• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 8th, 2023

‘Di naiwasang hingan ng opinyon sa ‘Eat Bulaga’: KIM, naniniwalang kahit saan mapunta ang TVJ ay susuportahan pa rin

Posted on: June 8th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

HINDI naiwasang hingan si Kim Chiu ng opinyon tungkol sa mga nagaganap ngayon sa ‘Eat Bulaga’ bilang isa si Kim sa main hosts ng katapat na ‘It’s Showtime’.

 

 

 

“Change is nandiyan na talaga yan, e. Parang hindi naman natin mababago yan. And ‘yung high respect ng bawat isa sa TVJ is really there,” pahayag ni Kim sa mediacon para launch niya bilang brand ambassador ng Sisters Sanitary Napkins kamakailan.

 

 

 

“Kahit saan man sila mapunta o kung ano man, susuportahan at susuportahan. Walang taong hindi nakakakilala sa kanila. Sobrang taas ng respeto natin sa kanila,” sinabi pa ni Kim.

 

 

 

“So, kung ano yung decision nila and whatever is happening sa base nila, it’s for them. But for us, we just have to keep on supporting kung saan man sila mapunta.

 

 

 

“And, that’s what they need also, their support. Lahat naman tayong mga artista, kailangan natin ng suportahan talaga. Hindi tayo maghihilahan pababa.

 

 

 

“We have to push forward. Lalo na sa mundo ng change. Of course, yung respeto natin, nandun talaga. Sila talaga yun,” pahayag pa ni Kim.

 

 

 

***

 

 

 

TUNGKOL pa rin sa usaping telebisyon, natanong si Aljur Abrenica kung bukas siya sa posibilidad na muling magtrabaho sa GMA-7 kung sakaling magkaroon ng collaboration ang GMA-7 sa ABS-CBN (tulad ng ‘Unbreak My Heart’) o sa ibang network na maaring isama siya sa isang project.

 

 

 

“Oo. I would be happy. Kung interesado sila, sana…” ang simpleng sagot ni Aljur na nakausap namin sa grand opening ng bagong branch ng Idara Aesthetics and Café sa North Tower ng SM The Block.

 

 

 

Kasama ni Aljur ang girlfriend na si AJ Raval sa event pero magalang naman na nakiusap ang aktor na walang personal na mga katanugan sa kanilang dalawa.

 

 

Dumalo raw sila sa nasabing event bilang suporta sa Idara Aesthetics and Café Cinic ng mga kaibigan nilang mag-asawang Philip at Lui Lipnica na may-ari ng skincare clinic.

 

 

 

“Ayoko munang magsalita ng anything personal. Kasi baka ma-front page na naman to, e. We’re here for our friends…

 

 

 

“Kaibigan namin yung may-ari, kinuha kami para sumuporta dito sa Idara.

 

 

 

“Kasi may mga several businesses sila yung family nila, and may mga resorts sila, pinupuntahan namin yun.

 

 

 

“We’re very happy sa success nitong opening ng Aesthetics nila.

 

 

 

“Kanina, sa MOA, ngayon dito naman sa SM North. Iyun yung reason kung bakit kami nandito.”

 

 

 

Hindi pa sila official na celebrity endorsers ng clinic pero ayon kay Ms. Lui ay inaayos na nilang kunin sina Aljur at AJ na endorser ng kanilang clinic na ang main branch ay nasa Timog Ave., Quezon City; may branch rin sila sa Robinson’s Galleria, Ayala Felize sa Marcos Highway at magkakaroon na rin daw sa Cloverleaf.

 

(ROMMEL L. GONZALES)

VP Sara, kinilala ang ‘institutional support’ ni Leni Robredo sa OVP

Posted on: June 8th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

KINILALA ni Vice President Sara Duterte ang “institutional support”  ni dating Vice President Leni Robredo, para sa Office of the Vice President (OVP).

 

 

Sa katunayan, pinapahalagahan ni Duterte ang kontribusyon ni  Robredo sa  “Pasidungog,” isang OVP thanksgiving event para sa mga  partners nito  na ang papel at gampanin ay “significant impact in expanding the scope and enriching the socioeconomic programs” ng  OVP sa buong taon.

 

 

Hindi naman dumalo si Robredo sa nasabing event, subalit si Angat Buhay Executive Director Raphael Magno ang tumanggap ng plaque para sa kanya.

 

 

Maliban kay Robredo, pinagkalooban din ni Duterte ng plaques ang 432 local at private entities, government agencies, at mahahalagang personalidad para sa kanilang kontribusyon sa mga programa ng OVP.

 

 

“We are here because of our shared aspiration for our fellow Filipinos — especially those who have been pushed against the wall by poverty and the cycle of violence that comes with it,” ayon kay Duterte.

 

 

“We are here because of our mutual trust and respect — and our shared sense of collective responsibility to ensure the overall welfare of our people,” dagdag na wika nito.  (Daris Jose)

Cebu Bus Rapid Transit Project posibleng mahinto

Posted on: June 8th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAGBABALA ang isang Chinese contractor ng Cebu Bus Rapid Transit System (CBRTP) Package 1 na kanilang ihihinto ang construction works nito kapag ang Department of Transportation (DOTr) ay mabigong magbayad ng paunang 10 porsiento ng kabuohang kontrata na gagamitin bilang mobilization fund.

 

 

 

Binigyan ang DOTr ng hanggang June 15 upang bayaran ang nasabing halaga na siya naman kinumpirma ni Cebu BRT Project Manager at City Councilor Jerry Guardo na siya rin chairman ng city council’s Committee on Infrastructure.

 

 

 

“The Hunan Road and Bridge Construction Group Ltd is demanding 10 percent mobilization fund. Until now, they have not received it yet,” wika ni Guardo.

 

 

 

May kabuuang mahigit sa P900 million ang ginawad ng DOTr sa nasabing Chinese contractor. Sinabi ni Guardo na may mga contractors na nagsisimula na ng construction works kahit na hindi pa sila nababayaran ng advance payment.

 

 

 

Ang Hunan group ay minamadali ang construction works ng Cebu BRT Project’s Package 1 na matapos dahil si mismong President Marcos ang may gustong matapos na ito ngayon December na siyang magiging isang regalo niya sa mga Cebuanos.

 

 

 

“If the DOTr will not give in to their demand to pay the mobilization fund by June 15, the construction works will definitely be suspended. However, if they keep on their promise to pay, then the construction works will continue,” dagdag ni Guardo.

 

 

 

Inaasahang mabibigyan ng kaukulang pansin ng DOTr ang nasabing concerns ng Hunan sa loob ng 10 araw. Umaasa naman si Guardo na aaksyunan agad ng DOTr ang problema upang hindi magkaron ng balakid ang construction works na siyang nakadadagdag sa inconvenience ng commuting public.

 

 

 

Ayon naman kay CBRT Project Manager Engr. Norvin Ymbong na natanggap na ng DOTr ang sulat mula sa Hunan at sa ngayon ay ang check ay pipirmahan na lamang.

 

 

 

“Although the issue on the payment has yet to be settled, a special meeting had been set with some of the Cebu City department heads and other agencies to discuss lot acquisition, timeline, and other matter pertaining to Cebu BRT project” saad ni Cebu Brt Technical Head Engr. Carmella Enriquez.

 

 

 

Sinumulan noong nakaraang March ang construction works ng Cebu BRT Project. Ito ay may tatlong packages na nagkakahalaga ng P16.3 billion. Ang Package 1 ay may 2.38 kilometers na segregated bus lane na may apat na bus stations. Habang ang Package 2 ay may 10.8 kilometers at ang Package 3 ay may 22.1 kilometers na haba.

 

 

 

Ang Package 1 lamang ang naigawad na sa contractor habang ang 2 packages ay wala pang napiling constractors.  LASACMAR

Groundbreaking ng Proyektong Kakaiba sa Valenzuela, pinangunahan ni WES

Posted on: June 8th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

ISINAGAWA ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pangunguna ni Mayor Wes Gatchalian ang groundbreak ng ilang Proyektong Kakaiba, katulad ng New Valenzuela City Emergency Hospital (VCEH) – Multi-level Parking Building, New Annex Building, Rehabilitation ng Main Building na matatagpuan sa Brgy. Dalandanan, at ang New and Improved Valenzuela City Central Kitchen (NIVCCK) sa Brgy. Malinta, sa hangarin na lumikha ng mas maraming buhay para sa Pamilyang Valenzuelano.

 

 

Noong Disyembre ng 2012, binuksan ang Valenzuela City Emergency Hospital na matatagpuan sa G. Lazaro Street, Barangay Dalandanan na nagsilbi sa mamamayan ng Valenzuela sa nakalipas na 11 taon.

 

 

Sa patuloy na lumalagong pangangailangan para sa mga pasilidad na pangkalusugan sa lungsod, sinimulan ng pamahalaang lungsod ang rehabilitasyon ng pangunahing gusali ng VCEH, na may badyet na higit sa PhP 70,000,000, ang proyekto ay naglalayong mapabuti at lumikha ng mas state-of-the-art facilities para sa ospital tulad ng emergency complex nito, mga laboratoryo, delivery complex, isolation ward at iba pa.

 

 

Isang bagong 3-story annex building para sa emergency ospital ang nakatakda ring itayo sa parehong complex sa loob ng paligid ng emergency ospital at magkakaroon ito ng mga bagong pasilidad tulad ng medical records room, cashier’s room, breastfeeding room, Malasakit Center, PhilHealth Office, medical social service office na karamihan ay tutugon sa out-patient department ng ospital at 37-slot multi-level parking building.

 

 

Samantala, ang lumang Valenzuela City Central Kitchen sa Sitio Balubaran, Malinta na binuksan sa pamamagitan ng inisyatiba ng dating alkalde at ngayon ay si Senador WIN Gatchalian noong October 2012 ay nakapagsilbi ng higit sa 70,000 benepisyaryo ng In-School Feeding Program ng pamahalaang lungsod.

 

 

Sa muling paglulunsad ng In-City Feeding Program mula ng matigil dahil sa pandemya, isang bago at pinahusay na Central Kitchen na may 2-story building ang nakatakdang maglingkod sa mas maraming benepisyaryo sa hinaharap.

 

 

Magkakaroon ito ng mga bago at pinahusay na pasilidad tulad ng cold storage, dry storage, general supplies storage, loading bay, 6-slot parking area, generator room , pump room, LPG room, temporary waste holding area, food preparation room, main kitchen, packaging room, staging area at iba pa.

 

 

“Kung nagtatanong kayo kung bakit importante ang pagpapatayo natin nito, there are 70,000 reasons why, dahil simula po nung nagbukas ang ating central kitchen noong 2012, more than 70,000 na po ang ating napakain, kaya ang araw pong ito ay inaalay natin sa more than 1,000 kitchen volunteers natin dito, dahil kung wala po kayo ay wala pong maghahanda ng mga pagkain na ipinapakain natin sa ating mga beneficiaries, kayo po ang inspirasyon namin. Nagpapasalamat po tayo sa Ateneo Center for Educational Development, dahil sila po ang naging katuwang natin para maging kilala at matagumapy ang programa nating ito. Dahil po sa programang ito ay maraming lugar na po ang gumaya sa atin. Naniniwala po ako na ito ay napakahalaga para sa bawat Pamilyang Valenzuelano.” pahayag ni Mayor Wes. (Richard Mesa)

Ads June 8, 2023

Posted on: June 8th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Paggamit sa GSIS, SSS funds sa Maharlika pinalagan ng Senado

Posted on: June 8th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PUMALAG  ang parehong lider ng mayorya at minorya sa Senado sa naging pahayag ni Finance Secretary Benjamin Diokno na maaari pa ring gamitin ang pension funds ng SSS at GSIS para pondohan ang mga proyekto ng Maharlika Investment Corporation (MIC).

 

 

Ayon kay Senate Majority Leader Joel Villa­nueva, walang puwang ang anumang interpretasyon dahil malinaw namang nakasaad sa probisyon ang mahigpit na pagbabawal sa paggamit ng pondo ng ahensya ng gobyerno at mga GOCCs na nagkakaloob ng social security at public health insurance para sa Maharlika Investment Fund (MIF).

 

 

Nakasaad sa probisyon ng MIF Bill na ang mga pension funds sa ilalim ng SSS, GSIS, PhilHealth, PAGIBIG, OWWA at PVAO ay hindi kailanman maaa­ring gamitin na pampondo sa mga proyekto ng kor­porasyon, mandatory o voluntary man ito.

 

 

Tinukoy ni Villanueva na tatlong beses na binanggit sa inaprubahang MIF Bill ang prohibition sa paggamit ng pondo ng mga nasabing ahensya at tanggapan.

 

 

Tanong naman ni Se­nate Minority Leader Koko Pimentel, bakit ba mas­yadong interesado ang gobyerno sa paggamit ng pondo ng GSIS at SSS.

 

 

Giit ni Pimentel, “hands off” dapat ang pamahalaan sa paggamit sa pondo ng GSIS at SSS dahil ito ay private funds ng kanilang mga myembro.

 

 

Sinita pa ng senador ang tila ‘play of words’ ng gobyerno na umiiwas na gamitin ang mga salitang INITIAL CAPITAL, ADDI­TIONAL CAPITAL, AT BONDS at sa halip “SUBSCRIBE TO PROJECTS” ang gagamitin na sa madaling salita ay popondohan ang mga proyekto ng Maharlika Investment Fund Corporation. (Daris Jose)

Bagong mag-aawit may connect kay Pres. Aguinaldo: LIZZIE, kasama sana sa reunion movie nina VILMA at CHRISTOPHER

Posted on: June 8th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
SA true lang, ang bongga ng launching ng first single ng newest singer ng Star Music na si Lizzie Aquinaldo.
May titulo itong “Baka Pwede Na”, na nilikha ng award-winning songwriter at film director din na si Joven Tan. Na siya rin ang nagdirek ng ginastusang music video na hinangaan ng mga dumalong press people.
Sa surname pa lang ni Lizzie, iisipin na may connect ito sa mga Aguinaldo na kung saan nakatira sila sa Imus, Cavite. True enough, ang kanyang ama ay apo sa tuhod ng unang pangulo ng ating bansa, si Emilio Aguinaldo.
Ang parents ng beautiful 15-year old lass ay pawang nasa real estate business. At sa flyers na pinamigay, si Lizze na rin ang ginawa nilang endorser, since nasa entertainment industry na siya at may ‘K’ naman siya.
Ang launch ng first single ni Lizzie na “Baka Pwede Na” ay ginanap sa isa sa bonggang ballroom ng Luxent Hotel at may dalawang big buffet tables. Bukod sa mga give away ay nagpa-raffle pa ng cash prizes, na ikinatuwa ng mga nanalo.
Anyway, si Lizzie na pangatlo sa limang magkakapatid, na kasalukuyang Grade 9 sa British International School, ang first sa family na nagka-interes na pasukin ang showbusiness.
Kaya naman reaksyon ng pamilya niya, “they were shocked, kasi ako pa lang sa family namin ang first na nag-showbiz.
“But they understand naman na dream ko talaga ito, to be a singer and now, they’re very supportive.”
All-out nga ang suporta sa kanyang pangarap na maging sikat na mang-aawit, kaya naman pinagawan siya ng billboard na kung saan binabati nila si Lizzie sa paglabas ng kanyang debut song, na napapakinggan na sa mga FM stations, nationwide.
Kaya ang naging reaksyon niya, “nagulat nga po ako. Kasi yung billboard kasing laki ng bahay namin. Nakatutuwa.”
Ini-idolo ni Lizzie sa larangan ng pagkanta sina Lani Misalucha, Regine Velasquez, Celine Dion, Alicia Keys at si Whitney Houston, na pawang mahuhusay na singer.
Bukod sa pagkanta, type din niyang masubukan ang pag-arte, sa pelikula man o telebisyon.
At sa koneksyon ni Direk Joven na mabilis ngang nakapag-compose ng kanya para sa kanya at malaki ang posibilidad na makagawa agad siya ng pelikula.
Sa katunayang ay nag-audition siya bilang batang Darna sa ‘Darna’ na pinagbidahan ni Jane de Leon, pero hindi siya pinalad kahit alam niyang binigay ang best niya.
Pero ang nakahihinayang ay hindi siya natuloy na maging part ng reunion movie nina Vilma Santos at Christopher de Leon na ‘When I Met You In Tokyo’.
Kuwento ni Lizzie, “I auditioned sa Vilma Santos-Christopher de Leon movie and they’re willing to get me as friend ni Cassy Legaspi, but then, hindi nag-fit yung shooting sa schedule ng classes ko, so hindi natuloy.”
Isang love song ang “Baka Pwede Na”, pero nabigyan buhay naman ni Lizzie kahit hindi pa siya nagkaka-boyfriend.
Kaya natanong siya kung ano ang hinahanap niya sa guy na magpapatibok ng kanyang puso, “definitely, he has to be family oriented, kasi sobrang laki ng family namin. And also, dapat, God-fearing siya.”
Ang first single ni Lizzie na “Baka Pwede Na” ay available na rin para ma-download at napakikinggan sa iba’t ibang online music app.
Suportahan natin si Lizzie Aguinaldo na matupad ang kanyang pangarap na maging sikat na singer at aktres.
 
(ROHN ROMULO)

DSWD enhances PBBM admin’s food stamp program to promote self-sufficiency and contribute to nation-building

Posted on: June 8th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

THE DEPARTMENT of Social Welfare and Development (DSWD) is making adjustments to the food stamp program initiated by President Ferdinand R. Marcos Jr.’s administration, aiming to empower beneficiaries and encourage their active participation in nation-building.

 

 

 

DSWD Undersecretary Edu Punay said they are now working on the design of the food program to lessen the dependence of the beneficiaries on government assistance.

 

 

 

“Isang very novel aspect that we’re introducing, or component, is iyong conditionality. Ang gusto natin  (mabawasan) iyong dependency ng ating mga beneficiary sa government assistance na nakikita natin, for example sa 4Ps (Pantawid Pamilyang Pilipino Program), (dahil) talagang masyadong dependent na,” Punay told a news forum in Quezon City on Saturday.

 

 

 

“Admittedly, ang ating mga ilang beneficiaries diyan, ayaw nang umalis sa 4Ps kahit na due for graduation na sila. Ito iyong gusto nating iwasan sa mga bagong programs nating gagawin. That’s why we have the conditionalities now for the food stamp program,” Punay added.

 

 

 

Punay said they are drafting a design for the food stamp program that will require the beneficiary families to be involved in labor-capacity building.

 

 

 

“We want them to enroll in training programs of DOLE  (Department of Labor and Employment)  and TESDA (Technical Education and Skills Development Authority) so that we can capacitate them to stand on their own,” he said.

 

 

 

“While we’re helping them with their food requirements, siguro iyong maitutulong natin na pagkain sa kanila, pambili ng pagkain – gamitin na lang po nilang pamasahe papunta sa TESDA, papunta sa DOLE, paghahanap ng trabaho – iyon po ang target nitong programa na ito so that when they graduate after three or four years mayroon na silang trabaho. They can sustain their livelihood.  They can sustain their food requirements.  So, iyon po ang ilan sa mga conditionalities po natin sa programang ito,” Punay added.

 

 

 

He said that another key feature of the food stamp program is the exit mechanism for the beneficiaries.

 

 

 

“Of course, walang forever po ‘di ba kasi ayaw nating nale-left sa forever sa ayuda. Limited resources po ang gobyerno kaya kailangan, we maximize, we make use of our resources to help our poor get out of that poverty line. Kaya po ang target nating exit program dito is they graduate after three to four years once they get out of the poverty line,” Punay said.

 

 

 

“The most important, we believe, of these features ng food stamp program is the digital aspect or the component. Sa ibang bansa po, na-implement na po itong food stamp program, mayroon na sa United States iyan – ang kanilang SNAP Program.  Mayroon din po sa mga kapitbahay natin sa Indonesia, may ginawa na rin sa Mongolia, sa Brazil,” he added.

 

 

 

Earlier,  DSWD Secretary Rex Gatchalian announced they are set to pilot-test its food stamp program in the second half of the year.

 

 

 

Gatchalian said they are now in the design stage of the program to properly fill in the gaps that may be overlooked during its implementation.

 

 

 

“Mayroon na tayong first draft ng design and we will spend the remaining months of May and June in the design stage. We all know that the devil will be in the details and we have hired multiple consultants in the department to take a second look at what’s being designed para may check and balance,” the DSWD chief said.

 

 

 

“We are working with PSA’s [Philippine Statistics Authority] in-house poverty expert who is their Usec – Usec. Dennis Mapa.  He is helping us craft the concept there. So, the remaining days of May and June, we will work on designing it. Now, July to December will be the pilot run to vet the (program) properly,” Gatchalian added.

 

 

 

Throughout the program, the DSWD will continuously monitor and measure the beneficiaries in the regions that it has identified.

 

 

 

The DSWD has identified five pilot sites coming from different geopolitical characteristics – one in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), what used to be a former conflict area; one in geographically isolated regions or provinces; one in urban poor settings; one will be calamity-stricken areas; and one will be a rural poor area.

 

 

 

“We have to make sure that iyong konteksto ng programa will be designed na naaangkop sa bawat lugar,” Gatchalian said.

 

 

 

The food stamp program or the “Walang Gutom 2027” aims to provide electronic benefit transfers that will be loaded with food credits amounting to P3,000 to purchase a select list of food commodities from DSWD accredited local retailers.

 

 

 

It intends to target the bottom one million households from Listahanan 3 who belong to the food poor criteria as defined by the PSA.

 

 

 

“We believe that this program will properly address the gaps and assist its beneficiaries in attaining the recommended food and energy consumption needed for each member to perform their daily tasks and routines that have direct and indirect contribution to human capitalization and a direct positive impact towards nation-building. In other words, by meeting the daily food requirements of its target beneficiaries, the said program will sufficiently mitigate hunger caused by extreme poverty,” Gatchalian said.

 

 

 

The identified beneficiaries are families that do not earn beyond P8,000 monthly based on a PSA gauge, Gatchalian pointed out.

 

 

 

The Asian Development Bank will be providing close to U$3 million for the six-month pilot run of the food stamp program. | PND

CHED, gustong i-digitalized ang scholarships, ibang serbisyo

Posted on: June 8th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Waving colorful national Philippine flag

PALALAWAKIN ng Commission on Higher Education (CHED) ang  digitalization efforts ng administrasyon para ma-cover ang mas marami pang serbisyo kabilang na ang scholarship.

 

 

Ang  pahayag na ito ni CHED chairperson Prospero de Vera III  ay matapos tintahan ng CHED at Department of Information and Communications Technology (DICT) ang memorandum of understanding (MOU) para sa e-governance para pagsamahin ang information and communication technologies (ICT) sa  higher education sector.

 

 

Layon ng  memorandum  na i-promote ang “relevant and quality” higher education sa pamamagitan ng integrasyon ng  ICT sa sektor ng edukasyon.

 

 

“Ang balak ng CHED ay makipagtulungan sa DICT para iyong mga kailangang dokumento ng mga estudyante at iyong mga serbisyo na ibinibigay natin sa mga estudyante ay puwede nang kunin online,” ayon kay De Vera.

 

 

Sa ilalim ng scholarship digitalization plan, tinitingnan ng CHED na  makapag-secure ng ilang “landing page” kung saan ang mga estudyante ay madaling magkaka-access sa application information.

 

 

“Nandoon lahat ng scholarship ng CHED para mabasa nila iyong impormasyon, ano iyong requirements, ano iyong mga deadline tapos unti-unti gagawin natin iyong application ay online,”  aniya pa rin.

 

 

Maliban sa  scholarship services, idi- digitalize  ng CHED ang proseso ng sertipikasyon at pagkuha ng kinakailangang mga records ng bagong graduates para sa pagtatrabaho.

 

 

“Kaya’t doon sa mga handa ng mga pamantasan na sumama sa platform gagawa tayo ng signing ceremony din with DICT para sila ay sumama na sa platform at puwede nang aplayan iyong mga transcript at diploma doon,” ayon pa rin kay De Vera.

 

 

Samantala, nakiisa naman ang CHED  sa opisyal na paglulunsad ng  electronic governance Philippines (eGov PH) Super App  ng gobyerno noong Hunyo 2. (Daris Jose)

Kinumpirma ng may-ari ng TV5: TVJ at Dabarkads, opisyal na ang paglipat sa Kapatid Network

Posted on: June 8th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

OPISYAL na nga ang paglipat nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon at ng iba pang original hosts ng “Eat Bulaga” sa bago nila tahanan, ang TV5.

 

 

Kinumpirma ito ng MediaQuest President and CEO na si Jane Basas kahapon, Miyerkules, June 7 sa pamamagitan ng isang official statement.

 

 

Kaya naman nagbunyi at tuwang-tuwa ang mga naghihintay na Dabarkads sa buong mundo sa latest update tungkol sa TVJ. Done deal na nga at nagkapirmahan na magkabilang grupo kaya tuloy na tuloy ang paggawa nila ng content para sa TV sa platforms ng MediaQuest.

 

 

Ayon sa naging pahayag ni Ms. Jane Basas, “I’m happy that Tito, Vic, and Joey will now call TV5 their home.

 

 

“I’m honored that these pillars of the Philippine entertainment industry have agreed to work with us.

 

 

 

“Our partnership strengthens our ability to continue to deliver the best for Filipino viewers here at home and all over the world.”

 

 

 

Naglabas din mensahe si Tito Sen tungkol sa paglipat ng grupo sa TV5 upang ipagpatuloy ang nasimulan na isang libo’t-isang tuwa para sa sambayanang Pilipino.

 

 

 

“We are thankful to our friends at Mediaquest for this fresh start.

 

 

 

“Dahil sa ating mga Dabarkads na naging Kapatid, tuloy pa rin ang tuwa’t saya na aming dala,” pahayag ni Tito Sen.

 

 

 

Bali-balitang inaayos na ang TV5 studio sa Mandaluyong para sa bagong noontime show ng TVJ na wala pang binibigay na title. Patuloy kasi ipaglalaban nila na magamit pa rin ang titulong “Eat Bulaga.”

 

 

 

Sa ngayon, isa sa pinagpipilian na maging titulo bagong noontime show ang “Dabarkads” dahil nananatiling pag-aari ng TAPE Incorporated ang “Eat Bulaga”.

 

 

 

Hinangaan din ng mga netizen ang ginawang logo sa paglipat ng TVJ at TV5. At ang witty ng post ni Joey sa kanyang twitter account na “Dolly Parton – 9 To 5” kasama ang official video ng song na naka-post sa YouTube.

 

 

 

Usap-usapan din na magtatapos na sa June 30 ang kontrata ng ‘It’s Showtime’ sa TV5, kaya posibleng hindi na sila ma-renew sa same timeslot na hawak nila ngayon dahil uukupahin na ito sa pagpasok ng TVJ.

 

 

 

May tsika rin na puwede namang ilipat ng timeslot ang ‘It’s Showtime’, na pwedeng pre-programming ng ‘Frontline’. Magkaroon din ng pagbabago ang noontime series na iniere ng TV5.

 

 

 

Samantala, narito ang ilan komento ng mga marites:

 

 

 

“Hinintay na namin kayo Dabarkads.”

 

 

 

“Galing ng logo.”

 

 

 

“Buti ang Mediaquest ni MVP ang magpo-produce para tuluy tuloy sa success ng TV5.”

 

 

 

“Can’t wait to see them again on TV! They complete my day!”

 

 

 

“Good for them,kahit papano may established na ring viewers na ang tv5 plus tvj is tvj..so Tuloy ang isang libo’t isang tuwa.”

 

 

 

“Feeling ko cinonsider nila sa decision nila na maganda sa teaser yung tvj/tv5.”

 

 

 

“So excited for TVJ & dabarkads! More power to you guys!”

 

 

 

“May nabasa ako baka daw hindi na irenew ang showtime dahil asa tv5 na ang tvj. Naku. How true kaya?”

 

 

 

“See may plano talaga sila mag-resign that day. two days before may staff na nag file ng early retirement malamang kasama nila jan. Ang bilis naplantsa ng deal ah.”

 

 

 

“Either iligwak ang Face to Face ni K na mas mauna ka pa mainis sa host kaysa guest and ilagay sa pre-noontime ang Showtime para mag back2back with TVJ or yung 4 to 6 pm timeslot ng TV5 ilagay ang Showtime. Apektado siguro dito yung panghapon na series ng ABS and TV5 collab.”

 

 

 

“Sana soon na. Para hindi na stress parents ko. hahaha.”

 

 

 

“As a loyal Kapuso, this just makes me sad.”

 

 

 

“Oh ayan nagsama na ang IS at EB. diba everything talaga is possible!”

 

 

 

“Iba pa din ang reach ng GMA. MAS MALINAW.”

 

(ROHN ROMULO)