• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 17th, 2021

DERRICK, first time nagpa-Pasko at magba-Bagong Taon sa Amerika kasabay ng pag-attend sa kasal ng ina

Posted on: November 17th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

HALOS lahat na ng ka-batch ni Lexi Gonzales sa StarStruck 7 ay nagkaroon na ng regular na teleserye.

 

 

Naghihintay na lang daw si Lexi sa pag-resume ng lock-in taping ng Love You Stranger sa January 2022.

 

 

“Akala kasi nila ayokong mag-lock-in taping. Hindi po totoo ‘yon. May teleserye na sana kami ni Kim de Leon ‘yung Love You Stranger kunsaan bida sina Gabbi Garcia and Khalil Ramos. Kaso inabutan ‘yung taping nila ng lockdown kaya sa January 2022 na raw itutuloy.

 

 

“Hindi pa naman kami nakukunan ng eksena ni Kim. Pero pinagdarasal ko na matuloy na next year para ma-experience ko naman yung mahabaang lock-in taping,” sey ni Lexi.

 

 

Sa ngayon ay suki na si Lexi sa paglabas sa ibang shows tulad ng Wish Ko Lang, Tadhana, Magpakailanman, My Fantastic Pag-ibig at Dear Uge.

 

 

Nagkaroon naman siya ng time para ma-record ang unang single niya under GMA Playlist titled “Something in the Rain”.

 

 

Wish din ni Lexi na bumalik na next year ang show nila nina Mavy Legaspi, Althea Ablan at Joaquin Domagoso na FLEX. Nagkaroon ito ng season break dahil may kanya-kanyang lock-in tapings ang mga kasama sa show.

 

 

“Wish ko po talaga na next year mabuo na ulit ang FLEX. Lahat po kasi naging busy sa mga teleserye nila except for me.

 

 

Nakaka-miss po ang kulitan namin sa FLEX. Yun po ang show na walang pressure sa amin. Kaya sana po, bumalik na ang FLEX.”

 

 

***

 

 

WALA sa Pilipinas si Derrick Monasterio pagdating ng Pasko dahil sa Amerika ito magki-Christmas break at sabay na rin sa pag-attend sa kasal ng kanyang inang si Tina Monasterio.

 

 

Inamin ni Derrick na ginulat sila ng kanyang Mommy Tina nang ibalita nito na engaged na siya. Pinadala pa raw nito ang photo ng kanyang engagement ring

 

 

“Actually nagulat din ako eh. Happy ako kasi nagbago talaga ‘yung mood ng mom ko. Like sa bahay kung paano siya sa amin, wow! As in, basta, iba ‘yung mood niya. Mas mukha siyang bumata. Doon mo masasabi kapag in-love, kapag fresh ka, kapag blooming ka palagi, in love ka. Matic ‘yun.

 

 

“Ang weird, kasi nag-send na lang siya ng picture na suot na niya ‘yung engagement ring. Walang paalam-paalam. So parang ‘Woah!’ Akala ko nga pina-prank ako eh … Pero hindi, totoo eh.

 

 

“At may date na rin siya so, mukhang naka-set na talaga. I’ll post naman soon kapag nangyari, sa social media. So malalaman din naman nila,” sey ni Derrick.

 

 

Sa US raw pinili ni Tina na ikasal dahil wala raw masyadong restrictions doon.

 

 

Since nandoon na rin daw si Derrick, itutuloy na raw niya hanggang Christmas at New Year sa Amerika. Gusto raw niyang maka-experience ng White Christmas. Tapos naman na raw siya sa mga lock-in tapings kaya hindi siya magmamadaling umuwi ng Pilipinas.

 

 

Si Tina Monasterio ay naging paboritong leading lady ng maraming aktor noong ’70s, kabilang na rito sina Fernando Poe Jr., Dolphy, Lito Lapid, Rudy Fernandez, Chiquito, Rey Malonzo, Ace Vergel at Bembol Roco.

 

 

***

 

 

MARRIED na ang Hollywood socialite and reality star na si Paris Hilton noong nakaraang November 11 sa kanyang fiance na si Carter Reum.

 

 

Naganap ang kanilang wedding sa Bel-Air estate ng kanyang grandfather na si Barron Hilton sa Beverly Hills, California. Mapapanood ang wedding nila sa bagong docuseries ng Peacock TV titled Paris in Love.

 

 

Pinili raw nila ang 11.11 date dahil sa paniniwala na “new beginning” ito para sa kanila.

 

 

Bago nagsimula ang wedding, nag-tweet muna si Paris: “The day we’ve ALL been waiting for is finally here! Join me along my incredible wedding journey on #ParisinLove, streaming NOW on @PeacockTV.”

 

 

Three-day affair ang naturang wedding kaya marami ang nangyari bago nag-exchange “I do” sina Paris at Carter. Ilan sa mga naging A-list visitors ay sina Paula Abdul, Emma Roberts and reality star Kyle Richards.

 

 

Sey ng Carter: “It’s definitely going to be your fairy-tale wedding. I can’t imagine how gorgeous you’re gonna look in that wedding dress. Just thinking of that moment when Reverend Clint is going to say, ‘Now I pronounce you husband and wife.’ That first kiss and that first hug… the electric bolts that are going to shoot between us. I’m going to remember all the moments, the first time you kissed me at Thanksgiving.”

 

 

Nag-propose si Carter noong February 2021 sa 40th birthday ni Paris. Ang napiling wedding dress ni Paris ay gawa ni Oscar De La Renta. Isa itong high-necked, long-sleeved lace gown, paired with a simple tulle veil and diamond earrings.

(RUEL J. MENDOZA)

Pagtakbo ni Mayor Sara sa pagka-VP ‘desisyon’ ni ex-Sen Marcos

Posted on: November 17th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Si dating senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang siyang nag-impluwensya kay Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na tumakbo sa pagka-bise presidente sa 2022 national elections, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.

 

 

Sa isang panayam, sinabi ni Pangulong Duterte kumbensido siyang “desisyon” ni Marcos ang pagtakbo ng kanyang anak sa pagka-bise presidente.

 

 

Nobyembre 13, nagpadala ang alkalde ng Davao ng kanyang kinatawan para maghain ng kanyang certificate of candidacy sa pagka-bise presidente, sa ilalim ng Lakas CMD.

 

 

Ito ay nangyari dalawang araw naman matapos siyang manumpa sa naturang partido at kanyang pagkalas sa regional party na Hugpong ng Pagbabago.

 

 

Samantala, sinabi ni Pangulong Duterte na asahang mag-aanunsyo din siya hinggil sa kanyang magiging desisyon kung siya ba ay tatakbo na rin sa pagka-bise presidente o hindi.

 

 

“In a matter of hours, you would know. I will make an announcement. Baka. Ito ano lang, para malaman ng tao na hindi ko nagustuhan ‘yung nangyari. Hindi ko naman siya (Sara) sinisisi kasi ‘di kami nag-usap,” saad ng Pangulo.

 

 

Ito ay kasunod na rin nang sinabi ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na maghahain si Pangulong Duterte ng kanyang COC , Nobyembre 15. (Daris Jose)

LGUs, magdo-double time sa vax drives: Año

Posted on: November 17th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MAS paiigtingin at dodoblehin ng local government units (LGUs) ang kanilang pagsisikap para sa gagawing paghahanda para sa three-day national inoculation program mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1.

 

Sa katunayan ani Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, tatanggap ang LGUs ng mga walk-in applicants.

 

Tinukoy nito ang nasa ilalim ng A2 (senior citizens), A3 (adults with comorbidities), at A4 (essential frontline personnel) categories.

 

Pinuri naman nito ang Kalakhang Maynila para sa mataas na vaccination rate habang kailangan namang humabol ng ibang rehiyon.

 

“Ang problema na lang natin sana paano makaka-adjust ‘yung mga ibang LGUs outside of Metro Manila kaya ‘yun ang aming nakatutok ngayon at sa pulong na ginanap with the governors and the mayors, nag-commit naman sila na dodoblehin nila ‘yung kanilang pagbabakuna at sisiguraduhin nila na tumaas ‘yung vaccination rate at makapag-prepare sa,” ayon kay Año.

 

Sa kabilang dako, umaasa naman ang pamahalaan na mapapataas ang pagbabakuna ng 1.5 milyon kada araw para makamit ang population protection bago matapos ang taon.

 

Sa three-day activity, target namang mabakunahan ang 5 milyong indibiduwal.

 

Tiniyak din ni Año ang full preparations sa pakikipag-ugnayan sa mga uniformed personnel upang maiwasan ang overcrowding, kabilang na ang vaccination sites, hiring ng mas maraming vaccinators, sasakyan na magpi-pick up sa mga bakuna at agarang pagde-deliver ng mga bakuna.

 

Nagsasagawa naman ang local chief executives ng mga miting sa DILG regional offices, Department of Health regional directors, kapulisan , at iba pang concerned parties.

 

“Day 1 will fall on a Monday that is why we are recommending that this be declared a holiday to allow everybody to focus on the vaccination and those going to be vaccinated will have no work,’’ ayon kay Año.

 

Aniya pa, ang mga lokalidad na may “poor performance sa kanilang pagbabakuna ay paunang mabibigyan ng tulong.

 

Ang mga LGUs na may satisfactory vaccination rates ay kikilalanin.

 

“There are also LGUs willing to provide assistance to adjacent neighboring localities that are having a difficult time in their vaccination drives,” ayon sa Kalihim.  (Daris Jose)

Spanish tennis player Paula Badosa wagi laban kay Sakkari

Posted on: November 17th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nakuha ni Paula Badosa ang kampeonato sa WTA Finals sa ng talunin si Maria Sakkari.

 

 

Nangibabaw ang tennis player mula sa Spain para tuluyang talunin ang pambato ng Greece sa laro na ginanap sa Guadalajara, Mexico.

 

 

Nagtala ng 10 aces si Badosa para makuha ang 7-6(4), 6-4 na panalo.

 

 

Dahil sa tagumpay sa laro ay mayroon na itong 2-0 record na siyang nanguna sa grupo na sinundan ni Sakkari 1-1 at Aryna Sabalenka at Iga Swiatek na wala pang panalo at isang talo.

JANINE at RAYVER, kumpirmadong hiwalay na at walang ‘third party’; aabangan kung madi-develop kina PAULO at JULIE ANNE

Posted on: November 17th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAKALULUNGKOT naman na totoo at kumpirmadong hiwalay na sina Janine Gutierrez at Rayver Cruz.

 

 

Ayon sa lumabas na balita, isang buwan na raw na magkahiwalay sina Janine at Rayver, na ang rason ay nawalan ng oras sa isa’t-isa, pero wala naman tinuturong third party sa break-up ng magkasintahan.

 

 

At dahil na sa kaganapan sa relasyon nina Janine at Rayver, bali-balita namang nagkakamabutihan na sina Rayver at Julie Ann San Hose na magkasama sa shows ng GMA-7 tulad ng The Clash at All-Out Sundays.

 

 

At si Rayver nga ang special guest ni Julie Anne sa part 2 ng digital concert na Limitless na ‘Heal’, at marami ngang kinikilig sa kanilang tambalan.

 

 

Si Janine naman ay nali-link ngayon kay Paulo Avelino, na katambal niya sa Kapamilya teleserye na Marry Me, Marry You na nagsimula ang Book 2.

 

 

Sa Instagram account ni Rayver ay burado na ang ilang couple pictures nila ni Janine habang sa Instagram account ng aktres ay makikita pa ang couple pictures ng ex-boyfriend.

 

 

Reaction naman ng netizens sa break-up nina Janine at Rayver:

 

“Why nman? Muka naman mabait at disente si Rayver.”

 

 

“Jusko day mukha naman mabait c Rayver. Baka mapunta sya kay P no way.”

 

 

“Another break up nanaman. Totoo nga ang sabi na 2021 ay year of the break up.”

 

 

“Ahahahahahahahaha! Lumipat si lalaki sa GMA para magkasama sila sabay lipat naman ni girl sa Dos! Meant to be!”

 

 

“Ok lang di naman sila bagay.”

 

 

“Parang ‘di naman kasi sila bagay. Olats din mamimili tong si Janine ng dyowa.”

 

 

“Feel ko type ni Paulo c Janine. Hindi pala-like si Paulo ng pics pro lagi siya present sa post ni Janine.”

 

 

“Next niyan, si Janine at Paulo na.”

 

 

“True, di na nakakagulat… parang type din kasi ni J si P if you follow her social media accounts… pansin ko lang.”

 

 

“Good for her! Wala syang future dyan.”

 

 

“Mas good for him.”

 

 

“Pwede na kay Julie Anne char…”

 

 

“Ay kahit sino wag lang kay Janine.”

 

 

“SA WAKAS NAUNTOG DIN.”

 

 

“Tapos kay Paulo ang bagsak??? AHAHAHAHAHAHA.”

 

 

“Kaya takang taka ako kay Paulo Avelino sa mga pahaging kay Janine, kahit pa sabihin na for promotion lang, yun pala break na talaga sila.”

 

 

“Saw this coming nung sinabi ni Paolo A na single si Janine. Okay lang din naman. Busy sila sa kanya kanyang career lalo na si R. Parang last month eh araw araw siya sa TV.”

 

 

“Eh ‘di sina Janine and Paulo na cguro. Tapos sina Julie and Rayver na rin. Ang saya.”

 

 

“Hindi kaya ma-develop si Rayver kay Julie, palagi sila mgkasama sa show.”

 

 

“I feel something between rayver and japs talaga. Iba kasi pag lagi mong kasama.”

 

 

“Napabrows ako ng IG nila. Si guy, wla ng bakas ni ate. Si ate, may isa pa kong nakitang photo nila together. Lol!”

 

 

“Kaya wala talaga yan sa kung lowkey ka sa social media or malakas ka mag post. Parehas lng yan, pag di kayo eh magbi-break talaga. Etong dalawa ang lowkey lang, nag break pa rin naman.”

 

 

“Maka-judge to sa tao akala mo ang perfect. Baka nga mas malakai pa ang narating nya kisa sayo, please spread some kindness and stop bashing Janine, hindi naman natin alam yung buong reason bakit sila nag break. Give them some privacy and peace, God bless.”

 

 

“Grabe mga nang lalait kay R ah.. catch kaya sya, mabait sa family,no scandals, may investments, business and bahay na, ang taas ng standard nyo ah.”

 

 

“Grabe makalait. The Cruz brothers are a catch. May itsura, hindi walwal, tight knit family at masinop sa pera. They may not be pangbida levels but they are hardworking. Tingnan mo nga naman nakapagpatayo ng magagandang bahay.”

(ROHN ROMULO)

Pinoy boxer John Moralde bigo sa kamay ni William Zepeda

Posted on: November 17th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nabigo si Filipino boxer John Vincent “Mulawin” Moralde na maagaw ang World Boxing Association (WBA) Continental America lightweight champion kay William “Camaron” Zepeda.

 

 

Mula sa simula pa lamang ay umulan ng mga suntok mula kay Zepeda na nagbunsod sa pagkakatumba sa Pinoy boxer sa loob ng ikaapat na round sa laban na ginanap sa Anaheim, California, USA.

 

 

Dahil sa panalo ay mayroon ng 24 panalo na 22 knockouts ang 25-anyos na Mexican boxer.

 

 

Habang ang 27-anyos na boksingero mula sa General Santos nakatikim ng ikalimang pagkatalo na mayroong 24 panalo at 13 knockouts.

DBM, inilunsad ang ‘Angat local PH’ para sa devolution info

Posted on: November 17th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

INILUNSAD ng Department of Budget and Management (DBM), kasama ang Department of the Interior and Local Government (DILG), at Presidential Communications Operations Office (PCOO), ang “Angat Lokal PH’ Facebook page para ikasa at masimulan ang “awareness at information campaign on devolution” ng pamahalaan.

 

Ang ‘Angat Lokal PH” FB page ay official social media platform na naglalayong ipakalat ang updates at impormasyon na may kinakaman sa Mandanas-Garcia Supreme Court Ruling of 2019, at implementasyon ng Executive Order No. 138 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong Hunyo 1, 2021, hinggil sa Full Devolution, o paglilipat ng ilang tungkulin sa pagpapaabot ng mga pangunahing serbisyo mula sa mga ahensiya ng national government tungo sa local government units (LGUs).

 

Tampok sa ‘Angat Lokal PH’ Facebook page ang mga makabuluhang balita,, visuals, infographics, videos, featurettes, at press releases “on topics parallel to the impending devolution of power and services to LGUs.”

 

Makikita naman ng LGUs ang pagtaas sa bahagi ng kanilang national taxes sa simula ng 2022, na nakasaad sa EO No. 138, at alinsunod sa Mandanas ruling.

 

“The increase in fiscal allocation would enable LGUs to better serve their constituents by providing basic services and implementing devolved programs and projects,” ayon sa ulat.

 

“Dahil sa full devolution, ‘Aangat ang Lakas ng Lokal’ sa tulong ng ‘Dagdag na Pondo’ na magdudulot ng ‘Angat Serbisyo’ para sa mga mamamayan’,” ayon kay DILG Secretary Eduardo Año.

 

Ang ‘Angat Lokal PH’ page ay co-administered ng mga miyembro ng Devolution Sub-Committee on Communication Strategy.

 

At para sa karagdagang kaalaman at impormasyon ukol sa devolution, mangyaring bisitahin lamang ang Angat Lokal PH, at https://facebook.com/AngatLokalPH. (Daris Jose)

Ads November 17, 2021

Posted on: November 17th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PDu30, sinabihan si Bong Go na tumakbo sa pagka-pangulo

Posted on: November 17th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SINABIHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Senador Christopher “Bong” Go na tumakbo sa pagka-pangulo matapos na bitawan nito ang kanyang vice presidential bid kasunod ng desisyon ni presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte na tumakbo bilang bise-presidente.

 

“Umiiyak si Bong, sabi ko wag ka umiyak, bakit ka iiyak, bukas ang president, tumakbo ka. E bakit ka iiyak dahil lang anak ko sumingit bigla,” ayon kay Pangulong Duterte sa isang panayam.

 

Sinamahan ng Pangulo si Go, araw ng Sabado na pumunta sa Commission on Elections office sa Intramuros, Manila para maghain ng kanyang certificate of candidacy para tumakbo sa pagka-pangulo sa 2022 national at local elections sa ilalim ng Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan (PDDS), isang allied party ng ruling Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban).

 

Sa kabilang dako, nagulat naman ang Pangulo nang maghain ng COC ang kanyang anak na si Mayor Sara para tumakbo bilang bise-presidente sa ilalim ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) sa kabila ng pagiging top contender nito sa pagka-pangulo batay na rin sa kamakailan na surveys.

 

“Nagtataka ako, siya ang No. 1 sa survey, kung bakit siya pumayag na tatakbo ng bise, siya ang mataas ang rating, bakit? ,” ayon sa Pangulo.

 

Aniya, maaaring inimpluwensiyahan ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos ang kanyang anak na tumakbo bilang bise- presidente.

 

“Hindi ko naman sya sinisisi kasi di naman kami nag-usap. Yun desisyon nila ang ayaw ko na tatakbo. I’m sure yun pagtakbo ni Sara ay desisyon nila Bongbong,” aniya pa rin.

 

Ayon sa Pangulo “in a matter of hours”, ia-anunsyo niya kung tatakbo siya bilang bise-presidente at maging ka-tandem ni Go.

 

Aniya, susuportahan niya ang presidential bid ni Go “as a matter of principle.”

 

“E wala itong ginawang hambog na kwento na kaya nya, pero alam ko sa taon na nagserbisyo siya sa akin, alam ko talagang honest. Wala ka talagang masilip,” ayon sa Pangulo na ang tinutukoy ay si Go.

 

Sa panahon aniya ng election campaign, isisiwalat niya kung bakit suportado niya si Go kaysa kina Marcos o Manny Pacquiao.

 

Nilinaw ng Punong Ehekutibo na si Pacquiao, isa ring presidential candidate, ang humingi ng audience para sila’y magkita at magkausap noong nakaraang linggo.

 

“Sabi nya na magsama tayo for the sake of Mindanao. Sabi ko I am sorry, I cannot support you,” ayon sa Pangulo.

 

“Hindi talaga ako magsuporta sa kanya, hindi rin ako magsuporta kay Marcos, wala ako, basta ako kay Bong, niloko nila eh ,” dagdag na pahayag ng Pangulo.

 

Giit ni Pangulong Duterte, “never” siyang nangako na susuportahan si Marcos. (Daris Jose)

Relasyong Duterte-Sara , ‘May tampuhan pero nagmamahalan’- Sec. Roque

Posted on: November 17th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

“May tampuhan, pero wala pong kaduda-duda, nagmamahalan ang mag-ama.”

 

Ito ang naging paglalarawan ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa relasyon ng mag-amang Pangulong Rodrigo Roa Duterte at Davao City Mayor Sara Duterte matapos na hindi magustuhan ng Chief Executive ang pagtakbo ng kanyang anak bilang bise-presidente gayong nangunguna ito sa survey sa pagka-pangulo.

 

“Family ties will prevail,” dagdag na pahayag nito.

 

“‘Yung decision nila ang ayaw ko na tatakbo siya (Sara). I am sure ‘yung pagtakbo ni Sara ay desisyon nila Bongbong [Marcos] ‘yun,”ang pahayag ni Pangulong Duterte sa isang panayam sa blogger na si Byron Cristobal para sa “Banat By.”

 

Itinuloy ni Mayor Sara ang pagtakbo sa 2022 vice presidential run, habang nag-withdraw naman si Senador Bong Go ng kanyang certificate of candidacy (COC) at naghain ng panibagong COC para sa pagka-pangulo.

 

Si Mayor Sara ay tatakbo bilang bise-presidente sa ilalim ng Lakas-CMD.

 

Si Go sa kabilang dako ay tatayo naman bilang standard bearer ng Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan (PDDS).

 

Sina Mayor Sara at Go ay kapuwa naghain ng kanilang kandidatura “for vice president and president” via substitution sa kani- kanilang party-mates.  (Daris Jose)