PUMALO na lamang sa P8.2 trillion mula sa P9 trillion ang kabuuang investment cost ng infrastructure flagship projects (IFPs) ng administrasyong Marcos matapos na linisin at walisin ng economic team ang inulit lamang na proyekto.
Kabilang dito ang sinimulan sa ilalim sa nakalipas na administrasyon.
“The total investment value, we used to say P9 trillion, is now estimated at P8.2 trillion,” Diokno said during his weekly press chat.
Buwan ng Marso, inaprubahan ng National Economic and Development Authority Board (NEDA) Board, pinamunuan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. (chairman) ang kabuuang 194 IFPs halaga ng P9 trillion, binubuo ng 123 “bagong ” proyekto at 71 mula sa nakalipas na mga administrasyon.
Winika ni Diokno na natuklasan ng economic team ng administrasyon na “some redundancies, that’s why it was reduced…”
Samantala, sinabi pa ni Diokno na ang 194 IFPs, “68 projects are currently on-going implementation, 25 are approved for implementation, nine for government approval, 52 are under project preparation, and 40 are under pre-project preparation.”
Kabilang sa nagpapatuloy na IFPs at iyong mga inaprubahan para ipatupad ay 19, inaasahan na makokompleto sa pagtatapos ng 2023.
Ang kabuuang 79 proyekto ay target naman na makompleto sa pagtatapos ng termino ni Pangulong Marcos.
“The top three sources of funding for the infrastructure program are official development assistance, which has the biggest share at P4.51 trillion; followed by public-private partnership at P2.5 trillion; and the national budget or the General Appropriations Act at P850.58 billion,” ayon sa ulat.
Sinasabing, naglaan ang administrasyong Marcos ng 5% hanggang 6% ng gross domestic product (GDP) ng bansa para sa infrastructure initiative nito. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)