• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 30th, 2023

Nang tinawag na ‘next John Lloyd Cruz’: JOSHUA, honored at inaming nakatulong sa pagiging aktor

Posted on: May 30th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

WALANG ibang maaaring mag-claim na siya ang “next John Lloyd Cruz” kundi si Joshua Garcia.

 

 

At ano kaya ang reaksyon ng “Unbreak My Heart” actor tungkol dito?

 

 

“Sobrang flattering, parang gusto ko lang na maglaho na parang bula,” sabi ni Joshua sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Huwebes.

 

 

Pero paglilinaw ni Joshua, noon niya madalas madinig ang naturang komento, at hindi na ngayon.

 

 

Itinuturing niyang karangalan ang naturang bansag na susunod na “John Lloyd Cruz.”

 

 

“Hindi ko na siya (masyadong) nakukuha. Mabuti siya para sa akin kasi,” saad ni Joshua.

 

 

“I’m honored na matawag bilang John Lloyd Cruz, nakatulong din siya sa akin, sa karera ko, na tinatawag nila akong ganu’n,” patuloy niya.

 

 

Pero paliwanag niya, “Siyempre ako, nandoon ako sa gusto ko rin i-prove na may sarili ako.”

 

 

Sinabi ni Joshua na hindi pa sila nakakapag-usap ni John Lloyd tungkol dito sa tuwing magkikita, pero nagkakamustahan sila.

 

 

Huli raw silang nagkasama nina John Lloyd, kasama sina Bea Alonzo at Julia Barretto.

 

 

Bida si Joshua sa “Unbreak My Heart,” na historical collaboration ng GMA Network, ABS-CBN, and Viu Philippines.

 

 

Sa naturang romantic drama series, ipinakilala si Rose, ginagampanan ni Jodi Sta. Maria, na lumipad pa-Switzerland para hanapin ang kaniyang anak na si Sandra.

 

 

Si Gabbi naman ay si Alex, na tinanggihan ng kanyang boyfriend matapos mag-propose ng kasal.

 

 

Pareho nilang matatagpuan ang karakter ni Joshua, na nakararanas ng mga isyu sa pamilya at pera.

 

 

Ang karakter naman ni Richard Yap ay bahagi ng nakaraan ni Rose.

 

 

Kasama sa cast sina Eula Valdes, Sunshine Cruz, Laurice Guillen, Jeremiah Lisbo, Will Ashley at Maey Bautista.

 

 

(ROMMEL L. GONZALES)

PBBM, tiniyak sa mga Cebuano ang patuloy na suporta mula sa gobyerno, tutuparin ang campaign promises

Posted on: May 30th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PATULOY na magbibigay ng suporta ang administrasyon sa  mga Cebuano para makamit ang “development at economic prosperity” para sa buong bansa.

 

 

Sa naging talumpati ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Office of the Presidential Assistant for the Visayas (OPAV) sa Cebu City, sinabi ng Pangulo na pangangasiwaan ng kanyang administrasyon ang  implementasyon ng big-ticket infrastructure projects para mas mapabilis ang pag-unlad hindi lamang para sa nasabing lalawigan kundi maging sa buong bansa.

 

 

“Nakita ninyo naman, marami tayong kailangan pinapaspas, minamadali doon sa trabaho ng paglagay ng mga pagbabago, paggawa ng lahat ito, lahat nung nakikita ninyong problema na hinaharap natin. Precisely, lahat talaga nung ating isinisigaw noong kampanya,” ayon sa Pangulo.

 

 

“Nandoon talaga ‘yung agrikultura, nandiyan ‘yung energy, nandiyan ang ating mga maliliit na negosyante, ‘yung mga MSMEs (micro, small, and medium enterprises) na ating tinatawag. Dahan-dahan natin talagang tinutulungan sila at masasabi ko naman na ‘yung ating pinaglaban noong nakaraang halalan ay hindi lang naman slogan ang ating isinigaw at ‘yung pinag-usapan ay talagang ginagawa natin,” dagdag na wika ng Pangulo.

 

 

Tinuran pa ng Pangulo na nasa tamang direksyon ang kanyang administrasyon lalo pa’t may ilan sa campaign promises nito ang natupad na simula nang maupo siya sa posisyon bilang halal na Pangulo ng bansa.

 

 

“Sa ngayon, ‘yung ekonomiya natin dito sa Pilipinas, kasama ko lang ‘yung mga business community ng European Union, ‘yung mga iba’t-ibang bansa. Eh tayo ngayon ang fastest growing country in the world,” ayon sa Punong Ehekutibo.

 

 

“Tama ‘yung ating direksyon. Tama ‘yung ating mga iniisip. Tama naman ‘yung ating mga ipinaglaban. Talagang ipinaglaban naman talaga natin ‘yan dahil hindi naman naging madali. Syempre wala naman kampanya na madali,” aniya pa rin sabay sabing ang kanyang panawagan na “pagkakaisa” ay naging epektibo sa  nation-building.

 

 

Pinasalamatan naman ng Pangulo ang mga Cebuano, isa sa “biggest voting blocs” sa bansa, para sa kanilang nagu-umapaw na pagsuporta at tiwala  noong nakalipas na presidential election.

 

 

“Dahil sa tulong ninyo at napakalaking bahagi syempre ang Central Visayas, napakalaking bahagi ng voting population ng buong Pilipinas,” ayon sa Pangulo.

 

 

“Where Cebu goes…maraming sumusunod. So, it is very important ‘yung ginawa ninyo para naabot natin itong magandang pagkapanalo at masasabi natin, may unity tayong pinag-uusapan. Nagawa natin dahil lahat sumama na sa atin,” lahad nito.

 

 

Lahat aniya ay handang tumulong sa kanyang administrayson para iangat at paghusayin ang buhay ng mga Filipino. (Daris Jose)

NDRRMC nakaalerto na kay Betty

Posted on: May 30th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

HANDA  na ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) para sa kanilang emergency preparedness and response (EPR) protocols at preparation para sa pananalasa ng bagyong Betty.

 

 

Ayon kay Civil Defense Administrator and NDRRMC Executive Director Ariel Nepomuceno, nakikipag-ugnayan na sila sa iba’t ibang ahensiya para masiguro na nakahanda na ang lahat mula sa national hanggang local level.

 

 

“We have already identified and activated appro­priate emergency preparedness and response protocols in different regions to be affected by the weather disturbance,” pahayag pa ni Nepomuceno.

 

 

Ang EPR protocols ay mga hakbang na dapat gawin ng mga concerned government agencies at local government units bago manalasa ang bagyo at habang ginagawa ang response operations.

 

 

Sinabi pa ng NDRRMC na sa kabuuan may 1,679 teams mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), at Philippine Coast Guard (PCG) ang naka-standby para sa posibleng search, rescue, at retrieval operations.

 

 

Sa pinakahuling ulat ng PAGASA may 12 na lugar sa bansa ang isinailalim sa Signal No.1 habang papalapit ang bagyong Betty sa mga lalawigan sa Luzon.

‘Aquaman and the Lost Kingdom’ Has The Chance To Beat ‘The Flash’

Posted on: May 30th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

DESPITE The Flash’s high anticipation and positive reviews, Aquaman and the Lost Kingdom has the chance to be DC’s most successful movie of 2023.

 

 

DC movies have had a bumpy ride at the box office for a long time. For every record-breaking hit like The Dark Knight there has been a box office bomb like Green Lantern, and for every successful DCEU entry like Wonder Woman there has been a massive flop like Wonder Woman 1984 or Shazam: Fury of the Gods.

 

 

DCEU movies have also experienced a complex reception. For instance, Batman v Superman: Dawn of Justice remains the second-best box office success in the franchise, but it is perhaps one of the DCEU’s most divisive entries for DC fans, critics, and the general audience.

 

 

On the other hand, The Suicide Squad received much better reviews than Suicide Squad and Black Adam, but its box office performance still failed to match its positive reception. Likewise, The Flash has all the necessary elements to rise to the top of the DCEU’s box office rankings, but Aquaman and the Lost Kingdom could still surpass it.

 

 

The Dark Knight raised the bar not only for DC movies but also for superhero movies as a whole, both in terms of critical reception and in terms of commercial success. Naturally, The Dark Knight’s massive impact carried over to its sequel, The Dark Knight Rises, which surpassed its predecessor at the box office despite divisive reviews. Since then, Marvel dominated the superhero scene unanimously with the Avengers movies and their MCU interconnectivity.

 

 

But to the surprise of many, James Wan’s Aquaman beat The Dark Knight and quickly rose to the top of the most successful DC films and claimed a spot in the highest-grossing superhero movies of all time.

 

 

Before the 2018 movie, DC’s Aquaman had struggled with constant jokes at his expense due to his unique powerset and colorful costume. Besides, the DCEU’s Aquaman had only appeared in a cameo in the divisive Batman v Superman: Dawn of Justice and then appeared in the highly controversial Justice League.

 

 

But even with those factors against him, Jason Momoa’s Aquaman suddenly became DC’s best asset, so it would make sense that Aquaman and the Lost Kingdom can now replicate the first movie’s success and dominate 2023’s box office despite not having well-defined selling points like Michael Keaton’s older Batman or the concept of the multiverse.

 

 

One specific factor Aquaman and the Lost Kingdom does have in its favor is a lack of competition in theaters. Although its performance seemed at risk back when every major blockbuster was constantly changing release dates due to the COVID-19 pandemic (the Aquaman sequel competed with Avatar: The Way of Water at one point), Aquaman and the Lost Kingdom now has free rein to take over the December 2023 box office, as Wonka and Ghostbusters: Afterlife 2 are less likely to recapture Aquaman’s phenomenon and Zack Snyder’s Rebel Moon will release on Netflix.

 

 

The Flash is undoubtedly a much highly anticipated movie due to how long it has been in development, how important it might be for DC’s cinematic future, and how shocking its twists and cameos may be. The Flash has all the makings for a top summer blockbuster, Aquaman and the Lost Kingdom may subvert expectations once again in its tried-and-true December slot.

 

 

Since Aquaman and the Lost Kingdom is a more standalone movie, its reception will likely depend solely on its script, performances, and visuals. Amber Heard’s participation in the Aquaman sequel may be its only potential controversy, and even then, Mera’s role will be too small to affect the film significantly.

 

 

While The Flash can be either a massive success or a massive disappointment, Aquaman and the Lost Kingdom could either strike gold twice in a row or simply fall short of its predecessor. (source: screenrant.com)

(ROHN ROMULO)

PCSO kasado na sa pamamahagi ng ayuda

Posted on: May 30th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ng Philippine Cha­rity Sweepstakes Office (PCSO) na handa na sila sa pamamahagi ng relief goods para sa mga taong maaapektuhan ng bagyong Betty.

 

 

Kasunod ito sa direktiba ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa lahat ng kinauukulang ahensya na kailangan maghanda para sa malawakang operasyon ng pagtulong sa mga lugar na maaapektuhan ng bagyo.

 

 

Mabilis na inatasan ni PCSO General Ma­nager Mel Robles ang mga branch office at Small Town Lottery Authorized Agency Centers (STL AACs) sa Northern Luzon na maghanda para sa pamamahagi ng tulong para sa mga pamilyang maaapektuhan ng bagyo.

 

 

“We understand the importance of preparedness, and our branch offices will be in constant coordination with local organizations and go­vernment units for effective response and distribution of assistance,” ayon kay GM Robles.

 

 

Nauna nang naghanda ang PCSO Main Office sa Mandaluyong City ng libu-libong food packs bukod sa mga sako ng bigas at relief goods na nakaposisyon sa mga sangay nito sa Cagayan at Benguet; at STL ACCs sa Baguio, Pangasinan, Cagayan, Iloocs Norte, La Union, Kalinga at Olongapo. (Daris Jose)

‘Di makapaniwala na kasama sa sitcom ni Vic: BRUCE, tanggap ang pagkabuwag ng loveteam nila ni ALTHEA

Posted on: May 30th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

“YUNG role ko dito si Doe, si Doe ay isang dedicated na tao.

 

 

“Pinalaki siya sa kalye so binigyan siya ng opportunity ni Ninong Spark which is played by Jose Manalo na magkatrabaho which is delivery driver.

 

 

“Tapos nung nalaman ni Doe na may isa pang delivery driver na si Fred which is played by Abed Green siyempre nagulat si Doe kasi siya yung binigyan ng role e for the work, kaya si Fred at tsaka si Doe palaging magkaaway kasi palagi silang nagpapagalingan,” ang personal na paglalarawan sa amin ni Bruce Roeland tungkol sa papel niya sa ‘Open 24/7’ na bagong sitcom ng GMA at M-Zet Productions na pinagbibidahan nina Vic Sotto at Maja Salvador.

 

 

Tinanong namin si Bruce kung ano ang pagkakapareho niya sa pagkatao ni Doe at Bruce.

 

 

“Baligtad talaga! Malayo. Kasi si Doe, laking-kalye e, so Tagalog na Tagalog, ako naman hindi ako galing sa English, galing ako sa Dutch.

 

 

“Kaya yung Tagalog-English malayo. Tsaka pinalaki si Doe sa iyon, sa kalye, ako naman from Europe, so ibang-iba po.”

 

 

Hindi ba siya nahirapan, na mabuti na lang at matatas siyang mag-Tagalog.

 

 

“Eversince 2014 nandito na po ako sa Pilipinas,” kuwento pa ng Filipino-Belgian.

 

 

At malamang ay kainggitan si Bruce ng iba pa niyang kapwa Sparkle artists dahil kasama siya sa isang show kung saan si Vic Sotto ang bida.

 

 

“Iyon nga, hindi pa rin ako makapaniwala, e!

 

 

“Like it’s one in a million times opportunity talaga na si Bossing Vic ang makakasama so it’s a blessing, it’s a blessing talaga.

 

 

“And I thank GMA for this opportunity, I thank everyone from M-Zet Productions and siyempre I thank Papa God for this amazing opportunity.

 

 

“Yeah, super-excited,” ang masayang wika pa ni Bruce.

 

 

Ano ang nakita o naobserbahan niya sa pakikipagtrabaho kay Vic?

 

 

“Sobrang relaxed niya pagdating sa set. Na parang hindi niya iniisip na trabaho iyon, na parang yung role niya parang siya talaga iyon, yung pinapakita niya sa screen.

 

 

“Nakita ko na professional talaga, e! Na it’s part of his body yung pagiging aktor.”

 

 

Napadako naman ang usapan namin ni Bruce sa pagkakabuwag ng loveteam nila ni Althea Ablan.

 

 

“We’re okay, me and Althea. I wish the best for her. Pero yeah, it’s a decision made by GMA, and I respect GMA’s decision.”

 

 

Bakit kaya sila pinaghiwalay?

 

 

“It maybe because of certain plans of GMA, na may plan sila for me becoming a solo actor, si Althea becoming a solo actress or maybe having a different loveteam.

 

 

“Wala namang problema sa akin basta I respect everyone’s decision. If it’s the decision by GMA I have to accept it, kung desisyon ng GMA alam ko na tama iyon since sila yung mga professional.”

 

 

Good friends raw sila ni Althea at hindi rin siya nanligaw.

 

(ROMMEL L. GONZALES)

PBBM, pinasinayaan ang P1B Pier 88, nangako ng mabilis na biyahe sa Visayas

Posted on: May 30th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang grand launching ng Pier 88 sa munisipalidad sa lalawigan ng Visayas, nag-alok nang mas mabilis na  transport alternative para sa mga mananakay at cargo sa Cebu.

 

 

“It’s encouraging to see that a massive undertaking such as this, where the local government takes the lead and collaborates with the private sector and other local governments, in the pursuit of objectives consonant with the national development agenda,”  ang pahayag ni Pangulong Marcos sa kanyang naging talumpati.

 

 

“With the many benefits to the public interest, these projects showcase kindred examples of good urban planning. Let us imagine if these kinds of projects are replicated across the country, laterally and locally coordinated, and harmonized both on the provincial and national levels—then we could say that we are genuinely closer to our ambition of a prosperous, inclusive, and resilient society,” dagdag na wika ng Pangulo.

 

 

Ang Pier 88 ay isang  mahigit na P1 billion public-private partnership project sa pagitan ng munisipalidad ng  Liloan at mga  pribadong kompanya na Pier 88 Ventures Inc., Topline Group of Companies, Viking Land, at FL Port Management Corp.

 

 

“As a smart port, it will integrate digital technology into its operations by using QR codes and a radio frequency identification-ready (RFID) system to be integrated with a mobile application, providing passengers with seamless and convenient traveling,” ayon sa ulat.

 

 

Matatagpuan sa Barangay Poblacion, inaasahan na ang Pier 88 ay magsisilbi sa mga byahero na papunta at paalis ng  Cebu mainland via bayan ng Liloan town tungo sa  Metro Cebu,  Camotes group of islands, at Bohol at Leyte provinces.

 

 

“The close-to-three-hectare smart port will help decongest traffic in Metro Cebu, particularly Consolacion and Mandaue City, by providing an alternative mode of transport from Liloan to Mactan and Cebu City and vice versa,” ayon pa rin sa ulat.

 

 

Ang paglulunsad sa  Port 88 ay nataon naman sa 178 taong anibersaryo ng  Liloan, at muling paglulunsad ng Rosquillos Festival na ipinangalan sa  native delicacy kung saan nakikila ang nasabing bayan ng ilang dekada na. (Daris Jose)

Gobyerno, nakakolekta ng mahigit sa P200B mula sa tax reform

Posted on: May 30th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ng  Department of Finance (DOF) na nakakolekta ang gobyerno ng P202.8 bilyong piso na karagdagang kita noong 2002 mula nang ipatupad  ang Comprehensive Tax Reform Program (CTRP).

 

 

Ayon sa DoF, ang kabuuang koleksyon noong nakaraang taon ay mataas sa 26.3% mula sa P160.5 bilyong kita noong  2021.

 

 

Sinabi ni Finance Secretary Benjamin Diokno na ang mas mataas na koleksyon ay dahil sa  “full economic recovery due to lifting of stringent quarantine measures” ipinatupad noong kasagsagan ng pandemya.

 

 

“The major gains in 2022 were seen in the imported petroleum excise tax, sweetened beverage excise tax, documentary stamp tax, and sin taxes on tobacco and alcohol,” ayon kay Diokno.

 

 

Makikita sa data ng DOF na ang kabuuang koleksyon mula sa  Tax Reform for Acceleration and Inclusion Law ay umabot sa P216.5 bilyong piso noong 2022,  tumaas ng 27% kumpara sa P171 bilyong piso na nakolekta noong 2021.

 

 

Ang koleksyon naman mula sa Package 1B o Tax Amnesty Law ay bumaba  ng 69.6% mula sa P4.6 bilyong piso noong 2021 na naging P1.4 bilyong piso noong nakaraang taon.

 

 

“Total collections from Package 2+ or the Sin Tax Laws meanwhile amounted to P65.3 billion, 23 percent higher than the 2021 collection of P52.9 billion,” ayon sa DoF.

 

 

“Revenue losses from the Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) law reached P80.4 billion in 2022, up by 18 percent or P12.4 billion from the actual impact in 2021 of P68 billion,” ayon pa rin sa DoF.

 

 

Samantala, ang panukalang tax revenue measures sa ilalim ng Medium Term Fiscal Framework (MTFF), ay makalilikha ng P145.5 bilyong piso na karagdagang kita mula 2024 hanggang  2028.

 

 

“The proposed tax revenue measures under the MTFF such as Package 4 or the Passive lncome and Financial lntermediary Taxation Act, VAT on digital service providers, and excise taxes on single-use plastics and pre-mixed alcohol are currently being deliberated and discussed at the House of Representatives and Senate, and expected to be implemented starting 2024,” ayon kay Diokno sabay sabing “Broken down, the government expects to collect P29.1 billion in 2024; P29.5 billion in 2025; P29.4 billion in 2026; P29.1 billion in 2027; at P28.5 billion in 2028.”

 

 

“The MTFF is the administration’s plan to promote fiscal sustainability and reduce the fiscal deficit while enabling economic growth,” ayon kay Diokno. (Daris Jose)

Obrero na pagala-gala habang armado ng baril sa Malabon, pinosasan

Posted on: May 30th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SHOOT sa selda ang isang construction worker matapos maaktuhan ng mga pulis na may bitbit na baril habang gumagala sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.

 

 

Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Amante Daro ang naarestong suspek na si Noel Roman, 36, construction worker ng Block 40-I, Lot 11, Phase 3-E2, Barangay Longos, Malabon City.

 

 

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen Ponce Rogelio Peñones Jr, sinabi Col. Daro na habang nagsasagawa ng routine patrol ang mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 5 sa Brgy. Longos nang isang BIN informant ang lumapit at inireport sa kanila ang suspek na armado ng baril habang gumagala sa kaabaan ng C4 Road.

 

 

Kaagad rumesponde sa nasabing lugar ang mga pulis kung saan nakita nila ang suspek na tila may inaabangan sa kanto ng Pampano St., Brgy. Longos dakong alas-4:00 ng madaling araw habang armado ng baril kaya maingat nila itong nilapitan saka sinunggaban ang hawak na isang cal. 38 revolver na may tatlong bala.

 

 

Nang hanapan ng mga kaukulang dukomento hinggil sa legalidad ng nasabing baril ay walang naipakita ang suspek na naging dahilan upang pinosasan siya ng mga pulis.

 

 

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunation Regulation Act). (Richard Mesa)

PBBM, bumuo ng inter-agency body para sa inflation, market outlook

Posted on: May 30th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAGPALABAS si Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. ng  executive order (EO) para direktang tugunan ang  inflation at palakasin ang inisyatiba para mapabuti ang ekonomiya at kalidad ng buhay ng mga Filipino.

 

 

Ang EO No. 28, tinintahan ni Executive Secretary Lucas Bersamin nito lamang Mayo 26, ay nag-aatas na lumikha ng  Inter-Agency Committee on Inflation and Market Outlook (IAC-IMO) na magsisilbi bilang advisory body sa Economic Development Group (EDG) sa mga hakbang  na magpapanatili sa  inflation, partikular na sa pagkain at enerhiya  sa loob ng inflation targets ng pamahalaan.

 

 

“In view of the increasing prices of key commodities, particularly food and energy resources, the creation of an advisory body to the EDC, tasked to directly address inflation, will strengthen the EDC and reinforce existing government initiatives aimed to improve the economy and the quality of life of the Filipino people,” ang nakasaad sa EO.

 

 

Dahil sa EO, muling aayusin at bibigyang pangalan ang Economic Development Cluster (EDC) bilang Economic Development Group (EDG) dahil sa  “there is a need to reorganize the EDC to ensure that the integration of programs, activities, and priorities toward sustained economic growth remains efficient and effective.”

 

 

Sa kabilang dako, uupo bilang chairman ng IAC-IMO ang Kalihim ng National Economic and Development Authority (NEDA) habang ang Kalihim naman ng Department of Finance (DoF) ang co-chair. Ang Kalihim naman ng  Department of Budget and Management (DBM) ang aakto bilang vice-chair ng IAC-IMO.

 

 

Ang mga Kalihim naman ng Department of Agriculture (DA), Department of Energy (DOE), Department of Science and Technology (DOST), Department of Trade and Industry (DTI) at Department of the Interior and Local Government (DILG) ang magsisilbi namang mga miyembro ng IAC-IMO.

 

 

Magiging trabaho naman ng advisory body  ang mahigpit na i-monitor ang “main drivers” ng inflation partikular na ang pagkain at enerhiya, at ang  tinatawag na “proximate sources and causes.”

 

 

Susuriin ding mabuti ng advisory body ang supply-demand situation para sa mga mahahalagang food commodities sa panahon ng pagtatanim, payagan ang periodic updating  bilang bagong impormasyon na maging  available.

 

 

Idagdag pa rito, susuriin din ng IAC-IMO ang posibleng epekto ng “natural at man-made shocks” sa suplay ng mahahalagang  food commodities at regular na imo-monitor ang data na kailangan para suriin ang food prices at supply and demand.

 

 

Inatasan din ang IAC-EMO  na “to facilitate regular and efficient data sharing among concerned agencies to effect timely supply and demand situation analysis; monitor global, regional, and domestic developments and issues that may affect prices: and provide timely recommendations to the EDG and relevant agencies on measures to curb price spikes and promote food security based on ex-ante supply and demand analysis.”

 

 

Sa ilalim ng EO, kailangan na magsumite ang IAC-IMO ng report sa EDG ng “food at energy supply at demand situation ng bansa at  pananaw kada kwarter o kung hinihingi ng pagkakataon.

 

 

Kabilang sa magiging report ay ang rekumendasyon ukol sa short, medium, at long-term measures para i-manage ang inflation.

 

 

Samantala, magbabalangkas din ang IAC-IMO  at magpapanatili ng dashboard na naglalaman ng mahahalagang impormasyon hingil sa presyo at supply at demand para sa  food at energy commodities. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)