• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 9th, 2023

Memorable ang eksena nila kasama sina Gina at Jaclyn: ALFRED, naramdaman at nakita kay NORA ang kanyang ina

Posted on: June 9th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

INAMIN ng magaling na aktor at konsehal ng Kyusi na si Alfred Vargas na sobrang saya niya na nagkaroon ng opportunity to work with the one and only Superstar and National Artist na si Ms. Nora Aunor sa pelikulang ‘Pieta’ na dinirek ni Adolf Alix, Jr. na ipalalabas this year.

 

 

Kaya nasabi niya na, “isa sa mga pinakapaborito ko talaga to.
“Meron kaming isang eksena, magkaharap kami ni Ate Guy, very quiet lang. Na-feel ko talaga na siya ang nanay ko.

 

 

“To the point na parang nakita ko kay Ate Guy ang nanay ko.”

 

 

Papuri pa ni Alfred, “Naramdaman ko rin, na kahit Superstar siya, ‘di na pinaramdam na hindi kami magka-level. Sinuportahan niya ako, nagbibigay siya.

 

 

“Super smooth din ang shooting namin, si Ate Guy, puro take one, kaya hindi ka puwedeng hindi makipagsabayan, dahil nakakahiya.”

 

 

May isa pang eksena sa ‘Pieta’ na labis na ikinatuwa ng puso ng aktor, na para sa kanya memorable yun at imposible nang maulit pa.

 

 

“Para akong nasa Marvel Universe. Yung nagsama-sama ang mga superhero ko sa acting.

 

 

“Sa isang eksena nagharap-harap sina Nora Aunor, Gina Alajar at Jaclyn Jose, kasama rin ako. Sino ba naman si Alfred Vargas?”

 

 

Matagal na niyang gustong makatrabaho si Direk Adolf Alix, Jr, panahon pa raw ng ‘Donsol’, pero happy si Alfred na magkasunod pa sa isang taon ang ‘AraBela’ at ‘Pieta’.

 

 

Bukod kay Ate Guy, dream din niya na makatrabaho sina, “gusto ko naman si Vilma Santos, gusto ko rin makatrabaho si Hilda Koronel.

 

 

“Sa lalaki si Richard Gomez kasi idol ko yun, si Albert Martinez. Gusto ko rin makatrabaho ang younger generation.

 

 

“Gusto ko rin with my contemporaries, tulad ni Diana Zuburi for the sake of ng mga nagmi-message sa Facebook. Pwede kaming gumawa ng movie kasama Rufa Mae Quinto, comedy siguro yun. Tingnan natin, one at the time.”

 

 

Ngayong Konsehal siya, mas relax ang trabaho niya kumpara noong Congressman pa. Kaya mas marami siyang time sa kanyang family at sa gusto niyang gawin.

 

 

Pag nai-stress naman siya sa trabaho, “ang hilig ko sa bahay lang. Parang nagbabakasyon ako sa bahay. Minsan pupunta sa The Farm at San Benito o sa farm namin sa San Jose, Bulacan.”

 

 

Dagdag pa niya, “dapat ini-schedule ang time mo, kaya may date ako with Yasmine and time with kids every weekends.

 

“Pinaka-bonding ko with kids, nagpupunta kami sa farm, naglalaro sila. Nanonood kami ng netflix.

 

“Tapos sinasamahan ko sila sa kani-kanilang hobby. Yung panganay ko volleyball, yung sumunod, drawing, yung bunso, swimming.

 

Pag sinasamahan ko sila, habang nagsu-swimming o nagba-volleybal sila, nagtatrabaho din ako.”

 

 

Aminado si Kon. Alfred na hirap na hirap din siya sa pag-aaral niya. May isang mid-term exam na akala niya ay bumagsak siya, pero pumasa naman siya.

 

 

“One semester pa lang ako, hirap na ako, four years ito, paano na kaya?

 

“Challenge din sa akin ang hybrid learning. Old school ako, mas gusto ng face to face study, kahit sa presscon, gusto ko face to face. Hirap ako, pero nakaka-adopt na ako.”

 

“Pero nag-e-enjoy ako kasi mga kaklase ko mga dalubhasa sa iba’t-ibang fields.

 

“Tapos nagugustuhan ko rin ang pagiging estudyante, dahil tahimik lang. Tapos sa UP pa, yayain ko mga kaklase ko, nagpi-fishball kami, masarap ang kuwentuhan namin. Iba-vlog ko yun kaya abangan nyo,” masayang pagtatapos ng butihing Konsehal.

(ROHN ROMULO)

Pilipinas, kwalipikado na para sa visa-free travel sa Canada

Posted on: June 9th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

KWALIPIKADO  na ang Pilipinas para sa visa-free travel program ng Canada.

 

 

Ito ay matapos na ianunsyo ng Canada ang 13 mga bansa, kabilang ang Pilipinas sa mga napasama sa pagpapalawak pa nito ng kanilang visa-free travel program.

 

 

Ayon kay Canadian Minister for Immigration, Refugees and Citizenship Sean Fraser, ang naturang kautusan ay epektibong agad na ipapatupad.

 

 

Aniya, ang mga bisitang mayroong Canadian visa sa nakalipas na 10 taon o ang mga kasalukuyang mayroong hawak na valid United States non-immigrant visa ay pahihintulutan na ring bumisita sa pamamagitan ng pag a-apply para sa electronic travel authorization.

 

 

Ito aniya ay nangangahulugan lamang na mas marami pang mga indbidwal mula sa Pilipinas ang maaari nang magtungo at makabisita sa kanilang bansa nang walang nararanasang hirap sa pagsasa-ayos ng mga requirements para magkaroon ng visa.

 

 

Kaugnay nito ay naniniwala din ang Canadian official na ito ay makakatulong din upang mapalaki pa ang travel, tourism, at economic benefits, gayundin ang pagpapatibay pa sa samahan ng Pilipinas at Canada. (Daris Jose)

BAGONG PAMBARANGAY TV PROGRAM, ILULUNSAD

Posted on: June 9th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

ISANG bagong TV program tungkol sa barangay ang sisimulang ipalabas sa Hunyo 15 sa IBC 13. Ang “Bagong Barangay ng Mamamayan in Action” ay mapapanood tuwing Huwebes, simula alas-4 hanggang alas-5 ng hapon at sina Cong. Rodante Marcoleta at Dept. of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Felicito “Chito” Valmocina ang magiging host. Ang programa ay tatalakay sa mga suliranin at bagay-bagay sa barangay. Inaasahang aani ito ng maraming manonood lalo na’t nalalapit na ang barangay election ngayong taon.

PBBM, aprubado ang Export Dev’t Plan para ipuwesto ang Pinas bilang exporting hub-DTI

Posted on: June 9th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

INAPRUBAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang Philippine Export Development Plan, naglalayong palakasin ang mga industriya ng bansa at ipuwesto ang Pilipinas bilang isang ” potential exporting hub.”

 

 

Kinumpirma ni Department of Trade and  Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual sa briefing  ng Presidential Communications Office (PCO) na napag-usapan ang Philippine Export Development Plan sa isinagawang sectoral meeting kasama ang mga cabinet officials sa Palasyo ng Malakanyang.

 

 

“We presented to the President the proposed Philippine Export Development Plan, which the (Department of Trade and Industry) DTI formulated pursuant to the EXport Development Act of 1994. As already mentioned, this defines the country’s export thrusts, strategied, programs, and projects and we sought the President’s approval which we got this just some of couple of additions to the plan,” ayon kay Pascual.

 

 

“The PDP aims to address challenges that we face in various  sectors of the economy, particularly those sectors taht are involved in or potentially could be involved in exports. Our proposal is actually in line with the Philippine  Development Plan, which was earlier released  by the administration,” dagdag na wika nito.

 

 

“This export development plan will capitalize on export growth opportunities considering market trends, and the available or existing competencies in the Philippines, among our industries. It seeks to undertake an industry development-centric approach to make the Philippines a major player in the global economy and achieve sustainable development goals,” lahad ni Pascual.

 

 

Inamin naman ni Pascual na ang Philippine Export Development Plan ang “susi” para mapahusay pa ang export industry ng bansa.

 

 

“So we must develop reliable, design-driven, techonology-drive,sustainable, and forward-looking exporters to become or to make the Philippines an agile export powerhouse.As you may know, the Philippines is lagging behind our neighboring  countries when it comes to export,” aniya pa rin.

 

 

” We can consider ourselves as laggards currently, so this plan will help us uplift the government’s or  I mean, the Philippines’ performance in exports. It may not be to yet, match the levels achieved by the more-progressive neighbors that we have, but it will certainly improve the volume of our exports,” dagdag na wika ni Pascual. (Daris Jose)

Kapuso Primetime Queen, muling mapapanood: MAX, ipu-pull out sa serye ni DINGDONG para makasama nina MARIAN

Posted on: June 9th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MASAYANG-MASAYA ang fans ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera dahil finally, mapapanood na siyang muli sa primetime ng GMA-7.

 

 

After five years din ang pagbabalik ni Marian sa teleserye. At kung sino dapat ang kapareha niya sa naudlot na comeback niya bago mag-pandemic, sa suppsedly “First Lady,” si Gabby Concepcion pa rin ang kapareha niya ngayon sa “Against All Odds” with Max Collins and Gabby Eigenmann.

 

 

Si Max parang pinull-out sa “Royal Blood” at dito na siya bilang bida/kontrabida kay Marian.

 

 

Parehong busy ang DongYan ngayon. Si Dingdong naman, bukod sa movie, “Amazing Race”, “The Voice Generations”, magsisimula na ang “Royal Blood” sa June 19.

 

 

***

 

 

ANG daming natuwa na mga Pinoys sa sumalubong sa kanilang 20-foot inflatable robot na si Voltes V sa 125th Philippine Independence Day celebration sa Bergenfield, New Jersey.

 

Isa lamang ito sa mga nakahandang surprise ng GMA Pinoy TV para sa mga kababayan natin abroad. Kasama rin sa bonggang celebration ang bigating Kapuso artists na sina Xian Lim, Megan Young, Gabby Concepcion, at Ruru Madrid.

 

Ang susunond namang bibisitahin ni Voltes V ay ang Piyesta Pinoy sa Chicago ngayong June 10.

 

Samantala, patindi nang patindi na ang mga kaganapan sa hit live-action adaptation na “Voltes V: Legacy”. Kaya hindi dapat ma-miss every 8 p.m. sa GMA Network.

 

 

Siyempre mapapanuod din ito sa GMA Pinoy TV!

 

 

(ROSE GARCIA)

Pagtapyas sa oil production, hindi makaaapekto sa pump prices sa Pinas-DTI

Posted on: June 9th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MALABONG maging dahilan ng pagtaas ng pump prices sa Pilipinas ang naging desisyon ng Saudi Arabia at iba pang miyembro ng Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC) na tapyasan ang oil production.

 

 

Sinabi ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary  Alfredo Pascual sa press briefing sa Malakanyang na  tila isang “defensive strategy” mula sa oil-producing countries ang bagay dahil ang oversupply ay maaaring maging daan para sa pagbaba ng presyo ng langis, idagdag pa na habang ang presyo ng langis ay hindi tumataas, maaari rin ang mga ito na mapigilan na bumaba.

 

 

“Eh isang ano ‘to, defensive move para hindi tuluy-tuloy ang pagbaba ng oil, puwede ring hindi magresulta in increase, pero hindi na bababa ng lower level. Kung hindi nga gagalaw ang presyo, eh di neutral,” ani Pacual.

 

 

“Kung bumaba pa, baka ma-cut pa uli sila ng production. Gano’n lang naman ‘yon eh, supply and demand, kung mataa ‘yong supply kumpara sa demand, bababa ang price, kung mas mataas ‘yong demand kaysa sa supply, bababa ang price. So ‘yon ang binabalance ng mga producers,” dagdag na wika ni Pascual.

 

 

Sinabi pa nito na mayroong epekto sa presyo ng goods kung ang presyo ng langis ay tataas.

 

 

Subalit iyon ay kung tataas lamang ang presyo ng langis.

 

 

“May impact ‘yan syempre kapag tumaas ang price ng oil pero ang tingin ko nga, baka hindi naman magresulta ng pagtaas overall pero mame-maintain lang where it is para hindi na bumaba,” aniya pa rin. (Daris Jose)

Sunog sa Manila Central Post Office, dahil sa sumabog na baterya ng sasakyan

Posted on: June 9th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

AKSIDENTE lamang umano ang sunog na tumupok sa Manila Central Post Office sa Lawton, Maynila noong nakaraang buwan.

 

 

Ito ang naging resulta nang isinagawang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP), na nagsabing ang apoy ay nagmula sa sumabog na  baterya ng sasakyan na na-discharged at nag-init hanggang sa tuluyang magliyab at tumupok sa mga nakapaligid ditong combustible materials na nasa Mega Manila Sto­rage Room.

 

 

Anang BFP, kabilang sa mga gamit na naka-imbak sa naturang silid ay mga office supplies, thinner, at pintura.

 

 

Kaugnay nito, sinabi ng BFP na itinuturing nila sa ngayong sarado na ang imbestigasyon sa sunog sa post office.

 

 

Sa kanyang panig, sinabi naman ni PHLPost Postmaster General Luis Carlos na tinatanggap nila ang resulta ng imbestigasyon ng BFP.

 

 

Sa ngayon aniya ay magpopokus na lamang sila sa recovery at rehabilitasyon ng nasunog na makasaysayang gusali.

 

 

Matatandaang Mayo 21 ng gabi nang sumiklab ang sunog sa gusali.

 

 

Nagsimula ito sa basement at mabilis na tumupok sa buong gusali.

 

 

Inabot ng general alarm ang sunog bago tuluyang naapula matapos ang 31-oras.

 

 

Nasa 18 katao, na ka­ramihan ay nga bumbero, ang nasugatan dahil sa sunog.

 

 

Sa pagtaya ng BFP, aabot sa 300 milyon ang halaga ng mga ari-ariang tinupok ng apoy.

 

 

Dahil sa resultang ito, ikinukunsidera ng BFP na “case closed” na ang kaso sa pagkasunog ng 97-taong gulang na gusali. (Daris Jose)

Anthony Mackie’s Upcoming ‘Captain America 4’ Just Changed Titles Mid-way Through Production

Posted on: June 9th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

THE new title of Anthony Mackie’s first solo movie in the Marvel Cinematic Universe is Captain America: Brave New World, and the name change mid-way through production might have an interesting reason.

 

 

Mackie was first teased to be the Marvel Cinematic Universe’s next Captain America at the end of 2019’s Avengers: Endgame, with an old Steve Rogers giving Sam Wilson his iconic shield. After a long road in Disney+’s The Falcon and the Winter Soldier, Sam has finally embraced the title, becoming the MCU’s new Captain America and is set to star in his own movie next year.

 

 

Originally titled Captain America: New World Order, Mackie’s Captain America 4 got a new title, Captain America: Brave New World. The announcement came alongside the first photo of Mackie, in his new blue Captain America suit, alongside Harrison Ford on the movie’s set.

 

 

Ford plays Thunderbolt Ross in the film, taking over from the late William Hurt. Ross will be the President of the United States in Captain America: Brave New World and could have a direct connection to the new title. While a story reason could be the motivation behind the name change, a real-world issue might have also played a role in the decision.

 

 

Marvel Studios’ reason for changing titles from Captain America: New World Order to Captain America: Brave New World has not been disclosed. While the change could have been made for story reasons, it is also possible that the MCU did not want to be connected in any way to a real-world conspiracy.

 

 

Some believe that a totalitarian world government will soon be formed, the New World Order, with a secretive elite controlling every nation. It might sound hard to believe that Marvel would have changed Captain America 4’s title mid-way through production over a conspiracy; however, there is a precedent in the comics for such an event.

 

 

In recent years, the Punisher’s logo has been appropriated by groups that go against what the character stands for, which has led to numerous debates about Frank Castle’s role in the comics and real-world politics. To distance itself from those misusing the Punisher’s famous skull logo, Marvel reinvented the Punisher, putting him on a different path from his usual gun-toting ways and giving Castle a new logo that relates to the mythological Japanese demon known as Oni.

 

 

Marvel could be choosing to avoid any political connotations there might have been with the original Captain America 4 title, just like the Punisher’s logo change.

 

 

There are a few ways that the Captain America: Brave New World title could inform the story of the upcoming movie. One of them is through the new title’s connection to the Secret Empire comic book event, although Chris Evans, as an evil Hydra Captain America, would have no room in the already packed Captain America: Brave New World cast. The new title could be a nod to the rumored plot of the film.

 

 

Mackie’s Sam Wilson is said to try to stop Tim Blake Nelson’s Leader from creating an army of Hulks in the film. If the villain were to succeed, then it would indeed create a brave new world in the MCU. Ford’s Ross is also rumored to appear as Red Hulk in Thunderbolts, which could connect to the possible story reason behind the new Captain America: Brave New World title. (source: screenrant.com)

 

(ROHN ROMULO)

COVID-19 positivity rate sa bansa bahagyang bumaba sa 18.6% – OCTA Research

Posted on: June 9th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

BAHAGYANG  bumaba sa 18.6% ang kabuuang bilang ng Covid-19 positivity rate sa bansa batay sa pinakahuling ulat ng OCTA Research.

 

 

Sa isang pahayag, sinabi ni Octa Research fellow Guido David, na bumaba na ito sa 18.6% mula sa dating 19.4 percent noong nakaraang araw.

 

 

Batay sa kasalukuyang datos ng Department of Health , iniulat ni David na umabot na sa 1,337 ang bagong kaso ng Covid sa buong bansa.

 

 

389 na kaso mula sa kabuuang bilang ay nagmula naman sa National Capital Region.

 

 

Nakapagtala rin ng mga bagong kaso ng Covid sa Cavite na mayroong 88 na kaso, Bulacan (76 na kaso), Laguna (66 na kaso ), Rizal (58 na kaso ), Iloilo (52), Pampanga (45), Isabela (42), Cagayan (41), Batangas (34), Bataan (32), Pangasinan (28), Quezon (26), Nueva Ecija (25), at Cebu (20)

 

 

Samantala,ang kabuuang caseload naman ng covid 19 sa bansa ay pumalo na sa 4,147, 12 9 na kung saan ang 14, 398 dito ay mga aktibong kaso.

Nagli-lipsync sa song na “Part of Your World’: DENNIS, kinaaliwan ng mga netizen sa Tiktok video post

Posted on: June 9th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NABU-BULLY noong bata si Yasser Marta dahil sa pagiging “mabalahibo” niya.

 

 

Ngayon ay tanggap na niya ang pagiging balbon bilang isang asset ng kanyang pagiging Kapuso hunk.

 

 

“Kasi noong bata ako, binu-bully ako dahil sa buhok eh. Unggoy daw, laging sinasabing buhok na tinubuan ng tao. Natutunan ko na rin pong i-embrace rin, hindi naman ‘yung imperfections, pero kung ano talaga ako kasi dito sa atin bihira naman ‘yung may ganitong features. Pero tinanggap ko na rin at mas naniniwala ako na I am unique,” sey ni Yasser.

 

 

Patok nga sa netizens ang pagpapa-sexy ni Yasser sa social media. Kaya gusto ng marami na ituloy na nito ang planong magkaroon ng sexy image.

 

 

“Nasimulan ko na. Nag-underwear na ako, ngayon ‘yun din ang isa sa mga pinagfo-focus-an ko,” sey ni Yasser na ang pinaka-sexy part daw ng kanyang katawan ay ang kanyang mabalibong dibdib.

 

 

Sinasabong nga ng ilang netizens si Yasser sa ibang aktor na nagpo-post ng kanilang sexy photos sa social media. Ang alas nga raw ni Yasser ay ang kanyang mga balahibo sa katawan na parang nakakakiliti raw.

 

 

***

 

 

INALIW ni Dennis Trillo ang maraming netizens dahil sa pinost niyang Tiktok video n” na hango sa pelikulang ‘The Little Mermaid’.

 

 

First time kasing gumawa ng gano’ng klaseng video si Dennis kumpleto sa effects na nasa ilalim siya ng dagat at naka-make-up siya at may bulaklak sa buhok na parang isang sirena. Kasama pa niya sa video ang characters ng ‘The Little Mermaid’ na sina Sebastian at Flounder.

 

 

Ito na raw siguro ang epekto kay Dennis sa pagkakaroon ng anak na babae. Siguradong naaliw si Baby Dylan sa ginawa ng kanyang Daddy Dennis.

 

 

Umabot na sa 1 million views ang Tiktok video na ito ni Dennis na may caption na “Ariel Nievera”. Ilan sa mga nakakatuwang comments mula sa netizens ay: “ibarra the little mermaid”, “Ibarra in real world HAHAHHA”, “GO MOMSHIE KO!” at “Ang ikatlong kabanata sa buhay ni ibarra: Ang kanang lihim”.

 

 

***

 

 

UULAN na naman ng kasiyahan handog ng GMA Regional TV dahil muling dadayo sa regions ang ilan sa mga paboritong Kapuso stars.

 

 

Tiyak na lalong magniningning ang candidates ng Miss Iriga Rinconada Bicol Tourism 2023 na gaganapin sa Linggo (June 11) sa Iriga City Sports Center, Iriga City dala ng inspirasyon mula sa mga dadayong Kapuso stars. Maghahandog ng powerful at entertaining performances sina Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose at Ken Chan. Sina Martin Javier at Sophia Señoron naman ang magsisilbing hosts ng pageant.

 

 

Sa darating namang Lunes (June 12), makikisaya ang stars ng ‘Voltes V Legacy’ na sina Miguel Tanfelix, Radson Flores, Martin Del Rosario, at Liezel Lopez sa selebrasyon ng 66th Silay Charter Day Anniversary sa Silay City Public Plaza Covered Court, Silay City, Negros Occidental.

 

 

Kinabukasan (June 13), makiki-volt in din sina Miguel, Radson, at Martin sa selebrasyon ng Toboso Fiesta 2023 sa Toboso Municipal Grounds, Toboso City, Negros Occidental. Kasama pa sa paghahatid ng surprises at good vibes ang ‘Hearts on Ice’ stars na sina Ashley Ortega at Roxie Smith.

 

 

Siguradong magiging unforgettable at memorable ang karanasan ng mga Kapuso na makikisaya kasama ang mga hinahangaan nilang Kapuso stars.

 

(RUEL J. MENDOZA)