• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 26th, 2021

Ads October 26, 2021

Posted on: October 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

BOOSTER SHOT, MAY GO SIGNAL NA

Posted on: October 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAGBIGAY na ng go signal ang Department of Health para sa  booster at karagdagang dose ng  COVID-19 vaccines para sa  healthcare workers, mga senior citizens at para sa  eligible priority groups sa  2022.

 

 

Ang booster shots at karagdagang doses ng bakuna ay kasunod ng rekomendasyon noong Oct. 13  ng Health Technology Assessment Unit (HTAU) na inaprubahan naman ni  Health Secretary Francisco Duque III.

 

 

Sa ilalim ng rekomendasyon, ang booster ay ibibigay sa mga healthcare workers at  senior citizens sa ika-apat na quarter , sa kundisyon na natanggap nila ang mga bakuna  nang hindi bababa sa anim na buwan pagkatapos ng pangunahing serye.

 

 

Itinutulak din ng HTAC ang pagpapatupad ng boosters sa 2022, kasunod ng parehong prioritization sa mga karapat-dapat na grupo kung ang   A1 hanggang  A5 priority groups ay naabot na ang  50% sa unang pagbabakuna.

 

 

“The rationale for the set threshold prior to implementation of booster includes ensuring maximum coverage for the primary series as the premature rollout of booster vaccination without attaining acceptable coverage would exacerbate existing inequities,” saad sa pahayag ng  HTAC

 

 

Isinusulong din ng HTAC  ang additional shots para sa  immunocompromised individuals,  18 araw matapos ang pagkumpleto sa inisyal na COVID-19 vaccine series. GENE ADSUARA

MPD DIRECTOR, NAG-INSPEKSIYON SA MANILA NORTH CEMETERY

Posted on: October 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAG-INSPEKSIYON sa Manila North Cemetery (MNC) si MPD Director Police Brig General Leo Francisco isang linggo bago ang pansamantalang pagsasara nito sa Oct.29

 

 

 

Sa kanyang pag-iikot, nagpaalala si Francisco sa mga magulang na huwag nang magsama ng mga bata sa sementeryo kapag sila ay dadalaw sa mga yumao.

 

 

 

Aniya hindi rin naman papasukin ang mga bata  dahil ipinagbabawal pa ang menor de edad na lumabas  alinsunod sa  IATF maliban na lamang kung essential o para sa outdoor exercises

 

 

 

Muli ring nagpaalala si Francisco sa mga nagbabalak bumisita sa sementeryo na huwag nang tangkain pang magdala ng matatalas na bagay at mga posibleng pagmulan ng pagliyab , gamit sa pagsugal at sound system

 

 

 

Ang lahat ng ito ay kukumpiskahin lamang kapag pumasok sa sementeryo at hindi na mababawi pa

 

 

 

Nakahanda na rin naman ang MPD sa inaasahang pagdagsa ng mga dalaw simula ngayong hapon hanggang sa pagsasara ng mga sementeryo sa Oct 29. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Sapatos na ginamit ni Michael Jordan sa kanyang rookie season, naibenta sa halagang P47-M

Posted on: October 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Naibenta sa halagang $1,472,000 o katumbas ng P74,689,280 ang sapatos ng sinasabing greatest of all time (GOAT) at NBA superstar na si Michael Jordan.

 

 

Ang sneakers na ginamit ni Jordan ay nakapagtala ng auction record para sa game-worn footwear.

 

 

Ang kombinasyon ng red-and-white shoes ay ginamit ng iconic player sa ika-limang game ng kanyang rookie season sa Chicago Bulls noong 1984.

 

 

Pagkatapos nito, ang Air Jordan ng Nike ay biglang naging sensation sa loob at labas ng court.

 

 

“The most valuable sneakers ever offered at auction — Michael Jordan’s regular season game-worn Nike Air Ships from 1984 — have just sold at $1,472,000 in our luxury sale in Las Vegas,” ayon sa auction house.

 

 

 

Ang tinatawag na astronomical price ay agad napataob ang record ng Nike Air Jordan na naibenta sa halagang $615,000 o katumbas naman ng P31,205,100 noong August 2020.

‘Mass gathering’ sa dolomite beach ‘di pa dapat; pagbisita sa lugar i-regulate – DOH

Posted on: October 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Itinuturing ng Department of Health (DOH) na mass gathering ang pagpunta ng maraming mga tao sa dolomite beach sa Manila Bay sa mga nakalipas na araw.

 

 

Kaya iginiit ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na dapat nang i-regulate ng Department of Interior and Local Government (DILG) at ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang mga bumibisita sa naturang lugar.

 

 

Magugunita na sa mga nakalipas na araw ay napakaraming mga tao ang nagpunta sa dolomite beach makalipas na buksan ulit ito sa publiko kasabay nang pagpapababa ng alert level status sa Metro Manila.

 

 

Ayon kay Vergeire, natalakay na nila sa DILG ang usapin na ito upang sa gayon ay masolusyunan din ang sitwasyon at maiwasan ang hawaan ng COVID-19.

 

 

Samantala, nanawagan naman si Vergeire sa publiko na patuloy pa ring sumunod sa minimum public health standards para maiwasan din ang pagkakahawa sa COVID-19. (Gene Adsuara)

Pagpunta ni MAX sa US, mas umugong ang balitang may problema sila ni PANCHO

Posted on: October 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

HABANG nagbabakasyon si Max Collins sa US, dumalo ito sa advanced screening ng Marvel film na Eternals in Los Angeles, California.

 

 

Pinost ni Max sa kanyang IG Stories ang pag-attend niya ng naturang screening sa El Capitan Theatre suot ay black leather dress at kasama niya sa red carpet ay ang model-turned-film director na si Janina Manipol. 

 

 

Dahil sa paglipad sa US ni Max, lalong lumakas ang usapan na baka nga may problema ang pagsasama nila ng mister niyang si Pancho Magno. Pero quiet pa rin si Max tungkol dito.

 

 

Sayang din at hindi naka-attend si Max sa wedding ng To Have and To Hold co-star na si Carla Abellana kay Tom Rodriguez.

 

 

Bisitahin kaya ni Max si LJ Reyes sa New York? Biro ng isang netizen na puwede raw silang nagdamayan, yun ay kung totoong may marital problems si Max.

 

 

***

 

 

HABANG hindi abala si Jericho Rosales sa paggawa ng teleserye, tumutulong sila ng kanyang misis na si Kim Jones sa paggawa ng mga bahay para sa mga naging biktima ng Bagyong Ulysses noong nakaraang taon

 

 

“It’s been almost a year since typhoon Ulysses devastated many parts of our country, including Marikina and Cagayan. We’re happy to share that with the help of one of the best titas of Manila [Marinez Elizalde], our friends too many to mention, and you who donated to the cause, Ulysses Relief Fund [was] also able to help build 20 houses for 20 families to Project Salinong in Baggao, Cagayan,” post ni Jericho sa social media.

 

 

Masayang-masaya ang mag-asawa dahil very grateful ang mga nabibigyan nilang mga pamilya ng bagong tahanan.

(RUEL MENDOZA)

RICHARD, may pahabol na bonggang birthday gift sa asawa; netizens napa-’SARAH All’

Posted on: October 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

WALANG kupas talaga ang init ng pagmamahalan sa pagitan ng mag-asawang Richard Gutierrez at Sarah Lahbati.

 

 

Mukhang habang nasa lock-in taping pa si Richard ng Ang Probinsyano ay nagawa pa rin nitong supresahin ang kanyang isis na si Sarah. Nag-celebrate na silang dalawa ng birthday ni Sarah, pero may pahabol pa palang birthday gift si Richard, isang “Jeep” na pang-harabas ang gift ni Richard.

 

 

Sey ni Sarah sa kanyang post, “I’m not one to ask for material things (doesn’t mean I don’t enjoy them). I enjoy working hard for what I want. 

 

 

      @richardgutz I’m speechless.

 

 

      Besides being the best dada to Zion and Kai, you make me feel like a queen even when I least expect it. I’m grateful to you for a lot of things, for this insane surprise but mostly for your unconditional love, through ups and downs. I Love you.”

 

 

Si Richard naman, tila miss na miss na talaga si Sarah na sa IG post niya, may caption ito na, “Can’t wait to be home to my wife.”

 

 

Kaya tuloy ang comment ng mga netizens na sa halip na ‘sana all’ ay napa-“Sarah All!”

 

 

***

 

 

NAKIKIRAMAY kami sa actress na si Gladys Reyes at sa buo niyang pamilya dahil sa pagpanaw ng kanilang mahal na ama, umaga ng October 25.

 

 

Ka-chat pa namin si Gladys dahil tinanong namin ito kung okay lang ba siya dahil sa kanyang Facebook post na “Thy will be done.”  At saka niya sinabing, “anytime na si Papa, ate.”

 

 

Nagulat kami dahil sa kabila ng nangyari rito ngayong may pandemic kunsaan, nag-undergo rin ito ng heart procedure at si Gladys pa ang nagbantay at alam namin ay naging maayos naman ang kalagayan after at naka-recover, pero ‘yun nga, bigla na lang ang balita na wala na ito.

 

 

Sabi lang ni Gladys sa palitan namin ng chat, “pagod na siya.”

 

 

Tila naihanda na rin siguro si Gladys at ang pamilya niya dahil sabi nga niya, na kay Lord na ang lahat.

 

 

Sa isang banda, very close sina Gladys at kapatid niya, mga anak sa kanilang mga magulang. At inseparable rin ang parents niya. Kaya isang yakap na mahigpit sa kanilang lahat sa pinagdadaanan nila ngayon.

 

 

***

 

 

SAKTO naman pala na nasa America pa rin sina Vice Ganda at ang kanyang boyfriend na si Ion Perez. 

 

 

Kahit tapos na ang naging successful live concert nito at sa kabila ng ang dami na ngang nakaka-miss sa kanya sa It’s Showtime at sinasabing hindi talaga buo o masaya ang show kapag wala siya, after almost two years nga namang hindi nakapag-travel because of pandemic, understandable lang na mag-enjoy pa ito sa U.S. kasama ang boyfriend.

 

 

At bonus na nga or tinapat talaga nila na nasa U.S. pa rin na ika-3rd anniversary nila.

 

 

Tiyak na mapapa- “sana all” na lang talaga na isa silang Vice Ganda kahit ano pa ang seksuwalidad dahil sa kabonggahan ng lovelife ni Vice.

 

 

Caption nga niya sa picture nil ani Ion na “babaeng-babae” si Vice, “3 years of not giving a fuck about other people’s thoughts and judgments.  3 years of just being unapologetically in love and happy. I love you Noy! And I love winning in love with you!

 

 

      Nag-reply si Ion sa post na ito ni Vice na, “@praybeytbenjamin happy 4 ever tuy! Love you!”

 

(ROSE GARCIA)

LTFRB: 2 bus consortiums binigyan ng show-cause orders

Posted on: October 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Binigyan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang dalawang (2) bus consortiums na pumapasada sa EDSA Busway dahil sa alegasyon na hindi sila nakapaglaan ng hustong dami ng public utility buses (PUBs).

 

 

 

Inutusan ng LTFRB ang ES Transport at Partners and Mega Manila Corp. na magbigay ng kanilang paliwanag kung bakit hindi dapat bigyan ng multa at kanselahin ang kanilang special permits.

 

 

 

Ginawa ng LTFRB ang ganitong aksyon matapos makita ang mahabang pila ng mga pasahero sa EDSA Monumento sa Caloocan City dahil sa kakulangan ng mga buses.

 

 

 

Ayon kay LTFRB chairman Martin Delgra na ang pinagkasunduan cap ng dami ng buses ay 550 units subalit ang 2 nasabing consortium ay nagpadala lamang ng 120 average na units noong nakaraang Lunes.

 

 

 

“The agreed cap on the number of buses isa at 500 units, but the two consortiums deployed only an average of 120 units last Monday. We have to call their attention and direct the two consortiums to explain the low deployment of these units,” wika ni Delgra.

 

 

 

Dagdag ni Delgra na maraming ulat silang natatangap na ang mga drivers at conductors ng mga buses ay hindi binabayaran ang kanilang sweldo kung kaya’t ito marahil ang dahilan kung bakit kulang ang mga buses kahit na ang 2 consortiums ay natangap na nila ang bayad sa ilalim ng programa ng pamahalaan na service contracting.

 

 

 

Nilinaw ni Delgra na hindi maaaring gawing rason ng mga operators na hindi pa sila nababayaran kung kaya’t hindi sila pumapasada samantalang bayad na sila ng buo.

 

 

 

“Now that we paid so much to these operators already, particularly to the EDSA Busway Consortium or anyone for that matter, they could not give it as a reason for non-payment of salaries to their drivers,” saad ni Delgra.

 

 

 

Diniin din ni Delgra na mayron malaking kakulangan ang mga bus operators sa hindi pagbabayad ng mga sweldo sa kanilang mga tauhan sapagkat mayron silang employee-employer relationship sa pagitan ng operators at mga drivers at conductors na kanilang kinuha upang magserbisyo sa kanilang kumpanya.

 

 

 

“I would like to remind bus operators that this is not just a contractual obligation but it is also an obligation that is mandated under the labor code. Thus, they need to pay them whether they will gain profit or not,” sabi ni Delgra.

 

 

 

Samantala, ang Philippine Coast Guard (PCG) ay nagpadala ng karagdagang buses sa EDSA upang makapagbigay ng libreng sakay sa mga pasahero at ng mabawasan ang pagsisikip ng trapiko dahil sa kakulangan ng buses.

 

 

 

Inaasahan ng Department of Transportation (DOTr) na dadami na ang mga pasahero dahil ang Metro Manila ay nilagay na sa Alert Level 3 kung saan mayron ng lesser restrictions.

 

 

 

Noong nakaraang Martes, may 600 na pasahero ang naisakay ng PCG sa EDSA mula 7:00 ng umaga hanggang 10:00 ng gabi.

 

 

 

Habang ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT 3) ay nagdagdag rin ng mga bagon kung saan may 31 overhauled light rail vehicles ang tumakbo noong Oct. 15. LASACMAR

Mga taga- NCR dumagsa sa mga pampublikong pasyalan at mall, parang nakawala sa hawla –MMDA

Posted on: October 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

ITINURING  ni  Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chair Benhur Abalos Jr. ang mga tao sa National Capital Region (NCR) na parang nakawala sa hawla sa unang linggo ng alert level 3 sa Metro Manila.

 

 

Dumagsa kasi ang mga tao sa ilang pampublikong lugar at mga pasyalan gaya sa Manila bay.

 

 

Ani Abalos, nalito at labis na na-excite ang mga tao ngunit sa mga sumunod na araw ay naging maingat na ang mga tao sa Kalakhang Maynila at sumusunod na sa social distancing.

 

 

“Sa simula talagang dagsaan ang tao, talagang parang nakawala sa hawla, especially doon sa dolomite beaches and then nagkaroon ng konting…nalito sila kung pupuwedeng pumunta sa mall,etc,”ayon kay Abalos.

 

 

Ang mahalaga aniya ay madali namang makaintindi ang mga tao at sumusunod naman sa mga panuntunan na isang magandang indikasyon para magkaroon tayo ng masayang paskong Pinoy.

 

 

“We are opening up slowly and as you would see, even dito sa undas natin medyo naghigpit tayo. We are slowly calibrating, although papunta na tayo roon, konti na lang andoon na yung push natin ” aniya pa rin.

 

 

Samantala, patuloy  nilang oobserbahan ang sitwasyon sa mga susunod na araw para makita ang resulta ng ipinatutupad na alert level 3 sa Kalakhang Maynila. (Daris Jose)

Sara nag-alok ng tulong sa kandidatura ni BBM

Posted on: October 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nilinaw ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na nakipagkita siya kay dating Senador Bongbong Marcos Jr. sa Cebu para pag-usapan kung paano makakatulong sa kanyang presidential bid sa susunod na taon ang kanyang regional party na Hugpong ng Pagbabago (HNP).

 

 

Kasabay nito, muling iginiit ni Sara na hindi siya tatakbong pangulo sa 2022 presidential race.

 

 

Sa halip ay muli siyang sasabak sa pagka Alkalde ng Davao City sa kabila ng mga panawagan na hu­malili siya sa kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte.

 

 

Sinagot din ni Sara ang mga tanong kung posible ba silang mag-tandem ni Marcos sa susunod na taon at sinabing walang pag-uusap tungkol dito.

 

 

Matatandaan na noong Sabado ay ibinahagi sa social media ng Alkalde ang mga larawan tungkol sa pagpupulong nila ni Marcos at kapatid nito na si Sen. Imee Marcos sa Cebu City.

 

 

Subalit nilinaw na dumalo lamang siya sa birthday celebration ng asawa ni House Majority Leader Martin Romualdez na pinsan naman ng mga Marcos at sa iba pang engagements sa lalawigan. (Gene Adsuara)