is not a problem for me. As long as I like the project and I trust the director, I will do anything that the role requires,” sabi ng bidang lalaki ng Sarap Mong Patayin.

 

 

Pero wala naman sa vocabulary ni Kit na gumawa ng soft porn movie. Kung sakali man daw na may requirement na nudity, depende na raw iyon sa vision ng director at kung paano ie-execute ang nasabing eksena.

 

 

Sa Sarap Mong Patayin, directed by   Darryl Yap, marami raw challenging scenes na ginawa si Kit together with his co-stars Ariella Arida and Lassy Marquez.

 

 

Tungkol sa catfishing ang pelikula. Magkakutsaba sa panloloko sina Ariella at Lassy. Si Kit ang kanilang biktima. Tinatalakay din ng movie ang paggamit ng drugs pero ang underlying message ng film is don’t do drugs.

 

 

Palabas na sa Friday, October 15, via streaming sa Vivamax ang Sarap Mong Patayin.

 

 

***

 

 

PINAG-UUSAPAN ang desisyon ni Noli de Castro na umurong sa pagtakbong senador under the Aksiyon Demokratiko Party.

 

 

Last week lang ay nagpaalam si Ka Noli sa mga tagasubaybay niya sa TV Patrol dahil tatakbo nga siyang senador tapos all of a sudden ay umurong siya.

 

 

Gusto raw niyang mag-concentrate sa trabaho niya bilang broadcaster. Eh di ba last Friday lang siya nag-resign tapos TV Patrol welcomed Karen Davila the other night bilang bagong kasama.

 

 

Kukunin kaya siyang muli ng TV Patrol? Kasi sabi ni Ka Noli he wants to continue his job as a broadcaster.

 

 

Hintayin na lang natin kung may ilalabas na statement ang News Department ng ABS-CBN. For sure sa kanila naman babalik si Ka Noli to resume his career as a broadcaster.

 

 

***

 

 

MAHUSAY si Ogie Alcasid sa hosting job niya sa It’s Showtime.

 

 

Halatang he is enjoying himself at inspired siya sa kanyang ginagawa.

 

 

Ang alam namin ay guest co-host lang si Ogie habang wala si Vice Ganda, who is abroad to do a series of shows? Kung sakali kaya na alukin si Ogie ng production na maging regular host ng It’s Showtime, papayag kaya siya?

 

 

For the longest time ay naging hurado rin si Ogie ng ‘Tawag ng Tanghalan’. Is he willing to give up being a judge in favor of a becoming a regular host?

(RICKY CALDERON)

WANTED SA MURDER CALOOCAN, TIKLO NG NPD SA MALABON

Posted on: October 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NASAKOTE ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) sa Malabon City ang isang lalaking wanted dahil sa kasong murder sa Caloocan City.

 

 

Kinilala ni District Special Operation Unit (DSOU-NPD) chief PLTCOL Jay Dimaandal ang naarestong akusado na si Randy Deparoco, 44 ng Camia St., Brgy. Panghulo, Malabon City.

 

 

Sa report ni PLTCOL Dimaandal kay NPD Director PBGEN Jose Hidalgo Jr, nakatanggap sila ng impormayson na nakita ang akusado sa Panghulo, Malabon City.

 

 

Bumuo ng team ang DSOU , kasama ang Intelligence Section ng Caloocan police saka isinagawa ang police operation na nagresulta sa pagkakaaresto kay Deparoco dakong alas-4:30 ng hapon sa Camia St., Brgy. Panghulo, Malabon City.

 

 

Ayon kay PLTCOL Dimaandal, si Deparoco na tinaguriang No. 12 most wanted person ng Caloocan police ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong October 9, 2009 ni Hon. Judge Dionisio Sison ng RTC Branch 125 Caloocan City para sa kasong Murder na walang inirekomendang piyansa.

 

 

Batay sa record, pinagtulungan pagsasaksakin ng akusado at ni Rodrigo Deparoco si Armadno Delos Santos Jr, na nagresulta ng kamatayan nito noong May 9, 2008 sa Caloocan City.

 

 

Ang matagumpay na pagkakaaresto sa akusado ay sa pamamagitan ng patnubay at matibay na pamumuno ni NPD Director PBGEN Hidalgo Jr, upang maalis ang lahat ng uri ng lawlessness at paigtingin ang manhunt kontra sa Most Wanted Person sa area ng NPD.

 

 

Patuloy naman ang follow-up operation ng pulisya para sa posibleng pagkakaaresto sa isa pang akusado sa naturang kaso na si Rodrigo. (Richard Mesa)

SRA ng healthcare workers naipamigay na

Posted on: October 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Iniulat ni Health Secretary Francisco Duque III na naipamahagi na nila ang ‘special risk allo­wances (SRA)’ ng batches 3 at 4 ng mga healthcare workers sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

 

 

Sinabi ni Duque na aabot sa P617.2 milyon ang kabuuang halaga ng SRA na kanilang naipamahagi sa kabuuang 48,226 HCWs nitong Oktubre 6.

 

 

Unang naibigay ang P309.2 milyong halaga ng SRA sa Batch 2 na kinapapalooban ng 21,248 HCWs noong Agosto 31.

 

 

Umabot naman sa P6.92 bilyon ang halaga ng SRA na naipamigay sa unang batch ng HCWs mula Setyembre 2020 hanggang Disyembre 2020.

 

 

Sa kabuuan, aabot na sa P15.88 bilyon halaga ng iba’t ibang benepisyo ang naipamahagi na umano ng DOH sa mga HCWs bilang bahagi ng paglaban nila sa COVID-19 nga­yong pandemya.(Daris Jose)

KYLIE at ANDREA, naniniwala na importante ang ‘trust and respect’ sa isang relasyon; social media celebrity couple sa rom-com series sa ‘BetCin’

Posted on: October 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MAGSISIMULA na ang newest WeTV Original rom-com series na BetCin sa WeTV ngayong Oktubre 15 sa ganap na ika-walo nang gabi.

 

 

Gaganap bilang social media celebrity couple sina Kylie Padilla at Andrea Torres na tila may halos perpektong relasyon, pagdating sa online.

 

 

Sa likod ng mga filtered posts, hindi ganoon kadali ang sitwasyon nina Beth (Padilla) at Cindy (Torres). Habang lumalayo ang loob nila sa isa’t-isa dahil sa pagkakaiba ng mga prayoridad at pangangailangan, mas lalo naman dumarami ang kanilang mga followers, ang mga Umamis.

 

 

Habang inaalam nila ang susunod na hakbang para sa kanilang relasyon, napili ang “BetCin” bilang isa sa mga finalists sa “#RelationshipGoals”.

 

 

Ang hamon ay kinakailangan nilang mapapaniwala ang mga fans na maayos pa rin sila bilang isang couple para makarami ng likes at mapanalunan ang cash prize at iba pang mga papremyo.

 

 

Makukuha kaya nina Beth at Cindy ang tamang sangkap sa pag-ibig para mapaniwala nila ang mga Umamis na sila pa rin ang internet’s sweetest sweethearts?

 

 

Nang tanungin sina Kylie at Andrea kung ano ang importante sa isang relasyon, ito ang kanilang sagot.

 

 

“Trust and respect. Personally, ang pinaka important sa akin yung trust kasi once na masira yun parang mahirap na bumalik sa dati.” ayon pa kay Kylie.

 

 

Opinyon naman si Andrea, “For me, respect. Kasi feeling ko kapag nirerespect niya ko there’s no room for me to doubt.”

 

 

Ito rin siguro ang isa sa mga proyektong hindi niya malilimutan.

 

 

Dagdag pa niya, “It was an absolute pleasure and honor to be your Cindy.”

 

 

Kasamang rin sa cast ng BetCin sina Elora Españo, isa sa mga kinagigiliwang independent actresses sa bansa, at  Pinoy Dream Academy alumna nga ngayo’y isang premyadong aktres na si Chai Fonacier, na lumabas na sa mga TV shows at pelikula.

 

 

Panoorin ang first two episodes ng serye ngayong October 15 sa WeTV at abangan ang mga bagong episode tuwing Biyernes.

 

 

Ang BetCin na line-produce ng Rein Entertainment Productions ay mula sa direksyon ni Shugo Praico at panulat nina Fatrick Tabada at John Carlo Pacala.

 

 

Sa walong episodes, ipakikita ni Direk Praico ang dramang nagmumula sa isang relasyong malapit na mabigo na may halong katatwanan na siguradong makadadagdag sa alindog at karakter ng dalawang bida.

 

 

“One of the brilliant elements of Fatrick Tabada’s original script for BETCIN, when we were developing it as a part of an anthology series for REIN entertainment years back, is its tone — a charming blend of wit and absurdist humor. And so, when WeTV asked us to turn the material into an 8-episode series, I and the genius, JC Pacala, decided to stick with that tone, push the comedy and add poignancy into the mix to tell the break-up story of an odd but lovable couple trapped in the zany situation they created. We wanted to give the audience a fresh take, a unique experience on this familiar kind of story.”

 

 

Ang pagpapalabas ng ganitong series ay napapanahon sapagkat madalas napag-uusapan ang inclusivity, na may pagkakataong mabigyan ng pansin sa kwentong ito.

 

 

We feel that the time is right to put the spotlight on stories told from the lens of two women in a romantic relationship. This perspective is not often heard, and we wanted to give it the voice that it deserves,” paliwanag ng WeTV Philippines country manager na si Georgette Tengco.

 

 

At the core of BetCin is a love story about two people navigating life and love as it plays out on social media. That’s something we can all relate to.

 

 

Para sa streaming ng WeTV Original series, and the very best in Asian Premium Content, i-download lang ang WeTV and iflix apps for free from the App store and Google Play and start watching!

 

 

A monthly subscription rings in at only P59, quarterly at P159, and an annual subscription is only P599 for recurring subscriptions, while a one-month pass is only P149.

(ROHN ROMULO)

Mga tatanggi sa COVID-19 vaccine bakunahan habang natutulog

Posted on: October 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga awtoridad na hanapin ang mga indibidwal na magmamatigas pa rin na huwag o ayaw magpabakuna laban sa COVID-19 at bakunahan ang mga ito habang natutulog.

 

Layon nito na makamit ang herd immunity laban sa virus.

 

“Alam kong marami pang ayaw. ‘Yan ang problem, ‘yung ayaw magpabakuna. Kaya hanapin ninyo ‘yan sa barangay ninyo. Akyatin natin pagtulog at turukan natin habang natutulog para makumpleto ang istorya,” ang pahayag ni Pangulong Duterte sa kanyang Talk to the People, araw ng Martes.

 

“Kung ayaw, akyatin sa bahay, tusukin sa gabi. Ako ang mag-ano ..turok sa kanila,” ayon sa Chief Executive.

 

Sinabi naman ni Vince Dizon, deputy chief implementor of the National Task Force Against COVID-19, na nananatili pa rin ang COVID-19 vaccine hesitancy sa far-flung areas o malalayong lugar.

 

Aniya, kailangan na paigtingin ang information drive upang mipabatid sa mga tao na binabawasan ng bakuna ang tsansa ng pagkahawa o makakuha ng severe case ng COVID-19 gaya na rin sa data mula sa Food and Drug Administration (FDA).

 

Base sa FDA records, mayroong 516 breakthrough infections  sa hanay ng fully vaccinated individuals sa buong bansa. (Daris Jose)

Abalos, pabor na ibaba na ang NCR alert level

Posted on: October 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PABOR si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos na ibaba ang Alert Level 4 sa Kalakhang Maynila sa gitna ng COVID-19 pandemic.

 

“Nakikita talaga natin pababa eh, magmula sa two-week growth, nagsimula ang pilot, 113%. Ngayon -41% na,” ayon kay Abalos sa isang panayam.

 

“Personally, dapat ibaba na po ang alert level,” dagdag na pahayag nito.

 

Gayunman, sinabi ni Abalos na ipinauubaya na niya at ng mga Alkalde sa Kalakhang Maynila sa Department of Health (DoH) ang pagde-desisyon sa bagay na ito.

 

“Of course we leave that to the experts. Yan po talaga ang posisyon ng mga alkalde,” anito.

 

Nakatakda namang mapaso ang Alert Level 4 sa Kalakhang Maynila sa darating na Biyernes, Oktubre 15.

 

Ang mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 4 ay iyong mayroong mataas at/o tumataas na COVID-19 cases habang ang total beds at ICU beds ay nasa high utilization rate. (Daris Jose)

Ex-VP Noli de Castro, umatras na sa senatorial race

Posted on: October 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Babalik na lamang sa broadcast industry ang beteranong mamamahayag at dating vice president na si Noli de Castro.

 

 

Ito ang nilalaman ng statement ni De Castro (Manuel Leuterio de Castro, Jr.) na ipinaabot niya sa kampo ni Manila Mayor Isko Moreno.

 

 

Magugunitang naghain si Kabayan ng certificate of candidacy (CoC) noong Biyernes, sa ilalim ng Aksyon Demokratiko, kung saan si Mayor Moreno ang standard bearer.

 

 

Ayon sa dating bise presidente, nagkaroon ng pagbabago sa kaniyang mga plano sa mga nakalipas na araw, kaya minabuti nitong bawiin na lamang ang isinumiteng kandidatura.

 

 

“Isinumite ko ang aking kandidatura sa Comelec noong Biyernes. Ngunit nagkaroon ng pagbabago ang aking plano,” wika ni De Castro.

 

 

Bago naging vice president noong 2004, nahalal muna siyang topnotcher senator noong 2001.

 

 

Pero makalipas ang termino bilang pangalawang pangulo sa ilalim ng Arroyo administration, bumalik siya sa media bilang tagapagbalita.

 

 

Marami naman ang nanghihinayang sa naging pag-withdraw ni De Castro ng kaniyang kandidatura. (Gene Adsuara)

Pagsa-surfing ni YASSI, malaking tulong para mabalanse ang kanyang mental health

Posted on: October 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

DALAWANG taon ding hindi gumawa ng teleserye si Lauren Young dahil naging malaking issue sa kanya noon ay ang kanyang katawan.

 

Sa dalawang huling teleserye ni Lauren sa GMA na Hiram Na Anak at Contessa, kapansin-pansin ang paglaki ng katawan niya at nagdala raw iyon ng malaking insecurity sa kanya.

 

Pero ngayon ay na-overcome na niya ang kanyang insecurity sa kanyang katawan at natutunan na niyang i-embrace ito. Kaya tinanggap niya ang muling gumawa ng teleserye via Stories From The Heart: Never Say Goodbye.

 


      “Ako kasi I’ve been dealing with body image issues for a very long time. And I really like to use my platform to encourage people and to help people to boost their confidence.

 

“I was skinny or fit before. I had abs. I’ve been through that. I eat healthy. I exercise every day. And for what? To please other people?

 


      “And now, although I’m on the heavier side, the chubby side, I may not look picture perfect to the standard of other people but at the end of the day I’m most confident now in my current state and I’m so happy with where I am in my life.

 


      “I ike to thank GMA because they always give me opportunity regardless of my weight. I’ve proven that when it comes to acting I can deliver. Whatever do I look like, they always cast me because they know I deliver.

 

 

And that’s what matters most, acting above all. Kasi hindi naman ito pasikatan, ’di ba…ang showbiz? Patagalan s’ya.”

 


      Ang im Portante raw kay Lauren ay masaya siya inside and out dahil tanggap niya ang sarili niya na sana’y maging motivation din sa ibang kababaihan.

 

“I don’t need people calling me sexy to make me feel beautiful about myself. And I think a lot of people need to hear that. You know, you don’t have to have the perfect vital statistics to be able to call yourself beautiful or hot or gorgeous. You just have to be happy with who you are, how you look like, and that what matters most.”

 


      “I just want to make sure that the people who are watching, when they see me onscreen masasabi nila na ‘If Lauren can do it, why can’t I?’ So, it shouldn’t stop you and you shouldn’t feel less confident about it.”

 


      ***

 

MALAKING tulong kay Yassi Pressman ang bagong sport niya na surfing para mabalanse ang kanyang mental health.

 

Kasalukuyang nasa Siargao si Yassi at pinag-aralan niya talaga ang mag-surfing na na-enjoy niya kahit na ilang beses siyang na-wipeout. Kailangan daw ng mahabang pasensya kung gusto mong matutuo sa naturang water sport.

 

Post ni Yassi: “To find some of the best surf spots in Siargao a boat has to drop you off in the middle of the ocean, then you got to paddle to get to the waves, and on some days you got to paddle really FAAAAAAR. It was hard because I wasn’t used to using so much of my upper body, and going against the current just to get to the starting point, wasn’t easy at all.

 


      “Then, when I got to the line, kailangan patient ka, kasi madami pang ibang nakaabang. The actual wait for the wave makes me nervous….there is a lot of suspense and build up.

 


      “When I finally did it, the next thing I thought about was trying to balance in the rush of it all and stand up steady on my board. Or else I’ll fall… Before I actually got to ride a wave to the end, there were many moments like this.

 


      “When you actually fall, you must think fast, don’t panic (which was hard considering you are actually being pulled by the waves under the water, right?) anyway, STAY RELAXED. You have to get some air then paddle for your life so that the next couple of waves do not come at you hard, and you won’t get in the way of any other person possibly surfing your way.”

 


      May time daw na napu-frustrate si Yassi sa bagong kinahihiligan niyang sport. Kinukumpara niya ang surfing sa naging trabaho niya sa showbiz. Kapag natumba ka, kailangan mong tumayo at magsimula ulit.

 

      “I kept telling myself ‘ugh. So much work… palpak naman… Sayang… sayang… but it’s okay, it’s okay Yass, just breathe… paddle out of the chaos.

 


      “Take a couple of breaths in a spot where the waves are calmer, and when you are ready…. Start paddling back… Get back to the beginning, no matter how well you do, take the risk.

 


      “Hope this story also encourages others to keep believing in themselves, Don’t give up! Take care of yourself, your mental health, your peace, find people and places that make you happy.”

 


      ***

 

PINASALAMATAN ng Olympian na si Simone Biles ang singer na si Taylor Swift dahil sa inspirasyon na binigay nito sa kanyang noong nakaraang Tokyo Olympics.

 

Sa naganap na virtual presentation ng 46th Gracie Grand Awards ng Alliance for Women in Media Foundation, si Biles ang nag-present ng award para kay Taylor.

 

Heto ang kanyang video message para kay Taylor: “I can’t tell you how much I love Taylor and her music. But ‘Folklore’ is not the only incredible thing she did during this ongoing pandemic. She has shown immense grace and generosity to many of her fans in need, including me. During the 2020 Olympics she reached out but she also dedicated something so special to me that I’ll never forget.”

 


      During the Olympics, nag-withdrew si Biles mula sa women’s team gymnastics final at sa tatlong individual finals due to a breakdown sa kanyang mental health.

 

Noong mabalitaan ito ni Taylor, nagpadala ito ng personal messages kay Biles para i-push siyang ituloy ang kanyang dapat na gawin bilang isang Olympian at bilang isang babae.

 

Dahil sa encouraging words ni Taylor, bumalik si Biles sa competition at sumabak siya sa balance beam kunsaan nakakuha pa siya ng broze medal.

(RUEL J. MENDOZA)