Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
MAGHIHIGPIT ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa enforcement ng Land Transportation Office (LTO) order upang maging maayos ang paggamit ng e-bicycles at e-scooters dahil sa mga maraming aksidenteng nangyayari na kinasasakungkutan nito.
Sinabi ni MMDA Traffic Discipline Office for Enforcement Victor Nunez na gusto lamang nilang magkaron ng road safety sa paggamit ng e-bikes at e-scooters.
Dagdag pa niya na ang MMDA ay naging maluwag sa pagpapatupad ng LTO’s Administrative Order 2021-039 na siyang nagaayos ng paggamit ng e-bikes at e-scooters dahil na rin hindi pa 100 percent capacity ang mga pampublikong transportasyon noong may pandemya.
“Now, since mass public transport is back to 100 percent capacity and face-to-face classes are about to resume in a couple of weeks, we know that many students might use these e-bikes and e-scooters. We just want to promote road safety,” wika ni Nunez.
Sa ilalim ng LTO order, ang mga e-bikes at e-scooters ay limited lamang sa mga bicycle lanes, barangay (community) road at dapat sila ay magbibigay ng right of way sa mga incoming traffic. Hindi rin sila pinapayagan na dumaan sa gitna ng mga pangunahing lansangan.
Ayon sa MMDA, may 346 road crashes at accidents ang kanilang naitala sa paggamit ng e-bikes at e-scooters sa langansang ng Metro Manila noong nakaraang taon habang may 82 pa ang nasangkot ngayon.
Sa kabilang dako naman, may naitalang pagbaba ang MMDA ng mga sasakyan na dumadaan sa EDSA dahil na rin sa gitna ng tumataas na presyo ng produktong gasolina.
“The MMDA estimated that around 392,000 cars traversed EDSA on June 9. The figure was lower than the 417,000 vehicles that passed through the busiest thoroughfare in Metro Manila on May 5. This is also lower than the average daily volume of 405,000 cars on EDSA before the COVID-19 pandemic struckt,” wika ni MMDA general manager Romando Artes.
Ayon kay Artes ang mga car owners ay hindi na lamang gumagamit ng kanilang mga sasakyan dahil na rin sa pagtaas ng presyo ng produktong gasolina. Halos lingo-lingo na lamang ay tumataas ang presyo nito.
Dahil din dito ay ang mga drivers at operators ng PUVs tulad ng jeepneys, taxis at ride-hailing app services ay humihinto na lamang na pumasada.
Tumaas na naman ang presyo ng diesel at kerosene ng P4.30 at P4.85 kada litro, respectively. Ang gasoline naman ay tumaas ng P2.15 kada litro. LASACMAR
THROUGH her Facebook and IG accounts ay nagpasalamat si Megastar Sharon Cuneta sa mga nanood ng Iconic concert nila ni Asia’s Songbird Regine Velasquez.
Tama ang sinasabi ng mga nakapanood ng repeat ng Iconic na mas maganda ito compared sa napanood nila three years ago. Mas maganda ang repertoire at may mga bagong song numbers na nagpakilig sa mga tao.
First night kami nanood at nagustuhan naming ‘yung version nina Sharon at Regine ng “Narda”, ang popular na awit ng Kamikazee.
Siyempre much-awaited ‘yung app’earance ni Ms. Pilita Corrales kung nag-trio sila ng “Sa Ugoy ng Duyan. Solo number naman ni Pilita ang “A Million Thanks To You”.
Nanood noong unang gabi nanood si Robin Padilla, gayundin si Salvador Panelo. Nagyakapan pa sina Sharon at Mr. Panelo na nagkaroon ng isyu nang awitin ng senatorial aspirant ang “Sana’y Wala Nang Wakas” sa isang campaign rally.
Sa isang post ay sinabi rin ni Sharon na nagpa-plano silang gumawa ng movie ni Robin.
***
PINAG-IISAPAN na raw ng Kapamilya actor na si Gerald Anderson ang prospect ng pag-aasawa.
Kamakailan ay nag-guest si Gerald at ang gf niya na si Julia Barretto sa isang episode ng “The Boy Abunda Talk Channel” kung saan tinanong ni Boy Abunda si Julia kung ano ang isasagot niya kung sakaling mag-propose si Gerald.
“Yes” ang sagot ni Julia.
Reaction naman ni Gerald na lahat daw mga ginagawa niya ay preparasyon sa pagpapakasal in the future. Pero nang tanungin kung sakaling si Julia ang mag-propose sa kanya, mas dapat pa rin na ang lalaki pa rin ang mag-propose.
“I believe that the guy should always propose, and the wedding day is all about your bride. Kung ano ang gusto niya, kailangan niya, it’s all about her,” pahayag ni Gerald.
Kahit na mas progressive na ang current generation, sinabi ni Gerald na naniniwala pa rin siya sa “old school” way na ang lalaki ang nagpo-propose.
Si Gerald ay isa sa bida sa upcoming ABS-CBN series titled A Family Affair kung saan tampok din sina Sam Milby, Jake Ejercito, Jameson Blake at Ivana Alawi.
***
BAKIT kaya wala si Lotlot de Leon sa Malacanang noong Thursday nang igawad kay Ms. Nora Aunor ang National Artist Award?
Hindi nakadalo si Ate Guy dahil hindi pinayagan ng kanyang doctor bagamat nakahanda raw itong dumalo at nagpatahi pa ng bagong damit.
Sina Ian, Matet, Kiko at Kenneth de Leon ang tumanggap ng award ni Ate Guy mula kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Baka naman may prior commitment si Lotlot kaya di siya nakasama sa kanyang mga kapatid.
Pero natuwa kami sa nabasa naming balita sa isang entertainment portal na nagkabati na raw sina Nora at Lotlot. Mas ginusto lang siguro nilang ilihim ang pagbabati pero ikinatuwa iyon mga fans ni Ate Guy na matagal nang naghihintay na muling magkasundo ang pamilya.
For sure, masayang-masaya si Ate Guy noong birthday niya last May dahil buo na muli ang kanyang pamilya.
***
SA isang Facebook ay ibinihagi ni Ice Seguerra ang matagal na niyang pangarap na maging film director.
Pero may mga bagay-bagay daw na dumaan sa kanyang buhay na nakapigil sa kanya para ituloy ang pangarap na ito.
Ang akala raw ni Ice ay hindi na ito matutuloy. Pero maraming sorpresa sa buhay na sa atin ay dumarating at kung may pangarap ka gustong matupad, mangyayari at mangyayari din ito.
Finally, natupad na ni Ice ang dream niya sa Dito Ka Lang, isang short documusic tungkol sa kanyang mental health journey.
Ipalalabas ito via Zoom sa June 26 at 5 p.m. to be followed by a panel discussion.
Please click the link to register: https://bit.ly/HPSFFDay2WhenMusicHealsConfrontingDepressi…
(RICKY CALDERON)
TATLO umano sa 10 mga Filipino adults ang nagsabing lumala ang kanilang pamumuhay sa nagdaang 12 buwan.
Ito ang lumabas sa survey na isinagawa ng Social Weather Station (SWS).
Isinagawa ang nasabing survey mula Abril 19 hanggang April 27, 2022 kung saan tinanong ang nasa 1,440 respondents kung ano ang estado ng kanilang pamumuhay ngayon.
Lumabas sa resulta na 34 percent sa mga dito ang nagsabi na sumama ang kanilang pamumuhay.
Mas mataas ang nasabing bilang kumpara noong nakaraang taon na mayroong 32 percent.
PARANG negative sa ilan base sa nababasa naming comments at naririnig ang pag-attend ng Kapuso star na si Sanya Lopez sa ginawang oathtaking ng bagong Vice President ng bansa simula sa July 1 na si Sara Duterte.
Sa Davao pa ang oathtaking at kasama ng ilang big bosses ng GMA-7 ay tila very proud nga si Sanya na nasa naturang event.
Ang medyo nakaka-off, during the campaign, quiet lang ito tungkol sa pulitika. At higit sa lahat, ang tema ng kanyang malapit na rin magtapos na primetime series, ang First Lady ay tungkol sa pulitika.
Kung napapanood ito, tila kabaligtaran kasi sa takbo ng kuwento ng First Lady ang imahe ng mga mauupong mga lider ngayon sa bagong administrasyon. At dahil present si Sanya sa ginanap na oathtaking, kasama ang mga known Duterte at BBM supporters, tila nabahiran tuloy ng political affiliation ang actress.
Anyway, wagi naman siya sa mga comments sa social media dahil una, natuwa ang mga BBM at Duterte supporters na kaisa rin pala siya. At in all fairness, ang ganda ng ani Sanya in her green terno.
At kahit kumakalat na ang balitang ang girlfriend pala ni Sandro Marcos ay ang sexy star na si Alexa Miro, may mga nagsisipag-ship na sa kanilang dalawa ng presidentiable son.
***
TALAGA nga palang bongga ang surprise ng Kapamilya actress na si Dimples Romana kaya naman pigil na pigil ito noong una na mai-reveal.
Malaking opportunity para kay Dimples ang pasabog niya. Through her social media accounts, ni-reveal ni Dimples na isa siya sa napiling maging juror para prestihiyosong International Emmy Awards.
Malapit na rin namang ipanganak ni Dimples ang ikatlong anak nila ng asawa na si Bohyet Ahmee at sa November of this year pa naman para siya kakailangang pumunta sa New York. So by that time, naka-recover na siya sa panganganak.
Narito ang official statement ni Dimples.
“Magandang umaga,
“Starting this amazing week with a heart full of gratitude as I share with you one of the many surprise blessings I received these past months!
And now finally I can officially share my joy with you.
“So honored and grateful to have been able to participate as a juror for this year’s prestigious International Emmy Awards International Emmy Awards Competition ☺️ I’m super kilig!!! 😁. I thank the International Academy of Television Arts & Sciences for letting me have this once in a lifetime experience that has truly inspired my thespian heart.
“Contributing in selecting the BEST TELEVISION programming from around the WORLD was both my honor and pleasure.
“Maraming Maraming Salamat po muli! And I can’t wait to join in on the festivities in New York City come November.
“Blessings upon blessings.”
(ROSE GARCIA)
MAGLALARO si Pinoy gymnastics sensation Caloy Yulo para sa kanyang ikatlong World Championships na nakatakda sa Oktubre sa Liverpool, England.
Ito ay matapos magdagdag si Yulo ng dalawa pang gold medals sa 9th Senior Artistic Gymnastics Asian Championships sa Doha, Qatar.
“Qualified for world championship 2022 in Liverpool UK!!,” ani Japanese coach Munehiro Kugiyama kay Yulo. “We try and try best every days training.”
Kumolekta si Yulo ng 14.800 points sa men’s vault para sikwatin ang ginto laban kina Tachibana Shiga ng Japan at Kim Hansol ng Korea.
Sa nasabi ring event nagkampeon ang Tokyo Olympian sa 2021 World Championships na idinaos sa Kitakyushu, Japan.
Isinunod ni Yulo ang gold sa parallel bars sa nakuhang 15.167 points.
Nakatakda ang 2022 World Championships sa Oktubre sa Liverpool, England kung saan hangad ni Yulo na makolekta ang ikatlong gold medal matapos magkampeon sa men’s floor exercise noong 2019 sa Stuttgart, Germany at sa vault noong 2021 sa Kitakyushu, Japan.
Nauna nang inangkin ng 22-anyos na si Yulo ang ginto sa floor exercise at pilak sa individual all-around ng nasabing continental championship sa Doha.
NAGPASYA si Japanese tennis star Naomi Osaka na umatras sa paglalaro sa Wimbledon.
Ito ay dahil sa iniinda niyang Achilles injury.
Natamo niya ang nasabing injury noong Madrid Open na siyang dahilan ng hindi niya paglalaro sa WTA 100 tournaments sa Open.
Sa kanyang social media ay nagpost ito ng video na patuloy ang kanyang recovery.
Pinayuhan siya ng kanyang mga doctor na huwag munang maglaro kaya minabuti niyang magpahinga muna.
Tiniyak nito sa mga fans na agad siyang maglalaro kapag tuluyan na itong gumaling.
NANUMPA na si Sara Zimmerman Duterte-Carpio bilang ika-15 bise presidente ng Republika ng Pilipinas sa pangunguna ni Supreme Court Associate Justice Ramon Paul Hernando.
Nagbigay ng maikling talumpati si VP Sara at nanindigan sa kaniyang pagmamahal sa bayan.
“Hindi ako ang pinakamagaling, o pinakamatalinong tao sa Pilipinas at sa mundo — ngunit walang makakatalo sa tibay ng puso ko bilang isang Filipino,” ayon kay VP Sara.
Binigyang diin nito na ibibigay niya ang kanyang sarili para sa pagsisilbi sa Pilipinas.
“The voice of 32.2 million Filipinos was loud and clear — with the message to serve our motherland. And this message has been reiterated in my oath: to consecrate myself to the service of the nation.” sabay sabing “Magkasama sana tayong bumangon bawat araw kasabay ang nag-aalab na pangako sa ating mga puso na mahal natin at patuloy nating mamahalin ang Pilipinas hangga’t tayo ay nabubuhay.”
Sa kabuuan ay naging mapayapa ang pagtitipon.
Samantala, kasama ni VP Sara sa entablado ang kaniyang mga magulang na sina Pangulong Rodrigo Roa Duterte at inang si Elizabeth Zimmerman habang dumalo sa panunumpa ni VP Sara ang ilang mga kilalang opisyal ng gobyerno na sina President-elect Bongbong Marcos, dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, Congressman Martin Romualdez, ilang mga senador, kongresista at miyembro ng gabinete. Kabilang naman sa mga nagtanghal sina Andrew E., Robert Sena at Isay Alvarez. (Daris Jose)
WARNER Bros. has debuted the first look at Ryan Gosling’s Ken in the live-action Barbie movie.
The two-time Oscar nominee is shown sporting bleach blonde hair and a cutoff jean jacket that highlights Gosling’s incredible physique.
Following in the footsteps of the first image of Margot Robbie as Barbie, the debut of Gosling’s shirtless Ken portrayal is another excellent look at the movie. The almost all-pink design of the location he’s standing in front of matches what was seen before.
The Ken-labeled underwear, all-jean apparel, bleach blonde hair, and muscular look of Ryan Gosling’s Barbie character immediately provide an idea of what Ken will be like.
There have been reports that Barbie features multiple versions of Barbie and Ken, so it will be fascinating to see if other versions of Ken have a similar design to them.
Meanwhile, Barbie fans have found themselves divided over the latest image to emerge from the film that shows Ryan as an older Ken.
But the new image of Gosling highlights his six-pack abs, spray-tan and bleach blonde hair – the likes of which makes him appear pretty convincing as a comical “perfect” boyfriend.
And regardless of what fans online might think about Gosling as Ken, it’s pretty hard to deny that he looks great for 41.
While Robbie’s Barbie and Gosling’s Ken have not been shown together, it is easy to see how well they will work together. This should also continue to raise excitement for the potential photo reveals of Simu Liu, Alexandra Shipp, Issa Rae, Will Ferrell, Kate McKinnon, and the rest of Barbie’s all-star cast.
Anyway, after decades of being an iconic toy line for Mattel, the Barbie brand is venturing to Hollywood like never before.
There have been multiple attempts to make a live-action Barbie movie over the years, with Amy Schumer previously attached to lead a film.
However, the project’s changes in development led to Little Women director Greta Gerwig taking control and Margot Robbie becoming the new face of Barbie.
The film has certainly been a long time in the making, with initial reports about its production emerging as far back as 2009. Several high profile names such as Diablo Cody, Amy Schumer and Anne Hathaway were all associated with the film at one point or another, but it wasn’t until Robbie, Gerwig and Noah Baumbach came onboard that things really began to gel.
Barbie is currently filming in England, with an official release date set for July 21, 2023. (source: screenrant.com)
(ROHN ROMULO)
BILANG bahagi ng kanyang kampanya laban sa “disinformation” at kasinungalingan, kinokonsidera ng kampo ni outgoing Vice President Leni Robredo ang gumawa ng legal action laban sa mga nagpapakalat ng fake news sa social media matapos ang kanyang termino sa Hunyo 30 .
“Sa darating na mga linggo at buwan, tayo ay maglulunsad ng isang malawakang pagkilos at inisyatiba para tugunan at kalabanin itong paninira at paglaganap nitong fake news at kasinungalingan sa social media. Klaro na itong klase ng kalakaran ay nakakasira sa ating demokrasya at maayos na diskursong pampubliko,” Atty. Barry Gutierrez, tagapagsalita ni Robredo.
“Pinag-uusapan, kasama ng ilang grupo ng mga abogado, ang pagsasampa ng kaso laban doon sa mga tao na pinipilit na ipagpatuloy ito at posible ring laban doon sa mga mismong plataporma na nagho-host ng mga ganitong klaseng materyales gayang mga social media platforms na meron tayo sa kasalukuyan,” dagdag na pahayag nito.
Paliwanag ni Gutierrez, hindi nila ito ginagawa para lamang kay Robredo kundi para rin sa kapakanan at kabutihan ng buong bansa at ng buong lipunan.
“Kailangan mapalabas natin ‘yung totoo. Kailangan ang ating usapan ay nakabatay sa katotohanan at datos, at hindi sa fake news,” ayon kay Guttierez. (Daris Jose)