SA PAGSiSIMULA ng rehistrasyon ng SIM card, pinaalalahanan ni Camarines Sur Rep. at National Unity Party (NUP) president LRay Villafuerte ang mga cellular phone owners ng tinatayang 150 million Subscriber Identification Module (SIM) cards na iaprehistro ang kanilang numero sa loob ng ibinigay na deadline upang maiwasan ang automatic deactivation ng kanilang SIM numbers.
Umaasa naman ang mambabatas na mayroon ang Department of Information and Communications Technology (DICT) at National Telecommunications Commission (NTC) ng isang “ultrasafe cybersecurity system” sa implementing rules and regulations (IRR) ng bagong batas ukol sa SIM registration upang maiwasan na magkaroon ng breach sa mga sensitibong datos ng registered celfone subscribers at maiwasan na maabuso ng ilang mapagsamantalang PTEs (public telecommunications entities) at iba pang grupo.
Ang pahayag ng mambabatas ay kasunod na rin sa pagsisimula ngayong Disyembre 27 ng implementasyon ng Republic Act (RA) 11934 o batas ukol sa mandatory registration ng SIM cards ng lahat ng celfone subscribers sa bansa.
Sa ilalim ng batas, ang lahat ng existing postpaid at prepaid SIM users ay kailangang magparehistro, sa loob ng 180 araw o 6 na buwan upang hindi ma-deactivate ang kanilang celfone numbers.
Pero, nakasaad sa IRR ng RA 11934 na maaaring mapalawig ang deadline nito ng hanggang 120 araw o apat na buwan pa.
Upang magparehistro, ang bawat individual celfone user o SIM card owner ay kailangang magsumite ng detalye ukol sa kanya tulad ng pangalan, kapanganakan, kasarian, current o official address at official identification (ID) card at numero sa PTE kung saan siya may mobile phone subscription.
Naniniwala ito na sa pamamagitan ng mandatory SIM registration, ang lahat ng mobile phone subscribers ay as mapoprotektahan mula sa phone-based scams tulad ng smishing.
Mas magiging madali rin sa otoridad o PTEs na ma-trace ang personalidad na nasa likod ng text scams at mapanagot ang mga ito sa breach of privacy at iba pang pangloloko.
Ang ‘smishing’ ay short message service (SMS) phishing kung saan sinusubukang makapangloko ang scammers sa pagkuha ng kanilang personal information, tulad ng passwords at credit card numbers, at bank accounts. (Ara Romero)