• June 26, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 6th, 2023

Kaya pinag-iingat ang bibisita sa ocean park: ROCCO, muntik nang mabiktima ng ‘basag kotse’ gang

Posted on: July 6th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SA pamamagitan ng kanyang Facebook page, ipinost ng Kapuso actor na si Rocco Nacino ang naging experience ng kanyang pamilya nang mamasyal sa isang ocean park sa Maynila noong July 2.

 

 

Lalo na ang naranasan ng kanilang driver na naiwan sa loob ng sasakyan, at magsilbi itong warning sa planong bumisita nasabing ocean park.

 

 

Sa pagsisimula ng post ng aktor, Hello Manila Ocean Park, I am making this post for the safety of your customers and for the welfare and security of Manila Ocean Park.

 

“Yesterday, July 2, we visited Ocean park with my family. We were 2 cars and since it was a hectic day, we brought a driver with us. As he brought us to the drop off area where my parents were waiting for us, everything went smoothly and I instructed our driver to head to the parking area of Ocean Park and rest for a while.

 

“While we were inside, our driver took a nap and turned off the engine of the car. Since hindi sanay matulog sa car, mababaw ang tulog niya.”

 

Pagpapatuloy niya, “A little later, two cars parked in front of him, and out came seven individuals, 5 of them male and 2 female. They started circling around the car, slowly peeping inside. obviously looking for something. Our driver got nervous and started to fake his sleep, but he was slowly watching them.

 

“He heard from one of the men, saying, “may tao ba? May makukuha ba?” Which the woman replied, “meron pala, natutulog.”

 

“They started to exchange looks kung itutuloy nila o hindi. But then chose to drive away nalang.”

 

Kaya ang laking pasasalamat ni Rocco sa kanilang driver, “If my driver wasn’t there, basag ang windows ko niyan, kinuha na lahat ng valuables sa loob lalo na at kitang kita na maraming baby stuff inside.

 

“If pumalag ang driver ko, most probably may baril ang mga lalaki na de kotse pa.”

 

Paglilinaw pa niya, “Posting this not to bash ocean park. But please, bump up your security. Increase roving around the parks inside and outside the park. Please invest on your security, lalo na maraming tourists na dumadalaw sa park and hotels.

 

“Napakswerte namin nung araw na iyon. I was supposed to withdraw some money and lock in in the compartment. Buti nalang hindi ko tinuloy. Kapag napagtripan kami, at nabuksan yun, goodbye pera.”

 

Paaala pa ng aktor, “For the families visiting Manila Ocean Park, PLEASE DO NOT LEAVE ANY VALUABLES INSIDE YOUR CAR. Mabuksan man nila, basta wala sila makuha na valuables.

 

“Stay safe everyone. Di na biro ang mga nilalang na gumagawa ng masama, kung ano man ang rason nila para gawin iyun. Karma nalang bahala sa kanila. Pero sana ma-realize nila kapag tinuloy nila mga gawain nila, napaka traumatizing sa mga families ang ginagawa nila.”

 

Sa pagtatapos ng kanyang post, “To everyone reading this, please share to friends na may balak pumunta ng ocean park.

 

“Ang laki laki ng kinikita niyo Ocean Park, invest naman kayo in safe parking spaces and number of security guards.
“Stay safe everyone.”

 

Well, sana naman magawa ito ng paraan at masolusyunan ng management ng ocean park, dahil hindi naman mga local ang namamasyal dyan, pati foreigners.

(ROHN ROMULO)

PBBM, ipinag-utos ang imbestigasyon sa hoarding, smuggling at price fixing ng sibuyas

Posted on: July 6th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

IPINAG- UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang masusing imbestigasyon ukol sa  smuggling ng sibuyas at iba pang agricultural products.

 

 

Tinawag ito ng Pangulo bilang “an act as being tantamount to economic sabotage.”

 

 

Sinabi ng Pangulo na “I have just given instructions to the DOJ and the NBI to initiate an investigation into the hoarding, smuggling (and) price fixing of agricultural commodities. And this is stemming from the hearing that we’ve conducted in the House, specifically by Congresswoman Stella Quimbo and the findings that they came up with.”

 

 

Sa isang Memorandum na isinumite sa Pangulo ni Marikina Rep. Stella Quimbo, pinangunahan ang  Committee on Agriculture and Food hearings sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, sinabi nito na *substantial evidence has been uncovered pointing to the existence of an onion cartel as she shed light on the causes behind the surge in onion prices in 2022.

 

 

Aniya pa, ang  cartel, pangunahing nago-operate sa pamamagitan ng  Philippine VIEVA Group of Companies Inc. (PVGCI),  naugnay sa iba’t ibang aktibidad kabilang na ang “farming, importation, local trading, warehousing, at logistics.”

 

 

Binigyang diin ng Pangulo ang kahalagahan ng mga natuklasan  bilang “sufficient grounds” para simulan ang imbestigasyon, tinukoy ang pangangailangan na tugunan ang laki ng “economic sabotage.”

 

 

“And that is why we are going to be very, very strict about finding these people and making sure that they are brought to justice,” ayon sa Punong Ehekutibo.

 

 

“The hearings highlighted the sharp increase in onion prices starting in July 2022, attributed to a perceived shortage of supply. However, data from the Department of Agriculture Bureau of Plant Industry revealed only a modest shortage of approximately 7.56 percent in 2022, which could not justify the significant inflation rates reaching 87 percent in December of that year,” ayon sa ulat.

 

 

Iniulat naman ni Quimbo rna ang pagtugon  sa cold storage facility owners sa nasabing oagdinig ay nagpapahiwatig din na sapat na suplay ng sibuyas sa panahon ng price surges.

 

 

“This led to the examination of an alternative explanation: cartel activity. The cartel allegedly engaged in price-fixing through manipulation of stocks, leveraging control over cold storage facilities,” ayon pa rin sa ulat.

 

 

Sa nasabing pagdinig, itinanggi ni  Lilia/Lea Cruz, kilala bilang  “Sibuyas Queen,” ang pagkakasangkot sa onion importation, aniya ang kanyang naging partisipasyon ay limitado lamang sa “trucking at assisting onion farmers. ”

 

 

Gayunman, sinabi ni Quimbo na ang ebidensya na ipinresenta sa pagdinig ay nagkumpirma sa  ” heavy involvement” ni Cruz sa   onion industry.

 

 

Si Cruz ayon kay Quimbo ay  “majority stockholder” ng  Philippine VIEVA Group of Companies, Inc. (PVGCI), itinalaga noong 2012. PVGCI, kasama ang iba pang major players sa   onion industry, ay isinasangkot sa  cartel operations, kabilang na ang koordinasyon ng  stock withdrawals at price-fixing sa iba’t ibang antas.

 

 

Ipinresenta ni Quimbo ang “Onion Matrix” na nagsasangkot sa ilang kompanya na sangkot  several companies engaged sa kalakalan at importasyon ng sibuyas at iba pang gulay  “acting in connivance with owners of cold storage facilities.”

 

 

“Isa sa inirekomendang aksyon ni  Quimbo para tugunan ang usapin  “effectively is the dismantling of the cartel with the help of the DOJ, the NBI and the Philippine Competition Commission. ” (Daris Jose)

Ads July 6, 2023

Posted on: July 6th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Lithuanian player tumutulong sa Gilas

Posted on: July 6th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
MALAKING  tulong para sa Gilas Pilipinas ang mga payo ni dating Lithuanian player Virginius Sirvydis na tumutulong sa training camp ng tropa sa Kaunas, Lithuania.
Ayon kay Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes, malaki ang kontribusyon ni Sirvydis na may mga puntong ibinibigay para mas lalong mapalakas ang Pinoy cagers para sa FIBA World Cup.
Isa na rito ang depensa.
“There’s a lot of room for growth and improvement for the next two months. Defensively, he’s a fundamental coach, teaches good foundation on defense. He can give us other things that can help us moving forward,” ani Reyes.
Malalim ang karanasan ni Sirvydis na siyang ama ni NBA G League player Devidas Sirvydis.
Iginiit ni Sirvydis na kailangang patatagin ng Gilas Pilipinas ang depensa nito upang makipagsabayan sa matitikas na tropa sa World Cup.
“We got to fix up (our transition) and get back on defense to make sure we know exactly what we want to do. He (Sirvydis) coaches in one of the club teams in Lithuania and has coached internationally in Kazakhstan with Astana. More importantly, I like his philosophies defensively,” dagdag ni Reyes.
Nasaksihan ni Sirvydis ang laro ng Gilas Pilipinas kung saan naipanalo ng Pinoy squad ang dalawang laro nito laban sa Ukraine under-20 team.
“The better our defense becomes, the better our offense as well cause if we defend really well in practice, we can be sharp in our offense as well,” wika pa ni Reyes.
Dalawang tuneup ga­mes pa ang pagdaraanan ng Gilas sa Lithuania.
At umaasa si Reyes na mas magiging maganda ang resulta ng laro ng kanyang bataan partikular na sa depensa.
“I like the situation where we don’t know we will be playing so that we can be adjust, which is a test of our adaptability and our flexibility. And helps us in our ability to make game time adjustments and game time decisions,” dagdag ni Reyes.

El Niño nagsimula na – PAGASA

Posted on: July 6th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
PORMAL  nang nagsimula ang El Niño phenomenon sa bansa.
Ito ang idineklara sa ginanap na briefing ng PAGASA kahapon at nagsabing naitaas na nila ang antas ng warning status mula El Niño Alert na ngayon ay El Niño Advisory.
Ayon sa PAGASA, mahina pa ang kasalukuyang El Niño pero nagpapakita na ng mga senyales na titindi ito sa mga darating na buwan.
“Isipin niyo po na ‘yung El Niño ay galing sa Pacific pero ‘yung hangin na dumarating, ‘yun ‘yung nararamdaman natin, na kulang ang dalang tubig,” pahayag ni DOST chief Renato Solidum Jr.
Ang El Niño phenomenon o panahon ng tagtuyot ay may abnormal warming ng sea surface temperature sa central at eastern equatorial Pacific Ocean at mas mababa sa normal ang pag-ulan.
Kaugnay nito, sinabi ni PAGASA climate monitoring and prediction section chief Annalisa Solis na naideklara nila ang paglitaw ng El Niño sa Tropical Pacific makaraang magtala ang Oceanic Niño Index ng 0.5°C nitong nagdaang buwan ng Abril, Mayo at Hunyo.
Dahil anya sa El Niño, nitong June 30 ang tagtuyot ay naranasan na sa Apayao, Cagayan, at Kalinga base sa 60 percent na bawas sa inaasahang pag-ulan sa nabanggit na mga lugar. Nakaranas din ng dry condition sa Isabela at Tarlac.
Dahil naman sa epekto ng Habagat ay maaaring makaranas ng above normal rainfall conditions sa kanlurang bahagi ng bansa mula Hulyo hanggang Setyembre.
Simula sa Oktubre, Nobyembre, Disyembre at Enero 2024 ay unti-unting mararamdaman ang potensiyal na epekto ng El Niño sa bansa.

PBBM, inaprubahan ang pagbawi sa public health emergency status ng Pinas

Posted on: July 6th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

“APPROVED IN PRINCIPLE ” ang ginawa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa ginawang pagbawi sa public health emergency status ng Pilipinas.

 

 

“Yes, actually, this was one of his first instructions to me, to really get out of the COVID pandemic,” ayon kay Herbosa sa  briefing sa Malakanyang nang tanungin kung masigasig ang Pangulo na bawiin ang health emergency.

 

 

At nang tanungin kung magpapalabas ang Pangulo ng executive order ukol dito, sinabi ni Herbosa na hinihintay pa niya ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) resolution mula sa kanyang predecessor.

 

 

“So, if that is not yet signed, I will follow it up with a reiteration. Because I think, at that time, they were still hesitant because there was still the problem of how we get the bivalent if we lift it. But now, I think that obstacle is gone, kasi may CPR (certificate of product registration) na tayo and everything,” ani Herbosa.

 

 

“What happens now,  is that the risk is passed on to individuals especially after the World Health Organization (WHO) removed COVID-19 from the list of public health emergencies of international concern,” dagdag na wika nito sabay sbaing “WHO now considers COVID-19 as one of the diseases and even the doctors now also consider it as just one of the respiratory illnesses.”

 

 

“There is still the risk of death for vulnerable people which is the elderly and those with medical conditions, immunocompromised. But the number of deaths has really declined,” lahad pa ni Herbosa.

 

 

Bagama’t inirekomenda na ng  IATF  na bawiin ang nasabing status, kailangan pa rin na pag-aralang mabuti  ng  Office of the President (OP) ang ilan na  ibang konsiderasyon gaya ng opisyal na pagbawi sa status, kabilang na ang   pagiging epektibo ng Emergency Use Authorization (EUA) para makuha ang bivalents.

 

 

“But with Pfizer being given a CPR by the Philippine Food and Drug Administration (FDA), the bivalent vaccines are now going to be commercially available,” ayon sa Kalihim sabay sabing  “There is delay, however, as Pfizer is looking for the retailers that have the minus 7-degree freezers required for storage.”

 

 

“I don’t know how Pfizer will do this but, eventually, it will require a physician’s prescription and then you can purchase it from them and you can also get access to bivalent vaccines,” ayon kay Herbosa.

 

 

“But for the poor, we’re still negotiating with COVAX for two million doses so that we can still be able to give to those who cannot afford to buy the bivalent,” dagdag na wika nito.

 

 

Ukol naman sa  monovalent vaccines na nauna nang  binigyan ng EUA, sinabi ni  Herbosa na maaari pang mamahagi ang gobyerno  ng mga ito sa pubiko ng libre

 

 

at nananatiling balido bilang  booster doses bagama’t “most of the demand now is the bivalent vaccines” dahil sa kanilang efficacy o pagiging epektibo laban sa pinakabagong COVID variants. (Daris Jose)

Lalong nabuhay ang BarDa at FiLay fans: BARBIE at DAVID, ire-remake ang movie nina SHARON at ROBIN

Posted on: July 6th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

LALONG nabuhay na ang mga BarDa at FiLay fans ng “Maria Clara at Ibarra.” 

 

 

Dahil ang love team nina Barbie Forteza at David Licauco, na after mag-shoot ng first movie nila together, na partly shot in South Korea, ang “That Kind of Love,” ay nagkaroon na ng look test para sa kanilang susunod na teleserye sa GMA Network, ang remake ng pelikula ng Viva Films na “Maging Sino Ka Man.”

 

 

Ang movie ay unang pinagtambalan nina Megastar Sharon Cuneta and action star, now Senator Robin Padilla.

 

 

Sinu-sino kaya ang magpu-portray ng mga roles na dating ginampanan nina Vina Morales, Edu Manzano, at Dennis Padilla?

 

 

Sa look-test ay dumating din si Juancho Trivino, kaya natuwa rin ang mga fans nila dahil kasama rin pala nina Barbi at David si Padre Salvi.  Kaya ang mga fans ng magka-love team ay kani-kaniya nang gawa ng fan-made poster, using the caption, “nagkakagusto nga ako eh!. Mahal na nga kita palagay ko! Maging Sino Ka Man.”

 

 

Malamang daw mag-training muna si David para sa action scenes ng serye,  bago sila magsimulang mag-taping.

 

 

***

 

 

UMANI agad ng maraming comments ang post ni Director Mark Reyes na, “Shall we make the “Enca Multi-Verse” happen? Are you game @anakarylle @gabbi @kylienicolepadilla @missizacalzado @glaizaredux @m_sunshinedizon @sanyalopez @dianazubirismith? #emrehasspoken #encantadiamultiverse @gmanetwork @gmanews

 

 

Ibig sabihin, pagsasama-samahin ni Direk Mark ang bumuo ng unang “Encantadia” at ang sequel ng “Encantadia” na kasama noon sina Kapuso Primetime Royal Couple Dingdong Dantes and Marian Rivera.  Kasama rin noon sina Jennylyn Mercado at Yasmien Kurdi.

 

 

Pakiusap naman ni @rafael.escobido, “Please Direk wag na po kayong kumuha ng bago sila na lang po ulit kase they are amazing!!! Sina Kylie po, sobra ang galing po, wala silang kapantay nina Iza, Diana, Sanya, Gab and Karyll the best, as well as Sunshine and Glaiza.  Sana po magkatotoo, sila na lang po ulit new and old version!”

 

 

Ready na raw Direk Mark ang mga Encantadiks!!!

 

 

                                                            ***

 

 

ANG hit Kapuso romance anthology series na “I Can See You” ay available na ngayon sa Amazon Freevee, na ikinatuwa ng mga viewers dahil sa magandang lineup ng unique stories na nagpi-feature sa mga paborito nilang Kapuso stars.

 

 

Feature dito ang “Love on the Balcony”  na tampok sina Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith.  “The Promise” naman ay tampok sina Paolo Contis, Yasmien Kurdi, Benjamin Alves and Andrea Torres.  “High-Rise Lovers” features the story of Lovi Poe and Tom Rodriguez, at ang “Truly. Madly. Deadly.” na nagtatampok kina Jennylyn Mercado, Rhian Ramos at Dennis Trillo.

 

 

Tampok naman sa heartbreaking tale na “On My Way To You!” sina Shaira Diaz at Gil Cuerva.  Sa “#Future” starring naman si Miguel Tanfelix; sa thrilling tale, “The Lookout” features Barbie Forteza.

 

 

Love is in the air with these brand new offering this 2023, on Amazon Freevee.

(NORA V. CALDERON)

Isa na ring young style icon: KENDRA, certified Instagram millionaire na

Posted on: July 6th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

CERTIFIED Instagram millionaire na ang panganay nina Doug Kramer at Chesca Garcia-Kramer na si Kendra Kramer dahil umabot na sa one million ang followers sa naturang photo-video sharing app.

 

 

 

Hindi nakapagtataka kung umabot sa isang milyon ang followers ni Kendra dahil sumikat ito sa mga nagawang TV commercials noong bata pa siya. Ngayon sa edad na 14, hindi lang mga kaedad niya ang kanyang followers, kundi pati na mga celebrities na humahanga sa ganda nito.

 

 

 

“Thanks a million! Now I just need to figure out how to fit all of you in one selfie! I’m grateful for each and every one of you my insta-fam!” caption ni Kendra sa pinost na photo bilang pasasalamat niya sa kanyang isang milyong followers.

 

 

 

Kasalukuyang nasa Italy ang Team Kramer at muling pinakita ni Kendra ang kanyang pagiging effortless na fashionista. Pinusuan ng marami ang mga pinost niyang photos sa Rome, Firenze at Lake Como.

 

 

 

Dahil isang young style icon na si Kendra, ilang netizens ang nagtatanong kunsaan nabibili ang mga sinuot nitong mga damit sa Europe dahil obsessed sila sa bonggang taste in fashion nito.

 

 

 

***

 

 

NAG-CELEBRATE ng kanyang 40 years sa showbiz industry si Pinky Amador na mas kilala na ngayon bilang ang kontrabida na si Moira sa GMA Afternoon Prime series na ‘Abot-Kamay Na Pangarap’.

 

 

 

Happy ang 57-year old actress sa naging journey ng kanyang career sa showbiz. Mula sa pagiging isang award-winning theater actress sa Repertory Philippines, na-penetrate ni Pinky ang paggawa ng pelikula at TV series.

 

 

 

“This year 2023 is my 40th in the business. Ang tanda ko na. I don’t know if I’m going to have a proper concert to celebrate my anniversary yet. Maybe next year, but you’ll never know. We’ll see. We still don’t know yet how things will pan out. My celebration will be delayed, but for sure, you’ll all know about it,” sey ni Pinky.

 

 

 

Sa Viva Films unang lumabas si Pinky sa 1986 komiks-drama na ‘Magdusa Ka!’ kunsaan gumanap siyang kontrabida ni Dina Bonnevie. Mga sumunod na mga pelikula niya ay kung hindi drama ay comedy naman tulad ng ‘Balweg’, ‘Anak Ng Lupa’, ‘Alabang Girls’, ‘Kabilin-bilinan Ni Lola’, ‘Cuadro de Jack’, ‘Sana Pag-ibig Na’, ‘Nagbibinata’, ‘Sa Huling Paghihintay’ at iba pa.

 

 

 

Kabilang din si Pinky sa original London cast ng ‘Miss Saigon’ noong 1989 kunsaan nakasama niya sina Lea Salonga, Monique Wilson, Isay Alvarez, Jenine Desiderio, Jon Jon Briones, Robert Sena. Victor Laurel and Junix Inocian.

 

 

 

Marami pa raw gustong gampanan na roles si Pinky: “I’d like to do strong women who fight against odds. Women of my age, women of a corporate background like lawyers, doctors. I’d like to do women of intelligence, women who are empowered and women who are fighting for something. Something that’s epic in proportions.”

 

 

 

***

 

 

 

NAGLUKSA ang Hollywood sa pagpanaw ng aktor na si Alan Arkin sa edad na 89.

 

 

 

Kilala si Arkin sa pagganap niya bilang mapagmahal na lolo sa 2006 film na Little Miss Sunshine kunsaan nanalo siya ng Oscar for best supporting actor.

 

 

 

“Our father was a uniquely talented force of nature, both as an artist and a man. A loving husband, father, grand and great grandfather, he was adored and will be deeply missed,” ayon sa official statement ng pamilya ni Arkin.

 

 

 

Born March 26, 1934, in Brooklyn, New York, naging member siya ng comedy group na Second City hanggang sa mapasok niya ang paglabas sa Broadway kunsaan nanalo siya ng Tony Award for Enter Laughing in 1963.

 

 

 

Noong pasukin niya ang paggawa ng pelikula, nakitaan siya ng husay sa mga roles niya in The Russians Are Coming, the Russians Are Coming, Wait Until Dark, Woman Times Seven, Inspector Clouseau, The Heart Is a Lonely Hunter, Popi, Catch-22, America’s Sweetheart, Argo, The Santa Clause 3: The Escape Clause, Get Smart, Marley & Me, Going in Style, Dumbo and his final film, Minions: The Rise of Gru in 2022 where he was the voice of Wild Knuc.

 

 

 

In 2005, gumanap siyang father ni Debra Messing sa hit sticom na Will & Grace. In 2018, lumabas siya sa Netflix comedy na The Kominsky Method. Nag-retire na siya for good from acting noong 2022.

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

TOM CRUISE UPS THE STAKES WITH DEADLIER STUNTS FOR NEW “MISSION: IMPOSSIBLE” FILM

Posted on: July 6th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

ON the first day of principal photography on Mission: Impossible – Dead Reckoning Part One, Tom Cruise drove a motorbike off a mountain. 

 

Specifically, he drove a custom-made Honda CRF 250 off a purpose-built ramp on the side of Norway’s Helsetkopen mountain, a vertiginous rock face sat some 1,200 meters above sea level. Then he plunged 4,000 feet into the ravine below before opening his parachute barely 500 feet from the ground.

 

 

Watch the Norway stunt featurette: https://youtu.be/YGrrrdwF9yk

 

 

When he landed, director Christopher McQuarrie, and the small crew of his Mission co-stars who had assembled to watch the seminal cinematic sequence from the safety of video village, breathed a collective sigh of relief. Then Cruise picked himself up and did it all again another seven times, just to make sure the footage was perfect.

 

 

Simon Pegg, a good friend of Cruise’s and who’s played Benji Dunn across several Mission movies, was on set the day his pal jumped that motorbike off that mountain, and he vividly recalls the terror of looking on, helpless. He will also, he says, never forget the rhyme he and the crew used to say, to keep spirits up, no matter how stressful it got. “On the day, when it happens, you’re just waiting to hear ‘good canopy,’” Pegg says. “Because, ‘If you don’t hear that, then Tom gone splat.’”

 

 

“Every time I went off the ramp, it was dangerous. It was risking my life. And we wanted to keep that to a minimum,” Cruise says. “We have a saying on Mission: Impossible movies: ‘Don’t be safe. Be competent.’” He says that of course knowing the extensive training regimens and rigorous safety protocols that surround every element of the production.

 

 

The stunt was, by any measure, the most dangerous of Cruise’s career – which is saying something given that in previous Mission films he has, among other jaw-dropping endeavors, swung around the outside of the world’s tallest building (Dubai’s Burj Khalifa, in Ghost Protocol), hung onto the side of an Airbus A400M while it was in flight (in Rogue Nation) and launched himself out of a Boeing C-17 Globemaster III from a height of 25,000 feet, opening his chute just 2,000 feet from the ground and becoming the first person ever to execute a High Altitude Low Opening – or HALO – jump on film (in Fallout).

 

 

After landing the epic motorbike jump, Cruise raises the bar with another unbelievable jump stunt in the film. One pivotal scene in the film finds Cruise’s Ethan Hunt in a situation where his only exit is, once again, to jump. However, it’s not quite that simple.

 

 

“We’ve made Missions together, and have done a lot of stunts. This is unlike anything we’ve done before,” Cruise said to prep the crew before completing one of the most dangerous stunts ever captured on film: Speedflying.

 

 

Watch the Speedflying featurette: https://youtu.be/HD9nq5wAJWM

 

 

Done by very few people around the world, the sport of speedflying involves launch by foot, gliding down mountainsides. It is similar to paragliding, however, it is done with a very small canopy – or wing, as it is called.

 

 

“Speedflying is one of the most dangerous sports in the world, and it was something we had been exploring for a long time,” McQuarrie shares. “One of the things that is particularly dangerous about speedflying is the close proximity to the ground that you’re flying. And the other is the risk that the canopy can collapse. It’s very unpredictable.”

 

 

McQuarrie adds, “The challenge when you are making any action film is normally hiding the fact that your actor is not actually doing the stunt and that a stunt man is performing it for them. The opposite is true for Mission: Impossible. We have an actor who does his own stunts and we’re constantly trying to develop technologies to show him doing it. And with speedflying this was an extremely, extremely difficult challenge.”

 

 

“I can’t wait for audiences to see it,” Cruise says as he smiles at the thought.

Watch Cruise perform death-defying stunts in Mission: Impossible – Dead Reckoning Part One, in cinemas July 12.

 

 

About Mission: Impossible – Dead Reckoning – Part One

Paramount Pictures and Skydance present a Tom Cruise Production a film by Christopher McQuarrie, Tom Cruise in MISSION: IMPOSSIBLE – DEAD RECKONING PART ONE

Directed by Christopher McQuarrie, based on the television series created by Bruce Geller.  Produced by Tom Cruise, Christopher McQuarrie. Executive produced by David Ellison, Dana Goldberg, Don Granger, Tommy Gormley.

Starrring Tom Cruise, Ving Rhames, Simon Pegg, Rebecca Ferguson, Vanessa Kirby, Hayley Atwell, Shea Whigham, Pom Klementieff, Esai Morales, Henry Czerny, Rob Delaney, Cary Elwes, Indira Varma, Mark Gatiss, Charles Parnell, Greg Tarzan Davis, Frederick Schmidt.

Opening in cinemas July 12, Mission: Impossible – Dead Reckoning – Part One is distributed in the Philippines by Paramount Pictures through Columbia Pictures. Connect with #MissionImpossible and tag paramountpicsph

(ROHN ROMULO)

OVP, dumipensa na pumasa sa audit ng COA ang mahigit P668K halaga ng biniling equipment

Posted on: July 6th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

DUMIPENSA ang Office of the Vice President (OVP) na na-validate at pumasa sa audit ng Commission on Audit (COA) ang procurement o pagbili ng ahensiya ng mahigit P600,000 na halaga ng mga kagamitan para sa mabilis na pagpapatayo ng ilang satellite offices nito na nauna ng pinuna ng komisyon dahil sa bigo umano itong sumunod sa procurement process.

 

 

Ginawa ng OVP ang naturang paglilinaw matapos i-call out ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers party-list Representative France Castro ang OVP kasunod ng ulat ng COA.

 

 

Una rito, base sa 2022 annual audit report ng COA, napag-alaman ng state auditors ang pagbili ng OVP ng Property Plant and Equipment (PPE) at Semi-Expendable Equipment na nagkakahalaga ng kabuuang P668,197.20 para sa satellite offices nito subalit bigo umano ang OVP na sumunod sa procurement law.

 

 

Ipinaliwanag naman ng OVP na ang mabilis na pagtatatag umano ng kanilang satellite offices nang walang sapat na equipment para mag-operate ay humantong sa desisyon ng OVP na agad na bumili ng naturang mga equipment gamit ang pera ng kanilang mga officer na binayaran din naman kalaunan ng OVP sa pamamagitan ng reimbursement.

 

 

Iginiit din ng OVP na wala naman umanong inisyu ang COA na notice of suspension o disallowance kaugnay sa nasabing procurement. (Daris Jose)