• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 5th, 2023

Nag-trending dahil sa ika-walong taon sa showbiz: MAINE, abala na sa preparasyon sa kasal nila ni ARJO

Posted on: July 5th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAG-TRENDING si Maine Mendoza.

 

 

Ang dahilan, ika-8th anniversary ni Maine sa showbiz. So most likely, ito ang pagpasok niya walong taon ang nakararaan sa Eat Bulaga.

 

 

Kahit na sabihin pang sa ika-walong taon niya, wala na siya sa GMA-7 but instead, sa TV5 na with their noontime show, “E.A.T.” ipinagdiwang pa rin ang kanyang anniversary.

 

 

Marami ang nagpapasalamat sa kanya na dumating daw talaga si Maine sa buhay nila. Obvious naman na ikinatuwa ni Maine ang pagti-trending pa rin niya at mga pagbati sa kanyang showbiz anniversary.

 

 

At sa tweet nito, sinabi niya, “Heart is full. So full. Hello July.”

 

 

Ika-apat na araw na ng July pero sa pagkaka-hello July ni Maine, bakit iba ang dating? Sa pagiging abala na talaga ni Maine para sa preparasyon sa kasal nila ni Arjo Atayde, hindi na kami magtataka o magugulat kung totoo ang mga nababalitaan namin na ngayong July ang kasal ng dalawa.

 

 

And that’s—July 28 raw.

 

 

***

 

 

NAPAKALAKAS ng following ng Kapamilya na si Vivoree.

 

 

Ibang klase rin ang fandom niya na una naming na-witnessed halos kalalabas lang niya noon ng PBB house.

 

 

Aba, hindi siya ang bida sa movie, pero sa premiere night, nagulat kami na siya ang may pinaka-malakas na sigaw at mga fan na na naka-antabay. At that time, napa- ‘the who?!’ pa kami.

 

 

At sa guesting nga niya recently at mapapanood sa YouTube ng Marites University, ang passionate rin ng mga fan niya na talagang solid for her. Tuwang-tuwa ang mga ito sa naging interview ni Vivoree. At talagang nai-inspire raw sila dahil mahusay kumanta, magsulat ng kanta, umarte at ngayon, nagho-host na rin.

 

 

Nagpasabog sa interview si Vivoree dahil first time raw niyang inamin na in her 7 years in showbiz at kahit ilan na ang inila-loveteam sa kanya, nagkaroon na pala siya ng boyfriend.

 

 

Isang non-showbiz boyfriend daw last year, pero sey niya, “wrong” daw.

 

 

Sey niya, “Almost a year rin. Kasi, na-drain po ako super. Parang siyempre, ‘di ba, when you love somebody, you really go all out.”

 

 

Generous daw talaga siya kapag nagmahal.

 

 

“If I love you talaga, lahat ng love language, pwede kong ma-provide,” sabi pa niya.

 

 

Pero, na-drain daw siya sa kanyang ex ng almost one year.

 

 

“Basta it’s a long story po, pero it’s super learning for me at ayoko ng bumalik sa gano’ng relationship. I learned so much po talaga.”

 

 

Ngayon daw, single raw siya pero happy.

 

 

Sa isang banda, si Vivoree ay isa rin sa cast ng “Iron Heart.”

Pagpapatuloy ng visa-on-arrival scheme, hinirit para sa mga Chinese nationals

Posted on: July 5th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SUPORTADO ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) ang pagpapatuloy ng visa-on-arrival scheme para sa mga Chinese nationals.

 

 

Tinukoy ang potensiyal na paghikayat  para mamuhunan sa bansa, ayon kay ARTA Director General Ernesto V. Perez sa sidelines ng isang  forum na inorganisa ng German-Philippine Chamber of Commerce and Industry sa Makati City.

 

 

Sa ulat, pinalutang ng Arta ang panukala matapos na makatanggap ang ahensiya ng reklamo mula sa  Chinese Embassy.

 

 

“If we want to encourage investment, we should make it easier for (investors) to come in,” ayon kay Perez.

 

 

We recently received a complaint from the Chinese Embassy that before you can come here … you have to apply with our consular offices. It takes three or four months to get even an appointment,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Nais naman ng ARTA na makipagpulong sa Department of Foreign Affairs at Bureau of Immigration hinggil sa nasabing usapin.

 

 

“How can investors come in when we make it difficult for them to come in and to even acquire a visa? That is one thing that ARTA is also looking into,” ayon kay Perez.

 

 

Samantala, ang  visa-on-arrival program  ay nagsimula noong 2017 na  pinahintulutan ni dating Justice Secretary Vitaliano N. Aguirre.

 

 

Isang circular  ang ipinalabas matapos konsultahin ang Tourism department, dinisenyo ito para i-promote ang turismo.

 

 

Sinuspinde naman ng gobyerno ang  visa-on-arrival privileges noong Enero 2020 kasunod ng outbreak  ng  coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic. (Daris Jose)

World Bank, inaprubahan ang $600-M loan para suportahan ang mga magsasaka at mangingisda sa Pinas

Posted on: July 5th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

INAPRUBAHAN ng World Bank (WB)  ang  $600 million (₱33.2 bilyong piso) loan  nakatuon tungo sa pagtaas  ng market access at income  para sa  mahigit sa half a million na mangingisdang Filipino.

 

 

Almost 60% of the poor work in agriculture in the Philippines, so accelerating the growth of agriculture and fishery is vital for the country’s development overall and for poverty reduction,” ayon kay  Ndiamé Diop, WB country director for Brunei, Malaysia, Philippines, at Thailand.

 

 

“Improving access to markets will help farmers and fisherfolk in rural areas raise their incomes, provide for their families, and elevate their standards of living,”  dagdag na wika ni Diop.

 

 

“The loan is expected to make them possible by upscaling the Department of Agriculture’s Philippine Rural Development Project (PRDP) launched in 2014,” ayon sa WB.

 

 

“This initiative [PRDP] has been instrumental in strengthening the agriculture and fisheries sectors, bolstering rural infrastructure, and enhancing connectivity,” ayon pa rin sa WB.

 

 

Ang  PRDP ay aktibo sa 80 lalawigan, sakop nito ang  640 munisipalidad, 32  lungsod at  633,000 magsasaka.

 

 

“The expansion aims to stimulate further growth in these critical sectors and strengthen the nation’s rural economy,” sinabi pa ng WB

 

 

Sa kabilang dako, sinabi naman ng international financial institution na ang PRDP scale-up  ay  “would improve the access of micro to medium-scale agricultural and fishery enterprises to resources, knowledge, income-generating activities, and the participation of women in the sector in these activities.”

 

 

“It will also finance post-harvest technologies, and climate-proof infrastructure “including more roads, bridges, irrigation systems, and post-harvest storage facilities such as warehouses, drying, and cold storage.” ayon pa rin sa WB.

 

 

Nauna rito, kapuwa nilagdaan ng Pilipinas at WB signed four loan agreements na nagkakalaga ng at $1.14 billion para pondohan ang inisyatiba  ukol  sa climate resilience, agricultural productivity, at  education.

 

 

Taong  2021, inaprubahan ng  WB ang  credit line na $280 million para palakasin ang  PRDP at inisyatiba  nito. (Daris Jose)

MRT-3 naghain muli ng petisyon sa taas-pasahe

Posted on: July 5th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAGHAIN muli kahapon ang pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ng petisyon para sa taas-pasahe sa Rail Regulatory Unit (RRU) ng Department of Transportation (DOTr).

 

 

Ayon kay DOTr Assistant Secretary for Railways Jorjette Aquino, na siya ring officer-in-charge ng MRT-3, layunin ng petisyon na maitaas ang kanilang boarding fare sa P13.29, mula sa dating P11 lamang, o dagdag na P2.29.

 

 

Hiniling din nila sa petisyon na mapahintulutan silang maitaas ang distance fare ng mula P1 kada kilometro at gawin itong P1.21 kada kilometro.

 

 

Sinabi naman ni DOTr Undersecretary for Railways Cesar Chavez na ­inaasahan nilang mailalabas ang desisyon sa kanilang petisyon matapos ang dalawang buwan.

 

 

Ani Chavez, tulad ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) at Line 2 (LRT-2), wala ring fare adjustment ang inaprubahan para sa MRT-3 sa nakalipas na walong taon.

 

 

Noong nakaraang buwan naman, inianunsiyo ng DOTr na pinahintulutan na ang taas-pasahe sa LRT-1 at LRT-2, simula sa Agosto 2.

Ilang taon ding nabakante sa pag-arte: MARIAN, aminadong mangangapa sa pagbabalik-serye at sa pelikula

Posted on: July 5th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

AMINADO si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera na mangangapa siya sa pag-arte pagkatapos ng ilang taon na mabakanteng gumawa ng pelikula at teleserye.

 

 

Inaayos na nga nina Marian at Dingdong Dantes ang kanilang schedule para sa nakaka-excite na reunion movie nila na “Rewind” under Star Cinema, APT Entertainment at AgostoDos Pictures, na idi-direk Mae Cruz-Alviar.

 

 

Na-announce na rin ang comeback series niya sa GMA, ang ‘Against All Odds’ na kung saan makakatambal na niya finally si Gabby Concepcion.

 

 

“Actually, yung sa soap, very excited. Kasi ang tagal na nito. Parang dapat last month pa kami mag-start.

 

 

“May mga inayos lang na konti, na sabi ko nga e, ‘Gusto ko, pag gumawa ako ng isang proyekto, puwedeng panoorin ng mga anak ko at magiging proud ako.’

 

 

“So ito yung isa sa mga proyekto na yun,” kuwento ni Marian.

 

 

Dagdag pa ng mommy nina Zia at Sixto, “About movie naman, a dream come true for me. Kasi, first time ko talaga with Star Cinema, with Dingdong.

 

 

“So, parang sabi ko, ‘Wow! Napakaganda. Napakagandang opportunity! Masarap sa pakiramdam!’ Very excited na din ako to work.”

 

 

Kahit sobrang excited sa mga projects, aminado naman ang face ng BlancPro, “Sabi ko nga, ‘Naku, back to zero na naman ako sa lighting, sa direktor, sa pag-arte!’ Sabi ko, mangangapa talaga ako, and that’s for sure.

 

 

“Pero sabi ko nga, dahil siguro sa mga makakasama ko, for sure tutulungan ako ng mga direktor, ay maibabalik ko uli yung dating sharpness ko sa pag-arte.”

 

 

At dahil magiging busy si Marian sa taping ng serye at shooting ng movie nila ni Dong, kailangan niyang kausapin ang panganay na anak…

 

 

“Kakausapin ko talaga siya. O, anak, wala si Mama, ha? You will take of your brother,’ sabi ko ganun sa kanya. ‘You update me.’

 

 

“Nanay-nanayan naman siya. Matured kasi mag-isip si Zia, e. Nakaka-proud siya bilang ate,” sey pa ng walang kupas ang ganda na aktres.

 

 

“May checklist ako sa kanya sa dapat niyang gawin. Kung puwede ko lang ma-share sa inyo, meron du’n siyang list na kailangan wina-wash niya yung underwear niya, every time na ginagamit niya.”

 

 

“So, yung kanyang routine sa bahay, cleaning the room, turn off the lights and the TV, alam mo yung kapag hindi ginagamit, clean up your room, pick up your clothes, and wash your underwear.

 

 

“Ano naman si Zia, e, alam niya kung paano niya dadalhin yung sarili niya,” kuwento pa ni Marian sa launching sub-brand/affiliate company ng BeauteDerm ni Rhea Anicoche-Tan.

 

 

Si Marian nga ang napiling maging first and only female endorser ng BlancPro, ang skin line na pang-masa dahil mas mura pero effective pa rin.

 

 

Layunin nito na tulungan ang consumers namapanatili at ma-improve ang “glow” nila na mayroong tagline na “Glow Like A Pro.”

 

 

Ilan sa mga produkto ay ang Milk Body Wash, Sakura Body Scrub, Charcoal Foam, Phyto-Emerald Moisturizing Soap, Sleeping Mask, at ang Jeju White Brightening and Moisturizing Lotion na signature endorsement ni Marian para sa BlancPro, na kung saan katuwang siya sa pag-formulate nito, mula sa mga sangkap, scents, container at packaging.

 

 

Nasubukan din niya ito, kaya nakasisiguro siyang mataas ang quality ng mga produkto at magugustuhan ito masa, na ngayon ay abot-kaya na ang magpaganda nang pangmatagalan.

 

(ROHN ROMULO)

DOT pinutol ang kontrata sa ad firm na gumamit ng ‘stock footage’

Posted on: July 5th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

KINANSELA na ng Department of Tourism (DOT) ang kontrata nito sa advertising company na DDB Philippines na nasa likod ng inilabas na campaign video sa turismo ng bansa na “Love The Philippines.”

 

 

Nag-ugat ito sa pag-amin mismo ng ahensya na gumamit ng “stock footage” sa audiovisual presentation nito sa bagong promotional video na pinuna ng blogger na si Sass Sasot kung saan mapapanood ang ilang eksena na hindi kinuha sa Pilipinas kundi sa ibang bansa.

 

 

Kabilang sa tinukoy ang kuha umano sa rice terraces sa Bali, Indonesia; isang mangingisdang naghahagis ng lambat sa Thailand; isang pampasaherong eroplano sa Zurich, Switzerland; tumatalon na mga dolphin; at isang taong nagmamaneho ng sasakyan sa mga buhangin sa Dubai, United Arab Emirates.

 

 

Sa isang pahayag nitong Lunes, sinabi ng DOT na nilabag ng DDB Philippines ang ilang mga tuntunin sa ilalim ng kontrata ng campaign branding sa turismo kabilang ang paggamit ng mga orihinal na materyales para sa promotional video.

 

 

“As DDB Philippines has publicly apologized, taken full responsibi­lity, and admitted in no uncertain terms, that non-original materials were used in their AVP, reflecting an abject failure to comply with their obligation/s under the contract and a direct contravention with the DOT’s objectives for the enhanced tourism branding, the DOT hereby exercises its right to proceed with termination proceedings against its contract with DDB,” saad sa isang pahayag ng DOT.

 

 

“The DOT shall exer­cise its right to forfeit performance security as a result of default in obligations under the contract, as well to review standards of performance or lack thereof vis-a-vis any claims for payment and/or any other engagement,”dagdag pa nito.

 

 

Nitong Linggo, Hulyo 2, 2023 nang humingi ng paumanhin ang nasabing ad agency sa DOT sa pag-amin na ginamit nila ang non-original stock footage sa campaign video, isang araw matapos iutos ng DOT ang imbestigasyon sa kinukuwestiyong video. (Daris Jose)

MTRCB To Review Vietnam-banned ‘Barbie’ Movie

Posted on: July 5th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

THE Vietnam-banned movie “Barbie” starring Oscar-nominees Margot Robbie and Ryan Gosling as Barbie and Ken, will be reviewed for rating and classification.

 

 

Movie and Television Review and Classification Board chairperson Lala Sotto made the statement when the MTRCB was asked if the Philippines will also ban the movie for showing a map which featured China’s nine-dash-line in the South China Sea.

 

 

According to the latest statement regarding the movie…

 

 

“We confirm that the Board has reviewed the film “Barbie” today, 04 July 2023. At this time, the assigned Committee on First Review is deliberating on the request of Warner Brothers F.E. Inc. for a Permit to Exhibit.

 

 

“Once available, a copy of the Permit to Exhibit or the Committee’s decision will be uploaded to the Agency’s official website: mtrcb.gov.ph.”

 

 

About “BARBIE”

 

 

 

To live in Barbie Land is to be a perfect being in a perfect place. Unless you have a full-on existential crisis. Or you’re a Ken.

 

 

 

From Oscar-nominated writer/director Greta Gerwig comes “Barbie,” starring Margot Robbie and Ryan Gosling, alongside America Ferrera, Kate McKinnon, Michael Cera, Ariana Greenblatt, Issa Rae, Rhea Perlman and Will Ferrell. The film also stars Ana Cruz Kayne, Emma Mackey, Hari Nef, Alexandra Shipp, Kingsley Ben-Adir, Simu Liu, Ncuti Gatwa, Scott Evans, Jamie Demetriou, Connor Swindells, Sharon Rooney, Nicola Coughlin and Oscar-winner Helen Mirren.

 

 

 

Gerwig directed “Barbie” from a screenplay by Gerwig & Oscar nominee Noah Baumbach, based on Barbie by Mattel. The film’s producers are Oscar nominee David Heyman, Robbie, Tom Ackerley and Robbie Brenner, with Michael Sharp, Josey McNamara, Ynon Kreiz, Courtenay Valenti, Toby Emmerich and Cate Adams serving as executive producers.

 

 

 

In Philippine cinemas starting July 19, “Barbie” is distributed by Warner Bros. Pictures, a Warner Bros. Discovery company.

 

 

 

Join the conversation online and use the hashtag #Barbie #BarbieTheMovie

 

 

(ROHN ROMULO)

Hihinto ang buong operasyon ng PNR sa December

Posted on: July 5th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

ANG KABUUANG operasyon ng Philippine National Railways (PNR) ay hihinto sa darating na December upang bigyan daan ang pagtatayo ng North-South Railway Projects (NSRP) ng PNR at Department of Transportation (DOTr).

 

 

 

Ang unang bugso ng konstruksyon ng proyekto ay ang maaapektuhan ay ang kahabaan ng Alabang, Muntinlupa hanggang Calamba sa Laguna ng PNR route.

 

 

 

Noong nakaraang July 2, ang mga pasahero mula Alabang papuntang Calamba ay hindi na naisakay dahil ang available na train trips ay mula Alabang papuntang Binan sa Laguna lamang habang ang Binan papuntang Calamba train trip ay huminto na ng operasyon.

 

 

 

Ayon sa PNR, may 500 na pasahero kada araw ang maaapektuhan ng paghinto ng operasyon ng PNR train.

 

 

 

Sinabi ni PNR chairman Michael Macapagal na inumpisahan nila ang maliit na bahagi dahil tinututukan nila ang magiging response ng publiko. Sa ngayon ay wala pang mga public utility buses (PUBs) ang kanilang pinatatakbo sa apektadong ruta ng PNR. Subalit kung makita nila na madami ang apektado ay magde-deploy sila ng mga emergency buses sa mga nasabing ruta.

 

 

 

Ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ay magbibigay ng karagdagan prangkisa sa mga apektadong ruta upang matulungan ang mga apektadong taong bayan na dati pang sumasakay sa PNR.

 

 

 

“The LTFRB will issue new franchises to the affected routes around Metro Manila as the suspension of operation will start in December after the Christmas season. We will wait for the easing of traffic caused by Christmas season as people will go on shopping for the holiday,” wika ni Macapagal.

 

 

 

Ang NSRP ay gagawin sa loob ng anim na taon. Sinabi ni Macapagal na kanilang tinututukan ang modernization ng train system sa bansa upang magkaron ng mga electric trains na tatakbo mula Clark papuntang Pampanga na dadaan sa Bulacan hanggang Metro Manila at tutuloy hanggang Calamba sa Laguna. Inaasahan ng pamahalaan na ang NSRP ay makakatulong upang magkaron ng isang mayabong at malagong ekonomiya ang bansa.

 

 

 

Magkakaron ng 35 na estasyon ang NSRP na may 51 na bagong electric at commuter trains kasama ang 7 hanggang 8 express trains. Ang mga trains na nabanggit ay at par sa world’s standards.

 

 

 

Sa kabilang dako, ang proyekto ng South Long-Haul o ang PNR Bicol Project ay malapit na rin simulan ang konstruksyon. Ang proyekto ay magsisimula sa Calamba, Laguna hanggang Bicol. Sa ngayon, ang pamahalaan ay nakikipagusap na sa dalawang bansa na interesado na sila ang magtayo ng system.

 

 

 

“Once the agreement is signed between the two countries on a public-private partnership or maybe government-to-government or BOT scheme, the DOTr will issue a bulletin to inform our riding public. We are hoping that by the end of July, everything will be done,” dagdag ni Macapagal. LASACMAR

Mabilis namang maka-amoy kaya walang natuloy: RABIYA, na-confuse na mas mabenta sa bading kesa sa tomboy

Posted on: July 5th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

INAMIN ni Rabiya Mateo na never pa siyang naligawan ng isang tomboy.

 

“Parang hindi ako maano sa ano, hindi ako mabenta,” pagbibiro niya.

 

“Wala talaga, kahit noong nag-aaral ako, bakit kaya,” at tumawa ang beauty queen/ actress.

 

Kuwento pa ni Rabiya, “pero maraming nanligaw sa akin na… ito yung nakakatawa, bakla! Na medyo nako-confuse sila, so may mga tatlo siguro.”

 

So, ginamit siya ng mga ito para mapatunayan kung bakla sila o hindi?

 

“Pero hindi naman ako nagpagamit.”

 

Lantad na bading na ang mga ito noong manligaw sa kanya?

 

“Hindi pa naman pero amoy ko yun, e. Pero hindi ko naman sila dyina-judge parang sinasabi ko, ‘Sis, parang same-same tayo!’

 

“Pero siyempre I was honest naman na, if I’m not interested kasi umpisa pa lang sasabihin ko na, I’m not interested.
“Kasi kesa naman magsayang tayo ng oras, di ba?”

 

Napapanood si Rabiya bilang si Tasha sa ‘Royal Blood’ na pinagbibidahan ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes bilang Napoy, weeknights 8:50 p.m. sa GMA at 11:30 p.m. mula Lunes hanggang Huwebes at 11 p.m. tuwing Biyernes sa GTV.

 

Sa direksyon ni Dominic Zapata, kasama rin serye sina Megan Young (bilang Diana), Mikael Daez (bilang Kristoff), Dion Ignacio (bilang Andrew), Lianne Valentin (bilang Beatrice), at si Rhian Ramos (bilang Margaret); may mahalagang papel naman sa serye si Tirso Cruz III bilang si Gustavo Royales.

 

 

 

***
DAHIL kasama sa siya sa cast ng ‘Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis’ ay tinanong namin si Raphael Landicho kung pangarap niya bang maging pulis, ang maging piloto ang isinagot ng batang aktor.

 

Na “natupad” kahit papaano dahil piloto ng robot na si Voltes V ang bahagi ng papel niya bilang si Little John Armstrong sa ‘Voltes V: Legacy’.

 

“Oo nga po,” ang tumatawang bulalas ni Raphael, “ako nga po si Little John nagpipiloto din po ako [ng robot]. Kaya parang nai-imagine ko na po yung sarili ko in the future na ginagawa ko iyon.”

 

Dati pa naman raw niya pangarap maging piloto pero…

 

“Nagkaroon po ako ng interes sa showbiz. Sabi ko parang, ‘Paano kaya makapunta sa TV? Paano kaya yung proseso?’
“Kaya ayun po, naging artista ako,” sinabi pa ng ten-year-old na si Raphael.

 

Nakatutuwa si Raphael dahil nalaman namin na sa halip na sarili niya ang ibili niya ng mga gamit mula sa mga kinikita niya sa showbiz, mga kapatid niya ang ginagastusan niya.

 

Ibinibili ni Raphael ang mga kuya niya ng cellphone at sapatos.

 

Bunso si Raphael sa apat na magkakapatid na puro lalaki.

 

“Proud po sila sa akin kapag napapanood po nila ako sa TV,” ang sagot ni Raphael sa tanong namin kung ano ang reaksyon ng mga kuya niya na sikat siyang artista ngayon.

(ROMMEL L. GONZALES)

Ads July 5, 2023

Posted on: July 5th, 2023 by @peoplesbalita No Comments