NAKATANGGAP pala ang Kapuso actor na si Tom Rodriguez ng “gag order” mula sa asawa at Kapuso actress na si Carla Abellana.
Ibinunyag nga ito ni Tom sa kanyang Instagram account few days ago, na ngayon ay deleted na, sa pamamagitan ng isang cryptic post na larawan ng ‘atomic bomb’.
Caption ng aktor, “Mutually assured. Things go south, mushroom clouds. No one’s left around. Money bought, power talked but no one’s listening now. And empires claimed, up in flames, burnt to the ground. History repeats, video reels going round and round.”
May isang netizen ang nagtanong kay Tom ng, “Why not tell the whole truth now? Why wait?”
Na sinagot naman ng ex-hubby ni Carla, “Gag order… ask THEM why.”
Singit pa ng isang netizen na hoping na magkaayos pa at ipaglaban pa rin niya ang aktres, “Hopefully you will fight for Angeline… Ipaglaban mo sya paps dahil mahal ka nun. Believe me.”
Pero hindi sang-ayon si Tom sa komento ng netizen na mahal siya ni Carla, “Not true. And you all know a tiny fraction of an entire story. But one day the whole truth will prevail.”
Marami ngang nag-comment na netizens sa deleted post na ito ni Tom, at karamihan ay nagtataka kung bakit pa siya nag-iingay sa Instagram post kung may gag order na, samantalang si Carla ay tahimik lang.
Say tuloy ng mga ‘marites’ kailangan nila ng popcorns para subaybayan kung saan hahantong ang isyu na ito sa pagitan ng dating mag-asawa.
***
ANG paboritong TikTok broski ng bayan na si Raco Ruiz ay nasa NYMA talent agency na.
Pangarap ng NYMA (“Now, You Must Aspire” na bahagi ng KROMA Entertainment) na lalo pang pasikatin ang mga Filipino talent gaya ni Raco gamit ang iba’t-ibang plataporma – mula TV, radyo, at print hanggang sa mga social media channels na kinababaliwan ng maraming mga Pinoy.
Sumikat si Raco sa TikTok (@racobell) at ngayo’y mayroon nang daan-daang followers dahil sa kanyang mga meta-comedy skit. Ang mga nakakatuwang video niya tungkol sa makabagong kulturang conyo at mga voiceover ng mga pelikula at cartoons noong dekada ‘90 ay umani na ng milyon-milyong views.
Dahil gusto niyang maging full-time content creator, malaking tulong ang NYMA para kay Raco.
“Madalas na nagiging hyper-focused ang isip ko sa creative aspect at hindi ko na naaasikaso ang business o logistics side na kasing importante din naman ng creative part kung gusto mo itong maging hanapbuhay,” pahayag ni Raco.
“Inaasikaso ng NYMA ang mga bagay na hindi ko mabigyang pansin kaya nakakapag-focus ako sa kung saan ako magaling. Nagtutulungan kami at dahil pareho ang gusto namin, mas napapadali ang creative process,” dagdag pa niya.
Naniniwala naman ang NYMA na malaki ang potensyal ni Raco na lalo pang makilala sa tradigital space dahil sa ipinamalas niyang talino sa pagiging video director at visual artist, dagdag pa ang kanyang husay sa pagsusulat ng comedy skits.
“Napakagaling na artist ni Raco at mayroon din siyang sense of humor. Bilang isang multi-hyphenated artist, nararamdaman namin na magdadala siya ng kakaibang experience sa Filipino audience. Excited na kaming makatrabaho si Raco at yanigin ang local entertainment scene,” ayon kay Kat Bautista, Head ng NYMA.
Humanda na ang lahat para sa mga bagong pasabog ng TikTok Rac-star at NYMA!
Sundan si Raco sa:
● TikTok: https://www.tiktok.com/@racobell
● Instagram: https://www.instagram.com/racobell/
● Twitter: https://twitter.com/racobell
● Art Instagram: https://www.instagram.com/racodrawsstuff/
● Facebook: https://www.facebook.com/RacoRuizOfficial
● YouTube: https://www.youtube.com/c/RacoRuiz
Para sa dagdag na impormasyon tungkol sa KROMA at NYMA, bisitahin ang https://www.kroma.ph/nyma.
(ROHN ROMULO)