• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for December 20th, 2022

Pilipinas, maaaring makamit ang ‘upper middle-income status’ sa 2025

Posted on: December 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INIHAYAG ni Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan na malamang na maabot ng Pilipinas ang target nitong maging upper middle-income economy sa 2025.

 

 

Sa kanyang unang State of the Nation Address noong Hulyo, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hinahanap ng kanyang administrasyon na dalhin ang Pilipinas sa “upper-middle income status by 2024” na may “at least $4,256 income per capita.”

 

 

Sa ilalim ng na-update na mga pamantayan ng World Bank, ang isang upper middle-income na ekonomiya o bansa ay may gross national income (GNI) per capita na nasa pagitan ng $4,046 at $12,535.

 

 

Ang nakaraang administrasyon ay naghahangad na dalhin ang bansa sa katayuan ng upper-middle income sa 2020, ngunit ang ekonomiya ay napunta sa pag-urong dahil sa pandemya.

 

 

Noong 2019, ang Pilipinas ay ikinategorya bilang isang lower-middle income country na may gross national income (GNI) per capita na nasa pagitan ng $1,006 at $3,955.

 

 

Ang data mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) ay nagpakita na ang gross national income (GNI) per capita ng bansa ay nasa P182,438 (mga $3,300) noong nakaraang taon, mas mataas kaysa sa peak ng pandemic year 2020 na P177,546 (mga $3,200) ngunit mas mababa pa rin kaysa sa pre. -pandemic gross national income (GNI) per capita na P200,135 (mga $3,600) noong 2019.

Tulak kalaboso sa P1 milyon shabu sa Caloocan

Posted on: December 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments
MAHIGIT P1 milyon halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa isang umano’y tulak ng illegal na droga matapos matimbog sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City, Lunes ng umaga.
          Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong suspek bilang si Jessie Zozobradon alyas “Jess”, 32, (watchlisted) ng Brgy. 174 ng lungsod.
          Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) District Director PBGEN Ponce Rogelio Peñones Jr, sinabi ni Col. Lacuesta na dakong alas-7:20 ng umaga nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Major Dennis Odtuhan, kasama ang 3rd MFC RMFB-NCRPO ng buy bust operation sa Captain Rico St., corner Tulip St., Barangay 174, Camarin.
          Isang undercover police ang nagawang makipagtransaksyon sa suspek ng P37,500 halaga ng droga sa suspek at nang tanggpin nito at marked money mula sa police poseur-buyer kapalit ng umano’y shabu ay agad siyang sinunggaban ng mga operatiba.
          Nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 150 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P1,020,000.00; at buy bust money na isang tunay na P500 bill at 37 pirasong P1,000 boodle money.
          Pinuri naman ni Peñones ang patuloy na pagsisikap ng Caloocan City Police para sa kanilang walang humpay na kampanya kontra sa ilegal na droga na nagresulta sa pagkakaaresto sa umano’y notoryus na tulak ng droga.
Kakasuhan ng pulisya ng paglabag sa Section 5 (Sale), Section 11 (Illegal Possession of Dangerous Drug), Article II of RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022) ang suspek sa Caloocan City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)

Suplay ng NFA rice, sapat para sa mga Kadiwa store-PBBM

Posted on: December 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments
MAY sapat na bigas ang  National Food Authority (NFA) para suplayan ang mga Kadiwa store ngayong Kapaskuhan.
Pinangunahan kasi kahapon, araw ng Sabado ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang “surprise inspection” sa warehouse ng National Food Authority (NFA) sa Valenzuela City.
Nais kasi  ni Pangulong Marcos na personal na i-check ang suplay ng bigas.
Sinabi ng Pangulo na nais niyang masiguro na may sapat na suplay ng bigas na mabibili sa murang halaga sa lahat ng Kadiwa outlets.
“This is already the season na naglalabas na ng bigas, so tuluy-tuloy na siguro ito para naman matiyak natin na ang Kadiwa ay hindi mauubusan ng commodities na ipagbibili at a good price na P25,” ani Pangulong Marcos.
“Tinitingnan ko kung saan manggagaling ‘yung ‘supply na pinagbibili natin sa mga Kadiwa. So, pinuntahan ko muna kung may laman naman ‘yung mga warehouse at merong parating pa nga,” dagdag na wika ng Pangulo.
At sa tanong kung sapat ang suplay ng bigas, sumagot si Pangulong Marcos sa mga mamamahayag na “Oo, mukha naman, so far. Nabawasan kasi, talagang binawasan natin ‘yung importation, doon natin kinukuha sa production. So okay, I think we’ll be alright.”
Gayunman, sinabi ni Pangulong Marcos na kailangan na mahigpit na  i-monitor ang suplay ng bigas dahil  makaaapekto sa produksyon ang “masamang panahon.”
“Pero, siyempre, kailangang bantayan nang husto iyan. ‘Pag tinamaan na naman tayo ng masamang weather, mararamdaman na naman natin ‘yan sa supply ng palay, ng bigas,” ayon sa Pangulo.
Si Pangulong Marcos ay umuupo rin bilang Agriculture secretary.
Ukol naman sa suplay ng sibuyas, sinabi ng Pangulo na tinutugunan na ng gobyerno ang problema hinggil dito.
“Ang nangyayari ngayon is that we’re finding a way. Ang daming nahahanap ngayon na smuggler na kinukuha namin. As quickly as possible, naghahanap nga kami ng paraan kasi usually ‘yan kakasuhan mo pa bago i-auction. By the time i-auction mo ‘yan, wala na, sira na ‘yan. Kaya sabi ko hanap tayo ng paraan para mailabas kaagad, mailagay sa market lahat ‘yan. So ‘yun ang pinag-aaralan namin ngayon, anito.
“Baka by next week meron na tayong solution,” aniya pa rin
Tinatayang may P3.9 milyong halaga ng imported white onions na di umano’y smuggled ang nakumpiska ng mga awtoridad sa Divisoria, Maynila. (Daris Jose)

Michael Keaton Directed Noir Thriller Reveals Al Pacino & Cast

Posted on: December 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

AFTER finding himself in the middle of the continued content turmoil at Warner Bros. Discovery and DC, Michael Keaton has shifted his focus to his upcoming noir thriller Knox Goes Away, which has revealed Oscar-winning actors Al Pacino and Marcia Gay Harden and Westworld star James Marsden as members of its impressive cast.

 

Keaton, who is still slated to reprise his Batman role in The Flash, will star in the film, embark on his second career directorial effort, and serve as a producer. The film was put up for sale and acquired at the Cannes Film Market back in May.

 

According to Variety, Keaton’s thriller has added Pacino, Harden, and Marsden to a cast that also includes Suzy Nakamura, Joanna King, Ray McKinnon, John Hoogenaker, and Lela Loren. The film was penned by Awake and National Treasure: Book of Secrets writer Gregory Poirier. Michael Sugar, who produced the 2015 Best Picture Oscar-winning film Spotlight, which starred Keaton, is also attached to produce.

 

In a joint statement, the production companies behind the film stated their goal was to make an original noir-thriller, which some may feel have fallen out of Hollywood’s favor in recent decades, but remain a classic film genre.

 

 

Keaton is in the director’s chair for the second time in his illustrious Hollywood career, but it’s the first time he has actually planned to direct. His previous directing credit was on 2008’s The Merry Gentleman, another crime-thriller that saw Keaton starring, but as a troubled detective tracking down the hitman.

 

He wasn’t supposed to direct the film, but the original director and writer Ron Lazzerti’s appendix burst prior to the start of filming. Keaton then took on the role of director for the film, which was met with high praise at the Sundance Film Festival. Unfortunately, the film was marred by legal battles and didn’t meet its monetary expectations.

 

The production on Knox Goes Away kicked off in late summer of this year, and shooting on the film recently wrapped. Keaton plays the role of John Knox, a hitman diagnosed with a fast-moving case of dementia. In his final days, he vows to do right by his estranged adult son, played by Marsden. There will be a dual ticking clock element as Keaton runs from the authorities and his looming battle with dementia, shaping up to be a dark, dreary callback to classic noirs of the past with moments of action, suspense, and heavy emotion that should be captured in great effect by its wonderful cast. Many are sure to consider Knox Goes Away an exciting project, as it gives audiences another opportunity to see Keaton in action after the unceremonious canning of Batgirl.

 

This time around, there doesn’t appear to be any drama involved. His role as director was set in stone from the very beginning, and he is reuniting with familiar executives from his past critically-acclaimed films. With a strong cast in place led by the legendary Michael Keaton both in front and behind the camera, Knox Goes Away could end up being one of the more engaging noirs in recent memory. (source: screenrant.com)

(ROHN ROMULO)

Dream house nila ni Dingdong, pinakita na for the first time.. MARIAN, naiiyak pa rin ‘pag napag-uusapan ang pagkakaroon ng isang buong pamilya

Posted on: December 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments
SA unang pagkakataon sa telebisyon, ipinakita na ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera ang kanilang bagong gawang bahay sa Makati sa ‘Kapuso Mo Jessica Soho’.
Kahit nagpasilip, masasabing na-maintain pa rin ang privacy ng bahay dahil halos ‘yung naipo-post lang din nila sa social media nila ang ipinakita.
Pero tiyak na maaaliw ang mga nanood, lalo na sa mga fan ng Dantes Squad dahil sa pa-sample ni Zia Dantes ng husay niya sa pagtugtog ng piano habang sinabayan ng pagkanta ni Ms. Jessica. At ang kabibuhan at kaguwapuhan naman ni Sixto.
During their interview, hindi napigilan ni Marian na maging emosyonal. Tuwing mapupunta talaga ang topic sa pagkakaroon ng isang buong pamilya. Naluha pa rin si Marian kahit ilang beses na niya itong sinasabi.
Sabi ni Marian, “Pangarap ko po talaga, at ito ‘yung dasal ko na ‘yung mga anak ko, kasama nila sa paglaki ang mga magulang nila. Kasi ako, hindi ko ‘yun na-experience.”
Nag-trabaho na sa ibang bansa ang Mama ni Marian habang separated na ito sa Daddy niya na Espanyol naman. Ang Lola Ingga ni Marian sa Cavite ang nakasama niyang lumaki.
Beautiful family talaga sina Dingdong at Marian na ang wish pa rin, kung pagbibigyan daw sila ay mabigyan pa rin ng younger sibling sina Zia at Sixto.
Sa isang banda, ikatutuwa rin sigurado ng mga fan, lalo na ni Marian dahil nabanggit nito na by 2023, after nga na mamahinga muna from doing any teleserye, may gagawin na raw siya.
***
POSITIBO si Direk Lino Cayetano sa darating na 2022 Metro Manila Film Festival.
Ang totoo pala, hindi naman nila inaasahan na ang Rein Entertainment’s movie na “Nanahimik Ang Gabi” ay magiging isa sa walong official entries for MMFF.
Kaya gano’n na lang ang positivity na meron siya dahil naniniwala rin siya na magaganda ang line-up ng MMFF ngayon.
Excited daw siya lalo na after nanahimik naman talaga ang mga tao sa panonood ng sine dahil sa pandemic, sana maging hudyat ang MMFF ngayon na maibalik ang interes, lalo na ng mga Pinoy sa movies.
Suspense/thriller ang genre ng “Nanahimik ang Gabi”, kaya walang isyu sa kanila kahit madalas sabihin na ang “Deleter” ang nag-iisang horror movie sa filmfest ngayon.
Sabi pa ni Direk Lino, “It’s made for the theaters. Sana ho, ma-experience niyo ang maupo ro’n na may kasamang mahal niyo sa buhay or date o mga kaibigan.
“At makita niyo ang inihanda nating amazing performance from Mon (Confiado), Ian Veneracion and Heaven Peralejo.”
At sey rin niya, revelation daw talaga si Heaven sa movie.
“Magugulat kayo sa performance ni Heaven dito. Napakagaling niya,” papuri nga nito sa kanilang lead actress.
Kay Mon naman daw, akala niya wala na siyang ikagugulat dito.
“With Mon, akala ko hindi na ko magugulat ni Mon Confiado. Pero ginulat pa ko. Si Ian, napaka-charming, guwapo, seductive. Pero pagdating dito, pwede rin pala siyang nakakatakot. Ang lalim ng iba’t-ibang characters. It’s really cinematic experience.”
Ang ‘Nanahimik ang Gabi’ ay mapapanood na sa December 25.
(ROSE GARCIA)

Ads December 20, 2022

Posted on: December 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PNP: 192K pulis ikakalat ngayong holiday season

Posted on: December 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

UPANG masiguro ang kaligtasan at kaayusan sa pagdiriwang ng Pasko ngayong taon, tinatayang nasa 192,000 pulis ang ipakakalat sa buong bansa.

 

 

Ayon kay PNP Chief General Rodolfo Azurin, Jr., titiyakin niya ang police visibility sa lahat ng mga lugar na dinadagsa ng tao.

 

 

“So kailangan nakikita ang ating kapulisan, ang kanilang mga mobile patrol lalo na kung Simbang Gabi dahil madilim pa. So, dapat very visible ang ating pulis para sa ganoon, anytime na kailangan ng assistance ng ating mga kababayan ay nandyan lang po sila,” ani Azurin.

 

 

Bukod sa mga pulis, nakaantabay din ang nasa 29,400 force multipliers sakaling kailanganin sa mga lugar na kailangan ang dagdag na seguridad.

 

 

Tiniyak din ni Azurin na may mga police assistance desks at motorist assistance centers para sa mga nangangailangan ng tulong at responde.

 

 

Sa ngayon aniya, ay wala pa silang natatanggap na mga untoward incidents simula noong Disyembre 16 na pagsisimula ng Simbang Gabi.

 

 

Samantala, pinaalalahanan ni Azurin ang publiko na mag-ingat sa mga shop lifters, at holdaper.

 

 

Aniya, umaatake ang mga ito sa mga shopping malls kung saan sinasamantala ang buhos ng mga nagsa-shopping para sa kanilang mga panregalo.

 

 

“‘Yung mga salisi sa mga malls, sa simbahan, lalo na sa Divisoria… sana pag-ingatan nila ang kanilang kagamitan… maging alerto sa lahat ng oras,” ani Azurin.

 

 

Dagdag pa ng PNP chief, may mga pulis ding magpapatrol kasama ang mga barangay officials upang masiguro na ligtas ang publiko sa pagdiriwang ng holiday season.

 

 

Ito aniya ang resulta kaya wala ng pulis ang pinapayagang mag-leave mula Disyembre 15 hanggang Enero 10, 2023. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Pinas, nakapagtala ng $655M deals sa China Intl Import Expo

Posted on: December 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments
NAGTAPOS ang partisipasyon ng Pilipinas sa 5th China International Import Expo (CIIE) sa  “high note” na may  total sales and deals na nagsara sa record na $655.15 million.
Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na napagtagumpayan ng bansa ang target na nalampasan ang  nakaraang taon na CIIE sales na $597 million, o 9.74%.
“The outcome also sustains a five-year streak for the Philippines of consistently higher sales, year-on-year dating back to the Expo’s inception in 2018,” ang pahayag ng  DFA sa Twitter.
Ayon sa Philippine Trade and Investment Center-Shanghai (PTIC), ang value ng  CIIE sales ngayong taon ang pinakamataas din ngayong taon para sa partisipasyon sa trade expo “anywhere in the world.”
“Our trade and agriculture officials and exhibitors did a marvelous job,” ayon Kay Philippine Consul General to Shanghai Josel Ignacio.
“This stellar outcome also leaves no doubt about the robust demand for quality Philippine food products and agricultural produce in China’s huge and still expanding market,” anito sabay sabing “There is plenty of room to fill, and the annual CIIE is unmatched as a vehicle for our future promotion and closing those crucial deals.”
Sinabi pa ng DFA na “contributing to the outstanding results was the participation of a record high 62 food and food-related Philippine companies, and the spotlight trained this year by the Philippine government on coconut and specialty coffee.
Ang  CIIE ay largest import-themed exhibition sa buong mundo at nagaganap sa Shanghai tuwing Nobyembre. (Daris Jose)

Dapat talagang ipagmalaki ayon kay Sen. Revilla: Pinoy Pride na si SOFIA FRANK, nakasungkit ng ginto sa 2022 Asian Open Figure Skating

Posted on: December 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments
NAGBIGAY ng karangalan sa bansa ang Pinay figure skater na si Sofia Lexi Jacqueline Frank na kung saan nasungkit ang inaasam-asam na gintong medalya sa katatapos na 2022 Asian Open Figure Skating competition na ginanap sa Jakarta, Indonesia.
Ito ang pinakabagong tagumpay ng magandang atletang Pilipina.  Si Frank ay kasalukuyang may pinakamataas na markang ISU Female athlete sa Pilipinas habang siya ay dalawang beses na Junior World Figure Skating competitor.
Ang tagumpay ni Frank sa Indonesia ay nakatulong sa pagpapatibay ng Senate Resolution No. (SRN) 360 na ipinakilala ni Senator Bong Revilla.
Sa pinakahuling tagumpay ni Sofia, mas ipinagmamalaki niyang maging isang Pilipino. Tunay na ang ating mga manlalarong Pilipino ay hindi lamang itinuturing na mga world-class na atleta kundi pati na rin mga world-class na kampeon, say ni Revilla sa kanyang speech.
Nasungkit ni Frank, dagdag ni Revilla, ang gintong medalya matapos umiskor ng 50.19 puntos sa Short Program Segment at 93.78 puntos sa Free Skating, na nakakuha ng kabuuang 143.97 puntos sa Senior Women category.
Dagdag pa ng senador, hindi na siya magtataka kung balang araw ay kakatawan at magiging unang Filipino gold medalist si Frank sa Winter Olympics.
Ipinahayag din ni Senate Majority Leader Joel Villanueva ang kanyang pasasalamat kay Frank sa kanyang natatanging pagganap sa figure skating competition at sa pagpapakita ng world-class na kakayahan ng mga Filipino skaters.
“Ang pambihirang pagganap ni Sofia Frank sa 2022 Asian Open Figure Skating Trophy ay isang patunay ng tiyaga, kahusayan, at world-class na talento ng mga Filipino skaters,” dagdag ni Villanueva.
Kinatawan din ni Frank ang bansa sa iba’t ibang international figure skating competitions tulad ng World Junior Figure Skating Championship, challenger series na Finlandia Trophy, Colorado Spring Invitational at ang US International Figure Skating Classic kung saan nakatanggap siya ng mga natatanging pagkilala.
Si Frank ay nagsimulang mag-skating sa edad na tatlo at sinanay nina Natasha Adler De Guzman at Quida Robins sa loob ng 10 taon hanggang sa siya ay kinuha sa ilalim ng pakpak ng kilalang Olympic coach na si Tammy Gambill kung saan siya nakipagkumpitensya sa Junior-Senior level ng Estados Unidos. Figure Skating at International Selection Pool.
Sa kasalukuyan ay sumasailalim si Frank sa mahigpit na pagsasanay sa oras para sa 2024 Winter Olympics sa Paris, France kung saan kakatawanin niya ang bansa sa Figure Skating competition nito.
Kasalukuyang nasa bansa si Frank para sa “Carols On Ice,” isang fundraising gala ng Philippine Skating Union (PHSU).
Ang PHSU ay ang National Sports Association na namamahala sa figure at speed skating sa Pilipinas.
Nakatuon ang organisasyon na tulungan ang mga Filipino elite athletes at aspiring skaters na maabot ang kanilang buong potensyal sa pamamagitan ng pagsasanay habang nagbubukas ng mga pinto para sa kanila na makipagkumpetensya sa international arena.
Ang “Carols On Ice” ay magaganap sa Disyembre 21, Miyerkules, 8pm sa SM Mall Of Asia skating rink. Ang palabas na ito ay inorganisa ng PHSU sa pakikipagtulungan ng SM Skating. Ang tema ng taong ito ay “Journey To A Dream”.
(ROHN ROMULO)

Nakatutuwa ang mga description ni Yasmien: ALDEN, magulo na makulit at sobrang madaldal naman na si BEA

Posted on: December 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAKATUTUWA ang mga description ni Yasmien Kurdi kina Alden Richards at Bea Alonzo na mga katrabaho niya sa ‘Start-Up PH.’

 

“Magulo, hindi niyo alam na magulo siya sa set,” unang sinabi ni Yasmien tungkol kay Alden.

 

“Makulit. Kung ano yung pino-portray niya… nagulat ako na hindi pala siya ganun.

 

“Makulit si Alden. Ano talaga, jolly na bubbly na makulit si Alden in real life.”

 

Gumaganap si Alden sa ‘Start-Up PH’ bilang si Tristan Hernandez samantang si Yasmien naman ay si Ina Diaz.

 

Aliw rin ang paglalarawan ni Yasmien kay Bea na gumaganap namang bilang si Dani Sison.

 

“Matangkad, super in real life,” ang bulalas ni Yasmien.

 

“Para siyang minsan mas matangkad pa siya sa ibang mga beauty queens, ganun siya katangkad. Ano siya puwede talaga siyang sumali ng beauty contest sa sobrang tangkad.

 

“Ano siya machika, akala mo before tahimik na tao, pero madaldal pala. Non-stop ano yun, chika, so kailangan handa lahat ng chika mo rin para mayroon ka ring ambag na chika, teka may chika rin ako teka,” sinabi pa ni Yasmien tungkol kay Bea.

 

***

 

NUMBER four si Mikee Quintos sa most viewed artists sa TikTok sa Pilipinas ngayong 2022!

 

Bukod dito ay kabilang din sa Top 10 ng “Artists with Most New Followers” list ng TikTok Philippines ang Mano Po Legacy: The Flower Sisters actress.

 

Deserve naman ni Mikee ang achievement na ito dahil may mabuti siyang adhikain.

 

Sa isang interview kay Mikee ay sinabi ng aktres na layunin  niya na makapagbigay ng good vibes at i-promote ang mental health awareness online, lalo na sa tulad niyang millennials..

 

“I hope yung mga taong nakakakita nun, nai-spread ko yung positive vibes. Don’t forget to have fun pa rin and appreciate, be contented, ‘yung mga gano’ng feels.

 

“Iyon yung gusto kong i-resonate sa mga nanonood,” pagbabahagi pa ng Sparkle actress.

 

***

 

BIBIDA sina Glaiza de Castro at Mike Tan sa kaabang-abang na seryeng handog ng GMA Afternoon Prime, ang ‘The Seed of Love’.

 

Sa seryeng ito, panoorin si Glaiza bilang si Eileen, asawa ni Bobby na gagampanan naman ni Mike Tan.

Kuwento ito ng mag-asawang nakabuo ng pamilya sa pamamagitan ng in-vitro fertilization ngunit isang malaking plot twist ang malalaman nila.

Kasama rin sa seryeng ito sina Valerie Concepcion, Boy2 Quizon, Tina Paner, Bernadette Allyson, Ervic Vijandre, Yana Asistio, Ashley Rivera, at Allan Paule.

Abangan ang world premiere ng The Seed of Love soon on GMA Afternoon Prime.

(ROMMEL L. GONZALES)